tatlong bagay na di-nabibili ng salapi -...

16
!"#2 OKTUBRE 2013 Tatlong Bagay na Di-nabibili ng Salapi

Upload: vunga

Post on 20-Jun-2018

298 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

!"#2 OKTUBRE 2013

Tatlong Bagayna Di-nabibiling Salapi

Gusto mo ba ng higit pang impormasyon olibreng pag-aaral ng Bibliya sa iyong tahanan?

Magpunta sa www.jw.org/tl o ipadala angiyong request sa isa sa mga adres sa ibaba.

JEHOVAH’S WITNESSES: PHILIPPINES: PO Box 2044,1060 Manila. UNITED STATES: 25 Columbia Heights,Brooklyn, NY 11201-2483. Para sa adres sa iba pangmga bansa, tingnan ang www.jw.org/tl/contact.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliyana tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatanay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.Publishers: Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.� 2013 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. All rights reserved. Printed in Japan.

!"#2SA ISYUNG ITO

TAM

PO

KN

AP

AK

SA

Tatlong Bagay naDi-nabibili ng SalapiPAHINA 8-11

3 PAGMAMASID SA DAIGDIG

4 TULONG PARA SA PAMILYAKapag Masyado Ka Nang Malap

´ıt sa Iba

6 INTERBYUAng Paniniwala ng Isang Biochemist

12 KALUSUGANAng Dapat Mong Malaman Tungkol sa Epilepsi

14 ANG PANGMALAS NG BIBLIYADepresyon

16 MAY NAGDISENYO BA NITO?Ang Kamangha-manghang Pandinig ng Katydid

s TINGNAN ONLINEwww.jw.org /tl

T I N - E D Y E R

Alamin ang sagot ng Bibliya samaraming tanong ng mga kabataan.Kasama ang mga artikulong ito:

˙ “Ano ang Gagawin Ko KapagBinu-bully Ako?”

˙ “Sobrang Conscious ba Ako saHitsura Ko?”

˙ “Paano Kung May Problema Ako saKalusugan?”

Tingnan kung paano matutulunganng Bibliya ang mga tin-edyer sapagharap sa mga problema.(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA � TIN-EDYER)

Panoorin din ang video na “What YourPeers Say About Body Image”sa jw.org sa tab na BIBLE TEACHINGS˛ TEENAGERS.

M G A B ATA

Basahin ang isinalarawang mgakuwento sa Bibliya. Gamitin ang mgaactivity para tulungan ang iyong mgaanak na madagdagan ang kanilangkaalaman sa mga karakter atpamantayang moral ng Bibliya.(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA � MGA BATA)

Vol. 94, No. 10 / Monthly / TAGALOGLimbag sa Bawat Isyu: 43,524,000 sa 99 na Wika

r

r

P A G M A M A S I D S A D A I G D I G

ITALY

Noong 2011 sa Italy, mas mabenta

ang bisikleta kaysa sa kotse. Angilang posibleng dahilan ay ang krisis saekonomiya, presyo ng gasolina, at gas-tusin sa pagmamantini. Samantala,ang bisikleta ay mas madaling mantini-hin, mas madaling gamitin, at maskumbinyente.

ARMENIA

Ayon sa European Court of HumanRights, nilabag ng gobyerno ng Arme-nia ang karapatan ng 17 kabataanglalaking Saksi ni Jehova na ikinulongmatapos tumangging magsagawa ngserbisyong pansibilyan sa ilalim ng pa-ngangasiwa ng militar. Ang gobyernongito ay inutusan na bayaran ang pinsala

at nagastos ng 17 Saksi sa kaso.

JAPAN

Sa mga batang naging bikti-ma ng krimen dahil sa mgasocial networking site,63 porsiyento ang hindi nabig-yan ng babala ng kanilangmga magulang tungkol dito.Sa 599 na kasong siniyasat,74 na porsiyento ng diuma-no’y nambibiktima ang uma-ming ginagamit nila ang mgasite na ito sa layuning maki-pag-sex sa mga menor-de-edad.

CHINA

Sa pagsisikap na mapaluwagang daloy ng trapiko, nililimi-tahan na ng malalaking lun-sod ang bilang ng mairere-histrong bagong sasakyan.Halimbawa, sa Beijing, mahi-git 240,000 lang ang maire-rehistro taun-taon. NoongAgosto 2012, mga 1,050,000ang sumali sa raffle na nagbi-gay ng 19,926 na sertipikong pagrerehistro. Ibig sabihin,1 lang sa bawat 53 aplikanteang nanalo.

