tingnan kung anong mga uri ng klase para sa wikang danish...

16
1 Tingnan kung anong mga uri ng klase para sa wikang Danish ang inihahandog sa mga imigranteng mag-aaral.

Upload: buibao

Post on 10-Feb-2018

224 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

1 Tingnan kung anong mga uri ng klase para sa wikang Danish ang inihahandog sa mga

imigranteng mag-aaral.

2

Alam nating lahat kung gaano kahalaga ang pakikipag-ugnayan sa mga tao na ating naka-

kasalimuha sa ating buhay araw-araw. Kapag naninirahan sa Denmark, nakakatulong kung

nakakaintindi at nakakapagsalita ng Danish kung plano ninyong tumira nang maginhawa at

makakilos sa lugar ng trabaho at komunidad. Sa pagsasaalang-alang nito, aming ginawa ang

brochure na ito para sa humigit-kumulang na 47.000 mga miyembro ng 3F na may etnikong

background maliban sa Danish. Ito ay nagbibigay ng malawakang pananaw sa mga opsyon na

maaaring mapagpilian sa pagkuha ng klase sa wikang Danish para sa mga imigranteng mag-

aaral sa Denmark.

Ako ay umaasa na kayo ay mabigyang inspirasyon at maaaring makahanap ng naaangkop

para sa inyo. Tulad nang sinabi ng isa sa aming mga mag-aaral, "ang aking pinakamalaking

hamon ay ang wikang Danish, pero ang solusyon lang dito ay pag-aralan ito". Ang wika ang

susi sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga tao.

General Secretary ng 3F

Responsable para sa Labour Market, Education at Integration

3

Saan kayo makakakuha ng kurso para sa wikang Danish na pinaka-angkop sa inyong mga

pangangailangan?

May ilang mga paaralan na naghahandog ng mga kursong Danish para sa mga imigranteng

mag-aaral. Ang bawat klase ay tiyak para sa medyo ibang target group. Ito ay

nangangahulugan na may mga pagkakaiba sa antas ng pagtuturo sa Danish.

Ano na ang antas ng inyong kaalaman sa wikang Danish?

Bago magsimula ng isang kurso para sa wikang Danish, kakailanganin ninyong kumuha ng

isang maiksing pagsusulit para matasa kung gaano kahusay ang inyong kaalaman sa wikang

Danish. Maaaring isang pagsusulit ito, isang screening o isang pagtatasa sa indibiduwal na

kakayahan. Ang layunin ay pareho lang: para matiyak na makahanap kayo ng kurso para sa

wikang Danish na angkop sa inyo at sa inyong mga pangangailangan.

Malawakang pananaw ng mga kurso para sa wikang Ingles para sa mga imigranteng mag-

aaral sa iba't ibang paaralan.

Ang mga kurso para sa wikang Danish ng Danish Language Centres para sa mga bayan,

kasama na ang 'Labour Market Oriented Danish' o Wikang Danish na Nakatuon sa Mga

Manggagawa at Trabaho (Pasimula sa Wikang Danish)

Preparatory Adult Education Programme (FVU) o Programa para sa Paghahanda sa

Edukasyon na para sa Adulto Ang mga Adult Educational Centres (VUC) ay karaniwang

responsabile para sa mga klaseng to, na nakaayos sa paraan na marami itong mga

hakbang o yugto. Ang mga ito ay ang FVU Start at FVU Reading for Bilinguals.

Ang AMU (Adult Vocational Training Programmes o Mga Programa para sa Bokasyonal

na Pagsasanay sa mga Adulto) na kurso sa wikang Danish bilang ikalawang wika sa

mga vocational na paraalan. Dito ay matatagpuan ninyo ang parehong mga kurso na

tiyak para sa pag-aaral ng wikang Danish at mmga kurso na kombinasyon ng pag-aaral

ng Danish at mga vocational na kurso ng AMU.

General Adult Education (AVU). Ang Adult Educational Centres (VUC) ay kara-

niwang responsabile para sa mga klaseng ito. Ang AVU ay nakaayos sa isang

paraan na marami itong mga hakbang o yugto para sa pag-aaral ng wikang

Danish. Gayunman, ang lahat ng mga ito ay tinuturo sa mas mataas na level.

Pagpopondo

May iba't ibang paraan para mapangasiwaan ang pagpopondo para makuha ang

bawat kurso. May mga tuition fee para sa ilang mga kurso, habang ang iba naman ay

libre. Naghahandog ng allowance para sa karamihan ng mga kurso.

