si muning ang_kuting

13
Si Muning ang Kuting Kwento ni CJ Rivera at Bernadette Santos

Upload: kettlekorni

Post on 19-Jun-2015

390 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Si muning ang_kuting

Si Muning ang Kuting

Kwento ni CJ Rivera at Bernadette Santos

Page 2: Si muning ang_kuting

 

May isang kuting na nagngangalang Muning. 

Page 3: Si muning ang_kuting

 

Mahilig siya maglaro. Magaling siyang humabol ng bola, tumalon ng mataas at tumakbo na mabilis pa sa aso.Araw-gabi ay paglalaro lang ang kanyang nasa isip.

Page 4: Si muning ang_kuting

 

        Sabi nya sa kanyang sarili, "Ang saya-saya maglaro!"

Page 5: Si muning ang_kuting

 

Dahil sa paglalaro ay hindi maiiwasang madumihan si Muning.Ngunit ayaw niyang maligo.

Page 6: Si muning ang_kuting

 

Kapag naririnig na niya ang tinig ng kanyang ina ay lagi siyang nagtatago."Muning, pasok na sa bahay! Maligo ka na ang dumi-dumi mo na!", ang sabi ng kanyang nanay.

Page 7: Si muning ang_kuting

 

"Ayoko po maligo, Nay!", ang sagot ni Muning sabay tago sa may damuhan. 

Page 8: Si muning ang_kuting

Biglang may diwata na lumitaw mula sa kawalan. "Muning, dahil ayaw mong maglinis ng katawan gagawin kitang ipis!"

Page 9: Si muning ang_kuting

At naging ipis nga si Muning. Nagsimula siya gumapang, at namalayan niya na lang na nasa madilim, mabaho at maduming lugar na siya.

Page 10: Si muning ang_kuting

Dito kanyang napagtanto na gusto na niyang maligo. Gusto niyang umiyak, at kanyang sinabi, "Ayoko na sa madilim, mabaho at maduming lugar! Ayoko ng maging mabaho at madumi!"

Page 11: Si muning ang_kuting

 

Kanyang kinausap ang diwatang hindi nakikita, "Diwata, ayoko ng maging ipis. Ibalik mo na ko sa pagiging kuting. Gusto ko ng maligo! Pangako, maliligo na ko araw-araw!"

Page 12: Si muning ang_kuting

 

At sa oras na iyon, bigla na lang siyang nagising. Nakatulog pala siya sa damuhan na kanyang pinagtaguan. Laking tuwa niya na panaginip lang lahat ng iyon.

Page 13: Si muning ang_kuting

 

Dali-dali siyang bumalik sa kanilang bahay upang maligo. Niyakap niya ang kanyang ina sa sobrang tuwa at nangako na maliligo na siya araw-araw.