sa aking mga magulang ni cris angelo gamit
TRANSCRIPT
![Page 1: Sa Aking Mga Magulang ni Cris Angelo Gamit](https://reader038.vdocuments.pub/reader038/viewer/2022102416/55664931d8b42ab75e8b48a5/html5/thumbnails/1.jpg)
Sa Aking mga Magulang• Cris Angelo A. Gamit2 - St. Peter Canisius
Kayo ang dahilan ng aking hiningaAko ay hinubog sa inyong kalinga;Pag-ibig na wagas, totoo’t dakilaAng siyang nagbigay ng lakas ko’t sigla.
Hinubog n’yo aking damdamin at diwaKasama ko kayo sa ngiti ko’t luha;Sa aking pagtulog sa gabing madilimNagbabantay kayo sa aking paghimbing.
Hindi hahayaang lamok ay kagatinPati na ang init, pilit papawiin;At kung ako ma’y tuluyang magisingNakangiti kayong babati sa akin.
Di naging madali ang sakripisyo n’yoSimula nang ako’y maging isang tao;Kaya naman ako’y may mga pangakoPangaral at hiling n’yo ay susundin ko.