Parati kayong makakahingi ng tulong mula sa inyong lokal na 3F na branch, kung

saan tiyak silang makakapagbigay ng gabay sa inyo patungo sa wastong direksy-

Ang brochure na ito ay naglalarawan sa mga opsyon noong mga may trabaho.

Iyong mga walang trabaho ay dapat makipag-usap sa job centre at sa unemploy-

ment fund tungkol sa kanilang mga opsyon sa pagkuha ng iba't ibang mga uri ng

kurso para sa wikang Danish.

4

Target na grupo para sa 'Labour Market Oriented Danish' o Wikang Danish na Nakatuon sa

Mga Manggagawa at Trabaho:

Ang 'Labour Market Oriented Danish' o Wikang Danish na Nakatuon sa Mga Manggagawa at

Trabaho ay para sa: :

Iyong mga kakarating lang sa Denmark at nagtatrabaho sa Denmark

Iyong mga sinasamahan ang kanilang mga asawa

Iyong mga commuter na dumadaan sa pagitan ng mga bansang EU

Ang bayan o munisipyo ang may pananagutan sa paghahandog ng mga klase. Ang kurso ay

may general na wikang Danish, lengguwahe para sa paggamit sa negosyo at may kaugnayan

sa trabaho at nagtutuon ng pansin sa kultura sa trabaho, kapaligiran sa trabaho at kalig-

tasan. Ang kurso ay binubuo ng 250 oras ng pagtuturo sa wikang Danish na hinahati sa li-

mang mga modulo, na ang bawat isa ay may tagal na 50 oras. Kailangang makumpleto ang

mga ito sa loob ng isang taon at kalahati.

Sa sandaling nakumpleto na ninyo ang 250 oras sa loob ng isang taon at kalahati, maaari na

ninyong kunin ang modulong pagsusulit.

Saan isinasagawa ang 'Labour Market Oriented Danish' o Wikang Danish na Nakatuon sa

Mga Manggagawa at Trabaho?

Ang kurso ay karaniwang ginaganap sa isang language centre (sentro para sa wika), gayun-

man maaari rin maganap ang pagtuturo sa iba pang mga lokasyon, halimbawa, sa inyong

pinagtatrabahuhan o sa inyong lokal na 3F na branch.

Pagpopondo

Libre ang pag-aaral at maaari kayong makakuha ng State Educational Support for Adults

(SVU) kung kayo ay nakakatugon sa mga kondisyon. Kailangan ninyong mag-apply para sa

SVU bago magsimula ang kurso.

'Labour Market Oriented Danish' o Wikang Danish na Nakatuon sa Mga Mangga-

gawa at Trabaho (Pasimula sa Wikang Danish)

5

"Pagkatapos kong kuhanin ang aking kurso para sa wikang Da-

nish, mas mainam ko nang nauunawaan ang sistema sa Denmark.

Ngayon ay sinasabi ko sa aking mga kasamahan sa trabaho sa

wikang Danish ang aming mga karapatan sa trabaho. Lubos silang

nagagalak dito."

Firuta Larsen, ipinanganak sa Romania, Service Assistant sa Rigshospitalet

6

Target na grupo para sa Mga Klase sa Wikang Danish:

Ang mga Danish na Klase ay para sa:

• Iyong mga bagong dating na refugees

• Iyong mga dumating upang magkaisa muli ang kanilang mga kapamilya

• Iyong mga nakakumpleto ng 'Labour Market Oriented Danish' o Wikang Danish na Nakatu-

on sa Mga Manggagawa at Trabaho

Ang bayan o munisipyo ang may pananagutan sa paghahandog ng mga Danish na Klase.Sa

pamamagitan ng Mga Danish na Klase, matututunan ninyong makaintindi, makapagsalita,

magbasa at magsulat sa wikang Danish. Ang pag-uunawa sa kultura at mga kondisyon ng

lipunan ay isang pangunahing paksa sa mga klase, na kinabibilangan ng basic na pagpapaki-

lala sa labor market sa Denmark, mga oportunidad para sa edukasyon at kalayaan.

May tatlong iba't ibang mga level ng Danish na Klase. Makalipas na matiyak ang inyong kaka-

yahan, kayo ay ilalagay sa isang Danish na Klase at modulo na pinaka-angkop para sa inyo.

