responde_cavite_isyu_no._3_09202009

10
Anak ng Rosario: Alejandro G. Abadilla P.9 TAON 1 BILANG 3 P10.00 SEPTEMBER 20-26, 2009 Silang mg Silang mg Silang mg Silang mg Silang mga mar a mar a mar a mar a marar ar ar ar aramot sa ka amot sa ka amot sa ka amot sa ka amot sa kap p pw w wa a a P.8 Lintik lang ang walang ganti BASAHIN SA PAHINA 11 Pamana ng liping Caviteño sa lahing Pilipino PAHINA 5 KANINO ANG CAVITE? KANINO ANG CAVITE? Sino ang karapat-dapat sa unang distrito? Sino ang karapat-dapat sa unang distrito? PAH. 6-7 Cong. Abaya Mayor Paredes AQUA 2599 A 2599 A 2599 A 2599 A 2599 Water Refilling Station 118 Enriquez Compound Ligtong 3, Rosario, Cavite Free Delivery (046) 438-4119 P25.00 retail for dealers P20, 10 +1

Upload: think-n-print

Post on 13-Mar-2016

324 views

Category:

Documents


8 download

DESCRIPTION

Responde Cavite's 3rd Issue. September 20, 2009

TRANSCRIPT

Anak ng Rosario: Alejandro G. Abadilla P.9

TA O N 1 B I L A N G 3 P 1 0 . 0 0 S E P T E M B E R 2 0 - 2 6 , 2 0 0 9

Silang mgSilang mgSilang mgSilang mgSilang mga mara mara mara mara mararararararamot sa kaamot sa kaamot sa kaamot sa kaamot sa kapppppwwwwwaaaaa P.8

Lintik langang walang

gantiBASAHIN SA PAHINA 11

Pamanang lipingCaviteñosa lahing

PilipinoPAHINA 5

KANINOANG CAVITE?KANINOANG CAVITE?

Sino ang karapat-dapatsa unang distrito?

Sino ang karapat-dapatsa unang distrito?

PAH

. 6-7

Cong. Abaya

Mayor Paredes

AAAAAQQQQQUUUUUA 2599A 2599A 2599A 2599A 2599Water Refilling Station118 Enriquez Compound

Ligtong 3, Rosario, CaviteFree Delivery (046) 438-4119

P25.00 retailfor dealers P20, 10 +1

Ipinadala sa pamamagitan ng email. Kung kayopo ay may reaksyon, komento, opinion o mungkahina may kinalaman sa aming isyu o sa anumangnangyayari sa Lalawigan ng Cavite, maari po kay-ong mag-email sa [email protected], [email protected]. Tinitiyak po namin naitatago’t poprotektahan ang inyong pagkaka-kilan-lan. Salamat po.

S E P T E M B E R 2 0 - 2 6 , 2 0 0 92

Bangkay, nilaslasang tenga, binigti

bago binarilBRUTAL na pinaslang ang isang hindi pa nakikilalang lalaki namatapos laslasin ang kanang tenga ay binigti pa ng alambre atpagkatapos ay saka pinagbabaril na agad nitong ikinamatay ka-makalawa ng madaling araw sa Bgy. Pasong Buwaya 1, Imus,Cavite.

Ni LolitRomen

Inilarawan ni PO2Randy De La Rea, mayhawak ng kaso, ang bik-tima na naka-short nakulay gatas, naka-t-shirtna kulay puti, katamta-man ang pangan-gatawan, may tattoo nasputnik sa katawan atpangalan ng mga ba-

baeng naka-tattoo rin saiba’t ibang bahagi ngkatawan nito at nasa edad30 hanggang 35.

Nadiskubre angbangkay dakong 4:00 ngmadaling araw ng mganagpapatrulyang baran-gay tanod sa lugar atagad ipinagbigay alam

nila ito sa pulisya.Pinaniniwalaan ng

pulisya na pinatay angbiktima sa ibang lugar atduon sa lugar na iyon iti-napon ng mga suspekang bangkay dahil walaanya silang nakitang ba-kas ng dugo sa lugar napinagtapunan.

May teorya rin umanoang mga awtoridad nanapagkamalang isangpulis asset ang biktimadahil hindi kilala at napa-gawi lang sa naturanglugar kung saan namankilala sa pagiging pugadng mga adik at tulak. LolitRomen

2 patay, isa sugatansa magkahiwalay

na aksidenteISANG taong-grasa angnatagpuang sugatan atduguan na gumagapangsa tabing kalsada ngBarangay Amuyong sabayan ng Alfonso, Cavite.Ayon sa report ni SPO1Teodoro P. Malimban angtaong-grasa ay hinihina-lang biktima ng hit-and-run.

Ang taong grasang dipa nakikilala hanggangngayon ay agad na isi-nugod sa General EmilioAguinaldo Hospital peroidineklarang dead on ar-rival.

Samantalang sa Bay-an naman ng Das-mariñas, isa ang patay atisa ang sugatan mata-pos ang salpukan ngisang pampasaherongjeep na may plakang UPF238 at isang motorsiklo.Ayon sa mga nakasaksisa nangyari ang salpu-kan ay naganap sa kaha-baan ng Governor’s Driveat Molino Paliparan Roadng Barangay Paliparan,

kung saan sa lakas ngsalpukan ay tumilaponang katawan ng driver ngmotorsiklo na si JoselitoLaurora at ng angkas ni-tong si Sophia Laurora naparehong taga BarangayHukay, Silang, Cavite.

Agad na sinugod saSan Jose Hospital angdalawa pero idineklara ngdead on arrival si Joselitosamantalang ang angkasnaman nitong si Sophiaay malubhang nasaktan.

Ang driver naman ngpampasaherong jeep ayagad na sumuko sa mgapulis na nakilalang si Moi-ses V. Esculta, 41, ng1406 Bangkal street, Car-mona, Cavite. Sa reportng mga pulis lumalabasna ang Taong-grasa at siJoselito Laurora ay pang-siyam at pangsampu ngnamamatay sa mga aksi-denteng naganap sa kala-khan ng Cavite sa na-kakalipas na sampungaraw. TRELES MAN-DARIAN

Lalaki, tepok sa minamanehongmotor, nadaganan pa ng sand bag

IMUS, Cavite —Doblengkamalasan ang sinapitng isang lalaking mata-pos barilin ng di -nakila-lang suspek habang nag-mo-motorsiklo ay na-tabunan pa ito ng tambakng sandbags na binang-ga ng sinasakyan nito nanaging dahilan ng kaniy-ang pagkamatay ka-

makalawa.Wala nang buhay

nang idating sa ospitalang biktimang kinilala nglokal na pulisya na si Irvinde Leon,20,residente ngBarangay Pasong Bu-waya,2 ng bayang ito.

Base sa report na du-mating sa tanggapan niChief Supt.Perfecto P.

Palad.director ng PRO-4A3:30 ng umaga sakay ngkaniyang motorsiklongwalang plaka si De Leonmula sa karatig-bayankung saan dumalo itosa pabinyag ng kakilalaat pauwi na sa kanilangbahay nang maganapang insdente.

Diumano,dahil mala-kas ang ulan ay mabilisang takbo ng biktima athalos hindi nito maani-nag ang daraanannang barilin ito mula sakaniyang likuran kaya na-tumbok nito ang patong-

patong ng sandbags satabing kalsada na bumag-sak sa katawan ng bikti-ma na una nang nahulogmula sa sasakyan nitodahil sa tama ng bala

Diumano, naisugodpa ng mga nagrespon-deng pulis at tanod si DeLeon sa ospital ngunitpatay na ito pagdating sapagamutan habang tinu-tugis na ang posibeng pi-nuntahan ng mga suspekna hindi pa batid ang moti-bo sa pagpaslang sa bik-tima.

LOLIT ROMEN

Ang tunay na lider, wala sa papel

E-mail sender #1Binabati ko po kayo sa fair and balanced news

ninyo lalo na sa isyu sa pagitan nina Mr. Ramos atChua. Pero kahit na ano pong dokumento ang ipakitasa publiko ng nag-aakalang sya ay lider, ang pagigingpublic servant po ay hindi naman nagtatapos sa pa-pel lang. Dapat naglilingkod kahit hindi pa nakasulatsa papel. Dapat nahi-hingian ng tulong. Dapat natatak-buhan ng mga kapus-palad nating ma-mamayan.Nagsasawa na po kami sa referral letter. Ang pagig-ing public servant ay hindi puro kaway at bati lang.Dapat may konkretong akyson. Dapat may direktangtulong.

Gerry of Cavite City

Ed: Opinyon nyo po ‘yan. Iginagalang po namin.Salamat po.

Email sender # 2May bago na po palang dyaryo sa Cavite. Congrat-

ulations po! Mabuti naman po at may bago kamingmababasa dito sa aming barangay at bayan sa Das-mariñas. Comment lang po, baka po pwede kayongmagsama ng report sa aming taga-upland. Kasi na-pansin po namin, puro taga ibaba ang nababanggit.

Buti na lang po at ang asawa ko ay nagtatrabaho saNoveleta at nakapag-uwi minsan ng dyaryo nyo. Sala-mat po.

Micah of Salitran, Dasmarinas

Ed: Hayaan nyo po. Itong isyung ito at mga sus-unod pa ay tinitiyak kong may mga balita at lathalainna may kinalaman di lang sa lowland pero magingsa upland na rin.

Email sender # 3.Paano po kung gusto kong magpasa ng artikulo

sa inyo? Hindi po politikal. Medyo may kinalaman posa kaligtasan at kaluluwa ng tao. Maari po ba? Sala-mat po.

Rose Mary of Rosario, Cavite

Ed: Ipasa nyo muna po. Kung sa tingin ng boardof editors ay maaari naming mailathala, wala na-man po kami nakikitang problema.

Email sender # 4.Kung sino man po ang namirata ng dyaryo nyo…

pakisabi po sa kanya, para syang hindi Caviteño, wa-lang bayag.

Randy of Cavite City

Ed: Agree! Amen! Aprub!

3S E P T E M B E R 2 0 - 2 6 , 2 0 0 9

Gud morning Teacher mula sa pahina 5At dahil sa pagiging

totoo ng proyekto, isapang biyaya at regalo angdi inaasahang dumatingsa aking buhay. Na-pansin at nabigyan ng“Break” ang “Advocacy” naaking ipinagmamalaki.Tumawag at ipinaalam sainyong lingcod ng Re-seacher na si Vicky, atCameramanna si Rey,mula sa top-rating SundayMagazine Show na RatedK at pinamamahalaan pani Ms. Korina Sanchez“approved” na ang istoryang “Pedicab Teacher”.

Nagsimulang gumil-ing ang kamera pero naiskong bigyang diin na wa-lang arte, ilusyon, at kasi-nungalingan ang hatedng aking ginagawa. Ito’ytotoo at pawing katotoha-nan lamang.

Naipalabas ang ba-haging ukol dito. Napalu-ha ako sa kinalabasan ngpagtatanghal ng progra-ma. Positibo at maramiang nasisiyahan sa aking

ipinamalas.Ang sumunod na

eksena’y may ilan napong mga indibidwal, gru-po, at organisasyon nanag-alay ng tulong atsuporta para sa advoca-cy. Nakikita ko ang natutu-lungan mula sa hated ni-lang regalo. Hanggangngayon, isang buwan naang nakakalipas ay patu-loy pa rin ang “pledges”ang mga bumibisita at tu-matawag para ditto. Biyay-ang tunay, bigay ng May-kapal!

Marami pong salamatat muli ninyong ibinalik saakin ang dating ako. Angtiwala ko sa aking sariliang “Passion” sa pagtu-turo at ang tunay na pag-lilingkod sa lahat.”

Muli, para sa mga bataat kabataang taga Sali-nas, “Nandito po ako napalagiang bibisita at sus-uyurin ang buong bayansakay ng aking Pedicabna ang hated ay BagongBuhay, bagong Pag-asa

at bagong Simulain, parasa Magandang Bukas.Nandito ako!

***Bakit kaya ganito ang

takbo ng buhayng tao?Bakit may ilang “CrabMentality” ang nasa puso’tisip?

