sala

13
1. Salubong ang kilay - galit 2. May nunal sa paa - gala 3. Putok sa buho - anak sa labas 4. Malalim ang bulsa - kuripot 5. Tagilid ang bangka - talunan 6. Bukas ang palad - mapagbigay 7. Sumusulak ang dugo - galit na galit 8. Pusong mamon- maramdamin 9. Kayod-marino - masipag 10. Matalim ang dila - masakit magsalita 11. Tengang kawali - nagbibingi-bingihan 12. Mataas ang lipad - mayabang 13. Kumakalam ang tiyan - gutom 14. Suntok sa buwan - baka sakali 15. Bahag ang buntot - takot 16. Katas ng pawis - mula sa pinaghirapan 17. May gatas pa sa abi - bata pa 18. Matalas ang ulo - marunong 19. Mapait na kahapon - nakalulungkot na nakaraan 20. Di maliparan ng uwak - malawak Ibang kasagutan: Ang kalusugan ay kayamanan. - Health is Wealth Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim. - Life is like a wheel, sometimes your up sometimes your down. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan. - A person who does not remember where he came from will never reach his destination. Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay. - Poverty is not a hindrance to success. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mahigit pa sa mabaho at malansang isda. - He who does not love his own mother tongue is worse than a rotten fish. Ang palay ay parisan, habang nagkakalaman ay alalong nagpupugay. - Imitate the rice stalk, the more grains it bears, the lower it bows. Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw. - A quitter never wins, a winner never quits. Walang tiyaga, walang nilaga - No pain, no gain Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak. - United we stand, divided we fall. Masakit ang katotohanan. -The truth hurts. Ang sakit ng kalingkigan, dama ng buong katawan. - The pain of the little finger is felt by the whole body. Huli man daw at magaling, naihahabol din. - Better late than never. Kapag and dagat ay tahimik, asahan mo at malalim. - Still waters runs deep. Ang tulog na hipon , tinatangay ng agos. - A sleeping shrimp is carried away by the current. Ang pag-aasawa ay hindi biro, 'di tulad ng kanin, Iluluwa kung mapaso - Marriage is not a joke. It is not like food that you can spit out when it is too hot to chew. Walang palayok na walang kasukat na tungtong. - Every pot has a matching lid. Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan. - - -You will know a true friend in time of need. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala. - - - He who takes a lot of risks loses more than he can gain. Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi. - - - Emulate what is good, ignore what is bad.

Upload: sheetee-yazzie

Post on 01-Nov-2014

111 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

vvv

TRANSCRIPT

Page 1: sala

1. Salubong ang kilay - galit2. May nunal sa paa - gala3. Putok sa buho - anak sa labas 4. Malalim ang bulsa - kuripot5. Tagilid ang bangka - talunan6. Bukas ang palad - mapagbigay7. Sumusulak ang dugo - galit na galit8. Pusong mamon- maramdamin9. Kayod-marino - masipag10. Matalim ang dila - masakit magsalita11. Tengang kawali - nagbibingi-bingihan12. Mataas ang lipad - mayabang13. Kumakalam ang tiyan - gutom14. Suntok sa buwan - baka sakali15. Bahag ang buntot - takot16. Katas ng pawis - mula sa pinaghirapan17. May gatas pa sa abi - bata pa18. Matalas ang ulo - marunong19. Mapait na kahapon - nakalulungkot na nakaraan20. Di maliparan ng uwak - malawak 

Ibang kasagutan: Ang kalusugan ay kayamanan. - Health is WealthAng buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim. - Life is like a wheel, sometimes your up sometimes your down.Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan. - A person who does not remember where he came from will never reach his destination.Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay. - Poverty is not a hindrance to success.Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mahigit pa sa mabaho at malansang isda. - He who does not love his own mother tongue is worse than a rotten fish.Ang palay ay parisan, habang nagkakalaman ay alalong nagpupugay. - Imitate the rice stalk, the more grains it bears, the lower it bows.Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw. - A quitter never wins, a winner never quits. Walang tiyaga, walang nilaga - No pain, no gainMagsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak. - United we stand, divided we fall.Masakit ang katotohanan. -The truth hurts.Ang sakit ng kalingkigan, dama ng buong katawan. - The pain of the little finger is felt by the whole body.Huli man daw at magaling, naihahabol din. - Better late than never.Kapag and dagat ay tahimik, asahan mo at malalim. - Still waters runs deep.Ang tulog na hipon , tinatangay ng agos. - A sleeping shrimp is carried away by the current.Ang pag-aasawa ay hindi biro, 'di tulad ng kanin, Iluluwa kung mapaso - Marriage is not a joke. It is not like food that you can spit out when it is too hot to chew.Walang palayok na walang kasukat na tungtong. - Every pot has a matching lid.Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan. - - -You will know a true friend in time of need.Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala. - - - He who takes a lot of risks loses more than he can gain.Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi. - - - Emulate what is good, ignore what is bad.Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik. - - - Nobody who spits upward does not spit on his face.