Sa sandaling nakumpleto na ninyo ang Danish na Klase, maaari na kayong magpatuloy sa

susunod na level.

Kayo ay may karapatan na kumuha ng Mga Danish na Klase sa loob ng unang limang taon

nang kayo ay dumating sa Denmark. Ito ay nangangahulugan din na kayo ay pinapahintulu-

tan na magpahinga sa pagitan ng mga klase. Iyong mga nakakuha at nakatapos ng 'Labour

Market Oriented Danish' o Wikang Danish na Nakatuon sa Mga Manggagawa at Trabaho

(Pasimula sa Wikang Danish) ay may karapatan para sa tatlong taon ng Danish na Klase.

Saan isinasagawa ang Mga Danish na Klase?

Ang kurso ay karaniwang isinasagawa sa isang language centre (sentro para sa

wika). Gayunman, ang pagtuturo ay maaari rin isagawa sa iba pang mga lokasyon,

halimbawa, sa inyong lokal na 3F na branch.

Pagpopondo

Libre ang pag-aaral at maaari kayong makakuha ng State Educational Support for

Adults (SVU) kung kayo ay nakakatugon sa mga kondisyon. Kailangan ninyong mag-

apply para sa SVU bago magsimula ang kurso.

Mga Klase para sa Wikang Danish

7

Ang Danish na Klase ay para sa mga taong hindi nakakabasa o nakakasulat sa

kanilang katutubong wika. Ang layunin ng kurso ay makatamo ng basic na kaala-

man sa pananalitang Danish, at pati na rin sa kahusayan sa pagbabasa at pag-

susulat. Ang Danish na Klase ay hinahati sa anim na mga modulo.

Ang Danish na Klase 2 ay para doon sa mga taong may kakaunting background sa

edukasyon sa kanilang pinagmulang bansa. Ang layunin ng kurso ay magawang

maintindihan, makapagsalita at makapagbasa ng Danish. Ang Danish na Klase 2

ay hinahati sa anim na mga modulo.

Ang Danish na Klase 3 ay para doon sa may medium o matagal na background sa

edukasyon. Maaaring ito ay mula sa isang vocational na paaralan, sa isang mas

mataas na sekundaryang paaralan o mas mataas na edukasyon (higher educa-

tion). Ang Danish na Klase 3 ay hinahati sa anim na mga modulo.

8

Ang FVU at mga kurso sa wikang Danish para mga imigranteng mag-aaral

Ang FVU ay may dalawang inihahandog na mga kurso sa wikang Danish para sa

mga imigranteng mag-aaral —ang FVU Start ar FVU Reading for Bilinguals.

FVU Start

Simula sa autumn ng taong 2015, may mga espesyal na FVU na klase na itinakda

bilang isang pagsusubok para sa mga imigranteng nais na matuto ng Danish bilang

isang dayuhang wika. Ang mga ito ay isinasagawa bilang isang ganap na bagong

basic na FVU na modulo para sa mga imigranteng mag-aaral na tinatawag na FVU

Start. Ang mga ito ay tumatagal mula 40 hanggang 80 mga leksyon.

FVU Reading for Bilinguals

Ang kasalukuyang FVU Reading steps 1, 2, 3 at 4 ay ginagawa rin bilang isang pag-

subok bilang isang tiyak na inayos na kurso para sa mga bilingual. Ang isang FVU na

kurso sa Reading for Bilinguals ay tatagal ng mula 40 hanggang 80 mga leksyon.

Saan isinasagawa ang FVU?

Ang kurso ay karaniwang isinasagawa sa isang VUC (Adult Educational Centres).

Gayunman, ang pagtuturo ay maaari rin isagawa sa iba pang mga lokasyon,

halimbawa, sa inyong lokal na 3F na branch.

Pagpopondo

Libre ang pag-aaral at maaari kayong makakuha ng State Educational Support for Adults (SVU) kung kayo ay nakakatugon sa mga kondisyon. Kailangan ninyong mag-apply para sa SVU bago magsimula ang kurso.

Preparatory Adult Education Programme o Programa para sa Paghahanda sa

Edukasyon na para sa Adulto – (FVU)

9

"Hindi lang ako humusay sa aking pagbabasa at pagsusulat sa wikang

Danish makalipas ang aking kurso sa Danish, pero ngayon ay mas mahusay

na akong nakikipag-usap sa aking mga kasamahan sa trabaho at mga man-

ager. Ginagawa nitong mas masaya ang pagtatrabaho."

