the parent and family engagement connection...titulo i, bahagi a pang-estadong inisyatibo sa...

6
Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Noong bata ako, kinahihiligan ko ang tag-araw. Mahahabang araw, maraming oras ng paglalaro. Liwanag sa tag-araw, puno ng bituin sa gabi. Gaya ng sabi ni Sarah Dessen, “Sa tag-araw, mahahaba ang mga araw at nagdurugtong-dugtong ang mga ito sa isa’t isa. Dahil walang pasok sa paaralan, nakahinto ang lahat pero nangyayari din nang sabay-sabay ang pinagsama-samang linggong ito kung kailan posible ang kahit ano.” Walang gaanong nakapigil sa akin sa pagsasaya sa tag-araw. Hindi gaanong mainit ang araw. Hindi gaanong tuyot ang alikabok. Hindi gaanong nakakairita ang mga langaw. At laging may mahahampas na lamok. May espesyal na lugar pa rin ang tag-araw sa aking puso – mas gugustuhin ko pang nasa labas habang naglalakad sa daan o nag-aasikaso ng aking hardin kaysa nagpipipindot sa keyboard o nanonood ng Netflix. May mga oras na ang hinaing ko ay gaya ng kay Shakespeare, “Masyadong maikling panahon ang oras na hiniram ng tag-araw.” Noong bata ako, hindi ako palabasa. Nanay ko ang ganoon. Magbabasa siya ng dalawa o tatlong libro kada linggo – makakapal na libro na walang larawan. Hinihikayat niya akong magbasa nang magbasa tuwing tag-araw. Tinutulungan niya akong humanap ng mga libro sa aklatan na kahihiligan ko, na karaniwan ay tungkol sa isports o mga lugar sa labas, at tiyak na may mga larawan o guhit sa mga libro ko. Hindi ekspertong tagakumpuni ang tatay ko, pero panahon ang tag- araw para sa mga pagpapaganda ng bahay. Palaging may listahan siya ng mga dapat gawin, at ako ang numero uno niyang alalay. Ako rin ang pangunahing matematiko niya. Ilalabas namin ang medida at isusulat ko ang mga sukat. Tinutulungan niya ako, ngunit kailangan kong alamin kung gaano karaming pintura ang kailangan namin o kung gaano karaming piraso ng ikakabit sa dingding o pataba ang bibilhin. Hindi ako binalaan ng mga magulang ko tungkol sa paghina ng isip sa tag-araw. Nagpatuloy lang sila sa pagtuturo sa akin. Tuwing bibiyahe kami nang saglit para bisitahin ang aking lolo at lola, magbabalik-aral kami tungkol sa mga kabisera ng mga estado, at ipapakita nila sa akin kung paano bumasa ng mapa at alamin ang distansiya. Tuwing magpapagasolina kami ng sasakyan, laging pinapabilang sa akin ng tatay ko ang average na milya ng takbo kada galon. Tinutulungan ako ng tatay ko na maunawaan ang mga pahina ng isports – puno ang baseball ng mga numero, porsiyento, at estadistika. Lubos na nagulo ng COVID19 ang pagtuturo at pag-aaral ng estudyante. Kaya naman, kailangang pahalagahan ng mga magulang at pamilya ang tag-araw bilang isang oportunidad para suportahan ang pag-aaral. Ang mga resipe ng pagkain ay puno ng mga sukat at isang magandang paraan para matutuhan ang mga fraction. Ang pamimili sa grocery ay maaaring maging oportunidad para sa pag-round at pagtantiya. Tuwing nanonood ng pelikula ang pamilya, pag-usapan kung paano maaaring nagkaroon ng ibang wakas ang pelikula at bakit. Tingnan ang mga ulo ng balita at mga ginuhit na larawan sa pahayagan o magasin at pag-usapan kung ano ang ibig sabihin niyon at paano nakakaapekto sa iyong pamilya ang isyung iyon. Hindi pamamahinga sa pag-aaral ang tag-araw; oras ito para sa aktuwal na pag-aaral na isinasakatuparan ng mga magulang at pamilya na unang guro ng isang bata. Pahalagahan ang iyong tag-araw, at habang patuloy mong sinasanay ang iyong mga anak ay magiging masagana ang kanilang gantimpala. Minamahal na Tag-araw Minamahal na Tag-araw, ikaw ang lagi kong paborito. Talagang gustong-gusto kita. Dumarating ka kada taon, At masaya ako tuwing nandito ka. Ayos lang sa akin kung mainit ka. Minamahal na Tag-araw, tuwing bumibisita ka, Gusto kong lumabas para maglaro. Nakakapagsuot ako ng salawal At nakapaglalaro ng mga isports pantag-araw, O minsan, wala akong ginagawa buong araw. Sinusuot ko ang aking salamin at damit panlangoy, At tumutungo ako sa dalampasigan o sa parke. Naglalakad ako nang mahaba O nagbibisikleta ako, At nananatiling gising magdamagan. Minamahal na Tag-araw, masaya akong nasasamahan mo kami. Kung wala ka, hindi na ito magiging tulad ng dati. Pinapangako kong alam ko Na kailangan mong umalis, Ngunit, ganoon pa man din, ay sadyang nakakalungkot. Sigurado akong mangungulila ako sa iyo. Sa wakas ay narito na ang taong pampaaralan. Labis ang tuwa ko Sa paglalaro sa ilalim ng araw. Marahil ay sa susunod na taon na lang nating pagkikita. Hindi Kilalang May-akda Skip Forsyth The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya) Tahanan at Paaralan Bolyum 16 2020, Ika-4 na Quarter “Sama-Sama Tayong Makakagawa ng Pagbabago”

