tamang gamit ng kayamanan

20
Tamang Gamit ng Kayamanan James 5:1-6

Upload: nely-shih

Post on 04-Mar-2016

345 views

Category:

Documents


6 download

DESCRIPTION

Faith that Works 4: Tamang gamit ng Kayamanan

TRANSCRIPT

Page 1: Tamang Gamit ng Kayamanan

Tamang Gamit ng

Kayamanan

James 5:1-6

Page 2: Tamang Gamit ng Kayamanan

Sino ang humahawak ng inyong gastusin nung ikaw

ay lumalaki? Anong ugali ang nakita mo sa mga

magulang mo sa gamit ng pera.

Bilang Kristiyano, nais ng Diyos na buhay at

gumagana ang iyong pananampalataya. Walang

gamit ang patay na pananampalataya.

Isang SUKATAN ng buhay na pananampalataya ay

ay ang paggamit ng kayamanan. Iyan ang

matutunghayan natin na binigyan pansin ni James sa

kapitulo 5:1-6 na ating binasa. Kapag sinabing

kayaman, hindi lamang natin pinatutungkulan ang

salapi. Ang time at talent natin ay kasama sa

kayamanan. Ang kayamanan ay hindi labas sa

spiritual development natin kundi kasama. Sa gamit

nga ng kayamanan nasusukat ang spiritual maturity

level ng mga believers. Ginamit mismo nang

Panginoong Jesu Cristo na panukat ang pagbibigay

nang ituro niya sa kanyang mga alagad ang mahirap

na babaing balo ang siyang may pinakamalaki ang

ibinigay kaysa sa mga mayaman (Mark 12:43).

Rick Warren says…..God is not opposed to wealth,

but is opposed to the misuse of wealth. Hindi tutol

Page 3: Tamang Gamit ng Kayamanan

ang Diyos sa kayamanan, tutol ang Diyos sa maling

gamit ng kayamanan.

The fact is during the time of Jesus, dalawa lamang

ang klase ng mga tao…the haves and the have nots.

No middle class. Marami rin mayaman sa mga Bible

characters nuon gaya ni Abraham, David, Solomon,

Lazarus. Martha, Zaccheus. So, hindi isyu sa Diyos

kung sino ang mayaman at mahirap. Ang isyu sa

Diyos ay kung paano ginagamit ang kayamanan

ibinigay sa kanila.

Nagalit si James sa ating teksto sapagkat maging

mga Kristiyano man ay gumagawa rin ng taliwas sa

tamang gamit ng kayamanan. Ganito ang sinasabi ni

James sa teksto natin binasa tungkol sa….

MALING GAMIT NG KAYAMANAN

1. Pag hoard (Tago) ng kayamanan

Sinabi ni James…“Your gold and silver are corroded.

Their corrosion will testify against you and eat your

flesh like fire. You have hoarded wealth in the last

days.”-5:3

Page 4: Tamang Gamit ng Kayamanan

“Your wealth has rotted, and moths have eaten your

clothes.”- 5:2

Ano ba ang hoarding? Ang hoarding ay stockpiling,

hindi ito saving. Ito ay tipon ng tipon ng tipon for

the sake of magtipon lamang. Walang layunin liban

sa mag stockpile ng kayamanan o ano man. Akala

natin, karaniwan ay mayayaman lamang ang mahilig

mag stockpile o mag hoard. May mahirap din nag-

ho-hoard sapagkat isang street beggar sa U.S. ang

namumulot lamang ng tira tira sa mga restaurant at

namamalimos sa siyudad para mabuhay. Nakatira

siya sa isang maliit na shack (barong barong type).

Isang araw namatay siya. Pinapunta ng social

welfare ang city morgue department para ilibing ang

bangkay niya sapagkat walang kilalang kamag-anak.

Ang department of sanitation ay pinapunta rin upang

linisin ang lugar na tinutuluyan. Nadiskubre nila sa

ilalim ng kanyang mattress na tinutulugan ay

maraming nakasabog na pera. Halata na itinambak

lamang iyon duon. Ipinalagay na ang mga nalimos

niya ay isinisiksik lamang niya sa ilalim ng mattress.

