file · web viewmatatalakay din sa araling ito ang mahalagang gampanin ng katangiang...

13
prepared by: rodel d. pelito

Upload: nguyendiep

Post on 30-Jan-2018

502 views

Category:

Documents


16 download

TRANSCRIPT

Page 1: file · Web viewMatatalakay din sa araling ito ang mahalagang gampanin ng katangiang pisikal ng Asya sa uri ng pamumuhay ng mga taong nakatira ditto. ... sukat at klima. 3

prepared by: rodel d. pelito

ARALIN 1

Page 2: file · Web viewMatatalakay din sa araling ito ang mahalagang gampanin ng katangiang pisikal ng Asya sa uri ng pamumuhay ng mga taong nakatira ditto. ... sukat at klima. 3

PANIMULABilang isang Pilipino, tayo ay itinuturing na mga Asyano. Ang pagiging

Asyano ay nangangahulugang, ikaw ay nakatira sa kontinenting Asya. Sa araling ito, maaaring maitanong sa kung ano nga ba ang pisikal na katangian ng kontinenting kinabibilangan mo? Kung bakit tayo ay nasa isang rehiyon lamang ng Asya at bakit ito nahahati sa lima. Anu- ano nga ba ang mga salik na isinasaalang- alang sa paghahati ng Asya? Anu-ano nga ba ang mga bansang nabibilang sa bawat rehiyon ng kontinenting ito? Matatalakay din sa araling ito ang mahalagang gampanin ng katangiang pisikal ng Asya sa uri ng pamumuhay ng mga taong nakatira ditto. May ugnayan ba ang tao at kapaligiran sa pagbuo ng mga unang kabihasnan sa Asya? Tutulungan ka ng modyul na ito upang masagot ang mga tanong na ito. Handa ka na ba? Halika na! simulan na natin.

SA ARALING ITO, INAASAHANG MATUTUHAN ANG MGA SUMUSUNOD:

1. Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko.

2. Nailalarawan ang mga katangian ng kapaligirang pisikal sa mga rehiyon ng Asya katulad ng kinaroroonan, hugis, sukat at klima.

3. Napaghahambing ang kalagayan ng kapaligiran sa iba’t ibang bahagi ng Asya.

paunang pagtatayaPanuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang titk ng tamang sagot.

Ang Heograpiya ng Asya

Page 3: file · Web viewMatatalakay din sa araling ito ang mahalagang gampanin ng katangiang pisikal ng Asya sa uri ng pamumuhay ng mga taong nakatira ditto. ... sukat at klima. 3

1. Ang pinakamalaking kontinenti sa sukat at sa populasyon. a. Asya c. Europe b. Africa d. North America 2. Maunlad na yugto ng kulturang panlipunan, moral at kultural.

a. kabihasnan c. kaunlaranb. kapaligiran d. kasaganahan

3. Bigkis o pagtutulungan para sa kapwa kapakinabangan.a. ugnayan c. pagsasamab. relasyon d. pagtutulungan

4. Ano ang tawag sa katangiang nakikita at nahahawakan?a. cultural c. heograpikalb. pisikal d. teknikal

5. Ito ay ang pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo.a. heograpiya c. kasaysayanb. ekonomiks d. sikolohiya

gawain 1. Tungo sa ganap na pag-unawaMatapos mong sagutin ang mga naunang tanong, marahil ay ikaw ay

nakabuo na ng ideya o konsepto tungkol sa kapaligirang at ang kahalagahan nito sa tao. Ngayon atin naming tuklasin ang mga pambihirang lugar sa kontinenti ng Asya. Sa mga salitang nakasulat sa ibaba, tukuyin kung saan ito matatagpuan. Simulan na natin._______________1. Fertile Cresent_______________ 2. Mayon Volcano_______________3. Banawe Rice Terraces_______________4. Dead Sea

_______________5. Huang Ho_______________6. Mount Fuji_______________7. Lake Baikal_______________8. Mount Everest

Karagdagang tanong: 1. Kung ikaw ay maglalakbay, alin sa mga nabanggit ang gusto mo puntahan. Bakit?

Ngayyong taglay mo na ang unang kaalaman tungkol sa katangiang pisikal ng Asya, atin namang lilinangin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga teksto.

Page 4: file · Web viewMatatalakay din sa araling ito ang mahalagang gampanin ng katangiang pisikal ng Asya sa uri ng pamumuhay ng mga taong nakatira ditto. ... sukat at klima. 3

Gawain 2. Magbasa tayo Basahin ang mga sumusunod na teksto. Ang gawaing ito ang magbibigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa ibat-ibang aspeto ng katangiang pisika; ng Asya bilang paglilinang ng iyong kaalaman.

