rizal

41
ANG PAGLILITIS KAY DR. JOSE P. RIZAL Isinalin ni Hukom Cezar C. Peralejo (Ret. RTC) Sentro ng Wikang Fiipino Sistemang Unibersidad ng Pilipinas

Upload: clang-santiago

Post on 21-Nov-2015

146 views

Category:

Documents


23 download

DESCRIPTION

Rizal's life

TRANSCRIPT

ANGPAGLILITISKAYDR. JOSE P. RIZAL

Isinalin niHukom Cezar C. Peralejo (Ret. RTC)

Sentro ng Wikang FiipinoSistemang Unibersidad ng Pilipinas

PASASALAMAT

Para kay Mahistrado Reynato S. Puno, Jr. ng ating Korte Suprema, sa pagbibigay niya ng pahintulot na isalin at isama sa aklat na ito ang kaniyang papel tungkol sa paglilitis kay Rizal;Para kay Mahistrado Justo P. Torres, Jr., tagapangulo ng Council of Advisers ng Order of the Knights of Rizal, sa pagbibigay niya ng tiwala sa aking kakayahan bilang tagasalin at bilang isang hukom;Para kay dating Komisiyoner Ponciano B. P. Pineda ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), sa pagbabahagi niya ng kaniyang mahalagang introduksiyon para sa aklat na ito;Para kay G. Tagumpay Glorioso ng Dibisyon ng Pagsasaling Wika ng KWF, sa masusing pagbabasa ng aking isinalin;Para kay Prop. Edgardo E. Tiamson ng Departamento ng Wikang Europeo, Unibersidad ng Pilipinas, bilang patnugot ng manuskrito sa wikang Kastila;Para sa Knights of Columbus at Knights of Rizal, sa pagbibigay nila ng inspirasyon sa akin upang matapos ang salin ng akdang ito;Para kay Direktor Mario I. Miclat ng Sentro ng Wikang Filipino (SWF), sa pagbibigay ng suporta at pahintulot na malimbag ang aklat na ito;Para sa kawani ng proyektong textbook ng SWF, sa kanilang napakahalagang pagtulong sa proseso ng produksiyon ng libro;At para sa aking pinakamamahal n kabiyak, Marina, dahil sa kaniyang walagsawang pagmamahal at pag-unawa na aking naging inspirasyon.

NILALAMAN

Introduksiyon

Ang Paglilitis Kay Rizal1

El Proseso de Rizal67

Si Rizal at ang Hustisya..128

Mga AppendixAppendix A...144Appendix B.147Appendix C.149

PAGLILITIS KAY DR. JOSE P. RIZAL1999 ni Cezar C. Peralejo at ng SistemangUnibersidad ng Pilipinas. Hindi maaring kopyahinang alinmang bahagi ng aklat na ito sa alinmangparaan---graphic, electronic, mechanical---nangwalang nakasulat na pahintulot sa mga mayhawakng karapatang-ari.

Unang limbag, 1999

Edgardo Tiamson, EditorGerard Rey Lico, Tagadisenyo ng aklat at pabalat

ISBN: 971-8781-97-8

LogoSENTRO NG WIKANG FILIPINOSilid Blg. 2098, Bulwagang RizalUP Diliman, Lungsod QuezonTelepono Blg. 924-47-47Fax: 920-7123

Mario I. Miclat, director UP Sentro ng Wikang FilipinoJimmuel C. Naval, katuwang na director UP-SWFHeidi A. Cabulay, tagapag-ugnay ng proyektoNora A. Garde, Rommel P. Macaraig, Gloria M. Nerviza, Alexie V. Zotomayor, at Ma. Crisanta E. Mella, mga katuwang sa produksiyonPAUNANG SALITA

I

sa mga pinakadakilang bayani ng Pilipinas si Dr. Jose Protacio Rizal. Taglay niya ang pinakamatayog at pinakamagandang asal ng isang Filipino. Sa maikli at malungkot na buhay ni Rizal, ipinamalas niya ang walang kamatayang pagmamahal sa inang bayan at sa mga Filipino, lalong-lalo na sa mga kabataan na binansagan niyang pag-asa ng bayan.Iniaalay ang munting akdang ito para sa pagdiriwang ng sentenaryo ng kalayaan ng bansang Filipino-- ang dakilang bunga ng pagkabitay ni Gat Jose P. Rizal. Marapat na unawain ang mga pangyayaring naganap sa paglilitis ng mga krimeng ipinaratang sa kaniya. Isa na rito ang usapin na siya ang utak ng rebolusyon noong Agosto 26, 1896 at ang pagkakatatag ng La Liga Filipina na sinasabing kinasangkapan sa pag-aaklas ng mga Filipino.Ayon kay Fr. Horacio dela Costa, SJ, wala pang masusing pag-aaral ang naisagawa hinggil sa katarungan ng paglilitis kay Dr. Jose Rizal. Ito ang naging batayan upang isalin ng may-akda sa wikang Filipino ang bersiyong Ingles ni Fr. Horacio dela Costa, SJ, na nakasalig naman sa manuskritong Kastila na isinulat ni Wenceslao E. Retana. Naniniwala ang tagasalin na sa pamamagitan ng aklat na ito ay magkakaroon ng pagkakataon na masuri at mapag-aralang mabuti ang mga dokumentong may kaugnayan sa paglilitis kay Rizal. Gayundin, upang mabigyan ng matibay na kongklusyon kung makatarungan ba ang ginawang pagbitay sa ating pambansang bayani.Mababasa sa librong ito ang salin ng papel na binasa ni Mahistrado Reynato S. Puno na pinamagatang Rizal and the Justice System, sa isang symposium na dinaluhan ng mga miyembro ng Scottish Rite Manson of the Philippines at ng Knights of Rizal. Sumasang-ayon ang tagasalin sa mga inilahad na katwiran ni Mahistrado Puno, gayundin sa kongklusyon nito na hindi nagkaroon ng hustisya si Dr. Jose Rizal sa pagkalitis ng usaping ipinaratang sa kanya.Kasama sa aklat na ito ang bersiyong Kastila ni W.E Retana bilang pangunahing batis ng impormasyon para sa mga mananaliksik. Makatutulong ito sa kanila sa mas malalim pang pag-aaral tungkol sa paglilitis ng mga kasalanang ipinaratang kay Dr. Jose Rizal.

INTRODUKSIYON

N

apapanahon ang akdang ito, ang salin sa wikang Filipino ng paglilitis kay Gat Jose Rizal Mercado y Alonso. Ngayon ang sentenaryo ng kabayanihan ni Gat Jose Rizal, at hindi makakaila na bibihira sa masa ng sambayanang Pilipino ang nakababatid ng mga naganap bago bitayin si Gat Jose Rizal. Ito ang nais ipahatid ni Hukom Cezar C. Peralejo sa pagsasalin niya ng paglilitis kay Gat Jose Rizal, at sa pagkaunawang iyon ay makabubuo sila ng malinaw na larawan ng kamartiran ni Gat Jose Rizal.Ito ang pinakabagong obra ni Hukom Cezar C. Peralejo sa larangan ng pagsasalingwika. Sa akdang ito ay muling pinatunayan ni Hukom Peralejo na sapol na sapol niya ang kahenyuhan at pagkamalikhain ng wikang Filipino. At bilang manananggol, tumbok niya ang mga palikaw-likaw na prosidimyento sa paglilitis kay Gat Jose Rizal.Bukod sa pagiging tagapaglawag-larangan sa sining at agham na pagsasaling legal sa Plipinas, si Hukom Peralejo ay tagapagmalinaw na rin ng malabong yugto ng kasaysayan. Ito ay nagawa niya sa pamamagitan ng wikang Filipino, ang wika ng sambayanang Filipino.Mabuhay si Hukom Peralejo sa kaniyang malaking ambag sa pagdiriwang ng sentenaryo ng mga bayani sa Pilipinas.

PONCIANO B.P PINEDA, Ph.D.Komisyon sa Wikang Filipino

ANG PAGLILITIS KAY RIZAL

Ang unang kasulatan sa salansang ito ay isang opisyal na komunikasyon ni Heneral Blanco petsado Maynila, 2 Disyembre 1896, na ipinarating kay Rafael Dominguez opisyal na nagsisiyasat, ang isang salin ng mga opisyal na record na tumutukoy sa pinaghihinalaang si Rizal y Mercado Alonzo, napipiit na komunikado sa Real Fuerza de Santiago na iniharap sa kaniya ng opisyal na nagisisiyasat na si Francisco Olive noong 26 Nobyembre. Idinagdag ni Blanco sa isang pahabol na sulat:Ang saling-kasulatang ito ay inihaharap sa inyo bilang opisyal na tagasiyasat, sa tulong ng eskribano ng hukuman na hinirang ninyo para sa bagay na ito, masisimulan na ninyo ang pagsisiyasat sa usapin sa lalong madaling panahon. Ipinababatid ko sa inyo na ang nabanggit na si Jose Rizal y Mercado Alonzo ay nakapiit na inkomunikado sa Real Fuerza de Santiago, at siya ay nasa disposisyon ninyo.Ang paghirang kay Kabo Juan Gonzales Garcia ng Regimiente Setenta y Cuatro de Manila, isang Kastilang peninsular, ay pinagtibay noong 3 Disyembre 1896. ___________________________________Naging tanyag si Ramon Blanco y Erenas (1833-1906) bilang isang opisyal sa Carlist Wars; hinirang na Gobernador Heneral ng Cuba, 1871-1881, at Gobernador Heneral ng Pilipinas, 1893-1896. Pinalitan siya ni Polavieja noong Disyembre 1896, nang kasalukuyang nililitis si Rizal.Ang juez e instruccin ay hindi talagang isang huwes kundi isang tagasiyasat. Tungkulin niya ang magsasagawa ng isang panimulang pagsisiyasat upang alamin kung ang isang pinaghihinalaang taong dinakip ay dapat maiharap sa paglilitis nang ayon sa batas.Ang isang Kastilang peninsular ay isang Kastila na isinilang sa Espanya, iba sa mga purong Kastila na isinilang sa kolonya, na karaniwang tinatawag na criollos.___________________________________Sa araw ding iyon, tinanggap ng hukuman ang kopya ng testimonyang binanggit sa itaas, nasasaad doon ang sumusunod:Salaysay ng mga paratang laban kay Dr. Jose Rizal Mercado y Alonzo, halaw sa kasong inihanda sa naturang hukuman (ang tribunal military ng Maynila) laban kay Benedicto Nijaga, et al. para sa mga krimeng rebelyon at ilegal na samahan. (Opisyal na Tagasiyasat: Kabo Francisco Olive Garcia, Impanterya: Eskribano ng Hukuman: Unang Tenyente Jose Fandos Novella, ng Rehimiyento No. 73)

Folios 2293 hanggang 2230 vueltoDeklarasyon sa pagtatanong sa detenidong manggamotNa si Jose Rizal Mercado y Alonzo