Bicy

cles

:�Pe

terE

rikFo

rsbe

rg/a

gefo

tost

ock;

licen

sepl

ates

:�Im

agin

echi

na/C

orbi

s

3

ANG DAHILAN

May kulang. Di-maikakailang masarap tumanggap ng aten-siyon mula sa di-kasekso. Nakakataba ng pusong malamanna pinahahalagahan tayo, at dahil dito, nadarama nating ka-akit-akit tayo. Kung matagal-tagal ka nang may asawa, bakagusto mong matiyak kung kaakit-akit ka pa rin. Pero tan-daan: May masamang resulta kung ibang tao ang sasapatsa pangangailangang iyan. Kapag nahulog ang loob mo saiba, hihina ang kaugnayan mo sa iyong asawa. Para mosiyang ninanakawan ng pagmamahal na dapat ay sa kaniya.˙ Tanungin ang sarili, ‘Anong mga pangangailangan ang si-nasapatan ng kaibigan ko na dapat ay masapatan ng asawako?’Nahahantad sa tukso. Sinasabi ng Bibliya na ang mganag-aasawa ay magkakaroon ng “kapighatian.” (1 Corinto7:28) Halimbawa, baka kung minsan ay nadarama mong na-papabayaan ka o di-pinahahalagahan ng asawa mo, o bakanaghihinanakit ka dahil sa isang problemang hindi pa naaa-yos. Baka ayaw niyang pag-usapan ninyo iyon kung kaya na-iinis ka at natutuksong maghanap ng atensiyon mula sa iba.Ayon sa ilang eksperto, ang isang mahalagang palatandaanng di-maligayang pagsasama—at ng diborsiyo pa nga—ayang pag-iwas na pag-usapan ang mga problema.˙ Tanungin ang sarili, ‘May kulang ba sa pagsasama naminkung kaya natutukso akong makipagkaibigan sa hindi koasawa?’

T U L O N G P A R A S A P A M I LY A � P A G - A A S A W A

KapagMasyado KaNang Malapıtsa Iba

ANG HAMON

Mayroon kang kaibigangdi-kasekso na talagang na-kauunawa sa iyo. Kahitano, puwede ninyong pag-usapan. ‘Magkaibigan langkami,’ ang sabi mo sa sarilimo. Pero iyan din kaya angiisipin ng asawa mo kungmalaman niyang matagalkayong mag-usap?

Malamang, masyadonang malapıt ang pagkakai-bigan ninyo at kailangan monang kumilos. Pero tingnanmuna natin kung bakit kanasangkot sa gayong rela-syon.

r Higit pang tulong para sa pamilya ang makikita sa www.jw.org/tl

Gumising! Oktubre 2013 5

ANG PUWEDE MONG GAWIN

Alamin ang panganib. Sinasabi ng Bibliya: “Maaari bangkandungin ng isang tao ang apoy na hindi nasusunog angkanyang damit?” (Kawikaan 6:27, Ang Biblia—Bagong Salinsa Pilipino) Ang totoo, mapapahamak ka kung magkakaro-on ka ng romantikong kaugnayan sa hindi mo asawa. (San-tiago 1:14, 15) Ang pinag-uusapan dito ay hindi lang kungano ang maaaring mangyari kundi kung ano na ang nang-yari. Sa pagbibigay mo ng romantikong atensiyon sa iba, ni-nanakawan mo ang asawa mo ng atensiyong dapat ay sakaniya.Huwag nang mag-ilusyon. Baka nagpapantasya ka sa ma-giging buhay mo kung ang kaibigan mong ito ang napanga-sawa mo. Pero hindi patas iyan dahil ikinukumpara mo angmagagandang katangian ng kaibigan mo sa mga kahinaanng asawa mo! Tandaan, ang kaligayahang nadarama mokapag iniisip mo ang iyong kaibigan ay malamang na nada-ma mo rin noon sa iyong asawa.—Simulain sa Bibliya: Jere-mias 17:9.

Magtakda ng hangganan. Ang mga tao ay naglalagayng alarm sa kanilang sasakyan o bahay para hindi sila ma-nakawan. Puwede mo ring gawin iyan sa inyong pagsasa-ma. Ang sabi ng Bibliya: “Ingatan [o, bantayan] mo angiyong puso.” (Kawikaan 4:23) Paano? Subukan ang mga ito:˙ Ipakita mong may asawa ka na—marahil sa pamamagitanng pagdidispley ng mga litrato ng asawa mo sa lugar ngiyong trabaho.—Simulain sa Bibliya: Genesis 2:24.

˙ Magpasiya kung ano ang dapat at hindi dapat igawi pag-dating sa mga di-kasekso. Halimbawa, hindi tamang ipaki-pag-usap sa kaibigang iyon ang problema ninyong mag-asawa o kumain sa labas na kayong dalawa lang.˙ Kapag masyado ka nang malapıt sa isang di-kasekso,panahon na para putulin ang ugnayan ninyo. Kung nahihi-rapan ka, tanungin ang iyong sarili kung bakit. Sa halipna ipagtanggol ang kaugnayan mo sa taong ito, manindiganpara sa iyong asawa at kumilos para protektahan anginyong pagsasama.—Simulain sa Bibliya: Kawikaan5:18, 19. ˛

M G A S U S I N G T E K S TO

“Ang puso ay higit na mapandayakaysa anupamang bagay at mapa-nganib.”—Jeremias 17:9.

