project 1

96
Hiwaláy Umunlád ang mga Pilipino - Independent Philippine Development, 1975 SI F. Landa Jocano ng Iloilo ang una sa mga pangunahing Pilipino na kinilalang nag-aghám sa Unang Panahón (archaeologists). Kakaibá ang nabuô niyáng sapantaha matapos ng matagál na pagsurì sa mga natuklás sa Pilipinas at karatig bayan mulâ pa nuóng panahón ng Amerkano. Bahagyâ ang katuturán, sa palagáy niyá, kung kailán at alín sa ibá’t ibáng sangkáp(materiales, ingredients) at kagamitán (tools) ang naunang pumasok sa Pilipinas, at alín ang sumunód, nuóng mga panahóng tinawag ng ibáng nag-aghám na lumà at makabagongkagamitáng bató at bakal. Higít na mahalagâ sa paglawak ng Unang Pilipino at pag-unlád ng kanyáng lipunan ang mga kagawian (cultural traits) nuóng tinawag niyáng panahón ngPagsimulâ (Formative) at panahón ng Paghugis (Incipient). Itóng mga kagawian ang nagíng tanging “Pilipino” nuóng sumunód na panahóng tinawag niyáng Pagsilang (Emergent). Bunga nitóng paniwalà, at upang maituwíd ang mga malî at kakulangán ng mga unang sapantaha tungkól sa pinagmulán ng mga Unang Tao sa Pilipinas, minungkahì niyá nuóng 1975 na nabuô at umunlád ang mga Unang Pilipino nang sarili (independent), hiwaláy sa pag-unlád ng kabihasnán sa ibáng bahagì ng silangang timog (southeast) Asia. At, ayon sa kanyá, ang Unang Panahón sa Pilipinas ay may 3 bahagì. 1. Simulâ ng Pagbuô- buô (Formative Period). Nagsimulâ 500,000 taón sa nakaraán nang unang dumatíng ang mga Unang naglakbáy nang malayò upang magkalakal (long distance trade), kayâ nagkaruón ng mgabatóng ihada ( jade), mga salamíng maník (abalorios, glass beads) at ibá pang alahas sa mga libingan nuón.

Upload: rizza-lazaro-vergara

Post on 26-Oct-2014

579 views

Category:

Documents


16 download

TRANSCRIPT

Hiwaláy Umunlád ang mga Pilipino   -   Independent Philippine Development, 1975

SI F. Landa Jocano ng Iloilo ang una sa mga pangunahing Pilipino na kinilalang nag-aghám sa Unang Panahón (archaeologists). Kakaibá ang nabuô niyáng sapantaha matapos ng matagál na pagsurì sa mga natuklás sa Pilipinas at karatig bayan mulâ pa nuóng panahón ng Amerkano. Bahagyâ ang katuturán, sa palagáy niyá, kung kailán at alín sa ibá’t ibáng sangkáp(materiales, ingredients) at kagamitán (tools) ang naunang pumasok sa Pilipinas, at alín ang sumunód, nuóng mga panahóng tinawag ng ibáng nag-aghám na lumà at makabagongkagamitáng bató at bakal. Higít na mahalagâ sa paglawak ng Unang Pilipino at pag-unlád ng kanyáng lipunan ang mga kagawian (cultural traits) nuóng tinawag niyáng panahón ngPagsimulâ (Formative) at panahón ng Paghugis (Incipient). Itóng mga kagawian ang nagíng tanging “Pilipino” nuóng sumunód na panahóng tinawag niyáng Pagsilang (Emergent).

Bunga nitóng paniwalà, at upang maituwíd ang mga malî at kakulangán ng mga unang sapantaha tungkól sa pinagmulán ng mga Unang Tao sa Pilipinas, minungkahì niyá nuóng 1975 na nabuô at umunlád ang mga Unang Pilipino nang sarili (independent), hiwaláy sa pag-unlád ng kabihasnán sa ibáng bahagì ng silangang timog (southeast) Asia. At, ayon sa kanyá, ang Unang Panahón sa Pilipinas ay may 3 bahagì.

1.  Simulâ ng Pagbuô-buô (Formative Period). Nagsimulâ 500,000 taón sa nakaraán nang unang dumatíng ang mga Unang Tao sa Tabon, Palawan, at tumagál hanggáng 250,000 taón sa nakaraán.       A.  Panahón ng Bató (Old Stone Age, Paleolithic). Nuón ginamit ang tipák-tipák nakagamitáng bató (stone tools) na natuklás sa ibá’t ibáng bahagì ng kapuluán.       B.  Makabagong Panahón ng Bató (New Stone Age, Neolithic). Simulâ ng pagkiskís at pagkinis sa mga kagamitáng bató. Nagsimulâ rin nuón ang pagpapasô (alfareria, pottery) atpagtaním (horticulture).

naglakbáy nang malayò upang magkalakal (long distance trade), kayâ nagkaruón ng mgabatóng ihada ( jade), mga salamíng maník (abalorios, glass beads) at ibá pang alahas sa mga libingan nuón.

3.  Pagsilang ng Kabihasnán (Emergent Period). Lumawak ang pagkalakal nang malayò at ang dapat asahang paglagô ng pakipag-ugnayan sa mga tao sa ibáng bahagì ng silangang timog Asia. Unti-unting pumanaw ang hiwaláy na pag-unlád ng mga Unang Pilipino hanggáng lubusang naglahò nuóng 1,800 taón sa nakaraán, nang pumasok ang dunong at kabihasnán ng India.

Mulâ nuón, ang pag-unlád sa Pilipinas ay kasabáy na lamang sa mga kapit-kapuluán, sakláw at nasulsulán ng mas maunlád na mga gawî mulâ sa India. Natatág ang paghanapang-buhay(economics), paglilipon (politica), pagsambá (religion) at ibá pang gawî ng lipunang Pilipino(Filipino society) nang bahagyâ lamang kaibá sa mga lipunan sa malayò.

2.  Pagkakaruón ng Hugis (Incipient Period). 2,300 hanggáng 1,000 taón sa nakaraán. Nagsimuláng umunlád ang kabihasnán sa Pilipinas. Napagbuti ang pagpapasô, nabuhay ang gawî ng paggamit ng mga tanging hugis at sariling mga palamutî (decoraciones, ornamentations). Nagsimulâ ang paggawâ ng mga kagamitán at ari-ariang bakal (metal artifacts) at, sa kauna-unahang panahón, ang mga Unang Pilipino ay

NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang PilipinoAng Nagmulâ Sa Bató Vestiges of the Philippines’ PrehistorySubalit lahát ng husay at tagintíng sa pagpa-pasô ng mga Unang Pilipino ay naglahò, nalugi sa pagdatíng mulá sa China ng  porcelana, na natumbasán subalit hindî nadaíg kailán man, kahit saán...     --William Henry Scott, 1984

HINDΠnakapaniwalà ang 2 Amerkanong nilayong magtayô ng paaralan at turuan ang mga kabataang Ifugao saKulangan, Mountain Province, nuóng 1913. Waláng pambilí ng sangkáp, pinasiyá niláng gamitin ang mga bató sa paligid. At waláng pambayad sa manggagawà, ang mga kabataan ang pinagtipák, pinaghugis at pinagtayô nilá ng gusalì. Napatigagal silá

sa husay ng mga bata, itinanghál pa sa National

Geographic Magazine sa America. Maaaring hindî

alám ng 2 Amerkano, ni ng mga Ifugao, na 1,200 taón sa nakaraán, mga katulad at hubád ding kabataan ang tumipák, humugis at nagtayô ng mga bató sa dambuhalang bantayog ng Borobudur sa pulô ng Java sa Indonesia. Baká hindî rin nilá alám nuón na inukit ng mga taga-Mountain Province ang kaniláng susón-susóng palayan (rice terraces) mahigit 2,000 taón sa nakaraán. Halimbawà itó ng hirap ng pag-unawà sa kakayahán ng kasalukuyang Pilipino nang hindî nalalaman ang karanasán ng kaniláng mga ninuno, sa Mountain Province at sa ibáng bayan nuóng Unang Panahon (prehistory).

5,000 Taón ng Pagdaragát ng Pilipino   -   ‘Nusantao’ Seafarers Theory, 1981DUMATÍNG si Wilhelm Solheim II sa University of the Philippines nuóng 1949 upang magturò at mag-aral kay Henry Otley Beyer. Sandalí siyáng nagsiyasat sa hacienda ng mga Zobel sa Calatagan, Batangas nuóng 1950 subalit ang pinaka-malakíng natuklás niyá ay ang yungíb sa Kalanay, sa kanlurang gilid ng Masbate mulâ nuóng 1951. Paulit-ulit niyáng binalikán at sinurì, patí ang isáng libingan sa bangà (jar burial site) at isáng torre. Nagsiyasat din siyá sa pulô ng Fuga sa Babuyanes nuóng 1952 at sa mga pulô ng Batan at Sabtangnuóng sumunód na taón. Nuóng 1981, hinayag ni Solheim ang kanyáng sapantaha ng mga Unang Tao sa Pilipinas, batay sa naunang sapantaha ni F. Landa Jocano, na binago at hinatì niyá sa 4 panahón:

1.  Laós na Panahón (Archaic Period). Nagsimuláng dumatíng ang tao nuóng hindî na matantóng panahón, hanggáng 7,000 taón sa nakaraán.

2.  Paghuhugis ng Pilipino (Incipient Filipino). Itinakdâ ang arawán, mulâ 7,000 hanggáng

naglakbáy nuóng Unang Panahón upang maibuklód sa iisáng kabihasnán (culture), o mabigyán ng iisáng pangalan.

3.  Simulâ ng Pagbuô-buô (Formative Period). 3,000 hanggáng 1,500 taón sa

3,000 taón sa nakaraán, nang naglakbáy ang mga Nusantao, ang mga magdaragát, mulâ saMindanao at mga kapuluán sa hilaga (north) ng Indonesia at sa timog ng Pilipinas. Binagtás ang buóng kapuluán, dumaán silá sa Taiwan at nakaratíng sa timog ng China.

Sang-ayon dito si Eusebio Dizon ng National Museum of the Filipino People dahil ang mga natuklás sa Pilipinas ay mas lumà at nauna sa mga nasa Taiwan at timog China. Masasabing mga taga-Pilipinas ang dumayo duón sa halíp ng kasalukuyang akalà na mga taga-China ang unang tumao sa Pilipinas. Subalit alinlangan ang maraming nag-aghám (scientist) na tanggapín ang panukalà ng ‘Nusantao.’ Lubháng hiwa-hiwaláy ang mga

nakaraán, nagsimuláng nabuô ang lipunan at kabihasnán ng Pilipino.

4.  Pagtatág ng Pilipino (Established Filipino). Mulâ 1,500 taón sa nakaraán hanggáng pagdatíng ng Español nuóng 1521. Kalakihan ng gawain, at karamihan ng mga dumatíng sa Pilipinas nuóng panahóng itó ay mga nagkakalakal.

Ipinaliwanag ni Solheim na maaaring magbago ang kanyáng sapantaha, lalo na ang mga takdáng araw ng bawat panahón, dahil sa patuloy na pagtuklás ng mga bagong katibayan sa ibá’t ibáng bahagi ng Pilipinas. Hindî rin daw sakop lahát ng mga natuklás na, sa kapuluán at sa mga karatig bayan.

Sapín-sapín ang mga Panahón ng Pilipinas   -   Asynchronous, Overlapping Development

MAHIGÍT 30 taón nagturò at nag-aral si William Henry Scott mulâ nang dumatíng sa Pilipinas nuóng 1954 hanggáng yumao nuóng 1993. Dalubhasà sa wikang Intsík, isá siyá sa mga unang naghayag ng ugnáy ng mga Unang Pilipino sa China [Basahin sa Nagpugay Ang Mga Datu Sa ‘Anák ng Langit’ at sa ‘Isáng Pahayag Tungkól Sa Mga Taong Ligáw’ sa website ding itó], sunód lamang kina Emma Helen Blair at James A. Robertson. Siyá ang bumuská nuóng 1965 sa Maragtas, alamát lamang at hindî tunay na kasaysayan, at sa Code of Kalantiyaw, lubusang huwád at gawâ-gawâ lamang ng isáng manlilinláng (swindler), si Jose E. Marco.

Ang pinaka-malakíng dagdág ni Scott sa kasaysayan ng Pilipinas ay ang pagsurì niyá sa mga Unang Pilipino, patí na sa pangkát ng Tasaday sa Cotabato nuóng 1972 at sa mgaIfugao ng Mountain Province sa tinagál ng pamarati niyá sa Pilipinas. Siyá ang pumuná na hindî tinapos ng Panahón ng Bakal ang malawak na paghugis at paggamit ng mga kagamitáng kahoy at bató, at nanatiling masigasig ang industria ng pagpa-pasô at palayók sa Pilipinas sa haráp ng pagpasok ng mga caserola at kawaling bakal. Dahil sa mahigít na 15 aklát na sinulat niyá, iginagalang siyá ngayón biláng bantóg sa lahát ng sumurì sa kasaysayan ng kapuluán. Nuóng 1968, at ulî nuóng 1984, nilathalà niyá sa kanyáng arawán (timeline) ang pagsapín-sapín ng mga Unang Panahón sa Pilipinas:

1.  Panahón ng Bató (Old Stone Age). tawagin itóng Panahón ng Metal (Metal

Nagsimulâ mahigít 30,000 taón sa nakaraán, maaaring mas maaga pa. Inabutan subalit hindî agád napalitán ng

2.  Makabagong Panahón ng Bató (New Stone Age). 4,710 hanggáng 1,821 taón sa nakaraán, bagamán at binanggit ni Scott na gamit pa ng mga Pilipino ang mga kagamitáng bató(stone tools) hanggáng pagpasok ng mga Amerkano nuóng 1898.

3.  Panahón ng Pagpapasô (Ceramic/Pottery Age). 3,275 - 1,800 taón sa nakaraán. Lubháng mahalagá sa kabihasnán at pag-unlád ng mga lipunang Pilipino. Bagamán at natakpán ngporcelana ng China at hindî na tanghál sa tahanang Pilipino, nanatiling masiglá ang pagpapasô, lalo na ang paggawâ ng palayók at bangà, sa buóng kapuluán hanggáng ngayón.

4.  Panahón ng Bakal (Iron Age). 2,300 - 1,000 taón sa nakaraán. Ang gintô at tansô(copper, bronze) ay naunang ginamit kayâ karapat-dapat

Age). Maaaring nagmina ng bakal (iron) ang mga Pilipino nuóng una, subalit daíg karamihan ng bakal ay mas murang bilhín sa Intsík na nagsimuláng nagkalakal nang palagian mulâ nitóng panahón. Gayón pa man, nanatiling bihirà ang kagamitáng bakal (iron tools) na maniwaring nagpabilís lamang, hindî nakadagdag sa kayang gawín ng mgaUnang Pilipino. May pahiwatig pang itinuring na mamahaling ari-arian (valuables) atparangál (status symbols) ang mga kagamitáng bakal. Kayâ mas angkóp sa Pilipinas na ipaluób na lamang itóng panahón sa nauna at mas matagál na Panahón ng Pagpapasô.

5.  Panahón ng Porcelana (Porcelain Age). 1,100 taón sa nakaraán hanggáng katapusán ng panahón ng Español nuóng 1898, mahigít lamang 100 taón sa nakaraán. Bagamán at masasabing hindî na bahagì ng Unang Panahón (prehistory) ng Pilipinas, itó ang favorito ni Scott at, sa dami ng porcelana na ipinasok sa Pilipinas hindî lamang mulâ China kundì patí mulâ sa Thailand, maniwaring  favorito rin ng maraming Pilipino.

TULAD ni F. Landa Jocano, maraming nag-aghám sa Unang Panahón (archaeologists) ang naniniwalang hindî sapát ang pagbakás sa urì at gawî ng mga kagamitán (tools)

mulâ bató hanggángbakal. Ni hindî angkóp, sa palagáy nilá, upang sukatin ang paglawak ng mga Unang Pilipino at pag-unlád ng kaniláng kabihasnán. Pinaka-malakíng kakulangán ang panahón ng palay (rice) at ang bisà ng pagsaka (wet rice farming) sa nakaraáng buhay Pilipino.

Mga kagamitáng kahoy (wooden tools) pa ang pang-saka ng mga Bontoc at mga Ifugao sa kaniláng susón-susóng palayan (rice terraces) sa Cordillera hanggáng nitóng nakaraáng 50 taón. Katunayan, sa daán-daán taón na tinagál ngPanahón ng Bakal, mga gawî pa ng Panahón ng Bató ang sinunód ng mga Pilipino sa pagpakain sa mga sarili at sa mgaamo (masters) niláng Español, at mga kagamitáng bató pa ang ginamit nilá sa pagtayo ng mga bahay nilá at mga palaciong Español, ng mga caracoa ng kaniláng mga datu, ng mga pader ng Intramuros at mga simbahan sa ibá’t ibáng bahagì ng kapuluán.

Tulad sa mga kabataang Ifugao sa Kulangan, Mountain Province, nuóng 1913, napabilís lamang at hindî nadagdagán ng mga kagamitáng bakal ang kakayahán ng mga tagapulô na umukit sa mga bundók ng kaniláng mga palayan nuóng walâ pang catholico sa mondo.

 NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Pilipino

Patuloy Ang Pagtanáw Sa Naglahò The Ongoing Beginning and End of Ages in the Philippines

Kahit kauntî at kalát-kalát, naratíng at pinamahayan ng mga Unang Pilipino ang buóng kapuluán nuón pang 10,000 taón sa 

nakaraán. At mahigít 3,000 taón sa nakaraán, naka-ukit na ang mga taong bató ng palayan (rice terrace) sa Banaue, Ifugao. Sumilong silá sa mga yungíb subalit nag-bahay din, baká nagtatág pa ng mga baranggáy -

natuklás sa “ligáw” na puók ng Tanjay sa Negros Occidental ang pahiwatig ng 6 sahíg ng bahay bawat kilometro cuadrado. Sa libu-libong

taóng nagdaán, naagnás nang lahát ang kahoy, kawayan at nipa ng mga bahay subalit ang takíp ng iláng kabaong na

bangà sa Cotabato ay hugis bubóng ng karaniwang bahay kubo. Nawalâ na rin ang karamihan ng mga industria nilá,

ang mga buslô (baskets), lubid (rope), lambát (net), panà at palasó (bows and arrows), patibóng (traps), pampigâ ng

tubô (sugarcane presses), araro (plows) at pambayô ng palay (rice huskers). Kailangan pang matuklás ang

karamihan ng kaniláng pagkain, at kailán at paano dumatíng ang bigás sa Pilipinas...   --William Henry Scott, 1984

NUÓNG 1983, natuklás ni Connie Bodner ng University of Missouri sa America ang tinahanan (settlement) ng mga Unang Tao (archaeological site) sa Fekes, sa Tucucan, Mountain Province, nuóng 1,440 taón sa

Nagambalà ang Pagsiyasat

NINAKAWAN ang yungíb na ginamit na libingan 3,000 taón sa nakaraán. Bandáng 7 kilometro lamang mulâ sa kasalukuyangmunicipio, ang yungíb ay nasa Sitio Linaw sa baranggáy

ngKiambing, Maitum, sa Saranggani,Mindanao. Baság-baság nang lahát ang mga pasô, palayók at bangà na ibinurol sa yungíb. Nanghinayang siná Eusebio Dizon, Rey Santiagoat ibá pang mulâ National Museum of the Filipino People na nagsiyasat nuóng 2002. Baká hindi na matuós kailán inilibíng ang mga Unang Pilipino duón.

nakaraán. Walang gumambalà sa puók (in situ), at natagpuán ni Bodner ang mga kagamitáng bató (stone tools), mga pasô(ceramics) at pinandáy na bakal (worked iron). Mahalagá sa lahát ang mga kidkiran (huso, spindle whorls) ng sinulid (hilo, thread) na gawâ, paniwalà ng mga nag-aghám (scientists), sa bulak (algodon, cotton).