Upload: others

Post on 24-Apr-2020

4 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: The Parent and Family Engagement Connection...Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Noong bata ako, kinahihiligan ko ang tag-araw. Mahahabang

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

Noong bata ako, kinahihiligan ko ang tag-araw. Mahahabang araw, maraming oras ng paglalaro. Liwanag sa tag-araw, puno ng bituin sa gabi. Gaya ng sabi ni Sarah Dessen, “Sa tag-araw, mahahaba ang mga araw at nagdurugtong-dugtong ang mga ito sa isa’t isa. Dahil walang pasok sa paaralan, nakahinto ang lahat pero nangyayari din nang sabay-sabay ang pinagsama-samang linggong ito kung kailan posible ang kahit ano.”

Walang gaanong nakapigil sa akin sa pagsasaya sa tag-araw. Hindi gaanong mainit ang araw. Hindi gaanong tuyot ang alikabok. Hindi gaanong nakakairita ang mga langaw. At laging may mahahampas na lamok. May espesyal na lugar pa rin ang tag-araw sa aking puso – mas gugustuhin ko pang nasa labas habang naglalakad sa daan o nag-aasikaso ng aking hardin kaysa nagpipipindot sa keyboard o nanonood ng Netflix. May mga oras na ang hinaing ko ay gaya ng kay Shakespeare, “Masyadong maikling panahon ang oras na hiniram ng tag-araw.”Noong bata ako, hindi ako palabasa. Nanay ko ang ganoon. Magbabasa siya ng dalawa o tatlong libro kada linggo – makakapal na libro na walang larawan. Hinihikayat niya akong magbasa nang magbasa tuwing tag-araw. Tinutulungan niya akong humanap ng mga libro sa aklatan na kahihiligan ko, na karaniwan ay tungkol sa isports o mga lugar sa labas, at tiyak na may mga larawan o guhit sa mga libro ko.Hindi ekspertong tagakumpuni ang tatay ko, pero panahon ang tag-araw para sa mga pagpapaganda ng bahay. Palaging may listahan siya ng mga dapat gawin, at ako ang numero uno niyang alalay. Ako rin ang pangunahing matematiko niya. Ilalabas namin ang medida at isusulat ko ang mga sukat. Tinutulungan niya ako, ngunit kailangan kong alamin kung gaano karaming pintura ang kailangan namin o kung gaano karaming piraso ng ikakabit sa dingding o pataba ang bibilhin.Hindi ako binalaan ng mga magulang ko tungkol sa paghina ng isip sa tag-araw. Nagpatuloy lang sila sa pagtuturo sa akin. Tuwing bibiyahe kami nang saglit para bisitahin ang aking lolo at lola, magbabalik-aral kami tungkol sa mga kabisera ng mga estado, at ipapakita nila sa akin kung paano bumasa ng mapa at alamin ang distansiya. Tuwing magpapagasolina kami ng sasakyan, laging pinapabilang sa akin ng tatay ko ang average na milya ng takbo kada galon. Tinutulungan ako ng tatay ko na maunawaan ang mga pahina ng isports – puno ang baseball ng mga numero, porsiyento, at estadistika. Lubos na nagulo ng COVID19 ang pagtuturo at pag-aaral ng estudyante. Kaya naman, kailangang pahalagahan ng mga magulang at pamilya ang tag-araw bilang isang oportunidad para suportahan ang pag-aaral. Ang mga resipe ng pagkain ay puno ng mga sukat at isang magandang paraan para matutuhan ang mga fraction. Ang pamimili sa grocery ay maaaring maging oportunidad para sa pag-round at pagtantiya. Tuwing nanonood ng pelikula ang pamilya, pag-usapan kung paano maaaring nagkaroon ng ibang wakas ang pelikula at bakit. Tingnan ang mga ulo ng balita at mga ginuhit na larawan sa pahayagan o magasin at pag-usapan kung ano ang ibig sabihin niyon at paano nakakaapekto sa iyong pamilya ang isyung iyon. Hindi pamamahinga sa pag-aaral ang tag-araw; oras ito para sa aktuwal na pag-aaral na isinasakatuparan ng mga magulang at pamilya na unang guro ng isang bata.Pahalagahan ang iyong tag-araw, at habang patuloy mong sinasanay ang iyong mga anak ay magiging masagana ang kanilang gantimpala.

Minamahal na Tag-araw

Minamahal na Tag-araw, ikaw ang lagi kong paborito.

Talagang gustong-gusto kita.Dumarating ka kada taon,

At masaya ako tuwing nandito ka.Ayos lang sa akin kung mainit ka.

Minamahal na Tag-araw, tuwing bumibisita ka,

Gusto kong lumabas para maglaro.Nakakapagsuot ako ng salawal

At nakapaglalaro ng mga isports pantag-araw,

O minsan, wala akong ginagawa buong araw.

