tapat vol 1 no 21

8
- Pahina 3 TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY DISYEMBRE 3-9, 2013 VOL 1 NO 20 www.tapatnews.com @tapatnews /tapatnews [email protected] Ilang grupo ang nagprotesta sa harap ng tanggapan ng Ombudsman upang himukin ang madaliang pagpapanagot sa mga sangkot sa pork barrel scam. [Photo credit: Delmar Topinio Taclibon] Nagtipon ang ilang mambabatas at mga empleyado para sa pagtatalaga ng Kongreso kay Maria noong Nobyembre 27. PNOY SABIT DIN SA BOGUS NGO?

Upload: tapat-ang-balitang-totoo

Post on 27-Mar-2016

275 views

Category:

Documents


9 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Tapat Vol 1 No 21

- Pahina 3

TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY

DISYEMBRE 3-9, 2013 VOL 1 NO 20

www.tapatnews.com@tapatnews /tapatnews [email protected]

Ilang grupo ang nagprotesta sa harap ng tanggapan ng Ombudsman upang himukin ang madaliang pagpapanagot sa mga sangkot sa pork barrel scam. [Photo credit: Delmar Topinio Taclibon]

Nagtipon ang ilang mambabatas at mga empleyado para sa pagtatalaga ng Kongreso kay Maria noong Nobyembre 27.

PNOY SABIT DIN SA

BOGUS NGO?

Page 2: Tapat Vol 1 No 21

2 DISYEMBRE 3-9, 2013balita

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT [email protected]

Ang isinagawang pagtatalaga sa Malinis na Puso ni Maria ay alinsunod sa pambansang pagtatalagana idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines noong Enero at isinagawa ng mga diyosesis nitong nakaraang Hunyo 8.‘33 Days to Morning Glory’ by Fr. Michael Gaitley, MIC

explains in simple yet clear language why consecration to Mary is really the ‘easiest, surest and fastest’ way to Jesus. Featuring the Marian devotions of St. Louis de Monfort, St. Maximillian Kolbe, Blessed Mother Teresa and soon to be saint, Blessed John Paul II, it is a jour-ney into the heart of Our Lady.

Each book is Php 250.00.

Email Jhonsen Sales at [email protected] for orders.

Kongreso itinalaga kay MariaLIFE NEWS

QUEZON CITY -- Itinal-aga ng ilang mamba-batas ng Kongreso at

mga empleyado nito ang Pam-batasan ng Pilipinas sa Quez-on City sa Immaculate Heart ni Maria bilang bayad-pinsala diumano dahil sa pagpasa ng Reproductive Health (RH law), ngayon ay kilala bilang Re-public Act 10354.

Pinangunahan ni Monsig-nor Cesar Pagulayan, pinuno ng grupong Marian Movement of Priests, ang pagtatalaga matapos ang isang Banal na Misa. Ani Pagulayan, ito ang “naaangkop na oras” para sa pagtatalaga kay Maria mata-pos ang sunod-sunod na kal-amidad na nangyari sa bansa .

“Ang pag-aalala at pag kon-secrate sa tingin ko ay magig-ing isang magandang tulong para sa mga taong nagtatra-baho sa Kongreso maging ang mga kongresista , upang tum-

ingin kay Maria sa panahon ng paghihirap dulot ng kalami-dad,” dagdag ni Pagulayan .

Ayon kay Pagulayan, makakakita ng koneksyon ang mga taong may malalim na pananampalataya sa sunod-sunod na pangyayari at serye ng kalamidad sa bansa.

“Sa tingin ko ang ating pa-nanampalataya talaga ang magpapaintindi sa atin kung paano tayo dapat magpaka-banal at kumilos ng naayon ngayon dahil kung hindi ma-babago ang ating mga puso pagkatapos ng mga nangyari sa Zamboanga, Bohol at East-ern Visayas matigas na talaga ang mga puso natin,” ani Pagu-layan.

Namigay naman ang grupo ng mga Miraculous medals sa mga dumalo sa pagtatalaga .

Isinagawa ang pagtatalaga kay Maria noong Nobyembre 27, isang araw bago ang pista

ni Saint Catherine Laboure, ang Marian visionary, na si-yang sinabihan diumano ni Birheng Maria na gumawa ng milagrosang medalya na ngayon ay isinusuot ng mi-lyong mananampalataya sa ibat-ibang bahagi ng mundo.

Sa napipintong huling de-sisyon ng Korte Suprema tungkol sa kontrobersyal ng batas, dagsa ang panawagang ideklarang ‘unconstitutional’ o labag sa Konstitusyon ang RH law na pinaniniwalaang naipasa dahil sa paggamit ng pork-barrel bilang ‘insentibo’ sa mga mambabatas na papa-bor dito.

