ralin 2 - · pdf filesa pangunguna ng sangay ng pamahalaan, ... sariling paraan ng pagsulat...
TRANSCRIPT
Ang modyul na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.
Pahina 1 ng 16
RALIN 2 Ang Pag-unlad ng Wika at Panitikang Filipino
Magsimula Tayo
Panuto: Pakinggan o subukang awitin ang awiting ito na kinatha ni Florante.
Ako’y Isang Pinoy
Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa, Pinoy na isinilang sa ating bansa.
Ako’y hindi sanay sa wika ng mga banyaga. Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika.
Wikang pambansa ang tangi kong salita. Bayan kong sinilangan
Hangad kong lagi ang kalayaan.
Si Gat Jose Rizal noo’y nagwika. Siya ay nagpangaral sa ating bansa:
Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.
Ano ang ibig sabihin ng awiting ito? Ano ang iyong naramdaman matapos
pakinggan o kantahin ang awit? Isulat ang iyong sa kahon sa ibaba.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_____
Ang modyul na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.
Pahina 2 ng 16
Maghanda Tayo
Panuto: Isulat sa patlang ang hinihingi ng bawat bilang. Gagawin ito sa loob lamang ng
3 minuto.
Malaki ang naitutulong nito sa ating pakikipag-ugnayang sosyal at pagkilala sa
ating lahing pinagmulan. Ang (1) ___________ ay midyum na ginagamit natin sa
komunikasyon at pakikipagtalastasan upang magkaunawaan. Nakikilala naman natin sa
(2) _______________ ang ating uri ng pamumuhay, tradisyon, at kultura. Binubuo ito ng
(3) _____________ at pasulat na anyo. Batay sa ating kasaysayan, noong panahon ng
(4) _______________ kauna-unahang nailimbag sa Pilipinas ang mga diksyunaryo at
gramatika subalit nasa ibang wikain. Samantala sa panahon ng Amerikano, ating
natutuhan naman ang paggamit ng wikang (5)________________. Habang ang panahon
ng __________________ ay tinaguriang ginintuang panahon ng pantikang Tagalog.
Isinusog ni (6)__________________ na magkaroon tayo ng sariling wika kaya siya
kinilalang “Ama ng Pambansang Wika.” Nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas 1987,
Arikulo XIV Sek. 6 na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay (7) _________________.
Kaugnay nito, tuwing buwan ng (8) ______________ ipinagdiriwang natin ang buwan ng
wika. Sa pangunguna ng sangay ng pamahalaan, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay
nagtataguyod ng mga programa na lilinang sa ating wika. Ang ating mga ninuo ay may
sariling paraan ng pagsulat at ang (9) _____________ kanilang sinaunang alpabeto. Sa
kasalukuyan, binubuo naman ng (10)______________ letra ang alpabeto na may
dagdag na walong letra.
Magbasa Tayo
Anong salita ang madalas na ginagamit mo sa pakikipag-usap? Ang mga Pilipino ay nagsasalita ng iba’t ibang wika at diyalekto. Sa katunayan, may daan-daang wika at diyalekto ang ginagamit sa ating bansa. Paano kaya nagkakaunawaan ang iba’t ibang Pilipino mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa?
Para maging madali sa atin ang pakikipagtalastasan sa iba, kailangang matuto ka ng isang wikang pangkalahatan. Ito ang tinatawag na pambansang wika. Basahin ang teksto sa sumusunod na pahina upang higit na maunawaan ito.
Ang modyul na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.
Pahina 3 ng 16
1Magandang araw. Kumusta kayo? Ako nga pala si Mayumi. Ilokana ako. Lumaki
ako sa Vigan, Ilocos, subalit kasalukuyan akong naninirahan malayo sa aking pamilya.
Narito ako sa Maynila upang mag-aral. Sa ngayon, nakatira ako sa isang paupahang
malapit sa paaralang pinapasukan ko.
2Si Manang Lucing ang nagmamay-ari ng bahay na aking tinutuluyan. May tatlong
taon na rin akong naninirahan sa kanyang paupahan. “Gusto mo bang kumain? Nagluto
ako.” Iyan ang parating linya ni Aling Lucing sa akin tuwing naabutan ko siyang nasa
kusina. Siya ay taga-Pampanga at tunay na mahusay magluto. Mabait siya at maalaga sa
aming lahat na nangungupahan.
3Bukod sa akin, nangungupahan din dito kina Aling Lucing ang aking ilang kaklase
na nanggaling din sa iba’t ibang lalawigan at gumagamit ng iba’t ibang wika. Sila sina
Cris, Laura, Nadira, Ali at Chai.