Bakit may masayakapag napag-alamangang isang tao’y bumag-sak at nabigo?

Bakit mas nais pa ngilan na makitangnagdurusa’t naghihirapang tao?

Bakit naiinis o di na-sisiyahan kapag angisang tao’y umasenso odili kaya’y nagbagong bu-hay?

Bakit ka ganyan?***

Good Morning Teach-er, ang palagiang pagbating Umagang kayganda atbagong Pag-asa.

Edukasyon…Kahi tsaan…Kahit kailan…Katuwang sa Karunu-ngan at Kaunlaran.

Mga Kaalaman ukol sa RamadanANG ramadhan ang ika-siyam na buwan ng kal-endaryong lunar. Sa buwanna ito isinasagawa ng lahatng Muslim ang sawm o pagaayuno. Ang sawm ay ang dipagkain, pag-inom at pak-ikipagtalik mula bukang liway-way hanggang paglubog ngataw. Ang mga araw ng Ra-madhan ay ginugugol saayuno habang ang gabi aypara sa palagiang pag alalaka Allah, pagbabasa at pag-aaral ng MaluwalhatingQur’an, at pagbabahagi ngmga biyaya sa iba. Sa banalna buwan na ito, ang mgaMuslim ay inaatasang mag-pigil sa sarili. Ganito ang isi-nasaad ng Makapangyari-hang Allah sa MaluwalhatingQur’an:

“O kayong mga manan-ampalataya. Inaatas sa inyoang pag-aayuno, gaya ngpag-aatas sa mga nauna sainyo upang matuto kayongmagpigil sa sarili.” (Sûrah al-Baqarah 2:183)

Mahalaga ang Ramadhanhindi lamang sapagkat in-aatasang mag-ayuno ang la-hat ng Muslim sa buwan naito, kundi dahil sa buwan dingito inihayag ang Maluwalhat-ing Qur’an:

“Ang Ramadhan ay bu-

wan ng paghahayag ngQur’an bilang giya ng sangka-tauhan at maliwanag na tan-da para sa patnubay at pagka-kaalam (sa masama at mabu-ti). Kaya lahat kayo na nasamga taganan sa buwan na itoay dapat mag-ayuno.” (Sûrahal-Baqarah 2:185)

Batay sa tradisyon ngBanal na Propeta (mapasa-kanya nawa ang kapaya-paan), may dalawang bahagiang paghahayag ng Qur’an.Ang unang bahagi ay angbuong paghahayag mula saLawn Mahfuz (GuardedTablet) patungo sa Baytu ‘I-‘izzah (ang langit na malapitsa daigdig).

Ang rebelasyong ito aynaganap sa buwan ng Ra-madhan. ANg ikalawang ba-hagi ay ang paghahayag saBanal ng Propeta nang pau-tay-utay sa loob ngdalawampu’t tatlong taon mulasa unang rebelasyon sa Yun-gib ng Hira na naganap sabuwan ng Ramadhan.

Kaya, ang Ramadhan aydi lang buwan ng ayuno kun-di ng paghahayag ng Malu-walhating Qur’an. Sa buwanna ito, natututuhan ng mgaMuslim ang pagiging matiya-ga, pagbabahagi, pag-aa-yuno, at pagdamay sa iba. Bu-

wan din ito ng tagumpay parasa mga Muslim upang isulongang katotohanan laban samga kaaway na nagtangkangpumigil sa kanila, ay naganapdin sa buwan na ito.

Ang Ramadhan ay bu-wan ng pagsamba at pag-alaala kay Allah, ng pagkatutoat pagbabao. Pagsasanay itosa pagpigil sa sarili at diwangmaka-Allah. Bawat taon, si-nasanay ang bawat Muslim tu-wing Ramadhan para sa mul-ing pagpapanibago ng ka-nilang pagka –Muslim.

Maaring i-summarize samga sumusunod ang mga aralna natututuhan ng mga Mus-lim tuwing Ramadhan:

1. Pinatitibay ng pag-aa-yuno ang pundasyong intele-ktwal ng isang Muslim sa pam-amagitan ng panibagong big-kis ng Maluwalhating Qur’andahil sa pagbabasa, pag-aaral, pag-unawa at pag-bubulay sa mensahe ng Ba-nal na Aklat. Ang Ramadhanay buwan ng paghahayag saMaluwalhating Qur’an bilangpatnubay ng sangkatauhan.Dahil ditto, ang isang Muslimay humahanap ng patnubaysa kanyang Lumikha sa pam-amagitan ng personal na ko-munikasyon sa kanya na gi-nagawa sa puspusang pag-

aaral ng maluwalhatingQur;an.

2. Binubuhay ng pag-aa-yuno ang pundayong ideolo-hikal ng isang Muslim sa pam-amagitan ng diwang maka-Allah. Tuwing nag-aayunoang isang Muslim nang wa-lang nagbabantay, muli niyangitnatalaga ang sarili sa kan-yang patotoo sa pananampal-ataya na si Allah lamang angTagapagbantay ng kanyangdiwa, salita at gawa, at Siyalamang ang nag-iisang pinag-lilingkuran at sinasamba ngmga Muslim.

3. Sinusuhayan ng pag-aayuno ang pagiging bahaging isang komunidad at diwangpanlipunan ng isang Muslim.Sa buwan ng Ramadhan, in-aatasan ang mga Muslim namagbigay at mag-aruga sakanyang mga kapatid, kaanakat kapitbahay. Magiging tunaylamang siyang mananampal-ataya kung mamahalin niyaang iba tulad ng pagmamahalniya sa sarili.

4. Pinagpapanibago ngpag-aayuno ang komitment ngisang Muslim sa kahalagah-ang moral ng Islam. Ang mgahalagahan tulad ng sabr o tiy-aga, taqwa o disiplina sa sariliat diwang maka-Allah, rah-mah o awa, ukhwah o kap-atiran, itqan o kahusayan,nashat at juhd o pagigingaktibong pagsisikap, ‘ilm opag-ibig sa karunungan, aypawing natutuhan sa pag-aa-yuno.

5. Nabubuo ang diwangekonomiko ng isang Muslim sapamamagitan ng pag-aayuno.Isinasaisantabi ang pag-ibigsa yaman sa pamamagitan ngpag-aanyaya sa mga Muslimna ibahagi ang anumang may-roon siya para sa iba. Natutu-han niya na ang yaman ay ka-

loob lamang ni Allah. Bagama’tpinahahalagahan ang pag-unlad ng buhay, ipinauunawasa mga Muslim na ang kaya-manan ay instrumento lamangupang maging kalugod-lugodkay Allah sa pamamagitangng paglilingkod sa iba. Itinu-turo ng pag-aayuno sa mgaMuslim ang halaga ng pagba-badyet. Sa mga ordinaryongaraw, normal sa mga Muslimang pagkain ng tatlong beses(agahan, tanghalian at ha-punan) at dalawang merien-da (banding alas (9:00 ng um-aga at alas 4:00 ng hapon)samantalang tuwing Ramad-han, dalawang beses lamangang pagkain (sahur o pagka-ing ng madaling araw at iftaro matapos lumubog ang araw,at isang merienda pagkataposng dasal Tarawih.

6. Itinuturo ng pag-aayunoang aktwal na pagsasagawang jihad. Sa panahon ngayuno, natutuhan ng isangMuslim na ang kanyang pana-langin at sakripisyo, ang buoniyang buhay at kamatayanay para lamang kay Allah.Walang bantay o tagatingin,dinaranas ng isang Muslimang dapdi ng tuom at uhaw,

at nalalampasan ang hirap ngayuno upang matuklasan angpagpapala ni Allah. Sa pana-hon ng ayuno, ang nabubuosa puso ng isang Muslim anglubos na kapangyarihan atawtoridad ni Allah. Dahil dito,ang isang Muslim ay nagigingMalaya at di napapasakop saanumang awtoridad at ka-pangyarihan maliban sa ka-pangyarihan ni Allah.

7. Sa pag-aayuno, nagig-ing ganap ang unibersalidadng Islam at ang kaisahan ngUmmah. Sa pagdating ngRamadhan, ang mga Muslimsa buong daigdig ay buonggalak na sinasalubong angbuwan na ito nang buo angpananampalataya. Ang lahatng Muslim, mayaman man omahirap, may pinag-aralan owala, may kapangyarihanman o wala ay sabay-sabayna nararanasan ang hapdi nggutom at uhaw. Sama-samanilang hinahanap ang kalu-walhatian ni Allah sa pam-amagitan ng panalangin, pag-alaala sa Kanya, pagbabaha-gi ng biyaya, pagbasa ng Malu-walhatin Qur’an at pagbubu-lay sa kahulugan at mensahenito.

S E P T E M B E R 2 0 - 2 6 , 2 0 0 94

eros s. ataliaeditor-in-chief

rommel sanchezmanaging editor

wilfedo generagacirculation manager

sid luna samaniegochief of reporters

efren abueg, ph deditorial consultant

prof. freddie silaocommunity & extension

relation consultant

nadia dela cruz2nd district coordinator

rex del rosario3rd district coordinator

jun isidro1st district coordinator

melvin rosdigital media director

atty. dan filoteolegal counsel

Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ngThink N Print Publishing House na may tanggapan sa 232Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg.(046) 527-0092.

Ang epekto kapaghindiAng epekto kapaghindiAng epekto kapaghindiAng epekto kapaghindiAng epekto kapaghindinatuloy ang redistrictingnatuloy ang redistrictingnatuloy ang redistrictingnatuloy ang redistrictingnatuloy ang redistricting

NGAYONG malakas angugong na maaaringmaisama na sa tala-talak-sang mga hindi naipa-pasang bill sa Senadoang redistricting ng la-lawigan ng Cavite, maymalaking epekto ito sapulitika sa lalawigan.

Marami kasi sa mgaumaasam sa mga posi-posisyon sakaling matu-

loy nga ang paghihiwalay ng mga distrito.May mga bentahe at hindi bentahe.Sa kasalukuyan kasi ay mayroon lamang tayong

tatlong distrito. Na kumakatawan sa tatlong con-gressional fund na P70-M bawat isa.

At ang halagang iyon ang siya namang ipapam-ahagi ng mga kongresista sa kanilang mga distritomalaki man o maliit ang kanilang nasasakupan.

Malaki kung titingnan ang P70-M sa mga ordi-naryong mamamayan ang halagang ito. Pero kungsusumahin, mahirap pagkasyahin to sa ilang bay-an na nasasakupan ng bawat isang kongesista.

Ilang kalsada lamang o classrooom lang angmapapagawa nito ay lalos na.

Isa pa, argabyado tayo sa ibang lugar na masmaliit sa atin ang populasyon pero mas maramingdistrito. Kaya naman mas marami ang kanilang con-gressional fund na nakukuha.

Kung sakalukuyan kasi na tatlo lang ang atingdistrito, may kabuuang P210 milyon lamang na na-tatanggap tayo na hahati-hatiin sa buong lalawigan.

At alam n’yo ba ang halagang ito ay halos ka-tumbas lamang ng taunang income ng Cavite City.

Sa kung Cavite City nga lang ay halos hindi namaibigay ang mga pangangailangan, sa buong la-lawigan pa kaya?

Samantalang kung natuloy ang redistricting, ma-giging pitong ulit ang congressional fund na suma-total na P490- milyon.

Maaaring sumapat ang halaga o hindi man aymas mapapalawak ang serbisyo sa bawat Caviteño.

Mga multo ng CavitePARANG Nobyembre Unona, Todos los Santos na.Para kasing multo na nag-paparamdam ang ilangmga politiko at gustongmaging politiko sa mgaganitong panahon.

Makikita na naglipanana ang kanilang streamer, poster, tarpaulin at kunganu-ano pang ads na nagbabandera ng kanilang pag-mumukha at pangalan. Panalo rin na gagawan nilang mensahe o islogan ang inis-yal ng kanilang pan-galan (kahit na minsan ay mukhang pilit at alangan).Makikita sila at always present sa binyagan, kasalan,pyesta at kung anu-ano pang okasyon.

