tomo 6 blg. 2 abril-hunyo 2017 pag-angat ng ani at kita ... · kaya akala namin sa yolanda ganun...

4
Tomo 6 Blg. 2 Abril-Hunyo 2017 Noong ika-24 ng Mayo 2017, ipinagdiwang ng PHilMech ang ika-39 th anibersaryo nito. Tampok dito ang techno- talakayan at techno-demo ng mga makinaryang pansaka na akma sa tema na “Aangat ang pagsasaka sa paggamit ng tamang makinarya.” Ang techno-talakayan at techno- demo ay naglalayun na pataasin ang kaalaman ng mga magsasaka at stakeholder sa mga makabago at tamang teknolohiyang gamit sa produksyon ng palay. Kabilang sa techno-demo ay ang paggamit ng combine harvester, hay rake baler, direct seeder, transplanter at iba pang makinaryang gamit sa pagsasaka. Tinalakay din ang mga pamamaraan sa paghahanda ng lupa, hakbang sa paghahanda ng punla at paglilipat-tanim ng punla ng palay. Pinasinayaan ni DA USec. for Finance Francisco M. Villano, Jr., ang selebrasyon, at siya ang nagpabatid ng pagbati at papuri ni DA Sec. Emmanuel F. Piñol sa kontribusyon ng PHilMech sa industriya ng pagsasaka. Ayon kay Sec. Piñol, ang pakikipagtulungan ng PHilMech upang mapaunlad at maisulong ang kaunlaran ng makatapos- ani at mekanisasyon ay mahalaga sa pag- alalay at pagpapanatili ng produksyong pang-agrikultura ng bansa. Ibinahagi rin sa talumpati ng kalihim ang patuloy na pagsusumikap ng Kagawaran ng Pagsasaka upang mapanatili ang paggamit ng mekanisasyon sa pagsasaka na nagdulot na ng malaking epekto sa buhay ng mga magsasaka. Sa katunayan ay may kabuuang 15,329 yunit na ng makinarya ang naibahagi ng kagawaran sa buong bansa mula pa noong 2011. Gayundin, upang paigtingin pa ang mekanisasyon ng pagsasaka sa Pilipinas, ginanap ang Memorandum of Understanding Ipinakita sa ginanap na techno-demo ang tamang paggamit ng rice transplanter at direct seeder na nangangailangan ng mas kaunting oras at manggagawa kaysa sa manu-manong paraan ng pagtatanim. Pag-angat ng ani at kita tampok sa PHilMech 39 th sundan sa pahina 4

Upload: lekhuong

Post on 29-Aug-2019

212 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Tomo 6 Blg. 2 Abril-Hunyo 2017 Pag-angat ng ani at kita ... · kaya akala namin sa Yolanda ganun lang din ang mangyayari,” ani Salvoro. Kaya noong humupa na ang dalang tubig ng

Tomo 6 Blg. 2 Abril-Hunyo 2017

Noong ika-24 ng Mayo 2017, ipinagdiwang ng PHilMech ang ika-39th anibersaryo nito. Tampok dito ang techno-talakayan at techno-demo ng mga makinaryang pansaka na akma sa tema na “Aangat ang pagsasaka sa paggamit ng tamang makinarya.”

Ang techno-talakayan at techno-demo ay naglalayun na pataasin ang kaalaman ng mga magsasaka at stakeholder sa mga makabago at tamang teknolohiyang gamit sa produksyon ng palay.

Kabilang sa techno-demo ay ang paggamit ng combine harvester, hay rake baler, direct seeder, transplanter at iba pang makinaryang gamit sa pagsasaka. Tinalakay din ang mga pamamaraan sa paghahanda ng lupa, hakbang sa paghahanda ng punla at paglilipat-tanim ng punla ng palay.

Pinasinayaan ni DA USec. for Finance Francisco M. Villano, Jr., ang selebrasyon, at siya ang nagpabatid ng pagbati at papuri ni DA Sec. Emmanuel F. Piñol sa

kontribusyon ng PHilMech sa industriya ng pagsasaka.

Ayon kay Sec. Piñol, ang pakikipagtulungan ng PHilMech upang mapaunlad at maisulong ang kaunlaran ng makatapos-ani at mekanisasyon ay mahalaga sa pag-alalay at pagpapanatili ng produksyong pang-agrikultura ng bansa.

Ibinahagi rin sa talumpati ng kalihim ang patuloy na pagsusumikap ng Kagawaran ng Pagsasaka upang mapanatili ang paggamit ng mekanisasyon sa pagsasaka

na nagdulot na ng malaking epekto sa buhay ng mga magsasaka.