Ang pagsulid ng pisì (cuerda, twine) at lubid (soga, rope) ng

ibáng himaymay ( fibers) sa Pilipinas, tulad

ng bunót ng niyóg(coconut husk) at ng abacá (Manila hemp), ay pini-pilipit ng kamáy sa hità (thigh) o habang nakatalì sa punong kahoy. Tanging bulak na may sarili nang pilipit ang nasusulid sa kidkiran. Kayâ ang mga natuklás ay katibayang matagál nang naghabì ng telang bulak (cotton cloth) sa Pilipinas, at ang makukulay na tela ng mga taga-hilagang Luzón ngayón ay nagmulâ sa dunong ng mga Unang Tao halos 2,000 taón, maaaring higít pa, sa nakaraán.

Katibayan din ang kidkiran, pasô at pabigát sa lambát (fishnet sinkers) ng 3 mahalagáng industria nuóng Unang Panahon - pangisdâ (fishing), paghabì(weaving) at pagpa-pasô (ceramics).

Dapat bang Siyasatin?

HANGGÁNG 120 taón sa nakaraán, inibá ang hugis ng ulo ng mga tao sa maraming bahagì ng Pilipinas. Karaniwang lumalaki nang

pabilog ang bungô, subalit natuklás na pina-uslí nang pahabà ang mga bungô

sa Albay,Marinduque, Surigao, Samar, Bohol,Tablas, Davao at Samal, subalit hindî alam kung bakit.

Dating gawî nuóng Unang

pagka-maharlika (high status) nilá.

Hindî tantô ang ugnáy, kung mayruón man, sa paghugis ng ulo sa Pilipinas, subalit nahulaan ang dahilán ng kakaibáng pagburol sa 2 kalansáy na natuklás sa Butuan. Ang isá ay nakahigâ nang tihayà. Ang pang-2 kalansáy ay nakaupô sa tabí at nakaharáp sa unang kalansáy. ‘Amo’ raw ang unang bangkáy at ‘alipin’ ang pang-2. Kailán dumatíng sa Pilipinas itóng ‘panahón ng pagha-harì?’

Panahon saPeru at ibá pang bahagì ng South America ang talian ng kahoy ang ulo ng mga sanggól upang lumakí ang bungô nang pahabà, takdâ ng

Samantalà, natuklás sa Batangas ang kalansáy ng kabayo at aso mulâ nuóng Unang Panahón. Kapwà pagkain itó ng mga unang tao. Ulat ng mga Español pagdatíng mulâ nuóng 1565 na waláng kabayo sa Pilipinas. Sa mga sumunód na taón, napilitan siláng bumilí ng mga kabayo mulâ sa China, at ang mga anák-anakán ng mga itó ang sinisingkáw sa mga calesa nuón at ngayón. Bakit naglahò ang dating mga kabayo sa Pilipinas? Dahil sa lupít ng kalikasan o sa gutom ng mga unang tao?

NAPATUNAYAN ng mga nag-aghám (scientists) na gumagamit ng bató at kahoy ang ibon at hayop, patí na ang mga bakulaw (apes), at nagtataním at nag-aanì (harvest) ang mga langgám (ants) at ibá pang hanip (insects).

Ang paggawâ ng bahay (nest building), paglikas(migration), kahit na ang pagsalakay (invasion) at digmaan(war) ay ugalì rin ng mga hayop at hanip. At natutong gumamit ng apoy (fire) ang nakakatindíg na tao (homo erectus)

Ang Naunang Panahón ng Hindî-pa Tao

700,000 taón sa nakaraán [hayag sa Kalansáy niná Eva At Adán sa website ding itó], nuóng hindî pa ganáp ang pagbabago (evolution) upang magíng kasalukuyang tao (modern humans). Kayâ hiráp ang mga nag-aghám tantuín kung kailán, bakit at paano tayo nagíng tao, sakaling tayo man ay maglahò (extinct) tulad ng ating mga ninunong hindî-pa tao (proto-humans). Isáng pinu-puntiryá nilá, tamà o malî, ang paggawâ ng kagamitáng bató (stone tools) nuóng unang panahón, nang hindî lamang ginamit kundî hinugis ang mga natagpuán bagay ayon sa anyô (shape) na kathâ sa utak lamang. Ang hirap: Hindî sabáy-sabáy ang paggawâ sa bató sa daigdíg, magíng sariling tuklás (invention) o ginaya mulâ sa ibáng tao na lumikas mulâ sa mga lupaín sa paligid. Hindî rin sabáy-sabáy natapos ang panahón ng bató (Stone Age).

‘Lumang’ Bató,

TULAD sa ibáng puók ng daigdíg, waláng gamit ang mgaUnang Tao sa Pilipinas kundî pinatulis na bató. Maigi at maraming bató sa

‘Bagong’ Bató

(seafood) at mga hayop. Sa pagdaán ng libu-libong

natagpuán nang ganuón. Hindî tiyák kung kailán nagsimulâ angbagong panahón maliban sa

kapuluán, tulad ng batóng ilog, batóng buháy at batóng ihada (jade) na nabibiyák nang matalím kapág tinapyás o binasag. Matalas, mainam ang mga itó napangkatay (butcher) ng pagkain-dagat

taón, natuto ang mga Unang Tao na kinisin ang kaniláng mgakagamitáng bató, ang simulâ ng tinatawag ngayóng Bagong Panahón ng Bató (Neolithic o New Stone Age). Higít na kaibahán, lantád sa paghugis at pagputol sa mga bató, na itó ay ‘ginawâ’ at hindî basta na lamang

tantiyáng halos 6,000 taón sa nakaraán ginawâ ang mga natuklás sa mga yungíb sa Palawan,Masbate at Sorsogon. Tumagál ang panahón hanggáng 1,800 taón sa nakaraán. Saklób daw nitó lahát ng natuklás sa mga yungíb at libingan, mulâ sa mga bundók ng Cordillera sa Luzón hanggâng sa mga pulô ng Basilan at Sulu.

Simulâ at Kapatusán ng mga ‘Panahón’

ANG pira-pirasong bakal ay hindî katibayan ng “panahón ng bakal,” at ang mga pader (walls) ng Intramuros ay hindî katibayan ng “panahón ng bató.” Dapat unawain na ang mga “panahón” ng bató at bakal ay sukat, hindî ng tagál ng oras o dami ng taón, kundî ng pag-iibá ng gawî at gamit, at ang pag-unlád ng kabuhayan at kakayahán ng mga naunang tao. At ang simulâ ng “bagong” panahón ay hindî takdâ ng pagtapos ng “lumang” panahón. Una, hindî sabáy-sabáy ang mga “panahón.” Sa ibáng bayan, ang panahón ng “bagong bató” ay pahiwatig ng pagtatanim (agriculture) na iláng libong taón na sa Pilipinas bago gumawa ng “makabagong kagamitáng bató” ang mga Unang Pilipino.

Isâ pa, may mga puók na hindî nakaranas ng “panahón” na naganáp sa ibáng lupain, gaya ng Pilipinas na hindî nagkaruón ng tunay na “panahón ng bakal” (Bronze and Iron Ages). Patunay: Ang unang gintô, tansô at bakal (iron) sa Pilipinas ay natuklás saPalawan kasama ng mga kagamitáng hugis “lumang bató.” Sa Bontoc, Mountain Province, sama-samang iniwan ang mga pinagtabasan ng bató at pira-piraso ng pinandáy na bakal 1,500 taón sa nakaraán. Sa Samar, gumawâ ng kagamitáng bató ang mga taga-ilog Basey 700 taón lamang sa nakaraán, habang gumagamit

Ang Halagá ng Pagpa-pasô

MAHALAGÁ ang simulá ng pagpa-pasô (pottery), sunód lamang sa paggamit ng bató (stone tools), sa kasaysayan ng pagtanyág ng mga Unang Tao (first peoples) sa Pilipinas, at sa buóng daigdíg. Paniwalâ ngayón na ang pagpapasô (Age of Pottery) ang unang hakbáng patungo sa kabihasnán(civilization).

Sa Pilipinas, higít sa lahát, itó ang takdâ ng pamahay nang palagian (settlements)

ang mga kapitbahay nilá ng bakal at porselana mulâ saSung dynasty sa China nuóng 960-1278. Sa tabí ng Zamboanga namán, magkasama ang mga gamit na bató at mga pasô(ceramics) na ginawâ sa Thailand 200 taón lamang bago dumatíng ang mga Español.

ng mga Unang Pilipino - ang mganagpalaboy-laboy (hunters-gatherers) sa paghanap ng hayop at halamang pagkain ay hindî gumawâ o nagbitbít ng mga palayók at bangà(pots and jars). Sa Pilipinas, angpagpa-pasô at ang paghabì ng buslô (basket weaving) ang 2 pahiwatig ng simulâ ng pagtataním (agriculture).

  PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO:   The Stone, Bronze and Iron Ages

Panghilod, Pandikdík, Panaksák 

Kahoy, Butó, Bató At Bakal: Gamit Ng Mga Unang Tao

Marami sa mga Pilipino sa luoban ng Luzon at Mindanao ang nasa gawî pa

ng Makabagong tag-bató nang dumatíng ang mga Español nuóng 1521.

Dahil mahál ang bakal, maraming carpintero at masón 

ang gumamit ng bató na pantaga at pamputol hanggáng nuóng panahón ni Jose Rizal.

SALALAY sa pag-unlád ng tao ngayón ang kakayaháng magpandáy ng iba’t ibáng bakal. Nuóng Unang Panahón (prehistory), ang mga tao ay gumamit ng matitigás na bagay bilang pampukpok at, sakaling nakapulot ng matalím na bató, butó o kahoy, panghiwà. Pagtagál ng panahón, natuto siláng gumawâ at gumamit ng panà (bow) at palasó (arrows), at talian ang mga sibát nilá ng tusok, karaniwang gawâ sa pinatulis na butó ng hayop o batóng buhay ( pedernal, flint). Ang panahón bago natuklasán ang paggamit

sa bakal ay tinawag na Tag-bató o Panahón ng bató (Stone Age), na hinatì sa 3 ayon sa hugis ng pinatulis na bató at ugalì ng mga gumamit na tao: 1.   Makalumang tag-bató (Paleolithic), bandáng 2½ milyon taón sa nakaraán 2.   Gitnaang tag-bató (Mesolithic), mula nuóng 100,000 taón sa nakaraán, naging mas mabisà ang mga gamit 3.   Makabagong tag-bató (Neolithic), simula nuóng 8,000 taón sa nakaraán, inukol ng marami sa pagtataním       (horticulture, agriculture) ang paghugis at paggamit sa bató, at humiwaláy sa ibáng tao na nanatilì sa mga gawî ng Gitnaang tag-bató.

NUÓNG unang

bahagì ng makalumang tag-bató,karaniwang ang mga napulot sa tabi-tabí ang ginamit ng mga tao. Ang mga natuklás ng mga nag-aghám (scientists) mula sa panahóng iyon ay mga bató na matalím o matulis nang talagá ang

gilid, at binitbit upang magamit uli. Sa pagtagál ng panahón, natuklás ng mga unang tao ang paghugis ng bató upang maging matalím o matulis. Nauso ang paggamit, at kalakal, ng batóng buháy sapagkát

lubháng matalím (higit pa sa talím ng bakal sa kasalukuyan) at nagtatagál ang talas nitó. (Nang nagawî na ang paggamit sa bakal, natuklás ng mga tao na kikisláp ang batóng buháy kapág kiniskis sa bakal - ang unang posporo o pang-sindí ng sigâ.)

Masagana na ang kagawián (culture) ng mga

Nag-alagà rin silá ng mga hayóp, mga ligáw na pinaamo nilá at pinalakí upang makain pagdatíng ng panahón.

Nagbaranggáy silá nang hiwa-hiwaláy, karaniwang 400 kilometro ang pagitan. Bandáng 25 o 30 katao ang pangkát sa bawat baranggáy sa mga cueva o kumpol-kumpól na silungán (lean-tos), karaniwan sa tabí ng ilog o lawà (laguna, lake) na nakukunan ng tubig inumín. Nanga-ngahoy (hunted) silá sa luoban o nangi-ngisdâ (fished) sa dalampasigan. Marunong siláng gumamit ng mga ligáw

na halaman sa paligid bilang gamót, kagamitán at pagkain.

Sa habà ng panahón, natutunan niláng itaním ang mga halaman upang dumami ang pagkain, at upang madala ang mga ugát o butó sa ibáng puok. At nang hugisan nilá ang mga bató, kahoy at butó upang magamit sa pagtataním, nagsimulâ

tao nuóng gitnaang tag-bató. Sa Europa, naungkát ang paggamit nilá ng mga salakót na may sungay ng usá (deer) sa kaniláng pagsayáw at pagsambá. Namangká silá, gamit ang inukang punò ng kahoy at ang tusok ng kaniláng sibát at palasó ay ginamitan nilá ng pandikít, dagtá ng mga halaman, sa halíp ng nakatali o nakaipit lamang sa patpát.

angmakabagong tag-bató. Sinunog nilá ang sukal ng gubat upang malinis ang tatanimáng bukid o gulód, ang tinatawag, at ginagawâ pa ngayón, na kaingin. Nuón nagsimulâ ang paggawâ ng mga palayók at pagtayô ng mga bahay. Lumagô at lumawak ang kalakal ng magkakalapít na baranggáy. Mula 5,000 taón sa nakaraán, nagsama-sama at nagtulungán ang mga tao at nagtayô ng malalaking gusalì at monumento.

Panahón ng Tansô (Bronze Age)

ANG tansô (copper) ay malambót na bakal na madalíng natatagpuán sa pali-paligid. Halos kasabáy ng pagtataním, sinimuláng gamitin ito ng mga Unang Tao, pinipitpít upang maging alahas, sandata o kagamitán (tools). Bandáng 7,000 taón sa nakaraán, nagsimulâ ang pagtunaw satansô upang ihiwaláy sa kahalong bató o lupà. Lumaganap ang paggamit sa dalisay na tansô (pure copper) sa umuunlád na kabihasnán sa Thailand, Egypt, China at sa Peru, ang kaharián ng Inca sa kasalukuyang South America. Duón at nuón din unang natuklás at ginamit ang kakulay na bakal, ginto (gold), higit na mahalagá sapagkát hindi kinakalawang (corrode).

Shang nuóng 3,766 hanggáng 3,050 taón sa nakaraán. Mas maaga, bandáng 4,000 taón sa nakaraán, naganáp ang panahón ng Bronzesa Gitnaang (Central) Asia, sa

kasalukuyang Turkmenistan,Afghanistan at silangang Iran. Natuklás nuóng 1964 na nag-panahón din ng Bronze sa Ban Chiang, hilagang Thailand. Unang akalà nagsimulâ 5,600 taón sa nakaraán, bago pa nag-panahón duón ng pagpa-pasô (Ceramic Age). Naganáp nga nang sarili(independent) subalit napatunayang sumunód lamang, hindi mas maaga kaysa sa China.

Pinaka-matagál ang panahón ng Bronze sa Middle East. Kasabáy nuóng 5,300 taón sa nakaraán ang pagsibol ng malakás na mga kaharián

Bandáng 5,500 taón sa nakaraán, sa iba’t ibáng bahagi ng daigdig, natuklás na mas matigás ang lumalabás na tansô kapág tinunaw kahalò

ng lata (tin). Ito ang tinawag na bronze (sa Pilipinas,tansô pa rin ang tawag), at nuón nagsimulâ angPanahón ng Tansô (Bronze Age), nabantog sa mga saysáy ni Homer ng mga mandirigmáng nagsandata ngbronze, sina Achilles at Ulysses laban kay Hectorat ang mga Trojans sa Troy.

Ang panahón ng Bronze sa China ay kasabáy ng paghahari ng angkán (dynasty) ng mga

sa Mesopotamia (ang mga tinatawag ngayóng Syria, Jordan at Iraq) at sa Egypt. Sumunód sa kanilá ang panahón ngBronze sa Levant (Lebanon ang tawag ngayón) at sa Anatolia(bahagì ng Turkey ngayón). Tinuturing na natapos ang panahón ng Bronze sa bahaging iyón ng daigdig nang umagos ang mga dayuhan nuóng bandang 3,200 hanggáng 3,100 taón sa nakaraán, kasabáy ng simulâ ng tinatawag ngayóng panahón ng bakal (Iron Age).

Kung kailán lamang, tapós na ang panahón ng Bronze, natuklás na kapág zinc sa halip na lataang tinunaw kahalò ng tansô, mas mala-gintô ang lumalabás na bakal, tinawag namáng brass, tinawag ding tansô sa Pilipinas.

Panahón ng Bakal (Iron Age)

NAGBAGO nang malakí sa paligid ng dagat Mediterranean, sa pagitan ng Europe at Africa, bandáng 3,500 taón sa nakaraán. Malamáng sa bayan ngayón ng Turkey, natuklás ng mga naunang tao, ang mga Hittite, ang pagpandáy ng bakal (iron).

Natuklás nitóng nakaraáng 30 taón na baká mas maaga ang panahón ngbakal sa Ban Chian sa Thailand, nagsimulâ 4,000 taón pa sa

pang dumí. Kailangan pang mas mainit upang matunaw

ang bakal.Pagkatapos, dapat pukpukín at initin paulit-ulit itó upang maalís lahát ng dumí.

Hindî alám ngayón kung paano natuklás ang paraáng itó, subalit sa luob ng 500 taón, lumawak ang pagpandáy at paggamit ng bakal sa buóng Asia at Europe, hanggáng

nakaraán, nuóng panahón ng tansô (Bronze Age) duón.

Mas mabuting gamit at sandata ang bronze subalit mas maramingbakal, bagamán at kahalo lahát ng lupa, bató at ibá

nakaratíng itó nuóng bandáng 2,000 taón sa nakaraán sa Scandinavia, ang lupaín ng mga Viking sa tuktók hilaga ng Europe.

Hindî nakaratíng ang pagba-bakal sa America kundî nuóng pagdatíng ng mga taga-Europe,simulâ kay Christopher Columbus (Cristobal Colon sa mga Español na nagpundár sa kanyáng paglakbáy) nuóng 1492.

Mga Panahón Patungo sa Kabihasnán

ANG itinuturing na kabihasnán (civilization) ay iyóng bahagì ng kasaysayan (history) nang natuto na ang mga tao na tiyakín ang sagana ng pagkain sa pag-amo at pag-alaga ng hayop at, mas mahalagá, sa pagtaním at pag-ani ng piniling mga halaman. Habang natuto ang mga tao, naganáp ang 2 nagtulak sa kanilá patungo sa kabihasnán: (1)  pagtigil ng mga tao sa isáng puók, at (2)  pagtatangì o pag-iibá ng dunong at gawain ng mga tao - may nagíng carpintero omasón, nagsaka o nangisdâ ang ibá, ang ilán ay nagkalakal, nagpandáy o sumunód sa ibá pang pag-bihasâ (expertise).

Mapanganib ang dating palaboy-laboy na buhay, sunód sa paglimayón ng mga hayóp (animal migration) o paghinóg ng mga halaman (fruiting seasons), natuklás kailán lamang na gawî rin sa Africa ng mga elefante at mga gorilla. Sa pagtigil nang palagì (permanent settlement) sa isang puók, nabawasan ang panganib at napagbuti ang kaligtasan at payapà.

