scenes for you

19
((SCENE 1) /MAPANGLAW NA GUBAT/ FLORANTE: (nakagapos sapuno) (sumigaw) Oh Diyos! Bakit ako’y iyong pinahihirapan?Kay rami naman ng mga taong sakim sa yaman at may mga masasamang hangarin sa bayan ng Albanya! Bakit ako pa ang iyong napiling parusahan? Wala akong ginawang kasamaan sa aking kapwa at bayan, hindi ako ang taksil! Akoy nagtataka sapagkat ang aking mga munting hiling ay hindi mo na pinakikinggan. Mga nangyayari ay ikaw lamang ang dapat sisihin sapagkat lahat ng ito’y ikaw lang ang may kamalayan, ang lahat ng itoy hindi mangyayari kung hindi mo ninanais. (Sabay pikit ng mata at pagtulo ng luha) FLORANTE: Oh mahal kong Laura, kung ako man ay mamatay sa sandaling ito sana ako’y iyong maalala, sana akoy iyong pagluksaan dulot ng aking paglaho sapagkat ang bawat pagpatak ng iyong luha ang magbibigay buhay saakin ng walang hanggan. FLORANTE: (nagaalala) oh Konde Adolfo, nawa hindi mo inagaw saakin ang aking sinisinta (sumigaw) LAURAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA, AKING MAHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAL! FLORANTE: (Sabay iyak) Oh Diyos ko! Iparamdam mo na narito ka! Akoy nakikiusap! Oh Diyos ko! FLORANTE: (Mahina na si FLorante) Ako’y nanghihina na, wala na akong maaring magawa upang akoy makalaya, ako yata’y mamamatay na ilang sandali na lamang sapagkat ang aking katawan ay labis ng nangangalay. /end of scene 1/

Upload: veronika-zofia-prado

Post on 24-Dec-2015

122 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

These are scenes for you

TRANSCRIPT

Page 1: Scenes for you

((SCENE 1)/MAPANGLAW NA GUBAT/FLORANTE: (nakagapos sapuno) (sumigaw) Oh Diyos! Bakit ako’y iyong pinahihirapan?Kay rami naman ng mga taong sakim sa yaman at may mga masasamang hangarin sa bayan ng Albanya! Bakit ako pa ang iyong napiling parusahan? Wala akong ginawang kasamaan sa aking kapwa at bayan, hindi ako ang taksil! Akoy nagtataka sapagkat ang aking mga munting hiling ay hindi mo na pinakikinggan. Mga nangyayari ay ikaw lamang ang dapat sisihin sapagkat lahat ng ito’y ikaw lang ang may kamalayan, ang lahat ng itoy hindi mangyayari kung hindi mo ninanais.

(Sabay pikit ng mata at pagtulo ng luha)

FLORANTE: Oh mahal kong Laura, kung ako man ay mamatay sa sandaling ito sana ako’y iyong maalala, sana akoy iyong pagluksaan dulot ng aking paglaho sapagkat ang bawat pagpatak ng iyong luha ang magbibigay buhay saakin ng walang hanggan.

FLORANTE: (nagaalala) oh Konde Adolfo, nawa hindi mo inagaw saakin ang aking sinisinta (sumigaw) LAURAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA, AKING MAHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAL!

FLORANTE: (Sabay iyak) Oh Diyos ko! Iparamdam mo na narito ka! Akoy nakikiusap! Oh Diyos ko!

FLORANTE: (Mahina na si FLorante) Ako’y nanghihina na, wala na akong maaring magawa upang akoy makalaya, ako yata’y mamamatay na ilang sandali na lamang sapagkat ang aking katawan ay labis ng nangangalay.

/end of scene 1/

(SCENE 2)/SA KAHARIAN NG ALBANYA/Florante: Aking mahal ako’y aalis na patungong digmaan. Huwag kang malungkot, Agad akoy magbabalik para lamang saiyo. (haplos sa palad ng mukha ni Laura)

Page 2: Scenes for you

Laura: Aking mahal titingnan ko lamang kung makintab at makinis na ang iyong mga sandata, hindi ako papayag na katawan moy magasgasan. *Inayos ang damit ni FLorante* mag-ingat ka aking mahal ipagdadasal kita…maghinhintay ako sa iyong pagbabalik.