Parang sementeryo ang kanilang bahay na maya’tmaya’y may dumadalaw, papasok ang mga taong lu-haan at lalabas na nakangiti (Ba’t kaya nakangiti? Sinokaya ang nakapanggulang o nagulangan? Ang du-malaw o dinalaw?) Makikita rin sila sa mga umpukanat inuman. Nagpapainom, nagpapakain kahit walang

okasyon. Kahit walang dahilan. Mapapansin sila nawag lang umambon nang kaunti, handa silang ma-mudmod ng balot-balot ng bigas at de lata.

Umeeksena rin sila sa mga medical at dental mis-sion. Pinakapanalo, kapag may okasyon gaya ng pali-ga ng barangay… magpapagawa ng t-shirt atnakabandera’t naghuhumiyaw ang kanilang pangalan.Kayat dapat samantalahin ang pagpaparamdam ngmga multong ito. Dahil kapag sila’y naluklok na… gayang anumang multong nabasbasan na, tuluyan na si-lang mananahimik. Sumalangit nawa ang kanilangkaluluwa.

oOoMay isa pang nag-aalamultong bumubwisit sa

araw-araw na buhay nating mga Caviteño. Sa kalsa-da, para silang mga kaluluwang ligaw. Pagala-gala.Now you see, now you don’t. Susorpresahin ka’t big-lang lilitaw. Magugulat ka, biglang mawawala. At gayanga ng anumang multong biktima ng krimen, angpinepeste ay ang mga taong walang kinalaman

(Sundan sa P. 12)

Ramos-Chua ControversyNAPABALITANG si Dino Chua ng Cavite City ay tuluy-an nang nanalo laban kay Ohmee Ramos bilang bise-alkalde, makaraang ibaba ng COMELEC ang desisy-ong magtagumpay na nga si Dino sa kanyang protes-ta sa asuntong isinampa ni Dino.

Bukod pa rito, kumalat din ang balitang nakipag-matigasan si Ramos na hindi siya bababa sa kan-yang puwesto bilang bise-alkalde.

ANG KATOTOHANAN

Hindi totoong tapos na ang asunto at tunay na siDino Chua na ang tinanghal na tunay na vice-mayor.Ang asunto sa COMELEC ay tapos na at walang nggagawin pa.

Ang ‘motion for reconsideration’ na nai-file ni Ra-mos ay naresolba na ng komisyon at di ang mismongasunto ang naging ‘final’ dahil may panahon atpagkakataon pa ang natalong kandidato sa COMELECna maghain ng petition for review or for certiorary withaplication for Temporary Restraining Order o TRO saSupreme Court na siyang nangyari, tulad ng nasabing awtor na ito ng lumabas ang balitang nagtagump-ay si Chua sa protesta.

Nasabi rin ng awtor na ito na hindi ganoon langiyon. May motion for reconsiderartion, may second mo-tion, at may petistion pa sa Supreme Court. Lahat ng

prediksyon ay nangyari.Kasama roon ay na-banggit na matatagalanpa bago tuluyangmakaupo si Dino.

At lumipas na ngaang maraming buwan,hindi pa rin lehitimongumuupo si Dino.

Si Chua, aniya, ay sabarangay hall ng 62-B sa tabi ng city hall nag-oopisina.Siya, sa ngayon ay isang pribadong mamamayan. Angbarangay hall ay isang maliit na gusali kung idinaraosang mga pulong at iba pang maaaring pag-usapan sabarangay at hindi ito maaaring gamiting pansarili. Kungsiya ay nakaupo bilang bise, posible pa.

Kaya hangga’t hindi binabago ng Korte Supremaang utos na ‘effective immediately and CONTINUINGuntil further notice x x x x x for Dhino Chua to CEASEAND DECEASE from claiming, assuming and per-forming the duties or functions of Vice Mayor of CaviteCity. August 25, 2009.’

‘Yan ang hatol ng Kataas-taasang Hukuman, nah’wag umupo si Dino at tuparin ang mga katungkulanng bise-alkalde ng Lunsod ng Cavite.

Si Ramos pa rin ang bise-alkalde.Kayo, bayan, anong sey n’yo?

Isa pang buwaya sa gitna ng kalsada!ANG mga “Buwaya” nganaman tsk…tskkk… sila-sila ang nagtuturuan,matapos na malantadang ginagawa nilangkalokohan sa gitna ngkalsada. Marami sa ka-nila ang nagmamalinis.

Hindi raw sila ang ti-nutukoy na “BUWAYA” kun-

di isa lamang daw silang “BAYAWAK” he, he, he, dahilbarya-barya lang naman daw.

Akalain mo, talagang pinag-aadya talaga ng orasang mga kulokoy na ito. Huling-huli sa akto ang gina-gawa nilang kalokohan.

Habang kami ay papunta sa Manila noong isangaraw, mas minabuti naming sa loob ng Bacoor kamidumaan para maka-iwas sa trapik.

Alas nueve ng gabi ng mapatigil kami sa tapatmismo ng munisipyo ng Bacoor dahil sa biglaangpagpreno ng sinusundan naming trak na kargado ngprutas na “santol”.

May pumara, galing sa loob ng “waiting shed” .Nang makita ko, aba, naka-uniporme pa! Oyyyyy…. Angtatlong buwaya nandoon pala. Mga sir, bakit po kayodiyan nagtatago?

Nagdulot ng trapiko ang pangyayaring ito, dahilsa laki ng trak eh halos sakupin na niya ang buongkalye kaya hindi ko magawang lagpasan.

Opo, nagdulot ng mahabang trapik. Nang usisainko ang driver ng trak kung bakit siya kinausap ng magi-ting na traffic enforcer ay walang kagatul-gatol na sin-abi niyang nanghingi daw sa kanya ng “PANGKAPE”.

He,he, he, pangkape pala ha! Mayor Strike Revilla,ang mga tao mo nanghihingi ng pangkape.

BTMO head Mr. Rodel Rosario, kailangan pala ngmga tao mo ng pangkape, aba! Magsabi ka lang ma-rami kami niyan dito. Masarap…Puro…dahil “Kap-eng Barako”!

oOoAng kawalang MODOng pagmamaneho

Sa parteng ilaya, o maging sa mga karatig natingprobinsya tulad ng Laguna, Batangas, at Quezon ma-dali mong makikilala ang di taal na driver.

Sila na kapag ipinara at tumigil upang ibaba angkanyang pasahero siguradong itatabi iyan hangga’tmay itatabi huwag lang maka-abala sa likod na kasu-nod. Pero kung hindi taal at dayo asahan mong mala-yung-malayo sa klase ng pagmamaneho nito.

Dito sa atin, mga baby bus ang hari ng kalsada. Atmay karera pa!

SUNDAN SA P. 10

5S E P T E M B E R 2 0 - 2 6 , 2 0 0 9

Pamanang lipingCaviteñosa lahingPilipino

SAAN kaya nag-ugat ang paksang pamana na tata-lakayin natin ngayon?

Na sangkot sa “Cavite Revolt of 1892” ang mgaparing sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacin-to Zamora. Ang kamatayan sa garrote ng GOMBUR-ZA ang nagbunsod kay Gat Jose Rizal na ihandogang akda niya Noli at Fili sa tatlong pari na nagingbiktima ng isang “binaluktot” ng katarungan ngpanahong iyon.

Ang mahinahong Crisostomo Ibarra ng Noli aybinigyan ng Fili ng panibagong katauhan bilang Si-moun na maigting ang hangaring paghihiganti sakaapihang tinamo ni Ibarra. Sa banding huli ay ni-nais ni Simoun na magpakamatay kaysa ma-pasakamay ng mga dayuhan nagpapahirap sa mgakatutubong katulad niya.

Ang pangalawang persona sa Noli, si Elias, nakabaligtaran ni Ibarra sa paraan ng paglaban sapang-aapi ng mga kastila, ang siyang namataymaligtas lamang si Ibarra sa tiyak na kamatayan.

oOoSa aking pagsusuri ay nabuo ang isang opin-

yon ( pansarili lamang ito) na ang Ibarra ay si GatJose Rizal sa tunay na buhay at si Elias ay si Supre-mo Andres Bonifacio ng Katipunan. Si Rizal ay bi-naril sa Luneta noong Dec. 30, 1896 at si Bonifacioay binaril din noong May 10, 1897 sa Mount Nagpa-tong ng Maragondon. Ang pagyaon ni Bonifacio aymatinding hudyat na pagsasanib ng pwersa ngMagdiwang at Magdalo sa iisang adhikain na pag-papalaya sa Pilipinas sa tanikala ng pagkaalipinsa kamay ng mga mapanglupig na dayuhan.

Nagsimula na ang maningning na kasaysayanng Cavite, ang yugto ng tinaguriang “Philippine Rev-olution of 1896”. Sa pamumuno ng matikas na Hen-eral Emilio Aguinaldo, ang dating Capitan Munici-pal ng Cavite El Viejo (Kawit), pinamalas sa buongmundo ang pagkakaisa at kabayanihan ng mgaKabitenyo sa pagpapalaya ng Pilipinas sa kamayng mga banyagang matagal ding umalipin dito.

oOoIpinahayag na ang “Kasarinlan ng Pilipinas”

noong June 12, 1898 sa Kawit, ang pinakamatan-dang bayan na natatag noon pang 1587. Sapagkakataong ito, iniwagayway ang bandila ng yaring mapagpalang kamay ni Marcela Agoncillo attinugtog ng Bandang Matanda ng San FranciscoDe Malabon ang Pambansang Awit na gawa ni Mae-stro Julian Felipe ng Cavite City.

Ang “Kasarinlan ng PIlipinas” ang katangi-tang-ing bilang bunga ng “Philippine Revolution of 1896”.Ito ang pinakatampok, pinakadakila, at pinakama-halagang “Pamana ng Caviteño” sa SambayanangPilipino.

Ang bantayog ng Kasarinlan ay ang AguinaldoShrine na kung saan ginanap ang “Proclamation”.Dito inilagak ang labi ng namayapang PresidenteAguinaldo ng Unang Republika sa ContinentengASIA.

Talamak sa lahat ng sulok ng lalawigan ang mu-munting dambana ng Kagitingan. Ang mgamakasaysayang palatandaan ay masisilayan la-lung-lalo na sa mga bayan ng Imus, Cavite City,Trece Martirez, Noveleta, Silang, Indang, Naic, atMaragondon. Tunay nga na ang Cavite mismo angPamana sa Lahing Pilipino.

oOoMayroong higit na malalim na kahulugan ang

Pamana. Karaniwan ng pananaw na ang LipingCaviteño ay binubuo ng mga kilalang angkan.Datapwa’t sa katotohanan mas maraming “unsungheroes” na buhat sa mga maliit at di kilalang ang-kan. Sa madaling salita, an gating tutukuyin ngayonay ang “human aspect” ng Pamana.

(Sundan sa P. 12)

Pag-oorganisa at komunidadGAYA ng suhestyon na mag-organisa ang mga side-walk vendor (basahin: ika-2 labas ng RESPONDE) ,dapat mahawa ang komunidad sa kaabalahang ito.

Naririnig natin na ang pag-oorganisa ay para samga “maykaya”, edukado (gradwet sa kolehiyo), puli-tiko at propesyonal na lider sa komunidad (na nagig-ing pulitiko rin sa bandang huli). Kaya ang hindi kabi-lang sa mga binanggit, di interesado sa pag-oorgan-isa. Pagod, kabiguan, pagkapahiya (kung di matagum-pay) at kung minsan, samaan pa ng loob ang sabi-sabing napupurbetso.

Pero bakit ba laging iniisip ang sarili? Hindi ba’tpati sa pag-oorganisa para sa relihiyon ay dumaraandin sa ganyang mga negatibong reaksyon? Bakit hin-di isaisangtabi ang mga iyan at ilagay na mas mataasang kapakanan ng komunidad? Hindi ba’t ang sinas-abing pag-unlad ng komunidad ay pag-unlad din ngbawat isa sa atin kung nagmamasipag tayo?

