rebelyong boxer (1)

Upload: marimar-ocsebio

Post on 14-Jul-2015

7.029 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Rebelyong Boxer

Ang rebelyong boxer ay isang bayolenteng grupo na antiforeign, at anti-Christian na itinatag ng Boxers United in Righteousness. Ito ay itinatag bilang tugon sa imperyalistang paglawak, sa paglakas ng impluwensya ng kosmopolita at sa misyonerong pagmamataas.

Ang PinagmulanAng Boxers United in Righteousness ay isang lihim na na lipunang itinatag sa Shandong, isang hilagang lalawigan ng Tsina. Ang mga taga-Kanluran ay pumupupunta sa ibat-ibang lugar upang humanap ng mga batang lalaki na magaling sa martial arts upang makasama sa kanilang grupo.

Kahit alam nilang mas malakas ang kalaban nila kumpara sa kanila, naniwala pa rin silang maari nilang matalo ang kanilang kalaban kung sila ay magtiyaga at magsanay. Naniniwala rin sila na kung magsanay sila maaari silang maging immune sa mga suntok at pasabog ng kanilang mga kalaban at naniniwala rin sila na may mga spirit soldiers na bababa galing sa langit upang tumulong sa kanila.

Ang Kanilang PaglabanSinugod ng lokal na grupong Boxers ang mga misyonaryong Kristyano na pumunta sa Tsina noong 1899. Nang may pahintulot ng hukuman, inatake nila ang Hilagang Tsina. Pinatay nila ang mga misyonaro at ang mga Tsinong Katoliko doon.

Noong 1900, ang mga Boxers ay pumunta sa Beijing upang sakupin ang mga dayuhang embahada. Noong June 21, pinilit ng Korteng Manchu si Empress Dowager na magdeklara ng digmaan laban sa mga dayuhan na nasa Beijing. Ang mga diplomat, mga sibilyan na dayuhan at Kristyanong Tsino ay nailigtas lamang ng mga Allies, isang pagpipisan ng walong bansa.

Ang Pagbagsak ng Rebelyong BoxerAng paghihimagsik ng mga Boxer ay natigl sa pamamagitan ng isang alyansa ng walong bansa na binubuo ng Austria-Hungary, French Third Republic, German Empire, Italy, Japan, Russia, ang United Kingdom at ng United States.

Rebelyong Boxer

Natapos ang paglusob ng dumating ang mga sundalong Indian na pinadala ng German general Alfred Graf von Waldersee. Noong Setyembre 7, 1901, ang korteng ng Qing ay pinilit na lagdaan ang Boxer Protocol o mas kilala bilang Peace Agreement sa pagitan ng EightNation Alliance at China.

Inuutos ng Agreement ang pagpatay sa sampung opisyal na kasama sa pagaalsa. Kailangan ding magbayad ng Tsina ng 450,000,000 na tael ng silver (ito ay kumakatumbas sa 323.336 bilyong piso ngayon.) at kailangan nila ito bayaran sa loob ng 39 na taon.