Sa pagdami namán ng pagkain, lumilitáw na hindî lahát ng tao ay kailangan sa pagtaním at pag-ani. Nagbihasâ ang mga tao sa iba’t ibáng gawain na nagpayaman sa mga gawî at ginhawa sa buhay sa baranggáy (village).

Itóng paglitáw ng

mga bihasâ (artisans), higít sa lahát, ang pahiwatig ngkabihasnán. Sa mga unang kasaysayan ng daigdíg, naganáp itó sa 4 na sagana sa pagkain - sa putikán ng ilog Nile sa Egypt, sa mayayabong na libís ng ilog Tigris at Euphrates, nasa Iraq ngayón, sa landás ngilog Ganges sa libís ng Indus sa India at sa mga pampáng ng ilog Huang He (Yellow River) sa China.

Nuóng makalumang tag-bató, lubháng abalá ang mga nangahoy atnamitás (hunters-gatherers) at hindî nakapag-bihasâ (civilisado). Ang mga mas maunlad ang kagamitán at mas sanay sa tulungán nuóngmakabagong tag-

bató ang nagpasimulâ sa kabihasnán. Bagamán at hindî nakaratíng sa lahát ng tao, tinamasa ang mga ginhawa ng magkasunód na panahón ng tansô at bakal sa paglawak ng mga gawî ngpagpandáy.

Marami pang ‘panahón’ ang ibininyág sa mga nakaraán - at ngayón daw ay panahón ng paglikas sa daigdíg (Space Age) subalit, sa kasaysayan ng tao, nasa panahón ng bakal pa rin tayo.

  NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Pilipino

Hanggáng Sa Mga Yungíb Ng Tabon Ang Simulâ Ng Panahón Ng

Pilipino

Bandáng 1 milyón taón sa nakaraán, nagsimuláng lumikas ang mga unang

tao galing sa Africa. Pagkaraán ng libu-libong taón, nakarating silá sa kadulu-

duluhan ng timog silangang Asia. Natawid nilá ang dagat hanggáng Java, Bali at ibá pang puló sa gilid ng malawak na dagat (Pacific Ocean)... Ayon kay Wilhelm

Solheim ng University of Hawaii, ang mga taga-Borneo, Sulawesi at timog

Pilipinas ang nagíng mga Nusantao - ang mga magdaragát...   --Keith Rankin, Out of Eden: a Multi-Millennial Story, Rankin File, Enero 13, 2001

MAAARING tutuó na ang Panahón ng Pilipino, ang pagdating ng unang tao sa Pilipinas, ay nagsimulâ nuóng kalahating milyón taón sa nakaraán, kasabáy ng mga nakakatindíg na tao (homo erectus) sa mga kapitbayan, ang Taong Java (Java Man) sa Indonesia at ang Taong Peking (Peking Man) sa China. Batay ang sapantaha (theory) ni H. Otley Beyer, kilalang nag-aghám sa simulá ng tao (archaeologist), sa mga nahukay niyá sa Novaliches, Rizal, nuóng 1926 -

mga kagamitáng bató, malinaw na gawâ ng

tao (man-made stone tools), akalang kaugnáy ng 3 ipin (teeth) ng stegodon, muntíng elepante sa Pilipinas na naglahò (extinct) bandáng 400,000 taón sa nakaraán. Ngunit sa pagsurì ng mga nag-aghám (scientists) mulá nuóng 1926, waláng napatunayang ugnayan. Umasa ulî nang tinuklás ni Inocentes Paniza sa libís ng Cagayán (Cagayan Valley) nuóng 1967 ang mga kagamitáng bató at mga nagbatóng butó ( fossils) ngstegodon, rhinoceros, dambuhalang pagóng (giant turtles) at ibá pang hayop na naglahò na rin. Subalit walá pa ngayóng linaw ang gulang ng mga nahukay sa Cagayán.

Anumán ang mahayag sa mga daratíng na araw, malinaw na 50,000 taón sa nakaraán, tunay na nag-Panahón ng Pilipino sa Palawan na

kabít (connected) nuón sa lupaín ng Asia. Mahigít 40,000 taón humugis ang mga Unang Pilipino duón ng mga karaniwangkagamitáng bató (simple stone tools). Hindí matiyák kung nagmulá lahát sa Palawansubalít bandáng 10,000 taón sa nakaraán, kalát na ang mga taong bató sa daán-daángpamahayan (settlements) sa ibá’t ibáng bahagì ng Pilipinas - sa Sulu, Zamboanga,Davao, Negros, Samar, Batangas, Laguna, Rizal, Bulacan, Cagayán, at patí saluók ng Palanan (Palanan Bay) sa silangang gilid ng bundukin (mountain range) ngSierra Madre. Sa Novaliches lamang, 29 pamahayan ang natuklás ni Beyer, 79 pa sa paligid ng lawà ng Laguna (Laguna de Bay) at 120 sa Rizal at Bulacan.

Hindî pinagbuti (improvements) ng mga Unang Pilipino ang paggawâ sa bató hanggáng 7,000 taón sa nakaraán nang, paniwalà ngayón ng mga nag-aghám(scientists), nagsimulâ ang pakipag-ugnayan ng mga tagapulóng timog(Austronesians), balík-balikang naglakbayan sa Kalimantan (tawag sa Borneo ngayón), Sulawesi (ang dating Celebes) at ibá pang kapuluán ng Malaysia at Indonesia. Sa sumunód na 2,000 taón, ipinasok ng sari-saring pangkát ang kani-kaniláng gawî(traditions) at ibá’t ibáng wikà (languages) -

ANG MGA KABANATA

1.  Sa Mga Yungíb Ng

Tabon Simulá ng panahón ng Pilipino 24,000 taón, 

o maaari kayang 500,000 taón, sa

nakaraán

2.  Tao ng Tabon, Taong Bató 

24,000-taón bungo sa Palawan at 40,000-

taón bungo sa Borneo bago nag-Panahón ng Maláy

3.  ‘Hindî Negrito’ na Hindî rin

‘Intsík’ Pagsurì sa mga Unang Pilipino, hindî naibá sa mga taga-silangang

timog Asia ngayón

4.  Tasaday: Bagong ‘Taong

Bató’ Wala dayà: Pag-

aninaw sa Mindanao kamakailán 

ng buhay at pagkain nuóng Unang

Panahón

5.  Mga Gamit Na Bató Ng Pilipino 

Mga natuklas na pinamahayan ng 

mga Unang Pilipino sa buóng

kapuluán

inihalò o ipinalít sa mga wikà at gawî ng mga Unang Pilipino. Bitbít din nilá ang mga mas mabuting sa paggawâ ng kagamitáng bató, at ang nga-nga (betelnut chewing) hanggáng 5,000 taón sa nakaraán, halos lahát ng Pilipino ay nag-nga-nga na rin, patí mga batà.

Nabihasa ang mga Unang Pilipino sa pagputol (sawing), paghugis (shaping), pagbutas (drilling) at pagkinis ( polish) ng kahit pinaka-matigás na bató, tulad ng batóng ihada ( jade). Nasanay din, 3,000 taón sa nakaraán, na gumawâ at magsuót ng alahas na bató, kabibi (seashell ) at bahay ng pagóng (turtle shell) - at tisà (clay). Natanyág ang mga Pilipino sa pagpapaso, (pottery) ng ibá’t ibáng lakí at hugis ng palayók (pots and pans), tapayan (jugs) at bangà (jars). Pinagandá ang ibá at ginamit na kabaong ng patáy, o sisidlán ng mga butó pagka-agnás ng bangkáy. Tangì sa Pilipinas at Indonesia, nakaabot ang gawî ng paglibíng sa bangà (jar burials) sa Vietnam at sa timog ng China.

At 2,300 taón sa nakaraán, nagsimuláng nagpandáy (smithing) ang mga Unang Pilipino ng gintô (gold),tansô (bronze and copper) at bakal (iron). Maliban sa gintô, karamihan ay nanggaling sa mga kapitbayan sa paglawak ng kalakal nuóng panahón ng porcelana at sandata. Itó ang lagáy ng kapuluan nuóng natapos angUnang Panahón (prehistory) at nagsimulâ ang Kasaysayan (history) sa Pilipinas. O, natapos bang talagá?

Libu-libong Taong Bato ang namumuhay pa ngayón ayon sa mga gawi at gamit ng Unang Panahón. May mga bahagì ng Pilipinas na hindî narating ng kabihasnan o naisali sa kasaysayan. Panahón pa ng Español, tulóy nuóng panahón ng Amerkano, siniyasat na ang kalikasan at Unang Panahón sa Pilipinas ng mga nag-aghám(scientists) at manalaysáy (historians) mulâ sa America, kabilang sina Dean C. Worcester, Carl Guthe,Henry Otley Beyer, Robert Bradford Fox, Wilhelm Solheim II at William Henry Scott. Pagkaraán ng panahón, tinulungan silá nina F. Landa Jocano, Eusebio Dizon at ibá pang Pilipinong nag-aghám.

Sa sikap nilá, tanghál na pinaka-nausisang bayan ang Pilipinas sa buóng silangang timog (Southeast) Asia. Pinagbatayan ang mga pahayag nilá ng mga nag-aghám sa pagsiyasat sa ibá pang panig ng Asia at dagatPacific kahit salu-salungát ang mga sapantaha nilá. Itinuturò pa sa mga

6.  Ang Mga Taga-Cagayán

Nuón Naglahò ang mga

hayop. Nakaabot sa Nueva Ecija ang mga Taong Bató

7.  Palayók, Pasô at Bangà 

Nagíng industria ang pagpa-pasô, 

simulâ ng pagta-taním, pagba-bahay

8.  Lakbáy Pa-‘Kabiláng

Buhay’ Kaibáng paglibíng sa bangà, kaugnáy sa 

paglalayag; inilarawan ang mga patay

9.  Mga ‘Mummy’ ng Pilipino 

Pinatagal ang bangkay, 2 ulit na pagburol,

paghiwa-hiwaláy sa mga kalansáy

10.  Panahón ng Pag-alay sa Patáy Inilibíng kasiping ang

mga ari-arian, mga ‘status symbol’ at 2 urì ng ‘maharlika’

11.  Hikaw Lingling-o, Fabric

a ng Alahas Export sa Vietnam,

mas minahalagá ang imported, pagawaan ng jade sa Batanes

12. ‘Panahón’ Ng Gintô, Tansô At

Bakal 

paaralan ngayón ang mga malî nilá. Pinagtatalunan pa rin kung paano, saán at kailán naganáp ang ibá’t ibáng bahagì ng Unang Panahón sa Pilipinas, kung alín ang talagáng dapat isali sa kasaysayan.

Nakalathalà lahát itó sa mga sumusunód na kabanata. Pitikín (click) ang alinmáng nais basahin.

Waláng Bronze Age, ang kaibáng ‘Metal 

Age’ at ang panahón ng sandata

13. Panahón Ng Porcelana,

Kalakal Matagál at maganang

pakipag-ugnayan sa China atbp.,

mabuhay ang palayok!

14.  Magka-kaibáng Calendari

o Ng Unang Panahón 

Malî ang mga unang sapantaha at timeline ng

prehistory sa Pilipinas

15.  Maka-bagong Tanáw Sa Nakaraán 

Umunlád nang sarili ang mga Unang 

Pilipino, o baká namán hindî raw

16.  Ang Nagmulâ Sa Bató 

Sapín-sapín ang mga panahón ng Unang 

Pilipino at hindî sabáy-sabáy sa bawat

puók

17.  Patuloy ang Pagtanáw sa Pinagmuláng

Panahón Nag-iibá ang pag-

unawà sa nakaraán tuwíng makatuklás ng

bagong katibayan

Ang mga pinagkunan 

Sources, bibliography

NINUNO MO, NINUNO KO:   Paghanap sa mga Unang Pilipino

Ang Tao Ng Tabon Prehistoric Man in the Philippines

Ang Taong Tabon ay maniwaring isá sa mga ‘unang tao’ at kaibá sa mga kasalukuyang tao sa Pilipinas, subalit bahagyâ lamang.

Kung dadamitán ng T-shirt at maông (jeans), hindî siyá maiibá sa mga

nasa Quiapo ngayón. waláng masasabi tungkól sa mukhá niyá - ang tangos ng ilóng, kulay ng balát o kulót ng buhók - maliban sa isá: Ang Taong Tabon ay hindî Negrito...

--William Henry Scott, 1984

Taong Bato 

ng Palawan

ANG mga Tau’t

Bató sa mga

yungíb

ng libís(valley) ng Singnapan sa Ransang ay bahagì ng mga Pala’wan, ang pinaka-malakíng

pangkát sa kapuluáng pinangalan sa kanilá pagkatapos ng panahón ng Amerkano [Paragua ang bulól na tawag nuóng panahón ng Español]. Maniwaring

kaugnáy ang salitâ nilá sa mga wikà ng Manobo sa Mindanao, katulad niláng nagka-

kaingin at nangangahoy(hunting) sa mga bundók. Isip ding 2 bahagì silá: Ang mga Pala’wan ät

bukid sa bundók , at angPala’wan ät napan sa libís. Subalit ang tutuó, marami ang kaniláng

pangkát-pangkát, at magkakaibá ang mga wikà nilá. Tulad sa ibá panglikás (indigenous) sa Palawan, ang mgaTagbanua at mga Baták, silá ay namamahay sa mga yungíb sa pagitan ng pagka-kaingin at, tulad sa Tao ng Tabon, dinadagdág sa kaniláng pagkain

PINAKA-UNANG katibayan ng tao sa Pilipinas ang pira-pirasóng bungô (cráneo, skull) at pangâ (mandibula, jawbone) ng 3 tao - hindî matantô kung mga babae o lalaki - na tinatawag ngayóng “Tao ng Tabon” (Tabon Man). Natuklás sa mga yungíb (cave) ng Tabon, malapit sa Quezon, sa pulô ng Palawan, ang mga butó ay kasama ng mga tumpók ng pinagtabasan (flakes) at mga gamit (tools) sa mga “pagawaan” ng bató (Stone Age factories) sa 4palapág (levels) ng pinaka-malakíng silíd (chamber) ng yungíb. Ang bawat palapág ay pahiwatig ng pagtirá duón ng mga Unang Tao, kayá paniwalà ngayóng tinahanan ang yungíb nang 4 ulit, at libu-libong taôn ang pagitan dahil sa makapál na alikabók at lupà

na tumabon sa bawat sahíg na pinag-iwanan ng mga pinagtabasan,gamit at butó.

Maniwaring nagtagál din ang mga manggagawa (obreros, workers) sa bawat palapág - nakapagluto pa ng pagkain. Ang abó ng lutuán sa unang 3 tumpók o palapág ay nahukay ng mga nakatuklás at, pagkasurì ng mga dalubhasa (experts) sa carbon-14 dating, natantô na ang pinaka-mataás na palapág ay 9,000 taôn sa nakaraán. Ang kasunód ay bandáng 22,000 - 24,000 taôn ang tandâ. Dito natuklás ang bungô ng Taong Tabon.

Ang iká-3 palapág ay mahigít 30,000 taôn ang tandâ. Natuklás ang iká-4 pang tumpók sa ilalim, subalit hindî pa nasisiyasat. Sapantaha na marahil, itó ay tinahanan ng mga unang Pilipino 45,000 - 50,000 taôn sa nakaraán.

ang mga nahuhuling ibon at mga panikì(murcielagos, bats) na naglulunggâ rin

sa mga yungíb.

Sinurì ng Summer Institute of Linguistics kamakailán ang mga Tau’t Bató at

nabatíd na bahagyâ lamang nilá naunawaan kung anó ang hanap-buhay (job), salapî (money)

at sahod(wage). Bihirang pansinín ang kabihasnán (civilization) sa paligid, nabubuhay silá saMakabagong Panahón ng Bato (Neolithic,

Bago pa Nabuhay ang ‘Malay’

Sa libu-libong taôn sa pagitan ng pagtigil duón ng mga Unang Tao, ang mga yungíb ay pinamahayan din ng isáng urì ng ibon, pinangalanang ibong Tabon (Tabon bird). Matagál ang mga panahóng waláng tao sa mga yungíb sapagkát nakapag-latag ang mga ibon ng makapál natae (guano, dung), nagíng kasing tigás ng cemento nang natuyô at tumigás. Kayâ bawat pangkát ng Unang Tao na dumatíng ay nagkaruón ng ‘sahíg’ na tungkuan.

Ang mga bató na hinugis nilá at ginawáng kagamitán (tools) ay nagmulâ sa malayò, binitbít nang matagál kayâ paniwalang mahalagâ sa

kasalukuyang tao (homo sapiens, modern man) at hindî isáng taong nakakatindíg (homo erectus) tulad ng Taong Java (Java Man) at Taong China (Peking Man) na nabuhay nuóng kalagitnaan ng unang panahón ng bató (mid-Pleistocene).

Nagpanukalà pa ang 2 nag-aghám (expertos, scientists) na ang piraso ng pangá (mandible, lower jaw) na natuklás din sa Tabon ay hawig sa mga unang tao (aborigines) sa Australia, samantalang ang bungô namán daw ay kasukat ng mga bungô ng Ainu, ang mga unang tao sa Japan, at ng mga taga-Tasmania (malakíng pulô sa tabi ng silangang timog Australia). [Kapuná-puná, itó rin ang pahayag ng mga nag-aghám, ang ibá ay taga-France, na sumurì sa isáng bungô ng Unang Tao na natagpuan sa South America.]

Palagáy na nabuhay ang Taong Tabon bago pa nagtagpô at nag-ugnáy ang hiwa-hiwaláy na tao sa silangang timog Asia at nagsilang, simulâ 10,000

kanilá ang makaratíng sa yungíb. Hindî mahulaan kung bakit - maaaring dumami ang pagkain sa paligid, lumigtás mulâ sa masamáng panahón o maypagsambáng (ceremonias, rites) ipinagdiwang tulad ng libíng ng ninunò (ancestor worship).

Pahayag ng mga nag-aghám sa simulâ ng tao (anthropologists), ang ibá ay taga-America, na sumurì sa bungô, na ang Taong Tabon ay isáng

taôn sa nakaraán, ng kasalukuyang mga tao sa Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Guam, Hawaii at ibá pang pulo-pulô sa dagat silangan(Pacific Ocean).

Ang Tao ng Niah sa Kalimantan

NAIWAN ang isáng bangkáy sa yungíb ng Niah, sa Kalimantan (dating Borneo), mahigít 40,000 taôn sa nakaraán. Hindî pa tiyák kung namatáy o inilibíng duón, natuklás ang bungô niyá niná Barbara Harrisson nuóng Deciembre 1958. Akalà ngayóng kasalukuyang tao siyá, tulad ng Tao ng Tabon. Natuklás sa paligid niyá ang pinagtabasan ng mga kagamitáng bató (stone flake tools), tulad sa mga natuklás din sa Palawan at ibá pang bahagì ng Pilipinas at Indonesia. Kapuná-puná, ayon kay Peter Bellwood, walâ pang natuklás na ganitóng pinagtabasan mulâ nuóng panahóng iyón sa kalakihan ng silangang timog Asia (mainland Southeast Asia).

Mahigít 20,000 taôn nag-isá ang bangkáy sa Niah, bago ginawáng libingan ang yungíb. Natuklás ang pira-piraso ng mga kalansáy (skeletons) mulâ nuóng 22,000 taôn sa nakaraán. Tulad ng

sa ibabaw ng mga paá niláng itiniklóp sa ilalim. Ang ibá, hiwa-hiwaláy na mga butó na lamang ang iniwan. Ang isá ay may unan(pillow) na butó ng rhinoceros.

