requirement sa subject na rizal :tula

9
Katamaran at Kasipagan Alvin B. Buenconsejo Katamaran… Kabatugan.., Ilan lamang ito sa salitang tinuran Pinagmalabisang pagpapakahulugan Hindi makakailang itoy umiiral .. Inuugnay sa atin… Sinasabing itoy likas sa atin ….. ...itong katamaran Katamaran… “Sakit na pinagkatandaan” Kabatugan… “Kasira-sirang nakamtan “ Buhat ng silay dumatal Kasipagan ay kinalimutan . Nasan ang dati mong kasipagan ? Nasan ang dati nating karangalan ? Ngayon pag –unlad ay di makamtan Paano kaya ito malulunasan Ano ba ang kadahilanan nitong sakit ng katamaran ? Aasa na lang ba sa suertet himala? Na sa kasalukuyan ay naghihintay sa wala O reaksyon ba ito sa mga kastila ?

Upload: yuealvin17

Post on 13-Nov-2014

277 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: REQUIREMENT SA SUBJECT NA RIZAL :TULA

Katamaran at KasipaganAlvin B. Buenconsejo

Katamaran…Kabatugan..,

Ilan lamang ito sa salitang tinuranPinagmalabisang pagpapakahulugan

Hindi makakailang itoy umiiral ..Inuugnay sa atin…

Sinasabing itoy likas sa atin ….....itong katamaran

Katamaran… “Sakit na pinagkatandaan”

Kabatugan…“Kasira-sirang nakamtan “

Buhat ng silay dumatal Kasipagan ay kinalimutan .

Nasan ang dati mong kasipagan ?Nasan ang dati nating karangalan ?Ngayon pag –unlad ay di makamtan

Paano kaya ito malulunasan

Ano ba ang kadahilanan nitong sakit ng katamaran ?

Aasa na lang ba sa suertet himala?Na sa kasalukuyan ay naghihintay sa wala

O reaksyon ba ito sa mga kastila ?

Ang pagkakaisa ay kinalimutan, Gayundin edukasyon ay pinabayaan

Katamaran ay nasilayan Hanggan sa kasalukuyan silay nasisilayan

Sakit na dapat nating malunasan

Page 2: REQUIREMENT SA SUBJECT NA RIZAL :TULA

Ano ba ang pagkukulang Nitong pamahalaan at simbahan

Bunton ng sisi ay lagi sa mamamayan Na sanay iminulat ang kabataan

Edukasyon ay mabigyan At kalayaan ay kanilang makamtan.

Katamaran, Palitan ng kasipagan

Kabatagun ,Ating bawiin ang nawalang karangalan

Katamaran Atin nang kalimutan Busugin ang isipan

Kalayaan ay ipaglaban

Mag banat ng buto Sa daan ng kaginhawaan

Kailanmay suerte ay kabalintanuan Sa rurok ng kaunlaran

Katamaran ,Ay kahirapan Kasipagan

Ay kaginhawaan!

Alvin B. Buenconsejo B.S. Biology 3-1DIsinulat noong Ika – 29 ng Setyembre, 2009 12:00 ng tanghali at natapos noong 1:20 ng hapon sa aking kwarto habang nakikinig at nanunod ng balita sa t .vBalangkas ng Nakaraan ,Kasalukuyan at ng Hinaharap

Alvin B. Buenconsejo

Ng si Rizal ay pinag aralan ang kasaysayan

Page 3: REQUIREMENT SA SUBJECT NA RIZAL :TULA

Bago paman itong mananakop ay lumulan Buhay sa lupa ginhawa ang kinakamtan

Kalayaan ,kasaganahan ang syang nanahan .

Nang itong lupa’y nakubkob Putungan ng korona ng pag kaalipin

Dugo ,pawis ang pinagkaloob Pagkaalipin na ang namalas sa atin .

Dagliang binago , nagpalit pilit anyo ,Itong abang lupang kinubkobNilipol ang mga mamamayan

Kulturay binago’t ,pinabayaaan Batas ay pinalitan…

Pusoy sinugatan ,pinagsamantalahan Kaugaliang minanay nilimot Pinalitan ng napakasalimuot.

Gayundin ,isip ay niliko nililo ,inaglahi

Tatak ng isang malayang tao.

Ngayon sialy nawalan ng “tiwala sa nakaraan”“Walang pinanghahawakan sa kasalukuyan “

Wala rin pag-asang pinagkukunan Sa araw na kanilang kanasasadlakan

“Dahil walang alam sa nakaraan Ano kaya ang magiging kinabukasan”.

Noon din bagong buhay ay pinasimulan Kinalimutan ang sariling pinagmulan Itinapon pati panulat kapara’y kalat Nilimot din ang mga awit ,mga tula

Upang maisaulo ang ilang paniniwala Na di naman mahinuha.

Mamalas sila sa isang napaaamong hayop “Mistulang taong walang utak at puso “

-walang katauhang pag-iisip

Page 4: REQUIREMENT SA SUBJECT NA RIZAL :TULA

-walang katauhang puso!

Subalit diwa’y di tuluyang napatay “bagaman ito’y nakuba’t” sila’y lupaypay ,

Diwa’y nagkabuhay At ang panlilibak ay pinatay!

Ang pagkamulat ay lumaganap At ang kalooban ay umaalab Parang apoy na lumalagablab

Na ang bayan ay magbubo ng dugoMaging ito man ay mag sabog ng sanlibong bungo!

