sosyal teknikal ekonomikal ekolohikal politikal

2
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay: DIR. RENATO A. MAGUIGAD Regional Executive Director Department of Agriculture RFU 1 Aguila Rd. Sevilla, City of San Fernando, La Union Tel. Nos: (072) 888-0341 Fax No: (072) 888-2045 Design & Lay-out by: cvbp s. 2011 SOSYAL Ang bilang ng magsasakang nakilahok sa proyektong URED ay dumami ng 148% mula 152 farmer-partners ay naging 226 sa loob lamang ng dalawang taon Nadagdagan ang kanilang karunungan at kakayahan sa pag-aalaga ng kambing na naging gabay sa maunlad na negosyo Ang mga farmer-partners ay naging modelo aat inspirasyon para sa ibang mga magsasaka na siyang nakakatulong sa pagpapalaganap ng proyekto. TEKNIKAL Tumaas ng 82.46% ang bilang ng mga alagaang kambing mula 1,203 ulo ay naging 2,195 ulo. Bumaba ang bilang ng mga nagkakasakit at namamatay mula 25% ay naging 8.75% Napaikli ang paghihintay ng mga pangkatay na kambing mula isang taon sa anim na buwan na lamang Pangunahing teknolohiya na 100% na ginamit ay ang pabahay, pagpapaganda ng lahi at pagbibigay ng suplementong pagkain at regular na pagpupurga ng mga alagang kambing. EKONOMIKAL Ang benta ng pangkatay ay umabot ng P120-150 bawat kilo at ang upgrades ay P200-250 bawat kilo mula sa dating presyong bultuhan na P1000-1500. Ang pag-aalaga ng 10 doe-level inahin na inahin gamit ang teknolohiya ng pabahay, paggamit ng barakong may magandang lahi, at pagbibigay ng suplementong pakain ay nakapagbibigay ng karagdagang kita na umaabot ng Php 1,836.00 at ROI na 61.59% para sa mga anak nang kambing na gagawing pangkatay o “slaughter goats.” EKOLOHIKAL Ang paggamit ng naprosesong dumi ng kambing ay malaking tulong sa mga farmer-partners upang mabawasan ang kanilang gastos sa pagbili ng kemikal na pataba Nakakatipid ang bawat farmer-partner ng halagang P21,500 bawat taon sa paggamit ng organikong pataba mula sa dumi ng kambing. POLITIKAL Sumuporta ang PLGU, MLGU, BLGU at mga farmer- partners na nakibahagi sa proyektong ito sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para sa pagsasagawa ng mga pagsasanay, lakbay-aral, pagbili ng mga barako at ng mga gamot para sa mga kambing, at pagtatalaga ng mga kawani ng DA-LGU upang maging kaagapay sa pagsasakatuparan ng mga gawain na umabot ng 2.5 milyong piso. Napatunayang ang proyektong URED ay hindi lang tungkol sa maka-agham na pag-aalaga ng kambing, kundi pati na rin sa pagsusulong ng maunlad na negosyo ng pagkakambingan. JM Datuin, JP Bueno, CB Pastor, FA Adame, LM Abrenica and WA Cerbito Proyektong handog ng pagkakaisa at pagtutulungan ng DOST-PCARRD, DA-RFU 1, Pamahalaang Lokal ng Lalawigan ng La Union at Pangasinan, at ng mga Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Bacnotan, San Juan, Bauang, Balungao, Bautista at Bayambang

Upload: lykien

Post on 29-Jan-2017

264 views

Category:

Documents


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: SOSYAL TEKNIKAL EKONOMIKAL EKOLOHIKAL POLITIKAL

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay: DIR. RENATO A. MAGUIGAD Regional Executive Director

Department of Agriculture RFU 1

Aguila Rd. Sevilla, City of San Fernando, La Union

Tel. Nos: (072) 888-0341

Fax No: (072) 888-2045

Design & Lay-out by: cvbp s. 2011

SOSYAL

Ang bilang ng magsasakang nakilahok sa

proyektong URED ay dumami ng 148% mula 152 farmer-partners ay naging 226 sa loob lamang ng dalawang taon

Nadagdagan ang kanilang karunungan at

kakayahan sa pag-aalaga ng kambing na naging gabay sa maunlad na negosyo

Ang mga farmer-partners ay naging modelo aat

inspirasyon para sa ibang mga magsasaka na siyang nakakatulong sa pagpapalaganap ng proyekto.

TEKNIKAL

Tumaas ng 82.46% ang bilang ng mga alagaang

kambing mula 1,203 ulo ay naging 2,195 ulo.

