tagalog version of the programs and services for seniors quick

3
Mga Programa at mga Serbisyo para sa mga Nakatatanda MGA MADALING KATOTOHANAN Benepisyo para sa mga Nakatatanda ng Alberta Ang programang Benepisyo para sa mga Nakatatanda ng Alberta (ASB) ay batay sa kita at nagbibigay ng mga buwanang benepisyo sa karapat-dapat na mga nakatatanda. Ang ASB ay nagbibigay ng tulong na pinansiyal pandagdag sa mga programang pederal, kabilang ang Kasiguruhan para sa mga Matatanda at ang Garantisadong Suplemento ng Kita. Tulong para sa mga Nakatatanda na may Pangangailangang Espesyal Tumutulong sa mga nakatatanda na may mababang kita at may hindi-pangkaraniwang gastusin na personal gaya ng para sa mga kasangkapan, mga lubhang mahalagang pagkukumpuni ng bahay at ng ilang mga gastos na medikal. Ito’y maaring hilingin ng isang beses lamang. Mga Programa at mga Serbisyo ng Probinsiya Programa para sa mga Nakatatanda para sa Pagpapaliban ng Buwis sa Ari-arian Itong bagong programa ay nagbibigay-daan sa mga karapat-dapat na nakatatandang may-ari ng bahay na ipagpaliban ang lahat o bahagi ng kanilang taunang buwis sa ari-arian sa pamamagitan ng pautang ng probinsiya na mababang-interes at batay sa kahalagahan ng ari-arian. Tulong para sa mga Nakatatanda para sa Gastos sa Ngipin Nagbibigay ng hanggang $5,000 para sa mga pangunahing gastos pang ngipin sa bawat limang taon. Tulong para sa mga Nakatatanda para sa Gastos Pangmata Nagbibigay ng hanggang $230 para sa mga inireresetang salamin pangmata sa bawat tatlong taon. Mga Programa para sa Pagtulong na Pinansiyal Sentro ng Pagtawag para sa Tulong sa Alberta* Walang bayad: 1-877-644-9992 Sa Edmonton: 780-644-9992 www.health.alberta.ca Mga Tanong? Ang Katunayan ng Kita ay isang pangangailangan ng mga sumusunod na programa ng Tulong na Pinansiyal sa Nakatatanda, Benepisyo para sa mga Nakatatanda ng Alberta, Tulong para sa mga Nakatatanda para sa Gastos Pangmata, at Tulong para sa mga Nakatatanda na may Pangangailangang Espesyal. Mangyaring kontakin ang Sentro ng Pagtawag para sa Tulong sa Alberta* para sa karagdagang impormasyon. © 2014 Government of Alberta Quick Facts: Programs and Services for Seniors - Tagalog

Upload: lamcong

Post on 29-Jan-2017

230 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Tagalog version of the Programs and Services for Seniors Quick

Mga Programa at mga Serbisyo

para sa mga Nakatatanda

MGA MADALING KATOTOHANAN

Benepisyo para sa mga Nakatatanda ng AlbertaAng programang Benepisyo para sa mga Nakatatanda ng Alberta (ASB) ay batay sa kita at nagbibigay ng mga buwanang benepisyo sa karapat-dapat na mga nakatatanda. Ang ASB ay nagbibigay ng tulong na pinansiyal pandagdag sa mga programang pederal, kabilang ang Kasiguruhan para sa mga Matatanda at ang Garantisadong Suplemento ng Kita.

Tulong para sa mga Nakatatanda na may Pangangailangang EspesyalTumutulong sa mga nakatatanda na may mababang kita at may hindi-pangkaraniwang gastusin na personal gaya ng para sa mga kasangkapan, mga lubhang mahalagang pagkukumpuni ng bahay at ng ilang mga gastos na medikal. Ito’y maaring hilingin ng isang beses lamang.

Mga Programa at mga Serbisyo ng Probinsiya

Programa para sa mga Nakatatanda para sa Pagpapaliban ng Buwis sa Ari-arianItong bagong programa ay nagbibigay-daan sa mga karapat-dapat na nakatatandang may-ari ng bahay na ipagpaliban ang lahat o bahagi ng kanilang taunang buwis sa ari-arian sa pamamagitan ng pautang ng probinsiya na mababang-interes at batay sa kahalagahan ng ari-arian.

Tulong para sa mga Nakatatanda para sa Gastos sa NgipinNagbibigay ng hanggang $5,000 para sa mga pangunahing gastos pang ngipin sa bawat limang taon.

Tulong para sa mga Nakatatanda para sa Gastos PangmataNagbibigay ng hanggang $230 para sa mga inireresetang salamin pangmata sa bawat tatlong taon.

Mga Programa para sa Pagtulong na Pinansiyal

Sentro ng Pagtawag para sa Tulong

sa Alberta*Walang bayad: 1-877-644-9992

Sa Edmonton: 780-644-9992www.health.alberta.ca

Mga Tanong? Ang Katunayan ng Kita ay isang pangangailangan ng mga sumusunod na programa ng Tulong na Pinansiyal sa Nakatatanda, Benepisyo para sa mga Nakatatanda ng Alberta, Tulong para sa mga Nakatatanda para sa Gastos Pangmata, at Tulong para sa mga Nakatatanda na may Pangangailangang Espesyal. Mangyaring kontakin ang Sentro ng Pagtawag para sa Tulong sa Alberta* para sa karagdagang impormasyon.

