si kartikkeya, ang anak ni shiva

13
Si Kartikkeya, Ang Anak ni Shiva

Upload: miriam-manansala

Post on 19-Jun-2015

1.221 views

Category:

Documents


20 download

TRANSCRIPT

Si Kartikkeya, Ang Anak ni

Shiva

Noong unang panahon ay may nanirahang asura o demonyong ang tawag ay Taraka. Siya ay naghangad na maging pinakamakapangyarihanng tao sa buong daigdig. Taimtim siyang nanalangin kay Brahma at sinikap an tuparin ang mga nais nito. Kung kaya napilitan si Brahma na magpakita sa kanya.

“Ano ba ang iyong nais at ginagawa mo ang mga bagay an iyan?” tanong ni Brahma kay Taraka.

“Ipagkaloob mo ang aking hinihiling – na ako ay

maging pinakamakapangyarihang tao sa buong daigdig at

walang sinumang maaaring makapapantay sa akin,

maliban sa anak ng Diyos na si Shiva.”

Si Shiva nang panahong iyon ay di pa nakakasal at tila alam ng buong mundo na iyon ang kanyang nais mangyari. Wala din siyang balak magkaroon ng anak. Kung kaya ito ang kanyang hiningi kay Brahma dahil alam niya ligtas siya sa

kanyang hiling.

Dahil sa taimtim na panalangin at sakripisyo ni Taraka ay ipinagkaloob ni Brahma ang kanyang hiling. Siya ay naging pinkamakamlakas at pinakamakapangyarihan sa bawat araw na dumating. Walang sinumang makatatalo at nakapapatay sa kanya. Samantalang si Shiva ay nanatiling hindi kasal at walang anak.

Pinagbantaan ni Taraka ang mga Diyos: si Indra, ang hari ng mga Diyos ay isinuko kay Taraka ang kanyang napakagandang puting kabayo an si Unchaishsraivas; isinuko naman ng mga Rishis ang kanilang mahiwagang baka na si Kamadhenu na nagbibigay katuparan sa mga hiling; nagbibigay ng isang libong sea horses si Kubera, ang Diyos ng kayaman; umiihip ayon sa dikta ni Taraka ang Diyos ng Hangin na si Vayu; takot na takot ang buwan na si Chandrama kung kaya nanatiling kabilugan sa lahat ng oras; samantalang si Surya, ang Araw, ay nakalinutan nang nagbigay ng init. Anong kaguluhan ang nangyari sa mundo! Dahil dito, takot na takot ang mga Diyos.

Napagpasyahan ni Indra na magpatawag ng isang pagpupulong sa lahat ng mga Diyos, napagkasunduan nilang himukin si Shiva na mag-asawa at nagkaroon ng anak na lalaki na siyang makapapatay kay Taraka. Batid nilang si Parvati, isang maganda, marunong at may napatunayan na sa sarili, na anak ng Himalayas, ang magiging angkop na asawa para kay Shiva. Subalit si Shiva ay nasa proseso ng meditasyon at walang kamalaymalay tungkol kay Parvati o sa mundo.

Muli, nagkaroon ng pagsasangguni ang mga Diyos. Sa pagkakataong ito ay ipinatawag si Kama ang Diyos ng pag-ibig, upang pukawin ang pag-ibig sa puso ni Shiva. Matapos itong marinig ay lumipad na si Kama papuntang Bundok Kailash kung saan ay natagpuan niya si Shiva na lunod na lunod sa kanyang ginagawang meditasyon. Nakaupo sa isang bato at nakapikit ang mga mata. Tila huminto ang pag-ikot ng mundo nang oras na iyon. Ang mga ibon ay tumigil sa pag-awit, ang mga damo ay huminto sa pagtubo. Nagtago si Kama sa likiod ng isang bato at nagmamasid, nag-aatubiling abalahin si Shiva sa kanyang meditasyon. Makalipas ang ilang sandali ay dumaan si Parvati upang manguha ng bulaklak. Napakaganda niya at naisip ni Kama na iibig si Shiva kay Parvati sa oras na masilayan niya ito. Pinana ni Kama si Shiva sa kanyang puso. Biglang dumilat ang mga mata ni Shiva sa galit at nasunog agad-agad si Kama. Subalit nang masilayan niya si Parvati ay umibig siya rito.

Hinimok ng mga Diyos si Shivana pakasalan si Parvati kung kaya napahinuhod siya dahil mahal niya ito. Tila nabunutan ng tinik ang mga Diyos at labis nila itong ikinatuwa. Subalit dumaan ang maraming taon ay hindi nagkaroon ng anak sina Shiva at Parvati.

Dahil dito, ipinadala ng mga Diyos si Agni, ang Diyos ng apoy upang kumbinsuhin si Shiva na magkaanak na. Nagbalatkayo si Agnil na isang kalapati at nakakuha at nakakuha ng buto ni Shiva an dinala niya pabalik kay Indra. Subalit masyadong mabigat ang buto. Sa kanyang paglipad sa ibabaw ng Ilog Ganga, nahulog ang buto sa sagradong tubig. Mula sa tubig ay si Kartikkeya, anak ni Shiva, ipinanganak na siyang makapupuksa sa demonyong si Taraka.

Kasabay ng pagsilang kay Kartikkeya mula sa tubig ng Ganga, ay naliligo rin ang anim na Krittikas, ang mga Pleiades na anak ng anim an hari. Bawat isa ay inaangking sila ang may-ari sa bata at nais itong alagaan. Upang mapagbigyan ang mga Krittikas, tinubuan ng anim na ulo na may maliliit na bibig ang batang Kartikketa. Iyan ang dahila kung bakit si Kartikkeya ay may anim na ulo at labindalawang bisig.

Sa pangangalaga ng Ganga at mga Krittikas, lumaki siyang matangkad at malakas. Siya ay isang dakilang mandirigma, at hinirang na pinuno ng mga kawal ng mga Diyos. Sa isang mahaba at madugong labanan ay napatay ni Kartikkeya ang demonyong si Taraka at natupad niya ang nakatadhana sa kanya. Tinawag din siyang Tarakajit – ang tagapuksa kay Taraka. Sinamba siya bilang Diyos ng Digmaan o Pagbabaka.