sa batangas: ang lokalays na wika sa salita

11
Modyul # 1 Teksto SA BATANGAS: ANG LOKALAYS NA WIKA SA SALITA Magdalena C. Sayas Nangingibabaw ang pekulyaridad ng paggamit ng lenggwahe ng mga naninirahan sa isang partikular na lugar. Ang paglitaw na ito, na mapapansin sa gamit ng wika sa isang komunidad ay dala ng sosyo-heograpikong kadahilanan, at ang resulta ay magkaroon ng mga sab-grup ang isang wika (Ramos, et al., 1985). Ganito rin ang nilalaman ng isang bahagi ng “Laws of Language” ni Pei (1956), na nagsasaad na ang lenggwahe ay nagiging lokalays batay sa heograpiya, at ang wikang ginagamit ng isang komunidad ay nag-iiba sa maraming lugar nito. Idinagdag pa ni Pei na ang saklaw ng nasabing mga batas ay hindi lamang isa kundi lahat ng wika. Samantala, binigyang-diin ni Ramos ang mga pagkakaiba ng gamit ng wika sa kanyang artikulong “Ang Wika at Linggwistika”, at tinukoy niya rito ang Wikang Tagalog: ...kung susuriin ang ilang komunidad na gumagamit ng wikang ito makikitang may kanya-kanya silang paraan ng paggamit ng naturang wika. ...ang pagkakaiba ay maaaring nasa aksent, lexicograpya, o kaya’y nasa pagbigkas lamang (Ramos 1985). Ang Batangas ay isa sa mga komunidad na gumagamit ng Wikang Tagalog. Layunin ng papel na ito na tukuyin ang pekulyaridad ng wikang Batanggenyo, batay sa mga sumusunod: 1. Sa lexicon at ponolohiya na tinuran ni Ramos; 2. Sa morpolohiya; at 3. Sa mga komponent na batayan ng speech act ni Hymes (1975). Ang nahuhuling batayan ay hinango sa mga komponent na sinuri ni Hymes at nagtatakda ng mga panuntunan sa isang sitwasyon ng pagsasalita; gaya ng kung sino ang nagsasabi, ano at kanino sinasabi, kung kailan at paano sinabi ang isang salita, parirala o pangungusap. Binuo ni Farb (1975) ang mga komponent na ito sa isang akronim: ang SPEAKING. Binigyan ko naman ng katapat na akronim ito: SALITA. Ang S ay tumatayo sa Seting (Setting); ang A, sa Alituntunin (Norm); ang L, sa Layunin (Ends); ang I, sa Instrumentaliti (Instrumentality/Language) at Estilo (Genre); ang T, sa Tono (Key); at ang A, sa Antas ng Partisipant (Participant), at Anyo at nilalaman ng Pinag-uusapan (Act Sequence).

Upload: samantha-abalos

Post on 16-Feb-2017

1.115 views

Category:

Education


9 download

TRANSCRIPT

Page 1: SA BATANGAS: ANG LOKALAYS NA WIKA SA SALITA

Modyul # 1 Teksto

SA BATANGAS: ANG LOKALAYS NA WIKA SA SALITAMagdalena C. Sayas

Nangingibabaw ang pekulyaridad ng paggamit ng lenggwahe ng mga naninirahan sa isang partikular na lugar. Ang paglitaw na ito, na mapapansin sa gamit ng wika sa isang komunidad ay dala ng sosyo-heograpikong kadahilanan, at ang resulta ay magkaroon ng mga sab-grup ang isang wika (Ramos, et al., 1985). Ganito rin ang nilalaman ng isang bahagi ng “Laws of Language” ni Pei (1956), na nagsasaad na ang lenggwahe ay nagiging lokalays batay sa heograpiya, at ang wikang ginagamit ng isang komunidad ay nag-iiba sa maraming lugar nito. Idinagdag pa ni Pei na ang saklaw ng nasabing mga batas ay hindi lamang isa kundi lahat ng wika. Samantala, binigyang-diin ni Ramos ang mga pagkakaiba ng gamit ng wika sa kanyang artikulong “Ang Wika at Linggwistika”, at tinukoy niya rito ang Wikang Tagalog:

...kung susuriin ang ilang komunidad na gumagamit ng wikang ito makikitang may kanya-kanya silang paraan ng paggamit ng naturang wika.

...ang pagkakaiba ay maaaring nasa aksent, lexicograpya, o kaya’y nasa pagbigkas lamang (Ramos 1985).