Diin pa ni Pagulayan, “kailangan natin si Maria upang kanyang hawakan ang ating mga puso upang makita natin na nagbibigay ng men-sahe ang Diyos sa mga nang-yayari at pinagdadaanan natin sa araw-araw. [PDG]

Page 3: Tapat Vol 1 No 21

3DISYEMBRE 3-9, 2013 balitaPNoy sabit din sa bogus NGO?

Sa kabila ng kampanya kontra katiwalian ng kasalukuyang pamaha-

laan lumalabas na sabit din di-umano si pangulong Benigno S. Aquino III sa pagbibigay ng pondo sa mga kwestyonableng non-government organiza-tions (NGOS).

Ayon sa mga dokumento ng Commission on Audit (COA), ang pondong P100 milyon na napunta sa apat na kwestyona-bleng NGO na nakalaan para sa opisina ni senador Ferdi-nand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ay mula sa P72.11 bilyong ‘stimulus funds’ ng pangulo.

Ayon naman kay Marcos, wala siyang kaalam-alam sa naturang pondo at hindi ‘sinabihan’ na may naibigay na pondo para sa kanyang opisina. Ayon pa sa senador, lumalabas na mula ang pondo sa Disbursement Accelaration Program (DAP) ni pangulong Aquino at hindi sa kanyang pork barrel o Priority Develop-ment Assitance Fund (PDAF), taliwas sa naunang akusasyon laban sa senador.

“Hindi galing ‘yun sa PDAF ko. Galing sa DAP ‘yun dahil may savings ang gobyerno at gusto nilang magamit ‘yun bago matapos ang taon dahil mapupunta muli ang pondo sa general fund. ‘Yan ang DAP,” ani Marcos.

Lumabas diumano ang natur-ang impormasyon ani Marcos

nang makipag-ugnayan ang COA hinggil sa katotohanan ng kanyang ‘endorsement let-ter’ na inakala ni Marcos na nagmula sa kanyang PDAF na nagtatalaga ng pondo na may kabuuang P100M sa apat na kwestyonableng NGOs.

Dagdag pa ni Marcos, pal-sipikado ang sulat na ipinadala sa presidente ng National Live-lihood Development Corpora-tion (NLDC) na sinasabing mula sa kanyang opisina.

Kamakailan lamang nag-bitiw sa kanyang tungkulin matapos mapabilang si Cus-toms Commissioner Rufino “Ruffy” Biazon sa mga kinasu-han ng Department of Justice (DOJ) sa pangunguna ng Na-tional Bureau of Investigation (NBI). Kabilang sa mga kinasu-han ang 34 pang katao, kasama ang pitong dating mamba-batas.

Mabilis namang nagpahayag ang Palasyo na sa pagkakada-wit ni Biazon nagpapatunay lamang ito na walang pina-paboran ang administrasyon, maging miyembro pa man ng Liberal Party.

Sinabi naman ni Biazon na haharapin niya ang naturang akusasyon.

Sa kabila ng mga sunod-su-nod na nangyaring trahedya sa bansa gaya ng naminsalang lindol sa Bohol at lbagyong ‘Yolanda’, maging ang gulo sa Zamboanga, nanatiling malak-

ing usap-usapan pa rin ang is-sue ng pork barrel scam, ayon sa huling Pulse Asia survey.

Lumabas din sa naturang survey na lumagapak ng dag-dag na labing-anim na puntos ang tiwala ng mamamayan hinggil sa kakayahan ng ad-ministrasyon laban sa kati-walian.

Matapos tuluyang mabas-ura ng Korte Suprema ang PDAF ng mga mambabatas na magtatakda ng perma-nenteng ‘di pagtanggap ng milyun-milyong pork ng mga mambabatas at pagiimbestiga sa maaaring sangkot sa pork barrel scam. Nagbanta naman nitong Biyernes si Mindoro Oriental 2nd District Rep. Rey-naldo Umali ng impeachment laban sa tatlong mahistrado ng Korte Suprema.

Sinabi ni Umali na nagka-mali diumano ang Mataas na Hukuman hinggil sa kaso ni Marinduque Rep. Regina Ong-siako matapos magdesisyon ng taliwas sa una ang Korte Su-prema sa pag-diskwalipika ng naturang kongresista dahil sa isyu ng citizenship.

Hindi naman pinangalanan ni Umali kung sino sa mga ma-histrado ang napipintong ma-impeach at inaming kailangan pa nitong magkalap ng su-porta ng mga kongresista sa Kamara kasama na ang magig-ing opinyon ni House Speaker Sonny Belmonte.