Ang kontinente ng asya Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag sa pinakamalaking bahagi ng lupain sa daigdig. Pinakamalaki ang Asya, kumpara sa ibang kontinente sa daigdig. Ito ay may sukat na humigit kumulang na 44,486, 104 kilometro kwadrado. Nahahati sa limang rehiyon ang asya. Isinaalang-alang sa paghahating ito ang pisikal, historical at kultural na aspekto. Ang hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang Kazakhstan, Kyrgystan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia, Armenia, Mongolia at Sebiria. Ang kanlurang Asya naman ay ang rehiyon na kinabibilangan ng mga bansang Arabu, Gulf States, Iran, Israel, Cyprus at Turkey. Ang mga bansang india, Afghanistan, Pakistan, Bangladesh, Nepal, Bhutan, Sri Lanka, at Maldives ay bahagi ng timog Asya. Ang Timog-Silangan ay kinabibilangan ng mga bansang Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia, Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, at East Timor. Ang silangang Asya naman ay binubuo ng China, Japan, North at South Korea at Taiwan.

MGA URI NG ANYONG LUPA Ang Asya ay nagtataglay rin ng ibat’ ibang uri ng anyong lupa na aptuloy na nililinang at pinakikinabangan ng mga asyano. Nariyan ng bulubundukin o hanay ng mga bundok, bulkan, talampas, disyerto, kapuluan o archipelago, pulo, tangway o peninsula at kapatagan.

Page 5: file · Web viewMatatalakay din sa araling ito ang mahalagang gampanin ng katangiang pisikal ng Asya sa uri ng pamumuhay ng mga taong nakatira ditto. ... sukat at klima. 3

GAWAIN 3 PAGSUBOK SA NAUNAWAAN

Sagutin: A. Ang mga sumusunod ay mga grupo ng mga bansang nabibilang sa isang

rehiyon. Gamit ang mapa ng Asya, tukuyin ang rehiyon na kinabibilangan ng mga bansa at salungguhitan anng bansang hindi nabibilang sa rehiyon.

____________1. Taiwan, Japan, South Korea, China, Vietnam.____________2. Singapore, East Timor, Pilipinas, Sri Lanka, Thailand____________3. Armenia, North Korea, Azerbaijan, Georgia, Uzbekistan____________4. Bangladesh, India, Israel, Bhutan, Nepal.____________5. Kazakhstan, Turkey, Cyprus, Iran, Oman.

B. Ibigay ang hinihingi.

Karagdagang Tanong.

Mga Uri ng Anyong Lupa ng

Asya

Page 6: file · Web viewMatatalakay din sa araling ito ang mahalagang gampanin ng katangiang pisikal ng Asya sa uri ng pamumuhay ng mga taong nakatira ditto. ... sukat at klima. 3

Bukod sa pinakapangunahing lugar panirahan ng tao, anu-ano ang mga biyayang hatid ng mga anyong lupa na ito sa kultura at pamumuhay ng mga Asyano?

Ang klima ay may malaking epekto sa kapaligirang pisikal ng isang lugar.Ano kaya ang pagbabagong naidulot nito sa kapaligirang likas ng isang bansa?

GAWAIN 4 PAGBASA TUNGO SA PAG-UNAWA Basahin ang sumusunod na impormasyon. Batay sa iyong nabasa, gumawa ng iyong paghihinuha, kung paano naiimpluwensiya ang klima ng mga Asyano? Unawain upang masagot ang sususnod na Gawain.

URI NG KLIMA SA ASYAREHIYON URI NG KLIMA

Hilagang Asya

Kanlurang Asya

Timog Asya

Silangang Asya

Timog-SilangangAsya

Mahaba ang tag-lamig na karaniwang tumatagalng anim na buwan at maiksi ang tag-init, ngunit may ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa.

Hindi palagian ang pagbabago ng klima. Maaaring magkaroon ng labis o di kayay katamtamang init o lamig ang lugar na ito.

Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon.

Moonsoon climate ang uri ng klima ng rehiyon ay may klimang tropical.

Nakararanas ang mga ito ng tag-init, tag-lamig, tag-araw, at tag-ulan.