Ang Batangas ay isa sa mga komunidad na gumagamit ng Wikang Tagalog. Layunin ng papel na ito na tukuyin ang pekulyaridad ng wikang Batanggenyo, batay sa mga sumusunod:

1. Sa lexicon at ponolohiya na tinuran ni Ramos;2. Sa morpolohiya; at3. Sa mga komponent na batayan ng speech act ni Hymes (1975).

Ang nahuhuling batayan ay hinango sa mga komponent na sinuri ni Hymes at nagtatakda ng mga panuntunan sa isang sitwasyon ng pagsasalita; gaya ng kung sino ang nagsasabi, ano at kanino sinasabi, kung kailan at paano sinabi ang isang salita, parirala o pangungusap. Binuo ni Farb (1975) ang mga komponent na ito sa isang akronim: ang SPEAKING. Binigyan ko naman ng katapat na akronim ito: SALITA. Ang S ay tumatayo sa Seting (Setting); ang A, sa Alituntunin (Norm); ang L, sa Layunin (Ends); ang I, sa Instrumentaliti (Instrumentality/Language) at Estilo (Genre); ang T, sa Tono (Key); at ang A, sa Antas ng Partisipant (Participant), at Anyo at nilalaman ng Pinag-uusapan (Act Sequence).

Page 2: SA BATANGAS: ANG LOKALAYS NA WIKA SA SALITA

Bukod sa mga inilahad na batayan, hindi maiiwasang banggitin ang verbal, di verbal, at extra-verbal na sistema ng komunikasyon, sapagkat nagtataglay din ang mga ito ng mga panuntunan na nakalakip sa ipinaliwanag na mga komponent. Ang nauunang sistema ay tumutukoy sa sintax at lexicon ng wika; ang pangalawa ay binubuo ng panahon, organisasyon ng mosyon at pagkakaayos ng espasyo; ang pangatlo ay sumasakop sa naririnig na mga senyas (sign) na bahagi ng sistemang extra-verbal; gaya ng diin, tono, bilis, lakas, haba at pansamantalang pagtigil sa pagsasalita.

Lexical na Pekulyaridad

Sa sumusunod na mga set ng dayalog na karaniwang naririnig sa ilang senaryo sa Batangas, lumilitaw ang kakanyahan ng wikang Batanggenyo. Sa mga salitang inuulit sa loob ng parentesis, makikita ang tunay na bigkas ng mga salitang ito sa Wikang Batanggenyo.

Teban: Sergio (Sirgio)! Hu! Sergio (Sirgio)(Tumatawag ito mula sa geyt [tarangkahan] na may kalayuan sa bahay. Maririnig siya ni Tony, ang pamangkin niya na naglalaro sa bakuran.)

Tony: Aba, si Kakang Teban (Tiban)! Mano po.(Makikita ang kanyang ina na si Aling Flora at tatawagin ito.) Nay po! Nay po! Naare po si Kaka.

Teban: O, Flora (Plura), gayak na baga si Sergio (Sirgio)?Flora: Aywan ko ho. Nakain ho ata ang inyong kapatir. Tayo na ho muna

sa loob (luob).

(Papasok ang dalawa sa bahay. Hindi makikita ni Flora ang asawa.)

Flora: Hindi ho pala nakain. Baka ho nasa kuwarto. Saglit ho at tatawagin ko.

(Papasok sa kuwarto at kakausapin ang asawa.)

Flora: Hoy, na-andiyan na si Kuya Teban (Tiban).Sergio: Na-andiyan na ga? Pinakain mo ga?Flora: Hindi pa eh (i).Sergio: Aba’y pakaini.

(Lalabas si Flora at aalukin ang bayaw na kumain.)

Flora: Kuya Teban (Tiban), kumain muna kayo. Mayroon (Mer-on) ho ritong adobong panos at gulay na tabayag.

Teban: Anla’y hindi na. Di ga pista sa San Felix (Sampilis)? Doon ang

Page 3: SA BATANGAS: ANG LOKALAYS NA WIKA SA SALITA

punta namin eh (i). Siyanga pala, pinakakamusta ka ng biyenan (bi-anan) ng kapatid mo. Suminsay ako sa kanila kanina.

(Lalabas si Sergio na nakahanda na sa pag-alis)

Sergio: Tayo na ga, Kuya?Teban: Aba’y oo (uo). Tanghali na eh (i).

