trivia - magellan

3
MARIA EZEIA MIELLE B. PERNEZ GRADE 2 – ENDURANCE Bago dumating ang mga Kastila, partikular, si Magellan, malakas na ang pakikipagkalakalan ng ating mga ninuno sa mga Hapon, Tsino, Cambodians, Indians, Malaysians, Borneans, Moluccans, Javans, at Sumatrans. Balita sa Espanya at iba pang kaharian sa Yuropa ang mga sangkap-panluto na tulad ng pamenta, sili, cinnamon, at iba pa na matatagpuan lamang sa Asya lalo na sa Malacca o Moluccas, at nagpapahaba din ng “buhay” ng hilaw na karne bilang preservative. Ang pakay talaga ng grupo ni Magellan ay ang Moluccas na madaling marating mula sa Pilipinas. Ibig sabihin, itinuring na “transit point” lamang ang Pilipinas. Pangalawang biyahe ni Magellan papunta sana sa

Upload: rommel-tottoc

Post on 16-Jul-2016

245 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Magellan

TRANSCRIPT

Page 1: Trivia - Magellan

MARIA EZEIA MIELLE B. PERNEZGRADE 2 – ENDURANCE

Bago dumating ang mga Kastila, partikular, si Magellan, malakas na ang pakikipagkalakalan ng ating mga ninuno sa mga Hapon, Tsino, Cambodians, Indians, Malaysians, Borneans, Moluccans, Javans, at Sumatrans. Balita sa Espanya at iba pang kaharian sa Yuropa ang mga sangkap-panluto na tulad ng pamenta, sili, cinnamon, at iba pa na matatagpuan lamang sa Asya lalo na sa Malacca o Moluccas, at nagpapahaba din ng “buhay” ng hilaw na karne bilang preservative. Ang pakay talaga ng grupo ni Magellan ay ang Moluccas na madaling marating mula sa Pilipinas. Ibig sabihin, itinuring na “transit point” lamang ang Pilipinas. Pangalawang biyahe ni Magellan papunta sana sa Moluccas ang ginawang pagdaong sa mga isla ng Pilipinas, kung saan siya minalas na mapatay ni Lapu-lapu sa Mactan.

-Ang tunay na pangalan ni Magellan na isang Portuguese ay “Fernậo de Magalhậes”. Ang

Page 2: Trivia - Magellan

MARIA EZEIA MIELLE B. PERNEZGRADE 2 – ENDURANCE

pangalan niya sa Kastila ay “Fernando de Magallanes”, at ang “Ferdinand Magellan” ay sa Ingles naman. May alipin siyang Asyano na si Enrique, o Henry, na nakatulong ng malaki nang makarating ang grupo niya sa Visayas dahil nakakausap nito ang mga katutubo ng mga isla ng Limasawa, Homonhon at Cebu na una nilang dinaungan. Ang dalawang tawag sa kanya ng mga historian ay, “Henry of Malacca” at “Black Henry”.

- Ang unang na-convert sa Kristiyanismo sa Cebu na nakipag-blood compact pa kay Magellan ay si Raha Humabon, pamilya niya at mga sakop. Si Lapu-lapu naman na pinuno ng Mactan ay hindi pumayag at nagbanta pa ng laban kay Magellan kung hindi sila aalis agad.

-Ang pakay talaga ng mga Kastila sa pagsakop ng mga isla dahil napasubo na sila, ay upang pagkitaan ito batay sa paniwalang mayaman ang mga ito sa ginto at mga sangkap sa pagluto o spices. Upang magtagumpay sila sa pananakop, pinauna muna ang mga misyonaryo, na bandang huli ay nakipagpaligsahan na rin sa mga opisyal, sa pagpayaman. Ang mga misyonaryo ay mga Jesuits o Hesuwita na kinabibilangan ni St. Francis Xavier o St. Francis of Assissi, at mga Dominikano o Dominicans.

Page 3: Trivia - Magellan

MARIA EZEIA MIELLE B. PERNEZGRADE 2 – ENDURANCE

Ang “Islas Felipinas” na naging “Filipinas” ay hango sa pangalan ng hari ng Espanya noon na si Philip II.