test items - araling panlipunan iv

22
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION BUREAU OF SECONDARY EDUCATION SAMPLE TEST ITEMS IN

Upload: jemalyn-d-bautista

Post on 22-Oct-2014

8.920 views

Category:

Documents


328 download

TRANSCRIPT

Page 1: Test Items - Araling Panlipunan IV

CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISIONBUREAU OF SECONDARY EDUCATION

SAMPLE TEST ITEMS

IN

Page 2: Test Items - Araling Panlipunan IV

2

Page 3: Test Items - Araling Panlipunan IV

PANUTO: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit ng tao sa kanyang ________________________ na pinagkukuang yaman upang matugunan ang kanyang _______________________ na pangngailangan.

A. Sapat; walang hanggangB. Limitado; walang hangganC. Sapat; may hanggananD. Limitado; may hangganan

2. Nasasaklawan ng ekonomiks ang mga sumusunod maliban sa

A. KakapusanB. ProduksyonC. DistribusyonD. Pagkunsumo

3. Pangunahing tinatalakay sa ekonomiks ang suliranin sa

A. Kawalan ng trabahoB. Pagkasira ng pinagkukunang-yamanC. GutomD. Kakapusan

4. Alin sa mga maka-agham na pamamaraan ang hindi ginagawa ng ekonomiks

A. obserbasyonB. pagkuha ng datosC. pag-eeksperimento sa lboratoryoD. pagsusuri ng datos

5. Nakatutulong ang kaalaman at kasanayan sa ekonomiks sa paggawa ng wastong pagpapasya. Nangangahulugan it na ang ekonomiks ay

A. Nagtuturo ng tamang sagot sa problemaB. Nagbibigay ng kasanayan sa problemaC. Humahatol sa problemaD. Humahanap ng problema

6. Noong nakaraang eleksyon, inihalal ni Jojo ang kaibigan niyang si Alex bilang Mayor ng kanilang bayan. Kilala ni Jojo si Alex bilang isang matapat at matalinong tao. Ang kasanayan sa ekonomiks na nalinang kay Jojo ay ________

A. Mabuting pakikipagkaibiganB. Mahusay na pakikisamaC. Matalinong botanteD. Mabuting makisama

7. Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin ang sweldo ng iyong tatay para tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya. Ang pinakamalaki ninyong gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano ang iyong maimumungkahi upang mapagaan ang problema sa pananalapi ng iyong pamilya?

A. Huwag nang gastusinB. Bumili ng mura ngunit masustansyang pagkainC. Huminto muna sa ;pag-aaralD. Maghanap ng trabahong malaki ang suweldo

8. Ang madalas na pagbiyahe ni Pagulong Arroyo ay nagpapakita ng kanyang pagiging ekonomista. Alam niya na ang pagdalaw sa iba’t ibang bansa ay paraan upang…

1

Page 4: Test Items - Araling Panlipunan IV

A. higit na maunawaan ang mga pangyayari sa iba’t ibang panig ng daigdigB. marating ang mga bansang may kaugnayan sa atinC. magkaroon ng pagkakataon na makipagkaibiganD. maranasan ang buhay sa mga bansang kanyang pinupuntahan

9. Ang pagkakaroon ng maayos nasistema ng transportasyon ay nakakatulong sa ekonomiya sapagkat __________________.

10. Sa pinagtibay na desisyon ng Korte Suprema ukol sa Mining Act of 1995, nabuksan ang pagmimina sa mga dayuhang interesado na mamuhunan sa negosyong ito. Alin sa palagay mo ang pinakaangkop na pagtataya ukol sa epekto ng batas na ito sa pambansang ekonomiya?