(Lalapitan ni Sergio ang asawa at magpapaalam)

Sergio: Hoy, payao na kamiFlora: Sige na. Gaor na kayo at baka kayo gabihin (gab-ihin).

Mapapansin sa sagot ni Tony sa unang bahagi ng set ng dayalog nang makita nito ang kanyang amain, na ginamit niya ang Kaka. Mahuhulaan ng Batanggenyong makakarinig nito na si Teban ay pinakamatandang kapatid ng ama o ina nito. Kaugnay naman nito, tatawagin ni Tony ng Kuya o Ate ang anak ni Teban, kahit pa ang anak ng nahuhuli ay mas bata pa sa anak ni Sergio. Matandang gulang ang tawag dito. Tiyo at Tiya naman ang itatawag ng anak ni Teban kay Sergio at Flora. Samakatwid, Kaka ang gagamiting pantawag sa amaing nakakatanda at Tiyo at Tiya naman para sa nakakabata. Ang mga katawagang ito ay karaniwang naoobserbahan sa mga baryo na bukid ang tawag ng mga Batanggenyo. Sa mga poblasyon o bayan, hindi gasinong sinusunod ang tandang-gulang; kaya, Tiyo at Tiya ang tawag sa amain at tiyahin, matanda man o bata. Samantala, sa Taal, Batangas, sa halip na Kaka ang pantawag nila ay Manong; Ate naman para sa tiyahin. Sa mga batang henerasyon, Tito at Tita, o kaya naman ay Uncle at Auntie ang ginagamit.

Makikita ang katawagang Kaka at ang kahulugan nito sa Wikang Kastila sa Arte De La Lengua Tagala Y Manual Tagalog Para Los Sacramentos (Totanes 1865). Isinasaad dito na ang katumbas ng Caca ay hermano mayor de su padre o madre na ang ibig sabihin ay pinakamatandang kapatid ng ama o ina; at ang Cacang Capatir ay hermano mayor o pinakamatandang kapatid. Samakatwid, ang Kaka ay ginagamit na noon pa mang panahon ng pananakop ng mga Kastila.

Ang binanggit na tandang-gulang ay makikitang muli sa maraming linyang binigkas ni Flora na nagtataglay ng kayo at engklitik na ho. Katulad ang mga ito ng po at kayo na ginamit ng anak ni Sergio na si Tony para kay Teban at sa kanyang ina. Anng n’yo at kayo ay mga panghalip na plural (pangmaramihan) sa pangalawang panauhan na nagbabadya ng paggalang. Nakalakip ang gamit na ito ng panghalip na plural sa “History of Language” na nagsasaad na: (sariling salin).

Sa maraming lenggwahe, may dalawang porma para sa panghalip na You

Page 4: SA BATANGAS: ANG LOKALAYS NA WIKA SA SALITA

sa Ingles; isang mas pamilyar, ang isa naman, mas pormal o may paggalng. Malimit na plural na porma ng You ang nagsisilbing pormal na singular (Pei, 1956).

Maaaring sabihing hindi pekulyaridad ng lenggwaheng Batanggenyo ang paggamit ng engklitik na po at ho at ng pangmaramihan o plural na porma para maipakita ang pormalidad o paggalang dahil ang mga ito ay karaniwang naririnig sa ibang Tagalog, maging sa ibang rehiyon, maliban sa Bisaya. Ngunit may karagdaganng gamit ang mga nasabing panghalip na makikita sa mga dayalog ni Flora. Totoong kakatwa na hindi namumupo sa kapatid na nakakatanda ang mga nakakababatang kapatid ngunit iginagalang naman ito ng kanyang asawa. Mapapansin na si Sergio ay gumamit ng panghalip na Ka kay Teban samantalang si Flora na asawa niya ay gumamit ng panghalip na plural para sa pinakamatandang bayaw. Samakatwid, idinidikta ng kultura nila na maging pormal sa pinakamatandang bayaw o hipag sa pamamagitan ng paggamit ng ho, ninyo at kayo. Para sa kanila, ayon sa mga nakapanayam ng sumulat nito, pangalawang magulang ang pinakamatandang kapatid, bayaw at hipag.