Waláng mga pasô (ceramics) na isiniping sa kanilá. Binudburán ang iláng kalansáy ng puláng alikabók (red haematite). Ang ibáng

butó ay isinalang sa apóy (partially burned), maniwaring nilinis lamang dahil hindî talagáng sinunog (cremated).

Mas maluho ang pang-2 gawî ng paglibíng mulâ nuóng 3,200 hanggáng 2,000 taôn sa nakaraán. Sinunog ang mga bangkáy o baká ang mga kalansáy na lamang pagkatapos naagnás ang katawán. May mga natuklás na pahiwatig na kumain ng tao(cannibalism) ang mga tagaruón nuón, pumatáy ng tao bilang alay (human sacrifice), o maaaring ginawâ kapwâ bilang bahagì ng paglibíng.

unang bangkáy, hindî hinukay sa lupà kundî iniwan sa sahíg ng yungíb ayon sa 2 gawî ng paglibíng.

Sa uná, mulâ 17,000 hanggáng 6,000 taôn sa nakaraán, 18 bangkáy ang ibinurol nangnakabaluktót (flexed), samantalang 4 ay nakaupó (seated)

NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Pilipino

Tasaday: Ang Bagong ‘Taong

Bató’ A Stone Age People in the

Philippines

Buhay, Pagkain at Gawain ng mga ‘Unang Pilipino’

BIGÔ hanggáng ngayón ang pagsiyasat sa mga Unang Pilipino tungkól sa kaniláng ‘kanin.’ Sa natuklás na mga kabibi (seashells) at butó ng mga hayop (animal bones), alám na kung anu-anó ang ulam, patí ang mga kabayo (horses), na kinain sa Pilipinas nuóng Unang Panahón. Subalit walâ kahit isáng butil ng palay (rice), daras (millet) o anumang butil ng ‘kanin’ (grain cereal) ang naaninag sa mga palayók, bangà, tapayan at pasô, ginawâ nang bahagyâ

Pumilì ng batóng ilog si Mahayag, kiniskís sa isá pang

lapád na bató at pinatalím ang isáng gilid, tapos itinalì sa

hiniwang rattán; 15 minuto lamang, may palakól na... 

--William Henry Scott, tungkól sa Tasaday, 1984

GAWΠni Mindal, isáng Manobo ng pangkát na Blit, na mangahoy sa timog Cotabato. Patapós na ang 1950s nang naka-kalakal niyá ang mga ‘lihim’ na taong gubat. Nag-iiwan siyá ng pagkain o gamit na naglalahò nang may kapalít kinabukasan. Hindî nagtagál, nakilala niyá ang mgaTasaday, ang 26 ‘lihim’ na taong gubat. Nakasali sa ugnayan ang anák niyá, si Dafal, na nagturò sa mga Tasaday ng mas maiging paghanap ng pagkain sa gubat. Nuóng 1968-1969, nabalitaan ni Dafal ang kilusáng tumatangkilik sa mga cultural minorities sa Pilipinas, at nanawagan siyá upang matulungan ang paghihirap ng mga Tasaday. Nakaratíng kayManuel Elizalde Jr., ang nagtatág ng kilusang PANAMIN, at nagdalá nuóng 1971-1972 ng mga nag-aghám na namangha sa pangkát na namumuhay pa sa Makabagong Panahón ng Bató (New Stone Age). Dahil maniwarì sa bulahaw ng mga pahayagan at mga usyoso, pinutol ni Pangulo Ferdinand Marcos ang pagdayu-dayo, sa mungkahì ni Elizalde, at nakublí mulí ang mga Tasaday. Hanggáng bumagsák si Marcos nuóng

lamang nagbago sa pagdaán ng 3,000 taón sa ibá’t ibáng bahagì ng kapuluán.

Patí ang mga kasaysayan ng Pilipinas ay kauntî lamang luminaw sa ‘kanin’ ng mga Unang Pilipino. Ang mga Mangyán sa Mindoro, nang unang suriin nuóng panahón ng Amerkano, ay kumain ng saging araw-araw. Karaniwang

‘kanin’

ng Tasaday nuóng unang natuklás ay ‘biking,’ ang tawag nilá sa gabi o ubi(yams). [Isáng urì ng ubi, ang taro, at hindî palay ang ‘kanin’ ng mga tagapulô na tumuklás at namahay sa Hawaii simulâ nuóng 2,000 taón sa nakaraán.]

Ang ibá pang pagkain ng mgaTasaday bago silá naturuan ay nakukuha o nahuhuli ng kamáy(manos, hands) - isdâ (fish), palakâ(frogs), botetè (tadpoles), talangkâ(crabs), uod (grubs, worms), saging(bananas) at ibá pang bungang kahoy (fruits and berries), luya(ginger), bulaklák (flowers) at ibá pang mga halaman sa 200 kilala nilá.

Tinuruan silá ng mga Blit, lalo na si Dafal na nakaibigan nilá, na gumamit ng patibóng (trap) na panghuli sa usá (ciervo, deer), baboy damó (wild pigs), tsonggo (monkeys) at dagâ (rats, mice). Tinuruan din silá ni Dafal kung paano pumutol at kumain ng ubod ng punong niyóg (palm tree pith).

Isá pang natutunang kainin ng Tasaday ay ‘natek,’ ang tawag nilá sa sagó, pinigâ mulâ sa tinawag niláng basag, isáng urì ng

1986 at nakapuslít ang isáng mamahayag(journalist) mulâ Europe at natagpuáng namumuhay pang-karaniwang taga-barrio ang mgaTasaday. Hindî taong bató! ang siwalat niyá, inulit-ulit ng ibá pang pahayagan at kumalat sa buóng daigdíg. Maraming nasangkót, patí na ang Batasang Bayan (Congress) ng Pilipinas, sa sumunód na pagsiyasat.

punò ng niyóg (Caryota palm tree). Matapos patuyuín, inilalagà itó parang ‘kanin.’ Itó ang pagkain sa Cotabato nang unang pasukin ng mga Español nuóng 1595, mahigít 400 taón sa nakaraán, at kinakain pa hanggáng

ngayón ng mga taga-Papua-New Guinea sa hilaga ng Australia. [Maaaring paglarawan sa buhay ng mga Unang Pilipino, palakól na bató ang gamit ng mga taga-Papua-New Guinea at ng mga Tasaday pagputol sa punò ng sagó,

subalit kawayanat kahoy ang pandikdík nilá sa punò. Natuklás sa mga lumang libingan ang mga palakól na bató, subalit lubháng karaniwan ang kahoy at kawayan upang iburol bilang ‘alay sa patáy.’ At kung ibinurol man, malamáng naagnas at naglaho bago natuklás. Maaaring ihambíng ang ‘natek’ sa ‘latík’ na inilalatag ng mga Tagalog sa ibabaw ng kaniláng mga kalamay (rice cakes).]

Kabihasnán: Bagong Buhay ng mga Tasaday

Ang mga Tasaday ay nawili sa bigás, tinawag niláng ‘natek’ ni ‘Momo Dakel’ (‘tiyóng malakí,’ tawag nilá kay Manuel Elizalde ng PANAMIN na tumulong sa kanilá) mulâ nang una niláng natikmán. Mas mainam daw ang pakiramdám nilá pagkatapos kumain ng ‘kanin’ kaysa ng ‘biking’ o kahit na ng ‘natek’ na kung minsan ay nagpapa-sakít ng tiyán nilá.

Kasali na ngayón ang mga Tasaday sa kabihasnán ng Cotabato, matapos siláng natuklás at “ampunin” ng katabíng pangkát ng mga Manobo rin, ang mga Blit. Nakipag-asawa pa silá, natuto nang magtaním, tumirá sa mga kubo at magsuót ng damít (clothes), bagamán at ang isáng babaing Blit na napangasawa ng isáng Tasaday ay napilitang gumawâ at magsuót ng tapis natalahib (grass skirt) dahil naagnás na ang dalá niyáng damit.

Natuklás: Huwád ang Buhay na Bató, o Hindî

Tutuóng taong bató ang mga Tasaday... Matapos ng

aking pagsurì, paniwalà ko na ang mga nagsiwalat ng ‘dayà’ ang mismong nandayà. Walâ siláng katibayan anumán... --

Lawrence Reid, University of Hawaii

TUNAY na taong bató (Stone Age people) ang mga Tasaday, ayon sa mga sumuring nag-aghám (scientists), kabilang si William Henry Scott ng University of the Philippines, bantóg na manalaysay (historian) ng Pilipinas, si Robert Fox ng National Museum of the Filipino People, at si Laurence Reid ng University of Hawaii, batikáng manaliksík tungkól sa mgaunang wikà (linguistic

archaeologist). Kasama si Fox sa unang pagsurì sa mga Tasaday sa Cotabato nuóng 1970s. Pagkatapos, sumama siná Scott at Reid at sumurì nang matagál sa mgaTasaday at ibáng mga tao sa paligid, - si Reid 10 buwán mulâ nuóng 1993 hanggáng 1996.

Waláng alám ang mga Tasaday tungkól sa pagtataním (agriculture) at pamamahay(settlement). Nang unang suriin nuóng 1972, ni walâ siláng tawag sa mga pagkaing inaani sa bukid o bakuran [ang mga pagkaing inaawit sa “Bahay Kubo, Kahit Muntî”]. Walâ rin siláng tawag sa bahay, sa anumang bahagì nitó, o sa pagtayò ng kahit na kubo. Walâ rin siláng pangalan sa mga puók o tao sa labás ng gubat na tinaguan at kinunan nilá ng pagkain. Subalit, hayág ni Reid, hindî silá taong bató nuóng nakaraáng libu-libong taón. Humiwaláy silá sa kabihasnán nuóng nakaraáng 5-10 anak-anakán (generations) lamang, bandáng 200 - 300 taón sa nakaraán.

Sinurì rin ni Teodoro Llamson, Richard Elkins at ibá pang dalubhasà sa

wikà (linguists) ang mga wikang Tasaday at Blit, ang kalapit-pangkát at unang tumuklás sa Tasaday nuóng 1958. Ngayón, sa turing ng Summer Institute of Linguistics (SIL), ang palawikaáng pandaigdíg, ang 2 wikà ay mga sibul (dialects) ng wikang Manobo.

“Napansin kong maraming katagáng Tasaday na hawig sa mga pangkát sa paligid nilá,” ulat niReid sa kanyáng website, “lalo na ang mga Blit na iláng kilometro lamang ang layò, sa kabilâ ng isáng ilog.”

Hinayag ni Llamson, matapos ng kanyáng pagsurì sa Tasaday nuóng 1971, na 800 taón nang hiwaláy ang Tasaday sa mga Monobo ng Cotabato. Dahil pinaka-maaga, itóng pahayag ang kumalat at paniwalà ngayón. Subalit sumalungát ang mag-asawang dalubhasà sa wikà (linguists), siná Araceli at Cesar Hidalgo, pagkaraán ng 3 araw na pagsurì sa mga Tasaday nuóng 1989. May 4,500-5,000 taón na raw ang pagka-hiwaláy sa mga Manobo sa Cotabato, at bandáng 8,000 taón sa ibá pang Manobo sa Mindanao.

Kung tamà ang mga Hidalgo, sabi ni Reid nuóng 1993, nagkakahulugáng sa timog Pilipinas nagsimulâ ang “Ináng Wikà” ng mga taga-pulong timog ( proto-Austronesian) na kumalat sa kalahati ng daigdíg nuóng nakaraáng 4,000 - 3,000 taón. Sa “familia” ng Austronesian kabilang lahát ng wikà ngayón sa buóng silangang timog Asia at mga kapuluan sa dagat silangan (Pacific Ocean), patí sa Madagascar, katabí ng Africa, sa kabiláng gilid ng dagat kanluran (Indian Ocean). Sana mapatunayan ang ulat ng mga Hidalgo! palaták ni Reid. [Ang pagsiyasat at pagpatunay sa mga Tasaday ay isinaysáy ni Reid sa kanyáng website, Linguistic Archaeology: Tracking Down the Tasaday Language (Saliksík sa Unang Pananalitâ: Pagbakás sa Wikang Tasaday).]

Daán-daán o libu-libong taón, napatunayan na, patí ng Batasang Pilipinas (Philippine Congress), na buóng panahón ng Español at ng Amerkano, namuhay ang mga Tasaday tulad ng mga tao sa Tabon nuóng unang panahón. Itó, higít sa lahát, ang dahiláng siniyasat at sinurì ng mga nag-aghám ang mga Tasaday - upang maaninaw kung

paano namuhay ang mga Unang Tao sa Pilipinas at, dahil kahawig ang mga anyô at gawî, sa buóng silangang timog (southeast) Asia.

Sindák ang nagtabóy sa mga Tasaday nuóng una. Ayon sa kaniláng saysáy, kumalat ang isáng masamâ, tinawag niláng “fugu,” at pinatáy lahát ng tao. Upang makaligtás, nagtagò daw ang kaniláng mga ninunò sa kaluob-luoban ng gubat kahit na itó ay pinamahayan ng mga kaluluwâ (fantasmas, ghosts). Paniwalà ngayón na isáng salot (epidemic) ang fugu na sumalantâ at nagtabóy sa mga unang Tasaday. [Hanggáng ngayón, takót pumasok sa gubat ang mga taga-bundók ng Cotabatodahil nanduón daw ang mga “tau maloy,” ang mga multó ng Mindanao.]

Marunong magtaním

Ang hirap, hindî pa alám kung kailán nangyari itóng malakíng bahagì ng buhay Pilipino ngayón. Sa mga ulat, maliwanag na ang mga Intsík, sa sulsól ng mga frayle, ang nagpalawak bilangindustria ng pagpa-palay sa buóng kapuluan.

Subalit karaniwan na

ang bigás sa Panáy at Luzón nang dumatíng siná Miguel Lopez de Legazpi nuóng 1565. Natantò na rin na inukà ng mga Ifugao, Bontoc at mga katabíng pangkát ang mga bundók sa Gitnaang (Central)Cordillera nuóng 3,000 - 2,000 taón sa nakaraán upang matamnán ng kaniláng palay sa tinatawag ngayóng rice terraces.

Mas maaga pa, nabatíd sa mga alamát at salaysáy ng mga matandâ, ang mga taga-ilog at mgaka-pampáng (river dwellers) patí na ang mga taga-makati (delta dwellers) at mga taga-malati (seaside settlers) ay bumilí sa halíp na magtaním ng palay mulâ sa mga taga-luoban at taga-bundók na nag-kaingin (swidden farming) sa mga libís (valleys) at mga ‘bukid.’

Nuóng 2004, nagsimulang magtaním ng palay ang mga Tasaday.

at mangahoy (cazar, hunt) ang mga Blit. Bago pa nakaharáp ng mga nag-aghám (scientists) ang 26Tasaday nuóng 1971, naturuan na silá ng mga Blit. Bumuti ang buhay ng mga Tasaday subalit ang pagkain nilá bago natutong magtaním ang mas mahalagá sa mga nag-aghám, at sa pagbakás ng kasaysayan ng Pilipinas.

Mahirap paniwalaan na nilimot ng mga Tasaday, o ng sinumáng Pilipino, ang bigás matapos makain itó - ni waláng pangalan ang Tasaday sa palay o kanin - kayâ malamáng nagtagò ang mga Tasaday sa kaniláng gubat bago naipasok ang palay sa kapuluán.

NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Tao sa Pilipinas

Mga Gamit Na Bató Ng Mga Pilipino 

The Stone Age in the Philippines

Walâ pang 10 por ciento ng mga gamit (artefacts) ang natuklás na. Ano-anó ang itinaním, at inani, nuón? 

Anó ang mga hayop na hinuli, kinatay at kinain? Matagál pa bago natin mabuô ang isáng sapantaha (theory) 

na makasa-sagót ukol sa mga gawî at urì ng buhay ng mga tao sa Pilipinas nuóng unang panahón... 

--Eusebio Dizon, National Museum of the Filipino People

MUL 1962 hanggáng 1968, nagsaliksík sa Palawan ang pangkát ni Robert Bradford Fox, pinunò nuón ng anthropology division ng National Museum of the Philippines. Inuna nilá ang mga yungíb (cuevas, caves) sa Lipuun, malapit sa kabayanan (town) ng Quezon, lalo na ang cave

complex sa Tabon, matayog at malakíng bangín (pricipicio, cliff) na animo umahon sa sahíg ng lupa, sa tabí ng dagat. Sunud-sunód niláng nahukay,mulá mahigít 1 metro hanggáng 7 metro sa ilalim ng sahíg ng yungíb, ang 5pinamahayan (habitation levels) ng mga Unang Tao (prehistoric people) mulá nuóng 30,000 taón hanggáng 9,000 taón sa nakaraán.

Nuóng buóng panahóng iyón - 21,000 taón - hindî katabí ng dagat tulad ngayón kundí 35 kilometro ang layo ng dagat sa Tabon dahil tag-ginaw (Ice Age) nuón at bumabà ang dagat (sea level), kayâ walang natagpuáng butó ng isdâ anumán. Marahil kayâ rin 5 lamang ang tumpók ng mga kagamitán(instrumentos, tools) at pinagtabasang bató - malayo sa tunay o palagiang tahanan, ginamit lamang ang mga yungíb bilang paggawaan (fabrica, manufacturing), at upang manghuli (cazar, hunt) ng hayop. Maraming natagpuáng butó ng maliliít na hayop: mga ibon at panikì (murciélagos, bats), baboy at isang urì ng usá (ciervo, deer) na naglaho na (extinct).

Maniwaring waláng malakíng hayop na nakaratíng nuón sa Palawan, at waláng natagpuáng kagamitáng gawâ sa butó. [Sa libís ng Cagayán, sa hilaga ng Luzon, ginawáng karayom (aguja, needle) na pangtahî ang mga butó.]

Napuna rin nina Fox na sa 21,000 taón itinagal ng paggamit ng bató, bahagya lamang nagbago ang hugis at gawî (estilo, technique) ng paggawâ. Hawig (similar) ang mga kagamitán sa mga ginawâ nuóng unang panahón din sa mga ibáng puók saIndonesia at Malaysia, pahiwatig ng malawak na ugnayan at lakbayan ng mga Unang Tao sa silangang timog (southeast) Asia. Napuná ng

mga nagsaliksík (researchers) na kaibá ang anyô ng mga gamit na bató sa China at Japan nuóng panahón ding iyón, at paniwalâ ngayón na hindî naka-ugnáy ang mga tao duón kundî nitóng 10,000 taón na lamang sa nakaraán.

Sa dami ng mga tinapyás na bató at mga pinagtabasan (cores and waste flakes), maliwanag na ang yungíb ay paggawaan (factoria, workshop) ng mga kagamitáng bató. Gawî sa Europe at ibá pang bahagì ng daigdíg, naghugis ng malaking tipák na bató (core) ang mga unang tao at mulá rito, paulit-ulit na tinapyás ang maraming matalím na panghiwà (cutters). Gawî rin sa mga ruón na kapág pumuról ang talím ng panghiwà, kinikiskís uli (retouched) upang magamit ulî.

Kaibá ang natagpuán sa mga yungíb sa Palawan. Hindî hinugis kundî bastá tinapyás ang bató at iyón na mismo, patí na ang natapyás, ang ginamit na panghiwâ. Bihira din natagpuán ang mga panghiwâ na kiniskís ulî. Maniwaring bastá itinapon na lamang ang panghiwâ nang pumuról na, at tumapyás na lamang ng bagong bató.