Bernadeta Thrysøe, ipinanganak sa Poland, Cleaning Technician sa Aalborg Munici-

pality

10

Ang inihahandog sa wikang Danish ng AMY ay tinatawag na "Danish bilang isang

ikalawang wika para sa mga refugee at mga imigranteng mag-aaral." Ito ay may

tatlong level at ang bawat level ay maaaring tumagal ng hanggang 40 araw. Ito ay

may tiyak na mga layunin sa wika at ang mga klase ay may vocational na pamama-

raan na batay sa industriya kung saan kayo nagtatrabaho.

Ang mga Danish na kurso ng AMU ay maaaring makumpleto bilang independiyen-

teng mga kurso sa wikang Danish o bilang isang pag-aaral ng Danish na pinagsama

sa vocational na mga kurso ng AMU.

Ang mga kurso ay maaring ayusin ayon sa naaangkop sa inyo; halimbawa, bilang

isang part time na pag-aaral sa loob ng mas matagal na panahon.

Saan ginaganap ang mga Danish na kurso ng AMU?

Ang kurso ay karaniwang ginaganap sa isang vocational na paaralan, gayunman

maaari rin maganap ang pagtuturo sa iba pang mga lokasyon, halimbawa, sa in-

yong pinagtatrabahuhan o sa inyong lokal na 3F na branch.

Pagpopondo

Maaari kayong makatanggap ng allowance para sa VEU sa ilalim ng mga kasalu-

kuyang ipinapatupad na regulasyon. Maaari kayong mag-apply para sa allowance

ng VEU makalipas na magtapos ang kurso. Ang tuition para sa taong 2016 ay DKK

256 kada araw/DKK 1280 kada linggo para sa taong 2016.

Adult Vocational Training Programmes – (AMU)

11

Ang tatlong mga level ng AMU:

Basic Level; kinakailangan ang mga kakayahan sa wikang Danish na

kahit man lang katumbas ng Danish Language Test 1 ng mga lan-

guage centre.

General Level; kinakailangan ang mga kakayahan sa wikang Danish

na katumbas ng karamihan sa mga Danish Language Test 2 ng mga

language centre.

Extended Level; kinakailangan ang mga kakayahan sa wikang Dan-

ish na kahit man lang katumbas ng Danish Language Test 2 ng mga

language centre.

12

Ang inihahandog para sa wikang Danish ng AVU para sa mga imigranteng mag-

aaral ay tinatawag na "Danish bilang ikalawang wika", at hinahati sa maraming mga

level. Ang una sa serye ay ang kurso ng AVU na "Danish bilang ikalawang wika—

Basic." Ang layunin nito ay magkaloob sa inyo ng paunang kaalaman para makuha

ang "Danish bilang ikalawang wika" sa susunod na level (level G).

Ang kurso ay nilalayon doon sa mga nakatamo ng Danish vocational level na mas

mababa sa panghuling level sa Danish (step 3) ng mga paaralan para sa wika, pero

inaasahan na makakaabot sa level na ito habang isinasagawa ang 140 oras ng kur-

so.

Saan nagaganap ang AVU?

Ang klase ay karaniwang ginaganap sa mga VUC (Adult Educational Centres),

gayunman maaari rin maganap ang pagtuturo sa iba pang mga lokasyon, halimba-

wa, sa inyong pinagtatrabahuhan o sa inyong lokal na 3F na branch.

Pagpopondo

Maaari ninyong makuha ang State Educational Support for Adults (SVU) kung kayo

ay nakakatugon sa mga kondisyon. Kailangan ninyong mag-apply para sa SVU bago

magsimula ang kurso. Ang tuition para sa mga Danish na kurso ng AVU para sa ta-

ong 2016 ay DKK 120 kada kurso.

General Adult Education (AVU)

13

Ang mga sumusunod na level para sa mga Danish na

kurso para sa mga imigranteng mag-aaral ay:

Level G, na katugma sa Class 9 sa Danish ng mga

municipal primary at lower secondary na mga

paaralan.

Level F, na katugma sa vocational na edukasyon

na Danish, basic subject F

Level E, na katugma sa Class 10 sa Danish ng mga

municipal primary at lower secondary na mga

paaralan.

Level E, na katugma sa bokasyonal na edukasyon,

mga pangunahing paksa D at ay ang pinakamataas

na antas bago danish on highschoolevel.

