q3 lesson 20 paglaya ng pilipinas

9
Aralin 20 Paglaya ng Pilipinas Inihanda ni: Arnel O. Rivera

Upload: rivera-arnel

Post on 26-Jun-2015

157 views

Category:

Documents


9 download

TRANSCRIPT

Page 1: Q3 lesson 20 paglaya ng pilipinas

Aralin 20

Paglaya ng Pilipinas

Inihanda ni: Arnel O. Rivera

Page 2: Q3 lesson 20 paglaya ng pilipinas

Pagpanaw ni Pang. Quezon

• Aug. 1, 1944 , pumanaw si Pang. Manuel L. Quezon sa Saranac Lake, New York dahil sa sakit na tuberculosis. Pamalit sa kanya bilang pangulo si Sergio Osmeña Sr.

Page 3: Q3 lesson 20 paglaya ng pilipinas

Pagbabalik ng mga Amerikano

• Sinimulang bombahin ng mga Amerikano ang mga kuta ng Hapon sa Davao noong Aug. 9, 1944. Sinundan ito ng pagdaong ng mga Amerikano sa Palo, Leyte noong Oct. 20, 1944. Ito ang simula ng pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Page 4: Q3 lesson 20 paglaya ng pilipinas

Paglaya ng Maynila

• Napalaya ng mga Amerikano ang Maynila noong Feb. 23, 1945 matapos ang mahigit sampung araw na labanan. Daan-daang mga sibilyan ang namatay sa nasabing labanan.

Page 5: Q3 lesson 20 paglaya ng pilipinas

Paglaya ng Pilipinas

• Noong ika-4 ng Hulyo 1945, ipinahayag ni Hen. MacArthur ang paglaya ng Pilipinas mula sa kamay ng mga Hapon. Ngunit may mga nalalabi paring mga puwersa ng mga Hapon na hindi sumusuko sa ibang mga lugar sa Pilipinas.

Page 6: Q3 lesson 20 paglaya ng pilipinas

Pagwawakas ng Digmaan

• Aug. 6, 1945, pinasabog sa unang pagkakataon ang Atomic Bomb sa Hiroshima. Nasundan pa ito ng isa pang pagsabog sa Nagasaki noong Aug. 9, 1945. Matapos nito, ipinahayag ni Emperor Hirohito ng Hapon ang pagsuko nito sa digmaan.

Page 7: Q3 lesson 20 paglaya ng pilipinas

• Nilagdaan ang kondisyon ng pagsuko sa barkong USS Missouri sa Tokyo Bay, Japan noong Setyembre 2, 1945. Ito ang pormal na pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Page 8: Q3 lesson 20 paglaya ng pilipinas

Pagsuko ng mga Hapon sa Pilipinas

• Mula Maynila, umurong ang mga puwersang Hapones sa pamumuno ni Gen. Tomoyuki Yamashita sa Aparri, Cagayan. Nanatili sila roon hanggang sa kanilang pagsuko noong Setyembre 3, 1945. Dito pormal na nagwakas ang pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.

Page 9: Q3 lesson 20 paglaya ng pilipinas

Pagwawakas ng Pamahalaang Komonwelt.

• Noong Abril 23, 1946, naganap ang huling halaan sa ilalim ng pamahalaang komonwelt. Nagwagi sa halaang ito si Manuel Roxas at Elpidio Quirino bilang pangulo at pangalawang pangulo. Sila rin ang naging unang mga pinuno ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.