sino si atty. steve salonga

1
Sino si Atty. Steve Salonga? Si Atty. Steve Salonga ang panganay na anak ng kagalang-galang na Rizaleño, Senador Jovito Reyes Salonga na naglingkod-bayan ng mahigit limang dekada: bilang Diputado (1961), No. 1 Senador (1965, 1971 at 1987), at Pangulo ng Senado (1987-1991). Si Atty. Steve ang naging katulong at kanang-kamay ni Senador Jovito Salonga sa kahabaan ng kanyang maning- ning na paglilingkod-bayan. Siya din ang taga-pagmana ng paglilingkod ni Senador Salonga bilang abogado sa pamamagitan ng pamamahala ng Salonga Law Office kung saan napakaraming mahihirap at mga kapus-palad ang natulungan sa kanilang mga suliranin nauukol sa mga problema legal. Sa panahon ng pangangasiwa ni Senador Jovito Salonga bilang Pangulo ng Partido Liberal (LP) (1980-1992) si Atty. Steve ang tumayong taga- pangasiwa ng Partido Liberal sa lalawigan ng Rizal mula 1980 hanggang 1992. Sa kasag-sagan ng martial law, siya din ang nag-tatag ng unang sangay ng Kabataang Liberal sa bayan ng Marikina noong 1981. Ang kanyang karanasan at pagbibihasa sa batas at politika ay mahigit na sa tatlong dekada. Ang pag-aaral ni Atty. Steve ay nagsimula sa Pamantasan ng Pilipinas, (UP Elementary School) sa Diliman noong 1954. Siya'y nagtapos ng mataas na paaralan sa UP High School noong 1965. Sa pagpatuloy niya sa UP College of Arts and Sciences sa Diliman, naging kaanib siya sa Kabataang Makabayan (KM) at naging bahagi ng FQS at ng Diliman Commune at mga kilos protestang pag-aklas ng kabataan sa nagdidilim na pambansang politika na nagbunsod ng Martial Law. Noong na bomba ang LP Proclamation Rally sa Plaza Miranda noong August 21, 1971, si Senador Jovito Salonga ang pinaka-malalá ang pinsála. Bagama't siya'y tinuring na “clinically dead” nang dalhin sa Medical Center Manila, nabuhay siya: sugatan ang katawan, balí ang mga buto at halos patay na. Gayun pa man nanalo siya bilang No.1 Senator sa pambansang halalan ng 1971. Ipinataw ni Marcos ang Martial Law nung Sept. 21, 1972, at ang Congreso at Senado ay pinasara. Ngunit patuloy na naglinkod si Jovito Salonga bilang matatas na kritiko ng batas militar at regimeng Marcos, at bilang tagapag-tanggol ng karapatan ng maraming kabataan at manggagawa'ng pinahirapan at nakulong sanhi ng kanilang pagtutol at pakikibaka. Siya'y naging taga-pagtanggol ni Ninoy Aquino, kasama nina Lorenzo Tanada at Jose Diokno. Sa lahat nang ito, ang tanging alalay at katulong ni Sen. Salonga ay ang kanyang panganay, si Atty. Steve sampu ng napakaraming mga kabataang patuloy na nagkusang pangalagaan ang ating pambansang kalayaan. Sa kadilíman ng martial law si Atty. Steve ay bumalik sa kanyang pag- aaral at sa hanap-buhay bilang stock trader sa Makati Stock Exchange. Noong 1977 si Atty. Steve ay nag-pundar ng poultry farm sa Sitio Munting Dilaw, Mambugan, Antipolo, Rizal at doon nanirahan hanggang siya'y nakapag-asawa noong 1979. Siya at ang kanyang asawa, si Imelda Magnaye Hernandez na taga-Baco, Mindoro Or., at ang apat nilang anak, sina Jovito, Christian, Stephanie at Isabelle ay nanirahan doon hangang sila'y nakatapos at nakapag-sarili ang kanilang mga anak. Sa loob ng panahong iyon ay nagsanay din si Atty. Steve sa Banal na Kasulatan at noong 2001 ay naatasang Licensed Lay Preacher ng United Church of Christ in the Philippines. Mahigit 25-taon na siyang nag-tuturo sa mga bible-study groups, at ng Biblical theology sa mga kapatiran ng UCCP, at sa iba't ibang denominasyon. Isa siya sa mga tinatanging lawyer-pastors na kumikilos upang pasiglahin'g muli ang ating pananampalatayang Kristyano. Noong halalan ng 2010, nakipag-kaisa ang sangay ng Partido Liberal Rizal sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Steve, sa matapang na punong-bayan ng Montalban, si Mayor Ping Cuerpo na tumakbong Gobernador ng Rizal kalaban ng Pamilya Ynares ng Binangonan. Bilang kandidatong Vice- Governor, si Atty. Steve ang naglunsad ng kampanya laban sa dynastia ng mga Ynares. Ginamit niyang halimbawa ng taliwas na pag-unlad ng ating lalawigan, ang napakaraming covered-courts, waiting sheds at mga gusaling pambayan na tinatakang YNARES. Bagama't marami sa ating mga ka- lalawigan ang nágising, kulang ang kaaláman tungkol sa mga tunay na issue ng pamamahála at pananalapí ng ating lalawigan, at sila'y natalo. Ang sabi ng iba, dinaya. Sa kasalukuyan, i-pinagpapatuloy ni Atty. Steve ang kampanya túngo sa Linis at Pagbabago sa ating pamahalaang panlalawigan, at ang pagbalik ng malínis at makatuwírang kasarínlan ng mga Rizaleño. Kanyang pananampalataya na ang Rizaleño ay may sapat na katalinúhan at sípag, at sa pamamagitan ng bayanihan at pagkakaisa ng lahat ng mamamayan, ang diwa ni Gat Jose Rizal ay matutupad: isang bayang sakdal laya, malaya sa isip, sa salita at sa gawa. Sa prinsipyong iyon, lumalaban si Atty. Steve bilang Gobernador ng Lalawigan ng Rizal, upang bigyan katuparan ang diwa ng ating pambansang bayani: na sa isang bayan, walang mang-aalipin kung walang paaalipin! Ayon kay Atty. Steve: “Kung kayo ay nauuhaw na sa Pagbabago; Tandaan: Tayo ang makapag-papabago! Maging mapanuri tayo sa mga kandidatong ihahalal. Bumoto ng wasto at ang pagbabago ay magiging ganap na inyo! Tayo ang pagasa ng ating mahal na lalawigan – Bumoto tayo ng tama!