Kagaya ng nabanggit na, inilalakip ang engklitik na ho o po para sa mga taong mas mataas ang antas kaysa nagsasalita. Ngunit sa Batangas, may kakaibang paraan ang paggamit ng po para sa magulang, gaya ng sinabi ni Tony nang ipaalam niya sa ina na dumating na ang kanyang amain. Tinawag niya ang kanyang ina nang dalawang beses na may karugtong na po sa bawat tawag, na maliwanag na makikita sa dayalog niyang: “Nay po! ‘Nay po!” Halimbawa naman ay kanyang ama ang tatawagin, ang magiging dayalog niya ay: “’Tay po! ‘Tay po!” Nararapat lamang tandaan na tanging sa mga magulang ginagamit ang ganitong paraan ng pagtawag na may paggalang, at ito ay sinasabi nang mabilis. Sa kasong ito, ang bilis ng pagtawag nakalakip sa extra-verbal na sistema ng komunikasyon.

Ang ipinaliwanag na paggamit ng po bilang pantawag sa magulang na kasama ang salitang ‘Nay’ o ‘Tay’ ay naoobserbahan sa maraming baryo, tulad ng nabanggit sa unang bahagi ng papel na ito, kaugnay ng katawagang Kaka. Subalit sa Cuenca, sa halip na gamitin ang salitang ‘Nay’ o ‘Tay’, ang ginagamit nila ay Ina o Ama. Kaya ang pagtawag nila ay ganito: “Ina po! Ina po!” o kaya naman ay “Tay po! Tay po!” Inoobserbahan din nila ang mabilis na paraan ng pagsasabi nito.

Mapupuna ang ginamit na Hoy ni Flora nang kausapin niya ang asawang si Sergio. Gayundin ang ginawa ng huli nang magpaalam ito. Kaugalian ng marami sa Batangas ang hindi pagtawag ng pangalan ng kanilang asawa, lalo na kapag kaharap ito. Bagama’t impormal, binibigkas naman nila ito sa malambing na paraan. Kakatwa naman na natatawag nila ang isa’t isa sa kani-kanilang pangalan sa panahon ng pagliligawan, ngunit kapag nakasal na, hindi na nila ito magawa. Ayon sa panayam na isinagawa, nagiging impormal na sila sa isa’t isa dahil sa itinuturing nila na sila ay pinag-isa na ng kasal. Samakatwid, ang Hoy ay

Page 5: SA BATANGAS: ANG LOKALAYS NA WIKA SA SALITA

katumbas ng Sweetheart, Dear at Mahal na ginagamit ng iba, lalo na sa Metro Manila para sa kanilang asawa.

Mapapansin din na nang kausapin ni Flora si Teban, ginamit nito ang pariralang “ang kapatir n’yo”. Kung gayon ginagamit ang mga salitang tumutukoy sa relasyon ng asawa sa anak o sa kapatid ng kausap, tulad ng makikita sa mga sinalungguhitang salita sa sumusunod na mga pangungusap:

“Aywan ko nga baga sa ama ng mga batang ‘yan kung bakit bibili pa ng kotse.”

Kung kumpadre ang kausap ng nagsasalita, papalitan niya ang pangungusap nang ganito: “Aywan ko nga baga sa kumpadre mong ‘yan...” Kung sa pamangkin naman nakikipag-usap, ang dayalog ay magiging: “Aywan ko nga baga sa tiyo mong ‘yan...”

Sa pagtawag ni Teban kay Sergio, gumamit siya ng Hu. Ginagamit ang tantawag na ito kapag malayo ang nagsasalita sa kausap. Kung gayon, nararapat na may malaking agwat ang mga partisipant o parehang nag-uusap. Lumilitaw na ang estruktura ay ganito: dalawang beses na tatawagin ang pangalan at sasabihin ang Hu sa pagitan ng pagtawag. Dahilan sa malayo ang kausap, natural lamang na mas malakas ang boses ng nagsasalita. Kung gayon, may extra-verbal na sistema na komunikasyon. Samantala, nakalakip din ang di-verbal na sistema sapagkat nangangailangan dito ng malaking espasyo sa pagitan ng mga partisipant. Mapupuna na ang boses ay mas malakas, hindi malakas lamang. Ang dahilan ay sapagkat palaging malakas ang boses ng mga Batanggenyo kahit na sa ordinaryong pakikipag-usap.

Litaw na litaw ang engklitik na baga at ga sa dayalog ni Teban nang itanong niya kay Flora kung nakahanda na si Sergio sa kanilang pag-alis; at ni Sergio, kung pinakain ng asawa ang kanyang kapatid. Ang mga engklitik na ito ay katumbas ng ba sa ibang parte ng Katagalugan, maging sa ibang rehiyon. Katulad ng Kaka na nakikita sa librong nalathala noong ika-19 siglo (Totanes 1865), ang engklitik na baga ay bahagi ng ilang katanungang ibinibigay ng mga pari tungkol sa pangungumpisal, gaya ng mga sumusunod:

1. “Ano ba, anac co, ibig mo pa cayang itoloi pa iyang asal mo? Ay baquin nacapangahas cang magcasala diyan sa babaye?”

