q3 lesson 19 sa ilalim ng mga mga hapon

14
Aralin 19 Ang Pilipinas sa Ilalim ng mga Hapon Inihanda ni: Arnel O. Rivera

Upload: rivera-arnel

Post on 26-Jun-2015

498 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Q3 lesson 19 sa ilalim ng mga mga hapon

Aralin 19

Ang Pilipinas sa Ilalim ng mga Hapon

Inihanda ni: Arnel O. Rivera

Page 2: Q3 lesson 19 sa ilalim ng mga mga hapon

Simula:

• Matapos masakop ang Maynila, itinatag ng mga Hapon ang Japanese Military Administration noong Enero 3, 1942. Ito ay pinamumunuan ni Hen. Masaharu Homma bilang Direktor Heneral.

Page 3: Q3 lesson 19 sa ilalim ng mga mga hapon

• Hinirang ng mga Hapon si Jorge B. Vargas bilang pangulo ng Philippine Executive Commission noong Enero 23, 1942. Itinatag ng mga Hapon ang Central Administrative Organization (CAO) bilang kapalit ng pamahalaang komonwelt.

Si Hen. Homma at Jose B. Vargas sa isang pagpupulong sa Malakanyang.

Page 4: Q3 lesson 19 sa ilalim ng mga mga hapon

Greater East Asia Co-Prosperity Sphere • Pinangakuan ng mga

Hapones ang mga Pilipino na bibigyan ng kalayaan kung ito ay makikiisa sa patakaran nilang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Binuwag ang mga partido pulitikal at itinatag ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI).Mga Kasapi ng KALIBAPI at poster ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere

Page 5: Q3 lesson 19 sa ilalim ng mga mga hapon

Ikalawang Republika ng Pilipinas• Itinatag ang Preparatory

Commission for Philippine Independence upang bumuo ng bagong Saligang Batas. Sa bisa nito, itinatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas sa pamumuno ni Jose P. Laurel bilang pangulo. Ang gabinete ni Pang. Laurel at mga tagapayong Hapon sa isang pagpupulong.

Page 6: Q3 lesson 19 sa ilalim ng mga mga hapon

• Isang Pamahalaang Puppet ang itinatag na republika. Bagaman isang Pilipino ang pangulo, mga Hapones pa rin ang makapangyarihan. Ang mga kautusang ipinalabas ni Pang. Laurel ay hindi ipinatupad kapag hindi ito makakabuti para sa mga Hapones.

Mga pinuno ng Ikalawang Republika (mula sa kaliwa), Pang. Jose P. Laurel, Jorge Vargas (ambasador ng Pilipinas sa Hapon) at Benigno Aquino Sr. (Ispiker ng Pambansang Asamblea).

Page 7: Q3 lesson 19 sa ilalim ng mga mga hapon

Pagbabago sa Edukasyon

• Sa bisa ng Military Order No.2, nilikha ang Commission of Education, Health and Public Welfare. Ilan sa mga layunin nito ang pagsupil sa mga kaisipang kanluranin, pagtuturo ng wikang Nippongo at pagtaguyod ng pagmamahal sa paggawa.

Page 8: Q3 lesson 19 sa ilalim ng mga mga hapon

Pamumuhay ng mga Pilipino• Nabuhay sa takot ang

mga Pilipino. Laganap sa buong kapuluan ang walang awang pagpaparusa at pagpatay sa mga Pilipino. Naging instrumento ng kalupitan ng mga Hapones ang mga Kempeitai (pulis-militar) at MAKAPILI (Pilipinong maka-Hapon).

Page 9: Q3 lesson 19 sa ilalim ng mga mga hapon

Comfort Women• Maraming mga babae

ang naging biktima ng panggagahasa ng mga sundalong Hapones. Sila ay tinawag bilang mga comfort women. Noong una, ayaw aminin ng pamahalaang Hapon ang gawaing ito, hanggang sa naglakas-loob na inihayag ni Maria Rosa Henson (Lola Rosa) kaniyang karanasan noong 1992.

Page 10: Q3 lesson 19 sa ilalim ng mga mga hapon

Mickey Mouse Money• Ipinatupad ng mga

Hapones ang paggamit ng mga bagong salaping papel. Tinawag ito ng mga Pilipino bilang Mickey Mouse Money sapagkat halos wala itong halaga. Ang isang salop ng bigas ay nagkakahalaga ng isang bayong na pera.

Page 11: Q3 lesson 19 sa ilalim ng mga mga hapon

Suliraning Pangkabuhayan

• Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain dahil sa pagkasira ng mga taniman at sakahan. Ang presyo ng mga bilihin ay nagsitaasan. Upang mabigyang lunas ang kakulangan ng pagkain, binuo ng pamahalaan ang Philippine Commodities Distribution Control upang magrasyon ng mga pagkain. Nagtayo din ito ng mga Bigasang Bayan (BIBA) upang maging maayos ang pagbebenta ng bigas.

Page 12: Q3 lesson 19 sa ilalim ng mga mga hapon

Kilusang Gerilya• Dahil sa kalupitan ng

mga Hapones, maraming mga Pilipino ang sumali sa kilusang gerilya. Ito ay itinatag ng mga dating kawal na Pilipino at Amerikano. Ang iba sa kanila ay itinatag ng mga dating pinuno ng bayan o lalawigan.

Page 13: Q3 lesson 19 sa ilalim ng mga mga hapon

HUKBALAHAP

• Ang pinakamalaking pangkat ng mga gerilya ay ang HUKBALAHAP (Hukbo ng Bayan laban sa Hapon) na itinatag ni Luis Taruc. Ito ay binubuo ng mga magsasaka mula sa Gitna at Katimugang Luzon.

Page 14: Q3 lesson 19 sa ilalim ng mga mga hapon

Konklusyon• Kalunos-lunos ang naging

kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Hapon. Ang ipinangakong maunlad at payapang bansa sa patakarang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ay nanatiling pangako lamang. Dahil dito, hindi nakuha ng mga Hapon ang kooperasyon ng mga Pilipino.