Ni PAOLO DE GUZMAN

Mga obispo kinundena ang malawakang

katiwalian sa politikaKinondena ng Catholic Bish-ops’ Conference of the Philip-pines (CBCP) sa isang pastoral letter kamakailan ang puli-tika sa bansa at tinawag itong “pinakamalaking balakid sa pag-unlad ng ating bansa.”

“Ang mga kasalukuyang pangyayari hinggil sa kati-walian sa pork barrel na kung saan ang mga nasa kapangyar-ihan ay tila ayaw pakawalan ang mga pondo kahit pa laga-nap ang maling paggamit nito dahil na rin sa political patron-age,” mariing pahayag ng sa-mahan ng mga obispo na pin-irmahan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, bagong talagang pangulo ng CBCP.

Tinututulan din ng mga obispo ng laganap na pag-nanakaw sa kaban ng bayan at katiwalian sa gobyerno na siya ring pangunahing dahilan ng kahirapan na laganap sa bansa.

“Malinaw na ngayon na ng ating mga kababayan ay mahi-rap dahil sa ating mga pulitiko na inilugmok sila dahil sa ka-nilang kagahamanan sa pera at kapangyarihan,” dagdag nito.

Dagdag pa ng pahayag, kahit pa may nauulat na pag-angat ng ekonomiya, nananatili na-man ang kalidad ng buhay at kita ng mahihirap na sektor sa mga nakalipas na taon. Nana-tiling taliwas ang paggamit ng kayamanan ng ating bansa.

Itinukoy din ng CBCP ang patungkol sa diumano’y pag-maniubra ng pondo ng publiko sa mga kahina-hinalang non-govenrmental organization (NGO), at tahasang sinabing “pinalalawig nito ang kahira-

pan at ang agwat ng mga may-aman sa mahirap.”

Pulitika bilang ‘proposisyon’

Pinuna din ng CBCP na ang paglilingkod sa bayan ay nag-ing isang negosyo kung saan ang interes ng pera at kapang-yarihan ay nangingibabaw at nakaugat sa kulturang Pilipino.

“Ang pagkagahaman sa ka-pangyarihan ay kakambal ng kasakiman sa salapi. Ang mga may pera ay madaling nakaka-roon ng kapangyarihan. Pag nasa puwesto na sila madali na nila mababantayan at ma-paparami ang kanilang mga ari-arian. At sa Pilipinas, ang maupo sa gobyerno ay isang mabisang at siguardong par-aan sa marangyang buhay,” dagdag ng statement.

Sa pagkabulag sa pera at kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan, ayon pa ng CBCP, naisasantabi ang kato-tohanan at ang kabutihan ng nakararami alang-alang la-mang sa makasariling hanga-rin ng iilang indibidual. Ang ganitong sitwasyon ang nag-papalugmok lalo sa mga Pili-pino sa kahirapan.

“At ang unang biktima ng kagahaman sa pera at ka-pangyarihan ay ang Katoto-hanan sapagkat kinakailangan magsinungaling at mandaya sa manatili sa kapangyarihan at mapanghawakan ang ka-nilang kayamanan. Kaya sa bandang huli ang Katotohanan ay naisasantabi at naisasakrip-isyo,” paliwanag ng nasabing pastoral letter. [Jennifer Orillaza]

Hindi ligtas si pangulong Benigno Aquino III sa malaking anino ng pork barrel issue.

Page 4: Tapat Vol 1 No 21

4 DISYEMBRE 3-9, 2013editoryal

AREOPAGUS SOciAl mEdiA fOR ASiAPublisher

NiRvA dElAcRUzEditor in chief

SKY ORTiGAScreative director / Online Editor

YEN OcAmPOmarketing director

Tapat is published every Tuesday by Areopagus media Enterprise

You can reach us through the following:landline # (02) 788 07 04

fax # 0871 314 1470Email: [email protected]: www.tapatnews.com

All rights reserved 2013

Editoryal

Ang pinakamainam na reporma sa ekonomiya‘Emerging tiger economy’ – ito ang bansag sa Pilipinas ngayon. Pogi points naman ng adminis-trasyong Aquino ang patuloy na pagtaas ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa, na siya rin namang pinupuri ng il-ang ekonomista tulad ni Ruchir Sharma ng Morgan Stanley na naniniwalang nakasalalay ang pagbangon ng Pilipinas sa mga call center agent, padala ng mga Oversease Filipino Workers (OFWs) at mga re-porma diumano ni Aquino sa ekonomiya.