Sinusuot ko ang aking salamin at damit panlangoy,

At tumutungo ako sa dalampasigan o sa parke.

Naglalakad ako nang mahabaO nagbibisikleta ako,

At nananatiling gising magdamagan.

Minamahal na Tag-araw, masaya akong nasasamahan mo kami.

Kung wala ka, hindi na ito magiging tulad ng dati.

Pinapangako kong alam koNa kailangan mong umalis,

Ngunit, ganoon pa man din, ay sadyang nakakalungkot.

Sigurado akong mangungulila ako sa iyo.Sa wakas ay narito na ang taong

pampaaralan.Labis ang tuwa ko

Sa paglalaro sa ilalim ng araw.Marahil ay sa susunod na taon na lang

nating pagkikita.

Hindi Kilalang May-akda

Skip Forsyth

The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya)

Tahanan at PaaralanBolyum 16

2020, Ika-4 na Quarter“Sama-Sama Tayong Makakagawa ng Pagbabago”

Page 2: The Parent and Family Engagement Connection...Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Noong bata ako, kinahihiligan ko ang tag-araw. Mahahabang

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

2

Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)Pamamahala sa Pagkabalisa at Pagkabahala

Pagkabahala at Pagharap DitoMaaaring nakababahala para sa mga tao ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang takot at pagkabalisa tungkol sa isang sakit ay maaaring maging napakalaking suliranin at magsanhi ng matitinding emosyon sa mga matanda at bata. Magiging mas matibay ka, ang mga taong mahalaga sa iyo, at ang iyong komunidad sa pagharap sa pagkabahala.Iba-iba ang reaksiyon ng bawat isa sa mga nakababahalang sitwasyon. Maaaring nakadepende ang paraan ng iyong pagtugon sa pagkalat ng sakit sa iyong karanasan, sa mga bagay na naiiba sa iyo kumpara sa ibang tao, at sa komunidad kung saan ka naninirahan.Makatutulong din sa pagharap mo sa pagkabahala ang pag-aalaga sa iyong sarili, iyong mga kaibigan, at iyong pamilya. Magiging mas matibay din ang iyong komunidad sa pagtulong sa iba na makayanan ang kanilang pagkabahala.Mga bagay na magagawa mo upang suportahan ang iyong sarili.� Pagpapahinga mula sa panononood, pagbabasa, o pakikinig

sa mga kuwento ng balita, kabilang ang social media. Maaaringmakasira ng loob ang paulit-ulit na pagkarinig tungkol sapandemya.

� Ingatan ang iyong katawan. Huminga nang malalim, magbanat-banat, o magnilay. Subuking kumain ng masustansiya atbalanseng pagkain, mag-ehersisyo nang regular, habaan angtulog, at iwasan ang alak at droga.

� Maglaan ng oras sa pagpapahinga. Subuking gumawa ng ilangibang gawaing kinahihiligan mo.

� Makipag-ugnay sa iba. Makipag-usap sa mga taongpinagkakatiwalaan mo tungkol sa iyong mga alalahanin at kungano ang nararamdaman mo.

Tawagan ang iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan kung nakahahadlang ang pagkabahala sa iyong mga pang-araw-araw na gawain nang ilang magkakasunod na araw na.Para sa mga magulangAng reaksiyon ng mga bata at tinedyer ay bahagyang nagmumula sa kung ano ang nakikita nila mula sa mga nasa hustong gulang sa paligid nila. Kapag kalmado at may kumpiyansa ang pagharap ng mga magulang at tagapag-alaga sa isang sakuna, makapagbibigay sila ng pinakamabuting suporta para sa kanilang mga anak. Mas makapagbibigay ng kapanatagan ng loob ang mga magulang sa iba sa paligid nila, lalo na sa mga bata, kung mas mabuti ang kanilang paghahanda.Hindi lahat ng bata at tinedyer ay pareho ang paraan ng pagtugon sa pagkabahala. Kabilang sa ilang mga karaniwang pagbabago na dapat bantayan ay: � Labis na pag-iyak at pagkairita ng mga mas maliliit na bata� Pagbalik sa mga kaugaliang nakalakihan na nila (halimbawa,

aksidenteng pag-ihi o pagdumi o di-sinasadyang pag-ihi habangnatutulog)

� Labis na pag-aalala o kalungkutan� Pagkain ng di-masustansiyang pagkain o mga kaugalian sa

pagtulog na masama sa katawan� Mga pagkairita o “pag-iinarteng” asal sa mga tinedyer� Mababang marka sa klase o pag-iwas sa pag-aaral sa

eskuwela� Nahihirapan sa pag-ukol ng atensiyon at isip� Pag-iwas sa mga gawaing kinahihiligan dati� Di-maipaliwanag na sakit ng ulo o pananakit ng katawan� Pag-inom ng alak, paninigarilyo, o paggamit ng iba pang droga

Maraming bagay ang magagawa mo para suportahan ang iyong anak

� Maglaan ng oras na makipag-usap sa iyong anak o tinedyertungkol sa pagkalat ng COVID-19. Sagutin ang mga tanongat magbahagi ng mga tamang impormasyon tungkol saCOVID-19 sa paraang mauunawaan ng iyong anak o tinedyer.

