talababa ng florante't laura (trisha salanatin)

17
TALABABA NG FLORANTE AT LAURA Anak ng Araw- Aurora kung siya’y tagurian. Diana- diyosang anak ni Jupiter at ni Latena; huwaran ng kagandahan at pinopoon ng mga nimfa; maibigin sa pangangaso. Houris- sakdal na mga dalagang nananahan sa Paraisong katha ni Mahomang propeta ng mga Moro. Ang Paraisong ito ang siyang patutunguhan umano ng mga taimtim na tagasunod ng sektang pinamumunuan ni Mahoma.

Upload: trisha-salanatin

Post on 01-Jul-2015

6.410 views

Category:

Education


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

TALABABA NG FLORANTE AT LAURA

Anak ng Araw- Aurora kung siya’y tagurian.

Diana- diyosang anak ni Jupiter at ni Latena; huwaran ng kagandahan at pinopoon ng mga nimfa;

maibigin sa pangangaso.

Houris- sakdal na mga dalagang nananahan sa Paraisong katha ni Mahomang propeta ng mga Moro. Ang

Paraisong ito ang siyang patutunguhan umano ng mga taimtim na tagasunod ng sektang pinamumunuan

ni Mahoma.

Page 2: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

Fama (Pama)- isa itong diyosang nag-aangkin ng isang mataginting na tinig na kung magbalita’y agad

umaabot sa maraming panig; ito ang naglalathala ng baling gawin ng tao at pinakasasamba ng mga

Hentil.

Nayades- mga nimfa sa mga batis at ilog; sinasamba ng mga Hentil na kabilang sa liping pagano.

Venus- diyosa ng pag-ibig at anak nina Venus at Marte

Page 3: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

Cupido- diyos ng pag-ibig at anak nina Venus at Marte

Febo- Bathala ng araw.

ReynaYocasta- ina at asawa ng Haring Edipo ng Tebas; mga magulang ng magkapatid na Eteocles at

Polinice.

Adrasto- hari sa siyudad ng Argos na isa sa malaking sakop ng imperyong Gresya; siya ang tumulong kay

Polinice sa pakikidigma laban kay Eteocles sa pag-aagawan ng magkakapatid sa korona ng ama nilang si

Edipo.

Page 4: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

Edipo -Anak na tunay ni Haring Layo ng Tebas at Reyna Yocasta. Sapagkat ayon sa orakulo ni Apolo ay

ang sanggol na si Edipo sa paglaki ay ang siyang papatay sa sariling ama, paglabas nito ay ibinibigay ito

ng Haring Layo sa isang pastol upang patayin. Nagdalang-awa ang pastol at isinabit na lamang ito nang

patiwarik sa isang punongkahot sa bundok. Sa daraan naman noon ni Forbante na pastol ng Haring

Polivio ng Corinto, kinuha ang umiiyak na sanggol na ipinagkaloob sa Reyna Merope na asawa ng

kanyang panginoong hari. Sapagkat wala rin lamang supling ang mag-asawa, si Edipo’y inari nilang anak

at inandukhang mabuti. Nang lumaki na si Edipo ay napasa-Tebas ito isang araw. Doon din nito

natagpuan at nakaaway hanggang sa mapatay ang Haring Layo na hindi niya nakilalang tunay niyang

ama na pagkuwan pa’y niligawan naman niya at napangasawa ang Reyna Yocasta na siyang tunay naman

niyang ina. Ang nagging mga anak nila ay ang magkapatid na Eteocles at Polinice na nangamatay naman

sa pagbabaka dahil sa pag-aagawan sa korona.

Laura- kasintahan ni Florante

Page 5: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

Pitaco- isa ito sa pitong pantas ng Gresya.

Emir- ito ang gobernador o birey ng Moro.

Ninfas (nimfas)- mga nimfa sa mitolohiyang Griyego at Romano; tumutukoy sa isang pulutong ng mga

bathaluman ng kalikasan na kinakatawan ng magagandang diwatang nananahan sa mga ilog, mga batis,

mga bundok, mga punongkahoy at iba pa, mga diyosa sa tubig, may magagandang tinig gayundin ang

taginting ng kanilang mga lira.