Bangkáy ng Isáng Lalaki

Isá sa mga unang natuklás nina Fox sa Tabon ay isáng lalaking inilibíng (buried) nang nakabaluktót (agacharsiado, flexed) sa yungíb ng Duyong5,100 taón sa nakaraán. Ibinurol siyáng kapiling ng isáng batóng darás (stone adze) na hugis Duff type 2, at 4 pang gawâ sa kabibi (concha, shell) ngTridacna. May ibá pang ginawâ rin mulá sa talukap ng pagkaing dagat (shellfish): 2 hikaw (pendientes, ear discs) at isáng kuwintás (colgante, breast pendant) na

gawâ sa puwít ng kabibing Conus, at 6 maliít na sisidlán (caja, container) na gawâ namán sa kabibing Arca. Tapos, natuklás ang ibá pang mga kagamitáng kabibi na 6,300 taón namán ang tandâ. Hawig lahát ng itó sa mga nakaraáng kagamitáng kabibi na natagpuán din sa Sulu at ibá pang puók sa Palawan. Ang pinaka-matandáng tumpók ng kagamitáng bató na natuklás ay 337 piraso ng batóng buháy (chert). Bandáng 23,000 taón ang nakaraán mulá nang iwanan ang mga itó sa yungíb.

Naiwan din duón ang isáng piraso ng bungô (cráneo, skull) ng tao, kasing tandâ o maaarì, sa pagsurì ng mga aghám, na mas matandâ pa. Itó, kasama ng iláng piraso pa ng kalansáy ng ibáng tao, ang

tinatawang ngayong Tao ng Tabon(Tabon Man).

NINUNO MO, NINUNO KO:   Paghanap sa mga Unang Pilipino

Sa Cagayán Nuóng Nakaraán 

Narating ng mga Taong Bató

Batay sa mga natagpuáng nagbatóng butó (fossils), ang Libís ng Cagayán (Cagayan Valley) nuón ay magubat at

mas malamíg kaysa ngayón. Nuóng panahón ng nakatatayóng tao (homo erectus) sa China (‘Peking

Man’) at Indonesia (‘Java Man’) bandáng 500,000 taón sa nakaraán, naglipanà duón ang mga baboy damó at usá, mga buwaya at dambuhalang pagóng (giant land turtles), patí na

ang mga hayop na matagál nang naglahò (extinct) - elepante, stegodons (maliít na elepante, kalakí lamang ng kalabáw), rhinoceros at mga unang tamaráw...   --

National Museum of the Filipino People

MALAKÁS at matipunò ang mga Unang Pilipino sa hilagang Luzón. Sa Cagayán-Kalinga, natuklás ang mga batóng ginamit na pandikdík at palakól, na isáng kilo o mahigít pa ang bigát. Kailangan sa pagkatay (butcher) sa lubháng makapál na balát ngstegodon at matigás na talukap (turtle shell) ng mga dambuhalang pagóng na sagana duón libu-libong taón sa nakaraán. Nuóng 1974, sinurì ni Warren Peterson ng University of Hawaii ang mahigít 800 pinagtabasan ( flake tools) ng kagamitáng bató ng mga taga-Cagayán nuóng 4,000 - 3,000 taón sa nakaraán. Nahukay sa Pintu, sa Nueva Vizcaya, ang talím ng mga bató ay hindî

gaanong mapuról, ginamit pamputol ng kahoy at hindî pambasag ng butó. [Hindî kailangang tapyasín at patalimín ang bató upang gamiting pandikdík ng butó.] Ayon kay Peterson, ginamit ang ibáng bató sa pagkiskísng kawayan at pagkayas ng mga balát ng hayop (animal hides) at ng talukap ng punong kahoy (tree bark), ang damít ng mga Unang taga-Cagayán, subalit hindî pinang-hiwà ng butó (bone saw) o pinang-gapas ng taním (harvest sickle).

Natagpuán niyá ang isáng karayom na gawâ sa butó (bone needle), pangtahî ng talahib o dahon ng nipa, tulad ng inilalagáy sa bubóng (roof shingles) ng bahay kubo o kubakob. Pinuná ni Peterson na abot-kaya nitóng mga kagamitáng bató ang urî ng kasalukuyang pamumuhay ng mga Agta na naglipanà pa salibís ng Cagayán ngayón.

Makabagong Kagamitáng Bató 

HUMUHUKAY ng palaisdaan (fishpond) si Nicanor Aves sa kanyáng bukid sa Arubo ng baranggay Rio Chico, sa timog ng General Tinio sa Nueva Ecija nuóng 1995 nang natuklás ng anák niya, si Jon, ang 2 kakaibáng kagamitáng bato, 2palakól na pangkamáy (stone hand axes), hindi kinakabít sa kahoy. Lumuwás silá sa Manila at ipina-alam itó sa National Museum of the Filipino People na unang nagsiyasat nuóng 1996 bago bumuô ng mas masigasig na pagsurì.

Nagsiyasat ang mga nag-aghám sa Unang Panahon(archaeologists) ng University of the Philippines, National Museum at mulâ sa Germany, ang University of Tübingenmulâ nuóng Mayo 2001, tinustusán ng Fritz-Thyssen Foundation mulâ sa Düsseldorf, Germany.

Nag-abalá silá nang maigi dahil, una, kailangan nang palawakin hanggáng Nueva Ecija ang sukat

sa Arubo, Nueva Ecija

ng nilaboy ng mga Unang Tao sa Cagayán lagpás sa timog ngNueva Vizcaya na dating inakalang hangganan. Pang-2 at mas mahalagá, ang 2 batóng palakól na pangkamáy (stone hand axes, hindî kinakabít sa kahoy) ang kauna-unahang natuklás sa Pilipinas na acheulean, tipo ng kagamitáng bató na nauso bandáng kalahating milyón taón sa nakaraán sa Europe,Middle East hanggáng timog China.

Lahát ng mga kagamitáng bató na natuklás dati sa Pilipinas ay tipo ng nauna at mas lumang oldowan. Maaaring tawagin itóng ‘madaliang kagamitáng bató’ (short-term stone tool), pinulot sa malapit, tinapyás ng ibá pang bató nang kahit paano upang magka-talím, at iniwan pagkatapos gamitin. Karaniwang isáng panig lamang ang tinapyás at kapág pumuról, hindî inaksayá ang panahóng hasain ulî, kundí pumulot at tumapyás na lamang ng ibá pang bató.

Sa kabiláng dakò, pangmatagalang gamit angacheulean (long term tool), hinugis paligid muna at palagiang dalá-dalá. Kung may paggagamitan, saká lamang tinapyás at kumuha ng pang-hiwà, pangtusok o pangkiskís.

Waláng katibayang ginamit itó bilang palakól, tinawag lamang nitó dahil kahugis ng palakól pangkamáy ng tipongoldowan. Hindî pa alám ang tandâ ng 2 palakól Arubo subalit dahil sa mga natiyák na acheulean sa ibáng panig ng daigdíg, inaasahan ngayóng kasing tandâ ang mga itó ng Taong Java(Java Man) at Taong Beijing (Peking Man).

Paglahò ng mga Hayop

MAHIGÍT 100 puók sa Libís ng Cagayán ang natagpuáng may mga kagamitáng bató ng mga nag-aghám sa Unang Tao (archaeologists) ngNational Museum of the Filipino People. Mulâ sa Liwan, sa Tabuk, lalawigan ng Kalinga, hanggáng sa Peñablanca sa lalawigan ng Cagayán, 35 kilometro ang layò, malamáng marami pang ibáng puók na tinuklás nang lihim ng mga tagaruón upang maipagbilí ang mga nahukay. Ilán man

ang lubusang bilang, ang mga puók na itó ay pinamahayan ng mga Unang taga-Cagayán nang libu-libong taón, nuón pang natapos ang hulíng panahón ng Tag-ginaw (Ice Age) 10,000 - 8,000 taón sa nakaraán.

Ang matagál at malawak na paghuli sa mga hayop, sabáy sa pag-ani ng mga ligáw na pagkaing halaman - nang hindî nagtataním - ay maaaring nakatulong sa paglahò ng mga tanging hayop na dating masagana sa libís. Maaaring pagbago ng kalikasan (climate change) ang pumuksâ sa mga hayop, subalit puná ng iláng nag-aghám (scientists) na baká nadaig ng dami ng

tao ang dami ng hayop kayá naglahò sa Cagayan. Patibay nitó ang paglahò ngelepante at stegodon sa Borneo na, sa ulat ng mga Español nuóng katapusán ng ika-16 sandaang taón (16th century), ay masugid na hinuli ng mga tagaruón. Isá pang katibayan ang mga rhinoceros ng Java na unti-untì na ring naglalahò (endangered species) dahil sa dami ng tao duón ngayón.

  NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Pilipino

Palayók, Pasô, Bangà: Sariling Industria Sa Pilipinas 

The Ceramic Age in the Philippines

Sa Dimolit, katabí ng mga pira-pirasóng palayók at bangà, natuklás ang sahíg ng 2 bahay, 3 metro cuadrado ang bawat isá, 

pinantáy at kininis hindî na alám kung kailán sa nakaraán. Itó ang halagá ng pagpa-paso, bilang pahiwatig ng pagtigil ng 

paglaboy ng mga Unang Pilipino at pagnatilì nilá sa palagiang pamahayan - ang simulâ ng kaniláng kabihasnán...

HANGGÁNG kailán lamang, marami pang dukháng Pilipino sa mga liblíb ng bundók, waláng pambilí ng palayók, ang naglutò - nagsaing ng kanin at naglagà ( pesaang hirám sa Intsik na

tawag ngayón) ng ulam - sa kawayang hiláw (green bamboo). Kawayan din ang kaniláng sisidlán ng tubig, tulad sa mga dukhâ ring taga-bundók sa mga karatig bayan, patí na sa India, mahigít 50 taón lamang sa nakaraán. Subalit nagsimulâ na ang pagpa-pasô (alfarería, pottery) sa Pilipinas bandáng 5,000 taón pa sa nakaraán, kasunód lamang sa paggawâ ng mga kagamitáng batô sa yungíb ngDuyong sa Tabon, Palawan.

Natuklás ang pinaka-matandáng pira-piraso ng pasô sa Dimolit, sa hilaga ng Luzon, at sa kapuluán ngSulu. Itóng urì

ng palayók ay natuklás din ng mga nag-aghám sa mga unang tao (archaeologists) saTalaud, sa timog (south) ng Mindanao, at sa ibá pang pulô sa silangang timog ng Indonesia. Kaibá ang iláng palayók at bangà sa Dimolit, may tuntungan paikot sa ilalim (ring feet), may mga butas pang bilóg (circular cutouts). Walang natagpuang may 3 paá sa ilalim, tulad ng nauso sa China at ibá pang bayan simulâ nuóng unang panahón.

Marami sa mga palayók at bangà sa Tabon ay may hiwaláy na takíp (tapa, lid), walang palamutî bagamán at kininis, tulad ng ipinagbibilí ngayón sa mga lalawigan. Marami rin ang may bahid na

‘Patpát at Sangkalan’

GAWΠpa itó ng pangkát-pangkát ng mga taga-Cordillera sa paggawâ nilá ng pasô sa Luzon hanggáng ngayón. ‘Patpát at sangkalan’ (‘paddle and anvil’) ang tawag dahil patpát ng kawayan o kahoy at sangkalang kahoy o makinis na bató ang gamit bagamán at madalás, palad at daliri ng kamáy na lamang ang ginagamit ng mga bihasâ (experts).

Hindî alám kung bakit o kailán, subalit ang palayók at bangà sa Pilipinas ay nagíng gawain ng babae, at gawain sa bahay, bagamán at baká mga lalaki ang nagbubuô, o katulong, sa pinaka-malalakíng bangà. Nagsisimulâ sa isáng tumpók ng tisà (arcilla, clay), hinaluan ng tubig upang magíng putik na

madalíng ihugis,nakapatong sa isáng kahoy o lumangpinggan ( plato, potter’s wheel) upang madalíng maiikot habang hinuhugis. Diín ng daliri o palad sa gitnâ ng tisà, upang magíng manipis na “puwit” (base), bago hihimasin paitaás ang mga gilid, bibigyan ng hugis, kapal o nipís sa tapík ng ‘patpát’ sa labas, katapát ng ‘sangkalan’ sa luób. Sa ganitóng

pulá (red-slipped) at inukitan ng sari-saring hugis, karaniwan ng sagwan (bound-paddle impressions). Ang iláng palayók at bangà saManunggul ay lubusang “pininturahan” ng puláng alikabók (red hematite).

Sa gawî ngayón sa mga lalawigan, ang “pintura” ay malabnáw na “sabáw” ng tisà na kulay pulá. Hindî itó ipinapahid ng brocha(brush); sa halíp, ang “sabáw” angibinubuhos, o ang buóng palayók anginilulubóg dito upang magka-kulay. Upangkumintáb, hinihimas ang pasô ng makinis na bató, kabibi o ng butó ng bungang kahoy (fruit pit), at pinapahiran (coated) ng pagkít (wax) o dagtâ (resin) bago “ilutò” ang palayók at bangà. Marahil ganitó rin ang ginawâ nuóng unang panahón nang lumawak ang pagpa-pasô, natuklás hindî lamang

sa Palawan at Masbate, kundi pati na rin saMindoro, Marinduque, Samar, Leyte, Cebu, B

karaniwang paraan, nakabuô ang mga unang Pilipino ng mga makinis at magandáng mga likhâ, hinaluan o pinatungan ng tisà na may ibáng kulay, at inukitan ang ibá’t ibáng hugis bilang palamutî.

Nabakas sa mga natuklás sa Palawan at ibá pang bahagì ng Pilipinas na, matapos patuyuín at patigasín ang mga palayók at bangà, “nilutò” ang mga itó sa kalán (estufa, stove) o sigâ(hoguera, bonfire) upang tumibay. Ganitó pa ang gawî (costumbre, tradition) sa iláng puók sa Pilipinas hanggáng kailán lamang, at maaaring hanggáng ngayón. [ Sa ibáng bayan, mas matibay ang mga palayók dahil nilulutò sa luób ng horno (oven) na higít na mainit.]

ohól, Negrosat Panay.

Pagtagál, may ibáng urì ng pagpa-pasô ang nagmulâ sa Kay Tomas, Calatagan, sa Batangas - mas makinis, mas makintáb at mas maraming palamutî. Nagíng bantóg, natuklás ang mga pira-piraso ng tinatawag ngayóng pagpa-pasóng Calatagan(Calatagan pottery), dinalá o ginayá, sa Porac, ngayón ay bahagì ng Pampanga, sa Bolinao, dating lupain ng mga Zambal ngunit bahagì ngayón ng Pangasinan, at hanggáng sa Butuan, sa Mindanao [ Sa pagsurì, natuklás na galing pa sa Bohól ang ginamit na tisà sa Butuan.]

Ang mga karaniwang palayók at bangà mulâ nuóng 5,000 taón sa nakaraán ay natuklás din sa timog Sulawesi (dating Celebes) at sa Timor, 2 pulô sa Indonesia ngayón. Iláng bangà sa Tabon na may palamutî (decoración) ng diín ng lubid paikot ( “corded” ) ay hawig namán sa mga natuklás sa Sarawak, sa Borneo. Pahiwatig lahát itó ng malawak na ugnayan at lakbayan ng mga unang tao sa Pilipinas, Malaysia at Indonesia.

Ang palamutíng lubid ay nakaratíng din sa China at Taiwan, at mulâ duón bandáng 4,000 - 3,000 taón sa nakaraán, dumatíng ang mga “imported” na palayók at bangà na may ibáng hugis at kinis (finish). Ang ilán ay may 3 o 4 “paá,” ang ibá ay may “tangkáy” (orejas, handles). Bilang buhusan ( pitorro, spout), mayruóng nilagyán ng “labì” (lip) o kinabitán ng mahabang “nguso.” Itóng urì ng pagpa-pasô ang natuklás saSanta Ana, bahagì ngayón ng Manila na itinatág nuóng 1290 bilang tagpuan ng kalakal (commercial entrepot) mulâ China at ng mga taga-timog Pilipinas at Borneo.

Kakaibáng gawî ng pagpa-

pasô

NAGBAGO ulî ang gawî ng pagpa-pasô nuóng simulâ ng panahón ng bakal (Philippine Metal Age), lalo na sa gitnaang (central) Pilipinas. Naglahò ang palamutíng lubid sa mga palayók at bangà na natuklás nuóng 1951-1952 sa mga yungíb ng Kalanay, sa kanluran ng pulô ng Masbate. Sa Tabon namán, ang mga palayók at bangà ay nagkaruón ng mga takíp na hugis salakót na nakataób (trunconical lids). Kapuna-puná, sapagkát nuóng 1909, natagpuán din itóng urì ng pagpa-pasô sa Sa-Huynh, bahagì ngayón ng South Vietnam. Sa mga pulô ng timog silangan - sa Pilipinas, Malaysia at Indonesia - nagsimulá at lumaganap itóng urì ng pagpa-pasô at, maliban sa Sa-Huynh, ang pinaka-malayong naabot nitóng gawî, hindî ginaya sa ibá pang bayan sa paligid - sa Cambodia, Burma, Thailandat kahit sa ibáng bahagì ng Vietnam. Kayá sapantaha ngayón ng iláng nag-aghám sa nakaraáng tao (archaeologists) na malamáng dinalá itó ng mga tagapulô na tumirá na duón, sa halíp ng nagkalakal lamang.

ANG katagáng ‘tabon’ ay ugát (rootword) na katumbás ng ‘takíp’ - tabunan, takpán o ilibíng. Anumán ang gamit sa mga yungíb sa Palawan nuóng una, pagtagál, nagíng libingan (burial caves) ang mga itó at sa katotohanan, karamihan

ng mga natuklás na palayók at bangà duón ay mga kabaong (coffins) ng patáy, paniwalang mga maharlika, o sisidlán ng mga butó, kalansáy at mga ipin pagka-agnás ng bangkáy. Paggalang at pagmamahál sa mga ninunò ang dahiláng matibay at magandá ang mga palayók at bangà, at kung bakit sinamahan ng mga kagamitán (herramientas, tools) at mga alahas (joyas, jewelry) para sa kaniláng lakbáy pa-‘Kabiláng Buhay’.

      NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Pilipino

Lakbáy Pa-‘Kabiláng Buhay’ Jar Burials in the Philippines                                  

Isá sa mga unang natuklás niná Robert Fox sa Tabon ay isáng lalaking inilibíng (buried) na naka-baluktót (agacharsiado, flexed) sa

yungíb ng Duyong nuóng 5,100 taón sa nakaraán...   --Peter Bellwood, 1978

Nauso sa buóng Asia nuóng unang panahón ang pagsunog sa patáy (cremation), marahil nagsimulá sa timog India, gawâ pa itó hanggáng ngayón duón, at ang abó (ashes) ng bangkáy ang inililibíng sa lupà o isinasaboy sa ilog o dagat. Lumawak din ang paglagáy ng abó ng bangkáy sa mga palayók o bangà, marahil nagsimulâ sa China, gawâ pa itó hanggáng ngayón duón. Subalit sa Pilipinas, Malaysia at Indonesia lamang

lumaganap ang paglibíng sa mga palayók o bangà - at ng kalansáy (esqueleto, skeleton) kapág naagnás na ang bangkáy. Itóng gawî ay tangì sa mga naunáng tagapulóng timog (Austronesians).

NUÓNG Marso 1964, natuklás nina Victor Decalan, Hans Kasten at mga Peace Corps volunteers mulá America ang yungíb ng Manunggul, sa Tabon, Palawan. Sa luób, natagpuán nilá ang isáng bangà (tinaja, jar) na ginamit na kabaong (ataúd, coffin). Ang tuktók ng takíp ay hugis bancâ (barca, canoe) na may taga-sagwán (remero, oarsman) at isáng lalaki, kipkíp sa dibdíb ang mga bisig tulad ng isáng bangkáy. Itó ang paglakbáy ng kaluluwá ng namatáy.

