proseso ng pagsulat-talakayan

13
KAHULUGAN AT KAHULUGAN AT PROSESO NG PROSESO NG PAGSULAT PAGSULAT

Upload: mara-gerona

Post on 21-Apr-2015

1.447 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: Proseso Ng Pagsulat-talakayan

KAHULUGAN AT KAHULUGAN AT PROSESO NG PROSESO NG

PAGSULATPAGSULAT

KAHULUGAN AT KAHULUGAN AT PROSESO NG PROSESO NG

PAGSULATPAGSULAT

Page 2: Proseso Ng Pagsulat-talakayan

Kahulugan ng Pagsulat

Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.

Page 3: Proseso Ng Pagsulat-talakayan

Kahulugan ng Pagsulat- Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel

ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)

- Ito ay kapwa fisikal at mental na aktiviti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. (Bernales, et al., 2002)

- Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.

Page 4: Proseso Ng Pagsulat-talakayan

Kahulugan ng Pagsulat• Ayon kina Xing at Jin (1989), ang

pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.

Page 5: Proseso Ng Pagsulat-talakayan

Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsulat

Sosyo- ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Samantalang ang kognitib naman ay tumutukoy sa pag-iisip.•Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.

Page 6: Proseso Ng Pagsulat-talakayan

Kahalagahan ng Pagsulat

Mahalaga ang pagsulat dahil:– kung marunong tayong sumulat makaaangat

tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon.

– Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.

– Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at marami pang iba.

Page 7: Proseso Ng Pagsulat-talakayan

Mga mungkahing tanong

• Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?

• Ano ang layunin sa pagsulat nito?• Saan at paano ako makakakuha ng

sapat na datos kaugnay ng aking paksa?

• Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na makahulugan ang aking paksa?

• Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?

Page 8: Proseso Ng Pagsulat-talakayan

Mga Mungkahing Tanong

• Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa?

• Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsulat? Kailan ko ito dapat ipasa?

• Paano ko pa mapagbubuti ang aking teksto?

Page 9: Proseso Ng Pagsulat-talakayan

Proseso ng Pagsulat

Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito. Maaari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t kinakailangan natin ito sa pakikipag-

ugnayan sa buong mundo.

Page 10: Proseso Ng Pagsulat-talakayan

Proseso ng Pagsulat• Pre-writing- Ginagawa rito ang

pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.

• Actual writing – Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft.

Page 11: Proseso Ng Pagsulat-talakayan

Proseso ng Pagsulat• Rewriting – Dito nagaganap ang

pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong gramar, bokabulari at pagkakasunud-sunod ng mga ideya o lohika.

Page 12: Proseso Ng Pagsulat-talakayan

Tapos na po! Maraming salamat.

Page 13: Proseso Ng Pagsulat-talakayan

Sangguinian:• Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Batayang Aklat

sa Filipino 1) nina Lilia F. Antonio, Josefina C. Mangahis, Rhoderick V. Nuncio at Corazon M. Javillo