Napakaraming pangangailangan ang komunidad.Itsurang pisikal, halimbawa—impra-istruktura,kalusugan, kalinisan, kaayusan at katahimikan, kaa-kit-akit na paligid, masayang mga naninirahan. Sakalidad ng mga naninirahan, halimbawa—di kailan-gang laging maykaya o edukado kundi kinikilalangmabuting tao.

Ano ba ang mabuting tao? Unang-una, may koop-erasyon sa mga gawaing pinagkaisahan ng komu-nidad. Ikalawa, maasahang poprotektahan ang dan-gal ng kanilang lugar, sa halip na pintasan o siraankaya ito. Ikatatlo, tutulan at hadlangan ang kasamaangnakasisira sa pag-unlad ng saklaw ng kanilang ti-nitirhan. Ikaapat, iugnay ang kabutihang ginagawa samga kalapit-komunidad—matiwasay kang mabubu-hay sa lugar mo kung walang panganib sa nakapalig-id doon. At ikalima, tandaang ang ginagawa mongmabuti sa iyong komunidad ay hindi lamang para sa

inyong mga naninirahandoon. Isiping ginagawamo iyon para muntimong kontribusyon sakagalingan ng buongbansa.

Ang mga maralita’ynakikita na nating nag-oorganisa. Ang kaso,laging palaban, lagingsumisigaw at kumikilos ng inhustisya. Sa buong pana-hon ng kanyang buhay, iyon at iyon ang ginagawa.Hindi na tinitingnan ang mga “blessings” sa kanyangpaligid. Igigiit na ang lahat ay biktima ng inhustisya (atiba pa). Okey lang na labanan ito, pero sabi nga don’toverdo it.

May mabubuting bagay sa isang komunidad nadapat paramihin, palawakin at maging paraan ngaraw-araw na pamumuhay. Tama—labanan angmasama, pero huwag pabayaan ang isang bagay napwedeng pasibulin, palakihin, pabungahin. Kapag pi-naligiran natin ang ating mga sarili ng mabubutinggawain, makahahawa ito. Kaya labanan ang masasa-ma sa ating komunidad, sa mga pagkakataon. Peroalagaan araw-araw ang mabubuti nang nasa atin, ka-hit katiting iyon, para umusad tayo tungo sa ating mgahangarin sa buhay.

Dami tayong problema sa araw-araw na pagsust-ine sa buhay—sa pagkain, sa kalusugan, sa hangadna makabasa o makasulat man lamang, at iba pa.Huwag laging umasa sa gobyerno (na laging kulangat binabawan pa ang maibibigay sa tao); magtiwalana may magagawa tayo sa pag-unlad ng ating sarili.Marami nang naikwento na pagtitiyaga para umunlad.Siguro, magkwento tayo tungkol doon sa susunod nalabas.

Nandito ako(Ang kuwento sa likod ng pedicab)ISANG paglilinaw angaking nais ilahad at ip-arating sa inyong lahat.

Ito ay ang tungkol saaking “ADVOCACY” namaniwala man kayo o

hindi , “ginagawa ko ang pagtuturong ito dahil masayaako sa ganito. Nagkakaroon ako ng ligayang di pwe-deng bilhin at isantabi lamang. Labis kong ikina-gagalak dahil nakakatulong na ako, magaan pa saaking kalooban at busog na busog pa ako sa pag-ibigng Diyos.”

Taong 2004, ng ako’y muling bumalik sa bayan ngRosario. Nanatili lamang akong tahimik at walanggawa sa buhay. Nararamdaman kong ayaw sa akinng tao at ako’y wala ng silbi sa lipunan. Ngunit, pag-pasok ng taong 2005, para akong nagising sa katoto-hanan, walang mangyayari sa akin kung hanggangganito lamang ang aking nais sa buhay. Ako’y namu-lat sa nagging pahayag ni Rev. Fr. Ollie Genuino nakahit luma at paso na ay tinamaan pa rin ako ng akingkonsenya. Ang sabi niya: “Habang may buhay, maypag-asa. Naniniwala ako saiyong kakayahan at salahat na kaya mo pang ibigay. Hangga’t nandito ako,tutulungan at gagabayan kita.”

Di na ako nagdadalawang-isip agad kong sinimu-lan ang nararapat at matuwid. Ito ay ang magturo ngbuong puso para sa kaunlaran at ito nga ay naisakatu-paran. Naitayo naming ang isang pre-school “AngelsGarden School” na mura ang tuition fee pero de-kal-idad ang pagtuturo. Ako ay sumulong pa sa larangangito dahil nagturo pa rin ako sa mga out-of-schoolyouths na nagnanais mag-aral pero walang kakayah-an na magbayad. Binigyan ako ng pagkakataon ni ViceMayor Jhing-jhing Hernandez noong panahong iyon.Muli niyang ibinalik sa akin ang mga salitang “tiwala”at “Pag-asa”. Pati ang maybahay niyang si Ms. MimieHernandez ay todo ang suporta, anuman ang narinig

at malaman niya tungkol sa akin; di sila tumitigil sapagtulong sa aking hangarin.

Taong 2006 at 2007, nagtuluy-tuloy ang akingGawain. Sinuyod ko ang buong bayan upang humanapng mga bata at kabataang maaari kong turuan ng li-bre. Sabi ko nga, masaya ako kahit walang perangibinabayad sa akin. Ang mahalaga’y matuto sila saaking pagtuturo. Maaking bagay na sa akin ang pag-papahalagang ito.

Taong 2008, nabiyayaan pa ako ng isang “Centerfor Alternative Educatuion at Tutorial Services”. Perohangad ko pa rin ang mga street children at ang mgabatang Salinas na di kayang pag-aralin ng kanilangmga magulang, kaya itinuloy ko pa rin ang gawaingito. Maraming hamon ang aking naranasan. Ngunitang mga ito’y isinantabi ko na lamang para sa mgabata at di para sa aking sariling interes. Patuloy kongbinuksan ang pinto sa karunungan at pagkatuto. Akoay naglalakad patungo sa mga lugar na aking pagtu-turuan. Kung minsan ay nakikiangkas sa mga motorupang makarating din sa mga “venue” ng pagtuturo.Pagtitiyaga at determinasyon ang aing puhunan. Diko na iniisip ang mga sinasabi ng ilan sa akin sahalip buong puso kong ginagawa ang pagtuturo.

Hanggang isang araw sa taong 2009 ng Hunyo,ang mga pangarap ko’y natupad. Binigyan ako ni May-or Nonong Ricafrente ng “Pedicab”. Ayon na rin saaking “request”. Kais po, ito ang lagi kong sinasakyanpapunta sa lahat ng mga barangay na aking pinagtu-turuan. At ito na ang naging hudyat ng pagsisimula ngbagong kapalaran at bagong pag-asa. Tinawag nam-ing “School on Wheels”.

Ang mga pilot areas sa pagpapanibago nito ay angmga sumusunod: Muzon I at 2 (Dreamland), Tramo,Silangan I at Ligtong 2 at 3. Akin itong pinagtitiyagaan atminahal. Lubos kong pinagbuti ang pagtuturo sa mgabata upang madagdagan ang kanilang kaalaman atmagamit ito sa laban sa buhay. (Balikan sa P. 3)

S E P T E M B E R 2 0 - 2 6 , 2 0 0 98

Silang mga mararamot sa kapwa

Ang mga bayaning manggagawa

HOROSCOPENI MIDNIGHTJT

NOONG nakaraang Mayo1, 2009 ay ating ginunitaang ika-106 na Araw ngmga Manggagawa sabuong mundo.

Ang uring mang-gagawa ay tinaguriangmga dakilang bayanisapagkat sila ang taga-paglikha. Alam mo ba na

malaki ang ginagampanang papel ng mga mangg-gagawa sa ating mundo? Naisip mo ba na mahalagasila?

Isipin mong mabuti na kung wala ang mgamanggagawa ay may damit ka kayang susuutin, maytahanan ka kayang titirahan, may mga pagkain, gamotat inumin ka kayang makakaain at maiinom, may mgabehikulo ka kayang masasakyan, may mga gamit kakayang mapagkakaabalahan gaya ng cellphones,mp3, i-pod, psp, computer, lap top at marami pangiba? Sana ay alam na ng lahat kung gaano kahalagaang mga manggagawa sa pang araw-araw nating pa-mumuhay.

Subalit lalong hindi marahil natin alam na ang mgamanggagawa ay may mga mapapait na kinakaharapna problema at suliranin. Ang karapatan nila sa tamangpasahod ay hindi pa rin nila nakakamtan hanggangsa ngayon kung kaya patuloy silang nakikipaglabanpara sa dagdag na P125 sahod across the board na-tionwide para sa mga manggagawa sa pribado atdagdag na P3000 naman para sa mga manggagawasa gobyerno o pampubliko.

Ilan pa sa mga problemang kinakaharap ng mgamanggagawa ay ang patakaran ng gobyerno na ca-sualization o contractualization na binibigyan lamangng karapatang makapagtrabaho ang tao na gustongmaging mangggagawa sa pabrika o enklabo ng 6 na

buwan at pagkatapos ng 6 na buwan ay finished con-tract na. Tinanggalan na ng karapatan ang sinumangmanggagawa na ma regular sa kanyang trabaho atito ay walang kaseguruhan sa kanyang trabaho paramabuhay, napakahirap na sitwasyon.

Idagdaga pa sa problema ng mga manggagawaang pagbabawal sa kanilasa pagtatayo at pag-oor-ganisa ng mga unyon kahit na ito ay ginagarantiyahannaman at nasusulat sa Saligang Batas ng Pilipinasang karapatan ng mga manggagawa sa pag-uunyon.Buhay na halimbawa nito ay ang pangyayari dito saating lalawigan ng Cavite na sinasabing pugad panaman ng mga bayani at rebolusyunaryong tao, maypolisiya kasi ang self proclaimed revolutionary man nasi Gov. ayong Maliksi na “No Union No Strike (NUNS)Policy” kung saan pinagbabawal sa Cavite sa ilalimng kanyang administrasyon na magtayo at mag-or-ganisa ng mga unyon upang makahimok daw ng masmaraming dayuhang kapitalista.

Mga dayuhang kapitalista na nagtatayo ng mganegosyo, produkto at kompanya sa ating bansa nasilang pumapatay sa mga negosyo, produktoat kompanya ng ating mga kapwa-Pilipino.

Nalaman ko rin na isa palang ginagawa ng atinggobyerno na pang-akit sa mga dayuhang kapitalistangito ay ang free taxes o hindi pagbabayad ng buwis saating bansa sa sinumang dayuhang kompanya nanagnanais na magnegosyo sa ating bansa.

Hindi patas ang patakarang ito dahil kapag kapwaPilipinong kompanya, produkto at negosyo ay nagba-bayad ng mga karampatang buwis pero kapag dayu-hang kompanya, produkto at negosyo ay hindi pagba-bayarin ng gobyerno ng buwis at ang pagdidiskitah-ang pagbayarin ng kakulangang ito ay ang mga ki-nawawang manggagawa na maliit na nga at hindi sa-pat ang sahod ay sila pang huhuthutan ng sari-saringbuwis ng gobyerno.

Lintik talaga eh, pwe!!!

HINDI ko naiwasang mata-wa ng malakas noongisang gabing nanunuodako ng balita.

Tatlo kasing kalalaki-han ang dinakip kasunodsa sum-bong at report naisang dyip ang hinoldap ngdalawang kalalakihang ar-

mado ng mga patalim. Nung una pa lang ay nagtata-ka na ako kung bakit tatlo ang hinuli sa likod ng dala-wa lang naman ang sinasabi ng mga biktimang nang-holdap. Kaya naisip kong baka look-out ang isa. Peronagkamali ako.

Ininterbyu ang isa ng reporter at ayon sa kanya dinaman daw sya kasama sa dalawang nangholdap,nag-iinom daw sya sa kanila ng dumating ang dalawaat nakipag-inuman at hindi daw nagtagal ay may nag-datingan na lang daw na mga pulis at kasama siyangdinakip, kakamot-kamot na paliwanag ng isa na kapwanakaposas kasama ng dalawang totoong holdaper nagitil na pinahahampas ng isa nilang biktimang babae.