“Gawâ itó ng isáng tunay na manlililok (escultór, artist) at bihasang magpapalayók (el gran alfarero, master potter),” sabi ni Robert Fox. Hinatulan niyáng ‘waláng kapantay sa buóng silangang timog Asia’ kahit na kahawig sa ibáng lilok (woodcarvings) sa Taiwan at mga karatig bayan.

Bandang 2,900 - 2,800 taón ang tandâ ng tinatawag ngayong bangà sa Manunggal (Manunggul jar), halos kasabáy ng mga unang pasô at palayók na iniwan sa Palawan 3,000 taón sa nakaraán. Maaaring may matuklás na mas matandáng pasô o palayók sa Palawan o ibáng bahagi ng Pilipinas sa mga

darating na araw subalit sa ibáng bayan sa silangang timog Asia, itó rin ang tandâ ng mga palayók at pasô, at ng mga bangà na ginamit na kabaong.

Tumagál ang ‘Libingang Bangà sa Tabon’ (Tabon Jar Burial complex), ayon kay Fox, hanggáng paglalim ng panahón na ng bakal (Metal Age) sa Pilipinas. Katunayan, sa ibáng bahagi ng Pilipinas, hanggáng kailán lamang. May libingang bangà sa isáng yungib sa pulô ngBasilan, may mga pinggan (platos, dinner plates) na ginawâ sa China nuóng 1530 hanggáng 1600, nang sakop na ng mga Español ang Pilipinas.

Karamihan sa mga bangà sa Tabon ay libingan ng tig-isáng tao lamang, sinabing ‘hindî Negrito’ dahil sa hugis at lakí ng bungo (skulls). Ginamit din ang mga banga bilang kabaong ng mga butó, ang ibá ay pinahiran ng puláng alikabok (red hematite), pagkatapos naagnás ang mga bangkáy. Tapos, pinaligiran ang bangà ng mga palayók at ibá pang palamutî (decoraciónes, ornaments), tulad ng gawî sa Sa-Huynh, Vietnam, sa Plain of Jars (Kalatagán ng mga Bangà) sa katabíng bayan ng Laos, at sa mga pulô ng Talaud, sa Indonesia, sa timog ng Mindanao.

Mga Mukhâ ng Patáy sa Maitum

Tangì ang mga mukhâ sa mga bangà ng Maitum, paglarawan ng mga patáy sa luób. Ang ibáng mukhâ ay payát, patulis ang babà, kulubót ang mga labì dahil wala

nang ipin ang mga matandáng ibinurol. May ibáng nakangitî at marami pang ipin. Kinulayan ng itím parang

buhok ang tuktok ng iláng ulo. Ang ibá ay may butas-butas - tinusukan kayâ ng buhók na naagnás at naglahò

na? Sino ang mga taong itó? Kailán at paano silá namuhay?         --Eusebio Z. Dizon at Rey A. Santiago, 

          Faces from Maitum, The Archaeological Excavation of Ayub Cave

isá ay may abó na natantong halos 2,000 taón ang gulang. Mulâ nuóng

ilibíng, nagambalà ang mga kabaong, 2 lamang

HUGIS tao ang ilán sa 25 kabaong na bangà na natuklás sa yungib ng Ayub, sa baybayin ng Pinol, Maitum, sa lalawigan ng Sarangani (dating South Cotabato) nuóng 1991 at sinurì niná Eusebio Dizon at Rey Santiago ng National Museum of the Filipino People. Ang mga takíp ay mga ulo at mukhâ - paniwalang anyô ng mga inilibíng na maharlika - na kinabitán o hinugisan ng tenga, bibíg at pangá. Natagpuán ang mga ipin at butó-butó sa mga maliliít na palayók, ang

ang hindî naka-salansán, subalit hindî ninakawan dahil natagpuán ang mga alahas - mga maník (abalorio, beads) atpulseras (bracelets) na gawâ sa salamín (vidrio, glass), isáng sabit-kuwintas (pendant) at mga sandok at pulseras na gawâ sa kabibi (concha, shell) - at mga gamit na bakal tulad ng isáng panaksák ( puñal, dagger) at isáng bolo. May hawig ang mga bangà ng Maitum sa mga pasô, anyóng buntís na babae, sa Magsuhot, mga inukit na hugis tao sa mga kabaong sa Benguet at sa Ifugao, at sa mga batóng takíp sa kabaong na natuklás sa timog Mindanao.

      NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Pilipino

Mga ‘Mummy’ ng mga Pilipino 

Native Cults of the Dead

Ang kahulugán ng ‘buro’ sa hilagang Luzon ay ibabad nang matagál (marinate) ang gulay o carne sa tubig na may asín (brine) o sukà (vinegar) upang tumagál nang hindî napapanis,

nabubulók at naa-agnás (corrupted).

1,100 taón sa nakaraán, sinimulán ng mga Ibaloi na iburol nang kakaibá ang kaniláng mga patáy, pati na itóng 2 lalaking nakalarawan sa kanan, isá ay musmos pa, ang matandâ ay may ‘tatû’ (tattoo) na mga guhit sa bintî. Natuklás silá kamakailán sa mga yungíb sa taás ng bundók, sa kabayanan (town) ng Kabayan, mahigít 300 kilometro mulâ sa Manila.

Ayon kay Orlando V. Abinion ng National Museum of the Filipino People, naghandâ pa ang mga mahárliká ng mga Ibaloi kapág matandâ na, o maysakít at malapit

Tinatangkâ ni Abinion na patagalín pa (conserve) itóng 32 ‘mummy’ at iligtás mulâ sa

nang mamatáy. Uminóm daw ng maraming tubig na may asín upang malinis ang kaniláng mga lamán-luób (internal organs) nang sa gayón, mas madalî siláng mai-buro. Sa dami ng ibinurol ng mga Ibaloi nang nakatalungkô o nakabaluktót ( flex burial ), 32 na lamang ang buó pa.

panganib ng mga logger, mga mapanirà (vandals) at mga dagâ (rats). Kayâ pinakunan niyá ng litratoang mga bangkáy, bago ibinurol ulî sa mga yungíb na sinarhán (closed) pagkatapos. Nuóng 1998, isinama ng World Monuments Fund ang mga yungíb ng Kabayan sa listahan nilá ng mga puók na nanganganib na maglahô (endangered sites) upang makatulong kay Abinion.

Gawî ng Pang-2 Libíng, Paghiwaláy sa mga Bungô

SA GITNAANG Pilipinas - ang Palawan at Visayas - nauso mulâ nuong unang panahon ang 2 gawî: Ang paglibing uli (secondary burial ) sa patay, at paghiwalay ng bungo (head cult) mulâ sa ibang buto ng kalansay pagkatapos naagnas ang bangkay. Nabantog ang pang-2 paglibing sa mga banga (tinajas, jars), subalit ginamit din ang puno ng kahoy (tree trunks), at paminsan-minsan, ang mga bato (solid rock) na hinugis at inuka upang magsilbing kabaong.

Sa Palawan, natuklasan din na kinulayan ang bungo at iba pang mga buto, karaniwang ng pulang lupa (red haematite), bago inilibing uli. Natuklas ang bakas ng apoy sa ilang buto sa Palawan at iba pang puok, maniwaring pinausukan o isinalang sa apoy ang kalansay bago inilibing uli. Baka upang patuyuin at patigilin ang pagka-agnas ng patay, o maaaring upang linisin at pagandahin lamang ang mga buto.

Inabot at inulat pa ng mga Español ang gawî ng paghugas sa mga kalansay bago ilibing nang pang-2 ulit. Katunayan, gawa pa ito ng mga Ifugao sa hilagang Luzon at ng mga Sulod sa gitnaang Panay. Mga banga ang gamit ng mga Sulod sa ika-2 libing.

Marami ring sa mga libingan nuong Unang Panahon ang nagtaglay ng mga kahiwalay na kabaong,

May mga libing na bungo lamang ang nasa luob ng kabaong, inilibing sa labas ang iba pang bahagi ng kalansay. Mayruon din natuklas, hindi inilibing kasama sa kalansay ang mga bungo na inilagay sa mga magandang mangkok (cuencos, bowls) na porcelana sa tanaw ng dagat (overlooking the sea).

Hindi tanto ang dahilan nito, pati

ang iba ay mga banga, para lamang sa bungo (skulls) ng mga namatay. May mga libing din na sa paanan ng patay inilagay ang bungo. May mga kabaong din na 2 o higít pa ang mga bungo sa luob.

ng pag-imbak ng mga bungo nang sama-sama sa Mountain Province mulâ pa nuongUnang Panahon, subalit walang kaugnayan ito sa gawî ngpagpugot-ulo (headhunting) na umiral sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas hanggang kailan lamang. Walang bakas ng pagputol sa mga leeg, bungo at iba pang buto. Maniwaring inalis ang mga bungo pagkatapos naagnas ang bangkay, kung kailan sadyang nagkakalas ang kalansay.

Hindi rin alam kung bakit ang mga patay ay baluktot, o bakit nakadapa, nang ilibing simulâ pa nuong mahigít 5,000 taon sa nakaraan, bagaman at sa karamihan ng mga libing nuon, tulad ngayon, ang bangkay ay nakatuwid at nakatihaya. Marahil ang dahilan ng iba’t ibang paglibing ay magka-kaiba rin.

GINAMIT na kabaong (ataud, coffin) nuóng Unang Panahon (prehistory) ang mga bangà sa mga pulô ng Babuyanes at Batanes, sa Pangasinan, Pampanga, Camarines Sur, Sorsogon,Marinduque, Mindoro, Cebu, Masbate, Samar, Palawan at Basilan, at sa isáng puók saMountain Province. Ang mga natuklás sa Palawan ay tantiyáng iniwan sa mga yungíb (caves) nuóng 2,900 taón sa nakaraán, sa Masbate nuóng 2,000 sa nakaraán. Ang ibáng kabaong aymas bago (younger), may mga ibinurol sa banga nuóng panahon na ng Español.

( fuentes, platters) na porcelana. May tinakpan ng bangà rin, nakataób (upside down) sa ibabaw. Sa talampás o mataás nakalatagán (plateau)

Ibá-ibá ang paglibíng at mga kabaong na ginamit. Sa Palawan, inilagak sa mga yungíb sa mga matarík na bangín (acantilados, cliffs) sa tanaw ng dagat. Ang

ibá ay ibinaon sa lupà.

Mayruóng tinabunan ng malalaking bató (hitos, cairns). Ilán ay may takíp(tapaderas, lids) na adobe (limestone), hinugis at inukit nang lapat sa kabaong. Kahoy ang hinugis na takíp ng ibá, ang ibá aymalukong

ng Kulaman sa Cotabato, may kabaong pang binilog at inukit mulâ sa malakíng adobe, patí ang takíp. SaBabuyanes, malalakíng tapayan (double jars) ang kabaong ng mga matandâ. Sa maliliít na bangà inilibíng ang mga batà sa Calatagan, Batangas.

Ibá-ibá rin ang mga alay sa patáy (burial goods) na isiniping sa mga libíng - mulâ sa mga kagamitang bató at kabibi, mga alahas na mamahaling bató, gintô, bakal (iron), porcelana at salamín (vidrio, glass).

Lahát ng pagkaka-ibá ay pahiwatig na ibá’t ibáng pangkat na may sari-saring gawî ang naglibíng sa mga kabaong na bangà sa luób ng mahabang panahón. Tuligsâ (contrary) itó sa unang sapantaha (theory) na may dumatíng na isáng pangkát ng mga naglilibíng sa bangà ( jar burial people) na lumawak sa kapuluán nuóng Unang Panahón.

      NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Pilipino

Parangál At Pag-alay sa

Patáy ‘Status symbol’ at

Katayuan sa Lumang Lipunan

Manghâ ang mga unang Español sa lawak ng paggamit ng mga katutubo (natives) sa gintô at ibá pang mamahaling

bakal bilang palamutî (ornaments) at salapî (currency). Lahát ng

mga babae at lalaki ay may alahas(jewelry) na gintô - mga hikaw (earrings),

kuwintás, purselas (bracelets) at sintás bukong-bukong (anklets). Ipinahayag ni Antonio Pigafetta, kasama

ni Ferdinand Magellan nuóng 1521, na lahát ng lalaki sa Butuan at ibáng bahagì ng Mindanao na naratíng niyá ay nagpapa-butas ng tenga (earlobe) upang sabitan ng gintóng

hikaw, at ngtitì (penis) upang kabitán ng didal ( pins) na gintô rin.

Inulat namán ni Miguel Lopez de Legazpi pagkaratíng nuóng 1565 na “ayaw nang mag-abaláng humanap pa ng gintô” ang

isang pinuno (village chief) dahil mayruón na siyáng 2 hikaw, 2 purselas at isang kuwintás; lahát ay gawa sa taginting na gintô

(fine gold)... --Grace Barretto-Tesoro, Burial Goods in the Philippines: An

Attempt to Quantify Prestige Values

Sa mga yungíb ng Ngipe’t Duldug 

sa Tabon, at Leta-Leta sa El Nido

WALÁNG kabaong na bangà sa yungíb ng Ngipe’t

Duldugsa Tabon. Kahit na sa yungíb ng Leta-Leta sa pulô

ngLangen, sa El Nido, sa Palawan din, siniyasat mulâ nuóng 1965

ni Robert Fox ng National Museum of the Filipino People. Mahalagá ang

mga natagpuáng alay sa patáy (burial goods), tantiyáng mulâ nuóng patapós na ang Makabagong Panahón ng Bató (Late Neolithic period) - mga maník(abalorios, beads) na gawâ sa mamahaling

bató (precious stones) at kabibi (shells),

isáng daras (adze), kuwintás(necklace) at sandók na kabibi (shell scoop). Kabilang sa mga mamahaling bató ang batóng

ihada (jade), agate, jasperat chalcedony. Ang hulíng 3 ay likás sa

Pilipinas, subalit walâ sa Palawan, kayâ mga ‘imported.’ Patí na ang

batóng ihada, mas sikát ang mga itó kaysa sa mga nasa paligid (local goods) dahil bihirà, mas mahirap nakamít at pinag-abalahán pang

bitbitín mulâ sa malayò. MARAMI sa mga Unang Pilipino ang inilibing na mayaman.

Isáng “pagawaán” ( factoria, workshop) ng mga alahas na kabibi (seashells) ang natuklás sa isáng yungíb sa isá sa mga pulô ngCamote (Camote Islands), sa pagitan ng Cebu at Leyte, iniwan bandáng 500 taón sa nakaraán o bahagyâ na lamang bago dumatíng ang mga Español. Natagpuán duón ang ibá’t ibáng urì ng kabibing hikaw (earrings), purselas (bracelets),

pangsabit sa kuwintás (breast pendants) at butíl-butíl na patingkád sa damít (sequins). May mga purselas ding gawâ sa talukap ng pagóng (tortoise shell), butó (bones), 2 urì ng tansô (copper and brass), patí mga maník (abalorios, beads) na sari-sarì ang kulay.

Ginawáng kuwintás ang maraming butíl-butíl (beads) na gawâ sa kabibi, bató, pasô at porcelana. May gawâ rin sa gintô, at mga “imported” na salamín (glass beads). Natagpuán din ang mga paták (globs) ng tinunaw na salamín kayâ sinapantaha ng ilángnag-aghám sa Unang Tao (archaeologists) na nasimulán ang paggawaán ng salamín (glass making) dito sa Pilipinas, bagamán at hindî lumawak o ipinagpatuloy man lamang.

Magastos ang lubháng init na kailangan upang tunawin ang salamín. Magastos din ang mga bakal na kasangkapang pang-hugis nitó bago lumamíg at tumigás. Subalit malamáng hindî gastos ang dahiláng nauntál ang industria ng salamín sa Pilipinas, sapagkát kung alín ang mas mahál, iyon ang mas ninais ng mga Unang Pilipino na isiping kapiling ng kaniláng mga bangkáy.

Sa Sorsogon: Ibá ang Alay sa

WALÁNG bangkáy o kalansáy sa 8 bangà na natuklás saTigkiw na Saday, sa Sorsogon, tantiyáng ginamit na kabaong2,200 - 1,800 taón sa nakaraán. Dalawá lamang ang diniinanng palamutî (impressed designs). At 2 lamang ang may takíp na pasô (earthenware), ang ibá

Babae, Ibá ang sa Lalaki

ay tinakpán ng mga malalakíng bató ng bulkán (volcanic tuff), ang bawat isá ay 50-60 kilo ang bigát. Akalà ngayóng lubusang nalusaw ang mga bangkáy sa asim (acidity) ng lupà, subalit ang kapansín-pansín ay ang pagka-kaibá ng mga biyayang ibinurol (grave goods).

Ayon kay Eusebio Dizon ng National Museum of the Filipino People, ang mga kagamitáng bakal (metal tools) ay inilibíng kasama ng mga lalaki, at mga maník (abalorio, beads) na gawâ sa salamín (vidrio, glass) ang isinama sa mga babae. Takdâ itó ng pagka-kaibá ng gawain at katayuan ng mga tao nuóng unang panahón.

Yungíb ng Duyong sa Palawan

NAKATALIKOD, hindî nakatihayà, inilibíng ang isáng lalaki sa yungíb ng Duyong sa Palawan 5,100 taón sa nakaraán. Bandáng 25 taón gulang, matangkád ang lalaki, 5’10” o 179centimetro, subalit nakatalungkô siyá nang nahukay, nakabaluktót ang mga bisig at paá sa ilalim ng katawán. Maitim ang kanyáng mga ipin, dahil marahil sa nga-ngà (betel nut chewing).

Sa paanan niyá ang ‘alay sa patáy,’ 6 kabibi (seashells) na tinawag na arca. Ang isá ay mayruón pang apog (lime) para sa nga-ngà. Kasama sa mga ‘alay,’ sa magkabiláng tabí ng lalaki, ang 5 daras (adzes), isá ay gawâ sa kininis na bató (polished stone), at 4 na gawâ sa kabibing tridacna. Mayruón ding 3 bilóg na kabibi, 2 ay katabí ng kanang tenga (ear) at inakalang hikaw (earrings), at ang isáng mas malakí, gawâ sa kabibing conus litteratus, ay nasa dibdíb, maniwaring sabit-kuwintás (breast pendant).

Lahát ng ‘alay’ ay nakuha sa paligid. Sinisisid pa nang malalim hanggáng ngayón sa Visayas ang mga kabibing tridacna tulad ng iniwan sa Duyong, mas mahalagá kaysa sa mga bató sapagkát mas mahirap makamít, at mas matagál gawíng gamit. Kayâ sa buóng Pilipinas, 2 puók lamang ang natagpuáng may daras na kabibi. Ang isá pang daras sa Duyong ay gawâ sa karaniwang bató na bulwak ng bulkan (volcanos). Maraming bató

Pilipino - pamputol ng punong kahoy, pang-uka at pang-hugis ng mga bangkâ (boats), at pang-linis ng gubat sa mga kaingin(midden farming). Maniwaring mahál ang mga ‘alay’ darasna kabibi bilang ari-arian, subalit kasing halagá ang daras nabató dahil sa paggamit nitó nang pang-araw-araw.

Samantalà, pahiwatig ng halagá ng nga-ngà ang mga sisidlángkabibi. Laganap itóng gawî sa Pilipinas, Indonesia,Malaysia, India at Africa mulâ pa nuóng Unang Panahónhanggáng nitóng kamakailán lamang. Inulat ng mga Español na ginamit ng mga tagapulô ang nga-ngà sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at pakikipag-kasunduan sa mga kakampí sa pali-paligid. Iwinangis itó sa gawî ng cigarillo at tobaco ngayón.