2. “Nahuli ca baga sa pagsimba? Ay baquin ca nahuli?”3. May sinira ca cayang ari ng capoua mo tauo? Ano baga yaong

sinira mo? Ay baquin mo sinira” (Totanes 1865).

Makikita sa mga ibinigay na halimbawa na hindi lamang ang engklitik na baga ang hindi pamilyar kundi ang salitang baquin na katumbas ng ating pananong na pang-abay na bakit. Ginamit ni Sergio ang sinabi sa kanya ni Flora

Page 6: SA BATANGAS: ANG LOKALAYS NA WIKA SA SALITA

na hindi nito pinakain si Teban. Gayundin ang salitang ay na ginamit niyang panimula ng kanyang pangungusap. Ganito rin ang makikita sa huling tanong sa ibinigay na halimbawa.

Sa karaniwang pakikipag-usap, mapapansin natin na ang bakit ay nagiging ba’t sa kontraksyon nito. Kaya ang tanong na: “Bakit ka nahuli?” ay napapalitan ng: “Ba’t ka nahuli?” Pinaiikli rin ng mga Batanggenyo ang kanilang bakin; at ang kontraksyon nito ay: bayn. Kung ganoon, ang katanungang: “Bakin ka ga nahuli?” ay magiging: “Bayn ka ga nahuli?”

Samantala, mapupuna rin sa ikalawang tanong sa Blg. 1, ba ang tawag sa babae ay babaye. Sa Batangas, ginagamit pa rin ng nakakarami ang katawagang ito. Ang ibang baryasyon nito ay babaysot, at sa lalake naman ay lalaksot. Tandaan lamang na hindi pinapalitan ang lalake ng lalakye, dahil may babaye.

Ginamit din ni Teban ang ekspresyong anla. Kabilang sa mga baryasyon nito ang Anla eh (i), Anla na-an at Ala eh (i). Maaaring sabihing ang katumbas nito ay Aba naman. Ang sagot ni Teban na “Anla’y hindi na,” ay pwedeng sabihing: “Aba’y hindi na naman.”

Sa unang dayalog ni Flora, gumamit siya ng pariralang: “ang inyong kapatir”, na ang tinutukoy niya ay si Sergio na kapatid ni Teban. Sa maraming bayan sa Batangas, malimit pinapalitan ang letrang d ng r. Sa Cuenca, Lipa City, Taysan, at Agoncillo, karaniwang naririnig ang sumusunod na mga salita o parirala: sinulir, tuhor, sasar, natisor, bakor, ipor-ipor, isor-isor, at gaor na. Ang huli ay makikita sa dayalog ni Flora nang mag-paalam sa kanya si Sergio.

Katulad ng baga at bakin, ang pagpapalit ng letrang d at r ay makikita rin sa libro ni Totanes (1865). Sa mga hinangong pangungusap mula sa nasabing libro, mapapansin na ang pagpapalit ng dalawang letra ay nangyayari hindi lamang sa hulihan ng salita kundi gayundin sa gitnang bahagi nito:

1. Ipinaaalam co sa Padre ang anac cong escuela at cacatolongin co sa buquir.

2. Hindi aco macalacar.3. Papaquiscain i, ang bata sa caapirbahay si Pedro.4. Calacarlacar co, natisor aco.5. Itong silir ay ang pinagcapuyatan co.6. Huag cang maquapir sa di mo asaua.7. Bocor diyan sa parusa, may ipinagbilin cayang iba para sa iyo sa

confesion mong iyan? Natupar mo caya ang parusa ng Pare sa iyo?

8. At di mo natupar?9. Ay baquin mo sinabi sa iba? Ano cayang sarhiya mo doon sa

pagcacasabi mo?