A. Pagtingin sa bilang ng nadagdag na may trabahoB. Maaring sa pagbabago ng pambansang kitaC. Pagtaya sa pagbabago ng produksyon ng ginto, pilak, tansoD. Pagtantiya sa antas ng kita ng mga mamamayan

11. Ang pagguho ng lupa sa mga kabundukan ng Quezon dulot ng bagyong Winnie ay katunayan na:

A. Malawak na ang pagkasira n gating kagubatanB. Mahirap pigilan ang ganti ng kalikasanC. Mapanira ang bagyoD. Kailangang mag-ingat ang mga tao kung may bagyo

12. Ang modernisasyon ng Philippine Navy ay magbubunga ng pangangalaga sa ating –

A. yamang lupaB. yamang tubigC. yamang mineralD. yamang gubat

13. Taglay ng yamang tao ng Pilipinas ang mataas na antas ng pagpapahalaga sa paggawa sapagkat sila ay _____

A. Masisipag at matitiyagaB. Nakatatanggap ng matataas ang sweldoC. Madalas mag-overtimeD. Madaling matuto ng gawain

14. Malaking bilang ng populasyon ng Pilipinas ay binubuo ng mga taong nasa pagitan ng edad 0 –19. Nangangahulugan ito na ang populasyon sa bansa ay _______

A. bataB. nasa lakas paggawaC. produktiboD. matanda

15. Malaki ang pangangailangan sa mga teknikal na kasanayan. Alin sa mga kurso sa ibaba ang tutugon sa pangangailangang ito?

A. CommerceB. LawC. Medicine D. Engineering

2

Page 5: Test Items - Araling Panlipunan IV

16. Batay sa pinakahuling surbey (Nobyembre 2004) ng Bureau of Labor Statistics, 13% ng lakas paggawa ng Pilipinas ay walang trabaho. Ang suliraning ito ay matutugunan kung…

A. Mag-eempleyo ang pamahalaan ng karagdagang manggagawaB. Maghihikayat ng maraming mamumuhunanC. Kukuha ng mga dalubhasa upang magturo ng iba’t ibang kasanayanD. Magbibigay ng sabsidiya (subsidy) ang pamahalaan sa mga walang

trabaho

17. Ang pag-aaral na mabuti ay isang paraan upang magkaroon ng magandang trabaho. Ang paglalahat na ito ay nagpapahiwatig na…

A. Mahirap matanggap sa trabaho ang isang hindi tapos sa pag-aaralB. Ang kwalipikasyong edukasyonal ay kailangan sa trabahoC. Ang kasanayan at kaalaman ay nahuhubog sa pag-aaralD. Ang edukasyon ay susi upang magkatrabaho

18. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng palatandaan ng kakapusan?

A. pulubi na nagpapalimos sa kalyeB. mahabang pila ng mga pasahero sa sakayanC. pagsisiksikan ng mga mag-aral sa silid-aralanD. pagkasira ng mga kagubatan upang tirhan

19. Ang ating pamahalaan ay nananawagan na magkaisa sa pagbalikat ng suliranin ukol sa kakulangan ng pondo. Mayroon tayong dipisit (deficit) sa badyet. Nangangahulugan ito ng _____________ sa badyet.

A. kakulanganB. kakapusanC. kalabisanD. kahustuhan

20. Sa isang pinag-uutos na ekonomiya (command economy), and pagpapasya sa paggamit ng mga pinagkukunang-yaman ay nasa kamay ng _____________

A. mamamayanB. mayayamang tao sa lipunanC. mga sundaloD. estado

21. Ang pagkakataong magmay-ari ng mga pribadong tao ay nagyayari sa mga bansang nagpapairal ng sistemang _______________________.