Habang nakikinikinita na ng mga eksperto ang pagbagal ng ekonomiya ng China dahil sa tumatandang populasyon at kakaunting kabataan sa work-force, itinatanghal ng iilan ang Pilipinas bilang isa sa mga lu-malaking ekonomiya sa Asia. Gaano ka totoo ito? Saan nga ba galing ang kita ng bansa?

Ayon sa mga statistics, ang mga remittances o padala ng mga OFWs pa rin, kasama ng kita ng mga empleyado ng mga Business Process Outsourcing

“Sa ngayon, hindi makakaangal ang mga pamilyang nakakakain ng tatlong beses sa isang araw dahil sa

panganay na tapos ng kolehiyo at namasukan bilang call center agent sa graveyard shift, ngunit ang tanong, ito na

ba ang pangarap natin para sa darating pang henerasyon?”

(BPO) ang siyang nagpapalu-tang sa ekonomiya ng bansa. Sa ngayon, hindi makakaan-gal ang mga pamilyang na-kakakain ng tatlong beses sa isang araw dahil sa panganay na tapos ng kolehiyo at na-masukan bilang call center agent sa graveyard shift, ngu-nit ang tanong, ito na ba ang pangarap natin para sa darat-ing pang henerasyon? Kung tatanungin ang mga doktor na naging call center agent o mga gurong nangibang-ban-sa upang maging domestic helper, kumakayod sila nang husto dahil na rin sa kagus-tuhang makapagbigay ng mas

magandang buhay sa kanilang mga anak, nakababatang kapa-tid, at mahal sa buhay. Nakatali na ba ang tadhana ng mga Pinoy sa dalawang opsyong ito? Hindi rin nakatulong na bumaba ang kalidad ng edu-kasyon sa mga premyadong unibersidad ng Pilipinas ayon sa mga international ratings.

Ayon naman kay Richard Javad Heydarian, isang policy adviser, maraming isiniwalat ang super typhoon ‘Yolanda’. Isa na rito ang kahinaan ng bansa sa mga area tulad ng disaster preparedness na may ‘di maitatangging implikasy-on sa ekonomiya. Ang nasa-

bing bagyo, na kilala sa buong mundo bilang ‘Haiyan’ ay ti-natayang may pinsalang nag-kakahalagang P9.46 bilyon at mukhang matatagalan pa ang proseso ng rehabilitasyon sa mga nasalantang probinsya.

Kung hindi pa man ito komplikado, dagdagan pa natin ng isyu tungkol sa pork barrel na mukhang unti-unting gi-nagawan na ng paraan upang maisabit ang titulong ‘mas-termind’ sa iisang tao lamang. Hindi biro ang pondong nalili-his mula sa kaban ng bayan pa-punta sa bulsa ng iilan – hindi lamang bilyon, kundi trilyon-trilyong piso. Sa ngayon, hindi

kailangan ng eksperto upang maintindihan na ang pinaka-mainam at mahalagang re-porma sa ekonomiya ay ang pagpuksa sa korupsyon sa pampublikong sektor. Nasa-said ang yaman ng bansa, ang buwis na binabayad ng kara-niwang Pilipino na siya san-ang popondo sa pagpapagan-da ng kalidad ng edukasyon, imprastraktura at pagtugon sa mga medium at long-term na pangangailangan ng bansa tulad ng disaster prepared-ness.

Ngayon, tila natabunan ng iba pang mga suliranin ang isyu ng pork barrel at dali-dali namang “nabibig-yan ng hustisya” ang usapin sa pamamagitan ng pagdawit kay Sen. Juan Ponce Enrile bilang puno’t dulo ng pork barrel scam. Papalapit na ang Pasko, makakalimutan ba ng publiko ang pork barrel? Ang sagot ang magtatakda sa ka-hihinatnan, hindi lamang ng ekonomiya, kung hindi ng darating pang henerasyon.

Page 5: Tapat Vol 1 No 21

5DISYEMBRE 3-9, 2013 opinyonLIVE FREE

Samantha Manuel

The day I witnessed a miracle

Every month I would get my monthly period, I would lock my-self up inside the bathroom and cry for hours. Whenever I would see a pregnant woman or some-body else’s baby, it always felt

like life was so unfair.

Sa Dako pa roon

August 6, 2008... It was the

day mother-hood became a real-ity for me...I gave birth to my first-born son.

At first, I couldn’t believe that every-thing was happening for real and the time I had long been waiting for had finally arrived.