� Panatagin ang loob ng iyong anak o tinedyer na ligtas sila.Ipaalam sa kanilang ayos lang na makaramdam sila ngpagkabahala. Ibahagi sa kanila kung paano mo hinaharap angiyong sariling pagkabahala upang maaari silang matuto mulasa iyo kung paano makayanan ito.

� Limitahin ang pagbababad ng pamilya sa mga ulat ng balitatungkol sa pangyayari, kabilang ang social media. Maaaringmagkamali ang pakahulugan ng mga bata sa mga naririnignila at maaari silang matakot tungkol sa bagay na hindi nilanaiintindihan.

� Subuking panatilihin ang mga regular na gawain. Kung saradoang mga paaralan, gumawa ng iskedyul para sa mga gawainsa pag-aaral at mga gawaing nakakaginhawa o nakatutuwa.

Maging ehemplo. Magpahinga, habaan ang tulog, mag-ehersisyo, at kumain nang mabuti. Makipag-ugnay sa iyong mga kaibigan at kapamilya.

Ang reaksiyon ng mga bata ay bahagyang nagmumula sa kung ano ang nakikita nila mula sa mga nasa hustong gulang sa paligid nila. Kapag kalmado at may kumpiyansa ang pagharap ng mga magulang at tagapag-alaga sa isang sakuna, makapagbibigay sila ng pinakamabuting suporta para sa kanilang mga anak. Mas makapagbibigay ng kapanatagan ng loob ang mga magulang sa iba sa paligid nila, lalo na sa mga bata, kung mas mabuti ang kanilang paghahanda.

Mga Karagdagang MapagkukunanNational Child Traumatic Stress Network

The Emotional Impact of Disasters on Children and Families

National Institute of Mental Health: Coping with Traumatic Events

https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/prepare/managing-stress-anxiety.html

Page 3: The Parent and Family Engagement Connection...Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Noong bata ako, kinahihiligan ko ang tag-araw. Mahahabang

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

3

readwritethink—gawing aktibo ang iyong anak sa pagkatuto ng kaalaman sa pagbasa at pagsulat gamit ang mga tablet device. Maaaring mag-download ang iyong anak ng mobile app at gamitin ito saanman at anumang oras. Hindi kinakailangan ng koneksiyon sa Internet sa oras na ma-download ang mga app.

http://www.readwritethink.org/classroom-resources/mobile-apps/

teAchnology—Nagtatampok ang app na ito ng 46,000 plano ng aralin, 10,200 libreng worksheet na maaaring i-print, mga rubric o pamantayan, mga tip sa pagtuturo,mga panggawa ng worksheet, mga web quest, mgaworksheet sa matematika, at libo-libong iba pangmahuhusay na mapagkukunan para sa guro.https://www.teach-nology.com/

TLSBOOKS.COM—Ang Tlsbooks.com ay nag-aalok ng iba’t ibang libreng worksheet na maaaring i-print para gamitin sa bahay.

Upang makita at ma-print ang mga worksheet mula sa site na ito, kakailanganin mo ng bersiyon 6 ng Adobe Reader o mas bago. Maaari mong i-download ang pinakabagong bersiyon ng libreng Adobe Reader dito.http://www.tlsbooks.com/

IXL— nag-aalok ng naka-personalize na mga rekomendasyon sa kasanayan batay sa kung ano ang sinasanay ng bawat mag-aaral, upang maaari siyang lumago kung nasaan na siya.

https://www.ixl.com/recommendations/

MGA MAPAGKUKUNAN PARA SA PAG-AARAL SA TAG-ARAW

Narito ang ilang libreng mapagkukunan online na maaari mong ma-access upang panatilihing nakalalahok sa pagkatutong pang-akademiya ang iyong anak sa panahon ng tag-araw.

Nakatutulong ang Summer Meals Program sa Pagpapanatiling Aktibo at Ligtas Ang Mga Bata

Naritong muli para sa 2020 ang Summer Meals Program (Programa sa Pagpapakain sa Tag-araw) na may hatid na masusustansiyang pagkain para sa mga bata sa panahon ng bakasyon ngayong tag-araw. Pagkatapos magsara ng mga kainan sa paaralan para sa tag-araw, makakakuha ng mainam na nutrisyon ang mga batang may edad na 18 at pababa sa mga lugar ng pagpapakain na pinangangasiwaan ng mga nonprofit, aklatan, paaralan at iba pang mga organisasyong pangkomunidad sa buong Lone Star State. Pinangangasiwaan ng Departamento ng Agrikultura ng Texas (Texas Department of Agriculture, TDA) ang programang pinopondohan ng pederal na pamahalaan sa Texas at ipinagkakaloob ang mga pagkain sa bata nang walang bayad. Hindi kinakailangan ng anumang rehistrasyon o aplikasyon para makasali.Hinihikayat ang mga pamilya na gamitin ang tatlong kagamitang ito mula Hunyo 1-Agosto 30, upang makahanap ng lugar ng pagpapakain:9 I-dial ang 211 upang makausap ang isang live operator9 Bumisita sa www.SummerFood.org para sa interaktibong mapa sa

