ryan paul's kompilasyon ng mga akademikong sulatin

42
MGA URI NG AKADEMIKONG SULATIN Ni: Ryan Paul de Castro

Upload: generosofil

Post on 21-Jan-2018

421 views

Category:

Education


22 download

TRANSCRIPT

MGA URI NG

AKADEMIKONG SULATIN

Ni: Ryan Paul de Castro

ABSTRAK

Ang Epekto ng Social Media sa Mag-aaral o Estudyante

Sa ngayon, may higit na dalawang bilyong tao ang gumagamit ng

social media sa buong mundo na naging epekto sa kanilang pamumuhay

lalong lalo na sa mga estudyante na nag-aaral. Ginawang mas mabilis ang

ating buhay sa social media. Nagtatambakang impormasyon, malawak na

kaalaman, at maraming oportunidad ang bukas upang magamit ito.

Karamihan din sa mga estudyante ay may iba’t ibang “pattern” ang sinusunod

at istilo sa paggamit ng social media. Habang dumarami din ang mga social

media user, mas marami din ang aktibong kabataan ngayon. Aypn sa

pananaliksik, karamihan sa mga kabataan na gumamit ng social media ay

nasa 14-29 ang edad. Ilan din sa mga positibong epekto ayy ang madaling

pagkalat ng kaalaman, mas mabilis na komunikasyon at iba pa. Pero mayroon

ding negatibong epekto sa paggamit ng Social Media. Gaya lamang sa

pamilya, ang mga anaka ay mas ginugugol pa sa social media ang oras nila

kaysa sa mga magulang. Sa paaralan, hindi masyadong intutok sa pag-aaral

ang mga estudyante at maapektuhan din ang emosyonal na aspeto ng bawat

isa. Marami pa ang mga dahilan kung bakit ang adiksyon ng social media sa

mga kabaatan lalong lalo na ang mga estudyante at mga dahilan nito.

BIONOTE

I.Nagtapos ng BS Geodetic Engineering at MA Sociology si Juan

Carpio. Siya ay kasalukuyang kumha ng PhD sa Filipino: Pagsasalin sa UP-

Diliman. Ang kulang na lang niya ay Disertasyon. Siya rin ay nagtuturo sa

Unibersidad ng Sanoto Tomas ng asignaturang panitikan at resident fellow ng

UST Center for Creating Writing and Literary Studies. Nailathala niya ang

unang koleksyon sa NCCA noong 2013. Nailathala naman niya ang ikalawang

koleksiyon ng tula noong 2014. Ang pangarap niya ay manalo sa Carlos

Palanca Memorial Awards for Literature.

II

Si Gelly Ellegio Alkuino ay nag-aaral sa Surallah Natioanl

Agricultural School, Surallah, South Cotabato noong 1979. Nagtapos din siya

ng Master of Arts in Education- Educational Management sa Notre Dame of

Marbel University, Koronadal City. Nagtapos din siya sa kursong Bachelor of

Science in Education Major in History sa Mindanao State University, General

Santos City noong 1986 na may Latin Award na Cum Laude. Academic

Excellence Awardee rin siya sa loob ng tatlong taon. Natamo rin niya ang

Outstanding School Paper Advier of the Philippines sa National School Press

Confeerence noong 2004. Siya rin ay ang may-akda ng mga Sanayang Aklat

sa Filipino I, II, III, IV (Edisyong BEC). May-akda rin siya sa pamahayag

aklat sa Ingles, Campus Journalism in the New Generation. Tagapagasanay at

tagapanayam rin siya sa pamamahayag at teatrang sining.

III.

Si Lea Joy E. Pinili ay isinilang noong Nobyembre 17, 1999.

Nakatira siya ngayon sa Roosevelt St. Pob. Zamboanguita, Negros Oriental.

