report in a.p :)

of 79/79
HEOGRAPIYA NG HILAGA AT GITNANG ASYA BY ROBEE CALERO

Post on 12-Aug-2015

129 views

Category:

Education

35 download

Embed Size (px)

TRANSCRIPT

  1. 1. BY ROBEE CALERO
  2. 2. Ang klima ng isang lugar ay malaking hamon sa mga mamamayan nito. Nakabatay sa kakayahan ng mga mamamayang makaangkop sa kanilang kapaligiran ang pag-unlad at pagyaman ng kanilang pamumuhay. Tunay nangng mapanghamon ang kalikasan dahil may mga lugar sa asya na kung saan sinusubok nito ang tiyaga, talino, husay, pagkamalikhain at lakas ng mga asyano. Nangangahulugan lamang na likas sa mga asyano ang pagiging maparaan at mahusay sa pag angkop sa kanilang kapaligiran dahil nagawa nilang mamuhay nang sagana sa kabila ng ganitong kalagayang pangkapaligiran.
  3. 3. Ang hilaga at gitnang asya ay rehiyon sa pusod ng asya, naliligiran ito ng DAGAT CASPIAN sa kanluran, china sa silangan, afghanistan sa timog at russia sa hilaga. Kilala rin ito bilang inner asia at binansagan ang mga bansa rito bilang mga stans na nasa kalakhang bahagi ng kontinenteng eurasia. Maraming paglalarawan tungkol sa mga bansang sakop at hangganan ng hilaga at gitnang asya. Gayunpaman, isa lamang ang malinaw rito. Nagsilbing tirahan ng mga taong nomadiko ang rehiyon noong una at naging bahagi ito ng makasaysayang Silk Road. Bilang resulta, nagsilbi ang rehiyon bilang tagapag-ugnay ng mga mamamayan, kalakal at kaalaman ng Europa, KanlurangAsya,Timog Asya at Silangang Asya. Sa modernong pananaw, lahat ng paglalarawan sa mga bansang sakop ng hilaga at gitnang asya ay nabibilang ang limang republikang dating kasapi sa Union of Soviet Socialist Republics (USSR)---- ang mga ito ay ang kazakhstan, Kyrgyzstan,Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan. Dahil dito, tinagurian din ang rehiyon bilang SovietAsia. Sa iba pang paglalarawan, isinasama rito ang Mongolia, Afghanistan, Hilaga at Kanlurang Pakistan, Hilagang Silangang Iran, Kashmir, Ibang bahagi ng kanlurang China (Xinking, dating tawag na silangang turkestan) at timog siberia sa russia.sa araling ito, isinama ang siberia bilang bahagi ng hilaga at gitnang asya.
  4. 4. ang hilaga at gitnang hilaga at gitnang asya ay isang malawak na rehiyong nagtataglay ng ibat ibang katangiang heograpikal tulad ng matatarik na bangin, kabundukan (Tian Shan), malalawak ng disyerto ( Karakum, Kyzyl Kum,Taklamakan) at kalakhang bahagi nito ay tundra, taiga at mga damuhan tulad ng steppe at prairie Pangunahing mga ilog ng rehiyon ang Amu Darya, Syr Darya, At Hari. Itinuturing ding mga pangunahing anyong tubig nito ang dagat Aral at Lake Balkhash. Nasa siberia ang lake baikal na siyang pinakamalalim na lawa sa daigdig. May lalim itong 5,387 talampakan below sea level. Isa ito sa mga pinakamatanda at pinakamalinaw na lawa sa daigdig. Sinasabing ito ay 30 milyong taon na ang edad at may pinakamahabang sukat na 636 kilometro at pinakamaluwang sa sukat na 79 kilometro.Tinagurian din itong Perlas ng Siberia.