paghahanap ng lugar.9 I-text ang FOODTX sa 877-877Higit pa, nag-aalok din ang maraming lugar ng mga pampaunlad na gawain at naghahatid ng iba’t ibang kombinasyon ng mga pagkain kabilang ang almusal, tanghalian, meryenda at kahit hapunan (maaaring iba-iba ang mga petsa at oras).Noong nakaraang tag-araw, nakipagtulungan ang TDA sa 652 organisasyong nagpapatakbo ng 5,711 lugar ng pagpapakain. Higit sa 15.6 na milyong pagkain ang inihatid sa mga batang nangangailangan sa Texas at nakahanda ang mga kasosyo ng Summer Meals Program para maghatid muli ng masusustansiyang pagkain sa 2020. Sumusuporta ang paghikayat sa mga pamilya sa pag-access ng mga pagkaing ito sa mga pagsisikap ng mga kasosyo ng TDA habang tinutulungan ang mga bata na makakuha ng nutrisyong kinakailangan nila para sa aktibo at malusog na tag-araw. Para sa higit na impormasyon at para ma-access ang mga mapagkukunang magagamit upang mapataas ang kamalayan tungkol sa mga pagpapakain sa tag-araw, mangyaring bumisita sa SummerFood.org.http://www.squaremeals.org/Programs/SummerFeedingPrograms.aspx

Walter Brewer, Manunulat/Patnugot, Pagkain at Nutrisyon,Departamento ng Agrikultura ng Texas

Page 4: The Parent and Family Engagement Connection...Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Noong bata ako, kinahihiligan ko ang tag-araw. Mahahabang

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

4

10 Tip para Maiwasan ang Academic Summer SlideHabang papalapit ang bakasyon sa tag-araw, naghahanda ang mga bata para sa panahong ito nang may kaunting tuon sa akademiya na iiwan nila kapag isinabit na nila ang kanilang mga backpack para sa taon. Sa kabilang banda, kadalasang nag-aalala ang mga magulang at guro tungkol sa pagkawala ng mahahalagang kasanayan sa mga buwan ng tag-araw, na dapat ituro muli pagkabalik ng eskuwela. Para sa hangarin ng mga magulang na iwasan ang academic summer slide o pagkaligta sa mga bagay na pang-akademiya sa panahon ng tag-araw, mayroong ilang paraan para mapanatiling tumatakbo ang utak ng mga bata, kahit na inaasahan na nila ang kanilang bakasyon sa eskuwela.

Panatilihing Nagbabasa SilaNaipakita ng mga pag-aaral na maaaring mawala ng mga bata ang hanggang 25 porsiyento ng kanilang mga kasanayan sa pagbabasa sa mga buwan ng tag-araw, na maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kanilang kakayahang makabalik sa takbo ng paaralan sa taglagas. Binabanggit ng Scholastic Books ang saliksik na nagpapakitang malayo ang mararating ng pagbabasa ng anim na libro lang sa buong mga buwan ng tag-araw sa pagtiyak na makakasabay ang mga mag-aaral kapag bumalik na sila sa silid-aralan. Ang isang paraan upang matiyak na patuloy na nagbabasa ang iyong mga anak sa buong panahon ng tag-araw ay mag-iskedyul ng mga regular na pagbisita sa aklatan. Maraming may mga programa sa pagbabasa tuwing tag-araw na naghihikayat sa mga kalahok na magbasa ng ilang libro bago matapos ang panahon ng tag-araw.Mga karagdagang ideya upang maisama ang pagbabasa sa regular na gawain sa tag-araw:9 Humanap ng mababasa araw-araw. Hikayatin ang mga bata na

magbasa ng komiks sa diyaryo kada umaga, o mga online na babasahin habang naglalaro sa computer.

9 Humanap ng mga bagay na gugustuhing basahin ng iyong mga anak. Humingi ng mga rekomendasyon sa librarian sa iyong lokal na aklatan batay sa edad, antas ng kakayahan sa pagbasa o interes ng iyong anak. Magbasa mula sa mga listahan ng libro sa website ng Scholastic o mula sa paaralan ng iyong anak. Tiyak na magbabasa pa ang mga bata na gusto ang kanilang binabasa.

9 Magbasa nang malakas. Magpabasa sa iyong anak ng talata mula sa kaniyang binabasang libro sa gabi o magbasa sa kaniya bago matulog. Maaaring makatulong sa mga bata, anuman ang edad – kabilang ang mga tinedyer – ang pakikinig sa pagbabasa nang malakas ng libro, lalo na ang mga batang kasalukuyang nahihirapan sa kanilang sariling kasanayan sa pagbabasa.

Tumutok sa mga Impormasyon sa MatematikaAng matematika ay isa pang asignaturang tila nawawala sa oras ng tag-araw. Binabanggit ng website ng Texas Intruments ang saliksik mula sa National Association for Summer Learning, na nagpapakitang nawawala ng mga mag-aaral ang humigit-kumulang dalawang buwan ng mga kasanayan sa matematika sa tag-araw kung hindi sila lumalahok sa anumang uri ng mga gawaing pang-edukasyon sa kanilang bakasyon. Ipinapakita rin ng saliksik na ang mga pagkawala ng kaalaman sa matematika ay may tendensiyang maging mas mataas kaysa sa mga pagkawala ng kaalaman sa pagbabasa, kaya napupuwersa ang mga guro sa matematika na maglaan ng malaking oras sa simula ng taon sa pagbabalik-aral, sa halip na sa mga bagong paksa.