Sa Maynila, noong 20 Nobyembre 1896, ang taong binabanggit sa folio ay humarap sa kaniyang kamahalan at sa kasalukuyang sekretaryo ng hukuman; at matapos ang karampatang pagtatanong at paalalahanan ng Kaniyang Kamahalan ng kaniyang pananagutang magsabi ng katotohanan, nagsalaysay siya ng sumusunod: Ang kaniyang pangalan ay Jose Rizal Mercado y Alonzo, tubong Calamba, lalawigan ng Laguna, nasa hustong edad, binata, doctor ang propesyon, at hindi pa nahaharap sa paglilitis.Sa tanong kung kilala ba niya si Pio Valenzuela kung magkamag-anak o magkaibigan sila, kung magkaaway sila at kung itinuturing ba niya itong isang kahina-hinalang taoSagot: Noong siya ay nasa Dapitan, nakilala niya ang isang manggagamot na nagngangalang Pio, na nagdala sa kaniya ng isang pasyenteng maysakit sa mata. Hindi niya dating kilala ang naturang tao at hindi na niya nakitang muli ito. Itinuturing niya na kaibigan ang taong iyon higit sa anupaman, dahil sa mga kabutihan nito sa pamilya ng bilanggo sa panahon ng paglalayag, at sa regalo niya sa kaniya na isang botikin.Sa tanong kung kilala ba niya si Martin Constantino Lozano, kung magkamag-anak o magkaibigan sila, kung magkaaway ba sila, o itinututuring ba niya itong kahina-hinalang tao.______________________________________Ang mga deposisyon ni Pio Valenzuela ay maaaring sangguniin sa archive del bibliofilo Filipino. W.E. Retana, ed., III (Madrid, 1897), 199-230, 235-256, 347-352, 356-361, 366-367, 375-388.Tingnan ang deposisyon ni Constantino sa pahina _?______________________________________Sagot: Wala siyang kilalang tao na may ganoong pangalan, pero maaaring makilala niya ito kapag nakita niya.Sa tanong kung kilala ba niya si Aguedo de RosarioSagot: Wala akong kilalang tao na ganoon ang pangalan ngunit maaari kong makilala kung personal kong makikita ang taong iyon.Tanong: Kilala ba niya si Jose Reyes y Tolentino?Sagot: Hindi niya kakilala si Jose Reyes y Tolentino.Sa tanong kung kilala ba niya si Antonio SalazarSagot: May kilala siyang tao na Salazar ang apelyido. Siya ang may-aring ng Bazar del Cisne na binibilhan ng bilanggo ng kaniyang sapatos, pero hindi niya ito kilala nang personal at hindi niya alam kung Antonio ang pangalan nito.Sa tanong kung kilala ba niya si Jose DizonSagot: Narinig na niya ang pangalang iyon na isang mang-uukit, pero hindi niya kilala ito ng personal.Sa tanong kung kilala ba niya si Moises SalvadorSagot: Nakilala niya si Moises Salvador noong 1890 sa Madrid. Hindi sila magkamag-anak, pero nagtuturingan na sila noon bilang magkababayan. Hindi niya itinuturing na may kahina-hinalang pagkatao ang taong iyon.Sa tanong kung kilala ba niya si Domingo Franco, isang mangangalakal ng dahon ng tabako at naninirahan sa Nagtajan. Sagot: Hindi.Sa tanong kung kilala ba niya si Ireneo Francisco._________________________________Tingnan ang deposisyon ni del Rosario sa pahina _.Cf. Archivo III, 237-255, 269-280.Cf. Ibid III, 280-290 Ibid III, 290-297, 301-305. Ibid. III, 305-310, 319-325, 342-345._________________________________Sagot: Hindi.Sa tanong kung kilala ba niya si Deodato ArellanoSagot: Nakilala niya ito, sapagkat nang magbalik sa Maynila ang deklarante noong 1887, binisita siya nito para batiin siya dahil sa kaniyang Noli Me Tangere; na noong 1890 nagkaroon ng alitan ang deklarante at si Marcelo H. del Pilar, bayaw ni Deodato Arellano, at nalaman niya na siniraan siya nitong huli at nagpahayag pa ito na mabuti ngang ipinatapon siya sa Dapitan; sa dahilang itinuring niya ito na isang kahina-hinalang tao.Sa tanong kung kilala ba niya si Tenyente Ambrosio Flores, Presidente ng Kongreso Rehiyonal ng Masoneriya sa PilipinasSagot: Hindi niya kilala ito nang personal o maging sa pangalan.Sa tanong kung kilala ba niya si Teodoro PlataSagot: Hindi niya kilala ito nang personal o maging sa pangalan.Sa tanong kung kilala ba niya si Ambrosio SalvadorSagot: Nakilala niya ito dahil sa ama siya ni Moises Salvador na ipinakilala sa kaniya nitong anak.Sa tanong kung kilala ba niya si Bonifacio ArevaloSagot: Nakilala niya ito sapagkat isang araw ng Linggo ay nakapaghapunan ang deklarante sa bahay ni Bonifacio Arevalo, pero hindi na niya ito nakita mula noon.Sa tanong kung kilala ba niya si Timoteo PaezSagot: Nakilala niya ang taong iyon noong 1892, dahil ipinakilala ito sa kaniya ni Pedro Serrano, na kapalagayang-loob niya noong mga petsang iyon, pero pagkatapos, nalaman ng deklarante sa Dapitan na laban pala ito sa kaniya.Sa tanong kung kilala ba niya si Francisco CorderoSagot: Hindi niya kilala ito ng personal o maging sa pangalan.Sa tanong kung kilala ba niya si Estanislao Legazpi, na nakatira sa No. 36 Calle de Encarnacion, TondoSagot: Hindi niya kilala ito nang personal o maging sa pangalan, pero natatandaan niya ang lagda ni Legazpi sa isang sulat kay Marcelo H. del Pilar o sa ibang tao.Sa tanong kung kilala ba niya ang magkapatid na Alejandro at Venancio Reyes, na mga sastre sa EscoltaSagot: Natatandaan niya na may kilala siyang kamag-aral sa kolehiyo na may apelyidong Reyes at may sastreriya sa Escolta na pinagpatahian niya ng terno; pero ang naturang tao ay isang kakilala lamang.Sa tanong kung kilala ba niya si Arcadio del RosarioSagot: Nakilala ito ng deklarante noong musmos pa ang huli sa Maynila at pagkatapos sandali silang nagkasama sa Madrid.Sa tanong kung kilala ba niya si Apolinario MabiniSagot: Na hindi niya kilala ito nang personal ni sa pangalan.Sa tanong kung kilala ba niya si Pedro SerranoSagot: Nakilala niya ang taong iyon sa Maynila noong 1887, at pagkaraan ay sa Europa nang maging magkaibigan sila. Ngunit ng lumaon, nalaman ng deklarante na ang taong iyon ay may lihim na galit sa kanya, kaya itinuring niya itong may kahina-hinalang pagkatao.Sa tanong na bukod sa pagdadala ng pasyente sa kaniya sa Dapitan, ano pa ang dahilan ni Pio Valenzuela sa pagpunta roon? Ano ang pinag-usapan nila? At ano ang sinabi niya rito?Sagot: Na sinabi ni Don Pio sa deklarante na magkakaroon ng paghihimagsik at nag-aalala sila sa mangyayari sa deklarante sa Dapitan. Sinabi sa kaniya ng deklarante na hindi napapanahon para magtangka ng mga pakikipagsapalaran, sapagkat walang pagkakaisa sa ibat ibang elemento sa Fiipinas, ni wala silang mga armas, ni mga barko, ni kaalaman, o anupamang mga kinakailangan sa pakikipaglaban. Kailangang matuto sila sa nangyari sa Cuba, na kahit na may sapat silang kakayahan, may tulong mula sa isang malakas na bansa, at mga bihasa sa pakikipaglaban, hindi pa rin nila makayang abutin ang kanilang mga hangarin, at kung anuman ang maging bunga ng labanan, makabubuti para sa Espaa na pagkalooban niya ng mga konsesyon ang Filipinas. Dahil dito, ipinalagay ng deklarante na kailangang maghintay.Sa tanong kung ang deklarante ba ang nagtatag ng samahan ng mga Filipino sa Madrid, anong pangalan ang ibinigay sa nasabing samahan? Ano ang layunin at adhikain nito?Sagot: Na may pangalan o katawagan ito na hindi niya maalala sa mga sandaling ito, na nagtatag ang deklarante ng isang Asosasyon ng mga Filipino sa Madrid, na hindi ito nagtagal, at ang layunin ay iangat ang antas ng moralidad ng mga Filipino na naninirahan doon.Sa tanong kung ano ang kaugnayan ng tinukoy sa samahan at ng pahayagang La SolidaridadSagot: Na wala silang kaugnayan sa isat isa. Na ginawa ni Marcelo H. del Pilar na kapwa makontol ang La Solidaridad at ang naturang asosasyon. At nang matanto ng deklarante ang mahigpit na pagtutol ng nabanggit na si Marcelo sa kaniyang kagustuhan na hindi dapat mangyari ang gayong pamumuno ng Samahan, Nagbitiw siya sa pagkapangulo ng Samahan at nagtungo sa Paris. Sa tanong na kung ano ang mga layuning pampolitika ng naturang samahanSagot: Na iyon ay walang anumang layuning pampolitika. Ang politika ay larangang inilaan sa pahayagang La Solidaridad, na nasa ilalim ng pamamatnugot ni Marcelo H. del Pilar.Sa tanong na kung nagtalaga ba ang deklarante ng sinuman para magtatag ng mga lohiya masonika sa Filipinas, o siya mismo ang nagtatag niyon.Sagot: Na maaari niyang tiyakin na hindi siya nagkaroon ng anumang pakikialam sa masoneriya sa kapuluang ito.Sa tanong na kung siya ba ang may-akda ng reglamento ng isang samahang tinatawag na La Liga at kanino niya ipinadala ang mga nasabing batas at para sa anong layuninSagot: Na dumating ang deklarante sa Hongkong noong 1891 at tumira siya sa bahay ni Jose Basa. Sa mga pag-uusap nila tungkol sa tema, sinabi nito sa deklarante na naging malaki ang tagumpay ng Masoneriya sa Filipinas, subalit maraming inirereklamo ang mga mason tungkol sa pamamalakad nito; at sa udyok ni Jose Basa sa deklarante, isinulat niya ang mga estatuto at reglamento ng isang samahan na tinatawag na Liga Filipina, batay sa mga pamamaraan ng mga mason.Sa tanong kung ano ang adhikain at layunin ng pagtatatag ng Liga FilipinaSagot: Na layunin ng samahan na maisakatuparan ang pagbubukod ng ibat ibang uri ng mamamayan sa bansa upang mapaunlad ang kalakalan sa pamamagitan ng pagtatag ng isang uri ng samahang kooperatiba.Sa tanong na ano ang mga layuning pampolitika ng naturang Liga FilipinaSagot: Na sa ngayon ay hindi matandaan ng deklarante na may naipahiwatig siya na kahit anumang layuning pampolitika doon sa mga estatuto; na ibinigay niya kay Jose Basa pero hindi niya matandaan kung kanino niya (Basa) iyon ipinadala.Sa tanong na kung may sinulatan siya para himuking alamin nito ang mga estatuto ng La LigaSagot: Na maaaring may nasulatan siya pero sa ngayon ay hindi na niya matandaan.Sa tanong kung noon bang Hunyo 27 at 28, 1892 ay nagbiyahe siya nang balikan sa Lalawigan ng Tarlac na kasama si Pedro Serrano, at sa anumang dahilanSagot: Ni hindi niya matandaan ang petsa pero malamang na noong Hunyo 30 at Hulyo 1 nang sumakay siya sa tren sa Malolos papuntang Tarlac, nakatagpo niya si Pedro Serrano na kasama ang isang kabataang lalaki na pakilala niya (Serrano) na si Timoteo Paez. Sinamahan nilang dalawa ang deklarante sa biyahe nito, na ang layunin ay mabatid ng tungkol sa perokaril at sa mga lalawigan; noon ay nailatag ang mga riles, na natatapos sa Tarlac.Sa tanong na kung sa pagunguna ng deklarante ay idinaos ang isang pulong sa bahay ni Doroteo Ong-junco bago o pagkaraan ng kaniyang biyahe sa TarlacSagot: Na dumalo siya sa naturang pulong ngunit hindi ang deklarante ang nagpasimuno nito. Naganap ang pulong ilang araw pagkaraang magtungo siya sa Tarlac; na sinabi ni Timoteo Paez sa deklarante, na ilang Filipino ang nagnanais na makita at mabati siya at hindi niya tinutulan ito at dumalo siya sa pulong na kasama si Timoteo Paez.Sa tanong na ano ang pinag-usapan sa naturang pulongSagot: Na pinag-usapan ang Liga Filipina at ang Masoneriya at natatandaan niya na nagsalita si Pedro Serrano at ipinanukala nito na pagsamahin ang Liga at Masoneriya, sa pamamagitan ng pagsisikap na mabigyan ng pansin ang mga reklamo at unasan ang mga ito, na sa palagay ng deklarante ay tinanggap niya ang panukala dahil sa maayos silang naghiwa-hiwalay.Sa tanong na nang magsalita ang deklarante sa pulong sa bahay ni Doroteo Ong-junco sinabi niya na humigit-kumulang ang sumusunod: Na para sa kaniya, lubos na pinanghihinaan ng loob ang mga Filipino at wala silang adhikain na maging isang bansang marangal at Malaya, kung kaya lagi na lamang silang nasa kapangyarihan ng mga awtoridad na umaabuso sa kanila, tulad nang binanggit na niya kay Heneral Despujol sa isa sa kanilang mga pag-uusap; na ang mga abuso ay dala ng kapangyarihang diskresiyonal ng mga gobernador at kailangang pag-isipan ito; na sa kabila ng mga payo ng ilang kaibigan na pumipigil sa kaniya sa pagpunta sa Maynila, sa pangamba sa pinsala na maaaring gawin sa kaniya ng kaniyang mga kaaway ay nagpunta pa rin siya upang makita nang personal ang kalagayan, at ayusin ang hidwaan ng mga tagapagtaguyod ng propaganda, at naisaayos niya ang pagkakahati-hati ng mga Filipino sa Madrid nang pumunta siya sa Europa, at sa kabila ng lahat mabuti pa rin niyang kaibigan si Marcelo H. del Pilar. Pagkatapos, ipinahayag ni Rizal ang kahalagahan ng pagtatatag ng Liga, alinsunod sa mga regulasyong binabalangkas niya at para matupad ang mga layunin nito; mga alintuntunin na dapat malaman ng lahat; na sa pamamagitan ng Liga ay mapagyayaman ang mga sining, ang mga industriya, ang komersiyo, at ang bayan, kung mayaman ito at nagkakaisa ang sambayanan, matatamo nila ang kanilang sariling kalayaan at maging ang kanilang kasarinlanSagot: Na sumasang-ayon siya tungkol sa mga maaaring naipahayag niya sa pulong sa bahay ni Doroteo Ong-junco sapagkat naipahayag na niya ang katulad na mga pananaw nang maraming ulit, pero, hindi niya matiyak na sinabi nga niya ito sa tinukoy na pulong. Na tungkol naman sa kawalan ng pag-asa at pagkakahiwahiwalay ng mga Filipino, hindi maaaring sabihin ng deklarante ang bagay na iyon, sapagkat siya ay lubos na naniniwala sa kabaligtaran niyon nang makita niya kung paano lumaganap ang Masoneriya nang higit kaysa inaasahan. Gayundin, hindi masasabi ng deklarante na nagawa niyang mapagkasundo ang mga Filipino sa Madrid, hanggang sa punto na nagkakaroon pa nga ng tunggalian sa kanila.Sa tanong na bago ba natapos ang pulong sa bahay ni Doroteo Ong-junco, nagkaroon ba ng halalan ng mga opisyal para sa organisasyon ng mga Gawain ng Liga at kung nahalal na pansamantalang Presidente si Ambrosio Salvador at Sekretaryo si Deodato Arellano, at iminungkahi ng deklarante kay Ambrosio ang mas maraming aktibidad, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan ng mga kasapi.Sagot: Na totoong nangyari nga iyong mga itinanong sa kaniya, maliban iyong tungkol sa pagkahalal kay Deodato Arellano bilang sekretaryo, dahil ni hindi alam ng deklarante kung dumalo ng pulong si Arellano.At sa puntong ito ipinasiyang pansamantalang itigil ng kaniyang kamahalan ang pagkuha ng deklarasyon JOSE RIZAL FRANCISCO OLIVE-MIGUEL PEREZ (Sekretaryo)(Ang pagtatanong ay ipinagpatuloy nang sumunod na araw.)Folios 2301-2304, PagpapatuloyNg pagtatanong kay Jose Rizal y Alonzo,manggagamot