14

Wikang Danish na Nakatu-

on sa Mga Manggagawa at

Trabaho (Pasimula sa

Wikang Danish)

Mga Klase para sa Wikang

Danish

FVU Start AMU - Danish bilang ikalawang

wika para sa mga refugee at

mga imigranteng mag-aaral.

AVU - Danish bilang ikala-

wang wika

FVU Reading for Bilinguals

Target na

Grupo

Para doon sa mga: :

• bagong dating na dayuhang

adultong manggagawa

• mga asawa

• mga commuter na dumadaan sa

pagitan ng mga bansa ng EU

Kayo ay may karapatan na kunin

ang 'Labour Market Oriented

Danish' o Wikang Danish na Na-

katuon sa Mga Manggagawa at

Trabaho ng hanggang isang taon

at kalahati.

Para doon sa mga:

• bagong dating na mga refugee

• mga muling napagkaisang

pamilya na may mga permiso sa

paninirahan at mga personal na

identification number.

Kayo ay may karapatang kumuha

ng mga Danish na kurso ng hang-

gang limang taon.

Para doon sa mga:

tumira at nagtrabaho sa

Denmark ng ilang taon at

kinakailangang mapahu-

say ang kanilang kaala-

man sa Danish bago kunin

ang FVU Reading for Bilin-

guals.

Para doon sa mga:

• may kakayahan o walang kakayahan at

may pang-elementaryang level na ng

wikang Danish.

Para doon sa mga:

• nakakumpleto ng Danish na Klase 2

o may katumbas na antas ng kakaya-

han

Para doon sa mga:

• tumira at nagtrabaho sa Denmark ng

ilang taon, pero hindi sapat ang natutu-

nan na Danish para matapos ang step 1

ng Mga Danish na Klase.

Mga hinihil-

ing para

makapasok

Walang hinihiling na mga kakaya-

han sa wikang Danish para maka-

pagsimula sa kursong ito.

Walang hinihiling na mga kakaya-

han sa wikang Danish para maka-

pagsimula sa kursong ito.

May ilang kakayahan sa

wikang Danish, pero hindi

mahigpit na kinakailangan

para makuha ang FVU Read-

ing.

Ang mga kakayahan sa wikang Danish ay

dapat na katumbas ng kahit man lang

step 1 ng Mga Danish na Klase.

Ang mga kakayahan sa wikang

Danish ay dapat na katumbas ng

kahit man lang step 2 ng Mga

Danish na Klase.

May ilang kakayahan sa wikang

Danish, pero wala pa sa antas ng

pagtugon sa step 1 ng Mga Danish

na Klase

Plano Ang klase ay nakaayos sa limang

mga kurso na binubuo ng 50 mga

leksyon. Ang klase ay karaniwang

ginaganap sa isang language

centre (sentro para sa wika) sa

araw, gabi o Sabado't Linggo.

Gayunman, maaari rin magturo sa

isang lugar ng trabaho o sa isang

lokal na 3F na branch. Ang klase

ay magtatapos sa isang pag-

susulit.

May 6 hanggang 15 mga leksyon

kada linggo. Ang klase ay

karaniwang ginaganap sa isang

language centre (sentro para sa

wik) sa arawa, gabi o Sabado't

Linggo. Maaaring kumuha ng

pagsusulit at tapos ay maka-

kakuha na ng sertipiko.

Ang mga klase ay tumatagal

sa pagitan ng 40 at 80 leksy-

on. Ang klase ay karaniwang

isinasagawa sa isang Adult

Educational Centre (VUC).

Maaaring tapusin ang kurso

sa pamamagitan ng pagkuha

ng isang pagsusulit sa FVU at

makakakuha na ng sertipiko.

Ang kurso ay inihahandog sa tatlong mga

level - Basic, General at Extended Level.

Ang klase ay ginaganap sa sentro ng AMU

o sa inyong pinagtatrabahuhan sa araw,

gabi o Sabado't Linggo ng kahit mang lang

tatlong linggo. Ang kurso ay maaaring

makumpleto bilang independiyenteng

mga kurso sa wikang Danish o bilang

isang pag-aaral ng Danish na pinagsama

sa vocational na mga kurso ng AMU.

Ang klase ay isinasagawa sa isang VUC.

