timog silangang asya

30
Brunei Cambodia East Timor Indonesia Laos Malaysia •Myanmar •Philippines Singapore •Thailand •Vietnam

Upload: shairaaun

Post on 27-Dec-2015

1.484 views

Category:

Documents


22 download

DESCRIPTION

vsbs

TRANSCRIPT

Page 1: Timog Silangang Asya

•Brunei•Cambodia•East Timor•Indonesia•Laos•Malaysia

•Myanmar•Philippines•Singapore•Thailand•Vietnam

Page 2: Timog Silangang Asya

Timog-Silangang Asya-ay isang subrehiyon ng kontinenteng Asya, na binubuo ng mga bansang nasa katimugang Tsina, silangan ng India at

hilaga ng Australya.

Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng dalawang rehiyong heograpikal: Ang kalupaang Asyano, at ang mga arkong pulo at mga kapuluan sa silangan at timog silangan. Ang mga bansang nasa kalupaang Asyano ay kinabibilangan ng Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at ang Vietnam; ang populasyon ay pangunahing binubuo ng mga Tibeto-Burmano, mga Tai, at mga Austroasiatiko; ang pinakamalaking relihiyon ay Budhismo, na sinundan ng Islam, at Kristyanismo. Ang mga bansang nasa karagatan ay binubuo ng Brunei, Silangang Timor, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at ang Singapore. Ang ibang paglalarawan sa rehiyon ay sinasama ang Taiwan sa hilaga. Ang mga Austronesiano ang dominante sa rehiyon; ang pangunahing relihiyon ay Islam, na sinundan ng Kristiyanismo.

Page 3: Timog Silangang Asya

Ang paghahati sa "Timog Silangang Asya" ay nag-iiba-iba, subalit karamihan sa mga ito ay kinabibilangan ng mga bansang ito:

BruneiCambodiaIndonesiaLaosMalaysiaMyanmar

PilipinasSingaporeThailandVietnamSilangang Timor

Page 4: Timog Silangang Asya

Brunei - ay isang bansa na matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo ng Borneo, sa Timog Silangang Asya. Ito ay napapaligiran halos ng Estado ng Sarawak, na bahagi ng Malaysia, maliban na lamang sa hilagang baybayin nito kung saan naghahanggan sa Dagat Timog Tsina. Ang bansa ay magkahiwalay sa dalawa na hinati ng Limbang, na bahagi pa rin ng Sarawak.

Ang Moske ng Sultan Omar Ali

Saifuddin sa Bandar Seri Begawan.

Page 5: Timog Silangang Asya

Cambodia - ay isang bansa sa Timog-Silangang Asya na may populasyon ng mahigit kumulang sa 15milyon katao at Phnom Penh ang kabisera nito. Ang Cambodia ay kahalili na estado ng noon ay isang makapangyarihang kaharian ng Hindu at Buddhist Khmer na namuno sa halos kabuohan ng tangos ng Indochina mula ika-11 at ika-14 na siglo.

literal na "Malaking Ilog ng Tubig na Tabang", ngunit karaniwang sinasalin bilang "Dakilang Lawa") ay isang pinagsamang sistema ng lawa at ilog na may malaking halaga sa bansang Kambodya.

Page 6: Timog Silangang Asya

Indonesia - ay isang bansa sa Timog Silangang Asya. Ito ay binubuo ng 17,508 mga pulo, at ito ang pinakamalaking estado sa buong daigdig na binubuo ng isang kapuluan. Tinatantiya na nasa 238 milyong katao ang populasyon ng Indonesia,na pang-apat sa mga pinakamataong bansa sa mundo, at ang pinakamataong bansang Muslim; subalit walang opisyal na pananampalataya ang itinakda sa Saligang Batas ng Indonesia. Isang republika ang Indonesia, na may inihahalal na tagapagbatas (lehislatura) at pangulo. Ang kabisera ng bansa ay Jakarta.

Ang Bulkang Semeru at Bulkang Bromo sa Silangang Haba. Ang mga aktibidad bulkaniko sa Indonesia ay isa sa pinakamataas sa buong daigdig.

Page 7: Timog Silangang Asya

Laos - opisyal na tinatawag na Lao People's Democratic Republic o Demokratikong Repuklika ng mga Lao, ay isang walang daga na bansa sa Timog Silangang Asya, na naghahanggan sa Burma at Tsina sa hilagang kanluran, sa Vietnam sa silangan, sa Cambodia sa timog. at sa Thailand sa kanluran. Ang kasaysayan ng Laos ay nagmula sa Kaharian ng Lan Xang o "Lupain ng Milyong mga Elepante", na nabuo noong ikalabing apat na dantaon hanggang ikalabingwalong siglo.

Ang mga ilog ay isa sa pinakamahalagang daanan pantransportasyon ng bansa.

Page 8: Timog Silangang Asya

Malaysia - ay isang bansang binubuo ng labing tatlong estado at labing tatlong teritoryong pederal sa Timog Silangang Asya na may kabuuang sukat ng lupa na 329847 km2. Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito, samantalang ang Putrajaya naman ang sentro ng pamahalaang pederal. Ang bansa ay may populasyong umaabot sa mahigit 25 milyon. Ang bansa ay hinati ng Dagat Timog Tsina sa dalawang magkahiwalay na rehiyon.—ang Tangway ng Malaysia at ang Silangang Malaysia.

