teacher lyanne ortua · mga halimbawa ng panitikan pabula ... mahal na mahal ni aling dora ang...
TRANSCRIPT
Del Rosario Christian Institute
1
Teacher Lyanne Ortua
Del Rosario Christian Institute
2
Mga Halimbawa ng Panitikan
PABULA
- Ang karaniwang pábulá ay kuwento kung saan mga hayop ang gumaganap at ang mga hayop na ito ay
kumikilos at nagsasalita na tulad ng tao.
-Madalas na inilalarawan ng pábulá ang dalawang hayop na may magkaibang ugali at nagwawakas ang
kuwento na nagwawagi ang may mabuting ugali. Nag-iiwan ito ng aral sa mambabasa.
-Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. May
natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga
batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Halimbawa “Ang aso at ang Uwak.” nakuha ng aso ang karne sa pamamagitan ng pagpuri sa uwak
Del Rosario Christian Institute
3
ANG ASO AT ANG UWAK
Ang ibong si Uwak ay lipad nang lipad
Nang biglang makita tapang nakabilad
Agad na tinangay at muling lumipad
Sa dulo ng sanga ng malagong duhat.
Habang kumakain si Uwak na masaya
Nagmakubli-kubli nang huwag makita
Nang iba pang hayop na kasama niya
At nang masarili, kinakaing tapa.
Walang anu-ano narinig ni Uwak
Malakas na boses nitong Asong Gubat
Sa lahat ng ibon ika'y naiiba
Ang kulay mong itim ay walang kapara.
Sa mga papuri nabigla si Uwak
At sa pagkatuwa siya'y humalakhak;
Ang kagat na karne sa lupa'y nalaglag
Kaagad nilundag nitong Asong Gubat.
At ang tusong aso'y tumakbong matulin
Naiwan si Uwak na nagsisi man din
Isang aral ito na dapat isipin
Ang labis na papuri'y panloloko na rin.
Natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para
sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Ang ALAMAT ay itinuturing na isang kwentong bayan na nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang
bagay. Ito ay nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.
Kahit na walang makakapagpatunay kung totoo ba talaga ang mga sinasabi sa mga alamat, iilan
lamang ang mga taong nagtatanong tungkol sa katotohanan ng mga ito.
Tulad lamang ng karamihang gawang sining na pasulat, ang isang alamat ay mayroong
“Simula”, “Gitna”, at “Wakas”.
SIMULA
Ito ay binubuo ng tauhan, tagpuan at suliranin. Narito ang ilang bahagi nito sa alamat:
Ang Tauhan – karakter sa kwento
Tagpuan – lugar na pinagganapan ng mga eksena sa kwento
Suliranin – problemang kinaharap ng mga karakter sa kwento ngunit biglang papawiin ng isang
masamang pangyayari.
GITNA
Ito ang pinaka-inaabangang tagpo ng mga kalagayan at tagpo. Narito ang ilang bahagi nito sa alamat:
Saglit na kasiglahan – kasiglahan sa kwento
Tunggalian – paghaharap o pag-aaway ng mga karakter
Kasukdulan – pinakamagandang parte o bahagi ng istorya
Del Rosario Christian Institute
4
WAKAS Tinatapos nito at binubuo ang isang kuwento. Ito ang dapat na tumatak sa buong kuwento. Narito ang ilang
bahagi nito sa alamat:
Kakalasan – unti-unting pagbuti ng kwento o papalapit sa katapusan
Katapusan – kung saan nagtatapos ang isang kwento
HALIMBAWA:
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling
Dora at ang
anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Dora ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa
layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na
alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.
Isang araw nagkasakit si Aling Dora. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya
si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang
lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Dora, napagsilbihan naman siya kahit
paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Dora kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa
kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses
naman ay
ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad
tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Dora sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku!
Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong
nang tanong sa akin.
Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin
ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Dora. Tinatawag niya ang
anak
ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Dora. Hinanap niya si
Del Rosario Christian Institute
5
Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang
bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Dora si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Dora sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang
halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Dora ng
makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.