  5. 5. Tinagurian ang hilaga at gitnang asya bilang arctic asia dahil sa lokasyon itong malapit sa Arctic Ocean. Dahil dito, nagtataglay ito ng mga biome (tuwirang panirahan ng mga hayop sa halaman batay sa klima) na tanging sa rehiyong arctic lamang matatapuan tulad ng tundra at taiga. Karamihan sa mga halaman sa rehiyon ay nababalutan ng kagubatang koniper (boreal). Ang rehiyong ito ay tinatawag na taiga na nagtataglay ng pine, fir , larch, birch, aspen at willow. Ang taiga at terminong ruso na nangangahulugang kagubatan at ito ang pinakamalaking biome sa mundo. Dahil tuwid at matatas ang mga puno rito, timber ang pangunahing industriyang pangkagubatan ng mga lugar dito. Panirahan ang taiga ng mga hayop tulad ng beaver, meado vole, ermine, red fox at ilang mga tigre. nasa hilagang bahagi ng taiga ang tundra. Ito ang mas malamig na bahagi ng arctic. Ang tundra ay isang biome na kung saan nahahadlangan ng lamig ang paglaki ng mga halaman. Nagmula ito sa terminong sapmi na tundar na nangangahulugang Kabundukang walang puno.Tatlo uri ng tundra ArcticTundra, AlpineTundra at AntarticTundra. Arctic Tundra ang nasa hilagang asya. Ang tundra ay tumutukoy sa lugar na kung saan ang lupa ay permafrost o permanenteng nagyeyelo ang lupa. Nagtataglay ang tundra ng mabababang halaman, damo, lumot at lichens. Ang mga hayop na may malaking bilang sa rehiyong ito ay ang caribou (reindeer) musk ox, arctic hare, arctic fox, snowy owl, lemmings, at polar bear ( sa pinakahilagang bahagi).Tinatawag na timberline o tree line ang pagitan ng tundra at taiga
  6. 6. tatlong uri ng damuhan ang makikita sa hilaga at gitnang asya ang steppe, prairie at savannah Ang steppe biome at tuyo, malamig at may damuhang matatagpuan sa lahat ng kontinente maliban sa australia at antartica. Malawak ang steppe na nasa siberia. Hindi mahalumigmig ang hangin dito sa pagkat malayo ang lokasyon nito sa karagatan at nahahadlangan ng mga kabundukan Karaniwang matatagpuan ang steppe biome sa pagitan ng disyerto at kagubatan. Mayroon itong malalawak na damuhang may mababaw na ugat. Kapag nakakukuha ito ng maraming ulan, nagiging kagubatan ito ngunit kung hindi, maaari nang maging disyerto. ang prairie ay rehiyong patag o lupaing maburol na nababalutan ng mga damo at ndi ng mga puno, mayroon itong matataas na damuhang nagtataglay ng malalalim na ugat. Isa sa mga pangunahing biome ay ang prairie na matatagpuan sa hilagang siberia. Ang savannah ay biome ng pinagsamang damuhan at ilang kalat-kalat na puno na matatagpuan sa mga kagubatang tropikal at disyerto.Tinatawag din ang savannah bilang damuhang tropikal. Malaking bahagi nito ay makikita sa dalawang bahagi ng ekwador sa gilid ng mga kagubatang tropikal
  7. 7. KAZAKHSTAN NAGMU
  8. 8. SUKAT 2, 715, 900 (KILOMETRO KWADRADO) KAPITAL ASTANA YUNIT NG SALAPI TENGE YAMAN NATURAL GAS, PETROLYO, IRON ORE, MANGANESE,CHROMITE ORE, COPPER, POLLYMETALLIC ORES, NICKEL,TUNGSTEN, MOLYBDENUM AT IBA PANG DI PANGKARANIWANG METAL TEMPERATURA 12 *C HANGGANG 30 *C PORSYENTO NG LUPANG NASASAKA 8.28%
  9. 9. Nagmula ang pangalang kazakhstan sa mga katutubo nitong kazakh. Ito ang pinakamalaking bansa na napapalibutan ng lupa (landlocked) sa mga hangganan. Dumaan ang bansa sa kasaysayan ng pananakop ng mga Mongol at mga Russian. Nang masakop ito ng russia, naging kasapi ito ng USSR at naging isang nagsasariling estado nang mabuwag ang Soviet Union noong 1991
  10. 10. Ang lupain ng kazakhstan ay nasa hilagang kanluran ng china, isa ito sa pinakamalaking bansa sa asya. Nahahangganan ito ng turkmenistan, Uzbekistan, at Krygystan sa timog: Russia sa hilga; Russia at Dagat Caspian sa kanluran; at ang XinjiangChina sa Silangan
  11. 11. Maraming pagkakaiba sa topograpiya ng kazamkhstan. Pinakamataas na bundok nito ang khan tengri na nasa hangganan ng kyrgytan sa kabundukan ngTian Shan. May taas itong mahigit 7,010 metro; pinakamababang bahagi ng bansa ang ilalim ng karagiye depression (lubak) na may sukat na -132 metro below sea level na nasa probinsya ng Mangystau, silangan ng Dagat Caspian, karamihan sa bahagi ng bansa ay nasa elebasyong 200 hanggang 300 metro above see level.ngunit ang ilan sa mga baybaying ng Caspian sa Kazakhstan ay itinuturing na ilan sa pinakamabababa sa mundo.