A. kapitalismoB. sosyalismoC. komunismoD. piyudismo

22. Ang departtamento ng pamahalaan na direktang kumakalinga sa serbisyong pangkalusugan ng mga mamamayan?

A. DOHB. DILGC. DepEDD. DSWD

23. Napasama ang iyong pangalan sa mga batang tatanggap ng libreng bigas at de lata. Programa ito ng pamahalaan na Pagkain para sa Mahirap. Kapalit ng mga ito

3

Page 6: Test Items - Araling Panlipunan IV

ay ang pagbibigay ng community service ng iyong pamilya. Anong paglilingkod ang iyong maibibigay? ______________________

24. Ilagay sa tamang kolum ang mga bagay ayon sa katangian nito

PANGANGAILANGAN KAGUSTUHAN________________ ______________________________ ______________________________ ______________

A. pagkain B. jagC. Apartment D. eksklusibong paaralanE. Cell Phone

25. Pagsunud-sunurin ang mga bagay sa ibaba ayon sa teorya ng panganga-ilangan ni Maslow.

1. pagkain2. damit3. tirahan4. edukasyon

A. 1, 2, 3, 4 B. 2, 1, 3, 4C. 3, 4, 2, 1 D. 4, 3, 2, 1

26. Alin sa mga paraan ng pag-aanunsiyo ang may pinakamalakas na epekto sa mamimili?

A. telebisyonB. radyoC. dyaryoD. billboards

27. Ang paggamit ng mga sikat o kilalang tao upang makilala ang produkto ay tinatawag na…..

A. band-wagon effectB. status symbolC. colonial mentalityD. testimonial

28. Gumagastos ang mga kompanya sa pag-aanunsiyo upang ipakilala ang produkto. Umaasa silang ito ay magbubunga ng ….

A. higit na maraming benta at malaking tuboB. makababawas sa buwis na babayaran ng kopanyaC. pangunguna sa kompetisyonD. makapagpapasaya sa tauhan ng kompanya

29. Ang pag-aanunsiyo ay makaka-apekto sa pagkonsumo ng mga mamimili sa pamamagitan ng….

A. paghikayatB. pakikiusapC. panggagayaD. pagsunod

30. Ang mga halimbawa sa ibaba ay mga katangian ng matalinong mamimili, alin ang hindi kabilang?

A. malikhain B. maselan

4

Page 7: Test Items - Araling Panlipunan IV

C. matipid D. mapanuri

31. Paghahanda kung araw ng pista. Anong salik ang nakakaapekto sa pagkonsumo?

A. panlasaB. okasyonC. presyoD. panahon

32. Ang pagdadala ng listahan sa pamimili ay makatutulong upang makatipid sa…

A. peraB. enerhiyaC. panahonD. lahat ng nabanggit

33. Bilang mamimili, karapatan mo na pumili ng produktong nais mong bilhin. Kaakibat ng karapatang ito ay ang iyong pananagutan na…

A. utangin ang mga produktoB. bayaran ang produktong biniliC. tipirin ang pagggamit ng produktoD. bayaran ang biniling produkto

34. Sa anong salik ng produksyon nabibilang ang gusali ng pagawaan?

A. lupaB. lakas paggawaC. puhunanD. salapi

35. Ang katanungang “ ano ang gagawin, paano gagawin, at para kanino gagawin?” ay sinasagot ng …

A. prodyuserB. konsyumerC. pamahalaanD. mamumuhunan

36. Itinuturing ang isang entreprenyur bilang ulo ng negosyo. Nangangahulugan ito na ang kanyang gawain ay…

A. Maging manggagawaB. Pamahalaan ang buong negosyoC. maghanap ng magpapatakbo ng negosyoD. taga-utos sa mga empleyado

37. Ang kakayahang entreprenyuryal (entrepreneurial skills) ay mahalagang sangkap sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Ang kanilang kontribusyon ay nauugnay sa…