Ang balangkas ng ating nakaraan Ngayon sa kasalukuyan ay may pinanghahawakan

Lubos ang pag –asang pinagkukunan “Sa darating pang mga araw Para sa ating kinabukasan .

Alvin B. Buenconsejo B.S. Biology 3-1DIsinulat noong Ika – 28 ng Setyembre, 2009 8:30 ng gabi at natapos noong 1:20 ng umaga sa aking kwarto

Pagkabulag ay Pagkaalipin Alvin B. Buenconsejo

Siya ba ng bumubulag sayong mga mata?Siya bang nakasutana’ t tumulak sayo

Sa putik na iyong dinadala At ang karungisang aking nakikita .

Page 5: REQUIREMENT SA SUBJECT NA RIZAL :TULA

Binalot ba niya ang puso mo ng pagkaligalig Maging sa mga panaginip ay karatig

Na ang bawat araw mo ay siya ang kasalig At ang mga kasinungalingan sa isipan mo’y

Parang idinidilig

Namalas kita sa hapong tahimik Sa loob ng simbahan

Doon ka ba lagi naliligayahan ?Sa matagal na pagluhod

Mahabang dasal Ikaw bay nabubuhayan ?

Na akala koy ikaw ay namatayan .

Sa dami ng iyong panata Sa kanila ay binata

Mga dasal na banyagat pagkahaba –haba Nagkabuho- buhol tuloy ang dila

Mga sukbit na rosaryo Sa leeg ay kalbaryo

Tila tali ang kapara nito Na ngayon sila ay itinituring mong amo.

Mga handog na ipinanghlilimos Sa buto ng aba ipinangpipiga

Na ang tuhod ay nasanay lumohod Pato aso ay naturuang mamanikluhod .

Nasan ang dati mong pagliyag Nasan ang dati mong paglingap

At Ang katapatan mo,Ang lakas mo

Ang mabuting loob mo Ang walang maliw na pagkamasunurin mo

sa katwiran nasan na ?

at ngayon napalitan ng kamandag at tinatawg ka na ng linalang ng prayleng hungkag!

Page 6: REQUIREMENT SA SUBJECT NA RIZAL :TULA

Tulad ka na ng lantang halaman Sumibol sa dilim

“Namumulaklak” may walang samyo “Namumunga “ng walang hilagyo .

Ang labis ang pagkatao At niloloko ang maga tao

Hayan at nakasuot ng abito Sa mga dalagay masamang ehemplo .

“Sa mga dalagang punlaaan ng mga bulaklak “Sa mga anak anong kayaman ang ilalagak

Tulad ba nilay hahalik ng kamay ,magbubulong ng dasal Await ng papauri ,

magagalusan ang tuhod O ang puri

O magbabalatkayong banal.

Sila bay magiging katoto ng paroko Sabungero ,sacristan , pakakanin ng tinapay

ng kabuktutan O paiinumin ng alak ng kalokohan

Sila bay ipinanganak mo ng alipin Aalipinin, o para supilin ?

Isa rin ba sila sa mga taong uululin Kabataanng bubulagin ,kukutyain

O babambuhin .Kadalagahang matatakutin

o kalalakihang walang sariling galling.

Bibihisan mo din ba sila ng pagkalugami At yayapakan ng sirang kalooban ?

Sila bay iinom sa “tubig mula sa labo at mapait na bukal ?”“na ang inaakaalang matamis na bunga

Ay mula sa mapait na punla .

Page 7: REQUIREMENT SA SUBJECT NA RIZAL :TULA

Ituturo mo din baa ang inaakalang daan ng kabanalan Ngunit sa huli palay

Daan ng kapahamakan .

Naghihrap na ba and diyos ?Kaya ang utos ay manghingi ng sapilitang limos

Nabibili ba ng piso ang kaligtasan Kayat ang ating kita ay nakakaltasan

Maging ang panlaman tiyan ay nauungusan .

Malilinis ba ng pisik ng tubis ang kaloob-looban Dili kaya manuyo ang tubig sa karagatan

Ibig ba nyang makikain ng nakaw O bulag kayat kailangan ng ilaw ?

Ito ang ba sinasamba ng mag prayle Kayat silay simisigaw ,sinisuyod ang buong kalye

Kapatid ba nag tingin nila sa mga tao O aliping paroot parito hanggang maging abo.

Ang salita ba nilay puno ng pagmamahalO pagmamahal sa misang ubod ng mahal

Tanggulan ba sila ng mga inapit sawi?O tagawasak ng puri

Sa kasamaan palay kahati At pagtatawanan ka ng walang pasubali!

Totoo kayang hirap na ang makapal Kaya ang mukha ng mag prayle’y kumakapal

binubulid sa kahirapan ang buong kinapal

Anong uri ba diyos ang kanila

Page 8: REQUIREMENT SA SUBJECT NA RIZAL :TULA

-salat sa pagmamahal -kapos sa katotohanan-bulag sa katotohana

-nilalakaran ay kadiliman O sila mismo and dios diosang

Aking tinuturan .Na dapat nating talikuran

At sinasangkapan at tinatatwa ang turo ng Maykapl.

Ang kadalagahang Pilipina Mayumi’t maganda

Sa bansa’y yaman ang kaparaDi dapat pabulag ,

katwiran ang ipangsalag Nang sa mga anak ay may hiyas na maipamana

Alvin B. Buenconsejo B.S. Biology 3-1DIsinulat noong Ika – 25 ng Setyembre, 2009 8:30 ng gabi at natapos Ika – 27 ng Setyembre noong 1:20 ng umaga sa aking kwarto