‘ Ang lalaki ay pipisan sa kaniyangasawa.’—Genesis 2:24.

“Magsaya ka sa asawa ng iyongkabataan . . . Sa kaniyang pag-ibig ay lagi ka nawang magtamasang masidhing ligaya.”—Kawikaan5:18, 19.

“MAGKAIBIGAN LANG”?TANUNGIN ANG SARILI:

Ikinukuwento ko ba sataong ito ang problemanaming mag-asawa?

Gumagawa ba ako ng para-an para makasama siya?

Inililihim ko ba sa asawa koang tungkol sa kaniya?

Gagawin ko ba ang mgaginagawa ko kung kaharapang asawa ko?

Maghihinala ba o magda-ramdam ang asawa kokung marinig niya angpinag-uusapan namin?

Bakit mo nagustuhangmagsaliksik tungkol sasiyensiya?

Sa unibersidad, pinili kongpag-aralan ang chemistry.Manghang-mangha ako samga protein at nucleic acid,na pinakakomplikadong mgamolekula sa lupang ito. Nangmaglaon, nagkainteres ako saepekto ng sikat ng araw sailang molekula.

Naniniwala ka ba noonsa Diyos?

Oo, noong bata pa ako. Peronang mag-aral ako sa Catholic

University of Leuven, itinuro saamin na nagkaroon ng disenyoang mga buhay na bagay dahilsa natural na mga proseso ngebolusyon. Pinalitaw ng mgapropesor na komplikado angilan sa mga prosesong ito. Da-hil makaranasang mga siyentipi-ko sila, naniwala ako. Nang ban-dang huli, nahirapan na akongmaniwalang may Diyos.

Bakit nagbago ang isipmo tungkol sa pinagmulanng buhay?

Noong 1999, nagkita kami ngkababata ko na isa nang Saksi

ni Jehova, at dumalo ako sa isasa mga pulong nila. Nang pana-hon ding iyon, may Saksi niJehova na pumunta sa bahaynamin at nag-iwan ng aklat naIs There a Creator Who CaresAbout You?�

Ano ang masasabi motungkol sa aklat?

Hangang-hanga ako sa pagsa-saliksik na nasa aklat. Pinag-isip ako nito kung ebolusyonnga ba ang dahilan ng mgadisenyo sa kalikasan.

Anong mga disenyo sakalikasan ang hinangaanmo?

Bilang biochemist, pinag-aara-lan ko ang disenyo ng ilangmolekulang matatagpuan sacyanobacteria. Ang mga ito aymga microorganism sa dagat

� Inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.

I N T E R B Y U � D A V E Y L O O S

Ang Paniniwala ng Isang Biochemist

Si Dr. Davey Loos ay isang biochemist sa Belgium. Dati,duda siya sa pag-iral ng Maylalang at naniniwala siya saebolusyon. Pero nang maglaon, nagbago ang isip ng mana-naliksik na ito tungkol sa pinagmulan ng buhay. Bakit?Ininterbyu ng Gumising! si Dr. Loos tungkol sa kaniyangespesyalisasyon at paniniwala.

na hindi umaasa sa ibang mgabuhay na bagay para sa pagka-in. Ipinapalagay ng ilang mana-naliksik na ang mga organis-mong ito ang kauna-unahangmga buhay na bagay sa lupa.Gamit ang enerhiya mula sa si-kat ng araw, ang mga mikro-byong ito ay gumagamit ngisang napakakomplikadong pro-seso, na hindi pa lubusang nau-unawaan hanggang ngayon,para gawing pagkain ang tubigat carbon dioxide. Namangharin ako sa husay ng cyanobacte-ria sa pagsagap ng liwanag.

Gumagamit din naman ngsikat ng araw ang mga dahonpara gumawa ng pagkain.Kaya ano ang kahanga-hangasa mga baktiryang iyon?

Habang palalim nang palalimang dagat, paunti naman nangpaunti ang liwanag. Kaya dapatmasagap ng cyanobacteriadoon ang bawat katiting naenerhiya ng liwanag. Nagagawanila ito gamit ang kanilang na-pakasopistikadong mga ante-na. Ang naipong enerhiya ay ha-los 100-porsiyentong naililipatsa mga gawaan ng pagkain. Angkakayahang ito sa pagsagap ngliwanag ay nakatawag pa ngang pansin ng mga gumagawa ngsolar panel. Pero siyempre pa,walang sinabi ang mga ginawanilang solar cell kumpara sa sis-temang nasa mga baktirya.

Ano ang nagingkonklusyon mo?

Naisip ko ang pagsisikapng mga inhinyero na gayahinang kahanga-hangang mga me-kanismong nasa mga buhayna bagay, at nakumbinsi akongDiyos nga ang nagdisenyo ngbuhay. Pero hindi lang siyensiyaang basehan ng paniniwala ko.Salig din ito sa maingat na pag-aaral ng Bibliya.