© 2014 Government of Alberta

Quick Facts: Programs and Services for Seniors - Tagalog

Page 2: Tagalog version of the Programs and Services for Seniors Quick

Programa para sa Tirahan ng mga NakatatandaMga organisasyong pamamahalang lokal na nagbibigay ng mga tuluyan na abot-kaya at nagsusuporta (pagkain, labada, at pangangalaga ng bahay) para sa mga nakatatanda na may mababang kita. Ang listahan ng mga organisasyong pamamahalan ay nasa http://municipalaffairs.alberta.ca/ find_housing.cfm. Nahahanap ang mga pangalan sa listahan na ito. O tumawag sa 780-422-0122 para sa karagdagang impormasyon.

Programa para sa Pabahay na Kumpleto at May Kasarinlan para sa mga Nakatatanda Mga organisasyong pamamahalang lokal na nagbibigay ng mga aksesoriya para sa mga nakatatanda na may mababang kita at na hindi kayang bayaran ang mga tuluyan na pribadong-sektor. Tumawag sa 780-422-0122 para sa karagdagang impormasyon.

Residential Access Modification Program (RAMP)Ang mga may-ari ng bahay at mga nangungupahan (kung sumasang-ayon ang may-ari) ay maaaring humiling na makatanggap ng kaloob mula sa pamahalaang probinsiya upang makatulong sa mga pagbabago na mapabuti ang daan ng upuang de gulong sa pagpasok at sa loob ng kanilang mga personal na tirahan. Tawagan ang Sentro ng Pagtawag para sa Tulong sa Alberta* para sa higit pang impormasyon.

Programa para sa PabahayMga Tulong para sa Bahagi ng Buhay sa Alberta Tumutulong sa mga taga-Alberta na may pang-matagalang kapansanan, may sakit na talamak o malala upang mapanatili ang kanilang pagsasarili sa pamamagitan ng pagtulong na pinansiyal para sa mga kagamitan at panustos na medikal. Ang isang pagtatasa ng pangangalaga ng kalusugan propesyonal na tumutukoy sa pagiging karapat-dapat para sa mga kagamitan tulad ng mga tulungan ng pandinig, mga upuang de gulong at oksiheno.

Ang bahagi ng gastos na babayaran ng mga taga-Alberta ay pinakamaliit sa 25 porsiyento ng karapat-dapat na benepisyo ng AADL, hanggang sa pinakamalaki sa $500 sa bawat indibidwal o pamilya, sa bawat taon na may benepisyo. Ito ay hindi kasama ang anumang mga gastos para sa pag-upgrade na babayaran ng kliyente. Ang mga taga-Alberta na may mababang kita ay hindi saklaw sa pagbabayad ng bahagi ng gastos.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa Sentro ng Pagtawag para sa Tulong sa Alberta.*

Kalusugan

Sa Alberta, upang ikonekta ng walang bayad sa anumang opisinang pamahalaang Alberta, tumawag sa 310-0000 kasunod ang pangkalawakang kodigo at numero ng telepono ng opisina na nais mong maabot.

Alam mo ba…

Programa ng Pagsubaybay para sa Kalusugan sa AlbertaItong programa na batay sa kita ay para tumulong sa mga karapat-dapat na taga-Alberta na may diyabetis, kabilang ang yaong makontrol ang kanilang diyabetis sa pamamagitan ng diyeta at mga bibig gamot na pang araw-araw, na sumasaklaw sa bahagi ng gastos ng mga karapat-dapat na mga panustos para sa pamamahala ng diyabetis. Tumawag sa 1-800-267-7532 o 780-423-2634 sa Edmonton para sa karagdagang impormasyon.

Ang Saklaw ng Alberta Blue Cross para sa mga NakatatandaNagbibigay ng saklaw ng Blue Cross para sa mga Nakatatanda na libreng bayad sa seguro, kasama ang kanilang mga karapat-dapat na sustendado, para sa tukoy na mga benepisyo na may kaugnayan sa kalusugan. Kabilang sa saklaw ay ang mga de-resetang gamot na nakalista sa Listahan ng mga Gamot na may Benepisyo sa Alberta, mga panustos para sa mga may diyabetis na umaasa sa insulin, serbisyo ng ambulansiya, mga serbisyo para sa kliniko sikolohikal, sariling pangangalaga ng maysakit, at mga serbisyo ng manghihilot. Ang mga nakatatanda ay maaaring maging responsable para sa bahagi ng gastos ng itong mga benepisyong kalusugan. Setenta porsiyento ng gastos ng mga de-resetang gamot ay sakop, at ang mga nakatatanda ay magbabayad ng pinakamalaki sa $25 bawat reseta o lamnang muli. Tumawag sa 1-800-661-6995 para sa karagdagang impormasyon.