A. produksyonB. pagkonsumoC. pamamahagiD. pag-imbento

38. Ang demand ay tumutukoy sa kahandaan at kakayahang __________ ng prdukto at serbisyo.

5

Page 8: Test Items - Araling Panlipunan IV

A. bumiliB. magbiliC. lumikhaD. mag-aksaya

39. Ang kahandaan at kakayahang magbili ng produkto at serbisyo sa pamilihan ay tinatawag na…

A. demandB. suplayC. presyoD. ekwilibriyo

40. Ang pagtaas ng demand sa produkto sanhi ng pagbaba ng presyo nito ay naaapektuhan ng salik na…

A. panahonB. pagpili (preference)C. presyoD. populasyon

41. Ang pagtaas ng suplay sanhi ng paggamit ng makabagong makinarya ay sanhi ng salik na…

A. teknolohiyaB. bilang ng industriyaC. populasyonD. presyo

42. Ang presyo ay instrumento upang magkasundo ang _____________ at ___________ sa pamilihan.

A. magkakagalit; nag-aawayB. mamimili; nagbibiliC. mamamayan; pamahalaanD. nagbibili; supplier

43. Ang pagpila ng mga tao upang makabili ng produkto ay palatandaan na ang pamilihan ay nasa kalagayang..

A. ekwilibriyoB. kalabisanC. kakulanganD. katamtaman

44. Ang kondisyon na mataas ang suplay kaysa demand ay nagpapakita na ang pamilihan ay…

A. nasa ekwilibriyoB. may kakulanganC. may kalabisanD. may suliranin

45. Ang bahagdan (%) ng pagbabago ng demand at suplay kaugnay ng bahagdan (%) ng pagbabago ng presyo ay tumutukoy sa…

A. demandB. suplayC. ekwilibriyoD. elastisidad

6

Page 9: Test Items - Araling Panlipunan IV

46. Ang bahagdan (%) ng pagbabago ng demand bunga ng pagbabago ng presyo ay tinatawag na …

A. elastisidadB. elastisidad ng demandC. elastisidad ng suplayD. ekwilibriyo

47. Kung ang elastisidad ng produkto ay may epekto sa suplay, nangangahulugan ito na ang elastisidad ay may epekto sa…

A. pagkonsumoB. produksyonC. demandD. suplay

48. Ang mekanismo ng pamilihan ay umiiral kung nagkakaroon ng ___________ sa pamilihan.

A. monopolyoB. oligopolyoC. kartel D. kompetisyon

49. Ang paglalagay ng price control ay isang halimbawa ng impluwensiya ng pamahalaan sa pamilihan. Isang halimbawa nito ay ang paglalagay ng pinakamababang presyo sa produkto. Tinatawag itong…

A. price ceilingB. price floorC. buffer priceD. fixed price

50. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ang pagtiyak na magkakaroon ng kaayusan sa mga gawaing pang-ekonomiya. Ito ay sa pamamagitan ng …

A. regulasyonB. pagbabantayC. panghuhuliD. pag-eespiya

51. Anong ugnayan ang ipinakikita sa dayagram.

presyo

dami

A. direktang ugnayanB. di – tuwirang ugnayanC. tuwirang ugnayanD. positibong ugnayan

52. Ang pagbabago ng presyo ng mga produkto at serbisyo ay nakaaapekto sa sambahayan. Ano ang epekto nito?

A. Ang pagbabago ng presyo ay naghihikayat ng pagbabago ng pagkonsumo.B. Nakaaapekto sa kita ang anumang pagbabago ng presyo.C. Ang pagbabago ng presyo ay nakaaapekto lamang sa mga may fixed na kita.D. Ang pagbabago ng presyo ay nagpapabago sa badyet ng sambahayan.

7

Page 10: Test Items - Araling Panlipunan IV

53. Magtipid at mag-impok. Ito ang payo ng mga ekonomista upang makatulong sa ating suliraning pang-ekonomiya. Nangangahulugan lamang ito na…

A. kinikilala ng mga ekonomista ang kontribusyon natin sa ekonomiyaB. ang pag-iimpok ay mabuting GawainC. ang pag-iimpok ay makatutulong sa pamumuhunanD. ang pag-iimpok ay likas na ugali ng mga Pilipino

54. Matapos makaipon sa pagtatarabaho sa abroad, minabuti ni Jay na magnegosyo na lamang dito sa Pilipinas. Nagsimula siya ng isang maliit na gawaan ng handicraft na may tatlong tauhan. Sa paanong paraan nakatulong si Jay sa paglutas ng suliraning pang-ekonomiya n gating bansa?

