q4 lesson 27 bagong lipunan at people power

15
Aralin 27 Bagong Lipunan at People Power Inihanda ni: Arnel O. Rivera

Upload: rivera-arnel

Post on 26-Jun-2015

178 views

Category:

Documents


10 download

TRANSCRIPT

Page 1: Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power

Aralin 27

Bagong Lipunan at People Power

Inihanda ni: Arnel O. Rivera

Page 2: Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power
Page 3: Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power
Page 4: Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power

Batas Militar

• Sa bisa ng PD 1081, ipinag-utos ni Pang. Marcos ang pagsasailalim ng buong Pilipinas sa batas militar noong Sept. 21, 1972. Dahil dito, ang pangulo ng Pilipinas ay namumuno bilang pinakamataas na pinuno ng Hukbong Sandatahan.

Page 5: Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power

Dahilan ng Pagpapatupad ng Batas Militar• Paglakas ng mga Rebeldeng Pangkat

– NPA– MILF

• Paglubha ng Suliranin sa Katahimikan– Sunod-sunod na malawakang mga rali– Pagbomba sa Plaza Miranda

• Pagsuspindi sa Writ of Habeas Corpus– Karapatang ng mamamayang sumailalim

sa tamang proseso ng paglilitis bago dakpin o ikulong.

Page 6: Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power

Mga Pagbabago sa ilalim ng Batas Militar• Pagpapairal ng curfew mula hatinggabi

hanggang ika-4 ng umaga.• Pagbabawal ng mga rali at welga.• Pagkontrol ng pamahalaan sa media

(radyo, diaryo at telebisyon).• Pagbabawal sa pag-alis ng bansa ng

walang pahintulot sa pamahalaan.• Pagbabawal na magpahayag ng anumang

pagtutol sa pamahalaan.

Page 7: Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power

Pagbabago sa Saligang Batas

• Noong Nob. 30, 1972, ipinahayag ng Kongreso ang pagbuo ng bagong Saligang Batas. Ito ay pinagtibay sa isang referendum sa pamamagitan ng Citizens’ Assembly noong Enero 17, 1973. Tinawag itong Saligang Batas ng 1972.

Page 8: Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power

Bagong Lipunan• Muling nahalal si Pang.

Marcos noong 1981. Kasunod nito ang pagwawakas ng Batas Militar at ang pagsisimula ng Ika-apat na Republika o mas kilala bilang Bagong Lipunan. Napalitan ang uri ng pamahalaan ng isang pamahalaang diktaturyal. Nanatili bilang pinuno ng bansa si Pang. Marcos.

Page 9: Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power

Mga Pagbabago sa Ilalim ng Bagong Lipunan• Pagbagsak sa ekonomiya ng bansa.• Paglakas at pagdami ng mga rebeldeng

grupo.• Pag-iwas ng mga dayuhang mamumuhunan

sa bansa.• Paglubha sa mga kaso ng katiwalian sa

pamahalaan.• Pagdami ng mga kaso sa paglabag ng

karapatang pantao (violation of human rights).

Page 10: Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power

Agosto 21, 1983

• Napaslang ang pinakamahigpit na kalaban ng pamahalaang Marcos na si dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Ibinintang ang pagpatay na ito sa mga rebeldeng grupo ngunit marami ang naniniwala na ito ay kagagawan ng pamahalaan.

Page 11: Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power

Snap Election

• Noong ika-7 ng Peb.1986, idinaos ang snap presidential election. Muling tumakbo bilang pangulo si Marcos kasama si Arturo Tolentino bilang vice-president. Naging kalaban nila si Corazon Aquino at Salvador Laurel ng partidong LABAN (Lakas ng Bayan).

Page 12: Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power

Civil Disobedience

• Sa opisyal na bilang ng COMELEC, lumabas na nanalo sina Marcos at Tolentino sa halalan. Ngunit hindi ito tinanggap ng mga taga-suporta nina Aquino at Laurel. Nanawagan si Corazon Aquino sa mga Pilipino ng civil disobedience o payapang pagprotesta laban sa pamahalaang Marcos.

Page 13: Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power

EDSA People Power Revolution

• Naging mitsa ng EDSA Revolution ang pagtiwalag nina Defense Minister Juan Ponce Enrile at Gen. Fidel V. Ramos sa administrasyong Marcos noong Peb. 22, 1986. Sa panawagan ni Cardinal Sin, dumagsa ang mga tao sa EDSA upang maiwasan ang paglusob ng mga puwersang militar ng pamahalaan. Nanawagan sila ng pagbibitiw sa pwesto ni Pang. Marcos.

Page 14: Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power

• Patuloy na dumagsa ang mga tao sa EDSA. Kasabay nito, maraming mga tauhan ng pulis at militar ang tumiwalag ng suporta sa pamahalaang Marcos. Dahil dito, tuluyan ng nagbitiw sa pwesto si Pang. Marcos at umalis ng bansa patungong Hawaii.

EDSA People Power Revolution

Page 15: Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power

Pagbabalik ng Demokrasya

• Matapos ang paglisan ni Marcos, nanumpa bilang ikapitong pangulo ng bansa si Corazon C. Aquino noong Peb. 25, 1986. Ito ang naging wakas ng Bagong Lipunan at muling pagbabalik ng demokrasya sa bansa.