The moment I first heard the cry of my little one, I knew my life would never be the same again. At the first sight of him, it felt as if we were the only two people in-

side that room. Tears of joy were forming in my eyes and my heart was so filled with love. I finally got my gift!

My husband and I struggled to get preg-nant for years. I have a thyroid condition. It is possible for me to con-ceive but it will defi-nitely be difficult. One year into our marriage, I suffered a miscar-riage. Never in my life did I ever feel so bro-kenhearted at the loss of my unborn child.

And years after that, my husband and I tried and tried to have a child... but I never conceived. There were times when our love-making became too functional -- that we NEED to do it because we WANTED a baby so badly. Every month

I would get my monthly period, I would lock my-self up inside the bath-room and cry for hours. Whenever I would see a pregnant woman or somebody else’s baby, it always felt like life was so unfair. It was a tough time for me and my husband. But our love for each other grew stronger as we held on to one another for strength and comfort.

I didn’t want to blame God but sometimes I would. There were times when I simply could not believe how

He could allow some women to get pregnant only to have them abort them or abandon their gift of life. While there I was, longing so much to be a mother, yet God wouldn’t give me the miracle I was hoping for.

But God continued to assure me that my moment will come in His own perfect time.

And indeed, my sur-prise blessing came af-ter 4 years of waiting!

When I first held my newborn son in my arms, time stood still. For a moment it seemed like I was holding him so close to my heart and I was afraid to let go. It all seemed like a dream and I didn’t want to wake up. All those painful years I went through waiting for him

Hindi natin masisi ang mga kababayan natin na nakikipagsapalaran sa ibang bansa kahit sa illegal na paraan, ito ay dahil na rin sa kahirapan at unemploy-

ment rate sa Pilipinas. Hindi pa nga nabanggit ang mga kababayan nating minamaltrato ng amo at nagtitiis para

lamang kumita ng pera sa ibang lupain.

RE4TERAKERYen Ocampo

Hindi na pinahintu-lutan ng bansang Saudi Arabia na

maextend ang amnesty ng mga illegal migrants sa ka-nila. Naku, paano na ang mga ka-babayan natin na ayon sa mga ulat ay may ti-natayang 108,000 ‘undocumented overseas Fiipino workers’ roon?

Hindi biro ang buhay ng isang OFW. Ang iwan mo ang sariling bayan na kinalakhan para maghanapbuhay sa ibang lupain. Ito ay isang napa-kalaking sakripisyo, lalo na kung ikaw ay isang pamilyadong tao.

Gayunpaman, ayon kay

vice president Jejomar Bi-nay na hindi dapat man-gamba ang mga OFW sa Saudi na kasalukuyang

inaayos ang kanilang mga working permit at iba pang documents dahil hindi ito huhulihin. Ang mga nanganganib na ma-huli ay ang mga kababay-an nating nagtatrabaho

na hindi pa rin nag-apply ng repatriation o ang pagsasailalim sa proseso ng pagbabalik sa kanilang kinagisnang bansa.

Siniguro rin ni Binay na mayroong dalawang bilyong piso na pondo na nakalaan para sa mga Pilipinong nais bumalik ng Pilipinas.

Ayon sa talaan ng De-partment of Foreign Af-fairs, mayroon nang hu-

migit kumulang na 1,500 na mga OFWs na nasa pangangalaga ng Philip-pine Embassy sa Saudi Arabia na naghihintay na lamang ng kanilang mga immigration clearances at

exit visa habang ang Phil-ippine Embassy naman sa Riyadh at Jeddah ay may mahigit 4,500 repatriation cases at nakapag release na ng travel documents sa may mahigit 10,700 na mga OFWs.

Hindi natin masisi ang mga kababayan natin na nakikipagsapalaran sa ibang bansa kahit sa il-legal na paraan, ito ay dahil na rin sa kahirapan

at unemployment rate sa Pilipinas. Hindi pa nga na-banggit ang mga kababayan nating minamaltrato ng amo at nagtitiis para lamang kumi-ta ng pera sa ibang lupain.

Hanggang kai-lan kaya ganito ang Pilipinas? Sana bago ako lu-misan sa mundong

ito ay makita ko si Juan Dela Cruz na hindi na kailangang pumunta sa dako pa roon upang ma-ghanap ng swerte. ([email protected])

THE JUMPING WALLRogie Ylagan

Tinamaan Ka Ng Magaling

Dahil ang tunay na magaling ay ang taong hindi na kailangan pang

ipangalandakan ang pagiging magaling. Hindi sa iyo magsisimula

ang mga salitang ito, at hindi mo rin dapat asahan na may

magsasabi nito patungkol sayo.