Sa Maynila noong 21 Nobyembre 1896, humarap si (Jose Rizal) na nagpahayag ng kaniyang pagsang-ayon, pagpapatunay, at pagpapatibay sa deklarasyon, subalit kinailangan gawin ang pagtutuwid sa ilang detalye na higit na malinaw na natatandaan ng deklarante. Matapos na siya ay paalalahanan ng Kanyang Kamahalan na kailangang magsabi siya ng katotohanan, itinanong na sa kanya kung dumalo siya sa isang pulong na ginanap noong Hunyo o Hulyo 1892 sa bahay ni Estanislao Legaspi, Kalye Encarnacion, Tondo; at kung sa bahay na iyon ay ipinakilala siya nina Juan Zulueta at Timoteo Paez.Sagot: Na sa pagtigil niya sa Maynila noong mga panahong iyon, siya ay kumain araw-araw sa ibat ibang bahay, at maaaring nakakain nga siya sa bahay ni Estanislao Legaspi, pero wala siyang matandaang anumang bagay tungkol kay Legaspi ni ang bahay ni ang handaan. Gayuman, may natatandaan siyang apelyidong Legaspi, na akala niya ay isang alyas nang makita niya ito sa Hongkong sa ilang liham kay Jose Basa.Sa tanong na siya ba ang nanguna sa pagbabagong-tatag ng Liga Filipina na naganap noong mga unang buwan ng 1893Sagot: Na wala siyang alam tungkol sa pagbabagong-tatag ng Liga ni hindi nanguna ang deklarante para sa nasabing layunin, ni nagkaroon ng anumang kaugnayan sa naturang samahan.Sa tanong kung kilala ba niya si Andres Bonifacio, pangulo ng Konseho Supremo ng Katipunan at nagkaroon ba siya ng anumang pakikipag-ugayan sa nasabing taoSagot: Na wala siyang taong kilala na may gayong pangalan, sa dahilang ngayon lamang niya narinig ito at hindi rin niya kilala nang personal, kahit pa dumalo siya sa pulong sa bahay ni Doroteo Ong-junco, na doon maraming tao ang ipinakilala sa kaniya at ni hindi niya matandaan ang kanilang mga pangalan ni ang kanilang mga mukha.Sa tanong na paano maipaliliwanag ng deklarante kung bakit ang kaniyang larawan ay kasama sa mga larawan ng mga kasapi ng naturang samahanSagot: Hinggil sa larawan dahil nagpagawa ang deklarante ng pangkaraniwang sukat niyon sa Madrid, maaaring nakakuha sila ng isang kopya ng larawan. Hinggil naman sa paggamit bilang pandigma sa pangalan niya, hindi batid ng deklarante ang motibo, yamang wala siyang ibinigay na dahilan para gawin nila iyon, at itinuturing niya ito na walang kapatawarang abuso; na napag-alaman nga niya sa kaniyang pamilya na ginagamit ang pangalan ng deklarante para makalikom ng pondo para sa kaniya, at bukod sa pagbibigay-alam nito sa komandante politiko-militar ng Dapitan para maparating naman niya ito sa Kagalang-galang na Gobernador Heneral, hinikayat ng deklarante ang kaniyang pamilya na ikalat ang balita sa pamamagitan ng kanilang mga kakilala na hindi siya nanghihingi ng limos; na siya ay may sapat na pondo para sa lahat ng kaniyang mga pangangailangan na kinita niya sa kaniyang propresyon at sa napanalunan niya sa loterya.Sa tanong kung nabatid ba niya na para ipaalam sa kaniya na pinag-iisipan na itakas siya sa Dapitan Sagot: Na nakarating sa kaniya ang mga bali-balita tungkol sa gayong pagtatangka, pero walang tahasang nagsabi sa deklarante tungkol doon, at hindi siya makapapayag na lisanin ang Dapitan sa gayong paraan, maliban kung sapilitan nilang kunin siya at kung gawin ito nang walang bahala.Sa tanong kung hayagan bang nakikiisa at tinatangkilik ng mga taong kilala o maipluwensiya sa anumang bagay sa kapuluan ang mga idea ng deklaranteSagot: Na wala siyang alam tungkol sa sinumang maimpluwensiya o kilalang tao na nakikiisa o tumutulong sa pagtatamo ng kaniyang mga adhikain maging hayagan o palihim man at sa katunayan nga, mga taliwas na pruweba ang mga natanggap niya.Sa tanong na kung kilala ba niya si Jose Ramos at Doroteo Cortes, at ano ang kaugnayan niya sa mga itoSagot: Na nang unang magbalik ang deklarante galing Europa, bahagya niyang nakapalagayan si Jose Ramos sa Maynila. Pero sa pangalawang pagbabalik niya galing sa Europa, hindi na niya nakausap o nakita man lamang si Jose Ramos. Tungkol naman kay Doroteo Cortes, nakilala ito sa mukha ng deklarante noong estudyante pa lamang siya pero hindi niya ito nakausap kahit kailanman; at sa palagay pa nga niya ay galit sa kaniya si Doroteo Cortes, sapagkat ibinibintang nitong huli ang pagkakapatapon niya sa deklarante.Sa tanong na kung nangyaring nakatakas siya sa Dapitan sa anupamang paraan, kailangan ba ng deklarante na magpunta sa Hapon at sumama kina Doroteo Cortes at Marcelo H. del Pilar upang humingi ng tulong sa Pamahalaang iyon para sa mga FilipinoSagot: Na wala siyang nalaman na ganoong plano at na iyong mga nagkakalat ng ganoong balita, tiyak na hindi nila batid ang hidwaan na namamagitan kay Doroteo Cortes at sa deklarante, na sadyang pipigil sa kanila para magtulungan sa anumang bagay.Sa tanong na ano ang layunin at mga hakbang na nagawa na ng deklarante para magtayo ng isang Kolonya Filipina sa SandakanSagot: Na hindi isang Kolonya Filipina sa Sandakan ang iminungkahi ng deklarante, kundi makapanirahan sa Kolonya Inglesa na iyon kasama ng kaniyang pamilya, tulad ng sinabi niya sa kagalang-galang na Henera Despujol sa isang sulat mula sa Hongkong at sa pasalita, nang pumunta ang deklarante sa Maynila.Sa tanong na pagkatapos maipakita sa deklarante na may isang tala na nakuha sa mga nasamsam na papeles, tungkol sa paglihis ng bruhula sa gawi ng Dapitan, ano ang layunin ng naturang talaSagot: Na ang tala na ipinakikita ngayo sa deklarante ay ibinigay sa kaniya ni Padre Sanchez (S.J.) nang regaluhan siya nito ng isang bruhula noong nasa Dapitan siya at ang naturang tala ay isang obserbasyong ginawa, na ayon sa palagay ng deklarante, ni Padre Cirera.Sa ganitong punto ipinasiya ng kaniyang kamahalan na itigil muna ang pagkuha ng deklarasyon. Sinang-ayunan, pinatotohanan, at pinagtibay ng deklarante, Jose Rizal y Alonzo-Francisco Olive-Miguel Perez (Sekretaryo)Sumunod ang mga sinipi sa deklarasyon nina Pio Valenzuela Alejandrino, Martin Constantino Lozano, Aguedo del Rosario Llamas, Jose Reyes Tolentino, Antonio Salazar y San Agustin, Jose Dizon y Matanza, Moises Salvador y Francisco, Domingo Franco y Tuazon, Irineo Francisco Quizon, Deodato Arellano y Cruz, Ambrosio Salvador, Timoteo Paez, Pedro Serrano y Lactao. Itinala ni Retana ang sumusunod na dalawang deposisyon. Folios 723 at 723 verso. Deposisyon ngIndio na si Martin Constantino Lozano