Sa kabutihang palad, maraming opsiyon para sa mga mag-aaral na nais mapanatili ang kanilang mga kasanayan sa matematika sa mga buwan ng tag-araw. Magandang mapagkukunan ang Texas Instruments na nag-aalok ng ilang mga paraan para mahasa ng mga mag-aaral ang kanilang mga kasanayan sa matematika habang naglalaro ng mga nakatutuwang laro at lumalahok sa mga gawain. Maisasama ng mga sumusunod na tip ang pagkatuto sa matematika sa mga gawaing pantag-araw:

9 Humanap ng mga summer camp na gumagamit ng mga kasanayang natutuhan sa matematika, tulad ng robotics o mga space camp.

9 Humanap ng mga paraan upang maisama ang matematika sa mga pang-araw-araw na gawain, tulad ng pagkalkula sa dami ng tubig sa palanguyan sa lungsod.

9 Magluto kasama ang iyong mga anak at hayaan silang magsanay sa mga pagsukat.

9 Maglaro ng isports at pagbilangin sila ng distansiya.9 Tulungan ang mag-aaral na magsanay sa mga fraction

sa pamamagitan ng paghahati sa mansanas nang 1/2, at pagtapos ay 1/4, at 1/8, atbp.

9 Hayaang makasali ang mga tinedyer sa pagpaplano ng biyahe, sa pamamagitan ng pagtatakda ng badyet, pagkalkula ng mga kakailanganing gasolina o pag-alam sa distansiya sa pagitan ng mga destinasyon.

9 Habang bumibiyahe palibot ng bayan, magsanay sa talahanayan ng multiplikasyon.

‘Hindi dapat nakahiwalay ang pag-aaral sa tag-araw sa pagsasaya sa tag-araw,” wika ni Holly Larrson, isang espesyalista sa asignatura ng matematika mula sa Texas Instruments. “Maaaring maging nakakalibang ang mga gawain habang nagdaragdag pa rin ng halaga sa edukasyon sa tag-araw ng isang tinedyer.”

Mga lugar ng pananaliksik na mabibisita mo sa tag-araw.Mula sa pagtuklas ng nakatatawang mga batas hanggang sa paggalugad sa heograpiya at kultura ng lugar, hinihikayat ng gawaing ito ang mga mag-aaral na magbasa at matuto habang kinapapanabikan ang mga darating na biyahe.

Maglaan ng oras para pagbutihin ang mga kasanayang pang-akademiya araw-araw.Magbigay sa iyong pamilya ng kalahating oras araw-araw para magbasa, sumagot ng mga problema sa matematika o maglaan ng oras sa mga nakatutuwang gawain tulad ng mga brain teaser o crossword puzzle. Kapag kasama ang buong pamilya, hindi na gaanong iintindihin pa ng mga bata ang bahaging kailangang mag-isip. Kadalasang makakahanap ng mga libro ng brain teaser sa dollar store, mga resale shop, o sa aklatan at maaaring magsilbi ang mga ito na isang nakatutuwang gawain para sa buong pamilya.

Magkolekta ng mga libro o laro para maaliw ang mga bata habang nasa sasakyan.Sa halip na maglaro sa mga elektronikong device, hikayatin ang mga bata tuwing biyahe sa mga komiks at laro na partikular na dinisenyo para sa biyahe. Gamitin ang oras habang nasa sasakyan para makipag-usap rin sa iyong mga anak, o maglaro ng mga makalumang laro tulad ng license plate game (paghahanap ng mga numero sa mga plaka) bilang isang pamilya.Magbigay sa kanila ng mga alternatibong gawaing nakapaghihimok ng imahinasyon, at tiyak na lalago ang mga kaisipan ng iyong mga anak sa buong panahon ng bakasyon sa tag-araw.

Artikulo ni Grace Chen, Public School Review

Page 5: The Parent and Family Engagement Connection...Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Noong bata ako, kinahihiligan ko ang tag-araw. Mahahabang

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

5

Ang CYBERBULLYING ay ang paggamit ng elektronikong komunikasyong upang manligalig, magbanta, o magpahiya ng iba.

Sino ang mga cyberbully?

Ang mga cyberbully ay kadalasang mga taong walang tapang o lakas na humarap sa isang tao sa personal. Habang ang mga bully na inaatake ang iba sa pisikal o pasalitang paraan ay naghahanap ng kapangyarihan at kontrol, ang mga cyberbully ay kadalasang galit o paghihiganti ang motibasyon.

Sa ilang pagkakataon, hindi sinasadya ang cyberbullying. Nagsisimulang maglaro ang mga magkakaklase, at iniisip nilang nag-aasaran lang sila. Hindi nila natatantong ang mga bagay na sinasabi nila ay nakakasakit at maaaring magsanhi ng mga seryosong problema.

Mga tip sa pag-iwas sa cyberbullying9 Maging magalang tuwing nagpo-post sa social media.

Huwag magpadala ng mensahe sa sinuman kung ikaw ay naiinis o nagagalit.

9 Mag-post lang kung komportable ka na makikita ito ng mundo habambuhay.

9 Burahin ang anumang bagay na natatanggap mo na nakakasakit sa iba. Huwag itong sagutin. Huwag itong ipasa.

9 Maaaring baguhin at i-post ang mga larawan sa mga paraang maaaring hindi mo gustuhin. Kung magpo-post ka ng larawan, gamitin ang aaprubahan ng iyong (mga) magulang.