Sa katunayan ay may kabuuang 15,329 yunit na ng makinarya ang naibahagi ng kagawaran sa buong bansa mula pa noong 2011.

Gayundin, upang paigtingin pa ang mekanisasyon ng pagsasaka sa Pilipinas, ginanap ang Memorandum of Understanding

Ipinakita sa ginanap na techno-demo ang tamang paggamit ng rice transplanter at direct seeder na nangangailangan ng mas kaunting oras at manggagawa kaysa sa manu-manong paraan ng pagtatanim.

Pag-angat ng ani at kita tampok sa PHilMech 39th

sundan sa pahina 4

Page 2: Tomo 6 Blg. 2 Abril-Hunyo 2017 Pag-angat ng ani at kita ... · kaya akala namin sa Yolanda ganun lang din ang mangyayari,” ani Salvoro. Kaya noong humupa na ang dalang tubig ng

| Abril-Hunyo |2017|2

Ang kwento ng Sta. Fe, Leyte

Ang pagsasaka ay isa sa mga pangunahing ikinabuhay ng mga mamamayan ng Sta. Fe. Katunayan, binubuo ng 2,410 ektarya na may patubig at 229 ektaryang sahod-ulan ang kanilang palayan sa lugar. Kaya naman noong humagupit ang bagyong Yolanda, matinding pinsala sa kabuhayan nila ang naranasan.

Ayon kay Pedro Salvoro, municipal agriculturist at disaster risk reduction officer ng Sta. Fe, panahon ng anihan sa kanilang lugar nang sumalanta ang bagyong Yolanda. Karamihan sa mga magsasaka noon ay nakapag-ani na ng tanim na palay habang ang iba naman ay kasalukuyang umaani pa lamang.

Ngunit dahil sa hindi inaasahang lakas at tindi ng bagyo, nawala ng parang bula ang lahat ng inalagaan at pinaghirapan ng mga mamamayan partikular na ang palay ng mga magsasaka.

NI CHRISTINE V. ANG

LATHALAIN

en.w

ikip

edia

.org

PAGSASAKA

Makalipas ang mahigit tatlong taon mula nang salantain ng bagyong Yolanda ang probinsya ng Leyte, kamangha-mangha ang mga ngiti at sigla ng mga mamamayan nito na animo’y walang kahit anong bagyo o trahedya na makapipigil sa pagpapatuloy at pagsabay nila sa agos ng buhay. Dahil sa pagiging masigasig at maparaan, unti-unti silang nakabangon sa pinsalang iniwan ng Yolanda at ang agrikultura ay isa sa mga itinuring nilang sagot sa pagbangong ito.

AT SA SUSUNOD NA henerasyonngayon

Ang kwento ng Sta. Fe, Leyte matapos ang bagyong Yolanda

damage ang mga bodega nila, walang mapagkunan ng seeds… Pati mga makinarya (gamit sa pagsasaka), nasira! Natapon ‘yung mga ‘yon dahil sa lakas ng bagyo.”

Mabuti na lamang dagdag pa ni Salvoro, “Maraming tumulong at nagbigay sa amin ng binhi… Dahil doon nakapagsimula kami ulit.”

Ang mga magsasaka

Ang kaalaman at katatagan ng mga grupo ng mga magsasaka ng Sta. Fe ay naging malaking bahagi ng pagbangon ng agrikultura sa probinsiya. Patunay dito ang San Isidro de Leyte Farmers Association na hindi nagpatalo sa hagupit ng bagyong Yolanda.

Ang San Isidro de Leyte Farmers Association ay samahan ng mga seed growers, ordinary palay farmers at organic farmers na itinatag taong 2013 bago pa man ang Yolanda. Layunin ng mga miyembro nito na makatulong sa

“Kasi hindi namin inaasahan na ganon kalakas ang bagyo. Akala namin ordinaryo lang ang lakas. Sanay na kasi kami sa bagyo rito, kaya akala namin sa Yolanda ganun lang din ang mangyayari,” ani Salvoro.

Kaya noong humupa na ang dalang tubig ng bagyo, “Inuna talaga namin ang pagkain at bahay ng mga tao. At noong nakapag-ayos na ng bahay, nagstart na kami sa livelihood.”

Kwento niya, sa pagsisimula nila ng tulong sa kabuhayan ng mga tao sa lugar, nakita nila ang kawalan ng binhi na kailangan ng mga magsasaka para sa susunod na taniman ng palay. Ang binhi na sana’y magiging tulong sa pagbangon ng kanilang kabuhayang sinira ng bagyo.