Ang mga magulang niyaay sina Lois Colin Pinili at Zia Jean E. Pinili. Tinapos

niya ang kanyang pag-aaral sa Zamboanguita Central Elementary School.

Tinapos rin niya ang kanyang pag-aaral ng “high school” sa Zamboanguita

Science High School. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa Higit na mataas na

paaralan ng Zamboanguita Science High School.

SINTESIS

Ang pamagat ng maikling vieo clip ay “ A Silence of Love.”

Ito ay tungkil sa isang babe na palaging tinutukso ng mga kaklase

dahil ang kanyang ama ay isang pipi. Ang kanyang ama ay

mapagmahal at matiyag sa kanyang tungkulin bilng “Haligi ng

tahanan.” Minsan, nag-away sila dahil sa ibat’t ibang estado na

kinaharap nila. Hanggang isang araw sa kaarawan ng kanyang anak,

masayang-masaya ang ama sa paghahanda ng “birthday cake” para sa

anak na may biglang naatog sa itaas na pinuntahan nito ng kanyang

ama at knakitang nakahandusay ang anak. Isinusogd kaagad sa ospital

upang mabigyan ng luna. Ang ama naman ay iyak nang iyak at

nagsisisi sa mga ginawa niya sa anak. At sa huli nagising ang anak at

napagtanto niya ang kanyang ginawa para sa anak, Sa huli nagising sa

katotohanan ang anak at naging mapagmahal ito sa ama, kahit may

kapansanan man ito.

TALUMPATI

Kahalagaan ng Pagkain ng Gulay at Prutas

Dito sa mundong ibabaw, marami ang nagbabago sa

ibat’t-ibang aspeto sa buhay. Umuunlad ang ekonomiya, esdato

ng pamumuhay at paglabas ng mga teknolohiya. Hindi rin

mawawal ang pag-usbong ng mga iba’t ibang putahe at

pagdagsa ng mga kainan sa mga malls at iba’t-ibang

establisyimento. Pero hindi natin namamalayan na sa pag-unlad

ng ating aspeto sa buhay, ang ating kalusugan ay

nangangailangan ng atensiyon.

Kaya sa pagkain natin ng mga masasarap na putahe,

kailangan natin ang malusog at masustansiyang pagkain katulad

ng prutas at gulay. Ang pagkain ng gulay ay nagbibigay sigla sa

ating mga matamlay na katawan. Nakadagdag din ito sa ating

mga pagkain sa hapagkainan bilang kulay at sustansiya. Ang

prutas naman ay nagsilbing “appetizer” ng ating katawan.

Nagbibigay ito ng mga bitamuna para sa ating mga mata, balat,

internal oragans at iba pa.

Dahil buwan ng Hulyo ngayon, ang mga mag-aaral at

guro ay nagdiwang ng “Nutrition Month” sa kanilang paaralan.

Ito ay paalala na dapat kumani ng masustansiyang pagkain gay

ng gulay at prutas. Hindi lang sa buwan ng Hulyo tayo kakain

ng masustansiyang pagkain kundi araw-araw natin itong gawin

na maipalagana natin ang wastong nutrisyon sa bawat isa.

REPLEKTIBONG

SANAYSAY

Ang pagmamahal ay ang pinakamakapangyarihan

damdamin sa bawat buhay ng isang tao. Kadugo man o hind,

ang importante ay ang pagkakaisa ng bawat puso at isipan.

Ang aking napanood na video clip ay pinamagatang

“My beautiful Woman.” Ito ay tungkol sa isang babaw na may

dalawang ginagampanan sa buhay: ang pagiging estudyante at

isang ina. Nagmamadili ang babae papunta sa “Mother’s Day

Celebration” sa paaralang pinapasukan ng kanyang anak. Nang

nakaupo na siya sa entablado, napaisip siya sa kanyang

karanasan sa buhay. Katulad ng paghahatid ng kanyang anak sa

paaralan, at pagpapakain sa kanya. Mahirap ang kanyang

pinagdadaanan lalo na siya ay nag-aaral pa. Pero matibay at

matatag ang kanyang loob para sa magandang kinabukasan ng

kanyang sarili at asa kanyang anak. Nang nakaharap na ang

bawat kabataan sa kanilang ina namay bitbit na malaking

kuwintas na may bulaklak sa bawat gild, napaliha ang ina ng

bata.