Mga Programa at mga Serbisyo ng Probinsiya © 2014 Government of AlbertaQuick Facts: Programs and Services for Seniors - Tagalog

Page 3: Tagalog version of the Programs and Services for Seniors Quick

Opisina ng Tagapag-alagang PampublikoNagbibigay ng kapalit na mga pagpipilian para sa paggawa ng mga desisyon para sa mga matatanda na may kakulangan ng kapasidad at hindi marunong gumawa ng mga pansariling desisyon na personal, at hindi pang-pinansyal. Ang Opisina na ito ay nagbibigay din ng impormasyon para sa may kakayahang taga-Alberta tungkol sa personal na mga direktiba sa isang patalaan ng personal na mga direktiba na tiwasay at nasa linya. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag ng walang bayad sa 1-877-427-4525.*

Proteksyon para sa mga Tao sa PangangalagaNagsisiyasat ng mga ulat ng pag-abuso o mga alalahanin tungkol sa kaligtasan na kinasasangkutan ang mga matanda na tumatanggap ng mga serbisyo mula sa mga ahensya na pinondohan ng pamahalaan tulad ng mga tahanan ng pag-aaruga, mga tuluyan, mga ospital at mga tahanan pang-pangkat. Sinuman na naniniwala na ang isang matanda sa nasabing pasilidad ay inabuso dapat i-ulat ang pag-abuso sa Proteksyon para sa mga Tao sa Pangangalaga sa linya para sa pag-uulat sa 1-888-357-9339.* Tumawag sa pulis kung ang matanda ay nasa kagyat na panganib.

Abuso ng NakatatandaItong serye ng mga ahensiya at mga mapagkukunan na mga bahagi ng komunidad ay magagamit sa pagtulong ng mga indibidwal na maghinala na maaring nagaganap ang abuso ng nakatatanda. Tawagan ang Sentro ng Pagtawag para sa Tulong sa Alberta o bisitahin ang website na nakasulat sa ibaba para sa karagdagang impormasyon. Maaari mo ring tawagan ang Linya para sa Impormasyon tungkol sa Karahasan sa Pamilya sa 310-1818.*

Konseho na Pagkokonsultahan para sa Nakatatanda sa AlbertaMga kinatawan na pampook ay responsable para sa pangangalap ng impormasyon at pagbibigay ng payo sa pamahalaan sa mga usapin na may kinalaman sa mga nakatatandang mamamayan. Tumawag sa 780-422-2321* para sa karagdagang impormasyon.

Mga Programa at mga Serbisyo ng ProbinsiyaMga Iba Pa

Sentro ng Pagtawag para sa Tulong

sa Alberta*Walang bayad: 1-877-644-9992

Sa Edmonton: 780-644-9992www.health.alberta.ca

Mga Tanong?

*Isinalin sa 170 na wika

Mga Programa at mga Serbisyo na Pederal

Plano ng Pensiyon ng CanadaBuwanan na bayad para sa mga taong nag-ambag sa Plano ng Pensiyon ng Canada. Ang mga pagbabayad ay maaaring magsimulang kasing aga ng edad 60. Ang benepisyo para sa nakaligtas ay makukuha rin sa programang ito.

Kasiguruhan para sa mga MatatandaBuwanan na bayad para sa mga nakatatanda na may edad na 65 at mas matanda, at na nakatira sa Canada sa pinakamaliit na

10 taon.

Garantisadong Suplemento ng Kita*Buwanan na bayad para sa mga nakatatanda na makatanggap ng Kasiguruhan para sa mga Matatanda at may kaunti o walang ibang kita. Ang Garantisadong Suplemento ng Kita ay idinagdag sa pagbabayad ng Kasiguruhan para sa mga Matatanda.

Ang Rasyon/Rason para sa Taong Naiwan ng NamatayBuwanan na bayad para sa mga taga-Kanada na na may mababang kita na may edad na 60 hanggang 64 na ang asawa o kasama na hindi kasal ay tumatanggap ng Garantisadong Suplemento ng Kita o namatay na.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Serbisyo Canada sa www.servicecanada.gc.ca, o tumawag sa 1-800-277-9914.

Sentro ng Pagtawag para sa Tulong sa Alberta*Walang bayad: 1-877-644-9992 Sa Edmonton: 780-644-9992

www.health.alberta.ca

WebsiteItong nasa linya na mapagkukunan ng impormasyon para sa mga programa at mga serbisyo na magagamit ng mga nakatatanda ng Alberta: www.health.alberta.caSa Alberta, upang ikonekta ng walang bayad sa anumang opisinang pamahalaang Alberta, tumawag sa 310-0000 kasunod ang pangkalawakang kodigo at numero ng telepono ng opisina na nais mong maabot.

Mga Programa ng Pamahalaan ng Canada tungkol sa KitaWalang bayad: 1-800-277-9914

www.servicecanada.gc.ca

SCS0040 (2014/03)Tagalog

Para sa Karagdagang Impormasyon

© 2014 Government of Alberta

Quick Facts: Programs and Services for Seniors - Tagalog