Page 7: SA BATANGAS: ANG LOKALAYS NA WIKA SA SALITA

Morpoponemikong Pagbabago

Kung ang letrang s ay mahalagang morpema sa wikang Ingles upang ipakita ang pormang plural ng pangngalan o kaya’y ang pormang singular ng pandiwa, gayundin ang unlaping na- sa wikang Batanggenyo upang ipahayag ang isang aspekto ng pandiwa. Ang anyo ng pandiwa sa dayalog ni Flora nang tanungin siya ni Teban tungkol kay Sergio ay kakaiba sa karaniwang ginagamit na gitlapi upang ipahayag ang isang aksyon na nasimulan na ngunit hindi pa natatapos. Sa halip na sabihing “kumakain ho yata”, sinabi ni Flora ang ganito: “Nakain ho yata.” Malinaw na makikita ang anyong ito ng pandiwa sa Wikang Batanggenyo sa sumusunod na mga halimbawa:

1. Siya ga(ba) ang nakanta (kumakanta) sa Music Lounge?2. Sino sa inyo ang napasok (pumapasok) sa DLSU?3. Ikaw ga ang malimit na nasagot (sumasagot) sa klase?4. Huwag ka munang umalis. Naulan (umuulan) pa.5. Saan natugtog (tumutugtog) ang DLSU Band?

Samantala, sa isinagot ni Sergio sa asawa nang tanungin niya ito kung pinakain si Teban, matutukoy na iba ang porma ng pandiwang pautos na kanyang ginamit. Sa halip na sabihin niyang “Pakainin mo”, ang ginamit niya ay “Pakaini”. Pinalitan ang hulaping -in ng -i. Ang pekulyaridad na ito ay maririnig din sa ibang probinsya tulad ng Cavite, Marinduque, at Quezon. Ang pagkakatulad na ito ay may sosyo-heograpikong kadahilanan gaya ng nabanggit sa unang bahagi ng papel na ito. Sa mapa ng Timog-Katagalugan, makikita na magkalapit ang bayan ng Batangas at Cavite. Mula sa Laurel, Talisay ng probinsya ng Batangas, nakapaglalakbay paakyat ang mga tagarito sa Tagaytay City. Sa kabilang dako, ang mga taga-San Juan, Batangas ay madaling makarating sa Quezon kung dadaan sa Tiaong. Ang mga taga-Marinduque naman ay dumaraan muna sa Lucena City kapag sila ay pumupunta sa Maynila sa pamamagitan ng barko. May piyer sa Lucena City na daungan ng mga barko mula roon patungong Marinduque.

Batay sa aking obserbasyon, ang mga sumusunod na alituntunin ang maaaring ilapat sa pagpapalit ng hulapi ng pandiwa sa modong pautos:

1. Sa mga pandiwang nagtatapos sa –an/-han at –in/-hin, ipapalit ang –i sa nabanggit na hulapi, gaya ng:

Takpi (takpan), buksi (buksan), lagyi (lagyan), sarhi (sarhan), lakari (lakarin), dalhi (dalhan), kaini (kainin), basahi (basahin). Ang ganitong porma ng pandiwang pautos ay makikita sa isang quatreyn (quatrain) mula sa “Labindalawang Sugat ng Puso” ni Francisco Baltazar (Lumbera 1986):

Page 8: SA BATANGAS: ANG LOKALAYS NA WIKA SA SALITA

Tingni mga langit, yaring pagkalagay,Tunghayan ang aking kaalipustahan,Sintang alibugha! Wala kundi ikawAng bukas at sibol ng karalitaan.

Gayundin sa hinangong saknong mula sa “Prinsipe Baldovino” ni Huse De La Cruz (Lumbera 1986):

Langit na mataas, hulugui ng awa,Sa lagay na ito ang palad cong aba,Huag mong itulot mapasacaAco at tangain ng agos ng luha.

2. Sa mga pandiwang may panlaping –i sa unahan, aalisin ang unlapi at idadadag ang –i bilang hulapi, tulad ng:

lagai (ilaga), tamai (itama), babai (ibaba), layui (ilayo), sulati (isulat), patungi (ipatong), taasi (itaas), lipati (ilipat)

Kaugnay ng nauunang apat na halimbawa, may glotal na pagtigil sa pagbigkas ng huling letra, sapagkat malumi at maragsa ang katumbas na pandiwa.

3. Samantala, ginagamit ang hulaping –hi para sa pandiwang malumay o mabilis na nagtatapos sa patinig, at may unlaping –i. Sa kasong ito, inaalis ang unlapi bago idagdag ang nabanggit na hulapi, gaya ng makikita sa mga salitang ito: prituhi (iprito), samahi (isama), gisahi (igisa), pasahi (ipasa, malumay man o mabilis).

