takip ng buhay

2
Takip ng Buhay Cynthia Resurreccion Sa buhay ng tao, may mga bagay na kapansin-pansin at para sa atin ay walang kabuluhan sa ating buhay. Sabi nila’y lahat ng bagay ay may katuturan ngunit hindi ba kahit minsa’y sumagi sa isip ninyo kung bakit may salitang “meaningless”? Mga matang mapagmasid wari’y mundo ay nalibot na. Mga katanungang nabuo sa aking isipan, ito na nga ba ang mga kasagutan na nais kong makamit? Isang bagay ang siyang pumukaw sa natutulog kong isip. Bagay na masasabi kong isa lamang ordinaryong bagay na kadalasan nating nakikita sa paaralan gayuni’y sa iba’t-ibang lugar sa mundong ibabaw na ating ginagalawan. Sa paglilibot ko, ako’y napahinto at binigyang pansin ang isang bagay. Hinintay kong gumalaw o pulutin ito ng sinumang dadaan o makakakita nito. Ngunit walang sinumang nagbigay pansin dito. Hindi ko na mapigilan na ilahad sa inyo kung ano ito. SIgurado ay kating-kati na kayo na malaman, Isang simpleng takip lamang ito ng ballpen. Sabi nila’y sa simpleng ballpen ay maaari kang mamatay. Ito ay isa lamang na eksaherasyon ng mga tao. Ganito iyong, kapag walang ballpen, walang notes. Kapag walang notes, walang pag-aaral. Kapag walang pag-aaral, walang pera. Kapag walang pera, walang pagkain. Kapag walang pagkain, magugutom. Kapag nagutom, papayat. Kapag pumayat, papanget. Kapag pumangit, walang gf/bf. Kapag walang bf/gf, walang asawa. Kapag walang asawa, walang anak. Kapag walang anak, madedepress. Kapag nadepress, magkakasakit. Kapag magkakasakit, mamamatay ka. Kapag namatay ka, wala kana. Kaya, ingatan mo yang ballpen mo. Yan ang ilang biruan ng mga nakararami tungkol sa ballpen. Isa lamang sagabal sa ilan na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na para sa atin ay mahalaga. Itong simpleng ballpen ay maihahalintulad sa nangyayari sa kasalukuyan. Siguro kung pera ito na nagkakahalaga ng isang daang piso ay pupulutin ito ng sinuman sa atin. Hindi ba? Hindi ba’t isang kahibangan na bigyang

Upload: mcl-laguerta

Post on 04-Jan-2016

242 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

article

TRANSCRIPT

Page 1: Takip Ng Buhay

Takip ng BuhayCynthia Resurreccion

Sa buhay ng tao, may mga bagay na kapansin-pansin at para sa atin ay walang kabuluhan sa ating buhay. Sabi nila’y lahat ng bagay ay may katuturan ngunit hindi ba kahit minsa’y sumagi sa isip ninyo kung bakit may salitang “meaningless”?

Mga matang mapagmasid wari’y mundo ay nalibot na. Mga katanungang nabuo sa aking isipan, ito na nga ba ang mga kasagutan na nais kong makamit? Isang bagay ang siyang pumukaw sa natutulog kong isip. Bagay na masasabi kong isa lamang ordinaryong bagay na kadalasan nating nakikita sa paaralan gayuni’y sa iba’t-ibang lugar sa mundong ibabaw na ating ginagalawan. Sa paglilibot ko, ako’y napahinto at binigyang pansin ang isang bagay. Hinintay kong gumalaw o pulutin ito ng sinumang dadaan o makakakita nito. Ngunit walang sinumang nagbigay pansin dito.

Hindi ko na mapigilan na ilahad sa inyo kung ano ito. SIgurado ay kating-kati na kayo na malaman, Isang simpleng takip lamang ito ng ballpen. Sabi nila’y sa simpleng ballpen ay maaari kang mamatay. Ito ay isa lamang na eksaherasyon ng mga tao.

Ganito iyong, kapag walang ballpen, walang notes. Kapag walang notes, walang pag-aaral. Kapag walang pag-aaral, walang pera. Kapag walang pera, walang pagkain. Kapag walang pagkain, magugutom. Kapag nagutom, papayat. Kapag pumayat, papanget. Kapag pumangit, walang gf/bf. Kapag walang bf/gf, walang asawa. Kapag walang asawa, walang anak. Kapag walang anak, madedepress. Kapag nadepress, magkakasakit. Kapag magkakasakit, mamamatay ka. Kapag namatay ka, wala kana. Kaya, ingatan mo yang ballpen mo. Yan ang ilang biruan ng mga nakararami tungkol sa ballpen.

Isa lamang sagabal sa ilan na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na para sa atin ay mahalaga. Itong simpleng ballpen ay maihahalintulad sa nangyayari sa kasalukuyan. Siguro kung pera ito na nagkakahalaga ng isang daang piso ay pupulutin ito ng sinuman sa atin. Hindi ba? Hindi ba’t isang kahibangan na bigyang pansin lamang natin ang mababaw na kahulugan ng malaki o maliit na bagay sa ating mundo?

Tulad sa reyalidad may mga taong hindi binibigyan ng pansin. May mga taong katulad ng takip ng ballpen na pakalat-kalat lamang sa iba’t-ibang lugar. Gayundin may mga tao na hindi natin inaasahan na makikilala at magiging bahagi ng ating buhay. Para yang mismong takip ng ballpen, isang oportunidad sa  atin na pulutin ito lalo na’t ito ay angkop sa nawawalang takip ng ating ballpen. Ganito rin sa ating buhay. May mga bagay o tao na mawawala ngunit may hahalina para punan o takpan ang nawalang bahagi sa ating buhay.

Ang takip ng ballpen ang siyang pumoprotekta sa panulat nito. Sa buhay may mga tao na magtatakip sa butas o punit sa ating imperpektong buhay. Sila ang magsisilbing taga

Page 2: Takip Ng Buhay

protekta sa mga panahon ng kababalaghan. Mga taong siyan magniningning tulad ng mga bituin sa langit.