Upload: steve-b-salonga

Post on 13-Apr-2015

129 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

An election campaign profile of Steve B. Salonga, candidate for Governor in the Province of Rizal in the Nationwide Local Elections of 2013.

TRANSCRIPT

Page 1: Sino si Atty. Steve Salonga

Sino si Atty. Steve Salonga?

Si Atty. Steve Salonga ang panganay na anak ng kagalang-galang na Rizaleño, Senador Jovito Reyes Salonga na naglingkod-bayan ng mahigit limang dekada: bilang Diputado (1961), No. 1 Senador (1965, 1971 at 1987), at Pangulo ng Senado (1987-1991). Si Atty. Steve ang naging katulong at kanang-kamay ni Senador Jovito Salonga sa kahabaan ng kanyang maning-ning na paglilingkod-bayan. Siya din ang taga-pagmana ng paglilingkod ni Senador Salonga bilang abogado sa pamamagitan ng pamamahala ng Salonga Law Office kung saan napakaraming mahihirap at mga kapus-palad ang natulungan sa kanilang mga suliranin nauukol sa mga problema legal.

Sa panahon ng pangangasiwa ni Senador Jovito Salonga bilang Pangulo ng Partido Liberal (LP) (1980-1992) si Atty. Steve ang tumayong taga-pangasiwa ng Partido Liberal sa lalawigan ng Rizal mula 1980 hanggang 1992. Sa kasag-sagan ng martial law, siya din ang nag-tatag ng unang sangay ng Kabataang Liberal sa bayan ng Marikina noong 1981. Ang kanyang karanasan at pagbibihasa sa batas at politika ay mahigit na sa tatlong dekada.

Ang pag-aaral ni Atty. Steve ay nagsimula sa Pamantasan ng Pilipinas, (UP Elementary School) sa Diliman noong 1954. Siya'y nagtapos ng mataas na paaralan sa UP High School noong 1965. Sa pagpatuloy niya sa UP College of Arts and Sciences sa Diliman, naging kaanib siya sa Kabataang Makabayan (KM) at naging bahagi ng FQS at ng Diliman Commune at mga kilos protestang pag-aklas ng kabataan sa nagdidilim na pambansang politika na nagbunsod ng Martial Law.

