talaban sa pagtuturo ng sining at disenyo sa baitang 12 ... · pdf file•...
TRANSCRIPT
“Talaban sa Pagtuturo ng Sining at
Disenyo sa Baitang 12: Ilang
Panukalang Estratehiya at Kritikal na
Lente”
Jonathan Vergara Geronimo
University of Santo Tomas
Daloy ng Pagtalakay
• Nilalaman ng Track-based na
kurikulum sa Filipino (Sining at
Disenyo)
• Kritika sa track-based na kurikulum
(Sining at Disenyo)
• Panukalang estratehiya sa pagtuturo
• Pagbubuo ng modelo ng “talaban” sa
pagtuturo ng Sining at Disenyo
Deskripsyon ng kurso
• Pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulating lilinang sa mga kakayahang
magpahayag tungo sa mabisa,
mapanuri, at masinop na pagsusulat
sa piniling larangan
Pamantayang Pangnilalaman
• Nauunawaan ang kalikasan, layunin at
paraan ng iba’t ibang anyo ng sulating
ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang
larangan
Pamantayan sa Pagganap
• Nakabubuo ng
• malikhaing portfolio (akademik)
• pahayagang pang-isports (sports)
• magasing pansining o pandisenyo
(sining at disenyo)
• manwal (tek-bok)
Gramatika
• Paggamit ng mga kasanayang
komunikatibo (linggwistik,
sosyolinggwistik, diskorsal at
istratedyik)
AKADEMIK SINING AT DISENYO
talumpati
katitikan ng pulong
posisyong papel
replektibong sanaysay
agenda
pictorial essay
lakbay-sanaysay
abstrak
sintesis/buod
bionote
panukalang proyekto
Sulatin sa kulturang popular, sining
panteatro, sining biswal, pagdidisenyo
ng istruktura
TECH VOC ISPORTS
dokumentasyon sa paggawa ng isang
bagay/produkto
naratibong ulat
paunawa/babala/anunsyo
menu ng pagkain
Sanaysay, rebyu at kritika sa iba’t
ibang ulat, balita o aktwal na laro
Kritika
• Hindi naglilinaw ng tiyak na probisyon ukol
sa pananaw at tunguhin na nakasalig sa
agenda ng isang makabayang edukasyon
• Hindi nakasalig sa kasalukuyang
kalagayan at karanasan ng edukasyon sa
Pilipinas
• Hindi nakatahi ang kurikulum ng Senior
High School sa magiging tunguhin at
programa ng mga mag-aaral hanggang
kolehiyo (silbi ng track-based?)
• Kulang sa matalinong pagpili ng mga
paksa at lohika sa paglalatag ng mga
ito sa Sining at Disenyo
• Mga anyo ng sulatin ang tuon ng lahat
ng larangan samantalang naiba ang
latag sa Sining at Disenyo na
nakabatay sa mga genre at tipo.
• Hindi nililinaw ang kurikulum sa iba’t
ibang larangan kung paano ito
magiging kapaki-pakinabang sa
potensiyal at pangangailangan ng
bayan
Alternatibo
• Ilinaw ang pananaw at tunguhing
pambansa sa praktika ng pagtuturo salig
sa karanasan/kalagayan ng edukasyon sa
Pilipinas
• Kailangang magamit ang wika sa matalino
at makabuluhang diskursong pang-
ekonomiya, pampolitika at pangkultura ng
bansa bilang salalayan sa pag-unawa ng
sining at disenyong Pilipino
• Gawing praktikal, awtentiko at
makapanlipunan ang mga gawain
upang mapalalim ang nasyonalismo at
pagpapahalaga bilang kasapi ng
komunidad, ng bansa at ng daigdig
• Gamitin ang paaralan bilang espasyo
ng pag-unawa sa lipunan at ang lipunan
bilang laboratoryo ng karunungan at
pagkilos
Pagkalahatang punto sa pagtuturo ng
kursong “Pagsulat sa Sining at Disenyo”
• Nabibigyang-kahulugan ang mga susing
konsepto ukol sa tiyak na sining at disenyo
• Nakapagsusuri at nakasusulat ng papel
sa isang tiyak na sining at disenyo gamit
ang isang kritikal na lente
• Napahahalagahan ang isang tiyak na
sining at disenyo batay sa Pilipinong
karanasan at konteksto
Ilang Panukalang Estratehiya
• Pangkalahatang Paksa:
Batayang kaalaman sa sining at disenyo
Pagpapakahulugan: mga konsepto sa pag-
unawa ng gramatikang biswal at pagwiwikang
pansining, batayang elemento at prinsipyo ng
disenyo, tradisyon ng paglikha sa bansa
• Diin sa pagsusuri :
Ang pagka-Pilipino sa likhang sining at disenyo
• Pagpapahalaga: TULARAWAN (Photo
Poetry)
• Pangkalahatang Paksa: Sulatin sa
Kulturang Popular