4Sina Cris at Laura ang mga kakuwarto ko. Mababait at mapagbigay rin sila. Parati
kong naiisip si Cris tuwing umuulan, dahil nakagawian na niyang sabihin ang “Adlaw-
adlaw!” tuwing nananalangin siyang sana ay umaraw. Minsan na rin niya akong inaya na
magbakasyon sa kanila sa Bicol. Madalas namang mamigay ng durian at mangosteen
kendi si Laura tuwing may padala ang mga magulang niya mula Davao. Mahusay siyang
umawit ng kanilang mga awiting-bayan. Silang dalawa ang pinakamamatalik kong
kaibigan.
5Sa kabilang kuwarto ng bahay naman, tumutuloy ang magkapatid na sina Nadira
at Ali na taga-Marawi at nagsasalita ng Maranaw. Sadyang tahimik lang ang dalawang ito
ngunit mahusay makisama. Marami akong natutuhan sa kanila tungkol sa kanilang
relihiyong Islam. Kasama nila sa kuwarto si Chai. Taga-Panay naman siya. Gustong-gusto
kong pinakikinggan ang marami niyang kuwento tungkol sa kanilang mga epiko.
Ang modyul na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.
Pahina 4 ng 16
6Isang malaking pamilya kami sa paupahang bahay na ito ni Aling Lucing. Mahilig
kaming mag-aral nang sabay-sabay at magkuwentuhan habang kumakain.
Marahil naiisip mo kung paano kami nagkakaintindihan gayong galing
kami sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Alam n’yo ba kung paano namin
nauunawaan ang isa’t isa bagaman may kani-kaniya kaming kultura at wikang
ginagamit?
Tanong?
Ang modyul na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.
Pahina 5 ng 16
Magpayaman Tayo
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pamamagitan ng pagpuno
ng letra sa loob ng kahon sa ibaba.
1. Ang damdaming Pilipino ang umiiral sa puso ng bawat Knollers.
2. Bawat yugto ng ating wika at panitikan ay nakaugat sa ating kasaysayan.
3. Walang tigil ang tunggalian sa pagitan ng mga dalubhasa kaugnay ng mga isyung
pangwika.
4. Ang pagkakaroon ng karunungan tungkol sa ating wikang pambansa at panitikan
ay nakatutulong na makilala natin ang ating sarili.
5. Unti-unti ang pag-unlad ng ating wika, dahil na rin sa mga pagbabagong naganap
sa paglipas ng panahon.
a
a g
a t
i
a
n n
a a
m
r r o
Ang modyul na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.
Pahina 6 ng 16
Magpalawak Tayo
Ang Pag-unlad ng Wika at Panitikang Filipino
1Ang kasaysayan ng wika at panitikang Filipino ay kakabit ng kasaysayan ng
sambayanang Pilipino. Sa bawat yugto ng ating kasaysayan, umiral ang isang wika
nang higit sa iba. May sandali ring nagkaroon ng tunggalian sa paggamit ng mga ito.
Mahalagang maunawaan kung bakit nangyari ito. Tingnan ang guhit panahon sa ibaba.
WIKA PANAHON
PANITIKAN
Filipino 1987 - ngayon
Panitikang Makabago
Ingles at Pilipino
Ingles
1973 - 1986
1946 - 1972
Panitikan sa Panahon ng Batas Militar
Panitikan ng Paglaya
Nihonggo 1942 - 1945 Panitikan sa Panahon
ng Hapon
Tagalog 1934 - 1941
Panitikang Komonwelt
Ingles at Kastila 1900 - 1934 Panitikang
Neo-kolonyalista
Kastila 1565 - 1899 Panitikang Kolonyalista
at Rebolusyonaryo
Mga Unang Wika ? - 1564
Panitikang Pasalita
Ano-ano kaya ang mga paksa ng mga akdang pampanitikan sa bawat panahon?
Ang modyul na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.
Pahina 7 ng 16
2Isa sa mga paraan upang makita kung gaano kayaman ang pag-unlad ng ating wika at panitikan ay ang tingnan ang sistema ng ating pagbaybay. Tingnan muli ang isa pang guhit panahon sa ibaba.
Baybayin 17 titik
Abakada 20 titik
Pinagyamang Alpabeto
31 titik
Pinasimpleng Alpabeto
28 titik
Makabagong Alfabeto 28 titik
Mga Unang Wika Tagalog Ingles at Pilipino Filipino
3Noon pa man ay mayroon nang sistema ng pagbaybay ang mga Pilipino. Kilala
ito bilang baybayin. Pansinin ang mga sistema ng tunog at titik nito.