Sirenas- mga ninfang dagat na ayon sa mitolohiyang Griyego at Romano ay pinagkakamatayan ng mga

marino o mandaragat sa mga batuhang baybayin pagkatapos tuksuhin ng kanilang nakararahuyong pag-

aawit.

Page 6: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

Musa- alinman sa siyam na bathaluman o diyosa ng palaalamatang Griyego na namamahala sa panitikan

at mga agham ang espiritu o diwang pumupukaw sa sagimsim o inspirasyon ng isang makata o alagad ng

isang sining.

Segismundo-isang makatang dahil sa kaselanan sa pagsulat ng tula ay bago nang bagong berso.

Page 7: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

Oreadas Ninfas- mga diyosa o bathaluman sa kagubatan na sinasamba ng mga Hentil noong unang

panahon. Sila’y magaganda at malalamig ang mga tinig na angkin.

Harpias- ang mga ito ay mababangis na diyosa ng Hentil., nagsisitahan sa mga pulong kung tawagi’y

Estrofadas at sa mga gubat sa tabi ng ilog Cocito; ang mga katawan nila ay kahawig ng mga ibon;

mukhang mga dalaga, baluktot ang mga kamay, matutulis ang mga kuko, may pakpak paniki at

nakamamatay ang baho ng hininga.

Linceo- hari ng Albania noong panahon ni Florante.

Narciso- isang binatang sakdal ganda at kisig, anak ni Cefisino at ni Lirope; siniphayo niyang lahat ang

mga nimfang sa kanya’y suminta; ayon pa rin sa mitolohiyang Griyego, nang minsang mamalas niya ang

kanyang larawan sa tubig ng isang bukal ay napaibig nang labis sa kanyang sarili’t siya’y nagging isang

bulaklak.

Adonis- isang binatang sakdal din ang ganda; anak sa ligaw ni Haring Cinirro ng Chipre sa anak din nitong

si Mirraha; sinintang labis ni Venus ay nasagupa nito ang isang barako at siya ay sinila.

Page 8: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

Pluto- Isa sa mga diyos ng mga Hentil; ayon sa mga makata ng uanng panahon ay kinilalang hari ng

reyno o kaharian ng impyerno.

Furias- ayon sa makatang Romanong si Vergil, ang mga Furias ay mga diyosa sa impyerno at binubuo ng

tatlong babae; sina Magaera, Tisiphone at Alecto; ang buhok ng mga ito ay parang serpiyente; kung may

ibig silang galiting sinuman, bubunot sila ng isang buhok ng sinuman at ipapasok iyon sa loob ng dibdib

ng taong pinagagalit nang hindi namamalayan; ang tao namang iyon ay pagdidiliman agad ng paningin sa

matinding galit at sasagasa na sa panganib. Ayon naman sa pilosopong Griyegong si Heraclitus, ang mga

Furias ay mga diyosa ng katarungan na kaya itinalaga sa impyerno ay upang sila ang magparusa sa mga

makasalanan sa lupa.

Marte- siya ang diyos ng pagbabaka ng mga Romano na pinangalanan namang “Ares” ng mga Griyego.

Noong una’y siya ang kinikilalang diyos ng pagsasaka na sinasamba kung tagsibol at inaalayan ng mga

Page 9: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

unang bunga ng mga punongkahoy. Nang siya’y kilalanin ng diyos ng digmaan ay nalimutan na ang

kanyang pagiging diyos ng pagsasaka.

Parcas- ito naman ang mga diyosa ng kapalaran at sila’y tatlo rin: si Clotho, ang humahabi ng sinulid ng

buhay, si Lachesis, ang nagtatalaga sa tao ng magiging palad nito at si Atropos, ang pumapatid sa sinulid

ng buhay.

Apolo- anak nina Jupiter at Latena at kapatid na panganay ni Diana; isinilang sa pulo ng Delos; buong

tapang at liksing pumatay sa Serpiyente Piton na nagbibigay sakit sa kanyang ina. Ayon sa mga makata,

si Apolo ang prinsipe ng mga Musa ng mga Pastol at siyang unang namanukala at nagturo ng musika,

tula at panghuhula.