____________________________________Deposisyon- Nakasulat na sinumpaang salaysay ng isang saksi na ibinigay sa labas ng hukuman at tinanggap nito bilang katibayan laban sa isang paring nasangkot sa usapin.____________________________________Ang deponente (ang nagdeposisyon) ay tubong Bulacan, guwardiya de segunda ng Cuerpo Municipal, pagkaraang ipahayag niya na kaanib sa Katipunan ang maraming katutubong karabinero na nabibilang sa ibat ibang ranggo, na ang pagsapi nila rito, ang layunin at pakay ng nasabing samahan ay ang pagpatay sa lahat ng Kastila at pagpapahayag ng kasarinlan ng bansa, sinabi niya na sa sandaling mapatay na ang lahat ng Kastila, si Rizal ang magiging Punong Supremo na maninirahan sa loob ng siyudad.Maynila, 9 Setyembre 1896, Martin ConstantinoFolios 915-921Salaysay ni Aguedo del Rosario

Matapos ipahayag ng nasabing tao na tubo siyang Boa, Lalawigan ng Mindoro at enkuadernador ang hanapbuhay niya, isinalaysay niya, bukod sa iba pang bagay, ang sumusunod: Si Rizal, ang pangulong pandangal ng Katipunan, nakatanghal ang kaniyang larawan sa bulwagang pulungan ng Konseho Supremo, at ipinagbigay-alam ni Pio Valenzuela kay Rizal na patuloy na hinihiling ng sambayanan ang armadong pag-aalsa. Na sa Junta Magna na kinabibilangan ng masasalaping aristokrasya na nagbibigay ng lubos na moral at material na suporta sa adhikain at gawain ng Katipunan. Ang mga pasya ay ipinararating sa pamamagitan ng miyembro nito na si Ambrosio Salvador o Andres Bonifacio. (Naging Ministro de Gobernasyon ng magiging Republika ang deklarante.) Sinasang-ayunan ko ang deklarasyong ito na kusang-loob kong ginawa at pinatutunayanan ko ang nilalaman nito.Aguedo del Rosario.Nag-utos ang Huwes noong 3 Disyembre 1896 na padalhan ng opisyal na komunikasyon ang Goberador para ipadala nito ang partida de bautismo, mga ulat hingil sa pagkatao ng akusado. Nang araw ding iyon, nag-utos ang Huwes na padalhan ng opisyal na komunikasyon ang Gobernador Heneral na humihingi ng mga naunang ulat hinggil sa pagkatao ng akusado.Itinala ng Hukuman ang pagkatanggap nito ng dalawang orihinal na kasulatan at mga sipi ng iba pa na may kalakip na liham mula kay Koronel Olive, opisyal na tagapagsiyasat ng Pangkalahatang Punong Himpilan, may petsang Maynila 4 Disyembre 1896.Ang unang orihinal na kasulatan ay isang sulat-kamay ni Padre Cirera na nagsasaad ng sumusunod:__________________________________Basahin Leo A. Callum, S.J.. Francisco de Paula Sanchez, 1849-1928. Philippine Studies VIII/2 (Abril, 1960), 334-361.__________________________________Ang maliit na compass ni Padre Sanchez ay may kamaliang instrumental na humigit-kumulang na 3. Ang paglihis na ito ay nakaturo sa Kanluran.Kung isasaalang-alang ang kinaroroonan ng Dapitan, ipinalalagay naming na para tumuro sa eksaktong Hilaga ang linyang Hilaga-timog ng paraluman, ang karayom ay dapat na nasa 40 minuto sa Kanluran (mga unang titik ng pangalan) R.C.SJ.Maynila, 18 Agosto 1892Ang pangalawang orihinal na kasulatan ay nagsasaad ng mga sumusunod:Para sa kaluwalhatian ng Dakilang Lumikha ng Sandaigdigan. Para sa kaluwalhatian ng Dakilang Arkitekto ng Sansinukob.Ang Gran Logia Central Nilad ng mga Una, Malaya, at Tinanggap na Mason na kaanib ng Gran Oriente Espaol (may punong himpilan sa Madrid), ay nagpapaabot ng Kalusugan, Lakas, Pakikiisa sa aming mahal na kapatid na si Dimasalang at ipinababatid sa kaniya na sa ordinaryong pulong noong nakaraang 31 Enero nagkasundo ang cuadro na ito na italaga ang nabanggit na kapatid bilang Venerable de Honor nitong Kagalang-galang na Gran Logia bilang pagkilala sa kaniyang katangi-tanging paglilingkod alang-alang sa kaniyang tinubuang lupa, at inatasan ang nakalagdang Kagalang-galang na Kalihim na ipabatid sa kaniya ang bagay na ito.Gayundin, ipinababatid na kayo ay padadalhan ng isang kopya ng planong pagbabagong-tatag ng Masoneriya na iniharap ng nakalagda sa Gran Oriente ng Espaa, na nagkaloob sa amin ng lubos na kapangyarihang itatag ang isang nagsasariling pamilya, na siyang ginawa naming, at itinayo namin ang mga haligi nang nakaraang 6 Enero.Ipinaabot ko ang nabanggit para sa inyong kabatiran.Tanggapin ninyo, minamahal na kapatid, ang halik ng kapayapaan na ipinaabot sa inyo ng mga manggagawa sa talyer na ito.Paalam. Galing Maynila, 9 Pebrero 1892 ng Panahong KasalukuyanPanday Pira, Tercer grado.Ang sipi ng mga kasulatang ipinadala ni Huwes olive ay pinasimulan sa pamamagitan ng mga sumusunod na kataga:__________________________________ Pedro Serrano Laktaw__________________________________

Natulasan ng mga Guardia Civil Veterana sa bodega ni Ginoong Fresell ang mga kasulatan sa Tagalog at kodigo na ari ni Andres Bonifacio. Isinalin sa Kastila at nilagyan ng numero. Bukod sa ibang bagay, si Dr. Rizal ay tinutukoy gaya ng sumusunod:Sa mga sumsunod na kasulatan, ang mga nagsasaad na sa palagay ng opisyal na nagsisiyasat ay makabukuhan, ay sinipi nang buong-buo; ang iba ay inilahad nang buod.Liham ni Antonio Luna:Madrid, 16 Oktubre 1888.

Mahal na kaibigang Mariano (Ponce):

Sinabi ni Rizal na si Lete (isang Filipino na nag-aaral ng abogasya sa Madrid, patnugot ng pahayagang Espaa en Filipinas) ay walang kakayahan sa malalaking gawain. Konsultahin mo siya tungkol sa pagiging patnugot ng peryodiko ni Llorente. Kilala ni Rizal ang dalawang iyon; alam din niya ang kakayahan ni Llorente sapagkat ito ay matalik niyang kaibigan. Kapwa matalino ang dalawang ito, at mataas ang pagtingin ni Rizal kay Llorente. Hingin mo ang kaniyang payo at timbangin mong mabuti ang sasabihin niya sa inyo. Sabihin mo sa kaniya na nahimok ko si Llorente na tanggapin ang pagiging patnugot. Kumusta na lamang at konsultahin mo si Rizal tungkol sa bagay na ito.

Sumasainyo,

ANTONIO.

P.S. Punitin mo ang liham na ito pagkabasa mo. Ibigay mo agad sa akin sa lalong madaling panahon ang direksiyon ni Rizal sa Londres.

Liham ni Carlos Oliver:Barcelona, 18 Setyembre 1891.Pelayo, 11, 4, 2

Mahal na Ginoo:

Tama siguro kung tatawagin ninyo akong atribido sa pagsulat ko sa inyo kahit hindi ninyo ako kakilala; hindi ang abang tao na lumagda sa liham na ito, kundi ang isang makabayan na sa kaniyang kaliitan ay nagnanais na makiisa sa muling pagbabangon ng naaping Bayan. Malungkot kaming lahat nang malaman naming na sa mga kagalang-galang na miyembro ng Komiteng iyon ay umiiral sa kasalukuyan ang isang suspetsa laban sa kaibigang si Rizal. Sa isa sa mga liham sa akin ni Rizal, isinulat niya ang sumusunod, at buong-buo kong sisipiin. Labis akong nasasaktan sa pagtuligsa nila sa akin, na sumisira sa aking reputasyon sa Filipinas. Nakahanda ang kalooban ko rito basta ipagpapatuloy ng papalit sa akin ang nasimulang gawain. Itatanong ko lamang sa mga nagsasabing ako ang sanhi ng pagkakahidwaan ng ma Filipino: mayroon na ba tayong matibay na pagkakaisa bago ako pumasok sa politika? Mayroon bang kinikilalang lider na nais kong ibagsak ang pamumuno? Nakalulungkot na sa pagka-alipin, tayo-tayo ang nagsasabuyan ng putik!

Ikinagagalak kong malaman ang inyong masugid na pagsisikap na makapagsimula ng isang pahayagan. Umaasa ako na itoy may mga layuning tulad sa Solidaridadisang karagdagang tagapamahayag ng sambayan. Pagkabasa nito, iyong nakatatanaw ng kinabukasan ng Filipinas, iyong nakababatid nito ay alam na manganganib ito sa munti mang disgrasya, bilang biktima ng pinakamalupit na opresyon, tinanong ko siya: Ganito ba ang iginaganti sa taong buong pagkamakabayan at walang bahid ng pag-iimbot na kinalimutan ang sarili para ialay ito (sa Bayan) sa pamamagitan ng pagtatrabaho para sa kapakanan nito, para makasama ng kaniyang mga kapatid, palakasin ang loob nila at papaghandain sila para sa oras ng pakikibaka? Iyong naniniwala pa sa isang Maykapal ay hindi maaaring hindi makita sa taong iyon ang taong probidensiyal na isinugo niya sa atin, para akayin tayo sa lupang pangako ng Kalayaan. Hindi ko na kailangan ipaalala pa sa inyo ang nararapat na pag-iingat tungkol sa bagay na ito.

Matapat na sumasainyo,

CARLOS OLIVER.

Liham ni Rizal Segundo. (may petsang Maynila, 17 Setyembre 1893). Sinasabi niya na noong 16 Setyembre, sina Doroteo Cortes at Ambrocio Salvador ay dinakip sa kani-kanilang bahay at iniharap sa gobernador sibil na kaagad nagpatapon sa kanila sa distrito ng Principe at Bontoc. (Labis na ikinalulungkot ng sumulat ang kasalukuyang kalagayan ng mga Filipino, mga biktima ng tumitinding paniniil. Para sa patnugot ng Hongkong Telegraph ang liham. Ibinibintang niya sa mga prayle ang pagpapatapon sa mga nabanggit na tao na itinuturing na mga kaibigan ni Rizal).

Liham ni Ildefonso LaurelMaynila, 3 Setyembre 1892.G. Jose RizalDapitan

Mahal na Kaibigan at Kababayan:

Pagdating ko rito galing sa Bahia ay nabatid ko ang inyong malungkot na sinapit. Gayunman, sinabi sa akin ng iyong ama, isang gabing dumalaw ako sa bahay, na kayo ay maaaring mapatawad sa lalong madaling panahon. Labis naming ikaliligaya kung totoo nga ang balitang ito! Lagi kayo nilang hinihintay, bilang kanilang manunubos at tagapagligtas. Huwag kayong mag-alinlangan sa katapatan ng inyong mga kababayan. Kasama ninyo silang iniyakan ang pagtataksil na kayo ang naging biktima at nakahanda silang magbubo ng dugo para sa inyong kaligtasan at sa kaligtasan ng ating bayan. Kinukumusta kayo nilang lahat sa pamamagitan ko, at ipinaaabot ang yakap ng pagmamahal sa bayan na sama-sama, isang araw, taglay ng lahat na nagnanais mamatay. ILDEFONSO LAMET LAUREL (sic)-?)