A. Nakalikha siya ng karagdagang oportunidad sa trabahoB. Nakapagbigay siya ng karagdagang kita sa kanyang pamilyaC. Nakapagpakilala siya ng bagong produktoD. Maaari nang maging produktibo ang kanyang oras dito sa bansa

55. Sa kabila ng mga di magandang pangyayari sa Iraq, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nais makipagsapalaran doon. Anong paglalahat ang angkop sa pangungusap?

A. malaki ang kita sa IraqB. madali ang trabaho sa IraqC. mahirap makakita ng trabaho sa PilipinasD. ayaw nila ng trabaho dito sa Pilipinas

56. Ang kakayahan ng isang bansa sa paglikha ng produkto at serbisyo ay sinusukat ng…

A. GROSS NATIONAL PRODUCTB. HUMAN DEVELOPMENT INDEXC. CORRUPTION INDEXD. CONSUMER PRICE INDEX

57. Matatag ang ekonomiya ng bansa kung ang GNP nito ay….

A. negatiboB. positiboC. tuloy-tuloy na paglagoD. mababa

58. Ang pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga produkto at serbisyo ay tinatawag na…

A. implasyonB. deplasyonC. depresasyonD. debalwasyon

59. Anong sitwasyon ang nagpapakita ng implasyon?

A. dagdag na baon sa pagtaas ng pamasaheB. dagdag na produkto at serbisyo sa parehong halagaC. bawas na produkto at serbisyo sa parehong halagaD. mataas na halaga, bawas na produkto at serbisyo

60. Ang tight monetary policy ay isang paraan ng paglutas sa suliranin ng implasyon. Anong epekto nito sa ekonomiya?

8

Page 11: Test Items - Araling Panlipunan IV

A. pagdami ng salapi sa sirkulasyonB. pagbaba ng interes sa deposito sa bangkoC. pagbawas ng salapi sa sirkulasyonD. pagtaas ng interes sa pautang

61. Bilang mag-aaral, alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang malutas ang suliraning dulot ng implasyon?

A. pag-iimpokB. pag-aaral na mabutiC. pamumuhunanD. pagiging magastos

Sa bilang na 62-63, gawing basehan an sumusunod an datos ukol sa inaprobahang badyet ng kongreso ng Pilipinas 9aras a taong 2005.

0

20

40

60

80

100

120

1

PAMBANSANG BADYET (sa bilyong piso)

DEPED DPWH

Pinagkunan: Department of Finance, 2005

62. Anong kagawaran ang may pinakamalaking bahagi sa badyet ng bansa? _______________

63. Ano ang ipinahihiwatig ng datos sa itaas?

A. ipinakikita sa datos ang prayoridad ng ating pamahalaanB. ipinakikita sa datos ang paraan ng paggasta ng pamahalaanC. ipinakikita sa datos ang pangangailangan ng ating pamahalaanD. ipinakikita sa datos ang kakulangan ng ating pamahalaan

64. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pinanggagalingan ng salapi ng ating pamahalaan?

A. pag-utangB. pagbibili ng mga ari-arian ng pamahalaanC. buwisD. tulong mula sa ibang bansa

65. Ano ang gagawin mo upang makatulong ka sa paglutas ng suliranin ukol sa kakulangan ng badyet?

A. magbabawas ng baonB. magbayad ng tamang buwisC. magbigay ng donasyonD. mangilak ng karagdagang pondo

DND DILG DAR

111

49.5 46.2 43.9

14.7

9

Page 12: Test Items - Araling Panlipunan IV

66. Layunin ng patakarang monetaryo (monetary policy) na mapatatag ang halaga ng ating salapi. Matutugunan ang layuning ito kung….