Maaaring tapusin ang kurso sa pama-

magitan ng pagkuha ng isang pag-

susulit na katumbas ng municipal

primary at lower secondary na Pag-

susulit sa Danish ng paaralan, at tapos

ay kuhanin ang mga sumunod na level

sa AMU.

Basic Level: 90 oras

Level G: 180 oras

Level F: 75 oras

Level E: 60 oras

Level D: 60 oras

Ang mga klase ay tumatagal sa

pagitan ng 40 at 80 leksyon. Ang

klase ay karaniwang isinasagawa sa

isang Adult Educational Centre

(VUC).

Pagpopon-

do

Ang job centre sa inyong bayan na

tinitirahan o munisipyo kung saan

kayo nagtatrabaho ang magbaba-

yad para sa klase Maaari kayong

mag-apply para sa SUV sa ilalim

ng pagsunod sa mga kasalu-

kuyang ipinapatupad na regu-

lasyon.

Ang job centre sa inyong bayan

na tinitirahan o munisipyo kung

saan kayo nagtatrabaho ang

magbabayad para sa klase

Maaari kayong mag-apply para

sa SUV sa ilalim ng pagsunod sa

mga kasalukuyang ipinapatupad

na regulasyon.

Ang klase ay libre. Maaari

kayong mag-apply para sa

SUV sa ilalim ng pagsunod sa

mga kasalukuyang ipinapatu-

pad na regulasyon.

Ang tuition para sa DKK 256 kada araw/

DKK 1280 kada linggo para sa taong 2016.

Maaari kayong mag-apply para sa allow-

ance ng DEU kung makasunod sa ilalim ng

kasalukuyang mga ipinapatupad na regu-

lasyon.

Ang tuition ay DKK 120 kada kurso

para sa taong 2016

Maaari kayong mag-apply para sa SUV

sa ilalim ng pagsunod sa mga kasalu-

kuyang ipinapatupad na mga regu-

lasyon.

Maaaring tapusin ang kurso sa pama-

magitan ng pagkuha ng isang pag-

susulit sa FVU at makakakuha na ng

sertipiko.

15

Wikang Danish na Nakatu-

on sa Mga Manggagawa at

Trabaho (Pasimula sa

Wikang Danish)

Mga Klase para sa Wikang

Danish

FVU Start AMU - Danish bilang ikalawang

wika para sa mga refugee at

mga imigranteng mag-aaral.

AVU - Danish bilang ikala-

wang wika

FVU Reading for Bilinguals

Target na

Grupo

Para doon sa mga: :

• bagong dating na dayuhang

adultong manggagawa

• mga asawa

• mga commuter na dumadaan sa

pagitan ng mga bansa ng EU

Kayo ay may karapatan na kunin

ang 'Labour Market Oriented

Danish' o Wikang Danish na Na-

katuon sa Mga Manggagawa at

Trabaho ng hanggang isang taon

at kalahati.

Para doon sa mga:

• bagong dating na mga refugee

• mga muling napagkaisang

pamilya na may mga permiso sa

paninirahan at mga personal na

identification number.

Kayo ay may karapatang kumuha

ng mga Danish na kurso ng hang-

gang limang taon.

Para doon sa mga:

tumira at nagtrabaho sa

Denmark ng ilang taon at

kinakailangang mapahu-

say ang kanilang kaala-

man sa Danish bago kunin

ang FVU Reading for Bilin-

guals.

Para doon sa mga:

• may kakayahan o walang kakayahan at

may pang-elementaryang level na ng

wikang Danish.

Para doon sa mga:

• nakakumpleto ng Danish na Klase 2

o may katumbas na antas ng kakaya-

han

Para doon sa mga:

• tumira at nagtrabaho sa Denmark ng

ilang taon, pero hindi sapat ang natutu-

nan na Danish para matapos ang step 1

ng Mga Danish na Klase.

Mga hinihil-

ing para

makapasok

Walang hinihiling na mga kakaya-

han sa wikang Danish para maka-

pagsimula sa kursong ito.

Walang hinihiling na mga kakaya-

han sa wikang Danish para maka-

pagsimula sa kursong ito.

May ilang kakayahan sa

wikang Danish, pero hindi

mahigpit na kinakailangan

para makuha ang FVU Read-

ing.

Ang mga kakayahan sa wikang Danish ay

dapat na katumbas ng kahit man lang

step 1 ng Mga Danish na Klase.

Ang mga kakayahan sa wikang

Danish ay dapat na katumbas ng

kahit man lang step 2 ng Mga

Danish na Klase.