P.S. Sinabi sa akin ng ating kaibigang si Deodato Arellano na nakatanggap siya ng dalawang liham mula sa Madrid para sa inyo, ngunit wala siyang paraang maipadala ang mga iyon sa inyo kundi ngayon lamang at kung kaya hihintayin ko ang inyong tagubilin.

Sa magandang Silangan, /na sinisikatan ng araw,/isang marikit na bayan/tigib ng panghalina/na may matitibay na kadena,/ Ay! Iyan ang bayan ko,/ang bayang aking minamahal./ Namatay tulad ng alipin. / Naghihimutok sa pagkagapos,/mapalad ang taong puwedeng makapagpalaya sa kaniya Maynila, 12, 9, 91 J.R. (Rizal)

Liham na walang Lagda. Isang Malaking Kawalan ng Katarungan. Sa patnugot ng Hongkong Telegraph. Ginoo: Sa isang dekreto ng Pinakamataas na Awtoridad ng Kapuluang Filipinas (labis na ikinalulungkot ang pagpapatapon kay Rizal).

Liham ni Dimasalang (Rizal). Hongkong, 24 Mayo 1892. 2 Reduaxel Terrace.Sa Kapatid na Tenluz. Mahal na Kapatid: (Matapos batikusin ang isang artikulo na nalathala sa pahayagang La Solidaridad, na ang may-akda nito ay isang nagngangalang Lete na sinisiraan siya at ipinauubaya niya sa pagpapasiya ng Lupon kung ano ang dapat gawin kay Lete, sinabi niya: Muli kong inuulit. Hindi ko maintindihan ang dahilan ng kaniyang paninirang-puri, laluna na ngayong inilaan ko ang aking panahon sa paghahanda para sa ating mga kababayan ng isang ligtas na kanlungan sakaling sila ay usigin, at sa pagsulat ng ilang akda pampropaganda, na lalabas na sa madaling panahon. Bukod doon, nagpapakita ang artikulo ng kakulangan sa taktika at labis na nakasisira sa Filipinas. Bakit kailangang sabihin na salapi ang unang kailangan natin? Hindi na dapat sabihin pa ang batid na, at hindi makabubuting maglabasan tayo ng baho sa publiko. Ipinaabot ko ang pagbati sa lahat ng ating kapatid.

Lubos na sumasainyo,DIMASALANG.

Liham ni Dimasalang (kay Rizal)Hong Kong, 1 Hunyo 1892.2 Reduaxela Terrace.

Sa aking mga kababayan. Mahal na Mga Kapatid:

(Binabanggit niya ang kolonisasyon ng Borneo sa pamamagitan ng isang kolonya ng mga Filipino. Nagtapos siya sa pagsasabi na: Hanggang dito na lamang at umaasa kami ng Lupon sa makabayang gawaing ito, tulad ng tawag niya rito.)

Ang iyong kapatid,

DIMASALANG.

Liham ni Rizal. Principe, 1, 3, Madrid, 20 Agosto 1890. (Ang liham ay para sa kaniyang mga magulang at kapatid. Pagkaraang ipabatid sa kanila na hindi pa niya nakakausap ang Ministro ng Katarungan hinggil sa isang kasong administratibo laban sa maraming tao, sinabi niya, bukod sa iba pang mga bagay: )

Kung bukas lamang ang isip ng mga taong nasa kapangyarihan (sa Filipinas), hindi na magkakaroon ng ganitong mga patraydor na pagsisiyasat na administratibo ni ng mga panlilinlang ni mga paninirang-puri. Nakikita ko ang kamay ng tadhana sa mga pagpapatapon sa mga kilalang tao sa malalayong lugar para mapamalaging buhay ang diwa ng sambayanan, hindi sila hahayaang mahimbing sa isang kapayapaang letarhiko, palaganapin ang mga idea, sanayin ang mga tao na hindi matakot sa mga panganib, kamuhian ang kalupitan, at iba pa. Bukas ay malalaman ko ang magiging bunga ng aking pakikipag-usap sa Ministro. Maligayang bati sa lahat; ihalik ninyo ako sa kamay ng ating mga magulang.

Ang inyong kapatid,

MADUDE.

Mga bata tayo, dahil ipinanganak tayong huli. Subalit masigla ang ating diwa, at bukas magiging malalakas kaming lalaki na matututong pangalagaan ang kanilang mga pamilya. Mga bata tayong walang kinatatakutan, kahit ang mga alon, o ang bagyo, o ang kulog; madali nang matutong makipaglaban ang braso at mahinahong mukha sa oras ng panganib. Halinhinan ang ating mga braso sa paghawak ng kutsilyo, ng pluma, ng asarol, mga kompanyero ng matatag na katwiran.

Liham ni Marcelo H. del Pilar kay Deodato Arellano.Madrid, 7 Enero 1891.R. Dzte: Kahapon, kapistahan ng Tatlong hari, gumanti kami ng loob kay Rizal at kaniyang mga kasama sa pamamagitan ng isang meryenda. Nais ni Rizal na ibase ang La Solidaridad sa pamayanan ng mga Filipino rito (Colonia Filipina) at tumutol ako. Kumusta sa inyong lahat, at tanggapin ninyo ang yakap ng inyong kapatid na si MARCELO DEL PILAR.

Liham ni Marcelo H. del Pilar kay G. Juan Tunluz.(Juan Zulueta). Madrid 1 Hunyo 1893. Don Juan A. Tunluz.

Mahal kong Kaibigan:

Matapos isalaysay sa kaniya ang sama ng loob niya kay Rizal at ang malaking pinsalang idinulot ng isang nagngangalang Serrano sa Masoneriya dahil sa paglustay nito ng ilang halagang nalikom para sa Kilusang Propaganda, sinabi niya, bukod sa iba pang bagay: Ang Masoneriyang Peninsular ay nagsisilbi para sa atin na isang paraan ng propaganda. Kung tinatangka ng mga Mason doon na gamitin ang Masoneriya para matamo ang ating mga layunin, sila marahil ay lubos na nagkakamali. Ang kailangan ay isang espesyal na organisasyon na tanging nauukol sa kapakanan ng Filipinas. Kahit na ang mga miyembro niyon, o ang ilan sa kanila, ay mga Mason, hindi ito dapat na sumandal sa Masoneriya. Mukhang ito ang isasagawa ng L.F (Liga Filipina). Hanggang dito na lamang, at kumusta.

MARCELO.

(Talumpati ni Emilio Jacinto na nagtatapos nang ganito: ) Samantala, pamalagiin natin ang sigla sa ating mga damdamin, sa pamamagitan ng mga sigaw na: Mabuhay ang Filipinas! Mabuhay ang Kalayaan! Mabuhay si Dr. Rizal! Pagkakaisa! 23 Hulyo 1893.PINKIAN.

(Talumpati ni Jose Turiano Santiago na nagtatapos nang ganito: ) Isigaw nating muli: Mabuhay ang Filipinas! Mabuhay ang Kalayaan! Mabuhay ang dakilang si Dr. Rizal! Mamatay ang manlulupig na Bansa! Maynila, Sta Cruz, 23 Hulyo 1893. TIK-TIK.

Hanggang dito ang mga siniping kasulatan. Kasunod nito ang nilagdaang ulat ng opisyal na nagsisiyasat, si Rafael Dominquez:

Lumitaw na ang akusadong si Jose Rizal Mercado ay pangunahing pasimuno at mismong kaluluwa ng pag-aalsa sa Filipinas; ang nagtatag ng mga samahan, pahayagan, at aklat na nauukol sa pagtataguyod at pagpapalaganap ng mga idea ng rebelyon at sedisyon ng mga taumbayan, at siya rin ang pangunahing puno ng filibusterismo ng bayan, na mapapatunayan sa pamamagitan ng mga sumusunod na deklarasyon:

Folio 12. Isinaad ni Martin Constantino na ang layunin at adhidkain ng Asosasyon ay patayin ang mga Kastila, ipinahayag ang Kasarinlan at gawing supremo si Rizal.

Folio 12 vuelto. Ipinahayag ni Aguedo del Rosario na si Rizal ang pangulong pandangal ng Katipunan; na ang kaniyang larawan ay nakatanghal sa bulwagang pulungan nito; na si Pio Valenzuela ay inatasang ipabatid kay Rizal na hinihiling ng taumbayan ang isang armadong pag-aalsa.

Folio 24. Kasama sa isang liham masoniko na si Kapatid Dimasalang (bansag ni Jose Rizal) ay itinatalagang venerable de honor bilang pagkakilala sa kaniyang katangi tanging paglilingkod para sa kaniyang tinubuang bayan.

Folio 12 vuelto at 13. Inilahad ni Jose Reyes na si Rizal ay isa sa maraming mason na nagsisikap makamit ang kasarinlan ng Kapuluang ito; na si Moises Salvador ay nanggaling sa Espaa dala ang mga tagubilin mula kay Rizal na itatag ang isang Liga Filipina na ang mga alituntunin ay sinulat ni Jose Rizal.

Folio 14 hanggang 15. Pinatotohanan ni Moises Salvador na si Jose Rizal ay nagtatag sa Madrid ng isang samahan ng mga Filipino na mangangasiwa sa pagtatayo ng mga Lohiya sa Filipinas at sa mga gawaing rebolusyonaryo; na siya (Rizal) ang nahalal na pangulo niyon; na habang nasa Hong Kong si Rizal ay ipinadala niya sa deklarante ang mga alituntunin para itatag ang Liga Filipina, na ang mga pinuno ay sina Rizal at M. H. del Pilar; na ang layunin ng Liga ay makamit ang kasarinlan ng Filipinas; na dumating sa Maynila si Rizal noong Hunyo at nakipagpulong siya sa bahay ni Doroteo Ong-junco, at doon ay ipinaliwanag niya na kinakailangan ang Liga upang maisagawa ang paghiwalay ng kapuluang ito sa Espaa.

Folio 14. Ipinahayag ni Jose Dizon na ang adhikain ng Liga ay lumikom ng pondo upang gugulin sa armadong pag-aalsa, at ang Katipunan at ang Liga ay iisang samahan.

Folio 15. Inilahad ni Domingo Franco na nagpatawag si Rizal ng isang pulong sa bahay ni Doroteo Ong-junco at doon ay ipinaliwanang niya ang kabutihan ng pagtatag ng Liga upang makalikom ng pondo para mabilis na makamit ang kasarinlan ng Kapuluang ito; at nang tanggapin ang panukalang ito, si Ambrocio Salvador ay nahalal na pangulo ng Liga.

Folio 16, 17, at 18 vuelto. Ipinahayag ni Deodato Arellano na si Pedro Serrano ay nanggaling sa Espaa na may atas mula kay Jose Rizal na magtayo ng mga lohiya; na ang layunin ng mga lohiya na ito ay rebolusyonaryong propaganda; na si Timoteo Paez ay tumanggap ng isang liham galing kay Rizal noong nasa Hong Kong ang huli kalakip ang mga alituntunin ng Liga; na pagdating ni Rizal sa Maynila, siya ay nagpatawag ng pulong sa bahay ni Ong-junco sa lahat ng kasapi ng Liga, na si Ambrocio Salvador ay nahalal na pangulo sa pulong na iyon; nang ipatapon si Rizal sa Dapitan, lumikom ang mga lohiya ng pondo para sa kaniyang pagtakas, sa pamamagitan ng pagbanggit sa talumpati ni Rizal na doon ay binigyang-diin niya ang kahalagahan ng Liga at siya ay nagpaplanong magtungo sa Hongkong, sapagkat hinihintay niya ang pahintulot ng Pamahalaan na makapagtayo ng isang pamayanan ng mga Filipino sa Sandakan (Borneo).

Folio 17. Inilahad ni Ambrosio Salvador na sa pulong na ginanap sa bahay ni Ong-junco, pinag-usapan ang panukala ni Rizal na magtatag ng isang Liga at siya (Salvador) ay nahalal na pangulo.

