tatlong pangkat ng pagkain

9
TATLONG PANGKAT NG PAGKAIN

Upload: gracila-dandoy

Post on 16-Apr-2017

4.853 views

Category:

Food


10 download

TRANSCRIPT

Page 1: Tatlong Pangkat ng Pagkain

TATLONG PANGKAT NG PAGKAIN

Page 2: Tatlong Pangkat ng Pagkain

Kailangan ng taong kumain sapagkat taglay ng pagkain ang mga sustansiyang kailangan ng katawan upang lumaki, lumakas at labanan ang sakit at impeksiyon. May tatlong pangkat ng pagkain na kinakailangan ng ating katawan upang manatili itong malusog at malakas.

Page 3: Tatlong Pangkat ng Pagkain

Pangkat I (GROW FOODS)Mga Pagkaing Tumutulong sa

PaglakiMayaman sa protina ang mga pagkaing kasama

sa Pangkat I. Ang PROTINA ay sustansiyang tumutulong sa paglaki at pag-unlad ng mga buto

at kalamnan. Mahalagang panustos din ang protina sapagkat ito ang nagpapanumbalik ng

wastong ayos ng mga nasira at nasugatang kalamnan. Pinapupula din ng protina ang dugo,

pinatitigas ang kalamnan, at pinatitibay ang mga kuko at ngipin.

Page 4: Tatlong Pangkat ng Pagkain
Page 5: Tatlong Pangkat ng Pagkain

Pangkat II (GO FOODS)Mga Pagkaing Nagbibigay-

Lakas

CARBOHYDRATES ang pangunahing sustansiya na nagbibigay-lakas at init sa katawan, kasunod ang langis at taba.

Page 6: Tatlong Pangkat ng Pagkain
Page 7: Tatlong Pangkat ng Pagkain

Pangkat III (GLOW FOODS)Mga Pagkaing Pananggalang sa

Sakit at ImpeksiyonAng Bitamina A, Calcium, at Iron ay mga sustansiyang mahalaga upang magkaroon ng malinaw na mata, makinis na balat, at matibay na buto at ngipin. Ang Bitamina C naman ay upang lumakas ang resistensiya ng katawan laban sa sakit at impeksiyon. Pinalulusog din nito ang mga ngipin at gilagid.

Page 8: Tatlong Pangkat ng Pagkain
Page 9: Tatlong Pangkat ng Pagkain

Kailangang kumain ng mag-anak araw-araw ng mga pagkaing nasa tatlong pangkat ng pagkain kung nais nilang manatiling malakas at malusog. Dapat gamiting gabay ang tatlong pangunahing pangkat ng pagkain sa pagbabalak at paghahanda ng pagkain para sa mag-anak.