Ano ang nakakumbinsi saiyo na ang Bibliya ay mulasa Diyos?

Ang isa ay ang detalyadong ka-tuparan ng mga hula sa Bibliya.Halimbawa, maraming siglo pa-tiuna, detalyadong inilarawanni Isaias kung paano mamama-tay at ililibing si Jesus. Alam na-ting isinulat ang hulang itobago ang kamatayan ni Jesusdahil ang Isaiah Scroll, na na-tagpuan sa Qumran, ay kinopyamga sandaang taon bago ipa-nganak si Jesus.

Sinasabi sa hula: “Ang ka-niyang dakong libingan ay gaga-win niyang kasama nga ngmga balakyot, at kasama ngmga uring mayaman sa kani-yang kamatayan.” (Isaias 53:9, 12) Kapansin-pansin, si Je-sus ay pinatay kasama ng mgakriminal pero inilibing sa libi-ngan ng isang mayamang pamil-ya. Isa lang ito sa maraming na-tupad na hula na nakakumbinsisa akin na ang Bibliya ay kina-sihan ng Diyos. (2 Timoteo 3:16)Nang bandang huli, naging Sak-si ni Jehova ako.

Ano ang nae-enjoy mo sapagiging Saksi ni Jehova?

Ang aming pananampalataya aymay basehan sa siyensiya. Atang mga simulaing sinusunodnamin ay matibay na nakasaligsa Bibliya. Bilang Saksi ni Jeho-va, nag-e-enjoy akong sabihin saiba ang nakaaaliw na mensaheng Bibliya at tulungan silangmakita ang sagot sa kanilangmga tanong. ˛

Ang aming pananampalatayaay may basehan sa siyensiya

Naisip ko ang pagsisikap ng mga inhinyerona gayahin ang kahanga-hangang mgamekanismong nasa mga buhay na bagay,at nakumbinsi akong Diyos nga angnagdisenyo ng buhay

Gumising! Oktubre 2013 7

KAHIT nanganganib mawalan ng trabaho,bahay, at maging ng kanilang pensiyon,

maraming tao ang gustung-gusto pa ringmagkaroon ng mga bagay na nabibili ng sa-lapi.

Ang gayong mga tao ay madaling mabik-tima ng mga advertiser, na gumagawa ng na-kaeengganyong mga advertisement na nag-sasabing dapat tayong magkaroon ng masmalaking bahay, mas magarang kotse, atbranded na mga damit. Wala kang pera?Hindi problema iyan! Gumamit ka ng creditcard. Marami ang gustong magmukhang ma-yaman kahit baon na sa utang.

Pero sa malao’t madali, lilitaw ang totoo.“Ang pangungutang ng takaw-pansing mgaprodukto para magmukha at mag-astang ma-yaman ay gaya rin ng pagsinghot ng cocainepara gumanda ang iyong pakiramdam,” angsabi ng aklat na The Narcissism Epidemic.

“Sa umpisa, pareho itong mura at epektibo—pero panandalian lang ang mga iyon. Sabandang huli, mamumulubi ka at made-depres.”

Sinasabi ng Bibliya na isang kamangma-ngan ang “pagpaparangya ng kabuhayan.”(1 Juan 2:16) Ang totoo, dahil sa obsesyonsa materyal na mga bagay, baka mabale-wala natin ang pinakamahahalagang bagaysa buhay—mga bagay na di-nabibili ng salapi.Tingnan natin ang tatlong halimbawa.

TAM

PO

KN

AP

AK

SA

Tatlong Bagayna Di-nabibiling Salapi

Gumising! Oktubre 2013 9

1. MAGANDANG SAMAHANNG PAMILYA

Para kay Brianne,� isang tin-edyer sa Estados Unidos,sobra-sobra ang pagpapahalaga ng tatay niya sa trabahoat kinikita nito. “Kumpleto na kami sa lahat ng bagay,”ang sabi niya, “pero lagi namang wala si Daddy, kasi ma-dalas siyang magbiyahe. Alam ko namang dahil ’yon satrabaho niya, pero may pananagutan din siya sa ’min!”

Pag-isipan ito: Anong mga bagay ang posibleng pagsi-sihan ng tatay ni Brianne sa bandang huli? Paano nakaa-apekto sa kaugnayan niya sa kaniyang anak ang sobrangpagpapahalaga niya sa materyal na mga bagay? Ano angmas kailangan ng pamilya niya kaysa sa pera?Mga simulain sa Bibliya na dapat isaalang-alang:

˙ “Ang pag-ibig sa salapi ay siyang ugat ng lahat ng ka-samaan. Dahil sa paghahangad na magkamal ng salapi,may mga . . . nasadlak sa paghihirap ng kalooban.”—1 Ti-moteo 6:10, Magandang Balita Biblia.