Ang Gubat ay napakahalanggang kanlungan ng mga

katutubong hayop at halaman ng kagubatan at ng mga elepanteng

asyano, rinoserong sumantran at ng ulaping

leopardo.

Page 9: Timog Silangang Asya

Myanmar - dating Kaisahan ng Burma, ay ang pinakamalaking bansa (sa sakop pang-heograpiya) sa lupaing nasa loob ng kontinente ng Timog Silangang Asya. Napapaligiran ng Tsina sa hilaga, Laos sa silangan, Thailand sa timog-silangan, Banglades sa kanluran, at India sa hilaga-kanluran, kasama ang Dagat Andaman sa timog, at ang Look ng Bengal sa timog-kanluran (sa kabuuang mahigit sa 2,000 kilometrong baybaying dagat).

ang ibat ibang likas yaman ng myanmar ay haruy=meaning isang bukid,lorfas=meaning

isang dahon

Page 10: Timog Silangang Asya

Philippines - ay isang bansa sa Timog Silangang Asya sa kanluran ng Karagatang Pasipiko. Binubuo ang bansa ng higit-kumulang na pitong libo, isang daan at pitong (7,107) mga pulo. Kabilang sa lupalop o kontinente ng Asya ang bansang Pilipinas.

Ginamit ng mga Ifugao/Igorot ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe upang magtanim ng mga pananim sa matarik na bulubunduking bahagi ng Hilagang Pilipinas.

Page 11: Timog Silangang Asya

Singapore -ay isang pulo, estadong-lungsod, na matatagpuan sa Timog Silangang Asya, sa timog ng estado ng Johor sa Tangwaying Malaysia at hilaga ng kapuluang Riau ng Indonesia. Ang pulo ay dating tinatawag na Temasek at bininyagan ni Prinsipe Parameswara sa pangalang Singapura, nangangahulugang “lungsod (pura) ng leon (singa)” noong ika-16 siglo.

Ang kadalasang atraksiyon panturista, ang MerlionAng Merlion statue sa Merlion Park, Singapore, na may skyline ng Central Business District.

Page 12: Timog Silangang Asya

Thailand - ay isang bansa sa Timog Silangang Asya, napapaligiran ng Laos at Cambodia sa silangan, the Golpo ng Thailand at Malaysia sa timog, at Dagat Andaman at Myanmar sa kanluran. Nakilala ang Thailand bilang Siam, na naging opisyal na pangalan hanggang 11 Mayo 1949. Nangangahulugang "kalayaan" ang salitang Thai sa wikang Thai. Pangalan din ito ng mga grupong etnikong Thai - na nagdudulot sa ilang nakatira dito, partikular ang mga kalakihang minoryang Instik, na patuloy na tawagin ang bansa bilang Siam.

Kahalagahan ay ang festival, handicrafts at klasikal dances ay isang pangunahing lokasyon sa sarili nitong tradisyon. Karagdagan ay ang pagkakaroon ng mga burol ,tribo at ang kanilang yamang tubig

Page 13: Timog Silangang Asya

Vietnam- ay ang pinakasilangang bansa as Tangway ng Indotsina sa Timog Silangang ASya. Ito ay naghahanggan sa Tsina sa hilaga, sa Laos sa hilagang kanluran, sa Cambodia sa timog kanluran, at sa Dagat Timog Tsina sa silangan. Sa populasyon nitong nasa 86 milyon, ang Vietnam ay naging ika-13 pinakamataong bansa sa buong daigdig.

Ang Libingan ng Emperador sa Hue

Page 14: Timog Silangang Asya

East Timor- ay isang bansa sa Timog Silangang Asya. Binubuo ito ng silangang hati ng pulo ng Timor, ng mga kalapit na pulo ng Atauro at Jaco, at Oecusso-Ambeno, isang enclave ng Kanlurang Timor sa kanlurang bahagi ng isla, pinaliligiran ng Kanlurang Timor.

East at West Dili ng East Timor isa sa popular na lugar na pinagkukunan ng yaman lalo sa karagatan gaya ng coral reefs, isda at iba pang yamang tubig

Page 15: Timog Silangang Asya

Mga Pangunahing Pinagkukunang Yaman ng Bawat Bansa sa Timog Silangang Asya.

Page 16: Timog Silangang Asya

Mga Pangunahing Pinagkukunang Yaman ng Bawat Bansa sa Timog Silangang Asya.

Page 17: Timog Silangang Asya
Page 18: Timog Silangang Asya
Page 19: Timog Silangang Asya
Page 20: Timog Silangang Asya
Page 21: Timog Silangang Asya
Page 22: Timog Silangang Asya
Page 23: Timog Silangang Asya
Page 24: Timog Silangang Asya
Page 25: Timog Silangang Asya
Page 26: Timog Silangang Asya
Page 27: Timog Silangang Asya
Page 28: Timog Silangang Asya
Page 29: Timog Silangang Asya
Page 30: Timog Silangang Asya

Prepared by : Jana Mae Laxamana

Members: Ma. Elaine NohayAnnabel FernandezJelliane Del RosarioMary Rose De GuzmanMikko CornelioJomar SalengaGerald Dave Chester Cerna