May ilang kakayahan sa wikang

Danish, pero wala pa sa antas ng

pagtugon sa step 1 ng Mga Danish

na Klase

Plano Ang klase ay nakaayos sa limang

mga kurso na binubuo ng 50 mga

leksyon. Ang klase ay karaniwang

ginaganap sa isang language

centre (sentro para sa wika) sa

araw, gabi o Sabado't Linggo.

Gayunman, maaari rin magturo sa

isang lugar ng trabaho o sa isang

lokal na 3F na branch. Ang klase

ay magtatapos sa isang pag-

susulit.

May 6 hanggang 15 mga leksyon

kada linggo. Ang klase ay

karaniwang ginaganap sa isang

language centre (sentro para sa

wik) sa arawa, gabi o Sabado't

Linggo. Maaaring kumuha ng

pagsusulit at tapos ay maka-

kakuha na ng sertipiko.

Ang mga klase ay tumatagal

sa pagitan ng 40 at 80 leksy-

on. Ang klase ay karaniwang

isinasagawa sa isang Adult

Educational Centre (VUC).

Maaaring tapusin ang kurso

sa pamamagitan ng pagkuha

ng isang pagsusulit sa FVU at

makakakuha na ng sertipiko.

Ang kurso ay inihahandog sa tatlong mga

level - Basic, General at Extended Level.

Ang klase ay ginaganap sa sentro ng AMU

o sa inyong pinagtatrabahuhan sa araw,

gabi o Sabado't Linggo ng kahit mang lang

tatlong linggo. Ang kurso ay maaaring

makumpleto bilang independiyenteng

mga kurso sa wikang Danish o bilang

isang pag-aaral ng Danish na pinagsama

sa vocational na mga kurso ng AMU.

Ang klase ay isinasagawa sa isang VUC.

Maaaring tapusin ang kurso sa pama-

magitan ng pagkuha ng isang pag-

susulit na katumbas ng municipal

primary at lower secondary na Pag-

susulit sa Danish ng paaralan, at tapos

ay kuhanin ang mga sumunod na level

sa AMU.

Basic Level: 90 oras

Level G: 180 oras

Level F: 75 oras

Level E: 60 oras

Level D: 60 oras

Ang mga klase ay tumatagal sa

pagitan ng 40 at 80 leksyon. Ang

klase ay karaniwang isinasagawa sa

isang Adult Educational Centre

(VUC).

Pagpopon-

do

Ang job centre sa inyong bayan na

tinitirahan o munisipyo kung saan

kayo nagtatrabaho ang magbaba-

yad para sa klase Maaari kayong

mag-apply para sa SUV sa ilalim

ng pagsunod sa mga kasalu-

kuyang ipinapatupad na regu-

lasyon.

Ang job centre sa inyong bayan

na tinitirahan o munisipyo kung

saan kayo nagtatrabaho ang

magbabayad para sa klase

Maaari kayong mag-apply para

sa SUV sa ilalim ng pagsunod sa

mga kasalukuyang ipinapatupad

na regulasyon.

Ang klase ay libre. Maaari

kayong mag-apply para sa

SUV sa ilalim ng pagsunod sa

mga kasalukuyang ipinapatu-

pad na regulasyon.

Ang tuition para sa DKK 256 kada araw/

DKK 1280 kada linggo para sa taong 2016.

Maaari kayong mag-apply para sa allow-

ance ng DEU kung makasunod sa ilalim ng

kasalukuyang mga ipinapatupad na regu-

lasyon.

Ang tuition ay DKK 120 kada kurso

para sa taong 2016

Maaari kayong mag-apply para sa SUV

sa ilalim ng pagsunod sa mga kasalu-

kuyang ipinapatupad na mga regu-

lasyon.

Maaaring tapusin ang kurso sa pama-

magitan ng pagkuha ng isang pag-

susulit sa FVU at makakakuha na ng

sertipiko.

16

Editing at layout ay ginawa ni: Lærke Kamma Clausen

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa: Anthony Sylvester sa

anthony.sylvesterGP3f.dk o Susanne Wind sa [email protected]

Inilathala ng 3F AUI - Labour Market, Education and Integration

Kampmannsgade 4, 1790 Copenhagen V

Enero 2016

Item no.: 6104 - 6—Tagalog (sprog på Filippinerne)

www.3f.dk / www.3fuddannelsesnyt.dk