sitaw

Upload: gelay-gerlie-cadiente-pitpit

Post on 10-Mar-2016

31 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

q

TRANSCRIPT

Sitaw Kahit anong klase ng pagkakaluto nito, ang gulay na ito ay masarap at talaga naman nagbibigay ng magandang nutrisyon sa iyong katawan. Mataas ang potassium, vitamin C, A at manganese nito kaya nakakatulong kapag ikaw ay dumaranas ng disminoriya.

Singkamas Kilala din ito bilang Mexican turnip. Ang gulay na ito ay binubuo ng 90% tubig at may mataas na vitamin A na kilalang antioxidant laban sa cancer. Vitamins B at C, calcium, phosphorus at fiber kaya mahusay din na kainin kung ikaw ay nagbabawas ng timbang.

Talong Kung kulang ka sa potassium, ito ang mabuting kainin mo dahil sa mataas na taglay ng bitaminang ito. Bukod sa potassium makakakuha ka din sa talong ng B6, folate at fiber. Ngunit paalala lang, kung mataas ang iyong sugar sa katawan, dapat din na maghinayhinay sa pagkain ng talong dahil sa mataas na calories nito.

Mani Kung naiisip mong mamantika at tataas ang iyong cholesterol sa pagkain ng mani, nagkakamali ka, dahil nagtataglay ito ng good cholesterol at tinatalo ang bad cholesterol sa iyong katawan. Nagpapaalerto ito sa iyong isip at nagbibigay ng vitamin E at B.

Sigarilyas- Sa English ito ay tinatawag na Winged bean, kung saan mataas ang B1, B2, B3, calcium at iron nito at mababa naman ang sodium.

Ang saluyot ay kilalang halaman na kinakain bilang gulay sa maraming lugar sa Pilipinas lalo na sa hilagang bahagi ng Luzon. Ang halaman ay maliit lamang, may dahon na tusok-tusok ang gilid, at may dilaw na bulaklak sa tuktok. Karaniwang nakikitang tumutubo malapit sa mga palayan sa buong kapuluan ng Pilipinas. Ang dahon ng saluyot ay makukuhanan ng anthocyanin, alkaloids, terpenoids, tannins, flavonoids, cardiac glycosides. Mayaman din ito sa calories, protein, fat, carbohydrate, fiber, calcium, phosphorus, iron, sodium, potassium, beta-carotene, thiamine, riboflavin, niacin, at ascorbic acid. Ang mga buto naman ay may taglay na alkaloids, tannins, flavonoids, glycosides, saponin, cardiac glycosides, anthraquinones, steroids, at volatile oilPROYEKTO SA EPP IV

MGA HALAMANG MAINAM ITANIM

Ipinasa ni: Rhiannon Nicole D. TaborIpinasa kay: Gng. Marites A. Sagun