Masarap sa pa-kiramdam ang pagiging tama

at pagiging mas magal-ing. Bilang tao, natural sa atin na gustuhin ito. Maraming paraan at maraming pag-kakataon naman na tayo ay napupunta sa ganitong sitwasyon. Bukod sa respeto, ang paghanga ng ibang tao ang nakapagbibi-gay atraksyon para gustuhin mo na lagi kang ganito -- ang tama at magaling.

At sa iyong pagka-humaling, hindi ka pa nagkasya sa basta na lang ikaw ay magaling at tama. Kailangan pang ipagdiinan at ipamukha

ito sa iba. At kailangan pang ibandera na ang ibang tao ay mali o ma-hina para lalo lang uman-gat, makita at mapansin

na ikaw ay tama at mas magaling kaysa sa kanila. Sa pagtagal ng panahon, hindi na ang pagiging tama at magaling ang iyong hinahabol kung

hindi ang pagtingin ng tao. Kaya kahit baluktot na ang paniniwala, ka-hit napatunayan nang may ibang mas dapat kang gawin at baguhin, pinanindigan mo na at niloloko mo na rin ang iyong sarili. Hanggang paniwalaan mo na ang sarili mong kasinungal-ingan. Mawawala na rin ang pagiging mapagpa-kumbaba na tumanggap ng pagpuna ng iyong

kamalian at kahinaan. Pero hindi pa naman

huli ang lahat para ayu-sin ito. Subalit kailangan mong simulan mula sa ugat ng iyong paniniwala

patungkol sa pagiging tama at magaling. Dahil ang tunay na magaling ay ang taong hindi na kailan-gan pang ipangalandakan ang pagiging magaling. Hindi sa iyo magsisimula ang mga salitang ito, at hindi mo rin dapat asa-han na may magsasabi nito patungkol sayo. Kung mayroon mang magsabi, magpasalamat ka, subalit huwag mong ikalalaki ito ng ulo at la-

long huwag maging dahilan para hindi ka na maghangad na maging mas magaling pa sa kung ano ang estado mo ngayon.

At ang tunay na tama ay hindi ang laging pagiging tama kung hindi ito ay ang pag-unawa na hindi lahat ng taong taliwas sa iyong

paniniwala ay mali. At kung may alam ka mang tama ngayon, mag-pasalamat ka sa iyong

- Pahina 6

- Pahina 6

Page 6: Tapat Vol 1 No 21

6 DISYEMBRE 3-9, 2013

it’s good to know that...Studies show, prayerful people have better self control,

were less likely to commit suicide and had better outcomes in psychiatric treatment.

The day I witnessed .... mula sa pahina 5

was definitely worth it. I knew that very instant that this won-derful miracle I was holding would change my life forever.

The day I gave birth, I was given a new life to nourish and a new life to live. I embraced my new role as a moth-er. It’s definitely not going to be an easy task. But life with my son will be a new journey I am looking forward to ex-periencing together with my husband. Motherhood is in-deed a wonderful gift and every new life is indeed a miracle!

may good news ka ba?Maraming nangyayaring positibo araw-araw -- kailangan lang

namin marinig mula sa ‘yo upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig niyo sa paligid! Mag-email lang sa [email protected] at ilagay

ang “Good News” bilang subject. Salamat po!

good news

suporta dito: tinuturo ng Armenian Lectionary ng Jerusalem taong 451 ang patungkol sa malalim na Pagtulog ni Maria at Pag-akyat sa kanya sa Langit, katawan at kaluluwa.

Sa ikatlong siglo naman, itinalaga ang “Pag-akyat ng Banal na Birheng Maria” bilang titulo sa Gregorian Sacramentary. Ang nakasulat sa sinaunang Dasal sa Pagbubukas ng Misa ay: “Diyos na tumingin sa mapagkumbabang Birhen, itinaas Mo siya sa dignidad na Ina ng Iyong Anak at kinoronahan siya ng walang katulad na kaluwalhatian.”

Inang Immaculada .... mula sa pahina 7

nasumpungan. Pagkatapos ay bigyan mo pa ng mas mala-lim na pangunawa ang taong may patuloy pa ring mal-ing gawi. Maaaring hindi pa lamang nila nakaharap ang mga pangyayari na naranasan mo noon na bumago sa iyo at sa iyong pananaw ngayon. At imbes na pagtulak pababa, ang pagtulong ang siyang mas positibo mong magagawa.theignoredgenius.blogspot.com/[email protected]

Tinamaan ka ng .... mula sa pahina 5

Page 7: Tapat Vol 1 No 21

7DISYEMBRE 3-9, 2013 Katoliko

KATESISMO, MISMO!