“After Yolanda, binhi ang naging problema kasi nasira ‘yung mga stock. ‘Yung mga seed grower na dapat pagbibilhan ng seeds ay wala ring stock. Syempre na-

Page 3: Tomo 6 Blg. 2 Abril-Hunyo 2017 Pag-angat ng ani at kita ... · kaya akala namin sa Yolanda ganun lang din ang mangyayari,” ani Salvoro. Kaya noong humupa na ang dalang tubig ng

Abril-Hunyo| 2017 | 3

produksyon ng certified seeds at sa pangangalakal ng mga produkto ng magsasaka sa lugar.

“Ready for distribution na sana (ang mga binhi), pera na sana… pero nawala pa,” malaking panghihinayang na ibinahagi ni Well Capangpangan, seed grower at pangulo ng San Isidro de Leyte Farmers Association.

Si Capangpangan ay retirado at dating chief ng Regional Agricultural Engineering Division ng Department of Agriculture (DA) sa kanilang rehiyon. Bukod sa pagiging kawani ng gobyerno, ang pagsasaka ang isa sa mga pinagkakaabalahan niya. Kaya naman, nang hagupitin ng bagyong Yolanda ang kanilang lugar ay bahagi rin ng kabuhayan niya ang naapektuhan.

“Nakapag-ani na ako noon… Naka-stock na ‘yung palay ko sa bodega, around 6,000 bags. At 60 porsiyento ang nadamage, hindi na napakinabangan dahil “nagturok” o sumibol na. Nawalan ng atip at nagkaroon ng tubig sa loob ‘yung bodega namin,” ani Capangpangan.

Pagpapatuloy niya, “Mabuti nalang after Yolanda ay may konting pera pa ako, kaya pumunta ako sa Cebu. Bumili ako ng generator dahil hindi naman ako makapag-operate sa farm kung walang kuryente… Tapos ang ginamit namin (sa sumunod na cropping season) ay ‘yung naka-stock na palay ko, ‘yung sumisibol pa. At ‘yung mga (unang) naharvest namin (after Yolanda) naging good seeds at nakatulong sa next cropping.”

Mekanisasyon ang sagot

Kaya lang, hindi lang pala pagkasira ng ani at makina ng mga magsasaka ang dulot ng bagyong Yolanda. Dahil sa mga nasirang pasilidad at bumuhos na tulong mula sa iba’t-ibang panig ng mundo, nabawasan at lumipat na sa ibang uri ng hanapbuhay ang mga dating manggagawa sa bukid.

“Halos 70 porsiyento ang nawala sa labor force dito kaya hirap na hirap kami… ‘Yung ibang (manggagawa sa bukid) napunta sa ibang trabaho because a lot of jobs has been generated sa construction industry. Halos lahat ng pamilya binigyan ng lagari, martilyo at kung anu-ano pa. Malaki ang naging demand ng carpenter, kahit ‘di ka nga karpintero magkakarpintero ka na,” kwento ni Capangpangan.

Dagdag pa niya, “Maayos ang pagsasaka noon dito. Kahit sa paggapas ng palay, before Yolanda walang problema sa manggagapas. Pero after Yolanda naging malaking problema na. Hirap na ‘yung mga operator sa paghahanap ng laborer, kaya kailangan talagang maging mechanized na.”

Dahil dito, sinimulan nina Capangpangan at ng iba pang miyembro ng kanilang samahan ang paggamit ng makinarya sa pagsasaka ng palay.

Bagamat may ilang makinarya na silang natanggap bago pa ang Yolanda, nagpatuloy ang samahan sa paggawa ng resolusyon para sa iba pang uri ng makinarya na magagamit nila sa mekanisasyon ng pagsasaka.

Sa ngayon, iba’t-ibang makinarya na ang natanggap ng samahan. Ilan din sa kanilang miyembro ang bumili na ng pansariling gamit na makinarya gaya ng reaper at transplanter bilang kaagapay nila sa pagsasaka.

“Nakatutulong ang mga farm equipment sa amin… kasi kami nakararanas na ng kakulangan sa workers… Mas maganda na may mga machine tsaka makakatipid ka talaga,” ani Roberto Capon, seed grower at kapwa miyembro ng San Isidro de Leyte Farmers Association.

sundan sa pahina 4

en.w

ikip

edia

.org

Well CapangpanganPangulo, San Isidro

de Leyte Farmers Association

...“Before Yolanda walang problema sa manggagapas. Pero after Yolanda naging malaking problema na. Hirap na ‘yung

mga operator sa paghahanap ng laborer, kaya kailangan talagang

maging mechanized na.”