Tandaan, walang tunay na privacy online!

CYBERBULLYINGPaano Mo Ito Makokontrol

SURVEY UKOL SA CYBERBULLY

1. Nagpadala ng mapanghamak, nakaiinsulto, o mapagbantang mensahe.

2. Nagkalat ng tsismis, bulung-bulungan, o kasinungalingan tungkol sa isa pang mag-aaral online.

3. Inalis ang iba sa isang online na grupo para masaktan sila.

4. Nagpanggap na ibang tao upang mapahamak ang taong iyon.

5. Nagpadala o nag-post ng larawan o impormasyon na magiging kahiya-hiya sa iba.

6. Nagbahagi ng sikreto ng isang tao online.Ang lahat ng nasa itaas ay mga halimbawa ng cyberbullying. Kung nakagawa ka ng alinman sa mga ito, isipin kung paanong maaaring nakaapekto ang iyong aksiyon sa iba.

OO HINDINagawa mo na ba ang sumusunod?

Oras na Para Mag-organisa ng “YES” Day.Narito Kung Paano Ito Gagawin.

Ano mang klase ka ng magulang, sa palagay namin ay mas maraming beses kang nakapagsasabi ng “no” o “hindi” kaysa sa naiisip mo. Pagpahingahin muna ang salitang iyon, at ang iyong sarili, sa pamamagitan ng pagsorpresa sa mga bata ng isang Yes Day.Ano ang Yes Day? Isa itong araw kung saan ang sagot mo sa iyong mga anak ay laging “yes” o “oo.” Ice cream para sa almusal? Oo. Magsusuot ng pantulog buong araw? Oo. Manonood ng pelikula nang sunod-sunod? Nakuha mo. Bago mo pagpasiyahang isa itong miserableng ideya, pakinggan muna kami. Nang may ilang simpleng panuntunan at kaunting paghahanda, ang araw na ito ay magiging isa sa kahihiligan ng lahat sa pamilya.Tila pangarap ng isang bata, ‘di ba? Pero isipin mo. May natututuhan ka rin sa pagsasabi ng oo sa iyong mga anak. Sa aktuwal, ang mga magulang na sumusubok ng Yes Day ay nagsasabing nagkaroon sila ng pakiramdam ng pagiging malapit at konektado sa kanilang mga anak. At hulaan mo kung ano ang resulta niyon? Talagang mas nakikinig ang mga bata. Natuklasan ng isang nanay kung ilang beses siyang awtomatikong nagsasabi ng hindi, sa kaniyang sarili at kaniyang anak, kahit pa hindi niya kinakailangang gawin ito.Ilatag ang mga limitasyon. Ang unang dapat gawin ay paalalahanan ang mga bata na ang Yes Day ay isang araw, at ang mga kahilingan ay hindi maaaring bagay na makasasama sa kanilang sarili o sa iba. Ikalawa, maaari ka ring magpagawa sa mga bata ng mga bagay: ngunit ang mga panuntunan mo ay dapat hindi ka magpagawa sa kanila ng dagdag na “nakakainip” na bagay bukod sa mga karaniwang gawaing-bahay, takdang-aralin, atbp.Dahan-dahang ipakila ang Yes Day sa pamamagitan ng pagsubok muna ng Yes Morning o Yes Afternoon. Pumili ng araw nang maaga para hikayatin ang mga bata na magplano bago ito. “Ma, pwede ba tayong maglabanan ng luksong lubid?” Itakda natin ito sa Yes Day? Bukod pa rito, bahagi rin ng saya ang pag-aabang.Ang totoong ginintuang panuntunan? Huwag itong gawin sa karaniwang araw, araw na may pasok sa paaralan o trabaho.Mga Magandang Ideya para sa Iyong Yes Day~ Pag-isipan ang paglalaan ng gabi ng paglalaro ng pamilya, at kumuha ng isa o dalawang bagong board game na nakahanda para magamit.~ Magtungo sa isang lokal na parke kung saan maaari kang makiduyan sa kanila sa mga swing, o makipaglaro ng walang katapusang laro ng habulan.~ Kumain ng panghimagas bago ang hapunan.~ Magtabi ng ilang magagamit na supply para sa crafting at maghandang lumikha.~ Gumawa ng mga nakahihibang at kumplikadong eksperimento sa agham.~ Bumuo ng malupit na estruktura.Tandaan, ang susi ay para makita ng mga bata na nalilibang ka rin sa paggawa ng mga bagay na pinahahalagahan nila.Medyo nakadidismaya ang makarinig ng hindi sa lahat ng oras, para sa iyo at sa kanila. Sa totoo, ang pagbibigay sa kanila ng awtoridad sa isang araw ay nagtuturo sa kanila kung paano gamitin ito. Hindi lang iyon, ngunit ang pagbibigay din sa iyong sarili ng pahintulot na magrelaks at huwag mag-alala sa isang araw kada taon ay mag-uudyok sa iyo na mabuhay sa sandali, halos katulad ng ginagawa ng mga bata sa araw-araw, at i-enjoy ang bawat minuto. Gumagawa ka ng mga alaalang magtatagal habambuhay para sa iyo at sa mga bata, na puno ng mga halikhik at ang pinakamahalaga, oras na ginugol nang sama-sama. Talagang panalo iyon.May mga sipi mula sa artikulo ni Jesseca Stenson: https://redtri.com/yes-day/

