si don pedro at ang puno ng piedras

23
Si Don Pedro at ang Puno ng Piedras

Upload: zichara

Post on 14-Jan-2015

464 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Si don pedro at ang puno ng piedras

Si Don Pedro at ang Puno ng Piedras

Page 2: Si don pedro at ang puno ng piedras

Nang sa haring mapakinggan ang hatol na kagamutan kapagdaka’y inutusan

ang anak niyang panganay.

Si Don Pedro’y tumalima sa utos ng haring ama,

iginayak kapagdaka kabayong sasakyan niya.

Page 3: Si don pedro at ang puno ng piedras

Yumao nang nasa hagapkabundukan ay matahakkahit siya mapahamak

makuha lamang ang lunas. 

Mahigit na tatlong buwangbinagtas ang kaparanganhirap ay di ano lamang

sa haba na ng nalalakbay.

Page 4: Si don pedro at ang puno ng piedras

Isang landas ang nakitamataas na pasalunga

inakyat na buong siglakatawan man ay pata na.

 Sa masamang kapalaranhindi sukat na inasahannang sumapit sa ibabawkabayo niya’y namatay.

Page 5: Si don pedro at ang puno ng piedras

Di ano ang gagawain pa’ywala nang masasakyan siya;

dala-dalaha’y kinuha’tsa bundok ay naglakad na.

 Sa masamang kapalaranang prisipe’y nakatagal,narating ding mahinusay

ang Tabor na kabundukan.

Page 6: Si don pedro at ang puno ng piedras

May namasdang punungkahoy,mga sanga’y mayamungmong;

sa nagtubong naroroo’ybukod-tangi yaong dahon.

 Magaganda’t kumikinangdiyamante ang kabagaypag hinahagkan ng araw

sa mata’y nakasisilaw.

Page 7: Si don pedro at ang puno ng piedras

Sa kanyang pagkabighanisa sarili ay niyaring

doon na muna lumaginang ang pagod ay mapawi.

 Habang siya’y naglilibang biglang nasok sa isipangbaka yaon na ang bahay

ng Adarnang kanyang pakay.

Page 8: Si don pedro at ang puno ng piedras

Takipsilim nang sumapitsa itaas ay nagmasid

daming ibong lumiligpitkawan-kawa’t umaawit.

Bawat ibong dumaraa’ywalang hindi tinatanawnais niya’y mahulaan

ang sa kahoy ay may-bahay.

Page 9: Si don pedro at ang puno ng piedras

Ngunit laking pagtatakani Don Pedro napuna

ang kahoy na pagkagandasa mga ibo’y ulila

 Walang isa mang dumapo

pagtapat ay lumalayomaano bang marahuyongsa sanga muna’y maglaro.

Page 10: Si don pedro at ang puno ng piedras

May maghagis man ng tinginsaglit lamang kung mag-aliw

sa lipad ay nagtutulinparang ayaw na mapansin

 Latag na ang kadiliman

ang langit kung masaya manang lungkot sa kabundukankay Don Pedro’y pumapatay.

Page 11: Si don pedro at ang puno ng piedras

Ngunit kahit naong lungkotinaaliw rin ang loob

sa may puno ay nanubokbaka anya may matulog

 Patuloy ang paglalayagng buwan sa alapaap,

sa dahon ng Piedras Platasay lalong nagpapakintab.

Page 12: Si don pedro at ang puno ng piedras

Sinisipat bawat sangakaunting galaw, tingala na’t

baka hindi napupuna’ynakadapo ang Adarna.

 Datapwat wala, walang ibong

makita sa punungkahoykaluskos na umuugong

daho’t sanga’y umuugoy. 

Page 13: Si don pedro at ang puno ng piedras

Pagkabigo’t pagtataka’ykapwa nagbibigay- dusa

hanggang pati ang pag-asasa sarili’y nawala na.

 Natira sa pamamanglaw

at inip sa kalooban,yamang walang hinihintaymamahinga ang mainam.

 

Page 14: Si don pedro at ang puno ng piedras

Magparaan ng magdamagsa umaga na lumakad,pagod kasi, kaya agad

nagulaylay nang panatag 

Tila naman isang tukso’tkasawian ni Don Pedro,

ang Adarnang may engkantodumating nang di naino.

Page 15: Si don pedro at ang puno ng piedras

Ibo’y marahang lumapagsa sanga ng Piedras Platas,

balahibo’y pinangulagnagbihis na nang magilas.

 Sinimulan ang pagkanta

awit ay kaaya-aya;kabundukang tahimik na

ay natalik sa ligaya.

Page 16: Si don pedro at ang puno ng piedras

Liwanag sa punungkahoynag-aalimpuyong apoy,

mawisikang daho’t usbongnangagbiting mga parol.

 At lalo pang tumatamis

ang sa adarnang pag- awit,bawat kanta’y isang bihis

ng balahibong marikit.

Page 17: Si don pedro at ang puno ng piedras

Pitong kanta ang ginawa’tpitong bihis na magara,

natapos na tuwang- tuwa’tang langit pa’y tiningala. 

Ang lahat na’y di napansinng prinsipeng nagupiling;

sa pagtulog na mahimbing,patay wari ang kahambing.

Page 18: Si don pedro at ang puno ng piedras

Ugali nitong Adarnamatapos ang kanyang kanta,ang siya’y magbawas muna

bago matulog sa sanga. 

Sa masamang kapalaransi Don Pedro’y napatakan,

biglang naging batong- buhaysa punong kinasandalan.

Page 19: Si don pedro at ang puno ng piedras

Wala na nga si Don Pedro’tsa Tabor ay naging bato;

at sa pagdating nito, ang Berbanya ay nagulo.

 

Page 20: Si don pedro at ang puno ng piedras

Pamantayan sa PagkantaPamantayan Puntos

Malinaw ang pagbigkas ng mga salita.

5

Napapalutang ang himig dahil sa paglalapat ng wastong tunog o musika.

5

Angkop, maayos, at malinaw ang paraan ng pagkakanta.

5

Page 21: Si don pedro at ang puno ng piedras

Pamantayan sa Pagmamarka5- Napakagaling4- Magaling3- Katamtaman2- Kailangan Pa ng Pagsasanay1- Sadyang di- magaling

Page 22: Si don pedro at ang puno ng piedras

Pamantayan sa MonologoPamantayan

Puntos Ang monologo ay naa- angkop sa paksang ibinibigay.

5

Ito ay nailahad nang malinaw ,masining,at nakakakuha sa atensiyon ng manonood.

5

Ito ay nagtataglay ng mga elemento ng isang mahusay na monologo.

5

Page 23: Si don pedro at ang puno ng piedras

Pamantayan sa Pagmamarka5- Napakagaling 4- Magaling3- Katamtaman2- Sadyang Di- magaling1- Kailangan Pa ng Pagsasanay