A. mataas ang palitan ng piso sa dolyarB. mataas ang implasyonC. bumababa ang mga presyoD. nananatili o walang pagbabago sa presyo

67. Alin sa mga sumusunod ang angkop na puntahan ng negosyante upang makautang ng puhunan?

A. bangkoB. kooperatibaC. GSIS/SSSD. Pag-ibig

68. Mahalaga ang dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang maling gamit nito?

A. ginagamit ito sa pandaigdigang kalakalanB. ginagamit ito bilang reserba ng bansaC. ginagamit itong basehan sa pagpapatatag ng lokal na salapiD. ginagamit ito sa operasyon ng black market

69. Alin sa mga gawain ang magpapatatag ng halaga ng ating salapi?

A. pansamantalang pagtigil ng kalakalanB. bawasan ang pagluluwas ng mga lokal na produktoC. pagtatago ng dolyar sa alkansiyaD. pagpapalit ng dolyar sa bangko

70. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa sektor ng agrikultura?

A. pagtatanimB. paggugubatC. pagmiminaD. pangingisda

71. Sa panahon ng matinding bagyo, pangunahing sector na naaapektuhan ay ang…

A. AgrikulturaB. IndustriyaC. PaglilingkodD. pangangalakal

72. Makatutulong sa sektor ng agrikultura ang paggamit ng mataas na uri ng binhi. Pangunahing epekto nito ay ang…

A. paglaki ng gastos ng mga magsasakaB. pagtaas ng aniC. pagbaba ng gastos sa produksyonD. pagsipag ng mga magsasaka

73. Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap na ito?

A. sa agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayanB. malawak ang lupang laan sa agrikultura

10

Page 13: Test Items - Araling Panlipunan IV

C. higit na malaki ang kita sa agrikultura kaysa industriyaD. tanging agrikultura ang batayan ng ekonomiya ng bansa

74. Sa pagpasok ng mga imported na produktong agrikultural, magiging sanhi ito ng…

A. pagliit ng kita ng sector ng agrikulturaB. makikinabang ang mga mamimiliC. mamamatay ang sektor ng agrikulturaD. magkakaroon ng kompetisyon

75. Ano ang tinatayang magiging epekto ng kaguluhan sa Hacienda Luisita sa mga magsasakang nagtatrabaho sa hasyenda?

A. mawawalan sila ng trabahoB. madadagdagan ang kanilang sweldoC. matitigil ang kanilang GawainD. mapipinsala ang kanilang mga pananim

76. Ang mga sumusunod ang bumubuo sa sector ng industriya maliban sa…

A. pagmamanupakturB. konstruksyonC. pagsasakaD. pagmimina

77. Alin sa mga gawain ng mga kompanyang multi-nasyonal ang nararapat na limitahan o bawasan?

A. pagpapakilala ng mga bagong produkto na mabibili sa pamilihanB. pagbibigay ng trabaho sa higit na maraming taoC. pagpapakilala ng bagong teknolohiya ayon sa pandaigdigang pamantayanD. pag-aangkat ng mga hilaw na materyales sa mga karatig na bansa

78. Sa anong paraan natin maipakikita ang kasanayan sa paggamit ng makabagong teknolohiya?

A. pagpapatakbo ng bagong makinaryaB. kasanayan sa paggamit ng kompyuterC. mataas na antas ng produksyonD. mataas na sweldo ng ating mga manggagawa

79. Alin sa mga sumusunod na ahensiya ang nakasentro sa mga gawaing pang-industriya?

A. Department of Trade and IndustryB. Department of FinanceC. Department of Budget and ManagementD. National Economic and Development Authority

