rehiyon xiii: panitikan at kasaysayan

32
CARAGA Inihanda ni Bryan Ducay Aurelio BSE II-Filipino Major Lit 113: Panitikan ng Rehiyon sa Pilipinas Rehiyon XIII

Upload: bryan

Post on 19-Apr-2015

4.522 views

Category:

Documents


67 download

DESCRIPTION

Alay sa lahat ng mga mag-aaral na tulad ko at sa mga mamamayan ng Region XIII. Sana po ay makatulong! Maligayang Pagbabasa!

TRANSCRIPT

Page 1: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

CARAGAInihanda ni

Bryan Ducay Aurelio

BSE II-Filipino Major

Lit 113: Panitikan ng Rehiyon sa Pilipinas

Rehiyon XIII

Page 2: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan
Page 3: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Ang rehiyong ito ay binubuo ng1. Agusan del Norte2. Agusan del Sur3. Surigao del Norte4. Surigao del Sur

Ito ay may kabuuang sukat na humigit kumulang sa

18,847.0 kilometrong parisukat at may populasyong

humigit kumilang sa 1,942,687.

REHIYON XIII-CARAGA

Page 4: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Ang Agusan ay matatagpuan sa Hilagang-Silangang bahagi ng Mindanao.

Ang salitang Agusan ay nagmula sa salitang “agus” na ang ibig sabihin ay daloy ng tubig.

AGUSAN

Page 5: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Dito matatagpuan ang itinuturing na pangatlo sa pinakamalalaking ilog sa bansa, ang Agusan River na may habang 259 kilometro.

Pangingisda ang isa sa mga ikinabubuhay ng mga tao rito.

AGUSAN

Page 6: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Ang Agusan ay naging bahagi ng matandang lalawigan ng Surigao na tinatawag na Butuan. Noong 1914, ang Butuan ay inihiwalay sa Surigao at pinangalan itong Agusan at noong 1970 ay hinati sa dalawa: ang Agusan del Norte at Agusan del Sur.

Alam nyo ba?

Page 7: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

SagingAbakaGomaNiyogMga gulay

Mga Produkto

Page 8: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Relihiyon90% ay kristiyano

6% ay muslim

Protestante naman ang iba

Page 9: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

May kaunlaran na rin ang Agusan sapagkat hindi problema ang transportasyon: sasakyang panlupa, pandagat at panghimpapawid.

May teleponong nagagamit sa komunikasyon, may istasyon ng radyo na may telegrapo.

May suplay din ng kuryente sa pamamagitan ng mga anyong tubig. (National Power Corporation)

Ekonomiya

Page 10: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Diwata Mountain RangePumapagitan sa Agusan del Norte at Agusan del Sur at nagsisilbing proteksyon ng lalawigan sa bagyo.

Page 11: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Ito ay kapatagan na napaliligiran ng mga bundok. Ang pinakamataas na bundok ay ang Mt. Milung-milong na may taas na 2,012.

Ito ay may sampung bayan at isang lungsod, ang Butuan City.

Ang lupaing sakahan ng Agusan del Norte ay may kabuuang lawak na humigit kumulang na 87,137.99 ektarya na kumakatawan sa 35.6% ng lupain ng lalawigan.

Agusan del Norte

Page 12: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Maipagmamalaking lugar at tanawin

Matatagpuan sa Jabonga, 63 kms. ang layo sa syudad. Maganda ang lugar para sa bathing, pamamangka at pangingisda.

Lake Mainit Shoreline Area

Page 13: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Mt. Hilay-hilayMatatagpuan sa Remedios T. Romualdes. May

taas na 2,012m. above sea level at kinikilalang pinakamataas na bundok sa Agusan del Norte. Malaking pagsubok para sa mga mountain climbers na nadiskubre ang mga hindi panapupuntahang lugar sa kagubatan, talon at lawa. Mayaman ito sa Flora at Fauna.

Mt. MinaosogMatatagpuan sa La Fraternidad, Tubay na 39

kms. ang layo sa syudad. Katatagpuan ng mga magagandang talon at hot springs.

Page 14: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Mapaso Hot SpringsMatatagpuan sa Mapaso Santiago, 40 kms. ang layo sa syudad. Isang uri ng geothermal spring.

Page 15: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Aciga RiverMatatagpuan sa Santiago, 40 kms. ang layo sa syudad. Ang ganda ng lumalagaslas na tubig ang matatanaw mula sa ibabaw ng tulay ng Aciga.

Page 16: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Century Old Bitaug TreeMatatagpuan sa Caloc-an, Magallanes, 27 kms. ang layo sa syudad. Tinatayang 150 taon nang nabubuhay. Pinamumugaran ng mga alitaptap at nagsisilbing kanlungan ng mga magsasaka tuwing gabi.

Page 17: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Agusan RiverAng pinakamahabang ilog sa Butuan City at nagpapakilala sa syudad bilang“The Timber City of the South”

Page 18: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Ang Agusan del Sur ay nasa hilagang bahagi ng Mindanao sa baybaying dagat.

Ito ay may sukat na humigit kumulang sa 8.996 kilometrong parisukat at populasyong di kukulangin sa 200,000.

Agusan del Sur

Page 19: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Ang Agusan del Sur ay binubuo ng labing-apat na munisipalidad na may 311 baranggay. Ang mga bayang nasa tabi ng Agusan River na tianatawag na “river towns” tulad ng Sta. Josefa, Veruela, La Paz, Talacogon at Esperanza.