Nagbalik-tanaw siya noong pinulot niya ang isang sanggol sa

loob ng isang bag. Nakausap niya ang guro ng bata. Kahit hindi

niya kadugo ang kanyang inaalagaang bata ngayon, maging

matatag at positibo siya para sa kinabukasan nito. At dppn

nakita nita ang kanyang anak na luumhod at nagpasalamat sa

pag-aaruga at pagmamahal sa kanya.

Sa makatuwid, ang pagmamahal ay walang pinipili.

Ano man ang estado sa buhay, iba man ang pisika anyo,

kapamilya man o hindi basta ang mahalaga may pag-uunawaan

at pagkakaisa ang bawat damdamin at pag-iisip.

POSISYONG

PAPEL

Death PenaltySa ating bansa, maraming mga Pilipino ang

naapektuhan sa mga isyi ngayon katulad ng rape, krimen at paggamit ng illegal na droga. Nagawa nila dahil sakahirapan ng buhay. Kaya ang pamahalaan ay nais ibalikang Death Penalty o Pagbitay. Ayon sa Republic Act No. 7659, ang death penalty ay ang parusang ipinapapataw samga gumawa ng mga kagimbal-gimbal na krimengnakhahapis, nakririmarim, kakilakilabot at nakakakapoot. Ang halimbawa nito ang rape pagpatay at iba pa.

Ang pagbabalik ng death penalty ay isang paraangng Administrasyong Duterte upang mawala at mausugpoang mga isyu na nagpapahirap sa bawat Pilipino. Sang-ayonako sa pagbalik nit dahil para sa akin, ito lang ang tangingparaan upang masugpo ang mga salot sa lipunan ng atingbansa. Ito ang dahilan kung bakit sang ayon ako sa pagbalikng parusang kamatayan.

Ito ang paraan upang maalis ang mga kriminal at 0%

Criminality ang atin bansa. Ayon kay Pangulong Duterte, ang

mulng pagpapatupad ng parusang kamatayan ay hindi

pananakot sa mga kriminal kundi pambayad sa kanilang

kasalanan. Maraming Pilipino ang nahihirapan nito at ang

layunin ni Duterte ay ang kapakanan ng kanyang nasasakupan.

Dahil palubha nang palubha ang mga isyu sa ating

lipunan. Kaya ang pagpapatupad ng death penalty sa Pilipinas

ang soluyon upang maging malinis at malinaw ang estado ng

ating bansa at para na rin sa kinabukasan ng mga kabataan sa

hinaharap.

LAKBAY-ARAL

Maraming magagandang tanawin ang matatagpuan sa

Pilipinas lalo na sa probinsya ng Negros Oriental. Ang mga lugar na

kung saan komportable ang iyong puso’t isipan. Ang halimbawa nito

ang napuntahan ko sa Sibulan Negros Oriental. Ito ang Puncak

Tanawan.

Bago mo makita ang pinakamataas na lugar, maglalakad ka

muna mula sa simula sa loob ng 90 minutes. Mura naman ang entrance

fee doon, 20 pesos lang. Sa pag-aakyat mo, dito masusubukan ang

iyong pisikal na lakas at determinasyon makita ang pikatuktok ng

lugar sa Tanawan. Dito rin mararanasan na sa bawat akyat mo,

hinahaluan ito ng saya sa bibig mo. Mapamangha ka sa kagandahan ng

kapaligiran.