˙ “Mas mabuti pa ang kumain ng gulay kasama ngmga tao na iyong mahal kaysa kumain ng karne na maypagkakapootan.”—Kawikaan 15:17, Good News Transla-tion.

Tandaan: Ang magandang samahan ng pamilya ayhindi nabibili ng salapi. Mangyayari lang iyan kung bibig-yan mo ng sapat na panahon, atensiyon, at pagmamahalang iyong pamilya.—Colosas 3:18-21.

� Binago ang mga pangalan sa artikulong ito.

“Sa pangkalahatan,” ang sabing The Narcissism Epidemic,“ang mga taong materyalistikoay di-gaanong maligaya at masnadedepres. Kahit ang mganag-aambisyon pa lang na yu-maman ay nagkakaproblemana sa kalusugan ng isip; sina-sabi rin nilang mas madalas si-lang makaranas ng pananakitng lalamunan, likod, at ulo atmas malamang na maglasingat gumamit ng bawal na ga-mot. Dahil sa pagsisikap na yu-maman, lumilitaw na nagigingmiserable ang mga tao.”

Susi sa Kaligayahan?

2. TUNAY NA KAPANATAGAN“Laging sinasabi sa akin ng nanay ko na mag-asawa

ako ng mayaman at mag-aral para magkaroon ng magan-dang trabaho sakaling maubos ang pera ng asawa ko,”ang sabi ng 17-anyos na si Sarah. “Puro pera ang nasaisip niya.”

Pag-isipan ito: Kapag nagpaplano para sa kinabu-kasan, anong mga bagay ang dapat mong pag-isipan?Kailan masasabing sobra-sobra na ang pag-aalala mo samga ito? Anong mas balanseng pananaw sa pinansiyalna seguridad ang dapat sana’y itinuro ng nanay ni Sarahsa kaniya?Mga simulain sa Bibliya na dapat isaalang-alang:

˙ “Huwag na kayong mag-imbak para sa inyong sariling mga kayamanan sa lupa, kung saan ang tanga at ka-lawang ay nang-uubos, at kung saan ang mga magnana-kaw ay nanloloob at nagnanakaw.”—Mateo 6:19.

˙ “Hindi ninyo nalalaman kung ano ang magiging bu-hay ninyo bukas.”—Santiago 4:14.

Tandaan: Kahit marami ka nang ipon, hindi ka pa rinnakasisigurong magiging panatag ang kinabukasan mo.Ang pera ay nananakaw—at hindi nito kayang magpaga-ling ng sakit o pumigil ng kamatayan. (Eclesiastes 7:12)Itinuturo ng Bibliya na ang tunay na kapanatagan ay nag-mumula sa pagkuha ng kaalaman tungkol sa Diyos at sakaniyang layunin.—Juan 17:3.

r Alamin ang sagot sa iba pang mga tanong tungkol sa Bibliya sa www.jw.org/tl

“Nang tanungin ang mga estudyan-te noong dekada ’60 at pasimulang dekada ’70 kung bakit nila gus-tong mag-aral sa kolehiyo, kara-mihan sa kanila ay nagsabing gus-to nilang ‘maging edukado’ o‘magkaroon ng pilosopiya sa bu-hay.’ Kaunti lang sa kanila angnagsabing gusto nilang ‘kumita ngmalaking pera’ kaya sila mag-aaral sa kolehiyo. Nang magsimu-la ang dekada ’90, ang idinadahi-lan na ng karamihan sa mgaestudyante ay ang ‘kumita ng ma-laking pera’ . . . Kasabay ng pagba-bagong ito sa prinsipyo ng mga es-tudyante ang biglang pagtaas ngbilang ng mga nadedepres, nag-papakamatay, at dumaranas ngiba pang problema sa isip.”—ThePrice of Privilege, ni Dr. MadelineLevine.

‘Pagbabago sa Prinsipyo’

Gumising! Oktubre 2013 11

3. PAGKAKONTENTO“Pinalaki kami ng mga magulang namin sa simpleng

pamumuhay,” ang sabi ng 24-anyos na si Tanya. “Masayakami ng kakambal ko, kahit kadalasan ay sapat-sapatlang ang taglay namin.”

Pag-isipan ito: Bakit nahihirapan ang ilan na makon-tento sa pangunahing mga pangangailangan? Pagdatingsa pera, anong halimbawa ang ipinakikita mo sa iyongpamilya?Mga simulain sa Bibliya na dapat isaalang-alang:

˙ “Sa pagkakaroon ng pagkain at pananamit, ma-giging kontento na tayo sa mga bagay na ito.”—1 Timoteo6:8.

˙ “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espiritu-wal na pangangailangan.”—Mateo 5:3.