Folio 19. Ipinahayag ni Pedro Serrano na kasama siya ni Rizal sa isang paglalakbay sa bayan ng Tarlac; na naroon siya sa pulong sa bahay ni Ong-junco; na nagsalita si Rizal, at ang iba pa, ng pahayagang Solidaridad at laban sa Masoneriya.

Folio 12. Sinabi ni Pio Valenzuela na sa isang pulong sa Pasig napagkasunduan nilang magbiyahe sa Hapon at para rito ay hihintayin nila ang desisyon ni Rizal.

Folio 13. Sinabi ni Antonio Salazar na si Timoteo Paez ay kasama ng kapatid na babae ni Rizal sa pagpunta sa Singapore upang umarkila ng isang barko, at sakaling makatakas si Rizal, pupunta siya sa Hapon upang sumama kina Doroteo Cortes at Marcelo H. del Pilar; ibinigay din niya ang mga detalye ng nalikom na pondo para mapadali ang pagtakas kay Rizal, na deportado sa Dapitan.

Folio 16. Sinabi ni Francisco Quizon na pinagkasunduang tustusan ang paglalakbay ni Pio Valenzuela sa Dapitan upang ipagbigay-alam kay Rizal, ang punong supremo ng Katipunan, na masidhi ang pagnanais ng samahan na maisakatuparan ang pag-aalsa.

Folio 17 hanggang 18. Ipinahayag ni Timoteo Paez na dumalo siya sa pulong sa bahay ni Ong-junco; na ipinadala ni Rizal kay Moises (Salvador) ang alinmang alintunin ng Liga at iyon ay dinala nito sa deklarante at ang kaniyang paglalakbay sa Singapore ay para mamasyal lamang.

Ang akusado, si Jose Rizal, sa una at pangalawang pagtatanong sa kaniya. Folio 4 hanggang 11, ay hindi tiyakang pinabulaanan ang mga paratang laban sa kaniya; subalit hindi naman niya malinaw na inamin ang mga iyon liban sa iilang maiikling sagot. Gayunpaman, sapat na ang mga sinabi niya upang malinawan ang kaniyang pagkakasala at matiyak nang walang pag-aalinlangan ang mga naunang binanggit na deklarasyon.

Dito ay inisa-isa ni Dominguez ang mga kasulatang iniharap na katibayan na sinipi sa itaas. Nagpatuloy siya: At yamang, ang Huwes instruktor na nakalagda sa ibaba nito, natapos na ang panahon ng pagbubuod, sa kawalan ng kakayahang maisama ang mga dokumento ukol sa pinagmulan at kapanganakan ng akusado, pero bilang pagtalima sa kautusan ng Pamahalaan na bilisan ang paglilitis, maaaring maisama ang mga iyon sa oras na matanggap sila. Ikinararangal kong ipadala sa Inyong Kamahalan ang usaping ito para sa nakaakmang desisyon. Maynila, 5 Disyembre 1896.

Ang Inyong Kamahalan.

RAFAEL DOMINGUEZ.

Ang paghaharap ng panimulang pagsisiyasat sa Gobernador Heneral ay itinala, 5 Disyembre 1896. Nang araw ding iyon, ipinadala ni Gobernador Heneral Blanco ang mga papeles ng usapin sa Auditor General de Guerra ukol sa opinyon nito. Ganito ang naging opinyon ng Auditor General de Guerra. Ipinalagay niya:

Ang nasasakdal ay mamamalagi sa bilangguan at sisimulan ng opisyal na nagsisiyasat ang kaukulang legal na pamamaraan sa pag-ilit ng halagang hindi kukulangin sa isang milyong piso.

Dapat isaisip ng Opisyal na Tagasiyasat na ang obligasyon ng pagtatanggol ay hindi maaaring ibigay sa isang abogado, kundi sa isang opisyal ng Hukbo.

Gayunpaman, [sic] ang Inyong Kamahalan, atb.

Maynila, 7 Disyembre 1896. Ang Inyong Kamahalan. NICOLAS DE LA PEA.

Dekreto ni Heneral Blanco, 8 Disyembre 1896, sang-ayon sa naunang ulat, at ipinag-uutos na isalin ang usapin kay Tenyente auditor na si Enrique de Alcocer.

Inyong Kamahalan: Alinsunod sa mga tuntunin ng artikulo 542ng Kodigo ng Hustisya Militar na humihingi ng opinyon tungkol sa mga kahalagahang legal ng kasong ito, inihaharap ng Piskal ang sumusunod na mga pansamantalang kongklusyon.

Una: Ang mga pangyayaring pinagbatayan ng kasong ito ay krimeng rebelyon sang-ayon sa itinatakda ng Artikulo 230, kaugnay sa Artikulo 229, talata 1 ng Kodigo Penal na pinaiiral sa kapuluang ito, at pagtatatag ng labag sa batas ng samahan na itinatakda sa artikulo 119, talata 2 ng Kodigong iyon, na itong huling krimen ay isang paraang kinakailangan sa pagsasagawa ng una.

Ikalawa: Ang nasasakdal na si Jose Rizal y Mercado ay lumilitaw na nagkasala sa mga krimeng ito bilang pasimuno.

Ikatlo: Itinuturing ng Taga-usig na hindi na kailangan ang karagdagang pagsisiyasat.

Maynila, 9 Disyembre 1896.ang Inyong Kamahalan. ENRIQUE DE ALCOCER y R. VAAMONDE.

Ang usapin ay ibinalik ng Tagausig sa Opisyal na nagsisiyasat, 9 Disyembre 1896, at tinanggap iyon ng huli nang araw ding iyon. Nagpalabas agad ng utos ang Hukuman na humihingi ng listahan ng mga opisyal na may kakayahan upang manungkulan bilang tagapagtanggol; iniharap ang listahang ito noong 10 Disyembre 1896. Kinabibilangan ito ng 106 na pangalan ng mga primer tenyente at Segundo tenyente ng impanteriya, kabalyeriya, artelyeriya, at mga inhenyero. Ipinakita ang listahan sa akusado, at pinili nito na maging tagapagtanggol niya si primer tenyente Luis Taviel de Andrade ng artelyeriya 10 Disyembre 1896. Ang pagkahirang sa kaniya ay tinaggap ni Taviel de Andrade nang araw ding iyon. Inutusan si Andrade ng Hukuman na pumunta sa Fuerza de Santiago sa susunod na araw, ika-11, upang humarap sa pormal na pagbasa ng sakdal.__________________________________

Cd. Apendix B para sa teksto ng mga artikulo ng Kodigo Militar na binanggit sa paglilitis Cf. Apendix C para sa teksto ng mga artikulo ng Kodigo Penal ng binanggit sa paglilitis Itinalaga ang opisyal na ito na subaybayan si Rizal noong tumigil siya nang sandal sa Calamba, matapos ang una niyang paglalakbay sa ibang bansa. Siya at si Rizal ay agad naging magkaibigan.__________________________________

Samantala, sinimulan ang hiwalay na legal na pamamaraan sa pagkumpiska, upang mabawi ang pinsalang naidulot sa Estado sa halagang hindi kukulangin sa isang milyong piso. Sinimulan ang mga pagsisiyasat ukol dito noong Disyembre 10. Noong 11 Disyembre 1896, isinakdal ang bilanggo.

1. Kung ikakatwiran ba ng nasasakdal ang kawalang kapangyarihang duminig ng Hukuman? Sumagot siya na hindi.

2. Kung nais ba ng nasasakdal na baguhin o dagdagan ang alinman sa kaniyang mga naunang pahayag? Sumagot siya na wala siyang kailangang baguhin; na ang tangi niyang maidadagdag magmula nang ipatapon siya sa Dapitan ay hindi na siya lumahok sa anumang gawaing pampolitika.

3. Kung umaamin ba siya sa pagkakasala sa mga krimeng ipinaparatang sa talaan ng mga sakdal ng Tagausig na binasa sa kanya. Sumagot siya na hindi siya umaamin sa paraang pasimuno o kasabwat siya sa krimeng rebelyon; na ang tanging tinatanggap niya ay ang kaniyang pagkakasulat ng mga alituntunin ng Liga Filipina sa layuning itaguyod ang pangangalakal at industriya.

4. Na makabubuti ba sa kaniyang pagtatanggol na muling pagtibayin ng sinumang testigo sa panimulang pagsisiyasat, o patotohanan ang anumang iniharap na katibayan, at alin sa mga ito. Sumagot siya na hindi siya sumang-ayon sa mga deklarasyon ng mga saksi na binasa sa kaniya; at nasa mga kopya ng mga dokumento, tanging ang tulang ang A Talisay kasama ng liham sa mga Mason, at ang liham sa kaniyang mga magulang at mga kapatid na isinulat niya sa Madrid ang kaniyang sinasang-ayunan; at tinatalikdan niya ang kaniyang karapatang humingi ng mga karagdagang pagsisiyasat. (Mga lagda ng opisyal na nagsisiyasat, ng akusado, ng tagapagtanggol, at ng sekretaryo.)

Ipinasya ng Opisyal na nagsisiyasat na maaaring hindi na isagawa ang pagtatanong sa mga saksi.

Sa pamamagitan nitoy ipinasiya ng Opisyal na Nagsisiyasat na hindi na pagharapin ang nasasakdal at mga saksi, dahil ipinalalagay niya na hindi na kailangan ang paghaharap na iyon para mapatunayan ang krimen, sapagkat itinuturing niya na ito ay sapat nang napatunayan.Alinsunod sa Artikulo 469 ng Kodigo ng Hustisya Militar.11 Disyembre 1896.______________________________Ito ay hiniling ni Rizal subalit tinanggihan. cf. Sa pahina _.______________________________Nang araw ding iyon, hiniling ng Hukuman sa Tanggapan ng Gobernador Heneral na ulitin ang kahilingang sa Gobernador Sibil ng Laguna na ipadala ang impormasyon hinggil sa bilanggo. Pagkalipas ng dalawang araw13 Disyembre 1896iniharap ng Huwes Instruktor sa Gobernador Heneral sa ilalim ng mga sumusunod na pasubali:Ihaharap ang usaping ito sa Kapitan Heneral upang kaniyang pagpasiyahan kung handa na sa paglilitis ng Consejo de Guerra ang karaniwang hukumang Militar ng Himpilan, alinsunod sa Artikulo 560 ng Kodigo ng Hustisya Militar, o sa iba pang kapasiyahan na ipinalalagay niyang naaayon sa katarungan13 Disyembre 1896.Pagkatanggap ng bagong Gobernador Heneral Polavieja sa komunikasyong ito, iniharap niya ang usapin sa Auditor General de Guerra para sa opinyon nito. Tumugon ang huli nang ganito:Inyong Kamahalan: Matapos gawin ang nararapat na pagsasakdal ng plenaryo, ipagpatuloy para mabistahan at mahatulan ng ordinaryong Konseho de Giyera ng Himpalan, na hindi na kailangan ang tulong ng tagapayo, pagkatapos ng paghahain ng demanda at depensa.Gayunpaman, ang Inyong Kamahalan ang magpupuno (atbp.). Maynila 17 Disyembre 1896. NICOLAS DE LA PEA.Pagkalipas ng dalawang araw, nagpalabas si Gobernador Heneral Polavieja ng kinakailangang utos para isagawa ang paglilitis.Maynila, 19 Disyembre. Alinsunod sa naunang pasiya na dinggin at hatulan ang usaping ito sa Karaniwang Koseho de Giyera ng Himpilan, pagkatapos ng pag-uusig at pagtatanggol. Para sa layuning ito, ipadadala ang usapin sa teniente auditor de primera na si Enrique de Alcocer, na siyang magpapadala pagkaraan sa Instruktor na si Kapitan Rafael Dominguez, upang gawin ang iba pang mga hakbang na kinakailangan. POLAVIEJATinanggap ng Opisyal na Tagasiyasat ang usapin noong 21 Disyembre. Nang araw ring iyon ay ilang mga kasulatan na may naunang petsa ang isinama sa mga papeles ng kaso. Ang mga kasulatang ito ay nahihinggil sa isang nilagdaang kahilingan ng bilanggo na nagsasaad nang ganito:_______________________________________ Camilo Garcia de Polavieja y del Castillo (1838-1914), lumahok sa digmaan sa Cuba, 1876-1881; naging Gobernador Heneral ng Cuba, (1890-1892); lumagda sa hatol na kamatayan kay Rizal bilang Gobernador Heneral ng Filipinas._______________________________________Ginoong Huwes Instruktor: Sa Opisyal na Tagasiyasat. Mapitagang nagpapahayag ngayon sa Inyong Kamahalan si Jose Rizal Mercado y Alonso, 35 taong gulang, isang bilanggo sa Real Fuerza de Santiago na naghihintay ng paglilitis.Na umabot sa kaniyang kaalaman na ang kaniyang pangalan ay ginagamit ng ilang tao bilang tagapamansag sa pag-aalsa, at may mga dahilan para maniwala siya pagkatapos na may ilan pa ring patuloy na nagtataguyod ng mga kaguluhan, bagamat sa simula pa lamang ay tinanggihan na ng nakalagda ang gayong mga idea at ayaw niyang gamitin ang pangalan, hinihiling niya sa Inyong Kamahalan na ipabatid sa kaniya kung sa kaniyang kasalukuyang kalagayan (bilang isang bilanggo) siya ay mapahihintulutang magpalabas ng isang pahayag na kumokondena sa gayong gawaing kriminal at hindi niya kailanman pinayagang gamitin ang kaniyang pangalan. Ang tanging layunin ng hakbang na ito ay ituwid ang ilang nalilihis na tao at iligtas ang kanilang buhay, kung maaari. Hindi hangarin ng nakalagda na maimpluwensiya ito sa takbo ng nililitis na usapin laban sa kaniya. Naway patnubayan ng Diyos (atbp.) Maynila, Real Fuerza de Santiago. 10 Disyembre 1896. JOSE RIZAL.