Mga Patinig
A e-i o-u
Mga Katinig
Ang modyul na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.
Pahina 8 ng 16
4Baybay ang tawag sa bawat tunog na katumbas ng isang titik. Mapapansin na wala ang tunog na /r/. Ito ay may parehong simbolo ng titik /d/. Ang mga tunog na nasa hulihan ng bawat hanay sa mga katinig ay ginagamit sa hulihang bahagi ng mga salita. Sa baybayin, kung ano ang pagbigkas at pagkarinig, ganoon din dapat ang pagsulat. Halimbawa:
Magandang araw sa iyo!
(ma + ga + n + da + ng a + ra + w sa i + yo)
5Sa pagdating ng iba pang dayuhan sa Pilipinas, unti-unting nagbago ang Baybayin. Gayunman, makikita pa rin ang bakas nito sa ibang mga wika gaya ng sa mga Mangyan at Tagbanua. Malaki ang naging impluwensiya ng panghihiram at pagsasalin mula sa wikang Kastila at Ingles. Sa kasalukuyan, may 28 titik at tunog ang makabagong alpabetong Filipino.
Mga Patinig
Aa Ee Ii Oo Uu
Mga Katinig
Bb Cc Dd Ff Gg Hh Jj Kk Ll Mm Nn Ññ NGng Pp Qq Rr Ss Tt Vv Ww Xx Yy Zz
6Sa patuloy na pagyaman ng ating alpabeto, yumayaman din ang kakayahan ng ating wika na lumikha ng karunungan. Kitang-kita ito sa pag-unlad ng ating panitikan. Maaari na rin nating gamitin ang wikang Filipino sa pag-aaral ng iba’t ibang disiplina.
7Magbago man ang panahon, mahalagang maunawaan ng bawat Pilipino na
mayroon tayong sariling sistema ng pagbaybay bago pa man dumating ang iba’t ibang impluwensya sa ating bayan. Salamin ito ng katutubong karunungan na dapat nating ipagmalaki.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa baybayin, maaaring puntahan ang:
Ating Baybayin (website) - http://www.eaglescorner.com/baybayin/baybayin.html
Baybayin.com (website) - http://www.baybayin.com
Ang Baybayin (dokumentaryo) - http://www.youtube.com/watch?v=1Q5G4qc
Ang modyul na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.
Pahina 9 ng 16
Magtalakayan Tayo
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag mula sa binasa sa itaas.
Magbigay ng iyong reaksyon tungkol dito.
1. Ang kasaysayan ng wika at panitikang Filipino ay kakabit ng kasaysayan ng
sambayanang Pilipino.
REAKSYON/REPLEKSYON:
2. Noon pa man ay mayroon nang sistema ng pagbaybay ang mga Pilipino.
REAKSYON/REPLEKSYON:
3. Sa pagdating ng iba pang dayuhan sa Pilipinas, unti-unting nagbago ang
Baybayin.
REAKSYON/REPLEKSYON:
4. Malaki ang naging impluwensiya ng panghihiram at pagsasalin mula sa
wikang Kastila at Ingles.
REAKSYON/REPLEKSYON:
5. Sa patuloy na pagyaman ng ating alpabeto, yumayaman din ang kakayahan
ng ating wika na lumikha ng karunungan.
REAKSYON/REPLEKSYON:
Ang modyul na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.
Pahina 10 ng 16
6. Maaari na rin nating gamitin ang wikang Filipino sa pag-aaral ng iba’t ibang
disiplina.
REAKSYON/REPLEKSYON:
7. Magbago man ang panahon, mahalagang maunawaan ng bawat Pilipino na
mayroon tayong sariling sistema ng pagbaybay bago pa man dumating ang iba’t
ibang impluwensya sa ating bayan.
REAKSYON/REPLEKSYON:
Magsanay Tayo
Gawain A: Makikita sa ibaba ang ilang katangiang nakatulong sa mga Pilipino sa pagharap sa pagbabago ng panahon. Subukang hanapin ang salitang Filipino na katumbas ng bawat salitang nakasulat sa baybayin. Isulat ang MALAKING TITIK na katumbas ng iyong sagot. (5 puntos)
1. maparaan A.
2. matapang B.
3. masayahin C.
4. mahinahon D.
5. matulungin E.
6. maka-Diyos F.
Ang modyul na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.