• Pagpapakahulugan: pagkonsumo sa sining
at disenyo, ideolohiyang ipinapalaganap ng
mga mga akdang popular, paraan ng
pagbasa sa kulturang popular
• Diin sa pagsusuri :
• Ugnayang kapital, sining at kultura sa
pambansang karanasan
• Pagpapahalaga:
Dokumentaryo/Kritik/Pangkulturang
pagtatanghal
• Pangkalahatang Paksa: Sining Panteatro
• Pagpapakahulugan: mga gawain at
kumbensiyon sa teatro, uri ng pagtatanghal,
mga elemento ng pagtatanghal, pagsusuri at
pagsulat para sa teatro
• Diin sa pagsusuri:
• Tradisyon at historikal na pagsulong ng
pagtatanghal sa Pilipinas
• Pagpapahalaga:
Dokumentaryo/Kritik/Rebyu/CosPinoy
• Pangkalahatang Paksa: Sining Biswal
• Pagpapakahulugan: mga anyo at paraan
ng pagpapakahulugan/pagbuo ng sining
biswal
• Diin sa pagsusuri :
• historikal na konteksto ng komiks, tradisyong
grapiko at biswal sa bansa, politikal na
komentaryo sa editoryal na kartun
• Pagpapahalaga: Paggawa ng isang anyo ng
sining biswal /Eksibit ng mga likhang sining
biswal
• Pangkalahatang Paksa: Pagdidisenyo ng
Istruktura
• Pagpapakahulugan: Iba’t ibang istrukturang
arkitektural, mga uri ng disenyong arkitektural
• Diin sa pagsusuri : karanasang kolonyal sa
istruktura, katutubong panlasa sa istrukturang
arkitektural at pagwiwika ng mga espasyo
• Pagpapahalaga: Paggawa ng blueprint ng
disenyong arkitektural /Kritikal na sanaysay
ukol sa pambansang istruktura
Panukalang Daloy ng Talakayan
• Engage – pag-uugnay ng dating iskema ukol sa
kasalukuyang aralin
• Explore - unang patikim o panghihikayat
• Explain - inilalahad ang mismong aralin at
ginagalugad dito ang mga ideyang magkikintal ng
mahahalagang kaisipan sa mga mag-aaral.
• Elaborate – pagpapalalim ng aralin sa pamamagitan
ng mga kolaboratibo at indibidwal na pagsisiyasat
• Evaluate – pagtataya sa natutuhan ng mga mag-
aaral
• Extend – pagpapahalaga at paglalapat sa aktwal na
karanasan
PAGPAPAKAHULUGAN
• Kaligirang tradisyon at kasaysayan
• Produksyon ng kulturang popular
• Pormula/katangian bilang sining
Pormula ng Novelty Songs
bilang Sining
• adaptasyon sa mga tulansangan (tulang
panlasansangan na karaniwang nalilikha ng mga bata
sa kanilang paglalaro)
• paghalaw sa pang-araw-araw na karanasan
• tematikong pag-angkop sa okasyon at popular na
palabas
• imbentong paraan ng pagpapahayag
• paglalapat sa isang paulit-ulit na hakbang sa
pagsasayaw
• parodiya o panggagaya sa isang sikat na awitin o
pangyayari.
PAGSUSURI
• Sa pag-aaral ni Michael Francis Andrada
(2007), natuklasan na ginamit at binago
ang mga tulansangan ng mga kabataan
sa proseso ng komodipikasyon at
monopolyong kapital upang patingkarin
ang aspektong seksuwal sa awitin at
gawing pornograpiko ang mga
tulansangan.
• Samantala, pornograpiko naman, ayon pa
rin kay Andrada, ang pagpapakete sa
awiting “Bulaklak” kasama ang sexy group
na Viva Hot Babes sa paglalapat nito ng
sensuwal na sayaw at pagsusuot ng
pinakamanipis na bikini sa pagtatanghal.
Pagsulat ng Kritikal na Papel • 1. Tukuyin ang mga literal at denotatibong
paksa/kahulugan ng kanta.
• 2. Pagsusuri sa ginamit na media para
itanghal ang kanta, lawak ng popularisasyon at
tagatangkilik nito.
• 3. Palitawin ang iba’t ibang diskurso sa
produksiyon ng novelty songs gaya ng
pinaghanguang konsepto, gamit ng wika, mga
kasangkot sa pagtatanghal (prodyuser at
artista) at paraan ng pagtatanghal
• 4. Pagpapalitaw sa nakatagong konotatibong
kahulugan at konteksto.
PAGPAPAHALAGA
• Paano aagawin ang kapangyarihang
ipinapataw ng mga kapitalista sa
pagpapakete ng tulansangan?
• Paano magagamit ang espasyo ng
lansangan bilang tagapaghubog ng
pambansang aspirasyon at
kamalayan?
Output
• Mag-organisa ng isang
pangkulturang pagtatanghal na
nagtatampok sa mga orihinal na
likhang novelty songs na tumatalakay
sa mga suliraning kinahaharap sa
pang-araw-araw na buhay ng mga
Pilipino