pusong walang pag-ibig

14
PUSONG WALANG PAG-IBIG Roman Reyes

Upload: minnie-rose-davis

Post on 12-Jun-2015

4.844 views

Category:

Education


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pusong Walang Pag-ibig

PUSONG WALANG PAG-IBIGRoman Reyes

Page 2: Pusong Walang Pag-ibig

ROMAN REYES

- Isa sa mga tanyag na manunulat sa Pilipinas.

- Siya ay kilala bilang “Ama ng Realismo” dahil sa kanyang mga makatotohanang gawa.

- Sinulat niya ang Bulaklak ng Kalumpang, Wakas ng Pagtitiis at Hinagpis at Ligaya, na naging tanyag sa mga nobelang Tagalog sa kasagsagan ng pananakop ng mga Amerikano.

Page 3: Pusong Walang Pag-ibig

- Siya ay ipinanganak sa Bigaa (ngayon ay Balagtas), Bulacan noong Pebrero 28, 1858.

Nag-aral sa Colegio de San Jose at nagtapos noong 1874 bilang Maestro Superior. Siya at ang kanyang pamilya ay tumungo ng Maynila noong 1899 at doon siya nagsimulang sumulat ng mga nobelang natanyag bilang mahahalagang koleksyon sa pagsusulat.

Tinanyag din siyang isang napakagaling na manunulat.

Pumanaw siya noong Oktubre 19, 1926.

ROMAN REYES

Page 4: Pusong Walang Pag-ibig

Nagturo siya sa Sta. Maria, Bulacan na kilalang bayan ng makata at manunulat.

Nakilala niya at pinakasalan noong 1883 si Sebastiana Ramos, 16 anyos lamang samantalang si G. Reyes ay 25 anyos. Ayon kay Dr. Mona Highley, si G. Reyes ay isang mahigpit na magulang.

Labintatlo ang mga anak ng mag-asawa. Kabilang sa mga ito si Gng. Trinidad Reyes-

Cruz na kaibigan ni Dr. Highley. Isa naman sa mga anak na lalaki ni G. Reyes si Ildefonso na nakapangasawa ng Amerikanang si Grace Hackman sa Brooklyn, New York.

Noon ay nagbalik si G. Reyes sa Bigaa noong 1886 kung saan siya ay nagtayo ng paaralan sa mga silid ng bukana ng kaniyang bahay. Nagtrabaho siya bilang bahagiang eskribiyente sa tribunal ng kanilang bayan na may sahod na walong piso kada buwan.

Page 5: Pusong Walang Pag-ibig

TALASALITAANAmerikanong

naninirahan sa Hilaga (noong panahon ng

Amerikanong Giyera)

Yankee

Magkasintahan Magsing-irog

NapansinNamataan

Pumasok, pumunta

Pumanhik

NaawaNahabag

Page 6: Pusong Walang Pag-ibig

Pagkapangalumbaba

Ipagdidiriwang

Nag-iisa

Gugunitain

Matiwasay

Bugtong

Sasakyan na sumusunod sa

mga taong nakasakay din sa

ibang sasakyan upangbantayan nang mabuti

Komboy

Nakadidiwasa

Ang isang kamay ay nasa

ilalim ng baba

TALASALITAAN

Page 7: Pusong Walang Pag-ibig

TAUHAN

Enrique (Ikeng)

Iresponsableng asawa ni Loleng

NeneAnak nina Ikeng at

Loleng.Elisa ang tunay na

pangalan nito.

Aling BuroAsawa ni Tomas at may

mabuting loob na tumulong kay Loleng.

LolengAsawa ni Ikeng at

nanay niNene

Page 8: Pusong Walang Pag-ibig

Tomas

Pinuno/Tinyente

Ang nagwikang kung aanib sa kanila ay maliligtas sila sa pagkakabusabos.

Asawa ni Aling Buro at tumulong

din kay Loleng.

TAUHAN

Page 9: Pusong Walang Pag-ibig

TAGPUAN

Kamaynilaan noon, magulo at maingay,

dahil sa digmaan.

Page 10: Pusong Walang Pag-ibig

DESKRIPSYON NG TAGPUAN

Umikot ang istorya sa panahon na magtatapos na ang ng ika-19 na siglo. Mahihinhin pang manamit ang mga tao

noon mahigpit ang mga magulang sa anak. Naipakita rin ang mga makalumang

panunuyo ng mga binata sa mga dalaga at ang kanilang mga palusot para lihim na mag-usap o makipagtanan. Ibinase si

Roman G. Reyes ang ilang parte ng nobela sa mga historikal na pangyayari tulad ng

malawakang Rebolusyon sa Pilipinas at ang pagdating ng Amerikano na pinalitan ang mga Espanyol sa pamumuno sa kolonya. Nagdagdag ng historikal na mga lugar at

pangyayari tulad ng Maynila na pinagdausan noon ng giyera ng mga

Pilipino, Kastila at Amerikano.

Page 11: Pusong Walang Pag-ibig

BUOD

Dumukal ang nobela sa mga tunay na pangyayari noong 1890 – 1900 bilang

panlipunang konteksto na ang mga tauhan sa nobela ay namuhay

sa kapani-paniwalang dulang nagsasalimbay ang kasaysayan at pansariling buhay. Si Enrique ay disinuwebe anyos na sugarol,

bolero at guwapo, na pinakasalan ang beynte-siyete anyos na si Loleng

upang makaraos sa utang at napipintong paghahabla.Isinugal niEnrique ang munting mana ni

Loleng.

Page 12: Pusong Walang Pag-ibig

Nagkaroon sila ng anak, si Nene,nalumaking hindi kilala ang sariling ama sa pag-aakalang sumapi ito sa mgaKatipunero. Ngunit ang totoo’y tinalikuran

ni Enrique anghimagsikan.

Nagkahiwalay sina Loleng at Nene nang magbakbakan ang mga Kastila atKatipunero.

Hinanap niLoleng ang anak, hanggang matagpuan iyon sa kalinga ngmabuting doktor at ngkaniyang asawang namumuhay sa Maynila na nasa ilalim ng

kapangyarihan ng Amerikano.

Nang pauwi na si Enrique upang makita ang kaniyang mag-ina, nasagasaannaman siya ng kotse, at namatay makaraang makipagayos sa

kaniyang pamilya.

BUOD

Page 13: Pusong Walang Pag-ibig

TEORYANG SOSYOLOHIKAL

Masusuri ang katauhan batay sa kalagayan ng tauhan sa lipinan,

gayundin, ang kanyang pananaw sa mga kaugalian, pamantayan at tungkulin sa lipunan ng mga

mamamayan. Maaari ring unawain naman ang lipunan batay sa panahon.

Ibinabatay naman ang paningin sa mga tauhan sa uri at kalagayan ng panahong kanyang kinabibilangan.

Binibigyang-pansin dito ang relasyong sosyo-kultural, pulikital, ugali at kilos

o kahit na reaksyon ng mga tao.

Page 14: Pusong Walang Pag-ibig

GINTONG-ARAL Isang kahalagahan ang pagiging

responsable. Ang pagpapakasal ay hindi kaning

isusubo at kapag napaso ay iluluwa. Ang kasal ay isang banal na

pakikipagtipan na may basbas ng Diyos. Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang

isang tao dahil may maawaing Diyos sa Langit.

Isipin muna ng maraming beses ang isang bagay bago ito gawin.