Page 10: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

Aurora- anak ng Araw at ng Buwan. Ayon sa mga makata, itong si Aurora na nagbubukas ng pinto ng

langit pagkaumaga at kung maikabit na ang mga kabayo sa Karwahe ng Araw ay ito rin ang nangunguna

sa paglabas.

Buwitre- isang lubhang malaking ibon na ang kinakain ay pawing bangkay ng hayop; ang pang-amoy ay

masidhi at umaabot hanggang sa layong tatlong legwas.

Arcon- isa ring malaking ibon matakaw at dumaragit ng mga buto ng tupa, aso at iba pang hayop sa

bundok.

Sierpe- ahas o serpyente.

Page 11: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

Basilisco- isang halimaw na ayon sa alamat ay may mukhang kahawig ng sa butiki; umano, ang hininga at

ang kilap ng mata nito ay nakakamatay.

Hiena- isang uri ng hayop sa Africa at Asia; ang mukha nito ay kahawig ng sa lobo, kumakain umano ito

ng laman ng tao.

Page 12: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

Tigre- isang mabangis na hayop na ang mukha’y kahawig ng isang pusa; kumakain umano ito ng laman

ng tao.

Panggabing Ibon- mga ibong malalabo ang mata kung araw, kagaya ng tiktik, kuwago, bahaw, paniki.

Medialuna- ito ang bandila o estandarte ng mga Moro; na may larawan isang kabiyak ng buwan.

Page 13: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

Lira- maaaring ito at kudyapi, alpa o bigwela; ipinansasawaliw ng mga ninfa at mga musa sa kanilang

pag-aawit.

Page 14: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

Alpa- instrumentong pangmusika na may balangkas, ayos trayanggulo, may mga musa sa kanilang pag-

awit.

Berso- tula o kathang may tugma at sukat, isang taludtod ng tula.

Cupido Diyamante- hiyas na karaniwang inilalagay sa noon g mga senora.

Higuera (Higera) –ito’y isa ring, mayabong na punongkahoy na malalapad ang mga dahon. Sapagkat

katulad ng dito’y binabanggit ni Balagtas, nangangahulugang ang mga puno na tinutukoy ay parang baog

o hindi namumunga.

Pica (Pika)- sibat

Page 15: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

Adarga- kalasag o pananggang habilog ang balat

Secta (Sekta)- ang sinasampalatayan ng isa’t isa o ang sinusunod na utos ng kani-kaniyang diyos sa

karaniwang wikang Kastilang culto o religion.

Lei (Ley)- salitang Kastilang ang kahuluga’y “utos” o “batas”.

Cipres- isang uri ng punongkahoy sa bundok ; tuwid, malaki at malilim ang tubo; ang mga sanga’y

paitaas na lahat ang ayos, kayat hugis puso ang buong anyo. Noong unang panaho’y karaniwan nang

ang mga tao’s nagtitirik ng mayayabong na mga sanga nito sa libingan ng kanilang yumaong mga mahal

sa buhay, kayat tinagurian tuloy itong punongkahoy ng mga patay.

Page 16: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

Atenas- balitang siyudad sa Gresya na batis o bukal ng karunungan at katapangan, itinindig ito ng haring

Cecrops ng Attica.

Mahal na Batis- dito nananahan ang mga Nayades; itinuturing na sagrado o banal at iginagalang ng mga

mapaniwalang mga Hentil.

Beata- isang ilog sa Pandacan noon, ngunit ngayon ay isang maliit na kanal

Hilom- isang batis

Reynong Albania- isa ito sa malalaking siyudad sa impyerno ng Gresya

Crotona-isang siyudad sa Gresya Mayor sa may dakong Italya; malapit sa dagat ng Tarante, bayan ng ina

ni Florante; ang luwang ng muralya ay dalawang libong hakbang.

Page 17: Talababa ng florante't Laura (Trisha Salanatin)

Averno- sa mitolohiyang Romano ay ito ang tinatawag na Hades o impyerno

Cocito- isang ilog sa Epiro, purok ng Albania; ayon sa mga makata ay isa sa mga apat na ilog sa impyerno,

kaya may kamandag ang tubig.

Trisha M. Salanatin VIII-ATHENS