Noong mabuo ang katipunan sa pamumuno niSupremo Andres Bonifacio, masasabing ang sama-hang ito ay walang kasaping masasabing may kayasa buhay o mayaman, maliban sa iilang kagaya EmilioAguinaldo na isang Kabitenyo, ni Emilio Jacinto nakaibigang matalik ng Supremo, at Dr. Pio Valenzuelana makalipas ng isang buwan ay sumuko na rin samay mga kapangyarihan. Kaya noong una’y sina-

sabing ang katipunan ay isang grupo na binubuo ngmga mahihirap, mangmang, at ng walang gaanongpinag-aralan.

Kung kaya naman sa pinakitang kawalan ng loobng mayayaman o may-kaya sa di pagbibigay ng tu-long sa mga nanghihinging naghihimagsik, guma-wa ng paraan sina Bonifacio at Jacinto upang matu-ruan ang ilang mayayaman ng magagandang aral.

Ang magkaibigang si Andres B. at Emilio J. aygumawa ng isang talaan kung saan nakasulat angpangalan ng mga mayamang Pilipino, at ginaya nilaang pirma ng mga ito.

Ang listahan ay inilagay nila sa lugar kung saanmadaling makikita o matutuklasan ng mga mayka-pangyarihan, kung saan doo’y nakasulat na diu-manoy ang mayayamang ito ay nakikiisa sakatipunan at nagsipag-ambag.

Sa ganung paraan nakaganti si Bonifacio at Ja-cinto sa mga mayayamang magagaling magsuholsa mga prayle at pinuno, pero di makapagbigay ngmaski-piso sa katipunan.

Ang dalawa sa mga naging biktimang mayaya-man nina Bonifacio at Jacinto ay sina Francisco L.Roxas at Luis R. Yangco. Kung saan si Francisco L.Roxas na pamangkin ni Don Pedro Roxas na mayari ng pagawaan ng serbesa San Miguel noong araway hinuli at binaril sa Bagumbayan ng nakatalikod,sa kabila ng pagiging isa sa mga matataas na taga-payo ng noo’y Gobernador-Heneral Ramon Blanco.

CapricornHindi ka lulu-bayan ng taongkinaiinisan mo.

Huwag na lang itongpansinin para di masiraang araw mo. Lucky days:Tuesday/Friday

AquariusWag maghan-gad ng sobrapara di madis-maya. Makun-

tento muna sa mumunt-ing bagay hangga’t di panangyayari ang ninanais.Lucky days: Monday/Wednesday

PiscesIbigay mo ang iy-ong pagtitiwala

sa taong karapat-dapatupang wala kang pagsisi-han. Lucky days: Thurs-day/Friday

AriesWalang kasa-lanan ang kahitsino kundi ikawang may pagku-

kulang sa paglayo ng iy-ong mahal sa buhay.Lucky days: Monday/Sun-day

TaurusMay makakau-sap kang kai-bigan na mag-bibigay sa iyo

ng payo. Sundin mo angpayo nila at makakatulongng malaki sa iyong prob-

lema. Lucky days:Wednesday/Friday

GeminiMakakadamaka na daratingna sa buhaymo ang mata-

gal mo ang inaasahangpagbabago ng takbo ngiyong mundo. Ito ay totookaya magpasalamat ka atmagpuri sa taas. Luckydays: Saturday/Sunday

CancerAlam naalam ng i-yong kare-

lasyon na muli at muli mosiyang mapapatawadkaya nasasayang langang iyong mga salita.Ngayon ipakita mongmatigas ang loob mo up-ang siya’y matauhan.Lucky days: Thursday/Sunday

LeoKabilang ka samga susuw-ertihin kaya ano

pang hinihintay mo? Sug-od na. Lakasan mo angloob mo. Huwag mag-alinlangan. Itinakdang tu-manggap ka ng magan-dang kapalaran. Luckydays: Thursday/Friday

VirgoIto ang araw nakung kalian aylulunurin ka ng

mga malalaking panga-rap. Wag kang papayag atmagpakatotoo ka. Kungano lang ang kaya mo ayyun ang iyong unahin.Lucky days: Wednesday/Friday

LibraHuwag kangmasisiraan ngloob. Uma-sa

kang susuwertihin ka da-hil itinakdang bumaba saiyo ang ulap na may da-lang magandang kapala-ran. Lucky days: Wednes-day/friday

ScorpioIsang bagongpag-ibig angnakatak-dang

dumating sa iyo. Sa ngay-on inihahanda na ng lan-git ang aktuwal na pagki-kita ninyo. Lucky days: Fri-day/Sunday

SagittariusIsang mala-king guloang dumat-

ing sa buhay mo na di momakakali-mutan dahilmabibisto ka sa paglala-ro ng apoy. Lucky days:Wednesday/Thursday

Sa mga NGO, Civic Organizationat iba pang organisasyon na ibig

maglingkod sa bayan sapamamagitan ng pagsali sa

DIYARYO PATROL namagsisilbing mata, tenga at tinigng bayan mangyaring makipag-uganayan kay Dating Kapitan

Roberto ‘Obet’ Catalan sanumero 504-0872 / 0916-1215880

HAPPY BIRTHDAY TOMRS DALISAY

SUBALDOmatupad nawang

lahat ang wish nyogreetings coming

from aling Luvy andResponde Cavite

Happy 19thBirthday to ARLYN T.BACOLOR. Greetingsfrom Mommy, Daddy,MB Girls and staff of

Responde Cavite.

Greetings!

9S E P T E M B E R 2 0 - 2 6 , 2 0 0 9

Modernista ng PanulaangTagalog, anak ng Rosario

Alejandro G. AbadillaAlejandro G. AbadillaAlejandro G. AbadillaAlejandro G. AbadillaAlejandro G. Abadilla

SA mga hindi nakakakilala sa kanya, isa lamangsiyang ordinaryong lalaki. May taas na limang piye,payat, mas habaan kaysa bilugan ang kanyangmukha, maliit ang mga matang hindi naman singkit,bahagyang manipis ang mga kilay, mababa lamangang tangos ng ilong, at katamtaman ang kapal nglabi,. Mabilis may sagsag ang kanyang lakad, atdaglian kung magsalita na laging may kumpas. Sakaramihan ng mga tao sa Plaza Sta. Cruz noon na di-kalayuan sa Escolta, madali siyang makaligtaan ngpaningin.

Siya siAlejandro Garcia Abadilla. Hindi siyapangkaraniwang lalaki lamang. Isa siyang manunulatat isang makata sa Tagalog. De kalibre. Kilala siyangrebelde sa kanyang mga akda. Siya ang unangmodernistang pinintasan, ngunit minahal at iginalang

sa Panulaang Tagalog. Sa maraming kaibigan, siyasi AGA.

ANG SIMULAHindi alam ni Aga ang tiyak na petsa at buwan ng

kanyang kaarawan, ngunit sinasabi ng ama niyang siAgustin Abadilla na isinilang siya noong 1905 saRosario (Salinas), Cavite. Sa opisyal na ensayklopidyang Cultural Center of the Philippines, ang nakatala saensayklopidya na sa Sapa Barrio School siya nag-elementarya at sa isang pampublikong haiskul siyanagtapos. Sa panahong iyon, ang kilalang tangingmataas na paaralan sa lalawigan ay ang Cavite HighSchool sa Caridad, Cavite Puerto.

Panganay si Aga at kapatid niya sa unang asawang kanyang ama sina Martin at Victoria. Sapangalawang asawa ng kanyang ama isinilang sinaEdmundo, Virginia, Nicanor, Rosario, at Agustin.

Mababang lugar ang nayon ni Mang Andoy, angtawag sa kanya ng mga kabataang manunulat. Maysapa roon na puno ng mga punong bakawan na maymga baluktot na ugat at madaling lumubog kapagtumataas ang tubig sa kaharap n a dagat. Mababa rinang mga karatig-baryo nito, ang Aplaya at ang Wawa,ngunit sagana sa isda dahil ang bayang iyon aysentrong barahan ng mga bangkang pangisda. Kunggabi’y matatanaw sa pagkakahilera ang larawan naparang mailaw na pader sa laot ng Look ng Maynila.

Marahil, ang topograpiya ng bayang iyon angnakapagtutulak sa kabataan upang lumayo atmaglagalag. Parang itinulak sa tabing-dagat angSalinas, ang orihinal na tawag sa bayang ito. Sa

Silangan nito, may maliit na lagay ng lupangtinatamnan ng tubong matataba – pinapangos, hinditubong patpating ikinakarga sa mga kariton upangdalhin sa tarapitsihan na lumiligis ditto para magingmatamis (asukal) – panutsa, pilipit, bagkat, at ibapang panghimagas sa tanghalian at hapunan. Sakabila ng tubuan, malayo na sa kabayanan, tanawang malawak na kabukirang umaabot sahangganan ng Noveleta at Imus, ang una’ypinakamaliit na bayan sa Cavite at ang huli’y isa samga pinakamalaki.

Sa Hilaga ng Salinas ang dagat na kung tanawinay abot sa bundok ng Bataan at Corregidor. Sadalampasigan, pasilangan na humahangga saLigtong na kilalang gawaan ng tinapang lawlaw atbangus, ay mga ilang minuto lamang ang layo saNoveleta. Sa kanluran naman nito, sa Wawa, maydi-kaluwangang-ilog na patawid sa bayan ng Tanza.Doon nakahilera ang mga nakabarang mahahaba’tmatatabang bangka na kung umaga’y dinadagsang mga namamakyaw na naghahatid ng tiklis-tiklisna mga isda hanggang sa malayong bayan ngCavite, tulad ng Indang, Silang, Alfonso, Maragondon,at Magallanes, mga bayang malapit na sa mayhilaga ng Batangas. Sa talpukan ng tubig, hindilamang amoy ng mga bilasang isdang itinataponsa paligid o lansa ng maliliit na lawlaw na binabakal(hinihingi) ng mga bata ang nakalutang sa hanginkundi pati na aroma ng mga “kalabisan” ng mgataong ugali ng tumalungko

(Sundan sa P. 10)

Nardong PutikIkat-3 bahagiIkat-3 bahagiIkat-3 bahagiIkat-3 bahagiIkat-3 bahagi

MAY halong saya at paitang pagkakaibigan ninaNardo at Mang Lureng. Il-ang ulit sinubok ng tadha-na ang kanilang magan-dang samahan. Isa samga mapapait na karana-

san sa kanilang pakikipagkaibigan ay noong mapag-bintangan si Mang Lureng bilang utak sa pagpaslangsa kaniyang kapit-bahay na si Gregorio Sangalang,na isang nakaririwasang mangangalakal.

Napag-alamang isang tanghaling tapat nang bar-ilin ni Nardo si Sangalang sa tapat mismo ng kan-yang bahay sa kalye Juan Luna sa Hen. Trias, ilangmetro lamang ang layo mula sa bahay ni Mang Lureng.Hindi lingid sa kaniyang mga kapitbahay na siya aymalapit na kaibigan ni Nardo kung kaya siya ay pinag-bintangang may kinalaman sa pangyayaring pagpatay.Hinuli at kinasuhan siya ng kapwa miyembro ng Phil-ippine Constabulary.

Binalikan ni Mang Lureng ang alaala ng kanyangpaghihirap sa kamay ng mga kapwa konstabularyo.Malinaw na malinaw pa rind aw sa kanyang alaalaang pagpapahirap sa kanya sa loob ng bilangguanngunit kahit gaano pa man ang pagpapahirap sa kan-ya ay hindi niya idinamay ang kaibigang si Nardo kahitpa alam niyang ang kaibigan nga ang tunay na pu-matay kay Sangalang.

Mas minabuti niyang pahalagahan ang pakikipag-kaibigan kay Nardo sa dahilang parang magkakap-atid na ang kanilang samahan (utol nga ang tawagannila sa isa’t isa). Nang lumaon ay napawalang salasiya sa pangyayaring pagpatay na iyon.

Nagpatuloy ang ugnayan ng magkaibigan. Si MangLureng ang tagahingi sa mga kaibigang doctor ng mgagamut na ipinamamahagi ni Nardo sa mga mahihirapna maysakit.