(NAGLALAKBAY PATUNGONG DIGMAAN)

Tauhan: Mahal na Prinsesa Laura nakarating na po ang hukbo nina Heneral Florante

Laura: Florante? (agad na lumabas at tinignan kung may sugat si Florante) Oh aking mahal may sugat ka ba? Asan? Asan? (nag-aalala at naghahanap ng sugat sa katawan ni Florante)

Florante: Aking mahal (yakap kay Laura) wag kang magalala konting gasgas lang ang mga ito (punas sa luha ni Laura)

(NAKAUPO AT MALUNGKOT)

Laura: Bakit malungkot ka aking mahal?

Florante: Wala ito Laura may iniisip lamang

Laura: Hindi ako makakampante na hindi ko malalaman ang dahilan kung bakit at ano ang nakapapawi sa iyong kabigha-bighaning mga ngiti (iyak) bakit ayaw mong sabihin sa akin?Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?

Florante: (punas ng luha ni Laura) aking mahal wag ka ng mag-alala, naalala ko lamang ang aking ina kaya akoy nakaramdam ng lungkot.

Laura: Ganoon ba? Halika at pumaroon tayo sa hardin upang ikaw ay maaliw sa mga magaganda at mababangong bulaklak (Hindi makapaghintay, nagagalak)

(SA HARDIN)

Laura: Para sa iyo aking mahal na Florante (sabit ng kwintas na bulaklak) ginawa ko iyan para lamang saiyo

Florante: Salamat sa iyo aking pinakamamahal na Laura (ngiti)(SCENE 3)

/BALIK SA KAGUBATAN/

(naglalakad lakad habang nag iisip isip kung ano yung nakalimutan niya)

Aladin: Flerida sinta ko, tapos na ang ating suyuan.

(naging mapanglaw ang gubat at sinabayan pa ng mga huni ng ibon (owl)

Page 3: Scenes for you

ALADIN: (galit) hindi ko matanggap na ang aking ama ang aagaw sa aking sinisintang si Flerida. Kahit ang pumatay ay aking gagawin wag lang mawalay ang aking pinakamamahal. Bakit ba napaka makapangyarihan ang pag-ibig ko saiyo Flerida? Na kahit ano ay gagawin makamit lang ang iyong mga hiling at inaasam? Aking Ama, bakit sa lahat ng kababaihan, si Flerida pa? Bakit mo nagawang saktan ang iyong sariling anak? Bakit pati ang ang kaligayahan ko, ay iyong nagawang agawin?

(umiiyak si Florante at narinig ni aladin)

Aladin: Kawawang binata, labis ang kanyang pagdadalamhati, sino kaya siya? Ngayon ay hindi na lamang ako ang nag-iisang nagdurusa.

FLORANTE: bakit ikaw pa ama ang kinuha sakin ng napakaaga at napakabilis? Bakit ikaw pa? Ikaw pa nawalang ibang inisip kundi ang kaligayahan ng iba. Ama, ako sanay iyong patawarin sapagkat wala akong nagawa para mailigtas ka, paumanhin ama.

(Malakas na ungol ng mga leon)

Florante: Mga Leon! Ito na nga ang hangganan ng aking buhay, paalam mahal kong Laura at paalam na rin Albanya.

ALADIN: (hinati ang mga damo at nakita si florante) huh? Dalawang Leon? Kawawang nilalang! Kailangan ko siyang Iligtas!

MGA LEON: RAWR (nakatingin kay florante)

ALADIN: (kinuha ang matulis na espada) huwag niyo siyang gagalawin! Ito ang bagay sainyo! YAAHHH!! (sinaksak ang mga leon. Awang awa si Aladin) (Pinakawalan si Florante) Sinong lapastangan ang gumawa nito sa kanya? Kung titingnan ay para siyang nagmula sa isnag mayamang angkan.

(dinala siya ni aladin sa isang ligtas na lugar at pinahiga sa malapad nabato.) (natulog si Florante)

(Medyo na gising si Florante sa kanyang pagtulog)

FLORANTE: (nagdidiliryo) Laura, asan ka sa ganitong hirap?

ALADIN: (tiningnan lang si florante)

FLORANTE: (napabalikwas) Sino ka? At Bakit nandito ako?Bakit isang moro ang kasama ko?

ALADIN: huwag kang mag alala hindi ako isang kaaway. Ayon sa pananamit mo mukhang galling ka sa kaharian ng Albanya. Ako naman ay isang persyano.

Page 4: Scenes for you

Naniniwala ako na maari pa rin tayong maging magkaibigan. Ligtas ka sa lahat ng sakit. Hindi ako kaaway dahil nangingibabaw saakin ang utos ng langit.