  12. 12. Nababalutan ng nyebe sa buong taon ang karamihan sa tuktok ng altai at tian shan na siyang pinagmumulan ng tubig ng karamihan sa mga ilog ng bansa.
  13. 13. Maliban sa mga ilog ngTobol, Ishin at Irtysh, lahat ng ilog sa kazakhstan ay nasa bahaging landlocked. Ang ilan dito ay nagtatapos sa dagat caspian at ang ilan naman ay nagwawakas sa mga steppe at disyerto sa gitna at timog kazakhstan. Karamihan sa mga ilog at lawa nito ay nawawalan ng tubig sa panahon ng tag-araw. Ang tatlong pangunahing anyong tubig ng bansa ay ang lake balkhash sa silangan na bahagyang tabang at alat, ang dagat caspian at dagat aral--- parehong sakop ng kazakhstan ang ilang bahagi ng mga ito.
  14. 14. Kontinental ang klima sa kazakhstan. Mahaba lubos na maginaw ang taglamig at maikli ang tag-araw. Sa panahon ng tag- araw, ang temperatura ay umaabot sa mahigit 30 *C (86*F) hanggang -12*C (10.4*F) sa panahon ng taglamig. Mayaman ang hilagang asya sa halos lahat ng uri ng mineral. Nababahagian ng yamang ito ang kazakhstan
  15. 15. Nagtataglay ito ng malaking deposito ng petroleum at natural gas na siyang nakatulong nang malaki sa ekonomiya ng bansa. Nasa Kazakhstan din ang pangalawang pinakamalaking reserba ng uranium, chromium, lead, zinc, pangatlo sa reserba ng manganese, ikalima sa copper, ikasampu sa reserba ng coal, bakal at ginto ng ikalabing-isa sa reserba ng langis natural gas. Hindi man mayaman ng lupang sakahan, nakapagtatanim pa rin ang mga mamamayan sa bansa ng trigo at bulak.
  16. 16. SUKAT 143,100 KAPITAL DUSHANBE YUNIT NG SALAPI RUBLE YAMAN PETROLYO, URANIUM, MERCURY, BROWN COAL, LEAD, ZINC, ANTIMOTY,TUNGSTEN, PILAKAT GINTO TEMPERATURA 23 *C HANGGANG 30 *C (TAG-ARAW)AT -1 *C HANGGANG 3*C (TAGLAMIG) PORSYENTO NG LUPANG NASASAKA 6.52%
  17. 17. Nagmula ang pangalang tajiskistan sa mgakatutubong tajik na sinasabing may lahing Persiano. Dumaan ito sa seye ng pananakop ng mga arabe, Mongol at Ruso. Nagsarili ang tajikistan bilang isang malayang estado noong 1991 nang mabuwag ang USSR. Nakalatag ito sa timog-silangang bahagi ng rehiyon. Nahahangganan ito ng Uzbekistan at Kyrgyzstan sa hilaga, Afghanistan sa timog at china sa bulubunduking bahagi nito sa silangan. Ito ay isang bansang napapalibutan ng lupa (landlocked) at pinakamaliit ang sukat sa gitnang asya.