Nang bilangin nila, umabot sa isang milyong dolyar

ang kanyang naisiksik duon. Nasanay na lamang siya

sa ganuon buhay. Kung iisipin sapat na para makabili

siya ing bahay, kotse, at iba pa para maging maayos

Page 5: Tamang Gamit ng Kayamanan

ang buhay niya. Nag stock pile lamang siya at hindi

naman nagamit ito. Ito ang pinuna ni James laban sa

ibang mga Kristiyano na nag-ho-hoard ng

kayamanan.

Anong uri ng kayamanan ang ini-stockpile natin?

Maaalala si Imelda Marcos na napakaraming sapatos.

Ang average sa atin maaari ay may tatlo o apat na

sapatos for different use. Rubber para sa lakaran at

rugged na gawain o sports o trabaho. Me balat para

sa formal nalakad. Me plastic shoes para sa baha.

Pero 20,30 50 shoes? Ang iba naman pera, damit, at

kung ano-ano pa. Meron naman ay nag stockfile ng

kaalaman tungkol sa Diyos, ngunit hindi naman

ginagamit ang pinag-aralan. Pahayag ng Biblia na be

doers of the Word , not hearers only. Kayamanan

ang salita ng Diyos na kailangan gamitin. Marami

ang ganyang Kristiyano. Ito ang maling paggamit ng

kayamanan. Are you a hoarder of wealth?

2. Pagnanakaw ng kayamanan (James 5:4a)

Paano tayo nagnanakaw ng kayamanan? Ganito sabi

pinuna ni James sa mga Kristiyano na nanlalamang

sa kapwa sa kanilang panahon…“Look! The wages

Page 6: Tamang Gamit ng Kayamanan

you failed to pay the workers who mowed your fields

are crying out against you..”-v.4a

Ito man ay nangyayari rin sa

ngayon. Ilan mga employers

ang nagnanakaw sa kanilang

mga empleyado sa

pandaraya sa kanilang

pasuweldo at kupit sa

benefits. Ilan mga

businessman ang

nagbebenta ng kanilang

produkto at nag-o-overcharge. Sa Quiapo,Maynila,

maraming vendors duon na mura ang presyo ng

prutas na paninda ngunit bawas naman sa timbang.

Mga nagpapautang na napakalaki ng patong. May

mga workers naman na nagnanakaw ng oras o

panahon. Mahaba pa ang break time kaysa sa

aktuwal na tinarabaho at tapos magfile pa ng-

overtime pa, pero tulog naman habang binabayaran

nang kompanya. Mga cleaners na hindi polido ang

trabaho ay nagnanakaw sa pandaraya. Mga

mangungutang na ayaw magbayad. Isang Filipinang

ang umutang sapagkat nais ipalaglag ang bata na

nasa sinapupunan nito sapagkat ayaw sagutin ng

Page 7: Tamang Gamit ng Kayamanan

boyfriend ang kanilang ginawang bata. May asawa sa

Pilipinas ang babae. Nahiram pa daw ang kaniyang

laptop at ayaw isauli. Sa Chungshan Pai Lu

downtown ay natiempuhan ang abusadong

mangungutang at itinuro ng nagpautang sa Pulis.

Nahuli at nakulong sa Sanshia ang Pinay na iyon ng

ilang buwan bago pinauwi. Kung titignan talaga ang

abusadong Pilipina, ano ang mga ninakaw niya?

Ninakaw niya ang tiwala ng asawa at anak sa

Pilipinas. Nagnakaw siya ng iligal na aliw at gayun

din naman ang irresponsableng niyang boyfriend at

inutang pa ang buhay ng sanggol. Sa hindi

pagbabayad ay ninakaw niya ang hiniram na salapi.

What wealth are we stealing?

3. Pagsasayang ng kayamanan (James 5:5a)

Paano natin sinasayang ang kayamanan? Ganito

ang puna ni James…“You have lived on earth in

luxury and self-indulgence.” -v.5a

Bumibili ng mga bagay na hindi kailangan gaya ng

mga marangya (luxury) items. Labis na

entertainment o kaaliwan. Nagtatapon ng salapi sa

sugal at iba pang bisyo na nakasisira pa sa

kalusugan at nakakasama pa sa trabaho. Mga bisyo

na hindi naman kailangan at nakadadagdag pa ng

Page 8: Tamang Gamit ng Kayamanan

problema sa buhay. Naalala ko ang nanay ko kung

ipatalo ang padala ng tatay ko sa sugal ng majhong

nuon. Me mga magulang na itinataya ang pera sa

pagkain ng anak sa sugal sa pag-aakalang tatama.