Noong na bomba ang LP Proclamation Rally sa Plaza Miranda noong August 21, 1971, si Senador Jovito Salonga ang pinaka-malalá ang pinsála. Bagama't siya'y tinuring na “clinically dead” nang dalhin sa Medical Center Manila, nabuhay siya: sugatan ang katawan, balí ang mga buto at halos patay na. Gayun pa man nanalo siya bilang No.1 Senator sa pambansang halalan ng 1971.

Ipinataw ni Marcos ang Martial Law nung Sept. 21, 1972, at ang Congreso at Senado ay pinasara. Ngunit patuloy na naglinkod si Jovito Salonga bilang matatas na kritiko ng batas militar at regimeng Marcos, at bilang tagapag-tanggol ng karapatan ng maraming kabataan at manggagawa'ng pinahirapan at nakulong sanhi ng kanilang pagtutol at pakikibaka. Siya'y naging taga-pagtanggol ni Ninoy Aquino, kasama nina Lorenzo Tanada at Jose Diokno. Sa lahat nang ito, ang tanging alalay at katulong ni Sen. Salonga ay ang kanyang panganay, si Atty. Steve sampu ng napakaraming mga kabataang patuloy na nagkusang pangalagaan ang ating pambansang kalayaan.

Sa kadilíman ng martial law si Atty. Steve ay bumalik sa kanyang pag-aaral at sa hanap-buhay bilang stock trader sa Makati Stock Exchange. Noong 1977 si Atty. Steve ay nag-pundar ng poultry farm sa Sitio Munting Dilaw, Mambugan, Antipolo, Rizal at doon nanirahan hanggang siya'y nakapag-asawa noong 1979. Siya at ang kanyang asawa, si Imelda Magnaye Hernandez na taga-Baco, Mindoro Or., at ang apat nilang anak, sina Jovito, Christian, Stephanie at Isabelle ay nanirahan doon hangang sila'y nakatapos at nakapag-sarili ang kanilang mga anak.

Sa loob ng panahong iyon ay nagsanay din si Atty. Steve sa Banal na Kasulatan at noong 2001 ay naatasang Licensed Lay Preacher ng United Church of Christ in the Philippines. Mahigit 25-taon na siyang nag-tuturo sa mga bible-study groups, at ng Biblical theology sa mga kapatiran ng UCCP, at sa iba't ibang denominasyon. Isa siya sa mga tinatanging lawyer-pastors na kumikilos upang pasiglahin'g muli ang ating pananampalatayang Kristyano.

Noong halalan ng 2010, nakipag-kaisa ang sangay ng Partido Liberal Rizal sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Steve, sa matapang na punong-bayan ng Montalban, si Mayor Ping Cuerpo na tumakbong Gobernador ng Rizal kalaban ng Pamilya Ynares ng Binangonan. Bilang kandidatong Vice-Governor, si Atty. Steve ang naglunsad ng kampanya laban sa dynastia ng mga Ynares. Ginamit niyang halimbawa ng taliwas na pag-unlad ng ating lalawigan, ang napakaraming covered-courts, waiting sheds at mga gusaling pambayan na tinatakang YNARES. Bagama't marami sa ating mga ka-lalawigan ang nágising, kulang ang kaaláman tungkol sa mga tunay na issue ng pamamahála at pananalapí ng ating lalawigan, at sila'y natalo. Ang sabi ng iba, dinaya.

Sa kasalukuyan, i-pinagpapatuloy ni Atty. Steve ang kampanya túngo sa Linis at Pagbabago sa ating pamahalaang panlalawigan, at ang pagbalik ng malínis at makatuwírang kasarínlan ng mga Rizaleño. Kanyang pananampalataya na ang Rizaleño ay may sapat na katalinúhan at sípag, at sa pamamagitan ng bayanihan at pagkakaisa ng lahat ng mamamayan, ang diwa ni Gat Jose Rizal ay matutupad: isang bayang sakdal laya, malaya sa isip, sa salita at sa gawa. Sa prinsipyong iyon, lumalaban si Atty. Steve bilang Gobernador ng Lalawigan ng Rizal, upang bigyan katuparan ang diwa ng ating pambansang bayani: na sa isang bayan, walang mang-aalipin kung walang paaalipin!

Ayon kay Atty. Steve: “Kung kayo ay nauuhaw na sa Pagbabago; Tandaan: Tayo ang makapag-papabago! Maging mapanuri tayo sa mga kandidatong ihahalal. Bumoto ng wasto at ang pagbabago ay magiging ganap na inyo! Tayo ang pagasa ng ating mahal na lalawigan – Bumoto tayo ng tama!