  18. 18. Ito ay lupain ng mga bundok sa ilog. Sa katunayan, mahigit 90% ng lupain nito ay nababalutan ng bulubundukin. Nakalatag ang lupain nito sa bahagi ng pamir at tien shan na may taas mula 300 metro hanggang 7,495 metro. Nagtataglay ang tajikistan ng 947 ilog na may habang mahigit sa sampung (10) kilometro. Pinakamalaking ilog ng bansa ang Amu Darya, Syr Darya (sa hilaga), Zeravshan (kaugnay ng Amu Darya),Vakhsh at ang Panj May mga lawa rin sa tajikistan. Pinakamalaki rito ang Lake Karakul sa Silangang Pamis. Ang kabuuang sukat ng maalat na lawang ito ay 380 kilometro kwadrado. Pinakamalalim na lawa ng bansa ang Lake Sarez sa Kanlurang Pamir na may sukat na 86.5 kilometro kwadrado at may lalim na 490 metro.Tabing ang tubig sa lawang ito.
  19. 19. Ang mga kabundukan ngTajikistan ay tanyag sa kanilang glacier (nababalutan ng yelo) at itinuturing na pinakamalawak sa asya ang Fredchenko Glacier, ang Pamir at ang Zeravshan Glacier. Ang gitnang bahagi ngTajiskistan ay nababalutan ng Hissar-alay Ridges (timog ngTien Shan). Ang Dushanbe kabisera ng bansa ay nasa Lambak Hissar sa paanan ng kabundukang Hissar. Ang pamir ay nasa timog silangang bahagi ng bansa. Pinakamataas na bundok ng Pamir at ng Bansa ang Communism Peak na may taas na 7,495 metro (24,590 talampakan). Kilala rin ito bilang Ismoil Somoni Peak. Nakatalag ito halos sa probinsya mg Gorno-Badakhstan ng bansa at probinsya ng Badakhstan sa Afghanistan.
  20. 20. Sa pangkalahatan, nakararanas ang tajikiistan ng klimang kontinenral, subtropikal at maladisyerto na may mga disyertong bahagi. Ngunit nag-iiba ang klima batay sa elebasyon. Ang Lambak ng Fergana at iba pang mabababang lupain ay nahahadlangan ng mga kabundukan sa mga bahaging nagmumula sa Arctic ngunit mababa pa rin ang temperatura nito (below freezung point) na tumatagal nang halos 100 araw sa isang taon. Sa rehiyong timog kanlurang kapatagang subtropikal na may pinakamataas na temperatura, ang klima ay tigang. Ang mga pangunahing pananim ay barley, bulak, trigo at gulay. Mayaman din ito sa mineral na uling, Lead at zinc. Pangunahing industriya ang pagtunaw ng aluminyum, paggawa ng semento, damit at sapatos.
  21. 21. Nananatili itong pinakamahirap na bansa sa mga dating kasapi ng USSR at sa gitnang Asya. Ang pangunahing kita ng bansa ay nagmumula sa produksyon ng aluminyum (aluminum), pagtatanim ng bulak at kwartang padala ng mga manggagawa sa labas ng bansa. Sa bansa makikita ang pinakamalaking planta ng aluminyum sa gitnang asya at isa sa pinakamalaki sa buong daigdig. Ngunit dahil sa korapsyon at di-maayos na patakarang pang ekonomiya, nananatiling mabagal ang pagunlad nito.
  22. 22. SUKAT 199,00 (KILOMETRO KWADRADO) KAPITAL BISHKEK YUNIT NG SALAPI SOM YAMAN GINTO, MERCURY, URANIUM, NATURAL GAS, COAL, LANGIS, NEPHELINE, BISMUTH, LEAD AT ZINC. TEMPERATURA -9*C HANGGANG 23*C PORSYENTO NG LUPANG NASASAKA 6.55%
  23. 23. Nagmula ang pangalang kyrgyztan sa mga katutubong kyrgz mga pastol at nomadikong Turkic na ang unang naninirahan sa kabundukangTien Shan. Galing ito sa salitang Kyrgyz na pinaniniwalaang salitangTurkic na ang ibig sabihin ay apatnapu (40) na tumutukoy sa 40 lipi ng mga manas. Makikita rin ang 40 sikat ng araw sa watawat ng bansa na tumutukoy sa apatnapung tribo. Naging isang nagsasariling estado ang Kyrgyzstan. Matapos itong humiwalay sa USSR noong 1991.