[Dekreto] Maynila, 10 Disyembre 1896. Ipadala para sa pagpapasiya ng Auditor de Guerra. BLANCO

Inyong Kamahalan: Yayamang ang usaping rebelyon laban kay Jose Rizal Mercado ay naiharap na sa hukumang lilitis at ang lakagayang inkomunikado na ipinataw sa kaniya sa mga unang araw ng kaniyang pagkabilanggo ay tapos na, wala nang hadlang para ang naturang si Rizal ay manawagan sa kaniyang mga tagasunod at imungkahi na kanila ang kapayapaan, sa pasubaling anumang pahayag na pasalita o pasulat na isasagawa niya, sa mismong pagsasabi o paglalathala niyon, ay may pahintulot ng hepe ng establisimiyentong kinapipiitan niya, o ng sinumang kakatawan sa kaniya.

Ang pagtanggap ng mga bisita ng bilanggo ay dapat umalinsunod sa mga patakaran o kautusan na nakasasaklaw sa ganoong mga pagbisita o pagdalaw.

Maaaring ipagkaloob ng Inyong Kamahalan ang kahilingan batay sa nabanggit na mga batayan, kasabay ng pagsasama ng naturang kahilingan sa mga papeles ng usapin, ayon sa inaakala ninyo na siyang mabuti.

Maynila, 11 Disyembre 1896. NICOLAS DE LA PEA.

[Dekreto] Manila 13 Disyembre 1896Alinsunod sa naunang pasiya, ibalik sa Huwes Instuktor Rafael Dominguez, para ipatupad ang ditoy iminungkahiPOLAVIEJA

Ganito ang nasasaad sa panawagan, na sinulat ni Rizal nang araw ring iyon:

PANAWAGAN SA ILANG FILIPINO

Mga Kababayan: Pagkagaling ko sa Espanya ay napag-alaman ko na ang aking pangalan ay ginagamit na tagapamansag sa armadong pag-aalsa ng ilang tao. Akoy nagulat at nalungkot sa impormasyong ito; subalit dahil inaakala ko na tapos na ang lahat ng ito, nagsawalangkibo na lamang ako sa isang bagay na hindi malulunasan. Ngayon ay nakaabot sa akin ang bali-balita na hindi pa tumitigil ang kaguluhan. Maaaring may mga taong patuloy na ginagamit ang aking pangalan sa mabuti o masamang hangarin; sa gayon, upang matapos na ang ganitong pagmamalabis at upang hindi malinlang ang mapaniwalain, ipinaaabot ko sa inyo ang panawagang ito upang lumitaw ang katotohanan. Sa simula pa lamang, nang una kong matanggap ang impormasyon hinggil sa binabalak, iyon ay tinutulan ko, sinalungat ko iyon, at ipinaliwanag ko na iyon ay sadyang hindi magagawa. Ito ang katotohanan, at buhay pa ang mga taong makapagpapatunay sa aking sinabi. Naniniwala ako na ang ideang iyon ay isang kahangalan; ang masahol pa, iyon ay mapaminsala. Higit pa rito ang ginawa ko. Nang lumaon, sa kabila ng aking paghimok, sumiklab ang pag-aalsa, akoy kusang nag-alok hindi lamang ang aking paglilingkod kundi gayundin ang aking buhay at maging ang aking magandang pangalan upang akoy magamit nila sa anumang paraan na inaakala makakaapula sa rebelyon. Sapagkat naniniwala ako sa idudulot na mga kasamaan ng rebelyong iyon, kaya itinuturing kong isang pribilehiyo kung masasawata ko ang gayong walang kabuluhang pagdurusa, anuman ang katumbas na sakripisyo. Ito ay nakatala rin.

Mga Kababayan: Akoy nakapagbigay na ng maraming pagpapatunay na nais ko ng kalayaan para sa aking bayan, tulad ng sinuman; iyon ay patuloy kong ninanais. Subalit inilahad ko na kinakailangan munang matuto ang sambayanan upang sa pamamagitan ng kaalamang iyon, at sa pagsisikap, matamo nila ang kanilang sariling pagkatao at maging karapat-dapat sila sa mga kalayaang iyon. Sa aking mga akda ay iminungkahi ko ang pag-aaral at mga katangiang pambayan, na kung wala ang mga ito ay hindi matatamo ang katubusan. Isinulat ko rin at ang aking mga kataga ay inulat ng iba na ang mga reporma, upang mamunga, ay kailangang manggaling sa itaas, sapagkat ang mga repormang manggagaling sa ibaba ay mga pag-aalsang marahas at lilipas. Sapagkat akoy lubos na nananalig sa mga ideang ito, wala akong ibang magagawa kundi tuligsain, at aking tinutuligsa, ang ganitong baligho at hindi sibilisadong pag-aalsa, na binalak sa likod ko, na nag-alis ng dangal sa ating mga Filipino at sumisira sa pangalan ng mga kalahok dito. Nasusuklam ako sa mga krimeng kagagawan nito at akoy hindi makikibahagi rito. Akoy taos-pusong nalulungkot sa mga taong walang ingat na nagpalinlang. Pauwiin sila sa kanilang mga tahanan, at patawarin nawa ng Diyos ang may masasamang hangarin.

Real Fuerza de Santiago, 15 DisyembreJOSE RIZAL.

Iniharap ni Gobernador Heneral Polavieja ang panawagang ito sa Awditor Heneral. 18 Disyembre 1896 nang ganito:

Agarang ipadala sa Awditor Heneral para sa kaniyang pagpapasiyaPOLAVIEJA.

Ang Panawagan ay ibinalik ng Auditor de Guerra General na may mga sumusunod na Puna:

Inyong Kamahalan: ang kalakip na panawagan ni Dr. Rizal sa kaniyang mga kababayan ng pagkapoot sa lahat ng separatistang pagkilos at gawi na dapat malantad sa lahat ng tapat na anak ng Espanya. Katulad sa kaniyang mga nalathalang opinyon, pinuna lamang ni Dr. Jose Rizal ang kasalukuyang pag-aalsa na wala sa panahon, at sa paniniwala niya na hindi ito magtatagumpay sa kasalukuyang panahon. Subalit malinaw niyang ipinahiwatig na ang kasarinlang pinapangarap nila ay matatamo sa pamamagitan ng mga paraang marangal kaysa ginagawa ngayon ng mga rebelde; na sa sandaling ang antas ng kaalaman ng taumbayan ay tumaas sa puntong iyon ay magiging napakahalagang salik sa pakikibaka at isang katiyakan ng pagtatagumpay. Sa ganang kay Rizal, ang nakasalalay dito ay pagkakataon, hindi simulain o layunin. Mabubuod ang panawagang ito sa ganitong mga kataga: sa harap ng tiyak na pagkagapi, mga kababayan ko, isalong ang inyong mga sandata; sa kalaunan, ako mismo ang mangunguna sa inyo sa lupang pangako. Ang ganitong mensahe, bukod sa hindi nagtataguyod ng kapayapaan, ay malamang na makapagbigay-sigla sa paghihimagsik sa hinaharap. Dahil dito, hindi dapat ilathala ang balak na panawagan. Itinatagubilin na ipagbawal ang paglalathala nito sa lahat ng mga kaukulang kasulatan ay tinukoy (padaanin?) sa Opisyal na Tagasiyasat na may hawak ng kaso laban kay Rizal, upang ilakip sa mga papeles na may kaugnayan doon. Gayunpaman, nasa Inyong Kamahalan ang pagpapasiya kung ano ang higit na nararapat sa hakbang.

Maynila, 19 Disyembre 1896. Inyong Kamahalan. NICOLAS DE LA PEA

Inaprobahan ni Gobernador Heneral Polavieja ang tagubilin ng Judge advocate General at noong 19 Disyembre 1896 ay ipinadala niya kay Kapitan Rafael Dominguez ang pananawagan ni Rizal at ang kalakip ng mga papeles. Ang kasunod na kasulatan sa salansan ay ang paninindigan sa alegato* ng pag-uusig, may petsang 21 Disyembre at nilagdaan ng Tagausig, Enrique de Alcocer.

Sinabi ng Tenyente Awditor Piskal: Na matapos masuri ang pamamaraang panimulang pagsisiyasat, kinakatigan niya ang mga pansamantalang pasiya na nakasaad sa opinyon hinggil sa mga legal na halaga ng usapin.

Lubhang napakahalaga ang usaping nililitis ngayon ng konseho dahil mapapag-aralan sa mga pahina nito ang pagsilang at paglaganap ng insureksiyon na sa ngayon ay nagpapadugo sa lupang Filipinas. Ang mga katutubo ng bayang ito, na binuhusan ng Espaa ng di-matatawarang yaman ng kultura at ginawa itong isa sa pinakamaunlad na bansa sa Silangan, ay nalimutan ang kanilang pananagutan bilang mga Kastila at binalak nilang itindig ang bandera ng paghihimagsik laban sa Inang Bayan, pataksil na sinasamantala ang mga sandali habang abala ang kanilang mga kapatid sa pagsupil sa isa pang digmaan ng magkakapatid sa malayong lupain, na hindi nila naisaalang-alang na labis-labis ang tapang at lakas ng Espaa na nasubok na sa ibat ibang pagkakataon para hindi pabayaan na lamang na hindi na kailanman iwawagayway doon sa mga rehiyong natagpuan at upang matiyak na ang bandila nito ay patuloy sa [sic] pamamagitan ng giting at tapang ng ating mga ninuno.

Si Dr. Jose Rizal y Mercado, na sa Espaa niya utang kung ano siya ngayon sapagkat sa mga silid-aralan ng kaniyang mga unibersidad siya nag-aral ng medisina, isa sa mga nanguna kundiman siya ang naging pasimuno ng kasalukuyang pag-aalsa.