(kinaumagahan ay inalalayan ng moro si florante sa paglalakad papunta sa isang sapa at doon inalagaan at ginamot ni aladin si florante.)

ALADIN: ngayon na magaling ka na, maaari mo bang isalaysay saakin ang mga nangyari sa iyo kaibigan? Baka matulungan pa kita.

FLORANTE: maraming salamat kaibigan sa pagligtas mo ng buhay ko, tatanawin ko itong utang na loob sayo.

/end of scene 3/

SCENE 4

/ SA KAHARIAN NG ALBANYA/

Florante: Ako nga pala si Florante taga ALbanya. ANg aking ama ay isang duke at tagapayo ng hari. Ang aking ina naman ay si Prinsesa Floresca ang prinsesa na kaharian Crotona. Nag-iisa akong anak ng aking mga magulang, ngunit hindi nila ako pinalaki sa layaw. Rinaasa ko ang pagmamahal ng aking mga magulang at nagging aliwan ko ang burol kung saan ay dala dala ko ang aking busog at palaso upang mamana ng mga hayop.

Duke Briseo: Florante anak halika dito…Mayroon akong importanteng sasabihin

*lapit sa ama*

Batang Florante: mahal kong ama, ano po ang mahalagangbagay na inyong sasabihin?

Duke Briseo: anak ngayong labing-isang taong gulang ka na….ay iapapadala k anamin sa Atenas, isang siyudad na malaki at malayo ditto sa ALbanya. Ito ang

Page 5: Scenes for you

lungsod ng walang hanggang karunungan, doon mahuhubog ang diwa ng baling araw ay magiging dakila

Batang Florante: Kung iyan po ang gusto niyo. Alam ko naman pong para sa akin naman poi to. Pero paano ang aking ina?

Duke Briseo: Yan nga ang problema ko anak, dahil tiyak na malulungkot ang iyong ina na mappalayo kayo sa isa’t isa

/END OF SCENE 4/

Page 6: Scenes for you

SCENE 5

/LALAPIT SA PRINSESA FLORESCA/

Prinsesa Floresca: Nagkasap na pala kayong mag-ama?

Florante: Opo aking ina, ngunit ayaw ko pong malungkot kayo sa aking pag-alis.

Prinsesa Floresca: *tingin kay Duke Briseo* Mahal kong asawa bakit kailangan pang doon sa malayo mag-aral si Florante? Bakit hindi na lang natin ipaturo sa ibang guro?

Duke: may katwiran ka mahal ko, ngunit ang karanasan sa paglalakbay ay hindi mapapntayan ng karunungan mula sa mga dahon lamang ng mga aklat.

Floresca: *malungot* sige payag na ako para sa ikabubuti n gating anak. *tinginkay florante* Florante, mahal kong anak, mag-aral ka ng mabuti doon ha? Lagi mong isipin ang mga mabubting asal na itinuro naming sa iyo ng iyong ama

Florante: Opo aking ina makakaasa po kayo. Magsisikap ako upang makatuklas ng karunungan upang maipaglaki ninyo ako *niyakap ang ina* mahalaga ka po sa akin, mahal na mahal kita aking ina

Duke: Florante, anak natatandaan mo pa ba yung tulang ipinasaulo ko sa iyo?

Florante: *tango* Opo ama….Iyon pong *bibigkasin ang tula* Pagibig anaki’y aking nakilala di dapat palakihin ang bata sa saya. At sa katuwasa’y kapag namihasa kung lumaki’y walang hinihinting ginhawa.

Duke: *niyakap si Forante* snsk ko kahanga-hanga ka talaga…sana magsilbing patnubay sa iyo ang mensahe ng tulang ibinigkas mo.

Batang Florante: Opo ama alang alang sa inyo ni ina. Mag-aaral po ako ng mabuti doon *niyakap ang ama at ina* paalam nap o sainyo aking ina at ama. Ingatan niyo po ang inyong sarili. Mahal ko po kayo. /END OF SCENE 5/

Page 7: Scenes for you

SCENE 7

/SA ARAW NG PAGLISAN/

VENUE; ENTABLADO (nagpapalakpakan ang mga estudyante ng banggitin ang pangalan ni Florante)

Adolfo: *hinugot ang espada* Ikaw ang umagaw sa kapurihan ko!!! *akmang sasaksakin si Florante ngunit nagpagulong gulong si Florante sa sahig*

Mennadro: HUWAG!!!!!!!!! *tinulak si Adolfo* *nilapitan si Florante at niyakap* (dahil sa ginawa ni Adolfo ay nilisan kaagad ang Atenas at bumalik na sa Albanya samantalang si florante ay naiwan pa sa Atenas at hinintay ang pasiya ng ama)

Menandro: Florante, konting tiis na lang, malapit na tayong matapos.