Ang bayan naman ng Sigabat, Bayugan, Prosperidad, San Luis at iba pa ay tinatawag na “highways Towns.”

Ang kabisera ng Agusan del Sur ay Prosperidad.

Mga bayan

Page 20: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Ang pangunahing produkto ng lugar na ito ay mais at palay.

Bus at dyip ang paraan ng transportasyon samantalang telepono at telegrapo naman ang paraan ng komunikasyon.

Paghahayupan at pagtatanim ng karaniwang ikinabubuhay ng mga tao

Agrikultura at industriya

Page 21: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Sa Bayugan- Bicolano, Cebuano, Ilocano, Cuguco, Maranao, Tagalog, Subanon at Hiligaynon;

Sa Banawan- Cebuano, Ilocano, Manobo, Tagalog, Lineyte-Samaranon at Hiligaynon;

Sa Rosario- Cebuano, Hiligaynon, Manobo, Tagalog, Pangasinense at bikolano;

Sa Loreto- Chavacano, Davaoeno, Ibanag, Manobo, Masbate at Bikolano

Iba't ibang wikain sa Agusan del Sur

Page 22: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Ang Surigao del Norte ay binubuo ng isang lungsod at dalawampu’t anim na munisipalidad at may 410 baranggay.

May kabuuang sukat na humigit kumulang sa 2,739 kilometrong parisukat na katumbas ng 9.7% na kabuuan ng Rehiyon X at may populasyong 471,263.

Surigao del Norte

Page 23: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Walang tag-init sa lugar na ito. Tag-ulan sa buong taon. Malapit ito sa sentro ng bagyo kaya kadalasang binabagyo ito sa mga huling buwan ng taon. Dahil malapit din ito sa Philippine Deep, ang lalawigan ay nakakaranas ng apat na lindol taun-taon.

Alam nyo ba?

Page 24: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Pangingisda at pagtatanim ang pangunahing ikinabubuhay rito.

Batay sa ulat ito ay may pinakamalaking pyodyus ng nikel sa bansa.

Ang mga uri ng yamang-mineral dito ay ginto, pilak, cobalt, chromite, semento, silica, buhangin, uling, limestone at graba.

Agrikultura at industriya

Page 25: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Alegria- Bicolano, Cebuano, Lineyte-SamaranonBasilisa- Bicolano, Cebuano, Hiligaynon, Masbateño,

Romblon at Tagalog.Dapa- Bicolano, Cebuano, Tinggian o ItnegCagdiano- Bicolano, Cebuano, HiligaynonDel Carmen- Tagbanua, TagalogSison- Cebuano, HiligaynonTagana-An- Cebuano, Ivatan, Lineyte-SamaranonPilar- Cebuano, Lineyte-Samaranon, KastilaSan Isidro- Cebuano , Molbog, Lineyte-SamaranonSurigao City- Cebuano, Agutayano, Batae, Banuanon,

Chinese, Ilocano, Ingles, Maranao, Tagalog

Iba't ibang wikain

Page 26: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Bonok-bonok FestivalBalita sa Surigao del Norte sa pagdiriwang na tinatawag nilang Bonok-bonok Festival. Sa pagdiriwang na ito ay ipinaparada nila ang Mahal na Sto. Niño.

Page 27: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Literatura ng mga ManoboMga Manobo/ Manubu rin ang mga taong naninirahan o katutubo ng Surigao. Sila ay may sariling kultura at panitikan.

Page 28: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Mga bugtong

Emun edtibasan, nune vasag,Ne edlamabas ne lenew.-Sikan is luvi

If you cut into it, it’s a bowl;If you pierce it, it’s a pool.

Answer: coconut

Bundtud man guntaan heyan ne emun Ed ahaannu ne egkiramkiram da ne enum egkewaan ne ne egkekawe ne.-sikan es izung

A mountain which can only be dimly seen, yet you can reach it with your hand.Answer: nose

Page 29: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

salawikain/ Kasabihan

Manobo Filipino

Ke etew ne kena edlilingey te impuun din ne kena ebpekuuma diya te edtamanan din.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.

Anoy man tu karabaw na upat tu kubong di paka hidjas.

Kung ang kalabaw na may apat na paa’y nagkakamali pa, paano na ang tao.

Ke meyades ne ed-ipanenew ne melaaram ke egkuruhi.

Ang taong lumalakad ng matulin, kung madapa at masugatan ay malalim.

Page 30: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Inamo (Monkey Dance)Nagbuhat sa pangkat ng mga lalaking may asawa na. Sumama silang magsayaw ng Inamo upang ipagdiwang ang kanilang gawain hanggang sa huli ng kanilang buhay.

Page 31: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Itik-itikKilala bilang isang katutubong sayaw. Nang lumaon, ito ay nabago at naging artistic at naging bahagi ng Bayanihan Dance Troupe.

Page 32: Rehiyon XIII: Panitikan at Kasaysayan

Ginagamit bilang ritwal ang awitin ng mga Manobo. Ilan sa mga kilalang awitin ay mga sumusunod:

1. Owaging/ Uwahingen- isang mahalagang awiting pang –epiko .

2. Mandata- awit ng pag-ibig3. Delinday- awit ng hanapbuhay, pakikidigma,

pagpapatulog, pagtatanim at pag-aani.4. Nalit- isang uri ng awiting nakauugnay sa

buhay5. Dingsing- awit sa patay.

Mga kilalang awitin