At nang napuntahan mo na ang pinakatukok ng

lugar,makikita mo ang karagatan, pulo ng Cebu at Siquijor.Kung sa

gabi ka pupunta, makikita mo ang “night view” ng buong siyudad ng

Dumaguete City. Mararamdaman mo ang kagandahan ng mga ilaw na

nagliliwanag sa bawat sulok ng lugar kasabay ang mga hangin na

humahampas sa iyong katawan.

Samakatuwid, dapat tayong magpasalamat at maging

kontento sa kung ano tayo ngayon. Harapin natin ang mga

pagsubok katulad lamang ng pag-aakyat ng mataas na lugar.

Dapat natin paghirapn at pagsikapan makamit ang ating

pangarap upang maging mabuting halimbawa sa iba at maabot

ang pinakatuktok ng lugar.

PHOTO ESSAY

Martial Law Sa Marawin City

Ang pagdeklara ng Martial Law ni Pangulong Duterte sabuong Mindanao ay nagbiagay daan upang maalis at masugpo angmga rebeldeng tinatawang na Maute Group. Dahil dito nagpadalaang gobyerno ng mga sundalo upang mapigilan ang ksamaan ngmga rebeldeng grupo.

Lumilipas ang mga araw, mas lalong tumitindi ang bakbakn

ng mga sundalo at ang rebeldeng grupo. Ang tungkulin ng bawat

sundalo ay kasimbigat ng kanilang minamanehong “armored tank”

para sa seguridad ng bawat mamamayan sa Marawi.

Ang mga tao ay hindi nila alam kung saan sila pupunta dahil

sa naganap na bakbakan sa kanilang lugar. Kahit iniwan na nila ang

kanilang mga ari-arian naging panatag sila na mabigyan proteksyon

ang kanilang mahal sa buhay mula sa karahasan.

Bawat pamilya ay nagsama-sama at nagkakaisa sa anumang

sitwasyon na hinaharap nila ngayon. Ang mga inosenteng mga bata ay

naapektuhan sa bawat putukan ng kanilang naririning.

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang bakbakan sa Marawi

City. Sinisikap na maging panatag ang bawat damdamin ng mga tao,

lalo na ang mga musmo na bata. At sa huli nanaig pa rin ang pag-asa

na babangon ang bawat tao mula sa mga pagsubok.

KATITIKAN NG

PULONG

Pagpili ng Produkto at Advertising Company

Kailan: Setyembre 5, 2017

Saan: SHS Building

Oras: 10:15 A.M

Mga Dumalo:

1.Marie Raphelle Deloria – presidente ng kompanya

2. Rose Ann Adapon – kinatawan ng ABS-CBN

3. Sharmine Alarcio – kinatawan ng GMA

4. Mga kasapi ng kompanya

Mga Hindi Dumalo:

1. Dan Byron Deloria (miyembro ng kompanya)

2. Janine Bautista (miyembro ng kompanya)

3. Gypsy Mae Elnar (miyembro ng kompanya)

1. Pagsisimula ng Pulong

Pinanguluhan ni Rose Ann Adapon ang pagpupulong sa pamamagitan

ng pagdadasal at sinimulan ni Marie Raphelle Deloria ang pagpupulong

tungkol sa pagpili ng produkto at advertising company.

Tinalakay ang mga sumusunod na adyenda:

1. PAGPILI NG PRODUKTO

Nagbigay ng mga pagpipiliang produkto ang presidente ng kompanya na

si Marie Raphelle Deloria para sa botohan kung anong produkto ang

gagamitin. Ito ay ang Sunsilk o Head & Shoulders. Nagsuhestiyon ang

isang miyembro ng kompanya na si Jairus Canchela na may basehan ba sa

pagpili ng produkto para sa pag-endorse sa TV adverstisements. Marami

sa mga miyembro ng kompanya ay nagbigay reaksiyon sa kung ano ang

gagamitin na produkto. Ito ang iba’t ibang reaksyon:

-Gusto ni Bb. Christine Lazaga ang produkto ng Sunsilk dahil ayon sa

kanya, mabango at patok sa mga babae katulad niya. At siyempre Sunsilk

user siya simula sa kanyang kabataan

- Inimungkahi ni G. Jhon Mar Trinidad na dapat ang produkto ng Sunsilk

ang gamitin dahil nagpapaganda ito at maging mahalimuyak ang buhok sa mga

gumagamit nito.

