project ni bunso

Upload: elenaco

Post on 13-Jul-2015

54 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

1. Dala mo, dala ka. Dala ka ng iyong dala

Sagot: SAPATOS

2. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.

Sagot: ANINO

3. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.

Sagot: TENGA 4. Bibingka ng hari, hindi mo mahati.

Sagot: TUBIG

5. Bugtong-pala-bugtong, kadenang umuugong.

Sagot: TREN

6. Buhok ni Adan, hindi mabilang.

Sagot: ULAN

7. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore.

Sagot: LANGGAM

8. Baboy ko sa pulo, ang balahiboy pako.

Sagot: LANGKA

9. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

Sagot: SIPER

10. Baka ko sa palupandan, ungay nakakarating kahit saan.

Sagot: KULOG

11. Mapagabi, mapa-araw walang tigil ang pagdaldal; ngunit kapag nakainisan, atin namang napapatay, nang tayoy di nasasakdal sa alinmang hukuman.

Sagot: RADYO 12. Binili ko nang di kagustuhan, ginamit ko nang di ko nalalaman.

Sagot: KABAONG

13. Hindi Tao, Hindi Hayop pero may pangalan....

Sagot: BAGYO 14. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang

buhay. Sagot: KANDILA

15. Nagbibigay na, sinasakal pa.

Sagot: BOTE 16. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.

Sagot: ILAW

17. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.

Sagot: KUBYERTOS 18. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.

Sagot: KULIGLIG

19. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.

Sagot: PARUPARO 20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.

Sagot: BARIL

SALAWIKAIN1. Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas na hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit.

2. Kahit saang gubat, ay mayruong ahas.Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawang mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

3. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak,aykaraniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

4. Kung hindi ukol, hindi bubukol.Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi talagang nakalaan para sa iyo.

5. Kung may isinuksok, may dudukutin.Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay mayperangmakukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibangtao.

6. Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali.At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o maysala.

7. Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mgabagong magasawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mgamagulang kasi ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mga pagkukulang ng sariling anak.

8. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marining iba nang hindi mo nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawang kuwento sa ibang tao.

9. Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin ang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya

10. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy

IDYOMA

1. balitang kutsero -- hindi totoong balita 2. balat-sibuyas -- manipis, maramdamin 3. mabigat ang kamay -- tamad magtrabaho 4. di makabasag-pinggan mahinhin 5. di mahulugang-karayom -- maraming tao 6. daga sa dibdib takot 7. matalas ang dila -- masakit mangusap 8. maitim ang dugo -- salbahe, tampalasan 9. ningas-kugon panandalian, di pang-matagalan 10. putok sa buho anak sa labas