second grading lesson plan

35
Banghay Aralin sa Filipino 2 Pinagsanib na Aralin sa Filipino, EKAWP at Sibika at Kultura I. Layunin: A. Nasasabi ang mga katangian ng mga tauhan ayon sa narinig na kuwento. II. Paksang Aralin: Pagsabi sa Katangian ng mga Tauhan sa Kuwentong Narinig. Sanggunian: BEC Pakikinig Blg. 35, Mga Tula, Tugma at iba pa, p. 51 Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Kaibigan Kagamitan: Kuwento at larawan III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Balik-Aral: Salungguhitan ang mga salitang nagbibigay katangian sa mga taong binanggit sa pangungusap. a. Si Efren Bata Reyes ay magaling sa billiard. b. Ang nanay ay mabait at mapagmahal. c. Ang tatay ay masipag at matiyaga. 2. Pagganyak: Sino sa inyo ang nanonood ng telepantasyang “Encantadia”? Sinu-sino ang mga tauhan dito? Ano ang masasabi ninyo sa bawat tauhan sa kuwento? B. Panlinang na Gawain: 1. Paglalahad/Pagtatalakay: 2. Paghahawan ng balakid: a. Pista b. Maluwag c. Dinadagit d. Sisiw e. tandang Pagpaparinig sa kuwentong “Bakit magkaaway ang Inahing Manok at ang Lawin?” “BAKIT MAGKAAWAY ANG INAHING MANOK AT ANG LAWIN?” Noong araw, magkaibigan si Inahing Manok at si Lawin. Minsan nanghiram ng singsing si Inahing Mank kay Lawin uoang gamitin sa pista kina Tandang. Maluwag ang singsing ngunit isinuot na rin niya ito. Maraming bisita si Tandang at nagsayawan na sila nang dumating si

Upload: jc-mgbanua-santulio-fernandez

Post on 01-Jan-2016

1.457 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

lesson plan

TRANSCRIPT

Page 1: Second Grading Lesson Plan

Banghay Aralin sa Filipino 2Pinagsanib na Aralin sa Filipino, EKAWP at Sibika at Kultura

I. Layunin:A. Nasasabi ang mga katangian ng mga tauhan ayon sa narinig na kuwento.

II. Paksang Aralin:Pagsabi sa Katangian ng mga Tauhan sa Kuwentong Narinig.

Sanggunian:BEC Pakikinig Blg. 35, Mga Tula, Tugma at iba pa, p. 51

Pagpapahalaga:Pagmamahal sa Kaibigan

Kagamitan:Kuwento at larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Balik-Aral:Salungguhitan ang mga salitang nagbibigay katangian sa mga taong binanggit sa pangungusap. a. Si Efren Bata Reyes ay magaling sa billiard.b. Ang nanay ay mabait at mapagmahal.c. Ang tatay ay masipag at matiyaga.

2. Pagganyak:Sino sa inyo ang nanonood ng telepantasyang “Encantadia”?Sinu-sino ang mga tauhan dito?Ano ang masasabi ninyo sa bawat tauhan sa kuwento?

B. Panlinang na Gawain:1. Paglalahad/Pagtatalakay:2. Paghahawan ng balakid:

a. Pistab. Maluwagc. Dinadagitd. Sisiwe. tandangPagpaparinig sa kuwentong “Bakit magkaaway ang Inahing Manok at ang Lawin?”

“BAKIT MAGKAAWAY ANG INAHING MANOK AT ANG LAWIN?”

Noong araw, magkaibigan si Inahing Manok at si Lawin. Minsan nanghiram ng singsing si Inahing Mank kay Lawin uoang gamitin sa pista kina Tandang. Maluwag ang singsing ngunit isinuot na rin niya ito. Maraming bisita si Tandang at nagsayawan na sila nang dumating si Inahing Manok. Isinayaw ni Tandang si Inahing Manok. Tumagal ang sayawan hanggang sa antukin si inahing Manok. Pagdating sa bahay natulog na siya kaagad. Pagkagising, napansin niyang nawawala ang singsing. Siyang pagdating ni Lawin. Ipinagtapat ni Inahing Manok na nawawala ang singsing. Nagalit si Lawin at sinabing kukunin niya ang mga sisiw ni Inahing Manok hanggang hindi niya nakikita ang singsing. Hanggang ngayon ay dinadagit ni Lawin ang mga sisiw sapagkat hindi pa nakikita ni Inahing Manok ang singsing.

3. Ipasagot ang mga tanong:a. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?b. Bakit naging magkaaway ang Inahing Manok at si Lawin?

Page 2: Second Grading Lesson Plan

c. Kanais-nais ba ang kanilang mga katangian?d. Anong katangian mayroon ang bawat tauhan sa kuwento?

4. Ano ang isang kaibigan?5. Ano ang dapat nating gawin sa ating mga kaibigan?6. Paglalahat:

Paano mo maibibigay ang kaibigan ng bawat tauhan sa kuwento?7. Pagsasanay:

Iparinig muli ang kuwentong “Ang mga Bibe” at sagutin ang mga tanong.a. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?b. Anong ugali ang ipinakita ni Bibeng Payat?c. Sinong bibe ang nagtutulungan?d. Sinu-sino ang mga tauhang mapanukso?e. Anong katangian mayroon si Bibeng Payat? Dapat ba siyang tularan? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain:1. Paglalapat:

Sa kuwentong “Si Pagong at Si Hantik”a. Sino ang pangunahing tauhan?b. Ano ang ugali ni Pagong? Ni Hantik?c. Sinong tauhan ang maunawain?d. Ano ang katangian ni Pagong?e. Dapat ba siyang tularan? Bakit?

SI PAGONG AT SI HANTIKSi Pagong at si Hantik ay magkaibigan. Ngunit isang araw, sila ay nagkagalit.

Naisipan nilang magpunta sa kaibigang Kuwago upang humingi ng payo.Sabay sa paglalakad ang dalawa kahit bahagyang galit pa sa isa’t isa. Walang anu-

ano’y biglang bumuhos ang malakas na ulan. Halata ni Pagong na ginaw na ginaw si Hantik. Naawa naman siya.

“Halika, Hantik”, tawag ng Pagong. “Sumilong ka muna sa aking bahay.”“Hindi ka na ba galit sa akin?” tanong ni Hantik.“Kahit galit pa ako sa iyo ay hindi naman kita matitiis, sagot ni Pagong.“Salamat, Pagong,” sabi ni Hantik. “isa kang tunay na kaibigan.

IV. Pagtataya:Punan ng tamang sago tang bawat kahon.

Katangian ng bawat tauhan sa Kuwento

Pina Pagong Bibeng Payat Lawin

Pina Matabang Bibe

Page 3: Second Grading Lesson Plan

V. Takdang Aralin:Basahin ang kuwentong “Si Rico” at sagutin ang mga tanong.1. Sino ang pangunahing tauhan?2. Anu-ano ang mga katangian niya?3. Anong ugali niya ang hindi dapat tularan?4. Anong ugali niya ang mainam tularan?5. Nagbabago ba ang ugali ni Rico?

SI RICOMahina ang katawan ni Rico. Siya ay sakitin. Payat siya at maputi. Madali siyang mapagod at

mabagal soyang kumilos.Ayaw isali ng mga kapitbahay sa paglalaro si Rico. Natatakot silang baka siya masaktan.