  24. 24. Ang Kyrgyztan ay isang lupaing landlocked at bulubundukin na nasa silangan ng China. Nahahangganan din ito ng Kazakhstan sa hilga, Uzbekistan sa kanluran atTajikistan sa timog kanluran. Dahil sa pagkakahati ng gitnang asya limang republika, maraming pangkat etnikong Kyrgyz ang hindi nakatira ng Ilang kilometro --- dalawa sa Uzbekistan at isa saTajikistan. Ang matataas na lupain ng Kyrgyzstan ay sakop ng mga kabundukan ngTien Shan at Pamir na umookupa sa 65% ng Teritoryo ng bansa. Ang kabundukan ng alay na bahagi ngTien Shan ay sumasakop sa timog kanlurang bahagi ng bansa at binabagtas naman ng kalakhang bahagi ngTien Shan ang Silangang lupain ng Kyrgyztan na nagsilbing hangganan ng bansa at ng china
  25. 25. Matataas at matatarik ang mga kabundukan sa Kyrgyztan na pinaghihiwalay ng malalalim na lambak. Malalawak din ang glaniclation (nababalutan ng yelo) sa Kyrgyztan . Mayroon itong 6500 glacier na tinatayang may sukat na 650 kilometro kubiko (cubic kilometers) ng tubig.Tanging ang paligid ng Chui,Talas, at Lambak ng Fergana lamang ang malalawak ng kapatagan ng bansa na angkop sa agrikultura Dahil nababalutan ng yelo ang mga kabundukan ng Kyrgystan, mayaman sa suplay ng tubig ang bansa. Ngunit wala sa mga ilog ng Kyrgyztan ang maaaring daanan ng barko. Karamihan sa mga ito ay maliliit at makikitid. Karamihan sa mga ilog ng bansa ay sanga (tributaries) lamang ng ilog Syr Darya. Isa pang pangunahing ilog ng bansa ang Chui na dumadaloy mula hilaga patungong hilagang kanluran hanggang sa katimugang bahagi ng Kazakhstan.
  26. 26. Ang Issyk Kul ay pangalawang pinakamalaking lawa sa Hilagang Asya . May haba itong 182 kilometro at luwang na 60 kilometro. Ito ay may kabuuang sukat na 6,236 % kilometro kwadrado. Ikasampuu ito sa pinakamalalaking lawa sa kabuuang sukat sa buong daigdig.Tinatayang may 2,000 lawa ang makikita sa Kyrgyzstan. Malaki ang impluwensya ng kabundukan sa klima at bansa. Naaapektuhan din ito ng kanyang lokasyon sa gitna ng Eurasia (landmass) at kalayuan sa karagatan. Magkakaiba ang klimang nararanasan sa bansa. Kontinental sa ilang rehiyon at ang iba naman ay halos marine lalung-lalo sa mga lugar na malapit sa Issyk Kul. Malaking bahagi ng bansa ay nakararanas ng klimang temperate sa mantalang subtropikal naman sa timog .
  27. 27. Ang agrikultura ay isang mahalagang sektor ng ekonomiya ng Kyrgyztan. Pangunahing tanim ang trigo, matamig na aselya (sweet beet), bulak, patatas, mga gulay at prutas. Nag-aalaga rin ng hayop at nakakapagpoprodyus ng karne, lana (wool), at mga gatas na nagsisilbing pangalakal. Makikita rin ang industriya ng uling, ginto, uraniyum, antimoty, at ilang mahahalagang metal. Isa sa mga napakahalagang industriya ng bansa ang metalurhiya (metallurgy) na inaasahan ng pamahalaan na makaakit ng mamumuhunan. Nananatiling pangalawa sa pinakamahirap na bansa sa mga dating sakop ng USSR (Union Od Soviet Socialist Republics) at sa gitnang asya sa kasalukuyan ang Kyrgyztan.