-Gusto ni Bb. Khrizzle Jean Maquiling ang produkto ng Head & Shoulders

dahil cool ito at tumatanggal sa mga kumakapit na dandruff.

Pagkatapos magbigay ng mga suhestiyon ang mga miyembro ng

komponya, sinimulan ni Bb. Deloria ang botohan sa pagpili ng produkto. 6 sa

mga miyembro ng kompanya ang pumili sa produktong Sunsilk bialng gamitin

na produkto at 14 sa mga miyembro ng kompanya angbumoto sa produktong

Head & Shoulders. Idineklara ni Bb. Deloria na ang produktong Head &

Shoulders ang gamitin na pag- eendorse.

2. PAGPILI NG ADVERTISING COMPANY

Pagkatapos ng pagpili ng produkto, ipinakilala ni Bb. Deloria ang

kinatawan ng ABS- CBN na si Rose Ann Adapon at kinatawan ng GMA na si

Sharmine Alarcio. Nakinig ang mga miyembro ng kompanya sa kanilang

paraan kung paano nila ihahatid sa publiko ang nasabing produkto. Ito ang

suhestiyon ng bawat kinatawan:

- Ang suhestiyon ni Bb. Adapon ng ABS – CBN ay kailangan kumuha ang

kompanya ng mga artista bilang endorser. Ang budget ng ABS-CBN ay nasa

Php. 500,000.00 at gaganapin ang pag endorso ng produkto sa bahay.

-Ang suhestiyon ni Bb. Alarcio ng GMA ay dapat ang mga “proud user” ang

mag-eendorso sa nasabing produkto kasi may alam sila kung paano gamitin at

silbing ebidensiya. Ang budget ng GMA ay nasa Php. 100,000.00 at gaganapin

ang pag-endorso ng produkto sa malls.

May suhestiyon si G. Jairus Canchela. Sabi niya kailan at paano ito

maisagawa at gaganapin. At pagkatapos, nag botohan ang mga miyembro ng

kompanya kung anong istasyon ang gagamitin nila. 6 sa mga miyembro ang

bumoto sa ABS-CBN at 12 ang bumoto sa GMA. At nagmungkahi si Bb.

Deloria na sa susunod na pagpupulong nalang talakayin kung sino mismo nag

pipiliin nila bilang Advertising Company dahil papasa ang bawat kinatawan ng

proposal sa presidente. At isinara ang pagpupulong sa pamamagitan ng

panalangin mula kay Bb. Adapon

G. Ryan Paul de Castro

Kalihim

RESUME at

LIHAM

APLIKASYON

Ryan Paul de Castro

238 National Highway, Pob. Zamboanguita Negros Oriental

(0906) 788-2282

[email protected]

Layunin

-Posisyon bilang sa pagtuturo ng musical instruments sa inisyal na

karanasan sa pagtatrabaho

Edukasyon

•Negros Oriental State University Main Campus I

Bachelor of Science in Secondary Education Major in MAPEH 2018-2022

•Zamboanguita Science High School (Senior High School)

STEM track 2016-2018

•Zamboanguita Science High School (Junior High School) 2012-2016

•Zamboanguita Central Elementary School 2006-2012

Karanasan

• Student Teacher

Zamboanguita Science High School 2019-2020

• Music Director

Dumaguete Skillage Band 2019-kasalukuyan

• Assistant Music Director

Negros Oriental Musician Association 2019-kasalukuyan

Mga Kasanayan

• Makapagturo sa wastong tono at paggamit ng iba’t-ibang uri ng instrumento

sa larangan ng musika

• Nakakagawa ng sariling pattern at hakbang sa pagtugtog ng mga instrumento

• Mapaganda ang hakbang sa pagkanta at paggawa ng sariling komposisyon

Ika-14 ng Setyembre 2017

Bb. Ana Melissa T. Venido

Operations Manager

Philippine Showbands & Musicians Union, Inc.