Ang mga hikaw at ibá pang palamutî ay mahalagá rin nuón, bahagì ng ‘damít’ at yaman ng bawat tao, na kailangan at dalá-dalá nilá sa kaniláng paglakbáy sa ‘kabiláng buhay’.

tulad nitó sa lahát ng kapuluan dahil sa dami ng mga bulkan sa Pilipinas. Kahit karaniwan, iniwan itóng ‘alay’ sa Duyong dahil mahalagá sa pamumuhay ng mga Unang

Gintô sa Ipin:  Ibá-ibáng Urì ng

BANDÁNG 700 - 600 taón sa nakaraán, inilibíng ang 51 tao nang pahigâ (supine) sa baranggáy Balingasay, sa Bolinao, Pangasinan. Tapos, ipinatong ang mga bangà sa lupà, sa ibabaw ng pinaglibingán, parang mga palatandaan (lápidas, headstones).

Kabilang ang isáng sanggol (infant) na ibinurol sa ilalim ng isáng bangà na gawâ sa China nuóng panahón ng kahariángMing (Ming dynasty), 1368 - 1644.

Ang ibá ay mga karaniwang bangà na gawâ sa Pangasinan, ginaya ang mga bangà mulâ China, at mababang urì lahát maliban sa isá na kulay lunti at diláw (green and yellow). Pagkaraán ng maigsíng panahón, iniwan ang libingan at hindî na ginamit uli, hindî alam kung bakit. Natuklás sa mga libingan ang ari-

Maharlika sa Bolinao, Pangasinan

mga kagamitáng bató (stone tools), kidkiran ng sinulid(spindle whorls) na gawâ sa tisá (arcilla, clay) , butó na ihip sa kalán (tubular bone), palayák at pasô (earthenware vessels). Natuklás din ang mga kabibi (seashells) at mga gawâ sa kabibi - purselas (bracelets), singsing (rings) atmaník (beads). May isáng purselas na gawâ sa butó at mgamaník na gawâ sa salamín (vidrio, glass) at mamahaling bató (semiprecious stone), tinawag na carnelian.

Ang mga sandatang bakal (iron weapons) ay iták,panaksák (puñal, dagger), sibát (lancia, spears) at patalim(cuchillo, knife). Ang mga gawâ sa tansô (bronze) ay mga pang-kalakal (tradewares) - mga maník, purselas,

gawâ sa gintô (oro, gold) - mga maník, hikaw, isáng suklay(peine, comb), isáng sabit-kuwintás (colgante, pendant) at mga sinulid (gold threads). Binutasan at pinasakan ng gintô ang ipin (gold pegged teeth) ng 8 bangkáy.

Gumaya sa gawî sa China ng paglagay ng gintô sa ipin, silá ang pinaka-mataás na maharlika duón nuón, nang ilibíng kasiping ng mga kagamitáng bakal. Sapantaha na mas mababà ang mgamaharlika na may gintô sa ipin subalit waláng kagamitáng bakal. Mas mababà pa ulî ang mga inilibíng nang may kagamitán subalit waláng gintô sa ipin.

Pinaka-mababà daw ang mga bangkáy na waláng gintô sa ipin at waláng kagamitáng bakal, bagamán at sapantaha na ‘may kaya’ (rico, well-off) ang sinumang inilibíng nang may ari-arian, kahit na gawâ sa bató.

arian ng mga mayamam -

singsíng, purselas, alambre at mga salapî ng China (Chinese coins). Ang pinaka-mayaman ay

‘Import’/‘Export’ Sa Unang Panahón

HAWIG sa Lingling-o ang mga hikaw na natuklás nuóng 1909 sa Sa Huynh, bahagì ng South Vietnam ngayón. Akalà nina H. Otley Beyer nuóng una na ang natagpuán niláng

malakíng Lingling-o na may 2 ulo (cabezas, heads) sa magkabiláng dulo ay sabit-kuwintás(colgante, breast pendant), subalit sa pagsurì sa mga natuklás sa Sa Huynh, natiyák na hikaw din ito dahil natagpuán sa tabí ng isáng bungô(calavera, skull).

      NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Pilipino

Mga Hikaw ‘Lingling-o’ 

Unang ‘Fabrica’ ng Alahas sa Pilipinas

NANG natuklás ni H. Otley Beyer ang mga hikaw na gawâ sa batóng ihada ( jade, nephrite) sa Batangas nuóng 1948, napansín niyáng hawig sa mga hikaw, gawâ sa gintô (oro, gold), pilak (plata, silver) o tansô (cobre, copper), na isinusuót ng mga Ifugao, Bontoc atKalinga sa mga bundók ng Cordillera, sa hilaga ng Luzón. “Lingling-o” ang tawag nilá sa ganitóng urì ng hikaw kayâ itó rin ang itinawag ni Beyer, na Ifugao ang asawa, sa kanyáng mga natuklás.

May 2 ulo (bicephalous) rin sa mga lingling-o na natuklás ni Robert Fox sa mga yungíb ngDuyong, Uyaw at Guri, sa Tabon, Palawan, nuóng 1960s. Mukhá raw gawâ rin sa batóng ihada subalit hindî pa nasusurì nang maigi, at hindî pa alám kung saán nagmulâ, kung sakaling batóng ihada talagá.

Mulâ sa sari-saring bató ang mga lumang lingling-o na natuklás sa ibá’t ibáng bahagì ng Pilipinas.

Gawâ sa ‘batóng buhay’ (mica, tinawag ding ‘ihadang Mindoro’ o Mindoro jade) ang hikaw na nahukay niBarbara Thiel sa yungíb ng Arku sa mga bundók ng Sierra Madre. ‘Batóng buháy’ din ang mga hikaw na nabalitang itinatago ngayón ng mga nakatuklás nitóng mga nakaraáng taon. Gawâ namán sa karaniwang tisà (arcilla, clay) ang natuklás ni Amalia de la Torre sa Ulilang Bundok, sa lalawigan ng Batangas.

May mga lumang lingling-o na tisà rin na natagpuán sa pulô ng Marinduque at sa libís ng Cagayan (Cagayan Valley) sa hilagang Luzón. May nabalità pang lumang lingling-o na gawâ sa salamín (glass), natuklás daw sa Palawan. [Karamihan ng mga gawâ sa salamín nuóng unang panahón ay galing sa China.]

Ang pinaka-maraming natuklás na gawâ sa batóng ihada, hindî lamang mga lingling-o kundî libu-libong mga palakól(azuelas, adzes), ay si Beyer sa matagál niyáng pagsaliksík ukol sa simulâ ng mga Pilipino sa Rizal, Laguna at Batangasnuóng 1930 hanggang 1940.

Matapos suriin ni Yoshiyuki

Iizuka ng Academia Sinica sa Taiwan, natiyák na kaibá ang mga itó at hindí nanggaling sa mga kilalang pinagkukunan ng batóng ihada. Malamáng daw na kinuha sa mga hindî pa natutuklás na puók na malapit sa timog Luzón - baká sa mga pulô ngRomblon o Tablas dahil may mgamarmol (marble) duón na nabuô tulad sa batóng ihada nuóng unang panahón.

Pahiwatig lahát itó ng masugid napaggawâ (fabrica, industry) na lumaganap sa Pilipinas libu-libong taón sa nakaraán. Tutuóng mahilig mag-alahas ang mga Pilipino, binunyág ng mga unang Español na dumating nuóng 1521, subalit sa pagsuót ng lingling-o kahit na gawâ lamang

sa tisà, maniwaring ang paggamit nitó ay hindî lamang hilig kundî bahagì na ng lumang gawî, batay sa hindî na alám na dahilán.

3,000-Taóng Pagawaan ng Jade

Napagtibay itó ng mga nag-aghám sa mga unang tao(archaeologists) mulâ sa National Museum of the Filipino People at sa University of the Philippines. Kailán lamang, sa pamunò ni Peter Bellwood ng Australian National University, natuklás nilá ang isáng paggawaan (fabrica, workshop) ng batóng ihada sa Anaro, sa Itbayat, isá sa mga pulô ng Batan (Batanes Islands) sa tabí ng hilagang Luzón. Mahigít 24 pira-pirasong pinagtabasan (remnants) nglingling-o ang nahukay, mahigít 3,000 taón na ang tandâ.

Ayon kay Iizuka, malamáng nanggaling ang batóng ihada saTaiwan o sa kalapít na pulô ng Lan Yu. [Ang Lan Yu ang kahuli-hulihang pamahayan (colony) ng mga Yami, mga Batan (isá sa mga pulô ng Batanes ay tinatawag pang Yami ngayón) na lumikas nuóng walâ pang Intsík duón.]

‘Imported’ ang mga Alay sa Pulong

KAHIT gamit ng lahát, mas mababa ang gintô sa tingin ng mgaUnang Pilipino kaysa sa mga ‘imported.’ Inulat ng mga Español na bihirang mag-mina ng gintô sa Visayas, kung kailangan lamang pambayad sa kalakal at, maliban sa mga suót na alahas, hindî iniipon sa bahay. Sabi raw ng mga tagapulô, ang gintô sa bahay ay naaagaw ng mga mandarambóng (pirates), ang gintô sa lupà ay hindî.

Nang lumaganap ang paggamit ng pilak (plata, silver) mulâNueva España (Mexico ang tawag ngayón) dahil sa Galleon Trade simulâ nuóng 1595, mabilis na naglahò ang paggamit ng gintô sa Pilipinas. Malinaw na pahiwatig itó, sabi ni Grace Barretto-Tesoro, na nahilig ang mga tagapulô sa mga ‘imported ’ sa halíp ng mga bagay na ‘local.’

Napagtibay na hilig na itó mulâ pa nuóng Unang

Bakaw, sa Calatagan, Batangas

Panahón ng mga natuklás sa pulô ng Bakaw, sa Calatagan, Batangas, na sinurì ni Robert Fox simulâ nuóng 1959. Nahukay ang libingan ng 207 tagapulô - 95 matandâ, 25 binatà at dalaga, 31 batà at 4 sanggol, 2 ay ibinurol sa mga bangà. Ang ibáng mga kalansáy, tantiyáng 550 - 450 taón ang gulang, ay lubháng naagnás at hindî na nasurì.

Lantád sa mga kasamang ‘alay sa patáy’ - mga kalakal mulâAnnam (bahagì ng North Vietnam at kanlurang timog China ngayón) at Siam (gitnaan at timog Thailand ngayón) - na laganap na ang kalakal at ugnayan sa mga kalapit-bayan nuóng bago pa dumatíng ang mga Español.

Kabilang sa mga natuklás ang mga maník (abalorios, beads),salamín, gintô, tansô at gintóng alahas, mga kagamitáng bakal at mga kidkiran ng sinulid. Mayruón ding mga ‘local’

na palayók at pasô na may mga kabibi at mga butó ng hayop at isdâ sa luób.

Kauntî ang mga ‘mayaman,’ 4 lamang ang ibinurol kapiling ng mga kagamitáng bakal, at 6 lamang ang may alahas at ibá pang palamutî (ornaments). Sa 25 binatà at dalaga, 20 ay mga ‘local’ na palayók lamang ang ‘alay,’ at ang 2 sanggol na hindî ibinurol sa bangà ay waláng ‘alay’ kahit na anó.

Dahil sa agnás ng mga kalansáy, hindî na natiyák kung ang mga kagamitán ay isiniping sa mga lalaki at ang mga palamutî ay isinama sa mga babae. Ang mga ‘local’ na palayók ay gaya sa mga porcelana ng China at mababang urì ang pagkagawâ.

Baka nagambalà, nagkalat sa mga libingan ang mga kaligay(cowrie shells) at ibá pang kabibi, at iláng pirasong butó ng mga usá (ciervos, deer) at baboy (cerdos, pigs).

Panahón ng Sandata sa

SA itinagál ng Unang Panahón, ang mga ‘alay sa patáy’ ay mga kagamitán (tools) at palamutî (ornaments), mgaalahas ( jewels) at kayamanang naipon sa tanáng buhay, at karapat-dapat dalhín sa ‘kabiláng buhay.’ Sa Panhutongan, isáng baranggay sa Placer, Surigao del Norte, mga sandatang bakal (iron weapons) ang isiniping sa mga bangkáy nuóng bandáng 2,000 taón sa nakaraán.

Ginambalà ng mga magnanakaw, malamáng nuóng panahón ng Español, hindî alám ngayón kung may gintô (gold) at ibá pang yamang inilibing kasiping ng 16 bangkáy na natuklás duón walâ pang 1 metro ang lalim sa lupà. Ang 13 kabaong ay punong kahoy (tree trunks) na pinutol nang 1.80 - 1.85 metro (6 feet) ang habà, at inukà sa luób hanggáng nagkasya ang bangkáy. Ang iláng kabaong ay rectangulo, ang ibá ay paliít sa bandáng paanan at malapad sa bandá ng balikat - ang likas na hugis ng punong

Panhutongan, Surigao del Norte

kahoy (tree shape) at hugis pa ng ibáng kabaong na ginagawâ ngayón. Ang mga kahoy na ginamit na kabaong ay nakilalangmolave, narra, tangile at pahutan. Ang kabaong ng 3 ay gawâ sa 5 tabla ng kahoy na bahi. Maniwaring natuto nang mag-lumber ang mga Unang Pilipino nuón.

Paniwalà ngayóng mga Español ang nagnakaw sa mga libingan sapagkát sa ulat niná Pedro Chirino at ibá pang frayleng sumurì sa mga Unang Pilipino, hindî nilapastangan ng mga tagapulô ang puntód ng kaniláng mga ninunò.

Si Miguel Lopez de Legazpi mismo ang sumulat sa hari ng España, si Felipe 2, na ipinagbawal niyá ang paghalukay ng kanyáng mga sundalong Español sa libingan ng mga tagapulô nang waláng pahintulot dahil nais niyáng singilín ng buwís(taxes) ang lahát ng gintô at alahas na ninakaw. Isá pang dahilán, ang mga

naiwan ay mga maník, at mga sandatang bakal (iron weapons) - mga iták (machete, bolo) at tulis ngsibát (spearheads). Isiniping sa tabí at dibdíb ng mga bangkáy, mas mahalagá ang mga itó kaysa sa gintô at alahas, para sa mga Unang Pilipino, sapagkát mas bihirà ang bakal at mas mahirap nakamít.

Isá pa, ang mga sandata ay taták ng kaniláng pagiging mga pinunò atmaharlika, higít at daíg ang pagiging mayaman lamang. Kung Pilipino ang nagnakaw nuón, malamáng ang mga sandata at bakal ang ninakaw nilá, at iniwan ang gintô at alahas napangkaraniwan lamang sa kanilá.

Matagál nang bantóg ang mga Obo sa Mindanao sa gandá ng mga gawâ niláng puluhán ng kampilan at kris. Habang binobomba ng dalaga ang 2 ihip na kawayan, tinutunaw ng pandáy ang tansô (brass or copper) sa gawâ niyáng horno(crucible), karaniwang hukay sa lupa na pinaligiran ng bató at tisà, tapos tinakpán ng uling (charcoal) na pinabaga. Inukit muna ang kathâ(design) sa pagkít ng bubuyog(beeswax) bago binalot sa tisà na ininit upang matunaw at maibuhos

NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Pilipino

‘Panahón’ Ng Tansô At Bakal Sa Pilipinas 

Bronze and Iron Ages in Prehistoric Philippines

Hinayag nuóng 1890 ng isáng taga-Germany, si Hans Meyer, na tinutunaw (smelt ) ng mga Igorot ang lantáy na bakal ( pure iron) mulâ sa lupang na-mina (ore). Tsismis lamang itó, batay sa bantóg

ng mga sandatang bakal ng mga Igorot. Katunayan, waláng nakasaksi nitó kailán man, at waláng alám ang mga Igorot ukol sa

pagtunaw ng lantáy na bakal ngayón o nuóng unang panahón. Kahit na sa mga alamát nilá, walâ...   --William Henry Scott, 1984

SA iba’t ibáng bahagi ng daigdíg, sumunód ang Panahón ng Tansô sa Panahón ng Bató simulâ nuóng bandáng 5,500 taón sa nakaraán, nabantog sa buóng daigdíg dahil sa digmaan sa Troy (Trojan War) na isina-tulâ (epic) ni Homer. [Ang mga unang panahón sa mondo ay naka-lathala sa ‘Panghilod, Pandikdik, Panaksak’ sa website ding itó.] Walâ pang natutuklás na lata

(tin) sa Pilipinas, kailangan upang patigasín ang lantáy (pure) na tansô na lubháng malambot upang magamit maliban sa alahas (jewelry). Natuklás sa mga kagamitan nuóng Unang Panahón (prehistory) sa Luzon at Palawan ang mgaalambre (wire), mga patalím (cuchillos, knives), tulis ngsibát (spearheads) at palasó (arrowheads), at kakaibángpalakól

ang pagkít. Ang matigás na tisà, hungháng sa luób, ang luwád (forma, caster) at dito ibubuhos ang tunáw na tansô. Paglamíg, babasagin ang luwád at kikinisin ang matigás nang bakal. Tinawag na “sa pagkít muna” (lost wax process), lawak sa buong daigdíg itóng gawî ng pagpandáy nuóng unang panahón pa. [ Nakalarawan sa kanan ang mga luwád na ginamit at binasag ng mga Unang Pilipino libu-libong taón sa nakaraán.]

(axhead), tinawag na socketed celt, na may butas na suksukan ng hawakáng kahoy, kaibá sa bató at mga naunang tansóng palakól na itinatalì lamang sa tabí o dulo ng kahoy.

Natuklás din ang

mga luwád ( formas, molds) ng mga palakól kayâ paniwalâ ngayóng nagpanday ang mga Unang Pilipino, gamit ang lata imported mulâ sa ibáng lupain, o tinunaw lamang ang mga tansóng dinalá mulâ sa ibáng bayan. Subalit napaka-untî ang mga natuklasán upang magka-sapát na ‘panahón ng tansô’ sa Pilipinas - matagál nang tapós ang Unang Panahón at panahón na ng Español nang ipasok o gawín ang karamihan ng tansô sa kapuluán. Kasabáy sa mga natuklás ang ginto at pagtagal, ang bakal (iron) na rin, kayâ maniwaring ang tansô ay maisasali sa dapát tawaging ‘Panahón ng Bakal’ (Metal Age) sa Pilipinas.

Panahón Ng Bakal

BATAY sa pinaka-matandáng pira-pirasong bakal na natuklás, panukalang nagsimulâ nuóng 2,600 - 2,500 taón sa nakaraán ang Panahón ng Bakal (Metal Age) sa Pilipinas at tumagál hanggáng 1,000 taón sa nakaraán, nang unang pumasok ang mga porcelana mulâ China at nagsimulâ ang, sa Pilipinas, ay ibá at tanging ‘panahón’. Kayâ marami sa mga natuklás sa kapuluán na hindî tiyák ang gulang ay isinadlák saPanahón ng Bakal kahit waláng bakal na

Hinati ni Robert Fox ng National Museum of the Filipino People ang panahón sa 2: Ang Bago-bagong Panahón ng Bakal (Early Metal Age) mulâ nuóng 2,600 - 2,500 taón sa nakaraán, at ang Ganáp nang Panahón ng Bakal(Developed Metal Age), bandáng 2,190 taón sa nakaraán. Ang una, sabi ni Fox, ay panahón

bakal. Subalit nuóng hulíng 500 taón ng panahón ng bakal, naglahò ang industria, ayon sa mga ulat mulâ nuón.