Florante: oo nga eh, nasasabik na nga akong makita ang aking mga magulang lalong lalo na ang aking pinakamamahal na ina. Gusto mo bang sumama sakin bilang kapalit sa pagligtas mo sa buhay ko?

Menandro; Kung papaya ang aking tiyuhin ikinagagalakkong makapunta sa bayan mo Florante

Antenor: Florante, may sulat ka galling sa bayan mo. *bigay ng sulat*

Florante: *binasa ang sulat*

(ANG NAKALAGAY SA SULAT)

Anak kong Florante, Binalak kong hindi na ipaalam saiyo ang masakit na pangyayari sa ating buhay ngunit wala akong magaagwa ito ang nakatadhanang mangyari sa atin. Ang panahon ay lubhang malupit ang kapalaran ay mapagbiro. Ang iyong ina ay wala na…wala na siya anak…..kuniha na siya ni Bathala sa kabilang buhay. Naging mabilis ang pangyayari kaya hindi ako agad nakasulat saiyo.tibayan mo ang iyong loob anak. Haharapin natin ng sabay

Page 8: Scenes for you

Ang pagsubok na ito sa ating buhay. Maghintay ka sa isa pang sulat kung kalian kita pababalikin dito. Tanggapin mo ang aking pagmamahal at bendisyon…nagmamahal…..ang iyong ama…Duke Briseo

Florante: *iyak* I-ina b-bakit hindi mo ako h-hinintay? Kaya ba na ayaw mo akong p-paalisin? Dahil di ba tayo m-magkikita? *iyak* n-nakalimutan mo n-na ba an gating p-pangako? Na sa pagbabalik ko, d-dala ko ang tagumpay? *hagulgol* *napaupo sa damuhan*

Antenor: tatagan mo ang iyong kalooban, alam naming na masakit ang pinagdadaanan mo ngunit nandito lang kami, aalalay sayo. May dahilan ang Diyos.

Florante: Salamat gurong Antenor kung wala kayo hindi ko alam ang aking gagawin

(pagkalipas ng ilang araw ay may dumatin g na pangalawang sulat)

Antenor: Florante, sa pagbabalik mo sa Albanya tandaan mo na may kalaban ka. Huwag kang magi=tiwala kay ADilfo. At kung sa iyong pag-uwi ay salubungin ka ng masayang mukha iyong lalong pagkakilagan at isipin na kaaway na lihim.

Florante: maraming salamat po sa pagpapaalala mahal na guro. Hindi kop o kayo makakalimutan at sa lahat ng naituri niyo sa akin. Ako’y lubusan nagpapasalamat dahil nagging parte kayo ng aking buhay.

Antenor: Sige! Mag-ingat kayo at maligay ang paglalakbay…huwag ninyong kaligtaan ang lihim na tinatago ni Konde Adolfo. Kayo’y basbasan nawa ng Maykapal sa inyong paglalakbay.

Florante at Menandro: Paalam! Hanggang s amuling pagkikita!

/END OF SCENE 7/

Page 9: Scenes for you

SCENE 8

SA ALBANYA

(nagkita sina Duke at Florante)

Florante: AMA! (yakap kay duke) napakasakit isipin ama na sa pagdating ko wala na ang ina na sasalubong saakin.

Duke: oo florante, walang nakakaalam na papanaw ang iyong ina ng ganito kaaga. sinubok tayo ng tadhana. (tingin sa likod ni florante) sino itong kasama mo?

Florante: Siya si Menandro, ang anak ng aking guro sa atenas, at ang napakatapat kong kaibigan.

Duke: (lapit kay menandro at hawak sa kamay) salamat at hindi mo pinabayaan ang aking anak. Malaki ang tiwala ko sayo menandro, balang araw makakaganti rin kami sa iyong kabutihan.

(naputol ang kanilang pag uusap ng may dumating na sugo mula sa Krotona

sugo: Mahal na duke, ako po ay inutusan ng haring linceo na humingi ng tulong sainyo dahil nilulusob ng mga moro ang Crotona na pinangungunahan ni Heneral Osmalik.