Bilang pagtalima sa tungkuling ng tanggapan nito, taga-usig ang nagsagawa ng masusing pag-aaral sa pagkatao ni Rizal at nakabuo ng matibay na paniniwala, na tiyak na kakatigan ng Kagalang-galang na Hukumang ito na ang walang maliw na mithiing ito ang tungkulin ng kaniyang walang humpay na pagpupunyagi, ang lubusang pagganap sa ibat ibang puspusang pagsulsol sa katutubong mamamayan at natamo sa anupamang kaparaanan ang kasarinlan ng Filipinas.

Noong 1879, nang siya ay kulang-kulang na labinsiyam na taong gulang pa lamang, humarap si Rizal sa madla sa unang pagkakataon nang sumali siya sa isang patimpalak pampanitikan na idinaos sa punong lungsod na ito. Nagwagi siya ng unang gantimpala sa isang tula na noon pa man ay mahihinuha na ang kaniyang pananaw hinggil sa suliraning kolonyal. Sapul noon, hindi na siya tumigil sa pagpupunyaging wasakin ang soberanya ng Espaa sa Filipinas. Noong 1886, nalimbag sa Berlin ang nobela niyang Noli Me Tangere, isang nobelang Tagalog na nakasulat sa wikang Kastila, na puno ng poot. Dito niya tinuligsa sa mahahayop na salita ang mga Kastila, kinukutya ang relihiyong Katoliko, at nagpipilit na ipamalas na ang sambayanang Filipino ay hindi kailanman magiging sibilisado hanggang ito ay pinamamahalansang-ayon sa kaniyang mga masasama at walang kuwentang Kastila.

Kalabisan ng sabihin pa, matapos mabatid ang nilalaman ng akda, ipinagbawala ng pamahalaang Kastila ang pagpasok nito sa kapuluan. Subalit dahil sa kinagawiang katusuhan ni Rizal, nagawa niyang paikutin ang kautusan ng pamahalaan, at lumaganap ang aklat sa buong kapuluan na nagdulot ng mahihinuhang masamang bunga.

Noong 1888 umalis si Rizal sa Maynila papuntang Hapon. Mula roon, nagtuloy siya sa Madrid, Paris, at London, na ang pangunahing layunin ay ipagpatuloy ang propaganda ng rebolusyon sa mga lugar na ito.

Pagkalipas ng ilang panahon, naglathala siya ng isa pang aklat na pinamagatang El Filibusterismo, na inialay niya lamang sa ala-ala ng tatlong paring katutubo na hinatulang mamatay dahil sa paglahok sapag-aalsa sa Cavite noong 1872. Tinawag niyang mga martir ang mga ito, kasabay ng pagbabanta laban sa bansa na sa paggamit ng karapatan nito, sadyang di hahayaang walang kaparusahan ang mga pagtatangka laban sa lehitimong kapangyarihan nito.

Noong 1892, humarap si Rizal sa Gobernador Heneral at sa pagpapahayag niya ng kaniyang bulaang pagsisisi at pagmamahal sa Espaa, natamo niya mula sa awtoridad na iyon ang kapatawaran para sa kaniyang ama at tatlong kapatid na babae na nahatulang ipatapon. Masusukat natin ang kawalan ng karapatan na ikinatatangi ng lahat ng gawain ng taong ito sa pangyayari na noong halughugin ng mga opisyal ng adwana ang kaniyang bagahe, natuklasan na ang mga iyon ay naglalaman ng maraming akda at pahayag na may uring separatista, at sa pangyayari na tatlong araw pagdating niya, paglabag sa kanyang pinanumpaang salita na hindi siya makikipagsabwatan, nagpatawag siya ng isang pulong na doon inilagda ang mga unang pundasyon ng kasalukuyang kilusang rebolusyonaryo, isang hakbang na ginawa niya sapagkat nangangamba siya na magiging panandalian lamang ang pagtigil niya sa punong lungsod na ito (isang pangambang may matibay na batayan, (sapagkat ipinatapon siya sa Dapitan noong 7 Hunyo ng taong iyon), at sapagkat nais niyang sa panahon ng kaniyang sapilitang pagkawala ay hindi mabalam ang kilusang rebolusyonaryo, at hindi matigil lalo na.

Ito ang taong huhusgahan ninyo, isang tao na dahil sa kaniyang sariling mga kilos ay lumitaw ang tunay na pagkatao na batbat ng labis na pagkapoot sa Espanya. Ipahintulot ninyo ngayon na suriin ko ang pinagmulan at paglaganap ng kasalukuyang rebelyon at linawin sa Kagalang-galang sa Hukumang ito na ang pangalang Rizal ay lagi nang kakabit ng mga gawaing nagbigay-buhay doon.

Isang katotohanang di mapag-aalinlangan, at wala nang dapat pagtalunan pa sa bagay na ito, na pinalaganap ng lohiyang mason sa kapuluang ito una ang mga ideang salungat sa relihiyon; ikalawa, ang mga tendensiya laban sa pamamahalang Kastila, na naglalayong unti-unting baguhin ang pagkatao ng katutubo na lagi nang napakatapat, napakagalang sa Peninsularupang maging pinakamabangis niyang kaaway, at ninasa nilang matamo ito sa pamamagitan ng mga pamamaraan na kakatwa at luma doon sa mga bansa na ang masoneriya ay itinuturing na lipas na sa panahon, pero may tiyak na epekto sa mga taong walang masyadong pinag-aralan at napakahilig sa lahat ng panlabas at madramang kaanyuan. Ang maluhong seremonya sa pagtanggap ng kasapi/kasama sa bulwagang nakukurtinahan ng itim, ang bungo sa pagitan ng dalawang kandila, ang talim ng punyal na nakadiin sa dibdib at ang panunumpa na sa isang hindi mabuburang paraan sa pamamagitan ng hiwa sa mga braso, mga detalye na katawa-tawa sa panahon nating ito ng pagwawalang-bahala subalit nag-iiwan sa isipan ng katutubo ng mga alaala na gumagapos sa kaniya at ginagawa siyang maamong instrumento para sa mga layuning maging siya man, kalimitan, hindi makaunawa. Nakakalungkot sabihin, subalit kailangang isiwalat ito sa ngalan ng katotohanan na ilang Kastilang peninsulares ang nagtatag sa Filipinas, mga dalawampung taon na ang nakalilipas, ng isang lohiyang nakasalin sa Gran Oriente ng Espaa, na bagamat walang layuning politikal separatista ay siya naming unang hakbang para sa pagtatatag noong 1890 ng marami pang ibang mga lohiya, na ngayon ay kinapisanan ng mga katutubo, na sa maikling panahon sa pagitan ng taong iyon at sa kasalukuyan ay umabot na sa bilang na 200, na nakakalat sa ibat ibang lugar sa kapuluan at lubos na nakatalagang ibagsak nang unti-unti, subalit patuloy at walang humpay na paraan, ang paghahari ng bansang Kastila sa teritoryong ito.

Tatalakayin ngayon ng Piskal ang pagkakatatag ng bantog na Liga Filipina na si Rizal, ang naging kaluluwa at nagdulot ng pinsala sa bansang ito. Pagkaraang maitatag ng nasasakdal sa Madrid ang isang samahan na nangasiwa sa pagtatatag ng mga nasabing lohiya at sa mga gawaing rebolusyonaryo nito, nagpunta siya sa Hongkong at doon ibinigay kay Moises Salvador ang mga alituntuning sasaklaw sa Liga Filipina. Sina Rizal at Marcelo H. del Pilar ang mga hepe nito, at ang pangunahing layunin nito ay lumikom ng pondo na gugugulin sa armadong pag-aalsa upang makamit ang kasarinlan ng kapuluang ito. Noong Hunyo 1892, nagpatawag ng pulong ang nasasakdalna noon ay nasa Maynilasa bahay ni Don Doroteo Ong-junco na dinaluhan ng mga pangunahing umaayon laban sa soberaniyang Kastila, sa pulong na iyon, sang-ayon sa mismong pahayag ni Rizal, na lumitaw sa pagtatanong sa kaniya, inihayag niya sa mga naroroon ang mga sumusunod, bukod sa iba pang mga bagay: Na sa palagay niya ang mga Filipino ay lubhang pinanghihinaan ng loob, at waring wala silang pangarap na maging isang bayang nag-aangkin ng dignidad at kalayaan, kayat lagi silang dumaranas marahil ng pagmamalupit ng mga nasa kapangyarihan; na ang mga pagmamalupit na ito ay dulot ng mga kapangyarihang diskresiyonal ng mga gobernador heneral, at sa kabila ng mga payo ng ilang mga kaibigan na huwag siyang pumunta sa Maynila sa pangambang saktan siya ng mga kaaway niya, nagpunta pa rin siya upang masaksihan ang tunay na kalagayan at kasabay nitoy upang ayusin ang mga hidwaan ng mga kaibigan ng Kilusang Propaganda, katulad ng pag-aareglo sa pagpapanumbalik niya ng pagkakaunawaan sa mga Filipino sa Madrid; at nabuo sa isipan niya ang paninindigan na ang pagtatatag ng Liga Filipina, alinsunod sa alituntunin na siya ang may-akda, at sa pamamagitan nito ay makapagpapaunlad ng mga sining at komersiyo; at sa pag-unlad nila sa buhay at sa pagkakaisa ng mga mamamayan matatamo nila marahil na hindi lang ang kanilang sariling kalayaan, bagkus maging ang pagsasarili ng bayan. Pinatutunayan ang lahat ng ito ay nakatala sa mga pagtatanong, hindi lamang sa sariling pag-amin ni Rizal kundi gayundin sa mga deklarasyong ibinigay nina Jose Reyes, Moises Salvador, Ambrosio Salvador, Pedro Serrano, Timoteo Paez, Jose Dizon, Domingo Franco at Deodato Arellano. Idinagdag ni Martin Constantino na ang layunin at adhikain ng samahan ay patayin ang mga Kastila, ipinahayag niya na ang layunin ng asosasyon ay ang kasarinlan ng bansa sa ilalim ng kataas-taasang pamumuno ni Rizal, at idinagdag pa ni Aguedo del Rosario na pauli-ulit na nababanggit na si Rizal ang pandangal na pangulo ng Katipunan at nakatanghal ang larawan niya bilang gayon sa bulwagang pulungan.

Lubhang makabuluhan ang nabanggit na Liga Filipina at lumalaganap bawat araw ang kilusang rebolusyonaryo sa buong kapuluan, salamat sa Liga, at lalo na dahil sa mga reglamentong gawa ni Rizal. Pinatutunayan ito ng mismong organisasyon ng bawal na samahang ito, na sa ilang pananalita ay ipaliliwanag ko sa Tribunal.

Ang tinutukoy na samahan ay pinamamahalaan ng isang tinatawag na konseho supremo sa kapital na ito, na binubuo ng isang pangulo, isang ingat-yaman, isang tagausig, isang kalihim, at labindalawang miyembro ng konseho. Bukod dito, may mga itinayo silang mga opisina sa Espaa at sa Hong Kong. Kailangang bumuo bawat lalawigan ng isang konseho probinsiyal, na may kabuuang katulad sa konseho supremo, subalit anim lamang ang bilang ng mga miyembro ng konseho. Sa ilalim naman ng konseho probinsiyal ay ang mga konsehong bayan na kasindami ng mga bayan sa lalawigan. Dapat gumalaw ang mga konsehong bayan sa teritoryong nasasakupan ng bayan at ang mga ito ay direktang nasasailalim ng kaniya-kaniyang konseho probinsyal at ang mga konseho probinsyal ay nasasailalim naman ng konseho supremo. Gayunman, dahil sa batid ng nasasakdal ang pambihirang kahalagahan para sa ikatatagumpay ng kaniyang layunin ang higit na pagpapalaganap ng binhi ng separatismo sa kabiserang lungsod, iniatas niya ang praktikang Machiavelli kapamaraanan ng bawat isa sa labindalawang miyembro ng konseho supremo, sa