Rumurupók ang bakal sa tagál ng panahón, kayâ pulóskalawang at basag-baság ang mga alahas, karaniwang mga singsíng (anillos, rings), at gamit na bakal, karaniwang mgapanghukay (diggers) o pamputol (cutters) mulâ sa unang panahón, kayâ mahirap tantuín ang husay ng pandáy ng mgaUnang Pilipino. At halos waláng natagpuáng malakíng pirasong bakal, marahil dahil wala nuóng

natagpuán, bastá waláng kasamang kagamitang bató (stone tools) at walâ ringporcelana.

Sa panahóng itó nagsimulâ ang pagburol ng mga kabaong na bangà sa mga yungíb ng Tabon sa Palawan [lahád sa isá sa mga nakaraáng kabanatà, Lakbay Pa-‘Kabiláng Buhay’ sa website ding itó].

ng tansô (bronze) atsalamin (abolorio, glass), samantalang kasama na ang bakal(iron) sa pang-2 panahón.

Lawak sa mga libingan sa Pilipinas ang ‘sapal’ (iron slag) ng pagtunaw sa lupang na-mina (iron ore) upang mahangò anglantáy na bakal (pure iron). Mayruón pang iláng puók na maniwaring naging hulmahan ng bakal (iron smelting). Katibayan itó na bihasà sa bakal ang mga Unang Pilipino at nagsimulâ, kung hindî man nagtagál, ang industria ng paghango sa

marunong lumikhà ngbantóg (monumental ) sa bakal. O baká, gaya ng mga ulat nuóng panahón ng Español, magastos (expensive) ang bakal at waláng may kayang bumilí o magpalikhà ng malakíng bakal. [Tapós na ang Unang Panahón nang nauso ang mga kampilan at iták sa kapuluán.]

Marahil gastos din ang dahiláng naglahò ang industria ng paghulmá ng sariling bakal. Mabigát na gawain itó, at kailangan ang tulong ng maraming tao. Tulad ngayón, ang pa-trabajo nuón ay binabayaran ng pakain (banquete, feast) na, kahit ngayón, ay may kasamang ‘pabalot’ (take home) pag-uwî hindî lamang ng mga nag-trabajo kundî patí ng mga kamag-anak. Lumabás na mas mura ang bumilí na lamang mulâ sa mga Intsik ng bakal at iyón ang tunawin at pandayín. Nagsimulâ ang kalakal ng bakal mulâ China, mga baság na kawalì at kaserola, nuóng 1,700 taón sa nakaraán. Sapantaha na nag-import din nuón mulâ sa malaking hulmahan ng bakal sa Santubong, sa Sarawak, Borneo.

Buóng panahón ng bakal, nagpatuloy ang paggamit ng kahoy, kabibi at bató sa paggawâ ng mga gamit, - mga sandók (cucharas, spoons) at manik(abalorios, beads) at ibá pa. Ang mga itó ay mas malinaw kaysa sa bakal sa pag-larawan ng pamumuhay ng mga Unang Tao sa Pilipinas. Ang mga natagpuáng kidkiran (ejes, spindles) ay nagpahiwatig ng pagsulid ng sinulid (hilo, thread), malamáng bulak (cotton), at malamáng ng paghabì ng tela(cloth weaving) na rin. Pahiwatig ng husay sa paghabì nuóng Unang Panahón pa ang mga natuklás na bakás ng baníg (woven mats) na napaka-fino, akalà ay tela bago sinuri sa microscope.

Madugô (sangrieto, bloody) ang nai-larawang sandalî nuóng Unang Panahón. Isáng kalansáy (skeleton) ang nahukay na may tulis ng palasó (flecha, arrow) sa matá (ojo, eye socket), at mas malaking tulis sa leég (cuello, neck).

Pagkaraán ng 1,000 taón ng Panahón ng Bakal, lumawak ang ugnayan at kalakal mulâ sa iba-ibáng

lupaín, Borneo, Indonesia, Malaysia, Taiwan atVietnam. May mga natuklásan pang mga manik na galing sa timog India o baká sa Sri Lanka (dating Ceylon). Higít sa lahát, nagíng magana ang ugnayan sa China, at higít sa lahát ng kalakal ang porcelana. May nahukay na bangkáng pandagat (ship) na lumubóg nuóng panahón ng kaharián ngSung sa China, bandáng 1,000 taón sa nakaraán. May dalá ang bangkâ na mga pinggán (platos, dinner plates) na porcelana. Malawak at magana angindustria ng pagpa-paso (ceramics) sa Pilipinas nuóng Unang Panahón, ang ibáng mga productos, tulad ng palayók (cooking pots), bangà (jars) atpasô (planters), ay ginagawâ at ginagamit pa hanggáng ngayón subalit pahiwatig ang bangkâ ng simulâ ng imported sa Pilipinas, ang Panahón ngPorcelana.

KUNG tutuusin, matatawag lamang na porcelana ang likhâ safino at putíng tisà (arcilla, clay) mulâ sa Kao Lin (cerro alto, high hill ), isáng bundók sa China, na ‘pagka-lutò’ ay kasing tigás ng bató, kasing putî

NINUNO MO, NINUNO KO:  Paghanap sa mga Unang Pilipino

            Panahón Ng Porcelana, Kalakal 

Prehistoric Eras

ng ulap at kasing kinis ngsalamín. Ang likhâ sa magaspáng na tisà ay tinatawag nastoneware, hindî kasing kintáb ‘pagka-lutò.’

‘Mala-porcelana’ (‘proto-porcelain’) namán ang tawag sa mga likháng kulang o malî ang kao lin nuóng 618 - 905, panahón ng kaharián ng Tang (Tang dynasty), nang sinimulán pa lamang ang pagpo-porcelana. Halos 400 taón bago napaghusay ang ‘tunay’ na porcelana hanggáng nagharì ang mga Song (Sung dynasty) nuóng 960 - 1126, at nagsimulâ ang Panahón

ng Porcelana sa Pilipinas.

Nakapaluób sa panahóng itó ang itinagál ng 3 pang kahariáng sumunód sa China - ang Yuanng angkán ni Genghis Khannuóng

Unique to the Philippines        

Tangì ang gawî ng pagpa-pasô (ceramics tradition) sa kasaysayan ng Pilipinas. Mahigít 2,000 taón ang magana at malawak na likhâ ng sari-saring hugis at lakí, para sa ibá’t ibáng gamit - sisidlán ng tubig, pagkain, nga-ngà, alahas at bangkáy - upang malaós lamang sa pagdanak ng mga porcelana mulâ sa China. Napalitán bilang pinggán at mangkók ng maharlika, agaw-buhay nagpatuloy sa kamáy at pamuhay ng mga dukhâ sa paglipas ng daán-daáng taón. Ngayóng malayà at nangibabaw na namán ang karaniwang tao, tanghál ulî ang likháng hamak, ang  palayók, - pinaka-mainam sapaksíw, karé-karé, pinangát at ibá pang lutong Pilipino, - sa hapág kainán ng lahát, pati ng mga kasalukuyang ‘maharlika.’

1260-1368, ang Ming nuóng pinaka-tagintíng ang porcelana, 1368-1644, at ang mga Qing (Ching, Manchu) nuóng 1644-1911, nang nagsimulâ ang pagbabà ng halagá ng porcelana.

Nalagak din sa Pilipinas ang porcelana mulâ sa Sukhotai atSawankhalok sa Thailand, simulâ nuóng 1295 hanggáng 1450, subalit tanghál ang Manila ngayón dahil sa ibá’t ibáng bahagì ng Pilipinas, marami at mayaman ang porcelana ng China mulâ nuóng panahón ng mga Song, kabilang ang mga tinatawag na ‘celadon,’ ang

pakintáb na kulay luntian (pale green) na bantóg sa mga Intsík nuóng Unang Panahón. Sinabing aninaw nilá sa kináng nitó ang hiwagà (magic) ng batóng ihada ( jade).

Sa dami ng porcelana, nadaíg daw si H. Otley Beyer nang siyasatin niyá ang 20 - 30 libingan sa Novaliches, sa Rizal, nuóng 1926. Sa halíp na pala (hand shovel ) o kalaykáy(trowel ), 2 traktora (steam shovels) daw ang ginamit na panghukay, at pa-ganta-ganta binilang ang mga libo-libong piraso ng porcelana na lumitáw.

Hanggáng kailán lamang, hinayag na libo-libong porcelana, mga buô at hindî baság, ang hinukay sa isáng libingan lamang ng

hanggáng sa katapusán ng Unang Panahón (prehistory) at sa simulâ ng kasaysayan ng Pilipinas. Nuóng 1521, sa mgamangkók na porcelana hinai

Bagamán at, o marahil dahil, silá ang naunang nagkalakal, waláng tumalo sa mga Song sa husay at gandá ng mga

mga magnanakaw upang ipagbilí sa mga collector. Halos lahát ng pulô, mulâ sa hilagang Itbayat, sa Batanes, hanggáng sa Tawi-Tawi, sa timog ng kapuluán ng Sulu, ay may mgaporcelana na inilibíng kasiping ng mga ninunong yumao.

Sa Butuan, nahuhukay parang camote ang mga porcelana sa mga bakuran (backyards). Patong-patong pa ang mga porcelana mulâ sa China nang natuklás ng mga nag-aghám na sumisid (marine archaeologists) upang siyasatin ang mga bangkáng pandagat na lumubóg sa banda ng Mindanao. At taón-taón, tantiyáng daán-daán libong porcelana, buô at baság, ang naipagbibilí saManila ngayón.

Tanghál din ang mga porcelana mulâ sa China

nan ng pagkain at alak ng mga Pilipino si Antonio Pigafetta. Sa mga bangang porcelanahinatíd kay Ferdinand Magellan ang palay para sa kanyáng mga gutóm na tauhan, at sisidlán ng mga handóg na ibinigáy niyáng kapalít.

At hanggáng ngayón, inuukit ng mga Kalinga at ibá pang taga-bundók ng Cordillera sa kahoy ang hugis at anyô ng mga pinggán at mangkók na  porcelana na nagíng

mga sagisag (escudo, emblem) ng kaniláng pagka-maharlika - hugis at anyô, tulad ng malakíng bulaklák ng lotus ng dating porcelanamulâ sa Thailand, na inuukit at ipinagbibilí pa ng mga Ifugao sa mga turista.

likhâ. Maaaring nagka-ganuón sapagkát pinakapál at pinatibay nang hustó ang mga porcelana nuóng mga sumunód na kaharianupang hindî

madalíng mabasag sa paglakbáy sa ibáng bayan, at sa paggamit duón.

Hanggáng ngayón, inilalabas at ginagamit ang mga lumangporcelana sa mga pag-aalay(ceremonias, rites) atpagdiriwang (fiestas, feasts) sa mga bundók sa Pilipinas. May mga tanging porcelana rin, lalo na sa lumang libingan - maniwaring ginawâ sa China nuóng Unang Panahón bilang ‘special order.’

Relihiyong Pagano Ang paganismo (mula sa Lating paganus, na nangangahulugang "naninirahan sa kanayunan", "rustiko", o "karaniwan") ay isang pangkalahatang katawagang ginagamit upang tukuyin ang sari-saring mga pananampalatayang maraming diyos o relihiyong politeistiko. Kinabibilangan ang nilarawang pangkat sa karamihan ng Silanganing mga relihiyon, relihiyon at mitolohiya ng Katutubong mga Amerikano, pati na ang hindi-Abrahamikong mga relihiyong-bayan sa pangkalahatan. Hindi ibinibilang sa mas makitid na mga kahulugan ang anuman sa mga relihiyon ng mundo at hinahangganan ang katawagan sa lokal o rural na mga daloy na hindi naisaayos bilang mga relihiyong sibil. Katangian ng mga tradisyong pagano ang kawalan ng proselitismo at ang pagkakaroon ng isang nabubuhay na mitolohiya na nagpapaliwanag ng gawaing pampananampalataya. 

Photo Essay (T.L.E.,C.L.,A.P)Posted November 20, 2011 by purity9 in Uncategorized. Leave a Comment

        Budhhismo ang napili ko dahil alam kong madaming Pilipino na ang nakakaalam nito.Hindi maitatangging malaki ang impluwensya ng Buddhismo sa ating mga Pilipino gaya ng paniniwala natin na magdadala ito ng swerte at kaginhawaan sa atin.Sino nga ba si buddha?Ayon sa aking pananaliksik:        Buddha was a legendary prince or the son of a nobleman, who founded a major world religion around the 5th century B.C. Theword “buddha is Sanskrit for ‘awakened one’.Buddha was known as Siddharta Gautama, son of Suddhodana, the head of the Sakya tribe and a member of the clan of Gautama.

Paghahambing:

Ang buddhismo at christianismo ay may pagkakahawig sa iba’t-ibang bagay gaya ng kung ang mga kristyano ay may banal ng libro na ang tawag ay “Holy Bible” ang

Buddhismo ay meron din banal na librong tinatawag na tripitaka.Ang mga Buddhist ay gumagamit na insenso sa halip na kandila dahil para sa kanila mas malalim ang ibig sabihin ng insenso sa kanilang relihiyon.Ang mga kristyano ay nanininwala kay Jesus at sa holy trinity bilang kanilang mga Diyos samantalang ang Buddhismo ay naniniwala kay Buddha bilang kanilang diyos.Tayong mga Kristiyano ay naniniwala sa 10 commandments mula kay Hesus na magbibigay daan sa atin upang makasama sya sa hinaharap habang ang Buddhismo naman ay naniniwala sa Eigth fold path na magbibigay daan sa kanila uang makamtan ang walang hanggang kaligayahan.

Pagbibigay opinyon:

Kahit ano man ang ating relihiyon wag sana nating masamain ang ibang taong may iba rin relihiyon dahil kahit ano pang relihiyon natin naniniwala parin tayo sa isang diyos yun ay si Hesus ang dakila nating tagapagligtas at isa rin mabuting kapatid.Bilang isang Kristyano masasabi kong dapat tayong sumunod sa 10 commandments upang magawa

natin ang ating misyon at para madama ang kaligayahang inaasam natin sa hinaharap.Tayo ay may freewill na binigay ng ating panginon gamitin natin ito upang mas maging malapit tayo sa kanya at sa kanyang kaharian.Marami akong aral na napulot sa paggawa ng aming proyetong ito ngunit ang pinaka nakuha kung aral ay ang pagiging taas noo ko dahil ako’y is

ang mabuting KRISTIYANO

Relihiyong Islam Sa relihiyong Islam, si Hesus ay tinutukoy bilang isang Mensahero ng Diyos na ipinadala para magbigay ng gabay sa mga Mga anak ng Israel na may bagong kasulatan, ang Injīl (ebanghelyo). Ang Koran na pinaniniwalaan ng mga Muslim bilang ang huling rebelasyon ng Diyos ay binanggit si Hesus ng 25 na beses. Isinasabi na si Hesus ay pinanganak kay Maria bilang isang bunga ng pagbubuntis ng birhen na isang himalang naganap sa pamamagitan ng utos ng Diyos. Para matulungan siya sa kanyang pakikipagsapalaran, nabigyan si Hesus ng kapangyarihang gumawa ng mga himala sa pahintulot ng Diyos. Ayon sa mga kasulatang Arabe, si Hesus ay hindi napatay o napako sa krus bagkos siya ay inangat nang buhay sa langit. Isinasaad ng mga Islamikong kinaugalian na siya ay babalik sa mundo sa paglapit ng araw ng paghahatol para maibalik ang katarungan at matalo ang al-Masīḥ ad-Dajjāl (literal na "huwad na mesiyas" na tinatawag din bilang ang Antikristo). Gaya ng lahat ng mga propeta ng Islam, si Hesus ay issinasalang-alang bilang isang Muslim dahil sa kanyang pagtuturo sa mga tao na kupkupin ang tuwid na daanan sa pagsuko sa ayon ng Diyos. Hindi tinatanggap ng mga Muslim na si Hesus ay isang inkarnasyon ng Diyos o ang anak ng Diyos na tinutukoy siya bilang isang mortal na tao, na tulad ng ibang propeta ay napili lamang upang maikalat ang mensahe ng Diyos. Ipinagbabawal ng mga kasulatang Islamiko ang paglalagay ng mga kapareha o kasama ng Diyos (shirk) na nagbibigay tuon sa pagiging banal na iisa ang Diyos. May ilang mga titulo ang ibinigay kay Hesus sa Koran gaya ng al-Masīḥ ("ang mesiyas; ang naatasang isa" hal. sa pamamagitn ng mga biyaya) ngunit hindi siya tugmang-tugma sa kahulugang ibinigay ng

paniniwalang Kristiyano. Si Hesus ay kinakikitaan ng mg Muslim bilang ang nauna kay Muhammad at pinaniniwalaan ng mga Muslim na nagsabi ng pagdating ng susunod. SIMBAHAN: Mosque.

(ANG KASAYSAYAN NG ISLAM SA PILIPINAS)SINALIKSIK NI : Brother. Abdul Aziz Serna

AUDHO BILLAHI MINASHAITANER RAJIIEMBISMILLAH HIRRAH MANIRAHIEMALHAMDULLILAH RABBIL ALAMIN

WASALATO WASALAMO WA MUHAMMADINWA LA ALI WA SABI’IH A JIMAIN A MABAD

ASSALAMU ALAYKUM WARAH MATULAHI WA BARAKHATU                                  

(ANG KASAYSAYAN NG ISLAM SA PILIPINAS)

Alam na po ba natin ang tunay na kasaysayan ng Relihiyong ISLAM sa PILIPINAS. Kung hindi pa po halina po at ating tuklasin. Ito pong aking pagpapahayag ay hindi lang po ito kinthang isip lang. Sapagkat kung inyo po talagang tutuklasin ayon na rin sa kasaysayan ng PILIPINAS ito po nakatala hanggang sa ngayon. Ang mga makasaysayang LUGAR at mga PANGALAN ay hindi po binago mula nuon hangang ngayon. At sa totoo lang po ay itinuturo ito sa eskwela, akin pong naalala sa history subject ko nuon sa kadahilanang hindi pa ko ganap na MUSLIM nuon kaya hindi ko po sya naintindihan ngayon ko na lang

naunawaan.

Bago pa po dumating ang mga kastila saPILIPINAS ang iba't ibang aral tungkol po sa pananampalataya, ay likas na po sa ating mgaNINUNO ang sumamba sa Diyos. Bakamat pong ito ay hindi ayon sa

katotohanan, sapagkat sila po ay mabibilang sa tinatawag na "ANIMIST" o yaong mga sumasamba po lahat halos ng mga bagay na nilikha maliban po sa Dakilang Limikha. Ang sinasamba po ng ating

mga NINUNO nuon kagay ng BUNDOK, ARAW, BUWAN, BITUIN, PUNO, KIDLAT, KULOG APOY, AT HANGIN mas kilala sa tawag na AMIHAN, at mayANITO pa nga diba at marami pang iba. Ngunit po ng dumating ang aral ng ISLAMang Relihiyong galing mismo sa ALLAH (SAT), ay nagkaroon po ng ganap

na pagbabago sa kanilang mg buhay at Relihiyon.Naitatag po nila ang isang pamayanang MUSLIM, at tumagal din ito ng 144 years. Nang dumating po ang

mga dayuhang KASTILA sa bansang PILIPINAS. Sinakop po nila ito at pinilit po nilang palitan ang Relihiyong ISLAM sa pamamagitan po ng dulo po ng kanilang mga espada.

Ang Relihiyong ISLAM ay una pong iihayag saPILIPINAS noong 1380ng isang Arabo na siSHARIF MAKHDUM, itinayo nya po ang unangMASJEED ( bahay dasalan ng mga Muslim )

sa PILIPINAS sa TUBIG INDANGAN, SUMUNUL, TAWI TAWI. SiMAKHDUM po ay namatay sa ISLA ngSIBUTU at doon na rin sya inilibing.