Ang iba naman, sinasayang ang panahon. Mga taong

nagsasayang ng panahon o oras. Ginagamit ang

panahon na ipinagkatiwala ng Diyos sa mga walang

halagang bagay o walang kahuhulugang bagay. Sa

mga malabis o sobrang entertainment. Mga bagay

na nagdadala pa ng kapahamakan sa buhay. Mga

bata na nalululong sa gameboy o palaro sa computer

na nakakasira sa tutuong pag-aaral. Nauubos ang

panahon sa maling bisyo at hindi naman tinutuwid

ng magulang. Ang tatay ng misis ko, matapos

makilala si Jesus at nalalapit nang mamatay ay

nanghinayang sa panahon kung bakit daw ba hindi

pa niya nakilala ang Panginoong Jesus nuong bata-

bata pa siya. Maraming mga Kristiyanong sinasayang

ang panahon sa tsismis, imbes na mangaral. Ang

tawag ni Pablo sa mga Kristiyanong nagsasayang ng

panahon ay busy bodies. Mga nakiki-alam sa mga

bagay na wala naman silang paki-alam. Yung dapat

nilang paki-alaman ay hindi naman pinakiki-alaman.

Nagugulo tuloy ang gawain imbes na makatulong.

Kung wala kang alam sa isang bagay, huwag mong

Page 9: Tamang Gamit ng Kayamanan

paki-alaman. I-refer mo na lang sa may kinalaman

at may magagawa. That way na-save ang time mo

at na-save ang panahon ng mga taong may

problema. Isipin mabuti kung paano at saan

ginagamit ang panahon na ipinagkatiwala sa atin ng

Diyos.

Mabuti gamitin ang panahon sa layunin ng Diyos na

nagdadala ng pagpapala sa sarili at sa kapwa at

napupuri ang Diyos. Ang mga kasalanan ng mga

Kristiyano nuon sa unang iglesya ay pinuna ni

James. Naubos ang panahon nila sa pagpapasasa sa

sarili imbes na tuparin ang layunin ng Diyos sa

tamang gamit ng panahon at kayamanan. Ikaw ba

ay nagsasayang ng kayamanan kaloob ng Diyos?

4. Pag-aabuso ng kayamanan (James 5:6)

Paano inaabuso ang kayamanan? Galit na inatake ni

James ang mga abusadong mayayaman na

ginagamit ang kayamanan laban sa mga walang

kakayahan. Sabi ni James…“You have condemned

and murdered the innocent one, who was not

opposing you.”-v.6

Kung nangyayari ito nuon ay lalo pa nga sa ngayon.

Ilan kaso sa Pilipinas ang na-agrabyado ang

Page 10: Tamang Gamit ng Kayamanan

mahihirap o walang kakayahan sapagkat malakas

ang kalaban. Mayaman sila at nabibili ang husgado

at pinakamagagaling na lawyer. Mga naglalagay o

bribery para makalusot. Hindi lamang salapi ang

ginagamit. May ilan na ang sariling kapurihan o

moralidad ay ginagamit upang makamtan lamang

ang panglalamang sa kapwa o paikutin ang batas.

Ikaw ba ay nag-struggle sa alin man sa nasabing

maling gamit ng kayamanan? Ngayaon, ano naman

ang …

TAMANG GAMIT NG KAYAMANAN

1. MATAPAT NA PAG-SE-SAVE (PROV. 21:20

LB)

“The wise man saves for the future, but the foolish

man spends whatever he gets.” –Prov. 21:20 LB

Huwag mag hoard, MAG-SAVE ng kayamanan.

Paano mag-save?