Bumaba ang bilang ng mga nagkakasakit at

namamatay mula 25% ay naging 8.75%

Napaikli ang paghihintay ng mga pangkatay na

kambing mula isang taon sa anim na buwan na lamang

Pangunahing teknolohiya na 100% na ginamit ay

ang pabahay, pagpapaganda ng lahi at pagbibigay ng suplementong pagkain at regular na pagpupurga ng mga alagang kambing.

EKONOMIKAL

Ang benta ng pangkatay ay umabot ng P120-150

bawat kilo at ang upgrades ay P200-250 bawat kilo mula sa dating presyong bultuhan na P1000-1500.

Ang pag-aalaga ng 10 doe-level inahin na inahin

gamit ang teknolohiya ng pabahay, paggamit ng barakong may magandang lahi, at pagbibigay ng suplementong pakain ay nakapagbibigay ng karagdagang kita na umaabot ng Php 1,836.00 at ROI na 61.59% para sa mga anak nang kambing na gagawing pangkatay o “slaughter goats.”

EKOLOHIKAL

Ang paggamit ng naprosesong dumi ng kambing ay

malaking tulong sa mga farmer-partners upang mabawasan ang kanilang gastos sa pagbili ng kemikal na pataba

Nakakatipid ang bawat farmer-partner ng halagang

P21,500 bawat taon sa paggamit ng organikong pataba mula sa dumi ng kambing.

POLITIKAL

Sumuporta ang PLGU, MLGU, BLGU at mga farmer-

partners na nakibahagi sa proyektong ito sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para sa pagsasagawa ng mga pagsasanay, lakbay-aral, pagbili ng mga barako at ng mga gamot para sa mga kambing, at pagtatalaga ng mga kawani ng DA-LGU upang maging kaagapay sa pagsasakatuparan ng mga gawain na umabot ng 2.5 milyong piso.

Napatunayang ang proyektong URED ay hindi lang tungkol sa maka-agham na pag-aalaga ng kambing, kundi pati na rin sa pagsusulong ng maunlad na negosyo ng pagkakambingan.

JM Datuin, JP Bueno, CB Pastor, FA Adame, LM Abrenica and

WA Cerbito

Proyektong handog ng pagkakaisa at pagtutulungan ng DOST-PCARRD, DA-RFU 1, Pamahalaang Lokal ng Lalawigan ng La Union at Pangasinan, at ng mga Pamahalaang

Lokal ng Bayan ng Bacnotan, San Juan, Bauang, Balungao, Bautista at Bayambang

Page 2: SOSYAL TEKNIKAL EKONOMIKAL EKOLOHIKAL POLITIKAL

Ang pagkakambingan ay isang potensiyal na pagkakakitaan ng mga magsasaka sa kanayunan. Nangangailangan ito ng maliit na kapital at ang mga kambing ay nabubuhay sa libreng damo, legumbre at iba pang mga halaman sa kapaligiran. Ito ay nagbi-bigay ng seguridad pang-pinansiyal lalo na sa buwan ng taghirap. Ang kambing ay ginagamit bilang panustos sa mga biglaang gastos katulad ng pambili ng mga gamit sa pagsasaka, pag-aaral at gamit ng mga anak, pambili ng gamot o pambayad sa hospital. Ito rin ang pinagkukunan ng mga magsasaka ng pambili ng makakain kapag wala o mababa ang kanilang ani dahil sa mga kalamidad na dulot ng pabago-bagong panahon.

Ang “Upscaling Rural Enterprise Development (URED) through Innovative Goat Production Systems in Region 1” ay proyekto na naglalayong mabawasan ang kahirapan sa ka-nayunan sa paraang ang simpleng pagkakambingan ay gaw-ing negosyo. Sa pamamagitan ng mga makabagong sistema at teknolohiya sa pagpapaganda ng lahi, pabahay, mga pakain at pangkalusugan, kaakibat ng sipag at tiyaga, ang pag-aalaga ng kambing ay maaring maging isang matagumpay at pangmatagalang negosyo na nakapagbibigay ng karagdagang kita sa mga pangkaraniwang magsasaka at sa komunidad.

SISTEMA NG PAGPAPALAHI

Paggamit ng barakong may

mataas na lahi

Ang mga anak ay nagiging

mas malalaki at mabibigat mula pagkapanganak, pagwawalay hanggang sa ang mga ito ay maaari nang ibenta o katayin

SISTEMANG PANGKALUSUGAN

Pagbibigay ng angkop na

pabahay

Palipat-lipat na pagsusuga kada

tatlong araw

Regular na pagpupurga

Paggamit ng epektibong pamurga

SISTEMA NG PAGPAPAKAIN

Pagpapakain nang nakakulong

(stall feeding)

Pagbibigay ng mga

suplementong pakain katulad ng darak, UMMB, dayami, copra meal, ng mga legumbre at ng mga damong may mataas na kalidad.