Duke: kung ganon, kailangan na natin dun pumunta florante upang mapag usapan kung papaano natin matutulungan ang iyong lolo at lola sa Crotona.

/END OF SCENE 8/

Page 10: Scenes for you

SCENE 9

/SA PALASYO NG ALABANYA/

Haring Linceo: Buti naman ay napunta kayo dito. Nangangailangan ng tulong ang hari ng Crotona.

Duke Briseo: Tunay po na mahal na hari na iyon ang aming sadya.

Haring Linceo: Sino naman ang binatang iyong kasama?

Duke: Siya ang aking anak na si Florante. Kakauwi niya palamang mula sa Atenas. Siya po mahal na hari ay ihahandog ko sainyo na maging alagad at kawal mo.

Haring Linceo: Salamat naman, simula ngayon, ikaw florante ay aking halal na heneral ng hukbong magsasanggalang sa Krontona na ngayon ay hawak ng mga moro. Ikaw ang magtatanyag ng aking kapurihan at kapangyarihan. Katungkulan mong i-adya at katungkulin mo rin ang kumita ng sariling dangal at pagkabunyi sa digmaan.

(sa galak ni floarnte, dumapa siya sa yapak ng hari upang hagkan ang mga bakas nito.)

Florante: Mahal na hari, hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwala sa paghalal mo sakin bilang Heneral ngunit ako ay sadyang nagagalak sa inyong paghalal at ang pagtitiwala sakin.(pinatayo ni hari si florante at niyakap ng mahigpit, habang nag-uusap sina Florante, Duke at hari, bigla nalang sumulpot si Laura) (adlib nalang sa pag uulayan maski ano basta dai masyadong dangog)

FLORANTE: habang nakatingin kay laura) napakaganda niya. para siyang diyosa na bumaba dito sa lupa. Teka, bakit anlakas ng tibok ng puso ko? anong nangyayari? ito ba ang sinasabi nilang pag ibig? umiibig ba ako?

((pagkatapos ng usapan naging balisa si florante. Naramdaman ni florante na siya ay umiibig kaya laura (lab at pers sayt) napansin iyon ni Menandro)

Menandro: Florante, ang lalim yata ng iniisip mo? Naaalala mo nanaman ba ang iyong ina?

Florante: menandro, may itatanong ako sayo.

Menandro: Sige! pero sasagutin ko lamang ang iyong katanungan kung alam ko ang sagot.

Florante: Ikaw ba ay umibig na?

Menandro: Di pa floarante

Florante: kung ganon, hindi mo alam kung ano ang aking nararamdaman

Page 11: Scenes for you

Menandro: (natawa) Kaibigan, napakahiwaga ng pag-ibig, bagit kaibigan? sino ba siya?

Florante: si laura... simula ng una ko siyang makita, hindi na ako mapalagay.

menandro: (masaya) florante, ngayon palang ay binabati na kita dahil sa dalawang tagumpay. tagumpay sa pag-ibig at tagumpay sa digmaan. (kinamayan si florante)

(tatlong araw na piniging ng hari ang pagkahalal kay florante. Hanggang sa huling gabi ay nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap si florante at laura)

Laura: florante bat ka malungkot? naalala mo parin ba ang pagpanaw ng iyong ina?

Florante: Natanggap ko na iyon laura ngunit nadagdagan ang lungkot ko ng makita kita.

Laura: kung ganon, di nakakabuti sayo ang makita ako.

Florante: hindi ganon ang ibig kong sabihin laura, ikamamatay ko kung di ko masasabi sayo ang tunay kong nararamdaman! iniibig kita laura!

Laura: sa ibang panahon na natin yan pag-usapan, florante

Florante: Hindi laura, masakit man ang mataman ng espada, ngunit wala nang mas sasakit pa kung ako ay pagmamaramotan mo ng iyong pag-big.

Laura: hindi ko nais na umalis ka ng malungkot florante, kaya para sa ikasasaya mo, tinatanggap ko ang pag-ibig mo sakin.

Florante: Salamat laura, binigyan mo ako ng lakas ng loob, babaunin ko ang iyong pag-ibig sa aking pag-alis

Laura: lorante, lumakad ka na at papatnubayan ka ng aking mga dalangin.