Tandaan: Hindi pera at mga nabibili nito ang pina-kamahalagang bagay sa buhay. Sinasabi ng Bibliya: “Ka-hit na may kasaganaan ang isang tao ang kaniyang bu-hay ay hindi nagmumula sa mga bagay na tinataglayniya.” (Lucas 12:15) Ang totoo, magiging tunay na mali-gaya lang tayo kung alam natin ang sagot sa sumusunodna mga tanong:

˙ Bakit tayo naririto?˙ Ano ang magiging kinabukasan natin?˙ Paano ko masasapatan ang espirituwal na panga-

ngailangan ko?Ang mga Saksi ni Jehova na tagapaglathala ng maga-

sing ito ay handang tumulong sa iyo na malaman ang sa-got sa mga tanong na iyan. Puwede kang makipag-ugna-yan sa kanila o magpunta sa Web site na jw.org /tl. ˛

Ayon kay Dr. Madeline Levine,ang paggastos ay puwedeng ma-ging “retail therapy” na nakapag-papaganda ng pakiramdam ngmga taong binigo ng kanilangpamilya, komunidad, at simba-han. “Ang pagsa-shopping ayisang paraan ng pagkontrol sa

ating kapaligiran,” ang isinulatniya sa The Price of Privilege.“Dito, tayo ang gumagawa ngmga transaksiyon. Ipinaparam-dam nito sa m

´amim

´ıli na kontro-

lado niya ang mga bagay-bagay.Pero ilusyon lang ito . . . Ang ta-lagang kumokontrol ay ang ma-

lalaking korporasyon at ang mgaadvertiser nila, na binabayaranpara iparamdam sa mga tao nasa pagsa-shopping, ang mgam

´amim

´ıli ang may kontrol sa

mga bagay-bagay.”

“Retail Therapy”

NAWALAN ng malay ang kaki-lala mo at natumba. Nanini-

gas ang katawan niya at nagsi-mula siyang mangisay. Kungalam mong mayroon siyang epi-lepsi, may magagawa ka parasa kaniya habang naghihintayng tulong. Talakayin natin angilang impormasyon tungkol sasakit na ito na kadalasa’y di-nauunawaan.Ano ang epilepsi? Ang epilepsiay isang sakit sa utak na nagi-ging dahilan ng panandaliangmga atake na tinatawag na sei-zure. Ang isang seizure ay ka-dalasang tumatagal nang walapang limang minuto. Ang sitwa-syong inilarawan sa pasimulang artikulong ito ay karaniwan

nang tinatawag na grand malseizure.Ano ang sanhi ng mga sei-

zure? Naniniwala ang mga ma-nanaliksik na nagkakaroon ngmga seizure kapag biglang bu-mugso ang elektrikal na mgasignal sa pagitan ng mga selulang utak. Hindi pa malinaw kungbakit ito nangyayari.Ano ang dapat kong gawin ka-pag nakakita ako ng epilepti-kong inaatake ng grand mal

seizure? “Dapat hayaan ng mganakakakita na matapos ang ata-ke at huwag galawin ang pa-syente, basta’t tiyakin nilangnakakahinga siya at hindi nasa-saktan,” ang sabi ng The Ency-

clopedia of the Brain and Brain

Disorders. Pero sinasabi ng ak-lat: “Dapat nang tumawag ngambulansiya kapag tumagalnang mahigit limang minuto angseizure, kapag nasundan agadang seizure, o kapag hindi nag-kamalay ang pasyente ilang mi-nuto pagkatapos ng seizure.”Paano ko matutulungan angpasyente habang siya ay nag-si-seizure? Maglagay ng malam-bot na bagay sa pagitan ng uloniya at ng sahig, at ilayo sa uloniya ang matutulis na bagay. Ka-pag tumigil na ang pangingisay,itagilid ang pasyente gaya ng ipi-nakikita sa dayagram.Ano ang dapat kong gawin ka-pag nagkamalay na ang pa-syente? Una, sabihin sa kaniyana huwag siyang mag-alala.Saka siya tulungang bumangonat akayin sa lugar kung saan pu-wede siyang magpahinga. Kara-mihan ng pasyente ay nalilito atinaantok pagkatapos mag-sei-zure; ang iba naman ay mabilismaka-recover at nakapagpapa-tuloy sa ginagawa nila bago angatake.Lahat ba ng nagsi-seizure aynangingisay? Hindi. May ilanna sandaling nawawala sa sarilipero hindi naman natutumba.Ito ang tinatawag na petit malseizure (o absence seizure), nakadalasan ay sandali lang atwalang pangmatagalang epek-to. Ang ilang may epilepsi ay du-maranas ng mahahabang petitmal seizure, na tumatagal nang