Kaya madalas, nanonood n lamang siya sa paglalaro ng mga bata sa kanilang lugar.“Anak, ibig mo bang lumakas tulad nila?” wika ng ina.“Opo”, ang matamlay na sagot ni Rico.“Kumain ka ng masustansiyang pagkain. Kumain ka ng gulay at isda. Kumain ka ng karne at

prutas nang ang katawan mo ay lumakas.Natanim sa isip ni Rico ang sinabi ng ina. Lagi rin nyang naririnig ito sa kanyang mga

kaklase. Sila ay kumakain ng luntiang gulay, isda, karne at itlog. Umiinom sila ng gatas at katas ng kalamansi sa halim na de-boteng inumin.

Pinilit ni Rico na kumain ng masustansiyang pagkain. Sa simula tumikim siya ng bahagya. Nang nalaunan, napansin niyang nagugustuhan na niya ang gulay at iba pang pagkain.

Page 4: Second Grading Lesson Plan

Banghay Aralin sa Filipino 2Pinagsanib na Aralin sa Filipino, MUsika at EKAWP

I. Layunin:A. Nasasagot ang mga tanong mula sa pinakinggang kuwento.B. Naitatala ang mga detalye mula sa pinakinggang kuwento.

II. Paksang Aralin:Pagpasot sa mga Salitang Pananong (Saan, Kailan, Ano at Sino)

Sangggunian:BEC p. 35, Landas sa Wika at Pagbasa 2

Kagamitan:Larawan, flashcard

Pagpapahalaga:Pagsagot sa mga salitang pananong (saan, kalian, ano at sino)

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Balik-Aral2. Pagbaybay3. Paghahawan ng Balakid4. Mga Katanungan:

a. Anu-anong mga kuwento ang naririnig mo sa iyong Nanay tuwing gabi?b. Ipasalaysay sa klase ang ilan sa mga kuwento nila.c. Tumukoy ng ilang palabas sa telebisyon at pag-usapan ang mga detalye nito.

5. Motibong KatanunganBakit kaya Naiiba si Regine?

B. Panlinang na Gawain:1. Basahin sa klase ang kuwento.

NAIIBA SI REGGIEMaingay na tumigil sa tapat ng bahay nina Jayson ang ilan sa kanyang mga kaibigan.“Hoy, Jayson,” ang pasigaw na tawag ng isang batang lalaki.“Halika na!” Tayo ay sama-samang mag-ehersisyo. Tayo ay magdiyaging.”Dumungaw si Mang Rico. Bumati kaagad si Reggie kay Mang Rico. “Magandang

Umaa po!” Nakangiti ring bumati si Mang Rico sa mga bata.“Naku! Kayo palang magkakaibigan. Magandang umaga sa inyong lahat. Bukas na

ninyo isama si Jayson sa pagdidiyaging.”“Mamaya pa ang dating niya buhat sa Cotabato.” Nagtakbuhan kaagad ang

magkakaibigan, maliban kay Reggie na nagpaiwan para magpasalamat sa tatay ni Jayson.“Salamat po Mang Rico,” sabi ni Reggie. “Pakisabi na lang p kay Kayson na isasama

naming siya sa pagdi-diyaging bukas ng umaga.”

2. Ibigay ang mga detalye sa kuwento.a. Sino ang tauhan?b. Saan naganap?c. Kalian naganap?d. Paan naganap?

3. Magbigay ng mga batayan upang mas madaling tandaan ang mga detalye ng kuwento.

4. Paglalahat:

Page 5: Second Grading Lesson Plan

Anu-ano ang dapat tandaan upang mabuo ang kuwento?5. Pagsasanay:

Bumasa sa klase ng iba pang kuwento. Tanungin sila ng mga detalye tungkol dito.

Isa-isahin ang mga tauhanng pinangyarihan, lugar at mga pangyayari?

Magpakita ng mga larawan ng:a. Taob. Pookc. Pangyayari

Pag-ugnay-ugnayin ng mga larawan hanggang makabuo ng isang kuwento.

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalapat:

Pangkatang Gawain Pangkat I – Ano ang dajilan ng pagpunta ng magkakaibigan kina Jayson?

Sino ang dinatnan nila sa bahay?(Sagutin sa pamamagitan ng pagkukuwento.)

Pangkat II – Saan nagpunta si Jayson at kalian siya darating?(Sagutin sa pamamagitan ng pagsulat sa mini-board at ipakikita sa klase.)

Pangkat III – Sino sa mga kaibigan ni Jayson ang marunong magbigay galang sa matanda?

(Sagutin sa pamamagitan ng pagguhit.) Pangkat IV – Kung ikaw ay isa sa kanila, babatiin mo ba si Mang Rico?

Bakit? Paano?(Sagutin sa pamamagitan ng pagsasadula)

IV. Pagtataya:Itapat ang mga salitang pananong sa hanay A na naiuugnay sa mga detalye sa hanay

B. isulat ang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B_________1. Ano a. Plaza Miranda Maynila_________ 2. Paano b. mga laruan at damit_________ 3. Sino c. kahapon ng umaga_________ 4. Kailan d. Inay at Itay

V. Takdang Aralin:Pag-aralan ang susunod na aralin tungkol sa mga kuwentong narinig.

Page 6: Second Grading Lesson Plan

Banghay Aralin sa Filipino 2Pinagsanib na Aralin sa Filipino, EKAWP at Sibika at Kultura

I. Layunin: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa detalye ng kwento na narinig. Naisasagawa ang wastong pakikinig sa isang kwentong isinalaysay

Pagpapahalaga Nasasabi ang Kahalagahan ng Pagtutulungan sa Isang Pamayanan

II. Paksang Aralin: Pagsasagot sa mga Tanong Tungkol sa Detalye ng Kwento na Narinig

Sanggunian: BEC Pakikinig Blg. 16 p. 35, Landas ng Wika at Pabasa 2, MG pp. 47-49,

Pilipinas: Bayan Mo, Bayan Ko pp. 110-120

Kagamitan: Mga larawan, plaskard, Sibika at Kultura 2 pp. 80-90

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Pagganyak:Magpakita ng larawan ng iba’t ibang lugar sa pamayanan at ganyakin ang mga batang magkwento tungkol sa mga lugar na kanilang napuntahan.Halimbawa: Sa Dagat, Sa Parke

2. Ganyaking magkwento sila ng karanasan kaugnay ng mga gawain ng mag-anak mula paggising sa umaga hanggang sa pagpasok sa paaralan.

3. Tanungin sila kung kalian masasabing masigla, maingay o masaya ang isang pamayanan.

B. Panlinang na Gawain:1. Iparinig ang sanaysay tungkol sa Barangay Sikap.

SA BARANGAY SIKAP

Lunes ng umaga. Sumisikat pa lamang ang araw, gising na kami sa Barangay Sikap. Sa daan nakikita ko ang iba’t ibang sasakyan. Sumakay ako sa tricycle papasok sa paaralan. Nasa mga dyip naman ang ibang tao na papunta sa palengke at munisipyo. Naririnig ko rin ang kuliling ng mga nagtitinda ng dyaryo at tinapay. Sakay sila ng kanilang bisikleta.

Ang mga istudyante sa paaralang barangay ay abala rin. Sila ay nagwawalis sa harapan ng kanilang bahay. May nagdidilig ng halaman. May nagpapakain ng hayop.

Sa daan makikita ang masisipag na mga pulis. Inaayos nila ang trapik sa daan. Makikita rin sa kalsada ang mga matitiyagang mga metro aide. Lahat kami sa Barangay Sikap ay tulong-tulong sa mga gawain. Kahit na nahihirapan, masasya pa rin kami.

Page 7: Second Grading Lesson Plan

2. Talakayin kung anu-ano ang mga gawaing nagpapasigla sa mga tao sa Barangay Sikap.

3. Ipalarawan sa mga kilos nila (pantomina)

Halimbawa:Uri ng mamamayan Gawain

Tindero ng diyaryo at tinapay. Kinakalembang ang hawak na kampanilya habang sakay-sakay ng bisikleta.

4. Sagutin:a. Sinu-sino ang mga tao sa Barangay Sikap?b. Anu-ano ang gawain ng mga tao sa Barangay Sikap?c. Anu-ano ang mga katangian ng mga tao sa Barangay Sikap?d. Ganito rin ba ang pamayanan o barangay ninyo? Ihambing ang barangay

ninyo sa Barangay Sikap.5. Pagsasanay:

Pangkatin ang klase sa apat na pangkat. Ipasakilos ang iba’t ibang hanapbuhay sa iba’t ibang uri ng barangay o pamayanan. Magpabigay ng tig-tatlong hanapbuhay bawat pamayanan.Halimbawa:

Pangkat A: Pamayanang Komersyal (sa Lunsod) – empleyadoPangkat B: Pamayanag Sakahan (sa bukid) – magsasakaPangkat C: Pamayanang Pangisdaan ( sa dagat) – mangingisdaPangkat D: Pamayanan sa Bundok – nagtatanim ng palay

C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalapat:

Basahin ang mga sumusunod na kwento at gawin ang pangkatang gawain.

Kung Bakit Maalat ang Tubig sa DagatMayroong magkapatid na magkaiba ang ugali’t pamumuhay. Si Mang

Damaso at Donya Baday, mayaman ngunit masungit. Si Mang Siso at Aling Merced naman ay mahirap ngunit maganda ang pag uugali.

Isang araw napilitang magpunta si Mang Siso kina Mang Damaso para mangutang ng pera dahil may sakit ang kanyang asawa at anak para makabili ng gamut. Hindi siya nakautang, sa halip, binigyan lang siya ng natira nilang hamon. Malungkot na umuwi si Mang Siso, laking gulat niya ng makakita siya ng dwede sa daan.

Humingi ang dwende ng dala niyang hamon at bilang kapalit nito ay ibinigay ng dwende ang hawak nitong gilingan. At sinabi ng dwende na anuman ang hilingin niya sa gilingan ay ipagkakaloob nito. Upang mapatigil ang gilingan, binulong dwende kay Mang Siso kung ano ang gagawin. Nagmamadaling umuwi ng bahay si Mang Siso at pagdating ng bahay agad niyang hiniling na gumaling ang kanyang asawa at anak. Gumaling nga si Aling Merced at anak nito. Humiling muli si Mang Siso ng makakain at tirahan, dagli nagkaroon ang mag-anak ng maraming pagkain at magandang tirahan.

Dahil sa gilingan ng dwende, yumaman ang mag-anak ni Mang Siso. Nabalitaan ito ng mag-asawang Damaso at baday. Kaya pumunta sila sa bahay ni Mang Siso at ilang araw silang tumira doon at palihim nilang hinanap ang gilingan ng dwende at ang makita nila ito, kinuha nila ito at walang paalam na umalis. Sumakay sila sa bangka at ng nasa gitna na sila ng dagat ay humingi si Mang Damaso sa gilingan ng maraming asin. Hanggang sa napuno ang kanilang bangka. Gusto

Page 8: Second Grading Lesson Plan

nilang patigilin ang paggiling ng asin pero hindi alam ni Mang Damaso kung papaano. Hanggang sa lumubog sa dagat ang bangkang punung-puno ng asin kasama ang mas-asawang Damaso at Baday.

Ayon sa matatanda gumiling pa ng asin ang gilingan ng dwende sa ilalim ng dagat . Ito ang dahilan kung bakit maalat ang tubig sa dagat.

Pangkat I – Sino ang magkapatid sa kuwento? Ibigay ang pagkakaiba ng kanilang ugali. (Sagutin sa pamamagitan ng paglalarawan)

Pangkat II – Sino ang nakasalubong ni Mang Siso? Ano ang ibinigay sa kanya nito? ( Sagutin sa pamamagitan ng pagguhit)

Pangkat III – Ano ang hiniling ni Mang Damaso sa gilingan? Bakit tumaob ang bangka? ( Sagutin sa pamamagitan ng pagkukwento)

Pangkat IV – Sino ang naging mapalad sa magkapatid? Bakit? (Sagutin sa pamamagitan ng pagsasalaysay.)

IV. Pagtataya:Bumuo ng senaryo ng mga pangyayari sa isang pamayanan o barangay. Isadula ito kasama ng mga kapangkat. Ipakita ang iba’t ibang gawain at katangian ng mga tao sa pamayanan (detalye ng kuwento).Gawain:1. Pagsasadula ng mga tao sa pamayanan.2. Pagpapakita ng iba’t ibang uri ng hanapbuhay o gawain sa pamayanan.3. Paglalarawan kung paano ito ginagamitan ng mga mamamayan.

V. Takdang Aralin: Gumupit ng isang halimbawa ng barangay o pamayanan. Itala ang mga gawain ng mga mamamayan dito mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.

Page 9: Second Grading Lesson Plan

Pinagsanib na Aralin sa Filipino, EKAWP at Sibika at Kultura

I. Layunin Naitatala ang mga detalye mula sa napakinggang kuwento.

PagpapahalagaPagpapahalaga sa mga Kaugalian kung Pista

II. Paksang Aralin:Pagtatala ng mga Detalye Mula sa Napakinggang Kuwento

Sanggunian:BEC – Pakikinig Blg. 17 p.35, Landas sa Wika at Pagbasa pp. 90-92, Manwal p.64, Kuwento: Namista si Ben

Kagamitan:Larawan ng isang kapistahan

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain:

1. Pagganyak:1. Sino na sa inyo ang nakadalo na sa pista?

Paano ipinagdiriwang ng mga tao ang kanilang kapistahan?2. Magpakita ng larawan ng mga paghahandang ginagawa kung pista.3. Ipalarawan ito,

2. Paghahawan ng balakidPaghahanay – Itambal ang hanay A sa hanay B.

B. Panlinang Gawain:1. Pagbasa sa kuwento.

NAMISTA SI BENMasaya ang pista sa Barangay Putatan. Iba’t ibang palamuti ang nakasabit sa daan sa mga bahay. May musikong bumbong na lumilibot sa mga daan. Sa mga bahay, masasarap ang pagkaing Pilipino ang handa. Masasaya ang lahat sa pagdiriwang ng pista. Kasama ang mga taong nakikipamista ang mag-anak na Cruz.

“Naku! Ang saya-saya ng pista sa Barangay nina Lola Epang,” natutuwang wika ni Ben.

“Dalian ninyo at baka mahuli na tayo sa misa. Magsisimba muna tayo bago pumunta sa bahay ng lola ninyo.” wika ni Aling Celia sa mga anak.

“Marami po kayang handing pagkain sina Lola Epang tulad noong isang taon?” tanong pa ni Ben.

“Naku si Kuya Ben, lagi na lang pagkain ang nasa isip. “Biro ni Lita sa kapatid.“Maraming inihandang pagkain sa inyo ang lola mo. Kaya ihanda mo na ang

tiyan mo.” Biro ni Mang Tomas sa anak.Magsisimula na ang misa nang dumating ang mag-anak sa simbahan.

Nagdasal sila at nagpasalamat sa Diyos sa mga biyayang kanilang tinanggap.

A._______patron_______matunaw_______kakanin_______palamuti_______hinimas-himas

B.a. mga pagkainb. dekorasyonc. hinaplos-haplosd. santae. malusaw

Page 10: Second Grading Lesson Plan

Pagkatapos ng misa, nagtungo na ang mag-anak sa bahay ng kanilang Lola Epang. Maraming tao sa bahay ng kanilang Lola. Nagkita-kita ang magkakamag-anak.

“ Mano po, Lola Epang, Lolo Tasyo!” bati nina Ben at Lita. Ang lalaki na ng mga apo ko. Sige sumabay na kayo sa mga pinsan ninyo sa pagkain,” wika ni Lola Epang.

Nangunguna si Ben sa mesa. Maraming inihandang kakanin si Lola Epang. May kalamay, pinipig, puto at suman. May mainit-init pang tsokolate.

Maya-maya, lumapit si Ben sa ina. “Inay masakit na masakit po ang tiyan ko.” Napasobra po yata ang kinain ko.

“Ayaw po kasi niyang maniwala sa akin sabi mo ay dahan-dahan lang ang pagkain at huwag kumuha ng sobra,” wika ni Lita. “Ang sasarap kasi ng inihandang pagkain ni Lola Epang,” katuwiran ni Ben.

“O siya, magpahinga ka muna para matunaw ang kinain mo” payo ni Aling Celia.

“Lola, mag-uuwi na lang ako mamaya ng ibang pagkakin,” wika ni Ben. Nagtawanan ang mga pinsan ni Ben. Nahihiya naming hinimas-himas ni Ben ang sumasakit niyang tiyan.

2. Pagtalakay sa kuwento – (Sematic Webbing)Halimbawa: 1. Paano ipinagdiriwang ng mga tao ang pista.

2. Bakit nagpunta sa Barangay Putatan ang mag-anak na Cruz?3. Bakit sumakit ang tiyan ni Ben?4. Paano ipinagdiriwang ng mga tao ang kanilang pista?5. Paglalahat:

Paano naitatala ang mga detalye mula sa napakinggang kuwento?

C. Pangwakas na Gawain:1. Paglalapat: Pangkatin ang mga bata. Pakinggan ang kuwentong “Pista sa Amin” at itala ang mga mahahalagang

pangyayari sa kuwento sa pagsagot sa mga patnubay na tanong:a. Ano ang ginagawa ng mga tao pag malapit na ang pista?

Ilarawan ang

Pista

Pangyayari

Tauhan Tugon sa binasa

Page 11: Second Grading Lesson Plan

b. Anu-ano ang makikita sa pista?

PISTA SA AMINUnang araw ng Setyembre, abalang-abala ang mga taga-Barangay Gloria. Ito

ang aming barangay. Malapit na ang pista sa amin. Ipaayos nila Tatay at Kuya Rene ang mga sirang bakod. Naglilinis ng bahay sina Ate Nilda at Ate Marita. Katulong nila ako. Nilalagyan naming ng mga kurtina at halaman ang mga bintana sa bahay.

Naglilinis ng paligid ng paaralan an gaming dyanitor at mga mag-aaral. Gumagawa ng mga banderitas at arko ang mga binata sa aming pook.

Nagluluto ng sari-saring pagkain ang Nanay. Tinutulungan siya nim Lola Nena. Nagluluto ng sari-saring pagkain ang Nanay. Tinitulungan siya ni Lola Nena.

Araw ng Pista. Kling! Klang! Kling! Klang!Ginigising ang mga tao ng sunod-sunod na tunog ng kampana sa simbahan,

banda ng musiko sa daan at mga paputok sa plasa.Maraming tao ang magsisimba. Pagkatapos ng misa, mamamasyal ang mga

tao sa plasa, sa perya at sa bahay ng mga kaibigan. May mga panooring laro , sirko at palatuntunan.

Dumaraan din ang mga dyip, kotse at bus na puno ng mga taong namimista.Bawat bahay ay may handa. Masasarap na ulam. Ang pagkain ay iba-iba.Maraming palaro sa plasa. May palosebo at basagan ng palayok. May perya sa plasa at kay raming paninda. Puno ang “Ferris Wheel” ng mga

batang kasayasaya. May mahabang prusisyon.

2. Isusulat ng lider ng pangkat ang kanilang kasagutan.

IV. Pagtataya:Pakinggan ang kuwentong “Hagdan-Hagdang Palayan” at magtala ng limang mahahalagang pangyayari mula sa kuwento.

V. Takdang Aralin:Sumulat ng karanasan tungkol sa pagdaraos ng pista sa inyong barangay.

Pinagsanib na Aralin sa Filipino, Sibika at Kultura at EKAWP

Page 12: Second Grading Lesson Plan

I. Layunin:Nauulit ang mga pangyayri mula sa kuwentong napakinggan.

PAGPAPAHALAGA: Kooperasyon sa Pangkatang Gawain.

II. Paksang Aralin:Pag-uulit ng mga Pangyayari Mula sa Kuwentong Pinakinggan.

Sanggunian:BEC p. 35, Landas sa Wika at Pagbasa 2

Kagamitan:Tape player, tape ng mga dula-dulaan, larawan ng mga pangyayari.

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain:

1. Ipakita ang mga larawan ng pangyayari.2. Humingi ng maikling salaysay ukol dito.3. Gabayan sila sa tamang pagkasunod-sunod ng mga detalye.

B. Panlinang na Gawain:1. Iparinig ang mga dula-dulaan gamit ang tape player at tape.2. Balikan ang mga damdaming nakapaloob sa mga tauhan ng kuwento.3. Bigkasin ang ilang linya sa dula-dulaan at ulit-ulitin ito4. Tumawag ng ilang mag-aaral na makapag-uulit sa isang pahayag sa dula-dulaan.5. Paglalahat:

Mahalagang buhayin sa imahinaasyon ang pangayayari sa kuwento upang mas madali itong gayahin. Anu-ano ang mga batayan sa pag-uulit ng mga pangyayari sa kuwentong napakinggan.

C. Pangwakas na Gawain:1. Paglalapat:

Pangkatin sa grupo ang klase at bigyan sila ng isang pangayayari sa napakinggang dula-dulaan.

Bigyan sila ng oras upang ulitin ang pangayayari sa padulang pamamaraan.

IV. Pagtataya:1. Pagsunud-sunurin ang mga pangayayaring nasa ibaba. Isulat ang titik sa tamang

pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.a. Tinungo niya ang banyo upang magalinis ng katawan.b. Bumangon si Ana ng maaga.c. Humalik siya sa mga magulang bilang pamamaalam.d. Isinuot niya ang kanyang uniporme.e. Masaya siyang sumakay sa bus.

V. Takdang Aralin:Makinig ng balita sa radio. Ibigay ang buod ng kuwento sa sarilingpagsasalaysay.

Pinagsanib na Aralin sa Filipino at EKAWP

I. Layunin:

Page 13: Second Grading Lesson Plan

Nauulit ang mga pangayayari mula sa kuwentong napakinggan.

PAGPAPAHALAGAKawilihanl/kasiyahan sa pakikinig ng mga Kuwentong Napakinggan.

II. Paksang Aralin:Pag-uulit sa mga pangyayari Mula sa Kuwentong Napakinggan

Sanggunian:BEC Pakikinig Blg. 18 p. 35, Landas sa Wika at Pagbasa pp. 80-85

Kagamitan:Larawan ng duwende

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Pagganyak1. Mahilig ba kayong making sa mga kuwentong may kababalaghan?2. Magpalitan ng larawan ng duwende tulad ng sa “Snow White and the Seven

Dwarfs”3. Ipalarawan.

2. Paghahawan ng balakid (Concept Cluster)Pugad, kaharian, sutsot, nuno sa punso

1. Ano ang nakikita sa pugad?

B. Panlinang Gawain:1. Pagbasa sa kuwento.

ANG MUSEO“Mamasyal tayo ngayon sa ating museo.” Wika ni Bb. Abad. “Ano po ang museo?” tanong ni Glenda.“Sa museo makikita ang mga minana natin,” sagot ng guro.Masayang-masaya at sama-samang lumakd ang mga mag-aaral na

tinuturuan ni Bb. Abad. Dala-dalawa sila sa hanay.“Ito ang Museo ng Santa Teresa, “wika ng guro pagdating nila sa museo.“ Ito ang Museo ng Santa Teresa,” wika ng guro pagdating nila sa museo.“Ano po ang makikita riyan?” tanong ni Angelo.“Tingnan natin, halina kayo,” sabi ni Bb. Abad.Una nilang tiningnan ang katutubong larong Pilipino. Nakita nila ang mga

manikang nagluluksong-tinik, nagpapatintero, nagsisipa, nagsusungka at nagpipiko.

Tiningnan din nila ang iba’t ibang pagdiriwang. Sari-saring manila ang gumanap sa Santakrusan, Pistahan, Ramadan at Mahal na Araw.

Nakita rin nila ang mga lumang kasangkapanat kagamitan. Nakita nila ang mga palayok, pinggan, banga, araro, palakol, suyod at mga itak na ginamit ng mga tao noong unang panahon.

Pinanood nila ang mga Ita, Igorot at Ilongot sa kani-kanilang yungib. Kasinlaki ng tao ang mga modelo.

Humanga rin ang mga bata sa mga kasuotang Pilipino noon at ngayon.

dayami Itlog

ibon

pugad

Page 14: Second Grading Lesson Plan

Paglipas ng ilang oras, naghanda na ang klase sa pag-uwi.“Uuwi na tayo,” wika ni Bb. Abad.“Wala pa po si Roy,” sabi ni Rene.“Hanapin natin,” wika ni Bb. Abad.“Hayan po si Roy!” wika ni Marissa.Nasa yungib pala ng Ita si Roy. Wiling-wili siya sa panonood ng kanilang mga

gawain.

2. Pagtalakay sa kuwento – (Webbing)Sagutin ang mga tanong: Sino ang gurong kasama ng mga bata sa museo? Anu-ano ang nakita nila sa museo? Anu-anoang minana natin sa ating mga ninuno?

3. Paglalahat:Paano nauulit ang mga pangyayari mula sa kuwentong napakinggan?

IV. Pagtataya:Pakinggan ang kuwento at pagkatapos ikuwento ang naging problema ni Omar sa paaralan.

KAYANG -KAYA MOUmiiyak si Omar nang siya ay umuwi isang hapon.“Bakit? Ano ba ang nangyari, Anak?” tanong ni Mang Hadji.“Ang mga kaeskwela kop o. Hindi ko nabigkas ang tulang pinag-aralan naming.

Pinagtatawanan nila ako,” sumbong ni Omar.Niyakap ng ina si Omar. “alam mo, Anak, kayang-kaya mo ang pagtula kung

gugustuhin mo,” sabi ng ina.Tumahan si Omar at nagtanong, E, paano po, sabi nila, paputol-putol daw ang

pagsasalita ko.” “Maalis iyan,” wika ni Mang Hadji. “Magsanay ka araw-araw sa pagbasa nang

malakas. Sa malimit na pagsasanay, gagaling ka sa pagbigkas. Ginawa ni Omar ang pagbasa ng malakas araw-araw. Nag-aral siyang mabuti.

Binawasan niya ang paglalaro.Dumating ang lingo ng Wika. May palatungunan sa paaralan. “Ang susunod na bilang ay isang tula ng batang nasa Ikalawang Baitang, si Omar

Talmud,” wika ng tagapagpakilala ng palatuntunan.Mabilis na pumanik sa entablado si Omar. Isang magandang tula ang kanyang

binigkas.Pak! Pak! Pak! Pak! Malakas ang palakpakan ng mga guro at mga mag-aaral nang

matapos si Omar.Ang ganda! Kay galing ni Omar!” Ito ang sinasabi ng mga guro at mga mag-aaral na

narinig ni Omar sa kanyang pagbabalik upuan. Masayang-masaya si Omar nang umuwi ng hapong iyon. Maganda ang ibabalita niya

sa kanyang ama at ina.

Sagutin ang mga tanong:1. Bakit umiiyak si Omar?2. Ano ang ginagawa ni Omar at siya ay nakatula ng maayos?

V. Takdang Aralin: Ano ang nagagawa para sa iyo ng pagbasa ng mga kuwentong may kahulugan?

Pinagsanib na Aralin sa Filipino at EKAWP

I. Layunin:

Page 15: Second Grading Lesson Plan

Naisasalaysay na muli ang kuwentong napakinggan.

PAGPAPAHALAGA: Pagkamaalalahanin sa mga may Kapansanan.

II. Paksang Aralin:Pagsasalaysay na muli sa Kuwentong Napakinggan.

Sanggunian:BEC-Pakikinig Blg. 19 p.34, Landas sa Wika at Pagbasa p. 97-99 Manwal pp. 67-69, Kuwento: Maglaro Tayo

Kagamitan:Larawan ng isang palaruan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Pagganyak:1. Awit: “Kung Tayo ay Sama-Sama”2. Sino ang may kaibigan na may ugaling mahiyain? Itanong ang mga dahilan

kung bakit mahiyain ang mga ibang bata.3. Magpakita ng larawan ng isang palaruan.

Ipalarawan Itanong

Wala ba kayong napapansin na kakaiba sa larawan? Gusto ba ninyong malaman kung bakit siya malungkot?

2. Paghahawan ng balakid:yumuko jackstone pitik-bulagBatang nakatingin sa ibaba:Isang larong ginagamitan ng daliri.Isang larong ginagamitan ng bato at bola.

B. Panlinang na Gawain:1. Pagbasa sa Kuwento.

MAGLARO TAYOMaraming bata sa malawak na palaruan. Nagkakagulo sila. Iba-Ibang laro ang

gusto nilang gawin. May kanya-kanya silang pangkat ng kalaro. Tanging si Bea ang walang kalaro. Tahimik siyang nanonood sa mga batang naglalaro. May isang batang babaeng lumapit sa kanya. Ngumiti ang bata. Yumuko si Bea. Nahihiya siya.

“Bakit ayaw mong makipaglaro?” Tanong ng batang babae.“Bago pa lamang ako rito,” maikling sagot ni Bea.“Pareho pala tayo. Bagong lipat din ako rito. Dati sa probinsya kami nakatira.

Lumipat kami rito dahil dito na ang trabaho ng tatay ko,” ang paliwanag ng bata.“May kaibigan ka na ba rito?” tanong ni Bea na tila sumaya sa dahil sa narinig.“Meron na pero konti lang. Hindi kasi ako makatakbo. Tingnan mo, pilay ako,” at

itinuro pa ng bata ang kanyang kaliwang paa. “Mabuti ka nga at madali kang makakita ng kalaro dahil malakas ang dalawang paa mo.”

“Oo nga, pero alam mo, marami namang laro na hindi kailangang tumakbo, Kung gusto mo, maglaro tayo ng pitik-bulag, bugtungan, dyak-en-poy, o kaya’y jackstone,” paliwanag ni Bea.

“Sige maglaro tayo ng jackstone.” At masayang naglaro ang bagong magkaibigan.2. Pagtalakay sa kuwento – (Graphic Organizer)

Sa Palaruan

Bea

malungkot Bagong lipat

pilay

Page 16: Second Grading Lesson Plan

Ano ang pamagat ng kuwento? Sino ang bagong lipat? Sino ang malungkot? Ano ang kapansanan ni Bea? Bakit kaya malungkot si Bea? Kung ikaw ang nasa lugar ni Bea, malulungkot ka rin ba?

C. Pangwakas na Gawain:1. Paglalapat:

Balikan ang kuwentong “Sa May Daan”Sagutin ang mga tanong (Webbing)

Sinu-sino ang nag-uusap? Anu-ano ang gawain ng mga sasakyan? Bakit lagging nagmamadali sila Ambulansya at Bumbero? Ano ang kabutihan ni Kalesa sa lahat? Bakit kailangan ng mga tao ang mga sasakyan?

IV. Pagtataya:Balikan ang kuwebting “Naligaw si Bisiro”

Sagutin ang mga tanong:1. Ano ang nangyari kay Bisiro?2. Ano ang nararamdaman ni Bisiro nang hindi niya Makita ang ina?3. Sino ang sumama kya Bisiro para hanapin ang kanyang ina?4. Ano ang naramdaman ni Bisiro namg Makita si Lito?

V. Takdang Aralin:Magbasa ng isang kuwento at isalaysay sa klase.

Pinagsanib na Aralin sa Filipino, Sibika at Kultura at EKAWP

pilay

Page 17: Second Grading Lesson Plan

I. Layunin: Nasasabi ang pangunahing diwa ng kuwentong napakinggan.

PAGPAPAHALAGA: Pagiging Bukas ng Isip sa mga Paksang Diwa.

II. Paksang Aralin:Pagsabi ng Pangunahing Diwa ng Kuwentong Napakinggan

Sanggunian: BEC Pakikinig 2 p.36, Landas sa Wika at Pagbasa 2 p. 162

Kagamitan:Larawan ng mga pangyayari, ginupit na kuwento mula sa babasahin.

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Isa-isahin ang mga pamagat ng mga pelikulang Pilipino.2. Tanungin sa mag-aaral ang buod o paksa ng bawat pelikula.3. Humingi ng iba pang palabas sa telebisyon at tukuyin ang pinapaksa nito.

B. Panlinang na Gawain:Basahin sa klase ang maikling kuwento.

MAGBABAYAD NG BUWIS“Saan po ba kayo pupunta ng Nanay, Tatay?” tanong ni Alice sa ama nang

makitang gayak na gayak ito.“Kami ng nanay mo ay magbabayad ng buwis.”“Buwis, ano po ban g buwis? Tanong muli ni Alice.“Ang buwis ay ang perang ibinabayad ng pamahalaan . Ang ating lupa at

bahay ay ating ipinagbabayad ng buwis. Ang aming kita ng iyong ina sa loob ng isang taon ay ipinagbabayad din ng buwis,” paliwanag ni Mang Pedring.

Hindi na kumibo si Alice. Pero nakita ng ama ang kanyang noo ay nakakunot at parang hindi nasisiyahan sa narinig na sinabi niya.

“Anak,” ang sabi ni MAng Pedring. “Kailangan lahat tayo ay magbayad ng buwis. Ito ang ginagamit ng pamahalaan para makapagpagawa ng paaralan, ospital, tulay at mga kalsada. Ito rin ang ibinabayad sa inyong mga guro, sa mga sundalo at iba pang mangagawa na naglilingkod sa gobyerno.”

Napangiti si Alice.“Sige na po. Lumakad na po kayo ni Nanay. Baka po kayo tanghaliin.

2. Tukuyin sa kanila ang pangunahing diwa ng kuwento.3. Ibigay ang mga gabay sa pagtukoy ng pangunahing diwa ng kuwento.

a. Kung saang bahagi ng talata ito matatagpuan.b. Anyo ng pananalita.c. Mga salitang karaniwang ginagamit.

4. Paglalahat:Matatagpuan kahit saang bahagi ng kuwento ang pangunahing diwa nito.

Saan bang pangyayari o bagay umiikot ang buong kuwento?

C. Pangwakas na Gawain:1. Paglalapat:

Page 18: Second Grading Lesson Plan

Pangkatang Gawain:A. Pangkat I – Saan papunta ng Nanay at Tatay ni Alice? Ano ang ibig sabihin ng

buwis? ( Sagutin sa pamamagitan ng paggawa ng poster)B. Pangkat II – Sinu-sino ang dapat magbayad ng buwis? Saan-saan ginagamit

ng pamahalaan ang buwis na ibinabayad ng mga tao? (Sagutin sa pamamagitan ng pagguhit)

C. Pangkat III – Ano ang maaaring mangyari kung hindi magbabayad ng buwis ang mga tao? (Sagutin sa pamamagitan ng pagkuwento)

D. Pangkat IV – Ano ang pangunahing diwa ang isinasaad ng kuwento? (Sagutin sa pamamagitan ng paggawa ng slogan)

IV. Pagtataya:Pumili ng isang talata at ibigay ang pangunahing diwa nito. Isulat sa inyonh notbuk.1. Noong unang panahon, and Maynila ay pinamumunuan ng isang raha. Siya ay si

Raha Sulayman. Iginagalang siya bilang isang mabuting pinuno. Naging tahimik ang Maynila sa kanyang pamumuno. Tunay na maituturing na may katangi-tanging pinuno si Raha Sulayman.

2. Sentro ng kalakalan at capital ng Pilipinas ang Maynila. Maraming tao ang dumarayo dito. Matatagpuan dito ang malalaking gusali at kompletong daanan. Dito rin nagtatayo ng malalaking pagawaan at industriya ang malalaking kumpanya. Makikita rin dito ang malalaking tindahan at pasyalan.

V. Takdang Aralin:1. Humanap ng limang kuwento sa mga aklat.2. Ibigay ang pangunahing diwa ng bawat kuwento.

Pinagsanib na Aralin sa Filipino, Agham at EKAWP

I. Layunin:

Page 19: Second Grading Lesson Plan

Nasasabi ang pangunahing diwa ng kuwentong napakinggan.

PAGPAPAHALAGA Nasasabi ang kasiyahan at kahalagahan ng pakikinig sa kuwento.

II. Paksang Aralin: Pagsasabi ng Pangunahing Diwa ng Kuwentong Napakinggan.

Sanggunian: BEC – Pakikinig Blg. 20 p.35, Patnubay ng Guro sa Pilipino 2 pp. 140-141, Filipino 3 Pagbasa pp. – 56-58

Kagamitan:Larawan, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aralSino sa inyo ang makabibigkas sa tulang “Ang Alaga Kong Aso”?Ipabigkas at alamin ang paksa tungkol dito.Ano ang sinasabi tungkol sa alagang aso?

2. Paghahawan ng balakida. Paliko-likob. Malalapadc. Makikinisd. Naglutange. Luntiang damo

3. PagganyakMayroon bang ilog na malapit sa inyong lugar? Ilarawan nga ito. Paano natin mapapanatiling malinis at buhay ang ilog?

B. Panlinang na Gawain:1. Babasahin ng guro ang kuwento tungkol sa kasaysayan ng isang ilog. Alamin

ang paksa o diwa nito. Patnubayan ang mga bata sa pagkuha ng pangunahing diwang isinasalaysay sa kuwento sa pamamagitan ng mga tanong.

KASAYSAYAN NG ISANG ILOGNoong araw, may isang maganda at mahabang ilog. Paliku-liko itong

umaagos sa bayan. Nagmula ito sa mga bundok, bumaba at nagtapos sa dagat. Malinaw at malinis ang tubig nito.

Malalago ang mga lunitang damo sa mga pampang nito. May mataas at malilim na mga punungkahoy rin.

May mga lugar na mababaw lamang tubig. Dito ay may mga babaing naglalaba sa malalapad at makikinis na mga bato. May mga batang naglalaro at naliligo sa ilog.

Doon sa pook na walang maraming tao ay may mga namimingwit. Maraming isda sa ilog. May malaki at maliit na isda. Masigla at buhay ang ilog.

Lumipas ang mga taon. May mga pagawaan at mga bahay sa pampang ng ilog. Ginawang tapunan ng dumi at basura ang ilog. Naglutang ang basura dito. Hindi ns rin umaagos ang tubig. Ito ay naging maitim at mabaho. Ang dating buhay na buhay at masiglang ilog ay patay na.

1. Saan nagmumula ang ilog? Saan nagdaraan ito?

Page 20: Second Grading Lesson Plan

2. Bakit nakapaliligo ang mga bata sa ilog noong araw? Ano ang makikita sa mga pampang nito? Ilarawan ang ilog noong araw.

3. Kailan sinasabing patay na ang ilog? Bakit namatay ang ilog?4. Ano ang diwang isinasaad sa kuwento?

2. Paglalahat:Ano ang dapat tandaan sa pagkuha ng pangunahing diwa ng naisasalaysay sa kuwento?

C. Pangwakas na Gawain:1. Paglalapat:

Ipabasa ang isang maikling kuwento sa mga mag-aaral (“Ang Araw at Gabi”). Alamin ang diwang naisasaad sa kuwento. (Venn Diagram)

Noong unang panahon, si Araw at si Buwan ay magkasinliwanag. Wala noong gabi. Paglubog ng araw sa hapon ay sisikay naman ang buwan kaya hindi nagkakaroon ng dilim. Ito ay hindi mabuti ka Tao. Hindi niya malaman kung kailan ang araw at kung kailan ang gabi. Sa lahat ng oras ay gumagawa siya. Hindi rin niya alam kung kailan siya matutulog. Dahil dito, naawa si Araw kay Tao. Umisip si Araw ng paraan. Dumakot siya ng lupa at isinabog sa mukha ni Buwan. Mula noon, lumabo na ang sikat ni Buwan kaysa kay Araw at nagkaroon na ng gabi.

a. Bakit walang gabi noong unang panahon?b. Bakit hindi mabuti sa tao ang walang gabi?c. Ano ang naisip na paraan ni Araw upang matulungan si Tao?

IV. Pagtataya:Ibigay ang pangunahing diwa ng maikling kuwento o talatang napakinggan.

Mahusay maglinis ng sapatos si Fermin. Tuwing Sabado at Linggo, ito ang kanyang gawain. Maraming nagpapalinis sa kanya at binibigyan siya ng pera. Ang kinikita niyang pera ay ihuhulog niya sa kanyang alkansya at ang iba niyang pera ay ibinibigay sa kanyang ina.

1. Sino si Fermin?2. Ano ang gawain niya?3. Anong ugali mayroon si Fermin?4. Kanino nya ibinibigay ang perang kanyang kinikita?5. Siya ba ay isang mabuting halimbawa sa mga batang tulad ninyo? Bakit?

V. Takdang Aralin:Makinig sa mga balita sa radio o telebisyon. Ibigay ang mga paksa o diwa ng napakinggang balita o impormasyon.

Pinagsanib na Aralin sa Filipino, Sibika at Kultura, EKAWP at Sining

Araw Gabi

Page 21: Second Grading Lesson Plan

I. Layunin:Nasasagot ang mga tanong mula sa tulang napakinggan.

PAGPAPAHALAGA: Pagbasa ng Malinaw ng Isang Tula.

II. Paksang AralinPagsagot sa Tanong sa mga Tulang Pinakinggan

Sanggunian:BEC Pakikinig 2 p. 36, Landas sa Wika at Pagbasa 2 p. 76

Kagamitan:Larawan, ginupit na mga tula mula sa babasahin.

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Bumasa ng isang tula sa klase.2. Isa-Isahin ang mahalagang detalye ng tula.

a. Sino ang tauhan?b. Pangyayari?c. Pinagyarihan?d. Kailan?

B. Panlinang na Gawain:1. Basahin ang tula mula sa libro.

SA BUKIDAng hangin sa bukid

ay sariwang tunay Lalo’t kung umagang

Masarap mamasyal

Dito ay sagana Sa lahat ng bagay

Matamis na prutas Berdeng-berdeng gulay

Dito’y marami ring

Hayop na talaga Sa gatas at itlog

Kami ay sagana

Sa malayong bukid Kaysarap mamuhay

Mga tao roo’y May mahabang buhay

2. Talakayin ang mga detalye nito.3. Siguraduhing nasasagot sa tula ang mga tanong.

a. Sino ang tauhan?b. Saan naganap?c. Kailan?d. Ano ang sitwasyon o pangyayari?

4. Paglalahat:

Page 22: Second Grading Lesson Plan

a. Paano matutukoy ang mahalagang detalye sa isang tula?b. Ano ang pagkakaiba sa mga detalye ng isang kuwento at isang tula?

C. Pangwakas na Gawain:1. Paglalapat:

Gamit ang mga ginupit na tula, ipamahagi sa klase. Pumili ng isang miyembro na bibigkas ng tulang pinili. Pumili rin ng isang miyembro na nagsasalaysay ng mga detalye ng tula.

IV. Pagtataya:1. Mula sa isang tulang sa klase, sagutin ang mga tanong sa ibaba.

a. Saan mayroong sariwahing hangin at maraming prutas.b. Anu-ano ang maaring makit sa bukid?c. Bakit masarap mabuhay sa bukid?d. Sinu-sino ang nakikinabang sa ganda ng bukid?e. Bakit masustansiya ang mga pagkain sa bukid?

V. Takdang Aralina. Gumuhit ng isang paboritong bagay.b. Lapatan ito ng maiksing salaysay na patula.

Pinagsanib na Aralin sa Filipino, Sibika at Kultura at EKAWP

Page 23: Second Grading Lesson Plan

I. Layunin: Nasasabi ang pangunahing Diwa ng Tulang napakinggan.

PAGPAPAHALAGA: Pagmamahal sa Bayan

II. Paksang Aralin:Pagsasabi ng Pangunahing Diwa ng Tulang Napakinggan.

Sanggunian: BEC – p. 36, Landas sa Wika at Pagbasa 2

Kagamitan:Tape player, tape

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Ipagbigkas ang “Panatang Makabayan” sa mga mag-aaral.2. Palawakin at ipaliwanag sa klase ang nilalaman ng tula.3. Itanong ang kanilang opinion sa nilalaman ng tula.

B. Panlinang na Gawain:1. Ipakinig gamit ang tape player at tape ang mga tula.2. Magbigay ng mga panuntunan sa pakikinig ng tula at paglalahad ng mga detalye

nito.3. Magbigay ng mga halimbawa ng mga pangungusap at paglalahad ng mga detalye

nito.4. Paglalahat:

Katulad din ng isang kuwento, palawakin kung papaano malalaman ang tamang pangunahing diwa ng isang tulang napakinggan.

C. Pangwakas na Gawain:1. Paglalapat:

Bumasa ng isang tula

IBA’T IBANG SASAKYANKung tayo’y pupunta Sa malayong bayanKailangan natinAy isang sasakyan

Nariyan ang BangkaDyip, trak, at kalesaBarko at helicopterMarami pang iba.

Karitong minanaSa mga ninunoMagagamit mo naDi ka mahahapo

Sa panahon ngayonKayraming sasakyanMadaling marating

Page 24: Second Grading Lesson Plan

Iyong pupuntahan

Tanungin ang mga mag-aaral ng pangunahing diwa nito. Suriin kung naibigay ang pinakasimpleng buod ng tula, sa anyo ng isang

pangungusap lamang.

IV. Pagtataya:1. Matapos magparinig ng maraming tula mula sa tape player, maglista ng kahit limang

pangunahing diwa na maririnig mula sa mga tula.

V. Takdang Aralin:1. Pumili ng isang tula.2. Isulat ang pangunahing diwa nito.

Pinagsanib na Aralin sa Filipino, Sibika at EKAWP

Page 25: Second Grading Lesson Plan

I. Layunin: Naibibigay ang angkop na pamagat sa narinig mong babasahin

PAGPAPAHALAGA: Pagtitiwala sa Sariling Kakayahan

II. Paksang Aralin: Pagbibigay ng Pamagat sa Narinig na Babasahin.

Sanggunian BEC Pakikinig 2 p. 36, Pagsibol ng Lahing Pilipino p. 8-11, 2-4

Kagamitan: Larawan, post cards ng magagandang tanawin sa Pilipinas

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Bumasa ng mga talata o kuwento sa libro.2. Magatanong ng mga pangunahing diwa ng narinig na kuwento.3. Magtanong ng mga paborito nilang awitin.4. Tukuyin ang mga pamagat nito.

B. Panlinang na Gawain:1. Basahin sa klase ang mga talata sa ibaba.

2. Maglista ng mga pamagat at piliin ang angkop para sa kuwento/talatang binasa.

3. Ibigay ang batayan sa pagpili ng angkop na pamagat.4. Gamit ang mga larawan, magnigay ng pamagat na angkop sa piniling

larawan.

Mga Talata/Kuwento

a. Makikita sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang iba’t ibang pamayanang Pilipino.May iba’t ibang pamayanan at pangkat-etniko sa Luzon, Visayas at Mindanao. Ang mga Tagalog, Ilokano, Kapampangan at Bikolano ay nasa Luzon. Nasa Mindanao ang mga Badjao, Manobo, Tausug at Maranaw. Ang mga Cebuano, Waray, Boholano, Samareno naman ay nakatira sa Visayas.

b. Maipagmamalaki nating mga Pilipino angpagiging magalang. Tanda ng paggalang ang pagmamano at ang paggamit ng “po” at “opo” “ho” at “oho”. May ilan naman bumabati sa matatanda sa pamamagitan ng paghalik sa kamay.

c. Magandang kaugalian nating mga Pilipino ang pag-aalala sa kapwa. Ibinabahagi natin ang anumang bagay na mayroon tayo sa ating mga kapatid, kaibigan at kapitbahay.Tumutulong din tayo sa mga nangangailangan tulad ng namatayan, binaha, binagyo at iba pa.

5. Paglalahat: Bakit kailangan ang pamagat sa isang babasahin? Paano matutukoy ang pinakamabisang paraan sa pagpili ng isang

pamagat?

Page 26: Second Grading Lesson Plan

C. Pangwakas na Gawain1. Pagalalapat:

Ikalat sa klase ang mga post cards ng magagandang tanawin sa Pilipinas.

Mula sa larawan, humingi ng diwa o higit pang pamagat na angkop sa larawan.

IV. Pagtataya:1. Mula sa mga nailistang pamagat sa “Paglalapat” na gawain, bumuo ng

talata o kuwentong may limang pangungusap o higit pa. Isang kuwento ay sapat na.

V. Takdang Aralin:1. Humingi ng isang kuwento sa inyong nanay.2. Pakinggan ito ng mabuti.3. Isulat ang kuwento sa sariling pamamaraaan.4. Lagyan ito ng angkop na pamagat.

Page 27: Second Grading Lesson Plan

Pinagsanib na Aralin sa Filipino at EKAWP

I. Layunin: Nasasabi ang paksang talata na narinig.

PAGPAPAHALAGA: Pag-iisip ng Tama

II. Paksang Aralin: Pagtukoy sa Paksang Talata sa Narinig na Salaysay.

Sanggunian: BEC Pakikinig 2 p.36, Landas sa Wika at Pagbasa 2

Kagamitan: Ginupit na balita mula sa dyaryo, mga larawan, ginupit na kuwento.

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral:Balikan ang mga kuwento, nabasa mo ba sa libro, sabihin at palawakin ito.

2. Pagganyak:a. Isulat sa klase ang narinig o napanood na balita noong nakaraang gabi.b. Hingin sa kanila ang buod ng balita.