Unapologetically catholic

ni EDGARDO DE VERA

Ano ang ipinaaalam ng doktrina ng Immaculada Concepcion?

CCC 491 Sa paglipas ng ilang siglo, ang Iglesia ay naging higit pang maalam tungkol sa katauhan ni Maria, ‘puno ng biyaya’ sa pamamagitan ng Diyos (Lucas 1:28). Si Maria ay natubos na mula sa sandali ng paglilihi ng kanyang ina. Ito ang ipinapahayag ng dogma ng Simbahang Katolika sa ‘Im-maculate Conception’, na ipinahayag ni Santo Papa Pius IX noong taong 1854.

Ang pinakamapalad na si Birheng Maria ay, mula sa unang sandali ng kanyang buhay -- sa pamamagitan ng isang pang-isahang biyaya at pribilehiyo ng Diyos at sa pamamagitan ng kagalingan ng mga merito ni Jesus Kristo , Tagapagligtas ng sangkatauhan -- napanatili si Mariang ligtas mula sa la-hat ng mantsa ng orihinal na kasalanan (Pius IX, Ineffabilis Deus (1854)).

Saint Maximilian Kolbe

From the Saints...

“Prayer is powerful be-yond limits when we

turn to the Immaculata who is queen even of

God’s heart.”

Inang ImmaculadaIpinaliwanang sa Council of Ephesus noong taong

431 ang unang Marian Dogma, Teotokos – Pinag-bubuntis ang Diyos, upang labanan ang panini-

walang hango kay Nestorius kung saan sinasabing may dalawang persona si Kristo, isang Diyos na persona, at isang taong persona. Ito ay taliwas sa turo ng Simbahang Katolika na si Kristo ay iisang Diyos na nagkatawang tao at si Maria ay tinaguri-ang Ina ng Diyos. Ang pinuno ng mga Nestorian ay nagsabing si Maria ay ina lamang ng taong si Kristo at hindi ng kanyang buong pagkatao o pagka-Diyos. Nang maiproklama ang Dogma ng Inang Immacu-lada nagtipon ang mga tao para sa isang prusisyon at paulit-ulit ang pagbigkas ng, “Banal na Ina ng Diyos, ipanalangin mo po kami.”

Ang Diyos at kasalanan ay ‘di maaring maghalo kaya sa kapanyarihan ng Diyos iniligtas Niya ang kanyang magiging ina mula sa kahit anong uri ng sumpa o kasalanan. Isang walang bahid na tagap-agdala ng Banal na Salita kung saan ang kanyang kawalan ng kasalanan ay pinapatunayan ng Bibliya. Ipinapakita din sa Protoevangelium o unang pag-papahayag ng Mabuting Balita na siya at si Satanas ay magkaalitan mula pa sa simula. ... ‘At papagaalitin ko ikaw at ang babae. Si Arkangel Gabriel ay bumati sa kanya --kecharitomene rendered gratia plena – napupuno ng grasya sa limbag ni San Geronimo. Ke-charitomene ay nangangahulugang ‘charis’ sa sali-tang Griyego o grasya sa Tagalog, “Maria: sapagka’t nakasumpong ka ng biyaya sa Diyos.”

Isinakatuparan ni Kristo ang kanyang gawaing pagliligtas at si Maria ay ipinanganak na ligtas sa kahit anong bahid ng kasalanan na naayon sa Teo-tokos. Ipinaliwanag ni Gabriel, “Walang imposible sa Diyos.” At sinabi ni Maria, “Dinadakila ng aking

kaluluwa ang Panginoon.” Tinawag naman siya ni Elizabeth na, “...Ina ng aking Panginoon.” Maging si Luther na ama ng mga Protestante ay nagsabing, “Sa gawang ito kung saan siya ay ginawang Ina ng

Diyos, ay marami ang magagandang bagay ang ibi-nagay sa kanya kung saan walang sino man ang ma-daling mkaiintindi.” Naniniwala naman sila Calvin at Zwingli, mga tinaguriang ama ng Protestante, sa

kabanalan ni Maria, habang ang ibang mga bagong Protestante ay mapagkutya at sinasabing, “Paano magkakaroon ng ina ang Diyos?”, patunay lamang ng kawalan ng kaalaman tungkol sa pinagmulan mismo ng Protestantismo.

Iprinoklama ni Pius IX ang Dogma ng Immaculada Concepcion noong Disyembre 8, 1854: “...Ang Banal na Birheng Maria ay iniligtas, mula sa iisang grasya at pabor mula sa Diyos na siyang makapangyarihan dahil na rin sa merito ni Hesu-Kristo ang Tagapaglig-tas ng sangkatauhan, ligtas mula sa lahat ng bahid ng Orihinal na Kasalanan.”