Pahina 11 ng 16
Gawain B: Subukang isulat ang iyong pangalan gamit ang baybayin. (5 puntos)
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
5 puntos Walang pagkakamali 4 puntos Isa hanggang dalawang pagkakamali 3 puntos Tatlo hanggang apat na pagkakamali 2 puntos Limang pagkakamali 1 puntos Mali ang pagkakabaybay ng
pangalan
Magpalalim Tayo
MGA TUNTUNIN SA WASTONG GAMIT NG SALITA
AT BAYBAY SA WIKANG FILIPINO
UNLAPING PANG
PANG mga salitang nagsisimula sa katinig maliban sa p at b PAN
PANG mga salitang nagsisimula sa p at b PAM
PANG mga salitang nagsisimula sa patinig PANG –
Halimbawa:
PANG + BANSA = PANGBANSA = PAMBANSA
Filipino ang ating pambansang wika.
KAPAG at KUNG
- Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan
- Ipinakikilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak.
Halimbawa:
Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.
Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa probinsiya.
MAY at MAYROON
- Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng salitang sumusunod.
Tandaan:
a. Gamitin ang may kapag susundan ng pangngalan ( mapaisahan o maramihan ), pandiwa,
pang-uri o pang-abay.
Halimbawa:
May kumakatok sa pinto.
b. Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip na panao o pamatlig o pang-
abay na panlunan.
Halimbawa:
Ang modyul na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.
Pahina 12 ng 16
Mayroon kaming binabalak sa sayawan.
c. Maaring gamitin ang mayroon nang nag-iiisa.
Halimbawa:
“May asawa ba siya?’ “Mayroon.”
d. Nagagamit din ang mayroon bilang pangngalan.
Halimbawa:
Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang mayroon at kung sino
ang wala.
PANLAPING –IN at –AN
- ang hulaping –in ay dinaragdag kung ang salitang tinutukoy ay maaaring maalis o
matanggal, samantala ang hulaping –an naman ay hindi naaalis o natatanggal, o kaya
naman ay may nais ilagay. Maaari ding maging lugar ang salitang lalapian nito.
Halimbawa:
a. PAHIRAN at PAHIRIN
Pahiran - paglalagay
Pahiran mo ng mantikilya ang aking tinapay.
Pahirin - pag-aalis
Pahirin mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid.
b. SUBUKAN at SUBUKIN
Subukan - pagtingin nang palihim
Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa
bahay.
Subukin - pagtikim at pagkilatis
Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito.
Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmakinlya.
NANG at NG
Nang - pangatnig na panghugnayan
- tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan at pamanahon
- tagapag-ugnay ng salitang-ugat na inuulit at pandiwang inuulit
Halimbawa:
1. Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga mag-aaral.
2. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.
3. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.
Ng - pantukoy ng pangngalang pambalana
- tagapagpakilala ng layon ng pandiwa at tagaganap ng pandiwa
- pang-ukol na kasingkahulugan ng “sa”
Ang modyul na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.
Pahina 13 ng 16
Halimbawa:
Napakagara ang bahay ng mga Dela Cruz.
KILA at KINA
- Walang salitang kila. Ang Kina ay maramihan ng kay.
Halimbawa:
Pakidala ang mga laruang ito kina Benny at Maris.
Ang Raw, Rito, Rin, Roon at Rine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa
patinig (a, e i, o, u) o malapatinig (w, y).
Halimbawa:
Pumunta ka rito.
Nag-aaway raw ang mga bata.
Ang Daw, Dito, Din, Doon at Dine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa
katinig.
Halimbawa:
Sa ilog daw maliligo ang mga binata.
Dito at Doon ang ginagamit sa simula ng isang pangungusap.
Halimbawa:
Dito ba tayo maghihintay?
Doon na tayo mananghalian sa bahay.
KUNG at KONG - Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas ito ng if sa
Ingles; ang kong ay panghalip na panao sa kaukulang paari
Halimbawa:
Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.
Nabasa ang binili kong aklat.
Hinango ang tala mula sa website na : http://teksbok.blogspot.com/2013/01/wastong-gamit-ng-mga-salita-1.html
Ang modyul na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.
Pahina 14 ng 16
Magsuri Tayo
Gawain A: Pagsusuri ng mga paskil o paskin
Panuto: Suriin ang mga mga paskil o paskin sa ibaba. Tukuyin ang mga maling gamit ng
salita o baybay sa Filipino. Isulat ang mga natukoy na pagkakamali.
2 1 3
4 5 6
7 8
7
9
Ang modyul na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.
Pahina 15 ng 16
PANGALAN : __________________________ BILANG SA KLASE: ______ ANTAS at PANGKAT : ___________________ PETSA:_________________ Gawain B : Pagpapasagot ng gawain sa Wastong Gamit at Baybay ng Salita sa Filipino Panuto: Bilugan ang mga maling gamit ng salita at sa itaas nito ilagay ang wastong gamit.