Ang Dapat Mong MalamanTungkol sa Epilepsi

Gumising! Oktubre 2013 13

ilang minuto. Sa gayong kaso,baka ang pasyente ay palakad-lakad sa kuwarto, hinihila angkaniyang damit, o kumikilosnang kakaiba. Pagkatapos ngseizure, parang lutang ang paki-ramdam niya.Ano ang buhay ng may epilep-si? Maraming may epilepsi anglaging nag-aalala kung kailan atkung saan sila susumpungin. Satakot na mapahiya, baka hindina sila makihalubilo sa mga tao.Ano ang maitutulong ko saisang may epilepsi? Himukinsiyang sabihin ang kaniyang na-raramdaman. Pakinggan siyangmabuti. Itanong kung ano anggusto niyang gawin mo kapagnagsi-seizure siya. Dahil mara-ming may epilepsi ang hindi

makapagmaneho, baka puwedemo siyang isakay o tulungan saibang gawain niya.Puwede bang mabawasan, omapigilan pa nga, ang mgaseizure? Mas malamang naumatake ang seizure dahil samga bagay na gaya ng stressat puyat. Kaya naman pinapayu-han ng mga eksperto ang mgaepileptiko na magpahinga nangsapat at mag-ehersisyo nang re-gular para mabawasan angstress. Sa ilang kaso, ang mgainiresetang gamot, kung iinuminsa tamang paraan, ay epektiborin para mapigilan ang mga sei-zure. ˛

Dahil sa epilepsi, si Sello, isang kabataang lalaki saSouth Africa, ay nahinto sa pag-aaral sa murang edad.Lumaki siyang di-nakapag-aral at walang iniinom na ga-mot para sa sakit niya. Pero gusto niyang maunawaanang Bibliya, at tinulungan siya ng mga Saksi ni Jehova.Bukod sa pag-aaral ng Bibliya, tinuruan din nila siyangmagbasa. Isang Saksing doktor ang tumulong sa kani-ya na makakuha ng gamot at benepisyo mula sa go-byerno. “Talagang maibiging Kristiyano ang mga Saksini Jehova,” ang sabi ni Sello, na ngayon ay isa nangSaksi at nasisiyahang magbahagi sa iba ng pangakong Diyos tungkol sa isang bagong sanlibutan kung saanwala nang sakit.—Apocalipsis 21:3-5.

Posisyon ParaMaka-recover

Pagkatapos ngpangingisay . . .Lumuhod sa tabi ngpasyente at ibaluktotang braso niya mula sasiko, paturo sa itaas

Marahang ilagay angkabilang kamay ngpasyente sa kaniyangpisngi

Gamit ang kabilang kamaymo, iharap sa iyo ang tuhodniya at dahan-dahan siyangitagilid. Pagkatapos, ilagayang tuhod ng pasyente saharap ng katawan niya paralumapat ito sa sahig

Itingala ang ulo ngpasyente para makahingasiya nang maayos

ANG SINASABI NG MGA MANANALIKSIK Bawat isa sa atin ay nalu-lungkot sa pana-panahon, pero ang clinical depression ay isang naka-panghihinang sakit na nagtatagal at nakaaabala sa pang-araw-araw nagawain ng isang tao. Pansinin na iba’t iba ang opinyon ng mga eksper-to tungkol sa kung alin ang normal na kalungkutan at kung alin ang de-presyon. Pero may mga tao na talagang nagkakaroon ng sobrang ne-gatibong emosyon, na kung minsan ay may kasama pang labis napang-uusig ng budhi at pagkadama ng kawalang-silbi.ANG SABI NG BIBLIYA Binabanggit ng Bibliya na may mga lalaki at ba-baing nagkaroon ng negatibong emosyon. Halimbawa, si Hana ay nag-karoon ng ‘mapait na kaluluwa’—pananalitang isinalin bilang “puno ngdalamhati” at “matinding sama ng loob.” (1 Samuel 1:10) Minsan, na-lipos ng pamimighati si propeta Elias anupat hiniling niya sa Diyos nakunin na ang buhay niya!—1 Hari 19:4.Ang unang-siglong mga Kristiyano ay pinayuhang “magsalita nang maypang-aliw sa mga kaluluwang nanlulumo.” (1 Tesalonica 5:14) Ayon saisang reperensiya, ang terminong “mga kaluluwang nanlulumo” ay ma-aaring tumukoy sa mga taong “pansamantalang dumaranas ng kaigti-ngan sa buhay.” Maliwanag na kahit ang tapat na mga lalaki at babaenoong panahon ng Bibliya ay nadedepres din paminsan-minsan.

ANG PANGMALAS NG BIBLIYA � DEPRESYON

D E P R E S Y O N

Ano ang depresyon?

“Ako ay nagulumiha-

nan, ako ay napayukod

nang lubusan; buong

araw akong naglalakad

na malungkot.”