Ayon sa kanya, tunay na si Nardo ay may mabutingpuso, lamang ay nagpapaalala sa kanya ang matind-ing galit sa mga magnanakaw na pumapatay din ngmga inosenteng mamamayan.

Alam ni Mang Lureng ang puno’t dulo ng pagigingtaong-labas ni Nardo. Talos niya ang ugali ng kaibig-an dahil tunay na naging malapit ito sa kanya. Alamniya ang personal na dahilan nito kung bakit nagingkalaban ito ng batas, kung bakit inilagay ng kaibigansa sariling kamay ang hustisya sa hindi makatarun-gang pagkawala ng pinakamamahal na ama.

Pinatay ang ama ni Nardo matapos na pag-

nakawan ng alagang kalabaw kung kay gumanti ito atpinagpapatay din ang mga kinilalang salarin. Galit siNardo sa mga taong magnanakaw ng kalabaw dahilnagpapaalala ito sa kanya sa malungkot na sinapitng ama. Naniniwala siyang ang natatanging kaparu-sahan sa mga ito ay kamatayan din.

Inilarawan din ni Mang Lureng si Nardo na sa kabilaraw ng pagiging matapang at matigas ang loob., angkanyang kaibigan ay mahinahon sa pakikipag-usapsa kapwa. Matikas din daw tumindig at manumit siNardo.

Sa mga pagkakataong may kasiyahan sa tahanan

nina Mang Lureng, sinisiguro niyang hindi mag-aabotang mga kapwa niya alagad ng batas at ang grupo ngkaniyang kaibigang si nardo. Batid niyang isang malak-ing gulo kung mag-aabot ang dalawang grupo na pare-hong may armas at hindi posibleng dumanak ang dugokung mangyayari ito.

Iniiwasan naman noon ni Nardo ang makaengk-wentro ang mga kasamahang alagad ng batas ni MangLureng dahil nirerespeto siya nito bilang kaibigan.Ngunit dahil sa pera o reward na nakapatong sa ulo niNardo, hindi masiguro ni Mang Lureng ang sasapitinng kaibigan sa kamay ng kaniyang mga kasamahangpulis.

Sa huling yugto ng panayam ay tinanong si MangLureng ng may-akda kung pinanood niya ang pelikulani Nardong Putik. Hindi raw niya pinanood ito. Nanini-wala siya na ang pelikulang ipinalabas tungkol kayNardo ay maraming dagdag at useless daw na pa-noorin dahil kilala naman daw niya si Nardo sa to-toong buhay. Nabanggit din ni Mang Lureng na noongnamatay ang kaibigan ay hindi man lamang niya itonasilip.

Sa pagsasaliksik ay napag-alamang iilan na lamangang mga kaibigan ni Nardo na tulad ni Mang Lureng nanabubuhay pa. Si Mang Lureng na sa unang bahagi aybantulot na magsalita tungkol sa kanyang kaibigan napinapaksa sa saliksik. Maaaring dahil sa maramingmabi-bigat na pangyayari sa kasaysayan ng pulitikangkinasangkutan ni Nardo sa lalawigan ng Kabite kungkaya nag-iingat si Mang Lureng na mapag-usapan angkanyang matalik na pakikipagkaibigan kay Nardo.

My bestfriend

Mahal kong Claire, Alam mo, naranasan

ko din noon ang narara-nasan mo ngayon. Tat-long taon na nga sa Aus-tralia ang best friend kongsi Eris at ang kanyangpamilya. Kahit malayosiya, siya pa rin ang pi-nakamatalik kong kaibig-an.

Pero alam mo, ad-vanced ang iyong isip.Tutal nandito pa namansiya sa Pinas, samanta-lahin mo na muna angpagkakataon. I-check moang iskedyul niya atgawin mo ang lahat ngmakakaya mo paramakasama siya sa orasna libre kayong dalawa.Manood kayo ng peliku-la, samahan mo siyang

mamili ng mga kailanganniya sa Canada , puntah-an mo siya sa bahay atpagplanuhan ninyo kungpaano kayo makikipag-usap sa isa’t isa kapagnasa malayo na siya.

Pag alis niya, tiyak namalulungkot ka. Pero nor-mal iyon. Ang hindi nor-mal ay kapag paulit-ulitmong ipakikita sa bestfriend mo na malungkotka dahil malayo siya. Ma-lulungkot din siya kapagganon at magi-guilty. Angpinakamagandang pa-raan ay makipagkaibiganuli sa iba.

Hindi ko sinasabingpalitan mo na ang bestfriend mo.

Pero makakatulong saiyo na maging mas

masaya at masigla kapagnapapaligiran ka ng mgakaibigan, bago man oluma. Sigurado akongmatutuwa rin ang bestfriend mo kapag nala-man niyang masaya kakahit malayo kayo sa isa’tisa.

Mag-isip ka ng activi-ties at isagawa ang mgaito: blogging, paggawa ngsudoku, scuba diving,museum-hopping, story-telling at iba pa.

Bukod sa magigingbusy ka ay madaragdaganpa ang iyong husay. Higitsa lahat, may bago kapang maibabahagi sa iy-ong best friend.

Alam mo, maramingpagkakataon na nami-

(Sundan sa P. 11)

Dear Ate Bebang,Pupunta na sa Cana-

da ang aking best friend.Doon na siya maninira-han. Paano po ako maka-kapag-adjust kapag walana siya?

Claire ng Habay I,Bacoor, Cavite

S E P T E M B E R 2 0 - 2 6 , 2 0 0 910

Kaskasero…Biyaheng impyerno…Lasing na, nag-mamaneho pa!

Isang araw sumakay ako sa isang baby bus, kata-bi ko ang batang-batang driver.

Maiinis ka ng husto kung nasa likod ka nito. May-ayamot ka sa klase ng pagmamaneho na di alam kungkanino natuto ng ganitong klaseng pagmamanehoang mga damuhong ito. Bata pa man, sanay na sanayna sa ganitong maling klaseng pagmamaneho.

Kaya di ako magtataka, kung bakit kay agang na-muti ang buhok sa inyo ni SPO2 Estoy Jr., mga pas-away…

Para maiayos ang ganitong problema sa CaviteCity, ipatupad sa lahat ng samahan ang pagkakanse-la ng lisenya sa lahat ng mga abusadong driver.

Hinahamon ko ang lahat ng namumuno ng mgabus driver, huwag kunsintihin ang mga abusado ni-lang miyembro.

Huwag ninyong ilagay sa peligro ang buhay ng mgapasahero ninyo. Masarap ang magmaneho na wa-lang pagaalinlangan.

roon sa madaling-araw at tabunan ng buhangin angmga labi ng kabusugan nila sa nakalipas namagdamag.

Tanging pasilangan, lampas sa may tinapahan samay Ligtong, ang pihit ng paa ng mga taga-Salinas nakapag tumatawid-bayan sa Noveleta ay humahantongsa lungsod ng Cavite na katanawan ang marikit naMaynila sa silangan. Hindi pakanluran ang takbuhanng mga tao – malapit nga ang hangganan ng Tanza,ngunit ang susunod na bayan ng Naic ay napakalayona noon, pababa sa bukana ng Look at patimog-pataas na bundok ng Ternate na waring sasakyangmalapit ng mabulid sa batuhang baybayin ng ChinaSea (tinatawag ngayong Philippine Sea).,

Kung patrimog naman, lalong mahahabang mgalandas sa bukid at parang ang tatalaktakin patungosa San Francisco de Malabon o Malabon Trias (Hen.Trias ngayon), paakyat sa lalong malayong Indang atTagaytay na padahilig wari sa lawa at bulkan ng Taal.

Sisid... mula p. 5

ni eros ataliaUnang Gantimpala Don Carlos PalancaMemorial Awards for Literature (2006)

(Ika-3 labas)

W alwal! Kisay ta-yo, Mang Amor

Ay! Digrasyaw bo.Nagpasya silang tig-

nan ang natitirang tatlongbila ni Mang Amor sa laot.Madalas napapatawadng alig ang laot. Di na nitokayang malason ang ma-layo sa pampang. Mala-kas na ang alon doon atnadadala ng ragasa ngtubig ang peste.

May kalayuan ngalang ang pwesto ni MangAmor. Mangangalay silasa kakasagwan at bakahindi nila mailigtas angpwede pang mailigtas.Binilinan ng matanda siIntoy na maghintay nalang sa lunday at babali-kan sya ng amo gamit angbangkang de motor atsaka hihilahin ang lunday

sa laot. Nakisabay nalang pauwi ang matandasa isang kinawayangkapwa mangingisda paramaidaan sa kanyang pan-talan.

Mailigtas pa angtahong kung maiaahonagad ito. Ang palatan-daan, kapag sa pagsisiday nakabuka ang mga itongunit kapag ginalaw aykusang magsasara.Maibebenta pa kahit sam-bot-puhunan man lang.

Sinamantala iyun niIntoy. Pandalas syang gu-maod papunta sa kan-yang pwesto. Mga dala-wandaang metro ang layonoon sa pwesto ng kan-yang amo.

Wala syang palatan-daan sa kanyang bakladdi tulad ng iba na maymga bandila o boyang

malalaki. Basta’t kinabisanya na lang kung san iyon. Di halatang may tahun-gan sa kanyang pinilingpwesto, kasi nga, di na-kausli ang mga kawayan.Malilit na kawayan langang kanyang ginamit. Dipansinin kumbaga. Sobralang ang mga iyon sa kan-yang mga pinagtrabahu-han. Sinabi nya na lang nagagawa sya ng balsa-bal-sang kawayan. Isang bilalang iyun. Iilang tumpok ngsemilya ang kanyang nil-agay doon buhat na rin saisang nagpatanim.

Sobra ang semilya,kapos sa kawayan. Walanang pabitin at palutang.Magastos sa straw, styro-foam at plehe ang mgaiyon. Puro tali na lang sabila ang ginawa nya. Syalang ang gumawa ng la-hat ng iyon.

Natutunan nya yunsimula noong sya’ynwebe anyos pa lang. Sapamamagitan ng pagsa-ma-sama sa mga nag-tatali, naglilinis, nagbab-aon, nag-aahon at kunganu-ano pang trabahongmay kinalaman sa pagta-tahong.

Masasabing isa nasya sa batikan sa laran-gan ng pagtatahungan.Wala nga lang sapat nakapital para makapag-tanim nang malakihan.

Sa gulang na lima nat-uto na syang lumangoynang itulak sya ni BertongBaka palabas ng pantalan.Tawanan ang mga kalaronya. Sina Yeyeng Tikol,

Boyet Bagol at Doray Lan-gaw. Narinig nya angtawanan ng lahat kahit pana sisinghap-singhap sya.

Yaaah! Si Intoy Kut-ing, di makalangoy.Kantyaw ni Bertong Baka.

Kuting! Kuting! Kut-ing! ang sigaw nina BoyetBagol at Yeyeng Tikol.

Kuting pa noon angbansag kay Intoy. Tataynya kasi si LandongPusa. Mahilig manghuling pusa para gawing pu-lutan. Namatay ito nangtumalon mula sa panta-lan dahil sa sobrang

Bagwis.. mula p. 9Bagwis.. mula p. 9Bagwis.. mula p. 9Bagwis.. mula p. 9Bagwis.. mula p. 9

kalasingan. Tuhog angleeg at tagos sa balakangang tulos na kawayanang eksenang tumam-bad isang umaga sapantalan.

Pagkalibing ng tataynya ay nawala ang ina.Balita’y sumama na saisang drayber ng bus atiniuwi ng probinsya.

Tumigil sa pagtawa siDoray nang mapansinghindi na yata makakawagang kalaro. Baka nalulun-od na si Intoy.

Uy, ang langaw, nag-aalala sa kuting. Alaska

ni Yeyeng Tikol.Pag namatay ang

kuting, lalangawin na-man. Hirit ni Boyet.

Sinagip din sya ngmga kalaro. Bagamatumiiyak si Intoy at nag-tatawanan ang kalaro,nakuha pa rin nilangmagbiruan.

’Tang ‘na ka, Kutingka kasi kaya takot ka satubig, si Boyet uli.