Roberto CaponMiyembro, San Isidro

de Leyte Farmers Association

Page 4: Tomo 6 Blg. 2 Abril-Hunyo 2017 Pag-angat ng ani at kita ... · kaya akala namin sa Yolanda ganun lang din ang mangyayari,” ani Salvoro. Kaya noong humupa na ang dalang tubig ng

4 | April-Hunyo |2017|

Pag-angat ng ani at kita... mula sa pahina 1

Bezt Gee S. Magararu Christine V. AngChristine V. AngDanilo T. Esteves, Pilar Eliza Phyllis C. CastroDir. Raul R. Paz, Dr. Rodolfo P. Estigoy, Engr. Don David T. Julian

Director IV, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech), CLSU Compound, Science City of Muñoz, Nueva Ecija Tel. Nos.: (044) 456-0282, 456-0213; 456-0282e-mail: [email protected]

Patnugot Manunulat

Lay-out at disenyo Retrato

Tagapayo

Para sa karagdagang impormasyon,

makipag-ugnayan sa:

Pagsasaka ngayon at sa susunod...mula sa pahina 3

Pangarap para sa susunod na henerasyon

Bago pa man salantain ng bagyong Yolanda ang bayan ng Sta Fe, problema na ng mga magsasaka ang patuyuan at gilingan ng palay. At ang pagkakaroon nito sa kanilang lugar ang pangarap nila para sa ikabubuti ng pagsasaka sa Leyte.

“’Yun talaga ang gusto namin. Kasi sayang ‘yung jobs na makiki-create, imbis na mapunta sa Leyte ay napupunta sa ibang probinsiya,” sambit ni Capangpangan.

Karamihan kasi ng magsasaka sa lugar ay hindi na nagpapatuyo

ng palay. Pagkatapos anihin ay ibinibenta na kaagad dahil sa kakulangan ng pasilidad sa pagtuyo at paggiling ng palay. Kaya sa halip na ang mga magsasaka mismo ang makinabang sa ani nila, traders mula sa ibang probinsiya ang bumibili ng kanilang palay para gawing bigas.

Bilang tulong sa mga Leyteños, sinisikap ng mga mamamayan nito sa pangunguna ng San Isidro de Leyte Farmers Association ang pagkakaroon ng sentro na mayroong drying at milling facilities na maaaring magserbisyo sa lahat ng magsasaka sa Eastern Visayas.

“‘Yun lang ang huling hirit namin, kasi kuntento na kami sa narating namin. Ang kulang namin at least konting tulong ng gobyerno, kaya sana matulungan kami sa pagtayo nito,” ani Capangpangan.

“Ang iniisip nalang namin kung anong contribution ang maiiwan namin sa next generation na mapapakinabangan (nila),” dagdag pa ni Capon.

Ang pangarap na pagkakaroon ng patuyuan at gilingan ng palay ay itinuturing nina Capangpangan at Capon na paghahanda hindi lamang para sa kasalukuyan kundi maging sa susunod henerasyon.

on Technical Cooperation in Agricultural Mechanization sa pagitan ng PHilMech at ng Korea Agricultural Machinery Industry Cooperative (KAMICO) ng Republic of Korea (South Korea) sa pangunguna ni KAMICO Chair Shin Gil Kim at KAMICO Philippines’ representative Philip Kim.

Nakapaloob sa pakikipagtulungan ng ahensya sa KAMICO ang pagpapatayo ng agricultural mechanization complex, pagbabahagi o palitan ng kasanayan sa mga makinarya at mga pagsasanay at exhibits.

Ipinahayag naman ni PHilMech Dir. Dionisio G. Alvindia na “Para sa panghinaharap na direktiba ng PHilMech, ipagpapatuloy namin ang Agrinnovation at ang pakikipagtulungan namin sa KAMICO.”

Samantala, dumalo naman sa pagsasanay ang mahigit sa 200 bisita na kinatawan ng mga farmers’ organizations, cooperatives, farmers’ associations, irrigators’ associations, agricultural extension workers, regional field offices at pribadong sektor mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Kasabay din sa selebrasyon ng PHilMech ang paggunita ng ika-18

Postharvest Loss Prevention Week na naglalayong lumikha ng kamalayan upang mapaliit ang mga nasasayang sa makatapos-ani at mapanatili ang kaligtasan at kasapatan ng pagkain sa bansa. CVAng

Tanda ng pagkakasundo. Nakipagkamay si KAMICO Chair Shin Gil Kim (kaliwa) kay PHilMech Dir. Dionisio G. Alvindia (kanan).