  28. 28. SUKAT 447 ,400 (KILOMETRO KWADRADO) KAPITAL TASHKENT YUNIT NG SALAPI SOM YAMAN GINTO,URANIUM, POTASSIUMAT NATURAL GAS TEMPERATURA -23 *C (TAGLAMIG)AT 40*C (TAG-ARAW) PORSYENTO NG LUPANG NASASAKA 10.51 %
  29. 29. Nagmula ang pangalang Uzbekistan sa mga nomadikong Uzbek na mula sa lahing Mongol. Minsan na itong naging bahagi ng imperyong Persian ng Samanid at nang lumaon ngTumurid. Humiwalay bilang nagsasariling bansa ang Uzbekistan noong 1991 nang mabuwag ang USSR. Sa kasalukuyan, ito ang pinakamataong bansa sa Gitnang Asya na halos katumbas ng kalahati ng populasyon ng rehiyon. Isang lupaing landlocked ang Uzbekistan. Nahahangganan ito ng Kazakhstan sa kanluran at hilaga, Kyrgyzstan atTajikistan sa silangan at Afghanistan atTurkmenistan sa timog. Tigang ang lupain ng Uzbekistan. Wala pang 10% ng lupain nito ang nasasaka na nasa mga lambak-ilog at oases. Ang kalakhang bahagi nito ay disyerto at bulubundukin.
  30. 30. Nasasakop ng paanan ngTien Shan ang timog silangang bahagi ng bansa. Nababalutan naman ng disyerto ng Kyzyl Kum ( bahagi ng timog Kazakhstan) ang hilagang mabababang lupain ng Uzbekistan.Ang pinakamatabang bahagi ng bansa ay nasa Lambak ng Fergana na halos 300 kilometro ang haba at may luwang na 70 kilometro na may sukat na 21,440 kilometro kwadrado sa silangan ng Kyzyl Kum at naliligiran ng kabundukan sa hilaga, timog at silangan.Ang kanlurang bahagi ng lambak ay dinadayuhan ng ilog Syr Darya na bumabagtas sa hilagang silangang bahagi ng bansa. Hindi pantay ang distribusyon ng tubig sa Uzbekistan; salat sa tubig ang kalakhang bahagi nito.Ang malalawak na kapatagan ng bansa ay may kakulangan sa tubig at may iilang lawa lamang. Ititnuturing na dalawang pangunahing ilog ng Uzbekistan angAmu Darya at Syr Darya na nagmumula sa mga kabundukan ngTajikistan at Kyrsgyztan , isang mababaw na lawa ang nakalatag sa hangganan ng Uzbekistan at Turkmenistan --- ang lawa ng Sarygamysh .
  31. 31. Isa pang katangiang heograpikal ng Uzbekistan ay ang paglindol. Sa katunayan, angTashkent (kabisera) ay niyanig ng malakas na paglindol noong 1966. madalas ang paglindol sa bulubunduking bahagi ng bansa. Pinakamataas na bundok ng Uzbekistan ang Khazret Sultan na may taas na 4,643 metro (15,233 talampakan) above sea level. Matatagpuan ito sa hissar range sa probinsya ng Surkhandarya na nagsisilbing hangganan ng bansa saTajikistan Ang klima ng republika ng Uzbekistan ay kontinental na nakakukuha ng kaunting pag-ulan.Ang tag-araw ay napakainit at napakalamig naman ng taglamig.Ang temperatura nito ay umaabot sa 40 *C (104*F) sa tag- araw at -23*C (-9*F) sa panahonng taglamig Nakabatay ang ekonomiya ng Uzbekistan sa paggawa ng kalakal mula sa bulak, ginto, uranium, potassium at natural gas.
  32. 32. SUKAT 488,100 (KILOMETRO KWADRADO KAPITAL ASHGABAT YUNIT NG SALAPI MANAT YAMAN PETROLYO, NATURAL GAS, SULFURAT ASIN TEMPERATURA -4*C (TAGLAMIG) HANGGANG 36*C (TAGARAW) PORSYENTO NG LUPANG NASASAKA
  33. 33. Ang Republika ngTurkmenistan (Turkmen:Turkmenistan Respublikasy), na nakilala rin bilangTurkmenia (Russian:) ay isa sa mga bansangTurko sa Gitnang Asya. Ang mga katabing-bansa nito ay ang Afghanistan sa timog- silangan, Iran sa timog at timog-kanluran, Uzbekistan sa silangan at hilagang- silangan, Kazakhstan sa hilaga at hilagang-kanluran at ang Dagat ng Kaspiy sa kanluran. Noong 2012, umabot ng 11% ang GDP growth rate ngTurkmenistan pagkatapos ng patuloy na paglago ng ekonomiya nito sa mga naunang taon, ngunit ito ay nakadepende lamang sa pagkalakal ng iisang produkto. AngTurkmenistan ang may hawak sa ikaapat sa pinakamalalaking pagkukunan ng natural gas. Kahit na mayaman ito sa ilang likas na yaman, ang karamihan ng bansa ay bahagi ng tinatawag na Karakum Desert. Ang lupain na sakop ng makabagong-panahongTurkmenistan ay naging bahagi ng Imperyo ng Rusya noong 1881. Naging sentro ito ng oposisyon sa Himagsikang Bolshevik sa Gitnang Asya. Naging bahagi ito ng Unyong Sovyet noong 1924, at naging isang malayang bansa noong bumagsak ang Unyong Sovyet noong 1991. Pinamunuan ni Saparmurat Niyazov (tinawag na "Trkmenbay", Pinuno ng mgaTurkmen") angTurkmenistan hangang sa kanyang biglaang kamatayan noong Disyembre 21, 2006. Pumalit sa kaniya si Gurbanguly Berdimuhamedow noong Pebrero 11, 2007.