Page 6: The Parent and Family Engagement Connection...Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Noong bata ako, kinahihiligan ko ang tag-araw. Mahahabang

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

6

Kasanayan sa pagiging magulang #1: Higit na pagtuonan ang positibong ugali ng iyong mga anak kaysa sa negatibong ugali. Kapag mas nagagalit o nangangaral ang mga magulang, mas nauulit ang masamang pag-uugali. Kapag madalas silang napagsasabihan, nagsisimula ang mga bata na isaloob ang paniniwalang “masama akong anak na nagloloko at napapagalitan”. Kaya naman, hindi sila nakararamdam ng motibasyon upang itama ang kanilang ugali, dahil naging bahagi na ito ng kanilang pagkakakilanlan. Nauunawaan ng mga epektibong magulang na ang mas mabuting diskarte ay ang kilalanin at ilarawan ang mabuting ugali ng kanilang anak tuwing nakikita nila ito. Maaaring labas ito sa nakasanayan mo, ngunit mapapansin mo rin agad na bumubuti ang ugali ng iyong mga anak.

Kasanayan sa pagiging magulang #2: Turuan ang iyong mga anak na pagtuonan ang mga pangangailangan ng iba. Nakakakita ng kaligayahan ang mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay sa iba. Sa katotohanan, nakakakita ng mas matinding kaligayahan ang mga bata kung nagbibigay sila sa iba bilang sakripisyo. Interestante ang mga natuklasang ito, dahil karamihan sa atin ay likas na nakasentro sa sarili. Inaasikaso natin ang ating mga sariling pangangailangan bago ang pangangailangan ng iba. Ngunit ipinapahiwatig ng saliksik na kung malalampasan natin ang ating likas na pagkamakasarili at pagtutuonan ang mga pangangailangan ng iba, magiging mas masaya tayo. Kung gusto mong maging maligaya at makabuluhan ang buhay ng iyong mga anak, turuan silang paglingkuran ang iba at mag-ambag. Isali sila sa mga gawain kung saan makatutulong sila sa iba at makakagawa ng positibong epekto. Kapag higit na nag-iisip ang iyong mga anak ayon sa naiaambag at mas kaunti sa nakakamit, makatutungo sila sa landas ng pagbuo ng makahulugang buhay.

Kasanayan sa pagiging magulang #3: Huwag sigawan ang iyong mga anak. Malamang ay sinabihan mo na rin ang iyong sarili na hindi mo dapat sigawan ang iyong mga anak. Ngunit kapag nauubos na ang pasensiya mo sa iyong mga anak, hindi madaling pigilin ang sarili sa paninigaw. Kapag mas sinisigawan mo ang iyong mga anak, mas lalala ang kanilang ugali. Sa halip na subuking kontrolin ang ugali ng iyong mga anak, unawain ang kanilang mga pananaw at damdamin. Pagkatapos ay gumamit ng lohikal na katwiran upang maiparating ito sa kanila.

Kung nahihirapan ka sa pagkontrol ng iyong galit, subukin ang mga tip na ito:

� Gumawa ng mahigpit na desisyong hindi mo sisigawan ang iyong mga anak maliban kung usapin ito ng kaligtasan � Magpasya sa simula pa lang kung ano ang gagawin mo kung magsimula kang magalit � Layuan ang sitwasyon, kung kinakailangan � Huminga nang malalim nang limang ulit kapag nagagalit ka na � Iwasan ang mga pagbabanta � Suriin ang papel na kailangan mong gampanan sa hindi pagkakaunawaan

Isipin ang mga pangangailangan ng iyong anak na hindi natutugunan, upang malaman mo ang ugat ng isyu, hal., maaaring nararamdaman niyang wala siyang kontrol sa kaniyang buhay, na nagbibigay ng paliwanag sa kaniyang mapanlabang ugali.

May mga sipi mula sa artikulo ni Daniel Wong, Good Parenting Skills.

ADMINISTRASYONRay Cogburn, Punong Tagapagpaganap

Region 16 Education Service Center5800 Bell Street - Amarillo, Texas 79109

Telepono: (806) 677-5000 Fax: (806) 677-5167www.esc16.net

Cory Green, Associate na KomisyonadoKagawaran ng mga Kontrata,

Mga Gawad at Pampinansiyal na AdministrasyonTexas Education Agency

1701 N. Congress Avenue - Austin, Texas 78701Telefon: (512) 463-9734

www.tea.texas.gov

© 2020. Texas Education Agency. Nakalaan ang lahat ng karapatan.

Ang Parent and Family Engagement Connection (Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya) ay naka-post sa aming website apat na beses sa isang taon para sa mga magulang at nagtuturo sa Texas. Available ang newsletter na ito sa Espanyol, Vietnamese, Aleman at Koryano.

PATNUGOTTerri Stafford, Coordinator

Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

[email protected]

The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya)

Tahanan at Paaralan“Sama-Sama Tayong Makakagawa ng Pagbabago”

3 Kasanayan na Mayroon ang Mga Mabuting Magulang (Suportado ng Siyensiya)