Page 2: sala

Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. - - - Of what use is the grass when the horse is already dead.Maraming salita, kulang sa gawa. A man that talks too much accomplishes little.Madaling sabihin, mahirap gawain. Easier said than done.Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga. --Spend lavishly and you end up with nothing.

Nasa Diyos ang awa,

nasa tao ang gawa.

Kapag ang tao'y matipid,

maraming maililigpit. 

Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.

Ang hindi napagod magtipon,

walang hinayang magtapon.

Ubus-ubos biyaya, pagkatapos

nakatunganga.

Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.

Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.

Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.

Ang gawa sa pagkabata, dala

hanggang pagtanda.

Pag di ukol,   ay di bubukol.

Kung sino ang masalita

ay siyang kulang sa gawa.

Daig ng maagap ang

taong masipag.

Page 3: sala

Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing saka ng maluto'y

iba ang kumain.

 

Ang hipong tulog ay tinatangay ng agos. A sleeping shrimp is carried away by the water current. (Keep alert and be vigilant so you won't find yourself in a bad situation.)

Ang nakatikip na bibig ay hindi pinapasukan ng langaw. A covered mouth will not have flies entering it.(Keep your mouth shut and be quiet to stay out of trouble.)

Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo. The grass is of no use if the horse is dead.(Don't be so fixated on accomplishing a certain task that you end up destroying the original goal for which the task was for.) 

-Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.-Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan. 

-Salawikain: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.-Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera. 

-Salawikain: Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.-Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay. -Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.-Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo. 

-Salawikain: Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.-Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya. 

-Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas. -Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa. 

-Salawikain: Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa iyong biyenan.-Kahulugan: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao. 

-Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Page 4: sala

-Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang. 

-Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.-Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin.

1. Ang batang matapat, pinagkakatiwalaan ng lahat.

2. Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.

3. Ang pagsintang labis na makapangyarihan, pag ikaw ay pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.

4. Walang matimtimang birhen, sa matiyagang manalangin.

5. Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.

6. Ang taong walang tiyaga, ay walang yamang mapapala.

7. Mabisa ang pakiusap na malumanay, kaysa utos na pabulyaw.

8. Ang magtahi-tahi ng hindi tutoong kuwento, mabubuko rin sa bandang dulo.

9. Ang masipag sa buhay, umaani ng tagumpay.

10. Walang lihim na hindi nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag.

11. Ang anak na magalang, ay kayamanan ng magulang

12. Huwag mong hatulan ang isang aklat, sa pamamagitan ng kanyang pabalat.

13. Walang tunay na kalayaan, kung nabubuhay sa kahirapan.

14. Ang talagang matapang, nag-iisip muna bago lumaba.

15. Titingkad ang iyong kagandahan, kung maganda rin ang iyong kalooban.

Ito ang ilang halimbawa ng kasabihan ng mga matatanda: -kung may tyaga may nilaga-aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo -habang maikli ang kumot, matutong mamaluktotHalimbawa ng mga kasabihan o salawikain: 

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit. Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin. Kahit saang gubat, ay mayruong ahas. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Kung hindi ukol, hindi bubukol. Kung may isinuksok, may dudukutin. Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak. Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot

Page 5: sala

Iba't ibang Sawikain

ahas----taksil; traidor

Halimbawa:

Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay

isa pa lang ahas.

anak-dalita---mahirap

Halimbawa:

Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

alilang-kanin---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain

ngunit walang suweldo.

Halimbawa:

"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong

natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."

balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.

Halimbawa:

Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa

mga balitang-kutsero.

balik-harap---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.

Halimbawa:

Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting

kaibigan.

Bantay-salakay---taong nagbabait-baitan

Halimbawa:

Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.

basa ang papel---bistado na

Halimbawa:

Page 6: sala

Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating

prinsipal na si Ginang Matutina.

buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na malaki ang tubo

Halimbawa:

Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang

maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa

makatulong sa iyo?

bukal sa loob---taos puso tapat

Halimbawa:

Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga

nangangailangan.

busilak ang puso---malinis ang kalooban

Halimbawa:

Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at

binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu.

di madapuang langaw---maganda ang bihis

Halimbawa:

Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.

di makabasag-pinggan---mahinhin

Halimbawa:

Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na

si Nena.

hampaslupa---lagalag, busabos

Halimbawa:

Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.

haligi ng tahanan---ama

Page 7: sala

ilaw na tahanan---ina

Halimbawa:

Ang ama, bilang haligi ng tahanan ay dapat natin igalang. Ang ina

naman, ay itinuturing na ilaw ng tahanan, ay dapat nating mahalin.

isang kahig, isangtuka---kakarampot na kita na hindi makasapat sa

ibang pangangailangan

Halimbawa:Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka

ang kalagayan ng buhay.