Sa dami ng nainommong dagat, mamaya,pati utot mo at dighay,amoy dagat. Alaska niYeyeng Tikol.

INILIBING na noong Ika-12 ng Setyembre, 2009 sa In-dang, Cavite ang state witness sa Dacer-Corbito mur-der case na si Jimmy Lopez. Magugunitang tinatad ngbala ang kanyang katawan noong madaling araw ngSetyembre 2, 2009 sa kanyang bahay sa Bgy Inocen-cio, Trece Martires City.

Ipinanganak noong Agosto 14, 1959, si Jimmy Lo-pez ay dating barangay captain ng Bgy. Buna Lejos saIndang, Cavite. Taong 2000 nang maging ahente siyang PAOCTF. Ayon sa kanyang asawa na mas kilala satawag na Ate Inday at isangguro sa pampub-likongpaaralan. Ayon sa kay AteInday, mahusay makisa-ma si Jimmy sa kanyangmga kanayon. Madali itonglapitan ng sinumang nan-gangai-langan at kungminsan ay nag-aambag pang sariling pera kapagkinukulang ng pambayadsa koryente ang barangayna nasasakupan.

“Napakatapang ngasawa ko. Talagang magkakamatayan kung lala-ban-an siya nang harapan. Kilala ni Jimmy ang pumatay sakanya. Walang palatandaang nasira ang seradura ngbahay namin sa Trece. Kung narito siya sa aming ba-hay sa Buna, baka hindi siya napatay!., ang sabi ni AteInday.

Nang tanungin kung sino ang inaakala niyang sus-pek sa pagpatay sa kanyang asawa, binanggit niya angisang kilalang pulitiko sa Cavite na posibleng nag-utosna patahimikin ang asawa niya. “Marami pang alam siJimmy kaya siya ginanyan!” ang dagdag pa ni Ate Inday.

“Kahit nasangkot siya sa ganyang gulo ay hindinaman niya kami pinababayaan. Minsan nga ay ip-inagtanggol pa niya si Raymond (isa sa anak ni Jim-my) nang tutukan ito ng baril ng isang pulis sa bay-an. Mabuting ama at asawa si Jimmy.”

Magugunitang si Jimmy Lopez, ang kanyang ka-patid na si William at isa pang nagngangalang AlexDiloy ay tumayong state witness sa pagpatay sa pub-licist na si Bubby Dacer at sa drayber nitong si Em-manuel Corbito. Kap-wa pinatay sina Dacer at Cor-

bito ng mga pinaghi-hina-laang ahente ng PAOCTFnoong Nobyem-bre2000.

Nakatakda sanangmuling dumalo sa hea-ring ng kaso si JimmyLopez noong Setyembre3, 2009 kung hindi siyapinatay.

Tungkol sa usapin sadroga ay walang nasabiang kanyang asawa.“Kung gumagawa man

siya nang ganun ay hindi na niya ipinapaalam pa saamin.”

Alas tres ng hapon, araw ng Sabado nang ilibingsi Jimmy Lopez at kung ang dami ng nakilibing angsukatan ng kabuluhan ng buhay ay masasabingnaging makabuluhan ang buhay ni Jimmy para sakanyang mga kamag-anak, kaibigan at kababaryo.

Samantala, ang kanyang kamatayan ay isa nanamang dagdag sa humahabang listahan ng mgakarahasan sa bansa na naghahahanap ng katarun-gan.

Si Jimmy Lopez sa mataSi Jimmy Lopez sa mataSi Jimmy Lopez sa mataSi Jimmy Lopez sa mataSi Jimmy Lopez sa matang kanyang pamilyang kanyang pamilyang kanyang pamilyang kanyang pamilyang kanyang pamilya

11S E P T E M B E R 2 0 - 2 6 , 2 0 0 9

Parang awa n’yo na...kulamin n’yo ko!

KULAMIN nyo koplease… kung sino mansa inyo ang marunongmangkulam o may kilala-lang mangkukulam, paku-lam nyo naman ako porpabor. Mas mainam kungbarang ang padapuin nyosa ‘kin. Kung kakailanga-nin ang DNA sample; bu-hok, laway, dugo, damit opicture will ing akongmagpadala sa inyo.

Ayoko ng kulam na para lang ako nagkakabag onagka-migraine. Gusto ko yung tipong hindi maipa-paliwanag ng kasalukuyang siyensya. Yung tipongmauulol ang docktor at maglulumuhod sa altar.

Kaya mas mainam kung barang. Payag akongsumuka ng ipis, langaw, gagamba o anumang insek-to. Kahit pampinale eh umebak ako ng dinosaur. Noprob! Magkaalaman lang na tunay nga ang barang atkulam na matagal na panahon nang dapat ay binurasa paniniwala ng lipunang ito.

Kung umepekto ang hokus-pokus, dedo ako!Pero wala kayong dahilan upang ma-guilty. Una, da-hil sa inyong pagmamagandang loob na tulu-nganakong alamin ang katotohanan sa likod ng misteryo“daw” na ito, magkakaroon tayo ng matibay na kat-ibayan u-pang iwasto ang agham. Mantakin nyo banaman kung madodokumento natin ang pangingit-log ko ng anaconda hindi pa ba sapat na dahilanyun upang busisiin at kwestyunin ang mga pinag-palagay nating mga katotohan ng agham?

Pangalawa, gagaang ang pakiramdam ng mily-ong Pilipino at maari na silang lumantad sa kanilangmistikong paniniwala. Marami sa atin ang hindi dawnaniniwala sa kulam ngunit naniniwala sa usog atbati. Hindi na nila ito ikakahiya. Sa kasalukuyankasi’y pagkaraming beses mong maririnig yung lin-yang..” hindi ako naniniwala dyan, pero wala nama-ng ma-wawala kung blah blah blah “ … pero meron,akala mo lang wala pero meron.

Ibinabasura natin ang lohika at siyensya… pi-napalo pa ni magulang ang kawawa si estudyantepara lang mapilitang pumasok sa eskwela ngunitanong saysay ng mga karungungang ito kung hindiisasabuhay?

Walang dapat ika-guilty o ikababahala ang si-numan na magtatangkang ipakulam ako.

Itinataya ko ang lahat ng maari kong itaya pararito. Pagkat ang lohika ay katiyakan.

Maraming na rin akong nakausap na magha-hatid daw sa akin sa mangkukulam ngunit sa huli,tsismis lang pala ang pagiging mangkukulam ngdapat ay sasadyain o kaya’y hindi “hard core”mangkukulam. Tipong gayuma lang pala ang forteo yung mga style na alam mong hindi ka nakatitiyakkung may kulam ngang naganap.

Meron pa nga akong nakausap na isang historyaficionado, ihaharap daw ako sa mambabarang atsyento por syento raw na makukumbinse ako oramismo dadalhin nya ko at dito lang daw yun sa Cav-ite. nung sinabi kong tena’t kukuha ako ng videocam, aba’t umayaw. Nagbago ang isip at hindi rawsapat ang intension ko upang iharap ako sa daki-lang mambabarang. Di ko ma-piga ang kukote kosa kung anong “intensyon” ang sasapat para mag-ing karapat-dapat ka sa isang session ng baran-gan.

Kaya parang awa nyo na… email nyo ko kungipababarang nyo ko. Pinapangako ko naman na hin-di ako papatawag ng albularyo para kontrahin angtalab. Nais ko lang maidukumento ang bisa nito.Baka itong kulam na ang hinahanap nating solusy-on laban sa mga sindikato natin sa gobyerno.

(Kung mayroon kayong beripikadong impor-masyon o makakapagtuturo ng mangkukulam/mambabarang makipag-ugnayan po lamang saResponde Cavite email: [email protected]: 527-0092. Iingatan po namin at panana-tili-hing lihim ang inyong pagkakilanlan. Di naminkayo papakulam)

Lintik lang ang walang ganti

MARAMING mga empley-ado ngayon ang napag-bubuntunan ng galit ngkanilang mga amo. Pa-ano, ganitong matamlayang ekonomiya, matam-lay din syempre ang per-formance ng mga kump-anya. At natural, sisisihinng mga amo ang kanilangmga empleyado kung ba-kit bumabagsak angsales, humihina ang out-put at di lumaki ang tubo.

Hahanapan ng butasng mga bos-sing ang ru-tinaryong gawain ng ka-nilang mga mangagaga-wa. Pagdidiskitahan angchat, texting, friendster,facebook pati coffee breakat lunch break. Bakitkanyo, nauubos daw angoras sa mga ito. Kaya,

hindi nasusulit ng kump-anya ang ibinabayad samga manggagawa dahilsa kung anu-anong in-aatupag ng mga ito. Naku,asahang sisil ipin angmga late, nagha-half dayat nag-a-undertime. Mag-paparinig na kung pwe-deng mag-overtime kahitwalang bayad para langmailigtas sa pagkalugiang kumpanya. Magpa-parinig na kung pwede,kahit naka-maternity leaveay magtrabaho pa rin. Okung pwede wag na mu-nang magpabuntis. O,baka pwede namang ik-sian ang coffee break atlunch break.

Sa sobrang pag-mamahal ng mga boss-ing amo sa kanilang kum-panya na nakakaligtaanna mas mahalaga angtao at buhay kesa sa kap-ital, alam na natin nalaging magkakatensyonsa loob ng mga opisina.At nagiging Satanas-sa-Lupa ang mga bossingamo. Sarap sa-nang gili-tan ng leeg ang mga ito

gamit ang kalawangingtansan. Sarap sananggripuhan ang lalamunannito gamit ang baradongballpen. Kaya lang, ma-hirap naman humimasng rehas sa matagal-tagal na panahon. Sarapdin sana murahin angmga ito Kaso, siguradongsibak ka sa trabaho. Hirappa naman makahanap ngtrabaho lalo na ngayon.Kaya naman, nakaisipako ng paraan paano ma-kagaganti sa mga bosingamo natin. Ganito yun:

1.Tuklasin ang cell-phone number ng amo.Ibigay ito sa tabloid. Gani-to ang nakasulat: WantedTextmates (preferablymatrona/DOM). Hot inbed. Text me during officehours please. I will replypromise. ‘Yan, panigura-dong dadagsain ng textang amo. Mapupundi itosa kakasagot o bura ngtext sa mismong oras ngtrabaho.

2. Pwede mo ring ila-gay ang cellphone num-ber ng amo mo sa mga

poste. At nakalagay: Pro-fessional Tubero, Tagali-mas ng Pozo Negro,Meastro Karpintero: Libreang Trabaho.

3. Humanap ka ngpicture ng amo mo. Taposgawan mo ng friendsteraccount. Tapos, hu-manap ka ng mga pic-tures ng top Philippines100 Most Wanted Crimi-nals. Gawan mo rin ngaccount ng ito. Tapos ip-adala sa NBI.

4. Gamitin ang pic-ture ng amo mo. Idikit samga poste. Ilagay: Miss-ing. Tapos, ilagay sa babang picture ang cellphonenumber ng amo mo. Ila-gay na may reward nangkaunti sa makapagtuturokung nasaan ang amomo.

O di ba, kung pinang-gigigilan ka ng amo mo,wag mag-alala. Mayparaan pa. Mahalin angtrabaho dahil kailangannatin ito. Mahalin ang mgaamo, dahil kailangan na-tin sila, para tayo aymapaglilibangan.

Dagling Gunita sa NasyonalismoNi Goldy Baroa

NOONG nakaraang 16 at 17 ng Septyembre, isa ako sadalawang mag-aaral ng aming paaralan na pinalad namakadalo sa 16th National Public Relations Congressna ginanap sa Manila Hotel. Ang nasabing kongresoay dinaluhan ng mga delegado ng iba’t-ibang paaralansa Pilipinas at ng mga CEO ng ilang malalaking kum-panya sa bansa. Naglalayon itong ipamulat sa mgaPR Practitioners at sa mga nais pumasok sa propesy-ong ito ang kahalagahan ng Public Relations o PR sapanahong ito at sa papaanong paraan ito makakatu-long sa pagsulong ng pagbabago.