Sa mga pandiwang ipinaliwanag, hindi na ginagamit ang panghalip na mo, katulad ng mapapansin sa sagot ni Sergio na “Aba’y pakaini.” Sa kasong ito, nakakahalintulad ang wikang Batanggenyo ng Ingles sa modong pautos ng pandiwa, kung saan hindi na isinasama ang You. Gayundin sa wikang Kastila; maaaring hindi na gamitin ang mga panghalip na tu at vosotros.

Aspektong Ponolohikal

Ayon kay Bowen (1962), ang varyant ng mga tunog ng isang lenggwahe ay iba kaysa varyant ng ibang wika, at ang malaking pagkakaiba ay dahil sa ito ay katangian ng isang partikular na wika. Ganito rin ang mapupuna sa wikang Batanggenyo, sa segmental na ponema man o suprasegmental. Ang nauuna ay tumutukoy sa mga tunog ng mga patinig at katinig samantalang ang nahuhuli ay sumasaklaw sa mga anyo ng tunog ng mga ito, gaya ng aksent, diin at tono. Sa mga salitang nasa loob ng parentesis sa ibinigay na set ng dayalog, makikita na ang ponemang /e/ ay binibigkas sa tunog ng i, tulad ng Tiban, at Sirgio.

Page 9: SA BATANGAS: ANG LOKALAYS NA WIKA SA SALITA

Gayundin ang ponemang /o/ na nagiging /u/, tulad ng mapapansin sa mga salitang Plura, at luob.

Ang sanhi ng ganitong pagkakaiba ng bigkas ay maaaring matukoy sa dating bilang ng patinig sa ating katutubong silabaryo, at ang mga ito ay ang a, i, at u. Ang patinig noon ng Tagalog tatatlo lamang subalit sa impluwensya ng wikang Kastila, napaghiwalay ang mga tunog ng /e/ at /i/ at ng /o/ at /u/ (Ramos 1985). Ang ilan sa mga salitang Tagalog na hinango sa wikang Kastila na kung saan pinalitan ang e ng i at ang o ng u ang mga sumusunod:

bintana (ventana)asikaso (hace caso)kandila (candela)sibuyas (cebollas)nagsisindi (enciende)bulsa (bolsa)burdado (bordado)kusina (cocina)kurbata (corbata)kurtina (cortina)

Mapupuna rin na ang letrang f ay nagiging p sa pangalan ni Flora. Gayundin sa San Felix, na kung saan ang x ay naging s. Ang ponemang fricativ na /f/ ay isa sa mga idinagdag sa istak (stock) ng mga ponemang Tagalog at hindi pa bahagi ng sistemang ponemiko ng maraming Tagalog ispiker (Otanes, 1956). Ayon pa rin kay Otanes, sa normal na mabilis na pakikipag-usap, ang salitang may faynal na letrang n ay maaaring mapasailalim ng prosesong asimilasyon. Ito ay isang pamaraan kung saan ang isang tunog ay isinasama sa kasunod na tunog. Kaya kapag ang isang salita ay nagtatapos sa letrang n at ang kasunod na salita ay nagsisimula sa p, b, m, o f, malimit na pinapalitan ng m ang n. Samantala, hindi nabibilang ang letrang x sa abakada ng Tagalog, kaya ang tunog nito ay naging s. Dito maipaliliwanag kung bakit ang bigkas sa wikang Batanggenyo ay Sampilis para sa San Felix.

Mapupuna rin sa dayalog ni Flora (nang alukin niya si Teban para kumain na) na ang mayroon ay naging meron. Kakaiba ang klaster ng mga letra sa salitang ito, sapagkat sa halip na meron isinasama ang unang katinig ng huling pantig sa klaster ng nauuna. Ganito rin ang bigkas ng sumusunod na mga salita:

katawan – kataw-anngayon – ngay-ongabi – gab-iganoon – gan-ontanaw – tan-awpagitan – pag-i-tan

Page 10: SA BATANGAS: ANG LOKALAYS NA WIKA SA SALITA

Sa kaso naman ng ilang salitang may ponemang glayd (glide phoneme), gaya ng /y/ at /w/, inaalis ang mga ponemang ito at inilalapat ang glotal na pagtigil. Mapupuna ito sa salitang biyenan na naging bi-anan sa dayolog ni Teban nang sabihin nito kay Flora na pinakukumusta siya ng kanyang biyenan. Ganito rin ang nangyayari sa mga salitang kabiyak at tuwalya. Ang una ay nagiging ka-bi-ak samantalang ang nahuhuli ay ganito tu-al-ya.