Ang Wastong Gamit ng mga Salita
(1) Sa paglipas ng panahon, paunti ng paunti ng nagpapahalaga sa tamang gamit ng mga
salita. (2-3) Marami daw sa atin ang halos hindi na nga pamilyar sa mga panuntunan at
pamantayan sa wasto at epektibo na komunikasyon lalong-lalo na sa pag-sulat. (4-5-6-7) Kung
palaging ginagamit ang wika, ito ay buhay at nagbabago ngunit di ba’t ang maling paggamit nang
mga salita lalo na sa pagsulat ay pagpatay din sa kagandahan nang ating wikang pangbansa? ( 8-
9) Mayroon tungkulin at pananagutan ang bawat isa sa atin sa pagunlad ng wika.
(10) Isipin mo na lamang kong ang paggamit ng wika ay walang sinusunod na pamantayan.
(11-12) Marahil magiging isang bangu-ngot ang pag-basa ng isang simpleng akda o teksto.
Mawawalan ka nang gana at mahihilo sa pagbabasa ng isang simple na sulatin. (13) Kong walang
sinusunod na pamantayan, magiging magulo at maaaring mawasak ang wika. Ito ay dahilan sa
ang lahat ng wika ay nabuo sa pamamagitan ng pagkakasundo-sundo ng mga gumagamit nito.
(14) Dahil rito, nagkakaunawaan ang lahat ng tao.
(15-16) Bakit ba napakahirap sa atin ang pagaralan ang ating pangbansang wika
samantalang ito ang wikang natutunan ng halos lahat satin simula noong tayo ay bata pa. (17-18-19)
May mang ibang gumagamit din ng wikang Ingles, nakapagtataka pa din na tayo mismo ang hindi
marunong magsalita o gumamit ng ating sarili wika.
(20-21-22) May mga banyaga na pinagaaralan ang ating wika ng mas marubdob pa kaysa sa
atin. (23) Ngunit tayong mga nagmamay-ari nito, ang halos wala ngang pakialam kong mabura na
sa mundo ang ating wika. (24) Wala ba tayong pagmamahal ng ating wikang nagmula pa sa ating
mga ninuno? (25) Sa kila natin utang ang pagkakaroon ng wikang sinasalita natin ngayon. Sila na
itinaguyod ang ating wika ano man ang mangyari? Hindi ba mahalaga sa atin ang magkaroon ng
sariling pagkakakilanlan? (26-27) Alisan na natin ang isipang banyaga at pagalabin ang damdaming
makabayan. (28-29-30) Bakit hindi natin subukang muli na yakapin ang wikang ipinagkaloob ng Diyos
sa atin at gawing sandigan ng ating pagkakakilanlan ang wikang Pilipino nating mga filipino.
Ang modyul na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.
Pahina 16 ng 16
Gawain C : Pagbuo ng Paskil o Poster Panuto: Pagbuo ng isang patalastas o paskil na naghihikayat na paunlarin ang wika at
panitikang Filipino na naisasaalang-alang ang wastong gamit ng mga salita sa Filipino.
Ilalathala ang nasabing poster o paskil sa tumblr ng klase.
Kategorya 5 3 1 Marka
Kabuluhan at kawilihan ng
nilalaman
Lubos na makabuluhan at
kawili-wili ang mga detalye.
Makabuluhan atkawili-wili ang mga
detalye.
Kulang sa pagiging makabuluhan at kawili-wili ang mga detalye.
Pagkamaliain at
Orihinalidad
Naipakita ang pagkamalikhain at
orihinalidad sa pagbuo ng paskil o
patalastas
May bahagyang kakulangan sa
paggamit ng kulay at larawan upang
maipamalas ang pagkamalikhain
Hindi maayos ang paggamit ng kulay at
larawan at walang orihinalidad
Gamit ng Wika
Maayos ang pagkakagamit ng
mga salita.
May tatlo hangang aapat na
pagkakamali sa pagkakagamit at baybay ng mga
salita.
Maraming pagkakamali sa
pagkakagamit ng mga salita.
Kaayusan at Kalinisan
Naipapamalas ang kaayusan at kalinisan sa
pagkakabuo ng paskil o patalastas
Bahagyang nagpamalas n gang
kaayusan at kalinisan sa
pagkakabuo ng paskil o patalastas.
Hindi nagpamalas ang kaayusan at kalinisan
sa pagkakabuo ng paskil o patalastas
Kabuuan
Iskala : 19–20 Napakahusay: 14–18 Mahusay: 9–13 Mapaghuhusay Pa: 4–8 Hindi Mahusay: