serbisyo ng kamatayan at muling pagkabuhay · 2019-03-05 · 3 | page mga mensahe mula sa lay...

40
SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY MANWAL SA PAGDIRIWANG REV. JERIC C. CORTADO

Upload: others

Post on 03-Apr-2020

17 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY

MANWAL SA PAGDIRIWANG

REV. JERIC C. CORTADO

Page 2: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

2 | Page

TALAAN NG MGA NILALAMAN

1. MGA MENSAHE………………………………….……….…..3 2. PAMBUNGAD NA SALITA………………………….….…...4

HINGGIL SA SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY…………………………….….5

3. SALIGANG PADRON NG SERBISYO NG PAGSAMBA SA PAGLALAMAY……………………………………………5

4. MGA PAGPIPILIANG TAWAG SA PAGSAMBA…………7 5. MGA PAGPIPILIANG SAGUTANG PAGBASA

O PSALTERIO ……………………………………………….10 6. BURIAL OF THE DEAD SERVICE ……………….…….….20 7. ANG SERBISYO NG PAGLALAGAK……………….…….25 8. ANG SERBISYO NG PAGSAMBA

SA PAG-ALAALA NG YUMAO………………………..……27 9. SERBISYO NG PAGDADALAW SA PUNTOD…….……..29 10. SERBISYO PARA SA KASISILANG NA SANGGOL

O BATA NA YUMAO………………………………………….30 11. MINISTERYO SA MALAPIT NANG MAMATAY………….33 12. KAPAHAYAGAN NG PANANAMPALATAYA…….……..34 13. MGA PILING AWITIN…………………………….…….….….35 14. MGA PILING LEKSIYON…………………………………….39 15. PANGWAKAS……………………………………….…..……40 16. MGA PINAGBATAYAN……………………………..….…….40

Page 3: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

3 | Page

MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi sa napakaganda at napakahalagang gawain na pinasimulan ng isang alagad at manggagawa ng Diyos. Sa pagpapalaganap ng Kanyang kaharian sa pamamagitan ng paggawa ng mga liturhiya para sa PANANAMBAHAN NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY. Isang karangalan ng Pioneer United Methodist Church, Mlang, Cotabato ang magkaroon ng isang Pastor sa katauhan ni Ptr. Jeric C. Cortado na nag-ukol ng kanyang kakayahan at panahon sa paggawa ng mga liturhiya na nagpagaan sa mga gawain at ministeryo ng iglesya. Naging kabahagi ang iglesya lalong-lalo na ang mga kababaihan (WSCS) sa mga gawain sa pananambahan, sa paglalamay, parangal at pasasalamat at naging malaking hamon at pagganyak sa kanila na makibahagi sa mga ganitong gawain sa iglesya. Pagpapatunay na hindi lamang sa materyal na bagay maipakita o maipadama ang pagmamahal at pagsisilbi sa Diyos kung hindi sa pamamagitan ng paghahandog ng panahon sa iba‟t ibang uri ng pananambahan. #

MRS. MINDA ANGEL Former Lay Leader

Pioneer United Methodist Church J.P. Laurel St., Poblacion B, Mlang, Cotabato

++++ MULA SA DISTRICT SUPERINTENDENT Sa mga Mambabasa, ikinagagalak po naming ipalathala ang Liturhiyang ito para sa pagdaraos ng siyam (9) na gabing paglalamay para sa yumaong kasapi ng iglesya. Kinikilala po nating napakalaking tulong ito para sa mga pastor at diyakonesa sa iba‟t ibang iglesya lokal na laging naghahanap ng materyal para sa mga ganitong pagtitipon. Ang materyal na ito ay bunga ng masaganang karanasan ni Pastor Jeric C. Cortado na nadestino bilang Intern Pastor ng Pioneer United Methodist Church, Mlang, Cotabato. Sa kanyang pagdating doon sinalubong siya ng mga sunod-sunod na serbisyo para sa patay. Wala pang tatlong buwan siyang nadestino roon ay apat na sa mga miyembro ang yumao. Dito niya nakita ang kahalagahan ng pagbubuo ng liturhiya para sa siyam (9) na gabing paglalamay upang maging maayos ang daloy ng pagsamba. Ang siyam (9) na gabing paglalamay ay isang tradisyong laging idinaraos ng mga pamilyang naulila. Ito ay pagbibigay ng huling galang sa yumao. Sa mga miyembro ng iglesya sa loob din ng siyam (9) na gabing paglalamay ay kasama na dito ang serbisyo ng paglalamay. Natatapos ito sa araw ng libing ng yumao. Kaya madalas ay malaking responsibilidad ito para sa mga manggagawa ng iglesya. Laging suliranin ang pagsasaayos sa daloy ng serbisyo ng paglalamay. Subalit walang nangahas na bumuo ng ganitong materyal sa kabila ng maraming nakakita at nakadama sa ganitong pangangailangan ng mga iglesya at mga manggagawa. Dahil dito tayo ay nagpapasalamat sa kasigasigan ni Pastor Jeric na isulat at ilathala ang mga nalikom niyang liturhiya para sa ganitong gawain sa hangaring makatulong ito sa mga kapwa manggagawa. #

REV. ABELARDO N. GUERRERO Former District Superintendent – Mindanao Central East District

Mindanao Philippines Annual Conference The United Methodist Church

Page 4: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

4 | Page

PAMBUNGAD NA SALITA Ang manwal na ito ay compilation na unang nabuo noong ako ay madestino sa Pioneer United Methodist Church, ang unang komunidad ng mga Metodista na kinilala bilang unang Iglesya Lokal ng “The Methodist Church” sa Mindanao. Sa unang araw pa lang, sinalubong na ako ng sunod-sunod na “funeral, burial and memorial services”. Ilan ding sermon at liturhiya ang ipinaghanda maliban sa regular na gawain ng iglesya. Sa mga panahong gaya nito, malimit ang mga kagaya kong nagsisimula pa lamang noon sa ministeryo ay nalilito at naguguluhan. Ito ay hindi biro. Bagama‟t napakasimple, tradisyunal na masasabi ang daloy ay mainam na upang magkaroon ng panimulang gabay. Isang panimula sa higit pang pagpapalago ng mga liturhiyang angkop sa ganitong mga kalagayan. Napalago ang manwal na ito nang ako ay madestino sa Founder United Methodist Church, ang isa sa mga matatandang Iglesya sa Mindanao na unang nakilala bilang “Methodist Episcopal Church” ing Aringay, Kabacan, Cotabato. Sa loob ng apat na taon ko sa komunidad na ito, ang mga gabay na nakapaloob nito ay lalong naisayos ayon sa pangkalahatang konteksto ng mga iglesya Metodista sa aming dako. ilan sa mga bahagi ng gabay o ritwal ay hinango ko mula sa mga nalikom kong “liturgy guide” noong ako ay nag-aaral pa lamang sa seminaryo; nadaluhang mga okasyon mula sa iba‟t ibang iglesya lokal ng Metodista, evangelical at ekyumenikal; at nabasang mga aklat patungkol sa pagsamba at liturhiya habang ako ay nagtuturo ng asignaturang ito sa Southern Philippines Methodist Colleges, Inc. (SPMCI). Nakapaloob sa manwal na ito ang maikling paliwanag hinggil sa Serbisyo ng Kamatayan at Muling Pagkabuhay, batayang padron ng pagsamba ayon sa ating Aklat ng Pagsamba bilang mga Metodista; mga pagpipilian na Tawag sa Pagsamba; Sagutang Pagbasa o Psalterio; batayang aralin sa Bibliya; mga piling awitin; ritwal sa paglalagak, sa pag-alaala sa mga yumao at pagdadalaw sa mga puntod, sa pagbabasbas sa kasisilang na sanggol na yumao, at sa pagbabasbas sa paglilibingan na pawang naranasan ko sa mga iglesyang aking pinaglingkuran. Sa kasalukuyan bahagi ang manwal na ito sa aking mga itinuturo sa mga mag-aaral sa SPMCI na kumukuha ng kursong Bachelor of Arts major in Theology, Bachelor in Early Childhood Education major in Christian Education, Bachelor of Ministry at Master of Ministry. Inihanda ang manwal na ito upang kahit papaano ay makatulong sa gawaing pagsamba at ministeryo ng iglesya. Aking inihahandog ito sa mga nagsisimula pa lamang sa ministeryo.

REV. JERIC C. CORTADO 2015

Page 5: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

5 | Page

HINGGIL SA SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY

Ayon sa ating Aklat ng Pagsamba, dapat kagyat na masabihan ang pastor hinggil sa kamatayan ng kaanib o associate ng kongregasyon. Taimtim na hinihimok ang mga kaanib ng pamilya ng yumao, mga kaibigan, at mga kaanib ng konggregasyon na makibahagi sa pangunguna sa mga Serbisyo. Ang terminong “Funeral Service” ay angkop para sa serbisyong nakaburol pa ang bangkay. Ang “Burial Service” ay terminong angkop sa serbisyong gaganapin sa simbahan o sa tahanan bago dalhin sa paglilibangan nito ang bangkay. Ang “Committal Service” ay termino para sa serbisyong ibabaon na sa lupa ang bangkay o ipapasok na ito sa nitso. Ang “Memorial Service” ay terminong angkop na gamitin sa mga serbisyo matapos ang libing. Ang “Serbisyo ng Kamatayan at Muling-Pagkabuhay” ay komprehensibong pamagat na angkop gamitin sa anumang kalagayang nabanggit. Ipinapahayag sa mga pagsambang ito ang mga katotohanan hinggil sa kamatayan at pangungulila, at ipinagdiriwang ang ebanghelyo ng muling pagkabuhay sa konteksto ng pakikipagtipan sa atin ng Diyos kay Cristo-Jesus. (ANG AKLAT NG PAGSAMBA, p89.)

++++++++++++++

SALIGANG PADRON NG SERBISYO NG PAGSAMBA SA PANAHON NG LAMAY

PANIMULA

PAGTITIPON AT PAGHAHANDA Magtitipon ang lahat sa ngalan ng Panginoon. Maaring sa mga panahong ito

gagawin ang mga impormal na batian, mga pagbabalita at pagtanggap. Tutugtugin ang instrumental na musika o imno ng paghahanda.

+TAWAG SA PAGSAMBA Ang lahat ay magsitayo.

+IMNO Ang lahat ay manatiling nakatayo.

+PANIMULANG PANALANGIN Ang lahat ay manatiling nakatayo.

PROKLAMASYON AT TUGON

DALANGING PANGKALIWANAGAN Ang panalanging ito ay sinasambit ng pastor o ng worship leader na nakatuon sa

dalawang bagay. Una, ito panalanging humihingi ng gabay at basbas mula sa Diyos sa pagbabasa ng mga aralin, sa gayon ay mapakinggan ng komunidad

ang katotohanan mula sa Diyos. Pangalawa, ito ay panalangin upang pagpalain ang pastor o tagapangaral sa paglalahad nito ng sermon, sa gayon ay

makapagdulot ito ng liwanag at inspirasyon sa mga nakikinig na bayan ng Diyos.

Page 6: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

6 | Page

ANG ARALIN SA LUMANG TIPAN Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Aklat ni _______________ kabanata ____ mula sa talata ____ hanggang ____. Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. Tugon: (awitin, “Pangunahan Mo”) Pangunahan mo, aming pagbubulay. Karunungan Mo‟y sa mi‟y maging ganap. SAGUTANG PAGBASA/PSALTERIO

Ang sagutang pagbasa ay hango sa mga piling aralin sa Awit. ANG ARALIN SA MGA LIHAM/GAWA NG MGA APOSTOLES Tagabasa: Ang pagbasa mula sa ______________________, kabanata _____, sa mga talatang ______ hanggang _______. Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. + ANG PAGDAKILA SA EBANGHELYO

Ang lahat ay magsitayo hanggang matapos ang pagbabasa ng aralin sa ebanghelyo.

(awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia.

+ANG ARALIN SA EBANGHELYO Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San ______________. Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon. Pastor: (Basahin ng malinaw ang aralin). Ang Mabuting Balita ng Panginoon. DALIT NA AWIT

Sa diwang ito, ang koro ay maaring mag-alay ng awit o isang natatanging alay na awit na aawitin ng komunidad.

SERMON +PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Nasa discretion ng pastor kung idaos ang Banal na Komunyon, at kung idaos ito

mainam na gagawin sa mga bahaging ito ng pagsamba.

PAGTATAPOS IMNO +ANG PANGWAKAS NA PANALANGIN +BENDISYON +TATLONG AMEN

+++++++++++++++

Page 7: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

7 | Page

MGA PAGPIPILIANG TAWAG SA PAGSAMBA 1. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, nagkakatipon-tipon tayo rito upang parangalan ang alaala ng ating yumaong kapatid, kaibigan, at kasamahang si ______________. Ang hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos ay tumatagos kahit sa pinakamalayong sulok ng mundo. Naranasan ng ating mga ninuno ang mapagpalayang pagkilos ng Diyos, at patuloy niya itong ginagawa hanggang sa kasalukuyan. Pinahahalagahan Niya ang lahat ng kanyang mga nilikha. Ang kanyang pagkalinga ay nais iparanas sa atin noon pa man, ngayon at sa susunod pang kapanahunan. Komunidad: Purihin ang Panginoon!

2. +TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: “Hanapin si Yahweh, samantalang siya‟y iyong makikita, Siya ay tawagin habang malapit pa. Ang mga gawain ng taong masama‟y dapat nang talikdan, at ang mga liko‟y dapat magbago na ng maling isipan; Sila‟y manumbalik, Lumapit kay Yahweh upang kahabagan. At mula sa Diyos, Matatamo nila ang kapatawaran.” (Isaias 55:6-7). Kapatiran: Sa Diyos ang papuri!

3. +TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Sinabi ni Jesus, ako ang pagkabuhay na mag-uli at ang buhay; ang sumasampalataya sa akin, kahit patay ay muling mabubuhay at sinumang nabubuhay at nananampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailanman. Komunidad: Sa kanyang mga sinabi, ang Diyos ay papurihan!

4. +TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Sa sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Colosas, kabanata tatlo sa unang talata sinasabi, “Binuhay kayong muli, kasama ni Cristo, kaya‟t ang pagsumikatan ninyo ay ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo na nakaupo sa kanan ng Diyos.”

Page 8: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

8 | Page

Kapatiran: At ang paglilingkod sa kanya ng tapat ay isang malaking kapahayagan ng pagpupuri. Tagapanguna: Aleluya!

5. +TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Halina at sama-sama nating sambahin ang Diyos na may pag-alaala sa Kanyang mabuting kaloob. Ihayag natin ang Kanyang katapatan na nagsisilbing kaaliwan ng ating mga kalungkutan at kabalisahan. Komunidad: Purihin natin ang dakila niyang pangalan.

6. +TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Halina at sama-sama nating sambahin ang Diyos na may pag-alaala sa Kanyang mabuting kaloob. Ihayag natin ang Kanyang katapatan na nagsisilbing kaaliwan ng ating mga kalungkutan at kabalisahan. Komunidad: Purihin natin ang dakila niyang pangalan.

7. +TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Halina‟t sambahin ang Diyos na manlilikha. Lahat: Ating purihin ang Diyos na patuloy na nakikilala sa kanyang gawang paglikha at pagliligtas sa kasaysayan.

8. +TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Ang Kanyang pag-ibig ang mananahan na Syang patuloy na mag-uugnay bagama‟t tayo‟y magkakahiwalay. Purihin ang Kanyang ngalan.

9. +TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Ang Panginoon ang ating Pastor, ang kanyang mga tungkod at pamalo ang siya nating gabay patungo sa kanyang pastulan, ang

Page 9: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

9 | Page

pastulang laan sa kanyang mga hinirang na walang iba kundi tayo na kanyang mga anak. Kapatiran: Sa Diyos ang papuri!

10. +TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Tagapanguna: Tayo ay ngayon nagtitipon upang papurihan ang Diyos at pasalamatan na may pag-alaala sa kanyang mabuting kaloob. Mahayag natin ang kaniyang katapatan na nagsisilbing kaaliwan sa ating mga kalungkutan at kabalisahan. Purihin natin ang dakila Niyang Pangalan at makisaliw sa walang katapusang himno ng kagalakan at tagumpay. Kapatiran: Purihin natin ang makapangyarihang Diyos na nagkakaloob sa atin ng biyaya at kapayapaan. Nagkaloob sa atin ng matitimyas na karanasan sa piling ng ating mga mahal sa buhay noong sila ay nabubuhay pa, at kasa-kasama pa natin ng mukhaan. Tagapanguna: Ang Panginoon ang ating Mabuting Pastor, ang Kanyang mga tungkod at pamalo ang siya nating gabay patungo sa Kanyang pastulan. Ang pastulang laan sa Kanyang mga hinirang na walang iba kundi tayo na Kanyang mga anak. Kapatiran: Ating sambahin at paglingkuran ang Diyos, sa diwa ng inspirasyon ng ating mga mahal sa buhay, mga magulang, kapatid at kasama sa pananampalataya na naging tapat sa kanilang bautismo at pakikipagtipan sa Diyos, hanggang kamatayan. Tagapanguna: Purihin ang Panginoon!

+++++++++++++++++

Page 10: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

10 | Page

MGA PAGPIPILIANG SAGUTANG PAGBASA O PSALTERIO

1. SAGUTANG PAGBASA

Tugon: LUMAKAD AT SUNDAN, PAYO NG DIOS, DAKILA‟T PAPURIHAN. Tagapanguna: Mapalad ang taong hindi naakit ninyong masasama, upang sundan niya ang kanilang payo‟t maling halimbawa. Hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika‟y pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos na dakila. T Tagapanguna: Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral. Ang utos ni Yahweh siyang binubulay sa gabi at araw. T Tagapanguna: Ang katulad niya‟y isang punong-kahoy sa tabing batisan. Sariwa ang daho‟t laging namumunga sa kapanahunan. Anomang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay. T Tagapanguna: Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis. Siya‟y natatangay at naipapadpad kung hangi‟y umihip.T Tagapanguna: Ang masamang tao ay parurusahan, hindi magmimintis. Iwawalay siya sa pagkakatipon ng mga matuwid. T Tagapanguna: Sa taong matuwid ay itong si Yahweh ang s‟yang mag-iingat. Ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak.

Page 11: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

11 | Page

2. SAGUTANG PAGBASA

Tugon: ANG DIOS AY PAPURIHAN, SA BAGONG AWIT SIYA AY DALITAN. Tinig 1: Umawit ng bagong awit at kay Yahweh ay ialay. Pagkat yaong ginawa n‟ya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan, walang mahirap na natamo yaong hangad na tagumpay. Tinig 2: Ang tagumpay niyang ito‟y siya na rin ang naghayag. Sa harap ng mga bansa‟y nahayag na ang pagliligtas. T Tinig 3: Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad. Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas. Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas! Tinig 4: Mag-ingay nang may galak, yaong lahat sa daigdig. Si Yahweh ay buong galak na purihin sa pag-awit! T Tinig 5: Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog. At si Yahweh ay purihin ng tugtuging maalindog. Tinig 6: Tugtugin din ang trompeta na kasaliw ang tambuli. Magkaingay sa harapan ni Yahweh na ating hari. T Tinig 7: Umingay ka, karagatan, at lahat ng lumalangoy. Umawit ang daigdigan at lahat ng naroroon. Tinig 8: Umugong sa palakpakan pati yaong kalaliman. Umawit ding nagagalak ang lahat ng kabundukan. Tagapanguna: Pagkat siya‟y dumarating maghahari sa dagidig. Taglay niya‟y katarungan at paghatol na matuwid.

Page 12: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

12 | Page

3. SAGUTANG PAGBASA

Tugon: SA‟TING DIOS NA MAHABAGIN, LUMAPIT AT SAMBAHIN. Tagabasa 1: Ginawa mo‟y sasambitin sa dakilang kapulungan. Sa harap ng masunuring mga lingkod mong hinirang, ang handog na panata ko ay doon ko iaalay. T Tagabasa 2: Magsasawa sa pagkain yaong mga nagdarahop, aawit ng pagpupuri ang sa Diyos ay dudulog; Buhay nila ay uunlad, sasagana silang lubos. T Tagabasa 3: Sa dakilang Panginoon, ang lahat ay magbabalik, ang lahat ng mga lahi ay sasambang may pag-ibig. T Tagabasa 4: Ang Diyos ay Panginoon, hari siya ng nilikha. Maghahari sa daigdig, sa lahat ng mga bansa. T Tagabasa 5: Mangangayupapang lahat ang palalo‟t mayayabang. Ang lahat ng mga tao ay yuyuko sa Maykapal. Ang narito sa daigdig na nilikhang mamamatay. T Tagabasa 6: Maging lahing susunod pa ay sasamba‟t maglilingkod, At mayroong mangangaral sa kanila tungkol sa Diyos. T Tagabasa 7: Sa lahat ng sisilang pa‟y ganito ang ihahayag, “Sa hinirang niyang bansa ay si Yahweh ang nagligtas.” T

Page 13: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

13 | Page

4. SAGUTANG PAGBASA

Tugon: SA DIOS DAKILA, DUMULOG, SUMAMBA‟T MAGTIWALA Tagapanguna: Purihin ang Panginoon ng lahat ng kanyang lingkod. Siya‟y inyong dakilain, kayong angkan ni Jacob. Ikaw bayan ng Israel ay sumamba at maglingkod. Hindi siya tumatangging tangkilikin ang mahirap. Handa siyang sumaklolo, hindi siya umiiwas. Tinutugon agad niya yaong mga kapus-palad. T Tagapanguna: Ginawa mo‟y sasambitin sa dakilang kapulungan. Sa harap ng masunuring mga lingkod mong hinirang. Ang handog na panata ay doon ko iaalay. Magsasawa sa pagkain yaong mga nagdarahop. Aawit ng pagpupuri ang sa Diyos ay dudulog. Buhay nila ay uunlad, sasagana silang lubos. T Tagapanguna: Sa Dakilang Panginoon, ang lahat ay magbabalik. Ang lahat ng mga lahi ay sasambang may pag-ibig. Ang Diyos ay Panginoon, hari siya ng nilikha. Maghahari sa daigdig, sa lahat ng mga bansa. Mangangayupapang lahat ang palalo‟t mayayabang. Ang lahat ng mga tao ay yuyuko sa Maykapal. At narito sa daigdig na nilikhang mamamatay. T Tagapanguna: Maging lahing susunod pa ay sasamba‟t maglilingkod. At mayroong mangangaral sa kanila tungkol sa Diyos. Sa lahat ng sisilang pa‟y ganito ang ihahayag. “Sa hinirang niyang bansa ay si Yahweh ang nagligtas.” T Tagapanguna: Sa Diyos ang papuri!

Page 14: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

14 | Page

5. SAGUTANG PAGBASA

Tugon: AMING DIOS KAMI‟Y YONG PANGUNAHAN, SA KAT‟WIRA‟T KABANALAN Tagabasa 1: Sa iyo, O Yahweh, ako‟y tumatawag. Ako‟y may tiwalang iyong ililigtas. Tubusin mo ako sa kahihiyan, upang di magtawa ang aking kaaway. Ang nagtitiwala sa iyo‟y di bigo. Ang naghihimagsik ang nasisiphayo.T Tagabasa 2: Ang kalooban mo‟y ituro, O Diyos, ituro mo sana sa aba mong lingkod. Ayon sa matuwid, ako ay turuan. Ituro mo, Yahweh, ang katotohanan. Tagapagligtas ko na inaasahan. Sa buong maghapo‟y pinagtitiwalaan. T Tagabasa 3: Yahweh, gunitain, pag-ibig mong wagas. At ang kabutihang noon pa‟y nahayag. Patawarin ako sa pagkakasala, sa kamalian ko nang ako‟y bata pa. Pagkat pag-ibig mo‟y hindi nagmamaliw. Ako sana, Yahweh, ay alalahanin! T Tagabasa 4: Mabuti si Yahweh at makatarungan. Sa mga salari‟y guro at patnubay. Sa mababang-loob siya yaong gabay, at nagtuturo ng kanyang kalooban. Tapat ang pag-ibig siya‟ng umaakay sa tumatalima sa utos at tipan. T

Page 15: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

15 | Page

6. SAGUTANG PAGBASA

Tugon: SA „YONG HARAPA‟Y H‟WAG AKONG ALISIN, ESPIRITU MO‟Y PAGHARIIN Tagabasa 1: Ako‟y kaawaan, O mahal Kong Diyos. Sang-ayon sa iyong kagandahang loob. Mga kasalanan ko‟y iyong pawiin. Ayon din sa iyong pag-ibig sa akin. Linisin mo sana ang aking karumihan. At ipatawad mo ang yaring kasalanan! T Tagabasa 2: Ang pagsalansang ko ay kinikilala. Laging nasa isip ko at alaala. Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, at nagawa ko‟y di mo nagustuhan. Kaya may matuwid ka na ako‟y hatulan. Marapat na ako‟y iyong parusahan. T Tagabasa 3: Ako‟y masama na buhat nang iluwal. Makasalanan na nang ako‟y isilang. Nais mo sa aki‟y isang pusong tapat. Puspusin mo ako ng dunong mong wagas. Ako ay linisin, sala ko‟y hugasan. At ako‟y puputi nang walang kapantay. T Tagabasa 4: Sa galak at tuwa ako ay puspusin. At muling babalik ang galak sa akin. Ang kasalanan ko‟y iyo nang limutin. Lahat kong nagawang masama‟y pawiin. T Tagabasa 5: Isang pusong tapat sa aki‟y likhain. Bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong harapa‟y h‟wag akong alisin. Ang Espiritu mo ang papaghariin. T Tagabasa 6: Ang galak na dulot ng „yong pagliligtas. Ibalik at ako ay gawin mong tapat. Kung magkagayon na, aking tuturuan sa iyo lumapit ang makasalanan. T Tagabasa 7: Ingatan mo ako, Diyos kong Manunubos. Ang pagliligtas mo‟y galak kong ibabantog. Turuan mo akong makapagsalita. At pupurihin ka sa gitna ng madla. T Tagabasa 8: Hindi mo na nais ang mga panghandog. Sa haing sinunog di ka nalulugod. Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbaba‟t pusong mapagtapat. T

Page 16: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

16 | Page

7. SAGUTANG PAGBASA

Tugon: MAPALAD S‟YANG PARATING SA NGALAN NG DIOS, PAPURI AY SA LANGIT. Tinig 1: O Pasalamatan ang Diyos na si Yahweh, pagkat siya ay mabuti. Ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili. Ang taga-Israel, bayaang sabihi‟t kanilang ihayag, “Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kukupas.”T Tinig 2: Ang pintuan ng banal na templo‟y inyo ngayong buksan. Ako ay papasok at itong si Yahweh ay papupurihan. Ito yaong pintong pasukan ni Yahweh, ang Panginoong Diyos. Tanging ang matuwid ang pababayaang doo‟y makapasok! T Tinig 3: Aking pinupuri Ikaw, O Yahweh, yamang pinakinggan. Dininig mo ako‟t pinapagtagumpay. Ang batong natakwil ng nangatatayo ng tirahang-bahay, sa lahat ng bato higit na mahusay. Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Diyos na si Yahweh. Kung iyong mamasdan ay kawili-wili! T Tinig 4: O kahanga-hanga ang araw na itong ang Diyos ang nagbigay. Tayo ay magalak, ating ipagdiwang! Kami ay iligtas tubusin mo, Yahweh, kami ay iligtas, at pagtagumpayin sa layuni‟t hangad. Ang pumaparito sa ngalan ni Yahweh ay pagpapalain. Magmula sa templo, mga pagpapala‟y kanyang tatanggapin! T Tinig 5: Si Yahweh ang Diyos, pagkabuti niya sa mga hinirang. Tayo ay magtaglay ng sanga ng kahoy, simulang magdiwang at tayo‟y lumapit sa dambanang banal. Ikaw ay aking Diyos kaya naman ako‟y nagpapasalamat. Ang pagkadakila mo ay ihahayag. T Tinig 6: O pasalamatan ang Diyos na si Yahweh, pagkat siya‟y mabuti. Ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili T Tagapanguna: O Pasalamatan ang Diyos at papurihan!

Page 17: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

17 | Page

8. SAGUTANG PAGBASA

Tugon: ANG PANGINOO‟Y PASALAMATAN SA KANYANG KADAKILAAN Tinig 1: O magpasalamat tayo sa Panginoon, pagkat siya‟y mabuti. Wagas ang pag-ibig niya at nananatili. Ang mga naligtas, tinubos ng Diyos, bayaang magpuri. Yamang nangaligtas sa tulong ni Yahweh. Sa sariling bayan, sila ay tinipo‟t pinagsama-sama. Silanga‟t kanluran, timog at hilaga ay doon kinuha. T Tinig 2: May nangagkasakit dahil sa kanilang likong pamumuhay. Dahil sa pagsuway ang dinanas nila‟y mga kahirapan. Anumang pagkain na makita nila‟y di na magustuhan. Anupat sa anyo, di na magluluwat ang kanilang buhay. T Tinig 3: Sa ganoong lagay, sila ay tumawag sa Panginoong Diyos. Tinulungan sila at sa kahirapan sila ay tinubos. Sa salita lamang na kanyang pahatid sila ay gumaling. At naligtas sila sa kapahamakang sana ay darating. T Tinig 4: Kaya‟t dapat namang sa Panginoong Diyos ay magpasalamat. Dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas. Dapat ding dumulog na dala ang handog ng pasasalamat. Lahat ng ginawa Niya‟y ibalita, umawit sa galak. T Tagapanguna: Ang Diyos ay papurihan!

Page 18: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

18 | Page

9. SAGUTANG PAGBASA

Tugon: ANG SAGANANG BUHAY SA‟MIN, O DIOS, „YONG IPATAGLAY. Tagabasa 1: Sagutin mo ako sa aking pagtawag. Langis ng olibo, ang nakakatulad at nakakawangis. Sa ulo at balbas nitong si Aaron kapag ipinahid. Umaagos ito‟t nababasa pati ang suot na damit. T Tagabasa 2: Katulad din nila‟y hamog sa umaga, sa Bundok ng Hermon, sa hamog na dumilig sa dakong maburol na Bundok ng Sion. Sa lugar na ito, nangako si Yahweh, itong Panginoon, ang pangakong buhay na mananatili sa habang panahon. T

10. SAGUTANG PAGBASA

Tugon: UTOS NG DIOS NA BUHAY. DINGGIN, HAMONG TAGLAY Tagabasa 1: Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila. Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa! Bawat araw, bawat gabi, ang ulat ay walang patlang. Patuloy na nag-uulat sa sunod na gabi‟t araw. T Tagabasa 2: Walang tinig o salitang ginagamit kung sabagay. At wala ring naririnig na kahit na anong ingay. Gayon pa man, sa daigdig ay laganap yaong tinig. Ang balita‟y umaabot sa duluhan ng daigdig. Itong Diyos ay nagtayo ng tolda sa kalangitan. Mula roon, kung umaga‟y lumalabas itong araw. Katulad ng naglalakad na lalaking ikakasal. Parang isang manlalaro na handang makipaglaban. T

Page 19: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

19 | Page

Tagabasa 3: Sa silangan sumisikat, lumulubog sa kanluran. Init niyo‟y nadarama ng lahat sa daigdigan. Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang. Ito‟y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay. Yaong kanyang mga batas ay mapagtitiwalaan. Nagbibigay ng talino sa lahat ang kaisipan. T Tagabasa 4: Ang tuntuning ibinigay ni Yahweh ay wastong utos. Liligaya ang sinuman kapag ito ang sinunod. Ito‟y wagas at matuwid pagkat mula ito sa Diyos. Pang-unawa ng isipan yaong bungang idudulot. Yaong paggalang kay Yahweh ay marapat at mabuti. Isang banal na tungkulin na iiral na parati. Pati mga hatol niya‟y matuwid na kahatulan. Kapag siya ang humatol, ang pasiya ay pantay-pantay. T Tagabasa 5: Ito‟y higit pa sa ginto, na maraming nagnanais. Higit pa sa gintong lantay na ang hangad ay makamit. Matamis pa kaysa pulot, sa pulot na sakdal tamis. Kahit anong pulot na ito na dalisay at malinis. Ang utos mo, Panginoon, sa alipin mo at lingkod. Ay mayroong gantimpala kapag aking sinusunod. Walang taong pumupuna sa gawa n‟yang hindi angkop. Kaya ako ay iligtas sa lihim na gawang buktot. T Tagabasa 6: Ang lingkod mo ay iligtas sa hayag na kasalanan. At h‟wag mo pong itulot na ako ay pagharian. Mamumuhay akong ganap na wala nang kapintasan. Ako‟y lubos na lalaya sa kuko ng kasalanan. Nawa‟y itong salita ko at ang aking kaisipan. Sa iyo ay makalugod, Panginoon ko‟t kanlungan. O ikaw na kublihan kong ang dulot ay kaligtasan! T

++++++++++++++++++++++

Page 20: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

20 | Page

ANG SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY

(BURIAL OF THE DEAD SERVICE)

SA PAGPASOK PAGHAHANDA +ANG SALITA NG KAGANDAHANG LOOB

Sa diwang ito, habang nasa pintuan ng simbahan o narthex, ang pastor, mga acolytes, ang kabaong, ang naulilang pamilya, and komunidad. Sasambitin ng

pastor ang mga sumusunod: Sinabi ni Jesus, “Ako ang Mulingpagkabuhay at ang Buhay. Yaong sumasampalataya sa akin, bagama‟t namamatay, gayunpaman, mabubuhay sila, at hindi na mamamatay kailanman ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin. Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas, ang una at ang huli. Namatay ako, at masdan ninyo, buhay ako magpakaylan - kaylan pa man, at hawak ko ang mga susi ng impiyerno at kamatayan. Sapagkat nabubuhay ako, mabubuhay din kayo.” Ipapasok ang kabaong at dadalhin sa harapan ng altar at susunod ang pamilya

sa prosesyon. +PAGBATI Pastor: Mga kapatid at kasama, tayo ay nagtitipon ngayon upang sama-samang purihin ang Diyos at upang sumaksi sa ating pananalig. Samantalang ipinagdiriwang at pinararangalan ang buhay ng ating kapatid, kasama, kaibigan, at magulang na si __________________________. Sa pagdadalamhati natin ngayon, gawaran nawa tayo ng Diyos ng kagandahang loob, upang makasumpong tayo ng kaaliwan sa gitna ng sakit na nararamdaman. Makasumpong tayo ng ginhawa sa gitna ng kapighatian, pag-asa sa gitna ng kahirapan, at muling pagkabuhay sa gitna ng kamatayan. +IMNO +PANALANGIN Pastor: Sumainyo ang Panginoon! Kapatiran: At sumainyo rin. Pastor: Manalangin tayo…. O Diyos…. ANG PANGUNGUMPISAL

Page 21: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

21 | Page

Tugon: PUSONG DALISAY, SA AKI‟Y LIKHAIN.DIWA MO, O DIOS, PAGHARIIN Tinig 1: Ako‟y kaawaan, O mahal kong Diyos. Sang-ayon sa iyong kagandahang-loob. Mga kasalanan ko‟y iyong pawiin. Ayon din sa iyong pag-ibig sa akin. Linisin mo sana ang aking karumihan, at ipatawad mo yaring kasalanan! T Tinig 2: Ang pagsalansang ko ay kinikilala. Laging nasa isip ko at alaala. Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, at ang nagawa ko‟y di mo nagustuhan. Kaya may matuwid ka na ako‟y hatulan. Marapat na iyong parusahan. T Tinig 3: Ako‟y masama na buhat nang iluwal. Makasalanan na nang ako‟y isilang. Nais mo sa aki‟y isang pusong tapat. Puspusin mo ako ng dunong mong wagas. T Tinig 4: Ako ay linisin, sala ko‟y hugasan. At ako‟y puputi nang walang kapantay. Sa galak at tuwa ako ay puspusin. At muling babalik ang galak sa akin. T Tinig 5: Ang kasalanan ko‟y iyo nang limutin. Lahat kong nagawang masama‟y pawiin. Isang pusong tapat sa aki‟y likhain. Bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. T Tinig 6: Sa iyong harapa‟y h‟wag akong alisin. Ang Espiritu mo ang papaghariin. Ang galak na dulot ng „yong pagliligtas. Ibalik at ako ay gawin mong tapat. T Tagapanguna: O aming Diyos, patawarin ninyo po kami. Amen Lahat: Amen. TAHIMIK NA PAGBUBULAY ANG SALITA NG KAPANATAGAN

Tugon: ANG MABUTING PASTOL, KALOOB NIYA, BUHAY NA GANAP AT KASIYA-SIYA. Tagabasa 1: Si Yahweh ang aking Pastol, di ako mangangailangan. T Tagabasa 2: Pinahihimlay nya ako sa luntiang pastulan. Dinadala n‟ya ako sa tabi ng tahimik na batis. T Tagabasa 3: Pinapanumbalik n‟ya ang lakas ng aking kaluluwa. Inaakay nya ako sa landas ng katuwiran alang-alang sa kanyang pangalan. T

Page 22: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

22 | Page

Tagabasa 4: Oo, bagamat tumatahak ako sa lambak ng kamatayan, walang kasamaan akong kinatatakutan. Pagkat kasama kita, ang iyong pamalo at ang iyong tungkod ang nagpapalakas ng aking loob. T Tagabasa 5: Ipinaghahanda mo ako ng dulang sa presensya ng aking mga kaaway. Nilalangisan mo ang aking ulo. Umaapaw ang aking saro. T Tagabasa 6: Buong katiyakan, susundan ako ng kabutihan at awa sa lahat ng araw ng aking buhay at mananahan ako sa bahay ng Panginoon nang walang hanggan. T +GLORIA PATRI

PROKLAMASYON AT TUGON

DALANGING PANGKALIWANAGAN (awitin, “Pangunahan Mo”) Pangunahan mo, aming pagbubulay. Karunungan

Mo‟y sa mi‟y maging ganap. ANG ARALIN SA LUMANG TIPAN Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Aklat ni _______________ kabanata ____ mula sa talata ____ hanggang ____. Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. Tugon: (awitin, “Pangunahan Mo”) Pangunahan mo, aming pagbubulay. Karunungan Mo‟y sa mi‟y maging ganap. ANG ARALIN SA MGA LIHAM/GAWA NG MGA APOSTOLES Tagabasa: Ang pagbasa mula sa ______________________, kabanata _____, sa mga talatang ______ hanggang _______. Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. + ANG PAGDAKILA SA EBANGHELYO

Ang lahat ay magsitayo hanggang matapos ang pagbabasa ng aralin sa ebanghelyo.

(awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia.

+ANG ARALIN SA EBANGHELYO Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San ______________. Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon. Pastor: (Basahin ng malinaw ang aralin). Ang Mabuting Balita ng Panginoon. TANGING AWIT

Page 23: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

23 | Page

Sa diwang ito, ang koro ay maaring mag-alay ng awit o isang natatanging alay na awit na aawitin ng komunidad.

SERMON PAGPANGALAN PAGSAKSI +PAGTATAGUBILIN Pastor: Diyos naming lahat, na walang katapusang nagmamahal sa amin. Patuloy kaming dumadalangin para sa isa‟t isa na sa gitna ng aming pangangailangan at pagdadalamhati ay nagkakaisa. Pagkalooban mo nawa ng lakas ang bawat isa sa aming nanghihina. Iparanas mo nawa ang awa sa amin na mga nagkasala. Ipadama mo nawa ang kapayapaan sa lahat ng nalulumbay. Manatili nawang totoo sa amin ang iyong pagmamahal at pagkupkop. Sa lahat ng aming paglalakbay ay magtitiwala sa iyo. O aming Diyos, kasama ng iyong iglesya at lahat ng samahan sa langit, inaalay namin sa iyo ang pagpaparangal at pagluluwalhati, ngayon at sa walang hanggan. Lahat: Amen Pastor: O aming Diyos, iyo ang lahat ng naibigay mo sa amin. Kung paanong noong una, ibinigay mo si _____________ sa amin, kaya ngayon, ibinabalik namin si _____________ sa iyo.

Sa bahaging ito, ipatong ng pastor ang kamay nito sa kabaong o urn, kasama ng iba pang nakatayo sa tabi ng kabaong o urn, mga kaaanak na malapit, habang

nagpapatuloy: Pastor: Tanggapin mo ______________ sa tangkilik ng iyong awa. Ibangon mo si ____________ kasama ng buo mong sambayanan. Tanggapin mo rin kami at ibangon mo sa panibagong buhay. Tulungan mo nga kaming magmahal at maglingkod sa iyo sa sanlibutang ito at nang makapasok kami sa iyong kagalakan sa bagong langit at lupang darating. Lahat: Amen Pastor: Sa iyong mga kamay, O mahabaging Tagapagligtas, itinatagubilin namin ang iyong lingkodna si ______________. Tanggapin mo siya sa tangkilik ng iyong awa, sa pinagpalang kapahingahan ng walang hanggang kapayapaan, at sa maluwalhating samahan ng mga banal. Lahat: Amen. +PAGPAPAHAYAG SA PANANAMPALATAYA TAWAG SA PAGHAHANDOG ANG PAGHAHANDOG

Page 24: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

24 | Page

(Lilikumin ang mga handog at itatalaga sa altar) +PANALANGIN UKOL SA MGA HANDOG

PASASALAMAT AT KOMUNYON

AWIT NG KOMUNYON ANG PAGHAHANDA NG TINAPAY AT ALAK ANG DAKILANG PASASALAMAT Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Itaas ninyo ang inyong mga puso. Komunidad: Itinataas namin ang mga yaon sa Panginoon. Pastor: Magpasalamat tayo sa Panginoon nating Diyos. Komunidad: Matuwid na magpasalamat at magpuri. Pastor: Matuwid … imno ng pasasalamat at pagdakila. Lahat: (aawitin) Kabanalbanalang Dios ng lakas at tatag. Langit lupa‟y pinagpapala. Papuri ay sa langit. Mapalad S‟yang parating sa ngalan ng Dios. Papuri ay sa langit. Pastor: Banal ka, O Diyos … misteryo ng pananalig sa kay Cristo. Lahat: (awitin) Namatay, at nabuhay, babalik muli. Pastor: Ibuhos mo …ngayon at sa walang hanggan. Tugon: Amen, Amen, Amen. Pastor: At ngayon, … manalangin tayo: Lahat: (aawitin) Dios na Magulang, Banal ang ngalan. Pamamayani ay sumaamin. Gawin nawa ang „yong kalooban. Sa lupa gaya ng langit. Ipagkaloob ngayon sa amin, Pang-araw-araw naming kakanin. Kami sa sala ay

patawarin, Nagpapatawad sa kapwa rin. H‟wag mong sa tukso‟y kami‟y tulutan. Kundi iligtas sa kasamaan. Pamamayani,

kapangyarihan, kaluwalhatian, sa „Yong tanan. Amen. PAGPIRA-PIRASO NG TINAPAY PAMAMAHAGI NG TINAPAY AT SARO +PANALANGIN NG PASASALAMAT AT PAKINABANG

ANG PAGTATAPOS

MGA PANANALITA MULA SA PAMILYA IMNO +PAGBABASBAS +TATLONG AMEN

ANG PAGHAHATID SA HULING HANTUNGAN

Page 25: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

25 | Page

+++++++++++++++++++++

SERBISYO NG PAGLALAGAK Sisimulan kapag ang lahat ay nakapagtipon na sa libingan.

PAGHAHANDA PANIMULANG SALITA Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Pastor: Ang kapanatagan at pag-asa ay sumainyong lahat! Kapatiran: At sumaiyo rin. Pastor: Sa mga pag-aalinlangan at pagkalito, sa kalungkutan at lumbay, sa kahirapan at kamatayan, kanino tayo hihingi ng saklolo? Nasa pangalan ng Panginoon ang ating saklolo, Siya na gumawa ng lahat ng bagay, ng langit at lupa. Siya na nagkaloob ng buhay sa katawan nating namamatay sa pamamagitan ng Epiritung nananahan sa atin. Sa ganitong pagkakataon, alalahanin natin kung papaano ginawa ni Jesus na ang kamatayan ay napagtagumpayan. Ang kamatayan ay naging kapahayagan ng katagumpayan. Sa diwang ito, muli nating pagtibayin ang ating pananampalataya, na nagpapahayag na sinumang sumampalataya sa Diyos kailan man ay hindi mamamatay. Sa pananampalatayang ito, naroon ang pananalig na ang kaluluwa ni ___________________________ ay pumasok na sa buhay na walang hanggan. Sa madaling salita, naroon ang katiyakan sa pagtatagumpay sa kapangyarihan ng kamatayan. PANALANGIN Pastor: Tayo ay manalangin. (Tumahimik ang lahat) Naisaayos mo, O Diyos, ang kahanga-hangang sanlibutang ito at nababatid mo ang lahat ng bagay at galaw sa daigdig at langit. Pagkalooban niyo nga po kami ng pananalig na sa araw at sa gabi, sa lahat ng oras, pagkakataon at dako ay hindi kami mangangamba sa pagtatalaga ng aming sarili, kasama ang aming mga mahal sa buhay sa iyong hindi sumasalang pag-ibig. Amen.

Sa diwang ito maaring awitin ang isang imno. At matapos nito ay isunod na sambitin ng Pastor ang mga talatang ito.

SALITA NG KAPANATAGAN Pastor: Sinabi ni Jesus: Tandaan ninyo, malibang mahulog sa lupa ag butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, mamumunga ito ng marami. Ang taong labis na nagpapahalaga sa kanyang buhay, siyang mawawalan nito. Ngunit ang napopoot sa kanyang buhay sa daigdig na ito, siyang magkakaroon nito hanggang sa buhay na walang hanggan. Dapat sumunod sa akin ang aking lingkod. Pararangalan ng Ama ang sinumang naglilingkod sa akin.

Page 26: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

26 | Page

Habang nakatayo sa ulunan ng kabaong at naharap doon, samantalang hinahagisan iyon ng lupa habang ibinababa sa hukay ang kabaong, o bago

ihugos sa lupa, sasambitin ng Pastor ang mga sumusunod: SALITA NG PAGLALAGAK Pastor: Makapangyarihang Diyos, sa iyong mga kamay inilalagak namin ang iyong anak na si _______________________, Buong katatagan at katiyakan kaming umaasa ng muling pagkabuhay sa walang hanggang buhay sa pamamagitan ni Jesu-Cristong aming Panginoon. Amen. Ang kanyang katawang lupa na hiram sa iyo O Diyos ay amin nang itinatalaga sa dakong kanyang kalalagyan. Itinatagubilin namin ang kanyang katawang lupa sa lupa. LUPA SA LUPA, ABO SA ABO, ALABOK SA ALABOK. SALITA NG KAPANATAGAN

At ang pastor ay magpatuloy na sasambitin ang mga sumusunod:

Pastor: Mapalad ang mga patay na namatay sa piling ng Panginoon. Mula ngayon, sabi ng Espiritu, magpapahinga na sila sa kanilang mga pagpapagal at ng lahat ng susunod sa kanilang mga gawa. Tayo ay manalangin. (Tumahimik ang lahat) Walang hanggang Diyos, naibahagi Mo sa amin ang buhay ni ______________________. Bago pa man siya naging amin ay sa iyo na siya. Sa lahat ng naibigay ni _____________________ sa amin upang maging ganito kami, sa bahagi niyang nananatiling buhay sa bawat isa sa amin at lumalago sa bawat isa sa amin, at sa buhay niyang hindi kailanman magwawakas sa pagmamahal Mo, nagpapasalamat kami sa iyo.

Samantalang ibinabalik namin ngayon si ______________________ sa iyong mga bisig, aliwin mo kami sa aming pangungulila, palakasin mo kami sa gitna ng aming kahinaan, at pagkalooban mo kami ng katatagang harapin nang walang takot ang hinaharap. Tulungan niyo po kami sa aming pagsusumikap na maging tapat sa isa‟t isa at sa gawain at ministeryo ng iyong iglesya, sa pananalangin, presensya, pagkakaloob at paglilingkod. Gawaran niyo po kami ng pagkakataong maranasan namin ang kapayapaan at kagalakang walang ipinag-iba sa esensya ng buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na aming Panginoon. Amen.

Sa diwang ito, maaring awitin ang isang imno. At pagkatapos nito ay ang Pagbabasbas sa Paglilibingan.

PAGBABASBAS SA PAGLILIBINGAN Pastor: Diyos na aming Magulang at mahabagin sa lahat, basbasan mo ang libingang ito na sa kay ____________ ay inihanda. Patuluyin mo po siya sa iyong piling upang makaranas ng ganap na kagalakan, kapahingahan, at

Page 27: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

27 | Page

kagalingan. Sa kay Cristo-Jesus kasama ng Santo Espiritu magpasawalang-hanggan. Amen. PANGWAKAS NA BENDISYON

+++++++++++++++++

SERBISYO NG PAGSAMBA SA PAG-ALAALA NG YUMAO

SA PAGPASOK PAGTITIPON AT PAGHAHANDA +TAWAG SA PAGSAMBA +IMNO +PANIMULANG PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: O Diyos na aming Manlilikha, sa pamamagitan ng pagkabuhay na muli ng aming Panginoon at iyong anak na si Jesu-Cristo ay nilupig Mo ang kapangyarihan ng kamatayan. At binuksan po sa amin ang daan tungo sa walang hanggang buhay at kasiyasiya. Ipahintulot Mo pong sa pagtitipon naming ito na mabago ang aming buhay sa pamamagitan ng iyong Santo Espiritung sumasaamin sa mga sandaling ito. Kung saan, aming ipinagdiriwang at inaala ang buhay ng aming (mga) minamahal Sa pangalan ni Jesus, Amen. TAWAG SA PAGSISISI Pastor: Siyasatin natin ang ating kalooban kung tinugon ba natin ang utos ng pag-ibig mula sa ating Panginoon? Suriin ang ating mga sarili at aminin natin ang ating mga pagkukulang.

(Tahimik na pagbubulay)

PAGSISISI Tagapanguna: Panginoong Jesus, walang hanggan ang iyong pag-ibig: Panginoon, kaawaan mo kami. Tugon: (awitin) O PANGINOON, KAAWAAN KAMI (2X) KAAWAAN KAMI, O PANGINOOON. Tagapanguna: Panginoong Jesus, dahil sa pag-ibig, inialay mo ang iyong buhay para sa amin: Kristo, kaawaan mo kami. T Tagapanguna: Panginoong Jesus, dahil sa iyong pag-ibig kami ay naging mga kaibigan mo: Panginoon, kaawaan mo kami. T +PAGPAPATAWAD Pastor: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. Amen +GLORIA PATRI

Page 28: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

28 | Page

PROKLAMASYON AT TUGON DALANGING PANGKALIWANAGAN ARALIN SA MATANDANG TIPAN Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Aklat ng/ni _______ (Basahin ang __________). Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. Lahat: (awitin, “Pangunahan Mo”) Pangunahan mo, aming pagbubulay. Karunungan Mo‟y sa mi‟y maging ganap. PSALTERIO ARALIN SA MGA LIHAM Tagabasa: Ang pagbasa mula sa ______________ (Basahin ang ___________). Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. + PAGDAKILA SA EBANGHELYO

Ang lahat ay magsitayo hanggang matapos ang pagbabasa ng aralin sa ebanghelyo.

(awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia.

+ARALIN SA EBANGHELYO Tagabasa: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagabasa: Ang Ebanghelyo ng Panginoon ayon kay _____________. Komunidad: Papuri sa Iyo, Panginoon. Tagabasa: (Basahin ang _____________). Ang Ebanghelyo ng Panginoon. Tugon:(awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia. MGA SALITA NG PAG-ALAALA

Maaring isaysay ang isang maikling karanasan, katangian at aral ukol sa inaalala. Ito ay maaring mula sa pamilya at kaibigan.

SERMON +PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

PASASALAMAT AT KOMUNYON

PAGPAPAHAYO

IMNO +ANG PANGWAKAS NA PANALANGIN +PAGBABASBAS +TATLONG AMEN

++++++++++++++++++++++

Page 29: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

29 | Page

SERBISYO NG PAGDADALAW SA PUNTOD PAGTITIPON Maaring umawit sa diwang ito ng angkop na imno. +PANIMULANG SALITA Pastor: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Pastor: Purihin ang Diyos na bumuhay na muli kay Jesu-Cristo. Kapatiran: Purihin ang Diyos magpakaylanman. PAGBASA NG ARALIN SERMON KAPAHAYAGAN NG PANANAMPALATAYA PANALANGIN SA HIMLAYAN Tugon: PANGINOON, IKAW ANG AMING BUHAY AT MULING PAGKABUHAY. Pastor: Panginoon naming Diyos, ang habag mo ay walang hanggan. Lagi mong ipinapaalala sa amin na ang buhay ay maikli. Ang oras ng kamatayan ay lingid sa aming kaalaman. T Pastor: Gabayan ninyo po sana kami sa araw-araw naming pamumuhay. Itulot mong tatahak kami sa landas na nais mong lakaran namin. Sa landas ng kabanalan at pagtataguyod ng katarungan. T Pastor: Tulungan ninyo po kaming maging masigasig sa iyong iglesya. Maging kabahagi upang ang pag-ibig, pag-asa, pagbabago, at paglaya ay maging ganap sa Iyong bayan. T Pastor: Sa gayon, sa pagwawakas ng aming paglalakbay sa mundong ito, ang aming patutunguhan ay ang iyong kaharian. Kung saan ka nabubuhay magpakailanman. T Pastor: Patuloy mong iparanas sa amin ang katotohanan na pinagkalooban mo ang mga nauna na sa amin ng kapayapaang walang hanggan. T Pastor: Kahabagan ng Diyos ang kanilang kaluluwa at ng lahat ng mga mananampalataya. Mapanatag sila sa kapayapaan. T +PANALANGIN PARA SA PAMILYA +ANG PANALANGIN NG PANGINOON +BENDISYON

++++++++++++++++++++++++++

Page 30: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

30 | Page

SERBISYO PARA SA KASISILANG NA SANGGOL O BATA NA YUMAO

Ang serbisyong ito ay maaring gawin sa simbahan o sa tahanan ng yumaong sanggol o bata

PAGHAHANDA Sa diwang ito maaring umawit ng isang imno. SALITA NG KAPANATAGAN Sinabi ni Jesus, “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos” (Mateo 18:3-4). Sinabi pa ni Jesus, “Ang sinumang hindi tumanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit na bata ay hindi mapapabilang sa mga pinaghaharian niya.” At kinalong ni Jesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at pinagpala sila (Marcos 10:15-16). +PANIMULANG SALITA Pastor: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang. Pastor: Sa pagdadalamhati natin ngayon, gawaran nawa tayo ng Diyos ng kagandahang loob, upang makasumpong tayo ng kaaliwan sa gitna ng sakit na nararamdaman, lalong higit kina ____________. Makasumpong tayo ng ginhawa sa gitna ng kapighatian, pag-asa sa gitna ng kahirapan, at muling pagkabuhay sa gitna ng kamatayan. +PANALANGIN Pastor: Sumainyo ang Panginoon! Kapatiran: At sumainyo rin. Pastor: Manalangin tayo. Diyos na makapangyarihan, maghari ka sa aming kalagitnaan lalong higit sa mga magulang na namimighati sa pagtawag mo kaagad ng kanilang anak na minamahal na pinangalanan nilang ______________. Pagkalooban niyo po sila ng lakas ng loob at pananampalatayang ikaw ay maasahan sa lahat ng panahon. Ipadama mong ikaw ang mag-aaruga kay __________, sa sanggol na (batang) pumanaw upang maibsan ang sakit at kalungkutan ng mga magulang nito, na sina ________________ at ng buong mag-anak. Ito ang aming dalangin sa pamamagitan ni Cristo-Jesus kasama ng Santo Espiritu magpasawalang-hanggan. Amen. SALITA NG KAPANATAGAN Tugon: ANG MABUTING PASTOL, KALOOB NIYA, BUHAY NA GANAP AT KASIYA-SIYA.

Page 31: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

31 | Page

Si Yahweh ang aking Pastol, di ako mangangailangan. T Pinahihimlay nya ako sa luntiang pastulan. Dinadala n‟ya ako sa tabi ng tahimik

na batis. T Pinapanumbalik n‟ya ang lakas ng aking kaluluwa. Inaakay nya ako sa landas ng

katuwiran alang-alang sa kanyang pangalan. T Oo, bagamat tumatahak ako sa lambak ng kamatayan, walang kasamaan akong kinatatakutan. Pagkat kasama kita, ang iyong pamalo at ang iyong tungkod ang

nagpapalakas ng aking loob. T Ipinaghahanda mo ako ng dulang sa presensya ng aking mga kaaway.

Nilalangisan mo ang aking ulo. Umaapaw ang aking saro. T Buong katiyakan, susundan ako ng kabutihan at awa sa lahat ng araw ng aking

buhay at mananahan ako sa bahay ng Panginoon nang walang hanggan. T PAGBASA NG MGA ARALIN SERMON +PAGTATAGUBILIN Pastor: Mapagmahal naming Diyos, Magulang naming Lahat, batid mo ang aming pagdadalamhati sa maagang pagpanaw ni ______________ lalong higit ang kanyang mga magulang na sina ________________. Pagkalooban niyo kami ng lakas upang magpatuloy sa aming paglalakbay mula sa pagkakataong ito. Nagtitiwala kami sa Iyo O Diyos, hindi man namin lubos na maunawaan ang pag-ibig Mong walang hanggan. Salamat sa buhay at pag-asa na Iyong kaloob sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng Iyong anak na si Cristo-Jesus. Idinadalangin namin O Diyos ang bawat isa, saan man sila ngayon na nakikiramay at nakikidalamhati. Sa lahat ng mga nag-aalinlangan, pagkalooban Mo ng liwanag; sa mga nanghihina ay kalakasan; sa lahat ng mga nagkasala ay awa; sa lahat ng mga nababahala ay kapanatagan. Manatili nawang totoo sa amin ang iyong pagmamahal at pagkupkop. Sa lahat ng aming paglalakbay ay magtitiwala sa iyo. O aming Diyos, kasama ng iyong iglesya at lahat ng samahan sa langit, inaalay namin sa iyo ang pagpaparangal at pagluluwalhati, ngayon at sa walang hanggan. Amen. Sa bahaging ito, ipatong ng pastor ang kamay nito sa kabaong o urn, kasama ng iba pang nakatayo sa tabi ng kabaong o urn, mga kaaanak na malapit, habang

nagpapatuloy:

Page 32: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

32 | Page

Pastor: Tanggapin mo si ______________ sa tangkilik ng iyong awa. Ibangon mo si ____________ kasama ng buo mong sambayanan. Tanggapin mo rin kami at ibangon mo sa panibagong buhay. Tulungan mo nga kaming magmahal at maglingkod sa iyo sa sanlibutang ito at nang makapasok kami sa iyong kagalakan sa bagong langit at lupang darating. Amen.

Sa diwang ito wiwisikan ng Banal na Tubig ang bangkay matapos ang isang

angkop na imno. Maaring sa yugto ring ito ay pangangasiwaan ng pastor ang Banal na Komunyon

gamit ang padrong naangkop. Kung walang Banal na Komunyon ay magpatuloy sa panalangin ng

pasasalamat. PANALANGIN NG PASASALAMAT Pastor: Tayo ay manalangin. Diyos ng pag-ibig, maraming salamat sapagkat kami ay Iyong pinagpala sa gitna ng kalagayang ito. Pinupuri ka namin sa pagkakaroon namin ng tahanan at kaibigan, sa aming bautismo at lugar sa iyong Iglesia. Salamat sa iyong anak na si Jesus, na nakababatid ng aming pagdadalamhati , naging kaibigan, kapitbahay, at kamag-anak namin na nananalangin para sa amin. At kung paano niya kami tinuruan, sa diwang ito, kami ay manalangin. PANALANGIN NG PANGINOON PAGPAPAHAYO NA MAY KALAKIP NA PAMENDISYON Pastor: Ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikiisa ng Santo Espiritu ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman. Amen. +TATLONG AMEN RESESYUNAL

Ang paghahatid sa huling hantungan. Doon isagawa ang Serbisyo ng Paglalagak.

++++++++++++++++

Page 33: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

33 | Page

MINISTERYO SA MALAPIT NANG MAMATAY Kapag malapit na ang kamatayan, dapat masabihan ang pastor para maiparating

ang ministeryo ng Iglesia. Maaring pangasiwaan ang Banal na Komunyon.

Maari ring muling pagtibayin Ang Pambautismong Tipan. Maaring ipanalangin ng pastor, na sinamahan ng iba pang may kakayanan, ang

Panalangin ng Panginoon o ang Awit 23. Ang sumusunod ay maaring sundin:

PAGHAHANDA Maaring simulan sa isang angkop na imno.

SALITA NG KAPANATAGAN

Tugon: ANG MABUTING PASTOL, KALOOB NIYA, BUHAY NA GANAP AT KASIYA-SIYA.

Si Yahweh ang aking Pastol, di ako mangangailangan. T Pinahihimlay nya ako sa luntiang pastulan. Dinadala n‟ya ako sa tabi ng tahimik

na batis. T Pinapanumbalik n‟ya ang lakas ng aking kaluluwa. Inaakay nya ako sa landas ng

katuwiran alang-alang sa kanyang pangalan. T Oo, bagamat tumatahak ako sa lambak ng kamatayan, walang kasamaan akong kinatatakutan. Pagkat kasama kita, ang iyong pamalo at ang iyong tungkod ang

nagpapalakas ng aking loob. T Ipinaghahanda mo ako ng dulang sa presensya ng aking mga kaaway.

Nilalangisan mo ang aking ulo. Umaapaw ang aking saro. T Buong katiyakan, susundan ako ng kabutihan at awa sa lahat ng araw ng aking

buhay at mananahan ako sa bahay ng Panginoon nang walang hanggan. T PANALANGIN Pastor: Panginoong Jesu-Cristo, hanguin mo ang anak mong si _______________ mula sa lahat ng kasamaan at palayain mo siya mula sa lahat ng gapos; at nang makapagpahinga siyang kasama ng lahat ng iyong mga banal sa kagalakan ng iyong walanghanggang tahanan, ngayon at sa walanghanggan. Tulungan niyo po siyang magtiwala sa iyong kabutihan ngayon at angkinin ang iyong pangakong buhay na walanghangan. Linisin mo siya sa lahat ng kasalanan at ibsan ng lahat ng pasanin. Igawad mo sa kanya ang tiyak na

Page 34: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

34 | Page

kagalakang dulot ng iyong pagliligtas, sa kay Cristo Jesus kasama ng Santo Espiritu. Amen.

Isang pagtatagubilin sa oras ng kamatayan, ang pastor, samantalang

ipinapatong ang kanyang kamay sa ulo ng namamatay: Yumao ka sa kapayapaan ____________; sa pangalan ng Diyos Amang lumikha sa iyo; sa pangalan ni Cristong tumubos sa iyo; sa pangalan ng Banal na Diwang nagpabanal sa iyo. Magpahinga ka nawa sa kapayapaan, manahang kasama ng Panginoon sa walanghanggan. Amen.

Kapag tinanggal na ang life support system o matapos malagutan ng hininga. Maaring isunod ang panalanging ito:

O Diyos, ikaw ang simula at ang wakas, inihinga mo sa amin ang hininga ng buhay, sinamahan niyo kami sa lahat ng sandali ng aming buhay. Sumala man ang aming pag-ibig sa iyo, subalit nanatiling matatag iyong pag-ibig sa amin. Ngayon, sa oras ng kamatayan, ibinabalik namin sa iyo si ______________, na nagtitiwala sa iyong tapat at matatag na pag-ibig, sa pamamagitan ni Jesu-Cristong aming Tagapagligtas. Amen.

Kapag isang sanggol o bata ang yumao, maaring gamitin ito: Maibiging Diyos, kung paanong ang iyong anak na si Jesus ay kinalong ang mga bata at pinagpala, igawad mo ang iyong biyaya sa paghahabilin namin kay ____________ sa iyong walang hanggang pag-ibig at pag-aruga, sa paraiso ng iyong luningning, sa kay Cristo-Jesus na aming Tagapagligtas. Amen.

++++++++++++++++++++++

KAPAHAYAGAN NG PANANAMPALATAYA Pastor: Tayo ay magkaisa sa makasaysayang kapahayagan ng pananampalatayang Kristiyano. Lahat: Sumasampalataya tayo sa Diyos, ang Amang makapangyarihan, tagapaglikha ng langit at daigdig. Sumasampalataya tayo kay Jesu-Cristo, ang namumukod-tangi n‟yang anak, ang ating Panginoon. Ipinaglihi s‟ya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu at isinilang ni Birheng Maria. Nagdusa s‟ya sa ilalim ng pamamahala ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, at inilibing. Bumaba s‟ya sa hanay ng mga patay. Sa ikatlong araw, muli s‟yang bumangon. Umakyat s‟ya papasok sa langit, at iniluklok sa gawing kanang kamay ng Ama. Muli s‟yang darating upang hatulan ang mga nabubuhay at ang mga patay. Sumasampalataya tayo sa Banal na Espiritu, sa banal na Iglesia Katolika, sa komunyon ng mga banal, sa muling pagkabuhay ng katawan, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

+++++++++++++++++++++++++

Page 35: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

35 | Page

MGA PILING AWITIN AWIT 1 “UMAWIT, MAGPURI”

Umawit, magpuri ng buong kagalakan, Awit ng pag-ibig na mayrong bagong pag-asa. At ang kalangitan, araw, bituing maningning; Ang Diyos na Maylikha, kamangha-mangha

ngang tunay. Refrain: Aleluya! Aleluya! Mag-awitan tayo! Aleluya! (Mag-awitan tayo! Aleluya!)

Umawit magpuri ng buong kagalakan; Ating ipagdiwang ang pag-ibig niyang dalisay, Sa bawat nilalang, purihin ka Bathala! Awit nami‟y handog, may pagsamo at pag-irog. AWIT 2 “WHEN WE WALK WITH THE LORD”

When we walk with the Lord, In the light of his Word, What a glory he sheds on our way! While we do his good will,

He abides with us still, And with all who will trust and obey. Refrain:

Trust and obey, for there‟s no other way. To be happy in Jesus, but to trust and obey.

Amen. Not a burden we bear, Not a sorrow we share,

But our toil he doth richly repay; Not a grief or a loss, Not a frown or across, But is blest if we trust and obey.

But we never can prove the delights if his love, Until all on the altar we lay; For the favors he shows and the joy he bestows,

Are for them who will trust and obey. Then in fellowship sweet, We will sit at his feet, Or we‟ll walk by his side in the way; What he says we will do, Where he sends we will go; Never fear, only trust and obey. AWIT 3 “BREATH ON ME, BREATH OF GOD” Breathe on me, Breath of God, Fill me with life anew, That I may love that thou dost love,

And do what thou wouldst do. Breathe on me, Breath of God, Until my heart is pure, Until with thee I will one will,

To do and to endure. Breathe on me, Breathe of God, Till I am wholly thine, Till al this earthly part of me,

Glows with thy fire divine. Breathe on me, Breath of God, So shall I never die, But live with thee the perfect

life, Of thine eternity. AWIT 4 “WE GATHER TOGETHER”

We gather together to ask the Lord‟s blessing; He hastens and chastens his will to make known;The wicked oppressing now cease from

distressing,Sing praises to his name: He forgets not his own.

Beside us to guide us, our God with us joining, Ordaining, maintaining his kingdom divine;

Page 36: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

36 | Page

So from the beginning the fight we were winning; Thou, Lord, wast at our side, All glory be thine!

We all do extol thee, thou leader triumphant, And pray that thou still our defender wilt be.

Let thy congregation escape tribulation; Thy name be ever praise! O Lord, make us free!

AWIT 5 “BLESSED ASSURANCE. JESUS IS MINE” Kapanatagang maligaya, Ang idinulot ng Dios Ama, Sa kaluluwang nagkasala, Na

nahahanda sa parusa Koro: Ako‟y aawit gabi‟t araw, Sa pagpupuring walang humpay, At ang kay Jesus na pangalan, Purihin nating walang hanggan.

Wagas na handog ng pagsuko, Wagas na daing sa pagsamo, Wagas na labi sampung puso, Ang ihahandog kong pangako. (Koro)

Wagas na gawa ng pag-ibig, Sa Dios at tao‟y isusulit, Upang malayo sa panganib, At sapitin ko yaong langit. (Koro) AWIT 6 “I‟VE FOUND A FRIEND” I‟ve found a Friend, O such a Friend! He loved me ere I knew him; He drew me with the

cords of love, And thus he bound me to him. And round my heart still closely twine, Those ties which naught can sever, For I am his, and he is mine, Forever and forever.

I’ve found a Friend, O such a Friend! He bled, he died to save me; And not alone the gift of life, But his own self he gave me, Naught that I have my own I call, I hold

it for the giver; May heart, my strength, my life, my all. Are his, and his forever. I‟ve found a Friend, O such a Friend! So kind and true and tender, So wise a counselor and guide, So mighty a defender! From him who loves me now so well, What power my

soul can sever? Shall life or death, or earth or hell? No! I am his forever. Amen

AWIT 7 “O ZION HASTE” Yumaon Kristiyano at ipagsulit, Ang Dios ay Ilaw ng sandaigdig At ang sino ma‟y hindi Niya nais, Na dahil sa dilim ay mawaglit.

Koro:

Bagong balita‟y ipahayag. Na ginawa ni Jesus sa pagliligtas. Amen

Maraming napahamak at nasinsay, Na nahulog sa kaalipinan. At wala sinomang nakapagsaysay, Na kay Jesus ay may kaligtasan.

Nang ang mga kaluluwa‟y mailag, At mahango sa pagkahamak, Ang buhay ni Cristo ay isiwalat, Na may pag-ibig at pagtatapat.

Magsumipag nga sa pagbabalita. Ipahayag ang Kanyang awa.

Sa pagliligtas at nang maunawa. Ng manga walang malay at aba. AWIT 8 “FOR THE BEAUTY OF THE EARTH”

Sa lupang kagandahan, At sa kal‟walhatian; Sa pag-ibig na alay, Mula sa‟ming pagsilang.

Page 37: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

37 | Page

Koro: Dios na buong nilalalang, Pinasasalamatan. Amen. Sa panahong mainam; Ng gabi at ng araw; Parang at bulaklakan, Bitwin, araw

at buwan. Sa galak ng tainga, puso isip at mata; Hiwagang makasama. Ng himig at ligaya. Dahil sa pag-ibig ng Kapatid at magulang; At mga kaibigan, Sa lupa’t sa langit

man. Sa iglesya Mong banal, Na sa amin ay handog: Sa dakilang pag-irog, Ni Cristong mananakop.

AWIT 9 “PASS ME NOT, O GENTLE SAVIOR” Pass me not, O gentle Savior, Hear my humble cry; While on others thou art calling. DO

not pass me by. Refrain:

Savior, Savior, hear my humble cry, While on others thou art calling, Do not pass me by. AMEN.

Sa luklukan ng „yong awa. Ako‟y tanggapin; Lumuluhod na may luha, Tulong Mo‟y hiling.

Koro: Cristo, Cristo, Ako‟y pakinggan; Kung iba‟y tinatawagan, Hwag akong iwan. AMEN.

Sa iyo nagtitiwala at ikaw lamang; Lunas ng bagbag kong diwa, „yong kahabagan. (Koro) O bukal ng kasiglahan, Yaman ng buhay; Sa lupa‟y tangi kong yaman at sa langit man.

(Koro) AWIT 10 “CROWN HIM WITH MANY CROWNS”

Kordero‟y putungan sa Kanyang luklukan, Pakinggan ang kalangitan sa pagaawitan;

Kaluluwa‟y gising iyong papurihan, Ang Haring walang kapantay magpakaylan man.

Tagilira‟t kamay ni Cristo ay masdan, May nga sugat na lalong Kanyang karangalan. Hindi matitigan ng mga anghel man Hiwaga ng kaligtasa‟t pagibig N‟yang taglay.