Lumilitaw sa ibinigay na mga halimbawa ang kakaibang silabikasyon sa wikang Batanggenyo. Ang ganitong uri ng pagpapantig ay ginamit ni Totanes (1865):

Ang icapat na otos ay bilang ibabantog, tantong pinasosonod nitong Panginoong Dios, ang ona, ay gay-on pala: igalang ang ama’t ina.

Gayundin ang silabikasyon ng katawan sa Florante at Laura (Lumbera, 1986):

Nang muling mamulat ay naguiclahan Sino? Sa aba co’t nasa morong camay,Ibig nai-igtadang lunong catao-an nang hindi mangyari nag-ngalit na lamang

Mapapansin din na ang aksent ng meron na dapat ay nasa unang pantig ay inililipat sa huli sa wikang Batanggenyo. Maraming salitang malumay ang binibigkas nang mabilis ng mga Batanggenyo, tulad ng: libre, ate, poster, titser, kurso, at iba pa. Samantala, ang ganitong paglilipat ng aksent mula sa malumay na nagiging mabilis ay maaaring sabihing katulad ng pagsasa-Tagalog ng maraming salitang Kastilang llana (malumay) na ginawang aguda (mabilis), tulad ng:

Kastila Tagalogcarne karnecanta kantalibro librocarcel karselKastila Tagalogangel anghellava labamartes martesborra bura

Ang ganitong paraan ng pagsasa-Tagalog ng mga salitang Kastila ay

Page 11: SA BATANGAS: ANG LOKALAYS NA WIKA SA SALITA

inilakip ni Lope K. Santos sa kanyang nobelang Banaag at Sikat (1906), sa pag-uusap nina Delfin, Felipe, at tiyahin ng nauuna, nang sila ay nag-iisip ng pangalan para sa anak nito. Nais ni Delfin na pangalang Tagalog ang ibigay para sa bata ngunit ang gusto naman ng kanyang tiyahin ay kunin ang pangalan sa kalendaryo, na ang ibig sabihin ay pangalan ng alinmang santo. Ang isa sa mgapangalang binaggit ni Delfin ay Bagong Araw. Nang marinig ito ng tiyahin niya, sinabi nito na bakit hindi na lamang Diablo ang ipangalan sa bata. Oabiro namang sumagot si Delfin na hindi Tagalog ito ang salitang Diablo. Sinalo ito ni Felipe na para maging Tagalog ito, bigkasin na lang ito sa mabilis na paraan para maging Tagalog ito.

Sa kabilang dako, kabaligtaran naman ang mapapansin sa aksent ng salitang loob (luob) sa dayalog ni Flora nang niyaya nito si Teban na pumasok sa loob ng bahay nila. Ang salitang ito na mabili ang bigkas ay nagiging malumay. Kabilang sa mga salitang nababago ang aksent sa wikang Batanggenyo ang mga sumusunod: daan, paa, buwan, nandiyan, paraan, iyo, at mataas.

Lagom

Ang lahat ng komponent ng SALITA ay litaw na litaw mula sa lexical na pekulyaridad hanggang sa morpoponemikong pagbabago at aspekto ng ponolohiya sa wikang Batanggenyo. Ang partisipant ay mga Batanggenyo na karaniwang nakatira sa mga baryo; ang iba namn ay sa mga tiyak na lugar, gaya ng Cuenca, Taysan, Taal, Lipa City at Agoncillo. Subalit ang engklitik na ga at baga, ang pang-abay na panahong ng bakin, at ang i na katumbas ng eh sa dulo ng halos lahat na pangungusap ay ginagamit ng mga taga-poblasyon at tagabaryo. Bagama’t may mga kabataang kapag nakapag-aral sa Metro Manila ay nababago ng paraan ng pagsasalita, bumabalik sila sa estilo ng wikang Batanggenyo sa oras na sila ay umuwi ng sariling bayan. Ang malaking dahilan ng pagbabalik na ito sa sariling estilo ng pagsasalita ay ipinaliwanag ni Hemphill (1962):

Sapagkat ang kakayahang magsalita sa o gumamit ng isang wika ay katumbas ng pagdevelop ng isang set ng mga ugali, lumilitaw na ang isang bata na natutong magsalita ng unang wika ay may padron ng lenggwaheng ito na nakalakip sa kanyang sistemang nerbyus at maskyular. Kung gayon, ang kanyang nakagawian sa unang wika ay may mahalagang papel at impluho sa pag-aaral ng pangalawang wika (sariling salin). ##