  34. 34. SUKAT 13,100,000 (KILOMETRO KWADRADO KAPITAL TABOLKSORTYUMEN YUNIT NG SALAPI RUBLE YAMAN GINTO, DIYAMANTE, MANGANESE, LEAD, ZINC, NICKEL, COBALT, MOLYBDENUM, MICA, ALUMINUM, IRONORE,COAL, LANGIS, NATURAL GAS, GGRAPHITEAT NONFERROUS PRECIOUS METAL TEMPERATURA -15*C HANGGANG 19*C PORSYENTO NG LUPANG NASASAKA 7.17%
  35. 35. Ang siberia ay rehiyon ng Russia. Maraming pagpapaliwanag tungkol sa pinagmulan ng pangalan ng siberia. May nagsasabing ito ay terminong Turkic na nangangahulugang lupang natutulog.Ang isang pang bersyon ay nagmula ito sa pangalang tribal na Sibilla, mga nomadikong Turkic na nakipag-ugnayan sa mgaTartar. Iniuggnay rin ang terminong Siberia sa mga taong Sabir. Tinatayang may tatlong uri ng tao ang nabuhay sa katimugang Siberia humihigit- kumulang 40,000 taon na ang nakararaan. Ito ay ang homo sapiens, homo neanderthalensis.At isang hindi pa alam na uri mg hominin na binansagang WomanX hanggang sa kasalukuyan. Nasa bansa ang SiberianTraps na isa sa pinakamalalaking pangyayari sa kasaysayang heograpiya ng mundo sa nagdaang 500 milyong taon. Ito ay nagpapatuloy pa ng milyon pang mga taon.Ang pasabog ng Siberian Traps ay sinasabing dahilan ng tinatawag na Great Dying, 250 milyong taon na ang nakararaan. Halos 90% na uri ng hayop na nabuhay noong panahong iyon ang namatay.
  36. 36. Ang siberia ay isang rehiyong sumasakop na halos kabuuan ng Hilagang Asya. Nang naging pangunahing bahagi ito ng USSR, sakop nito ang gitna sa silangang bahagu ng Russian Federation. Nabuwag ang Union Soviet noong 1991. Sakop ng siberia ang kalakhang bahagi ng Eurasian Steppe. Ang teritoryo nitoy bumabagtas mula pasilangan ng kabundukang ural hanggang sa baybayin ng Pacific at Artic Basin; patimog mula sa Arctic Ocean hanggang sa mga burol ng gitnang hilagang Kazakhstan at pambansang hangganan ng Mongolia at China. Binubuo nito ang halos 77% ng teritoryo ng Russia ngunit 25% lamang ng populasyon ng Russia ang nandito. Ha;ps 10% ng kabuuang sukat ng mundo ay binubuo ng Siberia.
  37. 37. Pangunahing sonang heograpikal ng Siberia ang West Siberian Plain At Central Siberian Plateau. AngWest Siberian Plain ay nagtataglay ng mga lupaing patag na karamihan ay likha ng mga depositong abluyal ng panahong Cenozoic.Ang katimugang bahagi ng kapatagan ay nababalutan ng mga damuhang kaugnay ng Kazakh Steppe. Ang Central Siberian Plateau ay mayaman sa mineral; nagtataglay ito ng malalawak na deposito ng ginto, diyamante, manganese, lead, zinc, nickel, cobalt at molybdenum.