80. Nagiging makatwiran ang pagsasapribado ng mga korporasyon ng pamahalaan kung…

A. ang pagsasapribado ay higit na nagbibigay ng kapakinabangan sa pamahalaan.

B. ang pagsasapribado ay nagbibigay ng higit na kapakinabangan sa mga mamamayan.

C. ang pagsasapribado ay higit na nagbibigay ng kapakinabangan sa pamahalaan at mamamayan.

11

Page 14: Test Items - Araling Panlipunan IV

D. ang pagsasapribado ay makapagbibigay ng higit na kapakinabangan sa pribadong sector.

81. Ang isang mahusay na negosyante, ano ang dapat mong bigyang tuon para lumago ang iyong negosyo?

A. laki ng puhunanB. dami ng manggagawaC. mahusay na pamamahalaD. suporta ng pamahalaan

82. Mahalaga ambag ng sector ng agrikultura sa industriya ang….

A. Hilaw na materyales (raw materials) na sangkap sa industriyaB. Pagbili ng produktong yari ng industriyaC. pagbibigay ng manggagawa sa industriyaD. ang kasanayang agrikultural ang angkop sa industriya

83. Ang internet, e-mail at texting ay mga paraan sa mabilis na pagtatamo ng impormasyon. Sa anong aspeto ito makatutulong sa ekonomiya?

A. ang mabilis na impormasyon ay basehan ng mabilis na desisyonB. mababa ang halaga ng komunikasyon sa negosyoC. high-tech na ang paraan parasa mabilis na komunikasyonD. marami ng paraan sa mabilis na komunikasyon

84. Ang pagdami ng mga call center ay nagbigay ng karagdagang bilyong dolyar na kita sa bansa sa bawat taon. Ipinakikita nito na…

A. malakas pagkakitaan ang hanapbuhay na itoB. malaki ang potensyal ng Pilipinas sa gawaing itoC. mahusay ang mga Pilipino sa larangang itoD. dapat mamuhunan sa larangang ito

85. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa sector ng paglilingkod?

A. care giver B. fast food chainC. abogado D. negosyante

86. Ang tagumpay ng mga Pilipino sa sector ng paglilingkod ay katunayan lamang ng….

A. husay ng mga PilipinoB. swerte ang mga PilipinoC. mapagsapalaran ang mga PilipinoD. malikhain ang mga Pilipino

87. Kailangan ang mataas na kasanayan sa sector ng paglilingkod upang ______

A. patuloy na makaagapay sa mabilis na pagbabago ng teknolohiyaB. mapanatili ang ang mataas na kalidad ng paggawaC. patuloy na madagdagan ang kitaD. manatiling may pagkakataon sa bagong trabaho

88. Tinatawag na impormal na sector ang mga gawaing pang-ekonomiya na…

A. maliit ang kitaB. walang permanenteng pwestoC. hindi nagbabayad ng buwisD. pabagu-bago ng negosyo

12

Page 15: Test Items - Araling Panlipunan IV

89. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng impormal na sector?

A. pagnanais na mabuhayB. paghahangad na magkatrabahoC. pagsisikap na makaiponD. makatulong sa pambansang ekonomiya

90. Pangunahing kontribusyon ng impormal na sector sa ekonomiya ang ____________.

91. Ang Pilipinas ay nakikipagkalakalan sa iba’t ibang bansa. Nagpapatunay ito na ang ating pamahalaan ay nagpapairal ng patakarang _______

A. closed economyB. open economyC. liberalisasyonD. globalisasyon

92. Ano ang inaasahang mabuting epekto ng liberalisasyon ng ekonomiya sa mga lokal na produkto ng Pilipinas?

A. Kompetisyon ng local na produkto B. makikilala ang local na produkto sa pandaigdigang pamilihanC. pagpasok ng dayuhang produkto sa local na pamilihanD. mabibili ang local na produkto sa mataas na halaga

93. Sa supermarket, nakita ni Jay ang iba’t ibang laruan na gawa sa Tsina. Mura ang presyo ng mga ito at magaganda rin naman. Nagpabili si Jay sa kanyang ina at pinagbigyan naman siya. Tuwang-tuwa si Jay sa pagkakaroon ng bagong laruan. Anong bunga ng liberalisasyon ang makikita sa kwento?