Nagpanukala naman si Pius XII ng isang papal bull, ang “Munifiicentissimus Deus” na naglalayong pagtibayin ang paniniwala na si Mari ay Iniakyat sa Langit (Assumptio). Ang Banal na Kasulatan at walang putol na Tradisyon ng Simbahan ang bumuo sa basehan upang pagtibayin ang katuruan tungkol sa pagkakaakyat ni Maria sa langit, katawan at kalu-luwa. Maging ang mga sinaunang liturhiya ay sumu-

Maging si Luther na ama ng mga Protestante ay nagsabing, “Sa gawang ito kung saan siya ay ginawang Ina ng Diyos, ay marami ang magagandang

bagay ang ibinagay sa kanya kung saan walang sino man ang madaling

mkaiintindi.”

- Pahina 6

Page 8: Tapat Vol 1 No 21

8 DISYEMBRE 3-9, 2013#CoolCatholicsSi msgr Tighe at si @Pontifex

Tuwang-tuwa ako nang ma-meet ko si Msgr. Paul Tighe. Siya ang social media manager ni Pope Francis sa Vatican, meaning, isa siya sa mga taga tweet ni Pope sa account na @Pontifex. Pumunta siya dito kamakailan

sa Pilipinas para maging keynote speaker sa nakaraang Catholic Social Media Summit v2.0 noong November 23-24, 2013 sa Colegio de San Juan de Letran. Bilang parte ng YouthPinoy, na nag-organize ng event na ito, nagkaroon ako ng pribilehiyo na makausap siya. Siya ay isa sa mga coolest Catholics na kilala ko.

Ngayon ay ibabahagi ko sa inyo ang kanyang sinabi noong Catholic Social Media Summit version 2.0. Sana ay ma-inspire din kayo sa pag-eevangelize sa online and digital media kagaya ko.

Sharing the Word: The Church in a Digital World

Communications is at the centre of the life of the Church. As a community called together by Christ, our mission is to share the Good News of God’s love for all people with those we meet on the pilgrimage of life. The fullness of God’s love is revealed in the person of Jesus, the Word made flesh. Jesus communicated in word and deed; the Church is called to proclaim and to witness to the continu-ing presence of Jesus among us.

The Church has always sought to use media to communicate. Currently, we are living through a radical transformation of the media and the Church is focused on understanding the ‘newness’ of the culture of digital communications in order to be communicate effectively. If we are to share the Good News with our brothers and sisters in the ‘digital continent’, we must speak a ‘language’ they can understand and be present as authentic witnesses to our faith.

The’ language’ of digital and social communications is conversational, interac-tive and dialogical. If our communication is to touch people’s hearts and minds; we must be able to listen to them and engage seriously with their questions. As a Church, we are more used to preaching, to teaching and to issuing statements. These are important activities but the most effective forms of digital discourse are those that engage people individually, that seek to respond to their specific questions and that attempt to dialogue.

It is a basic truth of communications that our witness – our actions and our pat-terns of behavior – is often more eloquent than our words and proclamations in expressing who we are and what we believe. In the digital arena, a particularly significant way of offering such witness will be through a willingness to give oneself to others by patiently and respectfully engaging their questions and their doubts as they advance in their search for the truth and the meaning of human existence (Pope Benedict XVI, Message for World Communications Day 2013). It is therefore important to know how to dialogue and, with discernment, to use modern technologies and social networks in such a way as to reveal a presence that listens, converses and encourages. Allow yourselves, without fear, to be this presence, expressing your Christian identity as you become citizens of this environment(Pope Francis, 21 September 2013).

If we look carefully at the activities that drive social media, we see that peo-ple are seeking human friendship, searching for information and sharing their knowledge. These activities manifest the basic and persisting human needs for love, meaning and purpose. We must ask ourselves: are we up to the task of bringing Christ into this area, or better still, of bringing others to meet Christ? Can we walk alongside the pilgrim of today’s world as Jesus walked with those companions to Emmaus, warming their hearts on the way and bringing them to an encounter with the Lord? (Pope Francis, ibid).

Even as we acknowledge the challenges to effective communication, we should remember that ultimately it is not our work but the grace of God that will change hearts. It is necessary to be absolutely clear that the God in whom we believe, who loves all men and women intensely, wants to reveal himself through the means at our disposal, however poor they are, because it is he who is at work, he who transforms and saves us (Pope Francis, ibid).

ni SKY A. ORTIGAS