Matuto mabuhay sa margin. Marami ay

nabubuhay higit sa kanilang kinikita. Nag pla-plano

silang gumasta ng higit pa sa kakayanan ng

kanilang budget. Gawin gumasta lamang na

mababa kaysa sa iyong kinikita. Puede mong I-

Page 11: Tamang Gamit ng Kayamanan

implement mo ang 80-10-10 plan. Ang ibig sabihin

nito ay mabuhay ka sa 80 percent ng iyong

kinikita. Ten percent ay i-save. Ten percent ay

ibigay sa gawain ng Panginoon.

Matutuo na maging kontento- Hindi natin

kailangan ang pinaka-latest sa mga bagay bagay.

Hindi natin kailangan ang the best sa mga

kailangan. Bakit bibili ng imported kaysa local?

Bakit kailangan ng branded? Maaaring may dahilan

kung mas durable at tatagal ok, pero kung pareho

lamang at ang dahilan ay pang porma lamang,

saliwa ito sa tamang gamit. Ang kapatid ko

nakakabili ng branded. Tanong ko kung saan niya

nakukuha ang mga branded clothes niya. Sagot

niya sa “ukay-ukay.” Durable pero mura.

Huwag humiran ng salapi kung hindi absolutely

kailangan. Huwag gumamit ng credit card kung

hindi sadyang kailangan. Ang iba kapag nakakuha

ng credit card..ayun..up to the limit ang credit.

Alalahanin na hindi rin tayo nag-se-save to be

secure. Our security is God.

Ang dahilan kung bakit ang mga Kristiyano ay nag-

sa-save ayon kay Rick Warren ay…

Page 12: Tamang Gamit ng Kayamanan

*Pinipigil tayong magsayang ng kayamanan (sa

mga walang gamit na bagay)

* Nagbibigay ng reserba sa oras na kailangan.

*Hinahayaan mong gumawa ang savings mo para

sa iyo. Iyong itinatabi mong pera ay may interest

na kinikita. Yung savings mo ay puedeng ipagpalit

sa mga kumikitang investment. Ang iba,para

huwag tablan o ma-apektuhan ng inflation ang

kanilang savings sa bangko ay ipinagpapalit ito sa

ginto o alahas o real property na hindi

naapektuhan ng pagbaba ng value ng salapi

bagkus ay tumataas ang halaga kapag may

inflation. Ang inflation ay pagbaba ng buying power

ng salapi gawa ng pagtaas ng bilihin. Kung gusto

mong tumaas ang value ng savings mo, ipagpalit

mo sa mga bagay na hindi na-aapektuhan ng

inflation. That way, kahit nagtratrabaho ka ay

tumataas ang value ng iyong mga savings, reserba

mo para sa sa araw ng tutuong pangangailangan.

2. PAGAWA NG KAYAMANAN SA MARANGAL

NA PARAAN (PS. 13:11 LB) (PROV. 14:23)

Tama ang gumawa ng kayaman, ngunit nararapat

sa marangal na paraan. Sinabi sa Biblia….

Page 13: Tamang Gamit ng Kayamanan

“wealth from gambling quickly disappears; wealth

from hard work grows”(Prov. 13:11 LB)

“ all hard works brings profit, but mere talk leads

only to poverty”(Prov. 14:23 NIV)

Apat na Kondisyon para kumita ng

kayamanan ayon sa pag-aaral ni kay Rick Warren.

Seguruhin na…

(1) Hindi makakasama sa iyong kalusugan

(Prov. 23:4) “Do not wear yourself out to get rich;

do not trust your own cleverness.” Ang physical na

kalusugan mo ang may prioridad kaysa sa

kayamanan. Aanuhin mo ang kayamanan kung

patay ka naman? Seguruhin na..

(2) Hindi makasasama sa iyong pamilya.

Seguruhin mo na hindi magdadala ng trouble sa

iyong pamilya. Kung ang trabaho mo ay nagdadala

na masamang epekto sa iyong pamilya ay gawan

mo ng aksyon. Prioridad mo na bigyan ng pansin

mauna ang kalusugan ng iyong pamilya. Kailangan,

bigyan mo ng ganap na pansin ang epekto nang

iyong trabaho sa pamilya. Kung happy sila at

nailalapit mo sila sa Diyos…good…ngunit kung

nahihirapan sila at nasisira ang inyong pamilya

dala ng iyong trabaho…maybe time to pray and re-

Page 14: Tamang Gamit ng Kayamanan

think ang situation mo at pag-aralan paano mai-

adjust ang lahat by God’s grace and wisdom.