Page 7: file · Web viewMatatalakay din sa araling ito ang mahalagang gampanin ng katangiang pisikal ng Asya sa uri ng pamumuhay ng mga taong nakatira ditto. ... sukat at klima. 3

Sagutin. Tukuyin kung tama o mali ang impormasyong isinasaad. Isulat ang T kung ito ay tama at M kung mali. _____1. Ang karaniwang panahon na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon ay tinatawag na klima.______2. Dahil sa lawak ng Asya, matatagpuan ditto ang lahat ng uri nng klima at panahon.______3. Ang mga monsoon o mga hanging nagtataglay ng ulan ay isang bahagi ng klima.______4. Halos lahat ng bansa sa Silangang Asya ay may klimang tropical.______5. Ang Timog Asya ay may iisang klima sa loob ng isang taon.______6. Ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ay hindi nakararanas ng tag-lamig.______7. Hindi palagian ang pagbabago ng klima sa Kanlurang Asya.______8. Ang klima ay may direktang epekto sa pamumuhay ng tao sa isang bansa.

Ngayon ay marami ka nang nalaman at nakalap na impormasyon tungkol sa katangiang pisikal ng Asya. Ngayon ay maaari mo nang ikumpara ang iyong mga naging kasagutan sa unang bahagi ng araling ito. Kung talagang sapat na ang iyong mga nalaman at nabuong konsepto, ay maaari mo nang magawa ang mga susunod

Page 8: file · Web viewMatatalakay din sa araling ito ang mahalagang gampanin ng katangiang pisikal ng Asya sa uri ng pamumuhay ng mga taong nakatira ditto. ... sukat at klima. 3

Gawain 5. Ang iyong mga nalaman ay mas higit na nadagdagan kumpara sa unang bahagi. Gumawa ng isang paglalarawan sa Asya, batay sa iyong mga natutunan. Isulat ito dito;

Pagninilay1. Gamit ang isang journal notebook, isulat ang iyong mga naging saloobin sa

buong proseso ng iyong pag-aaral sa araling ito. Gumuhit ng dalawang kahon sa iyong journal notebook, at lagyan ito ng pamagat na “pukaw- interes”. Isulat mo ang iyong mga nagustuhang bahagi ng aralin, gayundin ang iyong mga maaaring imungkahi upang mas higit pang maunawaan ang araling ito.

Pagsasabuhay Magtipon ng iba’t ibang larawan ng iyong komunidad/kapaligiran. Pangkatin ang mga ito batay sa uri, kung ito ba ay kabilang sa anyong lupa o anyong tubig. Ipaliwanag kung ano ang kahalagahan nito sa pamumuhay ng mga tao sa inyong komunidad at ang mga gampanin mo bilang tao sa paglinang ng mga ito.

Mga kakailanganing kagamitan

Page 9: file · Web viewMatatalakay din sa araling ito ang mahalagang gampanin ng katangiang pisikal ng Asya sa uri ng pamumuhay ng mga taong nakatira ditto. ... sukat at klima. 3

Mga larawan Journal notebook Kwaderno Papel at panulat Iba pang aklat

Answers key

Paunang Pagtataya1. A2. A3. A4. B5. A

GAWAIN 11. Iraq2. Pilipinas3. Pilipinas4. Jordan5. China6. Japan7. Russia8. Nepal-Tibet

GAWAIN 3 A. 1. Silangang Asya- Vietnam 2. Timog- Silangang Asya- Sri Lanka

3. Hilagang Asya- North Korea 4. Timog Asya- Israel 5. Kanlurang Asya- Kazakhstan B. 1. bulubundukin 2. bundok 3. talampas 4. kapatagan 5. disyerto 6. kapuluan

GAWAIN 41. T2. T3. T4. T5. M6. M7. T8. T

Mga sanggunian

TANDAAN Kung ikaw ay nakakuha ng 20 puntos o higit pa,

maaari ng tumuloy sa susubod na modyul. Kung 19 puntos pababa ulitin ang modyul.

Page 10: file · Web viewMatatalakay din sa araling ito ang mahalagang gampanin ng katangiang pisikal ng Asya sa uri ng pamumuhay ng mga taong nakatira ditto. ... sukat at klima. 3

Ph.D., Grace C., et al., Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, Vibal Publishing House, Quezon City, Philippines, 2008

De Leon, Zenaida M., et al: ASYA: Tungo sa pag-unlad, Makabayan Serye, Vidal Publishing House, Quezon City, Philippines 2003

ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan, Modyul para sa mag-aaralAn Adaptation from: Edukasyon sa Pagpapakatao, Modyul para sa Mag-aaral

https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://worldartsme.com/images/instructional-design-clipart-1.jpg&imgrefurl=http://worldartsme.com/schema/?order%3Dalphabetical

https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://fil.wikipilipinas.org/images/thumb/5/50/Habagat.jpg/300px-Habagat.jpg&imgrefurl=http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Hanging_Habagat&h=169&w=30

https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://www.pptbackgrounds.org/uploads/vintage-paper-scroll-backgrounds-wallpapers.jpg&imgrefurl=http://www.pptbackgrounds.org/note-old-paper-backgrounds