Ang propesyong Public Relations ay marahil isa samga larangan na hindi malinaw sa kaisipan ng na-kararami at kadalasan itong naihahalintulad sa Adver-tising at Human Relations. Ngunit ano nga ba ang Pub-lic Relations? Ang Public Relations ay ang pagbuo ngimahe ng isang produkto o ng isang kumpanya. Hindiito tulad ng Advertising na ang layunin ay ipakita o i-endorso ang isang produkto sa pamamagitan ng tele-bisyon, radio at print, upang tangkilikin ng mga mamim-ili. Ang PR ay ang paghubog sa layunin ng isang produk-to at ng isang kumpanya hindi lang bilang isang aspe-to sa pangangailangan ng mga mamimili, gayundin,ang importansiya ng isinusulong nitong adhikain parasa nakararami. Ang ilang halimbawa ng mga aktibidadna pang-PR sa panahong ito ay ang mga campaignsgaya nang, Ako Mismo, Boto mo, I-Patrol mo ng ABS-CBN, Tatakbo ka ba? ng GMA7, SM Cares Program atiba pa.

Sa loob ng isang kumpanya, ang isang PR Practi-tioner ay hindi lamang pinag-aaralan ang mainam napakikitungo sa mga empleyado ng kumpanya ng gayasa Human Relations, gayundin, isinasaalang-alang ngPR ang pagtatatag ng mainam na relasyon ng kump-anya sa medya, sa gobyerno, sa iba pang kumpanya atsa iba pang nasasakupan ng mga operasyon nito. Sapanahon na ang reputasyon ng kumpanya ay mapasaa-langanin, ang responsibilidad ng isang PR ay alaminang epektibong pamamaraan upang ayusin ang suli-ranin nang sa gayon ay masigurong mapapanatili angmaa-yos na imahe ng kumpanya sa harap ng publiko.

Sa National Congress na aking dinaluhan, tinalakay

rito na ang mga Pilipino ay hindi lamang dapat makun-tento sa imaheng ipinapakita natin sa ibang mga tao.Dapat nating alalahanin na kaakibat ng ilang magagan-dang bagay na ipinapakita natin sa ibang nasyon, ayang mga negatibong balitang na naririnig nila mula saatin. At dahil sa mga ito, nadudungisan ang reputasyonna-ting mga Pilipino.

Mahalaga ang reputasyon ng isang bansa o ngisang tao. Ang magandang reputasyon ay naghihikayatng maraming magagandang uportunidad at posibil-idad sa pag-unlad. Sa isang magandang reputasyonmakakapagtatag tayo ng matibay na saligan ng main-am na pakikipagkapwa-tao at pundasyon sa ating pag-lago.

Bilang mga Pilipino, mainam sanang maging sen-sitibo tayo sa interpretasyong naidudulot natin sa ibangmga lahi. At patuloy na magsumikap upang tayo manay tingalain at kilalanin sa ating mga kapasidad at abil-idad. Ani nga ng isang speaker sa kongresong iyon,WE ARE FILIPINOS, WE DESERVE THE BEST.

Ate Bebangmula P. 9

miss ko ang best friendkong si Eris. Ang gina-gawa ko ay ine-emailko siya, kinukuwentu-han ko siya tungkol satrabaho ko, sa mga si-nusulat kong akda, samga bago kong kaibig-an sa eskuwelahan, sabagong TV commercialni Kris Aquino at angnabalitaan kong jani-tress na nakapulot ng

pera at nagsoli nito samay-ari.

Kapag walang com-puter o internet, ki-nakausap ko si Eris saisip ko. Kaya kapagnag-e-email ako, mad-aling madali ko nangmai-chika sa kanya anglahat. At para na rin siy-ang nasa tabi.

Sana ay nakatulongako, Claire. Hangad koang iyong kaligayahan.

Ako pa rin,Ate Bebang

Kung may tanong o suliranin ukol sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email

sa [email protected].

Isang magandanghalimbawa ang angkanng Aguinaldo. Sa pangal-awa at pangatlong salin-lahi ay nagkaroon ngisang Prime Minister Ce-sar Virata, Supreme CourtAssociate Justice Ameurf-ina Melencio-Herrera, atMayor’s Bautista, Poblete,at Aguinaldo ng Kawit.

Sa Kawit pa rin, patu-loy na nagpapakabayanisa kanilang mga iba’tibang pamamaraan angmga kilalang pamilya TriaTirona, Maskardo, Mon-toya, at Ilano. Sa Imus aytanyag pa rin ang mgapamilyang Benitez, Pater-no, at Tirona. Sa GeneralTrias ay natural na sikatang pamilya Trias.

Pati na ang mga dikilalang pamilya na angpaglilingkod ng mga ni-nuno sa “Revolution of1896” ay patuloy na ipi-namamalas sa pam-amagitan ng mga kaanaksa pagtataguyod ng

Maunlad at MakabagongCavite.

Ang “Second Revolu-tion of Cavite” ay pinama-halaan ng isang matikasna anak ng Imus.

Ang dalawang de-kadang (1960-1980) pa-glilingkod ni Gob. JuanitoRemulla ay hitik na hitiksa mga proyekto at pro-gramang pangkabuhay-an.

Mga hangaring “In-dustrilization, AgriculturalModernization, TourismDevelopment and RapidUrbanization” ang bini-gyaang diin ng RemullaAdministration. Sa ka-tunayan, umunlad ang“Cavite Export ProcessingZone” sa Rosario upangmaging pinakamalaki atmatagumpay sa buongbansa. Sinundan ito ngpagkakatatag ng “Carmo-na Industrial Estate” at“First Cavite IndustrialEstate” sa Dasmariñas.

Napaayos ang “sup-

port facilities” gaya ng patu-big, kuryente, komunikasy-on, at iba pang sangkap sapagpapaunlad ng pag-sasaka at pangingisda.Mahalaga din ang “Coast-al Road” na nagkabit ngCavite sa Metro Manila.

“Beacon of Light” angPamana sa sumunod napamamahala ni Gob. Ay-ong Maliksi. Sangayon sa“Official Report” ng Pam-ahalaang Panlalawigan,nakamit ng Cavite sa ta-ong 2006 ang mga su-musunod ng karangalan:

1. Mataas na Kaun-larang Pantao mula saHuman DevelopmentNetwork ang United Na-tions Development Pro-gramme.

2. Cooperative Ca-pital of the Philippinesmula sa Cooperative De-velopment Authority.

3. Citation forSmall and Medium –Scale Enterprise Devel-opment and Business –Friendly Local Govern-ment Unit – PhilippineChamber of Commerce.

4. First ProvinceInitiator of an OrganizedInformal Sector – Depart-ment of Labor and Em-ployment.

5. P r e s i d e n t i a lAward for Comprehen-sive Health Programs –Philippine Hospitals As-sociation.

Ang Pamana ay isangpanghabang-panahonghamon sa mga magigit-ing na Caviteño na mana-tiling nagkakaisa, nag-tutulungan, at naglil-ingkod sa kapakanan ngbayan.

Isang paalaala naiwaksi ang masamanggawing pulitika; ibaon salimot ang mga matan-dang alitan ng mga ang-kan at pag-ibayuhin angdakilang adhikain na tu-lungan ang masangnaghihikahos, naapi, atnanatiling namumuhaysa madilim na sulok ngdaigdig.

IKAW CAVITEÑO ANGMANINGNING NA PAMANASA LAHING PILIPINO!

Senior... mula P.5

NO. 2 MOST WANTEDSA CAVITE, NASAKOTE

NG KAPULISAN

Cavite City – Nadakip ngbuong pwersa ng kapulisanng Cavite City ang di-umano’y most wanted no. 2sa nasabing lunsod.

Nakilala ang nasab-ing wanted na si HernanRuiz, 43, residente ngBrgy. 36M, CalumpangBagong Pook, CaridadCavite City.

Sa ipinasang reportni SPO4 Barricuatro Jrkay P/Supt. SimnarGran; Chief of Police atkay P/Insp. AngelicaStarlight L. Rivera; Dep-uty Chief ng nasabingistasyon, nadakip nilaang mailap na suspeknoong Sept. 18, 2009, sahumigit kumulang alas-10 ng umaga.

Sa pakikipag-ugnay-an ng kapulisan sa Re-sponde Cavite “mata-gal na nila itong sinusub-aybayan, subalit sady-ang napailap ng taongito. Kaya pinagsanibnaming ang aming gru-po upang madakip na

ang taong ito,” pagsasa-laysay ni SPO4 Barricu-atro Jr.;hepe ng Intelli-gence Division.

Nakuha kay Ruiz anghumigit 10 gramo ngshabu, isang basongmarijuana, at iba’t ibangsangkap sa paggamit ngipinagbabawal na gamot.

Ang Cavite City Po-lice na nanguna sapagkakadakip sa sus-pek ay sina SPO4 Bar-ricuatro Jr, SPO4 Estrel-la, PO2 Agabin, PO2Nabos, PO1 Balberan,PO1 Monzon, PO3Jonathan Barricuatro,PO2 Andaya, PO3 Man-zano, PO1 Alcarez, PO2Sto. Domingo, PO3Cabatan, PO2 Agudo,PO2 Pillega, PO1 Alma-zan, PO2 Lapidario, PO1Cinco, at PO3 Riego DeDios.

Ang suspek ay kasa-lukuyang nakahimpilngayon sa kapulisan atihihahanda ang kasongdrugs. (Section 5)

sa kanilang kamatayan. Ang mga multong ito sa kal-sada, ang pinepeste nila ay yung wala naman tala-gang kinalaman sa kanilang kalagayan. Mananatilitambay sila sa mga lugar na hindi naman sila kail-angan at welcome. Ni walang pasintabi. Ni walangabiso. At mambwiwisit.Dyaran!

Tama kayo dyan, belabed riders. Sila ang mga babybus driver. Multong lilitaw na lang sa harapan po dahilayaw magpauna sa mapupulot na pasahero. Multongbigla na lang mawawala, dahil kapag mag-o-over-takeka na, bigla naman silang aandar. Pepestehin nilaang buhay mo kahit wala ka naman talagang tuwirangkinalaman sa buhay nila. Tatambay sila sa mga kan-to-kanto na nakabalagbag.

Kahit anong busina mo, hindi sila matitinag. Hindimarunong tumabi. Hindi marunong magpasintabi.Hindi marunong mag-abiso. Magbababa at mag-sasakay ng pasahero sa gitna ng kalsada. Gaya ngmga multo, dadaaan at titigil sa iyong harapan, mang-gugulo kahit hindi mo sila kailangan.

Hindi naman natin nilalahat. Pero karamihan,mga multong pasaway. Dapat sa mga multong ito,ma-exorcise.

oOoMay mga nag-aasal multo rin sa munisipyo. Yun

bang hindi mo naman sila inaano, sila pa ang galit.Yun bang pinatay sila ni ganito, pero si ganyan angmumultuhin. Tapos kapag sinita mo, sila pa anggalit. Yun bang paglapit mo pa lang sa pwesto nila opagtawag mo pa lang sa telepono, galit na agadkahit hindi mo alam kung ano dahilan.

Gaya na lang na may isang balahura’t ugalingmulto na empleyada sa Munisipyo ng Rosario, Cav-ite na di umano ay hindi marunong sumagot ng tele-pono, mag-entertain ng bisita at mag-handle ng tra-baho. Kung hindi ako nagkakamali, siya si YollyIglesia (Budget Office).

Marami na po ang natatanggap nating reklamosa taong ito. At ang katwiran, kaya nya raw hindimaharap ang mga tao at tawag, marami syang gi-nagawa. Abababababaa… Aling Yolly, mas mahala-ga ba ang papel kaysa sa tao? Kaya may papel kanginaayos dahil sa tao. Makapaghihintay ang papel,pero hindi ang tao. Mabuti na lang at magaling mag-exorcise ng multo sina Mayor Nonong Ricafrente atVice Mayor Jhing Jhing Hernandez. At least hang-gang maaga, napapatahimik ang mga asal multosa kanilang tanggapan.

Sundot...mula P. 4

Ang mgaebidensiyang

nakalap ngpulisya.