Seguruhin na…

(3) Hindi makasasama sa ibang tao (Prov.

16:8)

Sa buhay ng marami, dog eat dog philosophy ang

kanilang motto. Bahala na makasagasa o

makadagan ng ibang tao, basta’t mailigtas o

umansenso ang sarili. Ang sabi ng Biblia…

“Better a little with righteousness than much gain

with injustice.”

Ibig sabihin, di bale maliit ang kita mo basta’t nasa

katuwiran at walang nasasagasaan kaysa sa

gumana ka nga ng malaki…isinusumpa ka naman

ng kapwa mo. Naalala ko ang magkaibigan na

halos magbugbugan na..dahil sa business na

pinasok nilang dalawa. Nagsilipan sila kung

magkano ang kinikita ng isa’t isa..hanggang sa

mag kuwestiyunan…at tuloy nagkasira na ang

pagkaka-ibigan. Aanhin mo ang malaking kita kung

nasira ang pagsasama. Seguruhin din na….

(4) Hindi makasasama sa iyong spirituwal na

buhay. Kung ang pagpapayaman mo ay

makasisira sa iyong spiritual life ay hindi ugma sa

Page 15: Tamang Gamit ng Kayamanan

layunin ng Diyos. Kung sa pagpapayaman mo ay

makakalimot ka naman sa Diyos at napapa-ibig ka

na sa salapi at ipinagpapalit mo na ang Diyos mo,

iyan ay spiritual disaster. Ang sinasabi ng biblia

ay…

“Beloved, I pray that in all respects you may

prosper and be in good health, just as your soul

prospers.”- (3 Juan 2 NASB).

Ok umasenso sa physical huwag lamang bumagsak

sa spiritual. Seguruhin na…

Sinabi ni Rick Warren na kailangan Tantuhin natin

ang mga sumusunod:

1. Pag-aari ng Diyos ang lahat lahat. Alam natin na

ang buong buhay natin ay sa Diyos, kaya ano man

ang meron tayo ay galling sa Diyos. Ano man ang

gawin natin o makamtan natin ay sa Diyos pa rin.

2. Pinagtiwalaan tayo ng kayamanan gaya ng mga

spiritual at physical resources, abilidad, panahon.

Gagamitin ito naayon sa kanyang paraan at

kalooban. Kaya nga tinatanong muna natin siya

pamamagitan ng pag konsulta sa Biblia at sa

panalangin at sa iglesia bago umarya. Bakit?

Page 16: Tamang Gamit ng Kayamanan

3. Mananagot tayo sa Diyos kung hindi ayon sa

paggamit na kanyang pinahayag sa atin ang

ginagawa o gagawin. Ito ay sapagkat…

4. Bawat pinansiyal na desisyon ay spiritual na

desisyon. Hindi hiwalay ang pinansiyal na lakad

natin sa spirituwal na relasyon sa Diyos. Kung

gusto mong kumita nang kayamanan.. mayroon….

3. GUMASTOS NG MAY KARUNUNGAN

(PROV. 21:5)

Paano? The Bible says…“The plans of the diligent

lead to profit as surely as haste leads to

poverty.”

You need to plan and allocate your asset. Kapag

hindi pinag-iisipan ang budget… dadako ito sa

kahirapan. Tanungin mo…Where do you allocate

your asset? Food, clothing, shelter, children’s

education, communications. Yung di kailangan

gastusin ay alisin. I-prioritize at turuan ang mga

anak na ilimit lamang sa kinikita ang gastusin.

Paano, ilista mo ang pinagkakagastusan mo sa

isang buwan at i-classify mo ang kaialngan sa

hindi kailangan. Sa mga kailangang gastusin, alin

ang puedeng bawasan o palitan. Segurhin na…

Page 17: Tamang Gamit ng Kayamanan

4. PAGIGING MAPAGBIGAY (PROV. 11:24-

25 LB) (1 Cor. 16:2 LB)

Ang kayamanan at paggamit nito ay spiritual na

bagay una sa lahat. Hindi ito pinansiyal na bagay.