Putungan ang Hari ng kapayapaan, Nawa‟y ang digmaan ay lubusan ng maparam.

Ang kaharian Niya‟y walang katapusan Bulaklak ng Edeng sagana sa kabanguhan. Amen.

AWIT 11 „„ONE BREAD, ONE BODY” Refrain:

One bread, one body, one Lord of all, one cup of blessing which we bless, and we, though many throughout the earth, we are one body in this one Lord.

Gentile or jew, servant or free, woman or man, no more. R Many the gifts, many the works. One in the Lord of all. R

Grain for the fields, scattered and grown, gathered to one, for all. R AWIT 12 “PRAISE GOD, FROM WHOM ALL BLESSING FLOW” UMH # 94 Purihin, Diyos ng Biyaya, Diyos may lalang at lumikha. Aleluya! Aleluya! Pinagmumulan ng lahat. Purihin si Cristo-Jesus. Papurihan, Diwang Banal! Aleluya! Aleluya! Aleluya!

Page 38: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

38 | Page

AWIT 13 “THE LORD‟S PRAYER” Our Father who art in heaven, hallowed be thy name, Thy kingdom come, thy will be done on Earth as it is in heaven. Give us this day our daily bread; And forgive us our

trespasses as we forgive those who trespass against us. And lead us not into temptation, but deliver us from evil, for thine is the kingdom, and the power and the glory forever.

Amen. ++++++++++++++

Dios na Magulang, Banal ang ngalan. Pamamayani ay sumaamin. Gawin nawa ang „yong kalooban. Sa lupa gaya ng langit.

Ipagkaloob ngayon sa amin, Pang-araw-araw naming kakanin. Kami sa sala ay patawarin, Nagpapatawad sa kapwa rin.

H‟wag mong sa tukso‟y kami‟y tulutan. Kundi iligtas sa kasamaan. Pamamayani, kapangyarihan, kaluwalhatian, sa „Yong tanan. Amen.

AWIT 14 “GLORY BE TO THE FATHER” UMH # 71 Ang Ama‟y papurihan, At ang Anak, at ang Diwang Banal; Paghahari‟y walang hanggan.

Nang una at ngayon man, walang hanggan. Amen. Amen. AWIT 15 “EMMANUEL, EMMANUEL”UMH#204

Emmanuel, Emmanuel, his name is called Emmanuel God with us, revealed in us, his name is called Emmanuel.

AWIT 16 “ON EAGLE‟S WINGS” And God will raise you up on eagle‟s wings, bear you on the breath of dawn, make you to

shine like the sun, and hold you in the palm of God‟s hand. AWIT 17 “GLORIFY THY NAME”

Father, we love you, we praise you, we adore you. Glorify thy name in all the earth. Glorify thy name, glorify thy name, glorify thy name in all the earth. (Jesus..Spirit)

AWIT 18 “O WORSHIP THE KING” Hari‟y sambahin ng kalangitan, ating awitin ang pagmamahal; Ating tanggulan sa lahat

ng araw at sa kalul‟wa ay kapahingahan.

Ikalat ang biyaya N‟ya‟t lakas, balabal Niya ay ang liwanag; ang sasakyan Niya‟y kulog at kidlat, madilim na bagyo ang kanyang landas.

Tangkilik mo‟y di maisiwalat, dala ng hangin at ng liwanag; Umaagos mula sa itaas,

taglay ng hamog at ulang banayad.

Kaming nilikhang lubhang marupok. Nagtitiwala sa iyong lubos, ang biyaya mo‟y walang pagkatapos, aming Manlilikha at Manunubos.

AWIT 19 “SI JESUS AY LAHAT SA „KIN” Si Jesus ay lahat sa ‘kin, buhay ko at aliw; Lakas na di magmamaliw, lagi kong kapiling. Kung mayroong kalumbayan, si Jesus ang kaaliwan; Kagalaka’y binibigyan, Sya’y akin. Si Jesus ay lahat sa „kin sa hirap ay aliw; lahat kong kailanganin, ay gawad sa akin. Ang

init at saka ulan, saganang palay at gulay, ang lahat ay Kanyang bigay; S‟ya‟y akin. Si Jesus ang aking lahat, ako’y magtatapat; bakit ako’y di liliyag? Pag-ibig N’ya’y wagas. Si Jesus paglilingkuran, hindi ako babayaan; susundan S’ya gabi’t araw.

Page 39: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

39 | Page

Si Jesus ang kaibigan pinakamainam; aking pagtitiwalaan ngayo‟t kailan man. Ang buhay kong maligaya, kagalaka‟y walang hangga lalasapin ko sa Kanya S‟ya‟y akin.

AWIT 20 “O BATONG WALANG HANGGAN” O batong walang hanggan, na sa aki‟y nabuksan; Ako‟y isinanggalang, sa demonyong

kaaway. Batis kang sakdal inam, gamut naming may damdam. Hanggang may tumitibok, hininga sa pag-irog: Ako‟y hindi tutugot, na di ka maibantog:

Ikaw ang magpalubog: Sa angkan ng balakyot. Iaalay kong lahat, buhay ko hanggang wakas; Kami‟y pawang haharap, sa hukuman

Mong tapat at doo‟y mahahayag, ang tanang pagkahubad. Sa kamay ko ay walang dadalhin akong aba sa krus Mong mahiwaga kakapit at luluha iligtas sa dalitang parusa sa masama. AWIT 21 “WHEN WE ARE LIVING” UMH # 356

When we are living, it is in Christ Jesus, and when we‟re dying, it is in the Lord. Both in our living and in our dying, we belong to God, we belong to God.

Through all our living, with our fruits must give. Good works of service are for offering. When we are giving, or when receiving, we belong to God, we belong to God.

“Mid times of sorrow and in times of pain, when sensing beauty or in love‟s embrace, whether we suffer, or sing rejoicing, we belong to God, we belong to God. Across this wide world, we shall always find those who are crying with no peace of mind, but when we help them, or when we feed them, we belong to God, we belong to God. AWIT 22 “KAY LAKING HIWAGA”

Hindi ko maisip kay laking hiwaga, kay laking paglingap, pagpapakasakit, sala naming tao ng iyong akuin, walang hangganan Diyos, ang iyong pag-ibig.

Ang abang lingkod mo di karapatdapat, sa‟yo‟y makisalo, makipaghapunan, di na nagnanais ng maraming bagay, sapat na madamang ika‟y kapiling.

Sa aking pagtanggap ng alak at tinapay, aking kagalakan ay walang mapagsidlan, di kinakailangang akin pang wariin, kung bakit ang ligaya ko‟y walang patid.

+++++++++++++++++++++

MGA PILING LEKSIYON Genesis 15:15; Exodo 15; Isaias 25:1, 6-9; Isaias 66:10-13; Ezekiel 37:1-14;

21-28; Mikas 6:6-8; Isaias 25:6-9 Gawa 10:34-43; Roma 5:1-11, 17-21; Filipos 3:7-21; Colosas 3:1-17;

Mateo 5:1-12; Mateo 6:19-21; Mateo 28:1-10, 16-20; Marcos 16:1-8; Lucas

24:1-12; Juan 3:13-17; Juan 6:30-40, 47-51; Juan 15:1-17; Juan 16: 12-22, 33

Page 40: SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY · 2019-03-05 · 3 | Page MGA MENSAHE MULA SA LAY LEADER Papuri sa Diyos ang ibinabalik ko sa pagkakaroon ng pagkakataong mabigyan ng bahagi

40 | Page

Si REV. JERIC C. CORTADO ay ordained elder ng Mindanao Philippines Annual Conference ng United Methodist Church. Pumasok sa ministeryo noong taong 1997. Nagtapos ng Bachelor of Arts major in Theology sa Southern Philippines Methodist Colleges, Inc. (SPMCI) sa taong 2001. Nagtapos din ng Master of Divinity sa Union Theological Seminary (UTS), Dasmariñas, Cavite, Philippines sa taong 2007 kung saan ginawaran ng Sonco-Laus Liturgy, Music, and the Arts Award at Liberato Bautista Church and Society Award. Nadestino sa iba‟t ibang iglesia lokal at programa ng Mindanao Philippines Annual Conference (UMC). Sa kasalukuyan ay naitalagang Acting Dean of Theology ng SPMCI. Kasal kay Bb. Cristine O. de Guzman, Deaconess ng United Methodist Church, at magulang ni Sofia Rev de Guzman-Cortado.

PANGWAKAS Pinasasalamatan ko at pinupuri ang ating Panginoon sa pagkakabuo ng gabay na ito. Gayundin, kinikilala ko at pinasasalamatan ang napakahalagang ambag

at tulong ng mga sumusunod:

Sa lokal na balangay ng UMWSCS na lagi kong kasama sa mga serbisyo sa pangunguna ng kanilang pangulo, Gng. Erlinda Macadangdang, noong ako ay madestino sa Pioneer UMC taong 2005.

Sa dating District Superintendent, Rev. Abelardo N. Guerrero, sa kanyang pagpapahalaga at inspirasyon upang maging mapanglikha ang mga manggagawang kanyang nasasakupan.

Sa aking naging intern supervisor, Rev. Herminigildo Allera, sa mga payo nito.

Sa kay nanay Estrellita E. Mostrales na nag-edit nitong manuscript.

Sa aking asawa at kamanggagawang si Diyakonesa Cristine de Guzman-Cortado na kasamang nag-edit at naghanda sa manuscript.

Sa inyong lahat, tanggapin po ninyo ang aking pagpupugay at pasasalamat. Aleluya!

+++++++++++++++++++++++

MGA PINAGBATAYAN 1. Ang Aklat ng Pagsamba (The Book of Services). Philippines: PCC-UMC-BCEC,

2004. 2. The United Methodist Church Hymnal. USA: The United Methodist Publishing

House, 2005. 3. The United Methodist Book of Worship. USA: The United Methodist Publishing

House, 2002. 4. Ang Imnaryong Cristiano. Manila: OMF Publishers, 1980. 5. Ang Imnaryong Metodista. Philippines: The Methodist Cooperative Association,

1946. 6. Raas, Berhnard. svd. LITURGICAL YEAR, vol. 1. Manila: Logos Publications, Inc.,

1998. 7. ANG PAGDIRIWANG NG BUHAY. Philippines: UCCP-SLJC-Christian Education

and Nurture,1993. 8. Srawn, Elaine V. and Nees, Christine L. FIFTEEN SERVICES FOR SMALL

CHURCHES. USA: Abingdon Press, 1992.