—Awit 38:6.

r Alamin ang sagot sa iba pang mga tanong tungkol sa Bibliya sa www.jw.org/tl

ANG SABI NG BIBLIYA Itinuturo ng Bibliya na ang sakit ay resulta ngpagrerebelde ng unang mag-asawa. Halimbawa, sinasabi ng Awit51:5: “Sa kamalian ay iniluwal ako na may mga kirot ng panganga-nak, at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina.” Sinasabi namanng Roma 5:12 na “sa pamamagitan ng isang tao [ang unang taong siAdan] ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan at ang kamatayan sapamamagitan ng kasalanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaga-nap sa lahat ng tao sapagkat silang lahat ay nagkasala.” Dahil sa mi-nanang di-kasakdalan mula kay Adan, tayong lahat ay nagkakasakit,pisikal man o emosyonal. Bilang resulta, sinasabi ng Bibliya na “angbuong sangnilalang ay patuloy na dumaraing na magkakasama atnasasaktang magkakasama.” (Roma 8:22) Pero may pag-asang ibini-bigay ang Bibliya na di-kayang ibigay ng sinumang doktor—ang panga-ko ng Diyos na isang mapayapang bagong sanlibutan kung saan walanang sakit at karamdaman, pati na depresyon.—Apocalipsis 21:4.

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA Hindi mo laging kontrolado ang kalaga-yan mo, at kung minsan, nangyayari ang masasamang bagay. (Ecle-siastes 9:11, 12) Pero may magagawa ka para hindi madaig ng nega-tibong emosyon.ANG SABI NG BIBLIYA Binabanggit sa Bibliya na ang mga maysakit ay nangangailangan ng manggagamot. (Lucas 5:31) Kaya kungmayroon kang nakapanghihinang sakit sa emosyon, hindi naman ma-samang kumonsulta sa doktor. Ipinakikita rin ng Bibliya ang kahalaga-han ng pananalangin. Halimbawa, sinasabi ng Awit 55:22: “Ihagis moang iyong pasanin kay Jehova, at siya ang aalalay sa iyo. Hindi niya ka-ilanman ipahihintulot na ang matuwid ay makilos.” Ang pananala-ngin ay hindi basta pampagaan ng loob; ito’y pakikipag-usap sa Diyosna Jehova, na “malapit sa mga wasak ang puso.”—Awit 34:18.Makatutulong din sa iyo na sabihin sa isang matalik na kaibigan angiyong nadarama. (Kawikaan 17:17) “Hinimok ako ng isang kapana-nampalataya na magkuwento tungkol sa aking depresyon,” ang sabini Daniela, isang Saksi ni Jehova. “Ilang taon kong iniiwasang pag-usapan ang tungkol dito, pero nakita kong dapat ko nga itong sabihinsa iba. Talagang gumaan ang pakiramdam ko.” ˛

Kasalanan ba ng isa kung nadedepres siya?

“Ang buong sangnilalang

ay patuloy na dumaraing

na magkakasama at na-

sasaktang magkakasa-

ma.”—Roma 8:22.

Paano mo mapaglalabanan ang depresyon?

“Si Jehova ay malapit sa

mga wasak ang puso; at

yaong mga may espiri-

tung nasisiil ay inililigtas

niya.”—Awit 34:18.

Gumising! Oktubre 2013 15

g1

3 1

0-T

G1

30

62

7

WALA pang isang milimetro ang habang tainga ng South American bush

katydid (Copiphora gorgonensis), pero guma-gana itong gaya ng tainga ng tao. Ang insek-tong ito ay nakakakilala ng napakaramingiba’t ibang frequency na nasa malayo. Halim-bawa, alam nito ang pagkakaiba ng tunog ngibang katydid at ng ultrasound ng panikingnaninila.

Pag-isipan ito: Ang mga tainga ng katy-did ay nasa dalawang unahang binti nito. Tu-lad ng tainga ng tao, ang tainga ng katydiday nangongolekta ng tunog, kino-convertiyon, at sinusuri ang frequency. Pero natukla-

san ng mga siyentipiko ang isang kakaibangsangkap sa loob ng tainga ng insektong ito—isang pressurized na butas na puno ng liki-do at parang pahabang lobo. Ang sangkapna ito, na tinawag nilang acoustic vesicle, aygumaganang tulad ng cochlea ng mga ma-malya pero di-hamak na mas maliit dito. Angacoustic vesicle ang siyang dahilan ng ka-mangha-manghang pandinig ng katydid.

Sinasabi ni Propesor Daniel Robert, ngSchool of Biological Sciences ng Universityof Bristol sa United Kingdom, na ang tuklasna ito ay tutulong sa mga inhinyero na “mag-disenyo ng mga hearing device na kinopyasa kalikasan, na mas maliit at mas malinawkaysa sa dati.” Naniniwala ang mga manana-liksik na makatutulong din ito sa teknolohi-ya ng ultrasonic engineering, pati na sa mgaimaging system para sa mga ospital.

Ano sa palagay mo? Ang kamangha-manghang pandinig ba ng katydid ay resultang ebolusyon? O may nagdisenyo nito? ˛

M A Y N A G D I S E N Y O B A N I T O ?

AngKamangha-manghangPandinig ng Katydid

TAINGA NG KATYDID

2�

pelooyen/Pond5.com

sLibreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Bibliya online samga 50 wika

Magpunta sawww.jw.org/tlo i-scan ang code

no

p