Florante: salamat laura, paalam. (umalis na)

Laura: (nakaluhod at nagdasal) Panginoon, patnubayan niyo po si Florante, ibalik niyo po siya saakin at iligtas sa kamatayan. Ipahintulot niyo po na muli kaming magkita. salamat Panginoon./END OF SCENE 9/

SCENE 1O

/BALIK SA KAGUBATAN/

Aladin: Ngayon alam ko na ang nangyari sayo florante, ako nga pala si Aladin bantog sa persya, anak ni sultan ali-adab. pareho tayo ng kapalaran dahil sawi rin ako sa pagibig. inagaw ng aking ama ang aking sinisinta.

Page 12: Scenes for you

Florante: inagaw ng iyong ama?

Aladin: oo florante.. umibig ang aking ama sa aking mahal na si Flerida. Makinig ka at ikekwento ko saiyo.

Page 13: Scenes for you

Florante: masakit nga ang iyong pinagdaanan. Pareho lang tayo ng kapalaran.

Aladin: Aba… sanadali lamang florante… may narinig k aba? Parang dalawang babaeng nag uusap.

Florante: oo nga, baka si laura iyon?

Aladin: halika pakinggan nating mabuti.

(makikita sa isang bahagi ng gubat ang nag uusap na si flerida at laura)

Flerida: ng malaman ko na pupugutan ng ulo ang aking mahal, para narin akong pinatay sa oras na iyon

Laura: Ano ang ginawa mo pata iligtas ang iyong kasintahan?

(change venue: kaharian ng persya)

Flerida: (lumuhod sa harap ng sultan) mahal na sultan, palayain mo si aladin, lahat ay gagawin ko para lamang maligtas siya.

Sultan: Talaga? Sige papalayain ko siya sa isang kundisyon

Flerida: ano iyon mahal na sultan?

Sultan: pakasalan mo ako

Flerida: (natigilan) ako ay pumapayag mahal na sultan para sa kabutihan ng aking kasintahan.

Sultan: Mabuti, bukas na bukas din ay magpapakasal na tayo.

(umiyak lamang si flerida pagka alis niya sa harap ni sultan. Pinuntahan niya si Aladin sa kulungan nito ngunit di niya ito nakita kaya naman sa disperas ng kasal nila ay nagdamit moro siya at saka TUMAKAS, PAPUNTA SA GUBAT)

(balik sa gubat kay Laura at flerida)

Flerida: anim na taon na ako ditto sa gubat ngunit di ko parin nakikita si aladin pero umaasa parin ak na baling araw ay magtatagpo an gaming daan…..(hindi natapos ang sasabihin ni flerida ng lumabas sa pinagtataguan sina aladin at florante)

Aladin: flerida…. aking mahal…

Flerida: aladin… ikaw nga ba…

(nagyakapan si aladin at flerida)

Page 14: Scenes for you

Florante: laura! Irog ko! Anong himala ang nangyari saatin?

Laura: florante… mahal kong florante… di ko akalain na sa gubat na ito tayo ay magkikitang muli (nagyakapan)

Florante: mahal ko ang akala ko ay nakasal ka na kay adolfo? Pano ka nakarating dito?

Laura: mahal ko, making ka at isasalaysay ko saiyo ang mga nangyari.

Page 15: Scenes for you

Flerida: Iyon nga ang aking nakita ng marinig ko na may babaeng himihingi ngtulng kaya naman ay agd kong hinanap ang pinanggalingan nito at nakita ko si laura na pinipilit ng lalaking iyon kaya bininit ko ang aking busog at ang palasoy tumama sa dibdib ng lalaking iyon.

Laura: tama… kung hindi siguro dumating si glerida baka kung anon a ang nangyari saakin sa kamay ni adlofo.

Florante: Napaka buti talaga ng Panginoon, di nating aakalain na ang mga taong inakala nating kalaban ay siya pang magliligtas satin mula sa kapahamakan

(habang nag uusap ay dumating ang hukbo ni menandrona sinundan sina adolfo at laura)

Menandro: asan si adolfo (nakita si florante/nagulat) Florante! Kaibigan ko! (niyakap)

Florante: Menandro… kaibigan.. ano ang maigaganti ko sa iyong kabutihan?

Menandro: Florante,, wag mo nang isipin yun, magkaibigan na tayo sa Atenas palamang at ang tunay na magkakaibigan ay di nag iiwanan hindi ba?

Florante: Salamat kaibigan, siya nga pala, ang bago nating kaibigan, ang nagligtas sa aking buhay at kay laura, si Aladin at Flerida ng persya.

Menandro: ikinagagalak ko kayong makilala, salamt sa inyong kabutiyhan. Halina kayo at bumalik sa Albanya

(makikita ang apat na nakaluhod at ikakasal)