A. pagkakaroon ng maraming pagpipilian B. higit na maginhawang mamili sa super marketC. mabibigyan ng dagdag na kita ang ating mga negosyanteD. magkakaroon ng pagkakataon sa imported na produkto ang local na mamimili

94. Sa tindahan naman ng gulay, isda at karne, nagsisiksikan ang mga tao upang bumili ng imported na gulay, isda at karne. Mura ang presyo ng mga ito kahit na frozen pa. Sa paanong paraan ito nakasasama sa ating ekonomiya?

A. pinaliliit nito ang kita ng ating mga produktong agrikulturalB. pinamamahal nito ang ating mga lokal na produktoC. pinasisikip nito ang ating mga palengkeD. nasasnay tayo sa pagkain ng mga produktong frozen

95. Ang pagtaas na halaga ng dolyar ay nagbibigay ng mabuting epekto para sa mga _____.

A. OFW at kanilang pamilyaB. Local na negosyanteC. PamahalaanD. Mamimili

96. Kinikilala ng ating pamahalaan ang kahalagahan ng kontribusyon ng ating mga OFWs sa pambasang ekonomiya. Dahilan ito upang tawagin silang ___________

A. Bagong bayaniB. mabuting halimbawaC. overseas Filipino investorsD. mga bagong misyonero

13

Page 16: Test Items - Araling Panlipunan IV

97. Ang patuloy na pagtangkilik sa mga local na produkto sa kabila ng mahigpit na kompetisyon sa pandaigdigang pamilihan ay palatandaan ng pagpapahalaga sa….

A. pagmamahal sa sariling produktoB. pagmamahal sa bayanC. pagmamahal sa mga local na negosyanteD. pagmamahal sa ekonomiya ng bansa

98. Kaanib ang Pilipinas sa WTO at APEC. Makikinabang dito ang bansa sapagkat ______

99. Ang patas na kapakinabangan sa ugnayan ng mga kasaping WTO at APEC ay dapat maramdaman ng…

A. mga PilipinoB. mga bansang kasapiC. mga mamamayan sa buong daigdigD. mga negosyante

100.Hindi lamang pang-ekonomiya ang dulot ng pagiging kasapi ng WTO at APEC, nagbibigay din ito ng kapakinabangang ____________

A. pampulitikaB. pangkalusuganC. panseguridadD. pang-edukasyonal

/revised/june 2005

14

Page 17: Test Items - Araling Panlipunan IV

ARALING PANLIPUNAN IVSUSI SA PAGWAWASTO

UNANG MARKAHAN IKALAWANG MARKAHAN

IKATLONG MARKAHAN

IKAAPAT NA MARKAHAN

1.B 26.A 51.B 76.C2.A 27.D 52.A 77.D3.D 28.A 53.C 78.B4.C 29.A 54.A 79.A5.B 30.B 55.C 80.C6.C 31.B 56.A 81.C7.B 32.A 57.C 82.A8.A 33.B 58.A 83.A9.pagbilis ng pagdadala ng kalakal

34.C 59.D 84.B

10.B 35.A 60.C 85.D11.A 36.B 61.A 86.A12.B 37.A 62.DEPED 87.B13.A 38.A 63.B 88.C14.A 39.B 64.C 89.A15.D 40.C 65.B 90.pagbibigay

trabaho16.B 41.A 66.D 91.B17.C 42.B 67.A 92.B18.D 43.C 68.D 93.A19.A 44.C 69.A 94.A20.D 45.D 70.C 95.A21.A 46.B 71.A 96.A22.A 47.B 72.B 97.B23.paglilingkod ayon sa kakayahan

48.D 73.A 98.lalawak ang ugnayan

24.kailangan – Akagustuhan-B,C,D,E

49.B 74.D 99.B

25.A 50.A 75.C 100.C