Love is behind all of our spiritual actions.

Ang pagiging mapagbigay ay isa sa karakter ng

pagiging tutuo sa Diyos sapagkat ang Diyos ay

mapagbigay-kaya spiritual ang maging

mapagbigay. Sa Diyos galing ang lahat at

tinuturuan lamang tayong maging kagaya niya.

Sinabi sa Cronica…

“…Everything comes from you, and we have

given you only what comes from your hand.”- 1

Chronicles 29:14b

Ang ibig sabihin ay wala naman talaga galing sa

atin sapagkat lahat ng meron tayo ay galling sa

Diyos. Kaya kung ano man ang ibalik mo sa

Panginoon ay sa kanya rin naman.So, walang

utang na loob sa atin ang Diyos kung magbigay

tayo sa kanya. Tayo ang may utang na loob sa

Diyos at kung pagbabayarin tayo ay hindi

kakayaning magbayad. Miski ikaw pa ay kagaya

Page 18: Tamang Gamit ng Kayamanan

ni Buffet, ni Rockefeller, ni Bill Gates…pagsama-

samahin mo pa ang lahat ng kayamanan ng tao

sa lupa ay katiting lang iyon at galing din sa

Diyos. Binibigyan tayo ng Diyos ng pagkakataon

na maging kagaya niya sa ugali ng pagbibigay…

Pinahayag ng Diyos ang isa pang prinsipyo…

…“One man gives freely, yet gains even more;

another withholds unduly, but comes to poverty.

A generous man will prosper; he who refreshes

others will himself be refreshed.”

Uunlad ang mapagbigay, yung hindi marunong

magbigay ay uurong sa kahirapan. Natural kasi

ang mga mapagbigay ay tatanggap din. Ang

ayaw magbigay ay walang tatanggapin alinsunod

sa what you sow is what you reap principle.

Nagtanim ka ng katamaran, aani ka ng gutom.

Nagtanim ka ng kabutihan, aani ka rin ng

kabutihan. Nagtanim ka ng kasipagan, aani ka ng

masagana. Ano ang iyong itinatanim?

Para sa gawain niya sa iglesya, ang admonisyon

ng Diyos ay ipinahayag ni Apostol Pablo…

“On the first day of every week, each one of you

should set aside a sum of money in keeping with

Page 19: Tamang Gamit ng Kayamanan

his income, saving it up, so that when I come no

collections will have to be made.”-1 Cor. 16:2

Ito rin ang isa sa dahilan kung bakit ka pinag-se-

save ng Diyos upang makibahagi sa gawain niya

sa church at kaharian Niya. Isinet nang

Panginoon ang tithing para me guide ang mga

believers upang magkaroon ng opportunity na

maging mature spiritually. Pribilihiyo mo na na

patunayan anak ka Niya at kabilang ka sa

kanyang kaharian. Hindi tayo pinipilit. Binibigyan

ka na opportunidad na patunayan mo ang iyong

sampalataya. Ikaw na rin ang makapagsasabi

kung hinog ka na sa faith mo o bubot pa lang.

Kaya yung margin planning sa budgeting na 80

by 10 by 10 ay me sense na i-apply o gawin.

Kung susumahin, 90 % ang total sa iyo,

sampung parte lamang ang nais ng Diyos na

patotohanan mo kung tiwala ka sa Kanya. Nasasa

iyo at sa Kanya iyan. Wala sa pastor, church

leaders o sa ibang miembro. Kaya nga finance

officer man ay hindi alam kung sino sino ang

nagbibigay sapagkat nasa envelop ay number

lamang. Of course me record din equivalent sa

pangalan for report purpose. Pero siya lamang

Page 20: Tamang Gamit ng Kayamanan

meron nuon. God’s promise is sure to those who

are generous…Malachi 3:10.

Mapagbigay ka ba?

MANALANGIN TAYO: Panginoong Diyos kay

Cristo, salamat pos a iyong pahayag. Tulungan

mo kaming matutuo na gumamit ng iyong

kayamanang ipinagkatiwala sa amin. Tulungan

mo kaming iwasan ang mga maling paggamit ng

iyong kayamanan. Sa pangalan ni Jesu Cristo.

Amen.