itaga sa bato---tandaan

Halimbawa:

Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man

kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.

itim na tupa---masamang anak

Halimbawa:

Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang

nagiging itim na tupa.

kalapating mababa ang lipad---babaing nagbibili ng aliw, babaing puta

Halimbawa:

Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng

sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila.

kakaning-itik---walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan

Halimbawa:

Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa

pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang

kinikita.

kapit-tuko---mahigpit ang hawak

Page 8: sala

Halimbawa:

Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang

kompanya at malapit ng magsara.

kidlat sa bilis---napakabilis

Halimbawa:

Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-

uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies.

kilos-pagong---makupad,mabagal

Halimbawa:

Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.

luha ng buwaya---hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong

pananangis

Halimbawa:

Huwag kang maniwala sa kanyang pananangis sa kamatayan ng

mayaman ngunit masakitin niyang bana. Iyan ay luha ng buwaya.

(Ang "bana" ay salitang Cebuano na ginagamit na ngayon sa Wikang

Filipino na ibig sabihin ay "mister o asawang lalaki")

Mahangin ang ulo----mayabang

Halimbawa:

Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin

ang ulo ng mga anak nitong lalaki.

matalas ang ulo---matalino

Halimbawa:

Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan

Valedictorian at Magnacum Laude.

mahina ang loob---duwag

Page 9: sala

Halimbawa:

Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan

upang hindi manganib ang buhay.

malakas ang loob---matapang

Halimbawa:

Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na

holdaper sa loob ng pampasaherong dyip.

makapal ang bulsa---mapera

Halimbawa:

Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi

nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa.

makapal ang palad---masipag

Halimbawa:

Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa

na siyang milyonaryo.

magdilang-anghel---magkatotoo sana

Halimbawa:

Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala,

magdilang-anghel ka sana.

pagputi ng uwak---walang maaasahan, walang kahihinatnan

Halimbawa:

Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng

uwak.

pagiisang dibdib---kasal

Halimbawa:

Ang pag-iisang dibdib nina Adila t Conrado ay gaganapin sa Oktubre

18 sa darating na taon.

Page 10: sala

pusong-bakal---hindi marunong magpatawad

Halimbawa:

Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may

pusong-bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa?

tinik sa lalamunan---hadlang sa layunin

Halimbawa:

Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa

kalabang pulitiko.

tulak ng bibig---salita lamang, di tunay sa loob

Halimbawa:

Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun

ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko.

bungang-tulog---panaginip

maamong kordero---mabait na tao

Halimbawa:

Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging

pinupuri ng kanyang guro.

butas ang bulsa---walang pera

mababaw ang luha---iyakin

Halimbawa":

Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa

radyo o pelikula ay iniiyakan.

kabiyak ng dibdib---asawa

mabigat ang dugo---di-makagiliwan

Page 11: sala

Halimbawa:

Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa

baguhang si Norma na isang probinsiyana.

maaliwalas ang mukha---masayahin,taong palangiti

maitim ang budhi---tuso, masama ang ugali

Halimbawa:

Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid

sa loob ng sampung taon.

mahabang dulang---kasalan

malikot ang kamay---kumukuha ng hindi kanya kawatan

Halimbawa:

Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay.

Mahirap na ang magsisi sa bandang huli.

namamangka sa dalawang ilog---salawahan

makitid ang isip---mahinang umunawa, walang gaanong nalalaman

Halimbawa:

Mahirap makipagtalo sa taong makitid ang isip. Walang mararating

ang anumang katwiran mo.

nagbibilang ng poate---walang trabaho

malawak ang isip---madaling umunawa, maraming nalalaman

Halimbawa:

Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip.

Marami kang matututunan, marami kang malalaman.

nakahiga sa salapi---mayaman

Page 12: sala

mapurol ang utak---bobo

Halimbawa:

Talaga yatang mapurol ang itak ng aking pamangkin. Natapos niya

ang elementarya sa loob ng siyam na taon.

nagmumurang kamatis---matandang lalaking nag-aayos

binata,matandang babae nag-aayos dalaga

masama ang loob---nagdaramdam

Halimbawa:

Halatang masama ang loon ni Miss Gan dahil hindi siya nasali sa mga

nabigyan ng parangal.

naniningalang-pugad---nanliligaw

matalas ang tainga---madaling makarinig o makaulinig

Halimbawa:

Matalas ng tainga ng aking ama kahit na siya ay 93 taong gulang na.

sira ang tuktok---gago, luko-luko

Halimbawa:

Sira ng tuk-tok ng taong iyon, kanina pa sayaw nang sayaw sa tabi ng

daan.

takaw-tulog---mahilig matulog

Halimbawa:

Paano kang aasenso sa trabaho mo gwardiya kung ganyang lagi kang

takaw-tulog?