35 West Ave., Quezon City, Metro Manila

Mahal na Bb. Venido

Magandang umaga po! Nag-aaplay ako sa posisyong Musical

Director ng inyong inanunsiyo sa inyong Web page noong nakaraang martes.

Matapos ko pong basahin ang mga impormasyon tungkol sa nasabing

posisyon, masisiguro ko sa inyo na magagawa ko ang aking tungkulin sa

trabahong ito. Itong posisyon ay hindi lang sa aking kapasidad ngunit ito ay

para sa ikabubuti ng inyong establisyento.

Maaari ninyong po akong interbyuhin sa araw at oras na inyung

naisin. Kontakin lang po ako sa aking cellphone 09067882282

Maraming Salamat po!

Sumasainyo,

Ryan Paul de Castro

Memorandum

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Zamboanguita Science High School

Del Pilar St. Pob. Zamboanguita Neg. Or.

Oktubre 3, 2017

PAKSA : Pagpupulong para sa 2017 Christmas Party

PARA SA: Miyembro ng Student Council

1. Ang Christmas Party ay mahalaga upang ipadama sa mga estudyante ang

importansiya sa pagdiriwang ng Pasko

2. Ang layunin ng pagpupulong na ito ay ang mga sumusunod:

2.1. Maging maayos ang mga aktibidad na gagawin sa mga estudyante

2.2. Makahanda ang bawat isa kung ano ang dadalhin

2.3. Mapag-usapan ng bawat miyembro sa nasabing aktibidad

3. Inaanyayahan ang bawat miyembro ng Student Council na dumalo sa

pagpupulong para sa 2017 Christmas Party ngayong Nobyembre 16, 2017

sa 8:30 ng umaga sa silid-aralan ng Grade 12- Generoso SHS building ng

Zamboanguita Science High School

4. Ang bayad para sa transportasyon ay kukunin mula sa SHS budget.

5. Para sa malawakang diseminasyon

Ryan Paul de Castro

PRESIDENTE – Student Council

Agenda

PETSA : Ika-5 ng Oktubre 2017

PARA SA : MGA MIYEMBRO NG MUSIC CLUB

MULA KAY: MR. MARK JOHN C. PINO

Presidente ng Club

Mangyayari ang ating pulkong sa Oktubre 15, ika-9 ng umaga sa

Zamboanguita Science High School Conference room. Ang mga opisyal sa

nasabing club ang magdadala ng mga kagamitan na kailangan sa ating

pagpupulong.

AGENDA

Pagsisimula

a. Panalangin

b. Bating Pambungad

1. Pag-apruba ng Agenda

2. Pag-apruba ng Katitikan ng nakaraang pulong

3. Mga isyu sa katitkan ng nakaraang pulong

4. Mga updates sa mga gawain kasama ang petsa

a. Music Festival (Oktubre 15, 2017)

b. Acoustic Contest (Oktubre 18, 2017)

c. Rock Band Activity(Oktubre 22, 2017)

d. Jazz Music Competition (Oktubre 27, 2017)

6. Iba pang gawaing walang iskedyul

a. Pinaghiusa 2017

b. Music Club Mall Tour

c. Jamming Session with Sponge Cola

7. Mga paalala para sa mga miyembro ng Music Club

8. Iba pang bagay

9. Petsa ng susunod na pulong, ika-25 ng Nobyembre 2017

10. Pangwakas

Maraming Salamat

Po!