true term paper 502
TRANSCRIPT
ABSTRAK
Pangalan: Kristine May C. Caponpon
Pamagat: Isang Pagsusuri sa mga Salitang Hiram na Ginagamit sa
Tabloyd na Pilipino Star Ngayon at Abante
Kurso: PF 502 Paglinang ng Filipino at Pahambing na Pag-aaral
ng mga Wika sa Pilipinas
Guro: Patrocionio V. Villafuerte
I. Layunin ng Pag-aaral:
A. Pangkalahatang Layunin
Nilalayon ng pag-aaral na ito na masuri ang mga salitang hiram
na ginagamit sa tabloyd sa Metro Manila.
B. Mga Tiyak na Layunin
1. Makapagtala ng mga salitang hiram na ginagamit sa mga
tabloyd na Filipino tulad ng Pilipino Star Ngayon at Abante.
1
2. Masuri kung anong paraan ng panghihiram ang ginagamit sa
mga tabloyd na Filipino ayon sa mga sumusunod:
a. pagbaybay ayon sa Ortograpiyang Filipino
b. tuirang panghihiram
c. tuwirang panghihiram na may panlaping Filipino
d. pabibigay-katumbas o paglikha ng salita
II. Pamamaraan
Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan. Ginamit
niya ang mga sumusunod na pamamaraan:
1. Pangangalap at pagbabasa ng mga pahayagang tabloyd
Binasa ang mga isyu ng mga tabloyd sa Metro Manila mula
Abril 13, 2009 hanggang Abril 24, 2009.
2. Pagtatala ng mga hiram na salita
Itinala ang mga hiram na salita na ginamit sa tabloyd partikular
sa
ulo ng balita at pahinang editoryal na naganap o nangyari mula
3. Pagsusuri sa ginamit na mga termino
2
Sinuri ang mga naitalang mga hiram na salita ayon sa mga ginamit nito
sa tabloyd sa ulo ng balita at pahinang editoryal. Ang pagsusuri ay
batay sa sumusunod:
a. pagbaybay ayon sa Ortograpiyang Filipino
b. tuirang panghihiram
c. tuwirang panghihiram na may panlaping Filipino
d. pabibigay-katumbas o paglikha ng salita
IV. Konklusyon
Batay sa resulta ng pag-aaral, nabuo ang mga sumusununod na
konklusyon:
1. Ang mga mamahayag na sumusulat sa pahayagang tabloyd ay may
kanya-kanyang istilo sa pagsulat ng balita at malayang nakakapili ng
mga salitang nais nilang gamitin sa pagsulat.
2. Ang mga salin sa Filipino ng mga salitang hiram na ginamit sa mga
tabloyd ay hindi konsistent.
3. Ang tuwirang panghihiram at paglalagay ng panlapi sa mga hiram na
salita ang kalimitang ginagamit ng mga mamahayag sa pagsusulat ng
kanilang balita lalo sa pagkakataong masamang tingnan o hindi
angkop isalin.
3
4. Ang wikang Ingles at wikang Filipino ay parehong gamitin ng mga
mamahayag sa kanilang mga balitang sinusulat sa tabloyd.
V. Rekomendasyon
Batay sa pagsusuri ng kinalabasan ng pag-aaral, inirerekomenda ng
mananliksik ang mga sumusunod:
1. Sa mga guro makakatulong ito sa pagpapalawak ng talasalitaang
Filipino ng mga mag-aaral sa pang-araw-araw na pagtalakay sa klase.
2. Magkaroon pa ng ibang pag-aaral hinggil sa mga salitang hiram na
ginagamit sa mga babasahing pang-araw-araw tulad ng magasin,
komiks at paket buks para sa ikakaunlad ng wikang Filipino.
3. Magsisilbing batayan ang ginawang pagsusuri para sa mga guro ng
Filipino upang maipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga salitang
pumapasok na sa Filipino at kung kalian at ang mga paraan ng
panghihiram na kasalukuyang nagaganap sa mga binabasa nilang
tabloyd at kung paano ipinakikita nito na buhay ang wika at patuloy na
umuulad dala ng panghihiram at sariling paglikha ng mga salita.
4
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO
1.1 Panimula
Ang wika ay kasangkapan ng tao upang magamit sa
pakikipagtalastasan, pakikipag-ugnayan, pakikipaglitang ng kuro-kuro,
balitaan, pagpapahayag ng damdamin, pag-aaral, pagtitipon ng karunungan,
pagsusuri at pagsisiyasat sa hiwaga ng kalikasan at talinghaga ng buhay. Ito
ay simbolo na bumubuo ng sistema upang maayos na maisakatuparan ng tao
ang paghahatid ng anumang mensahe. Wika ang nagsisilbing susi ng bawat
tao upang magkaunawaan.
Ang pagbabagong nagaganap sa ating wika ay kaagapay sa mabilis
na pagsulong at pag-unlad ng ating bansa. Ang tungkulin ng wika ay nag-
uugat sa nabuong sistema ng isang kultura ayon sa pamantayan ng
paniniwala, tradisyon, pag-uugali at kung paano nakikisalamuha ang tao.
Masasabi na ang ating wika ay buhay at nagbabago. Pinatutunayan ito
ng kasaysayan ng ating wikang Filipino na kung saan noong 1937 ay bumuo
ng isang institusyon ang pamahalaan at ito ay pumili na sa Tagalog ibabase
ang ating wikang pambansa. Noon namang taong 1973 nagpasimuno ang
institusyon ng bagong wika bilang wikang gagawing Lingua Franca ng bansa
5
at ito ang Pilipino, intensyon nitong malayang humiram ng mga salita mula sa
mga ibat-ibang wikang ginagamit sa buong kapulungan ngunit nakabatay pa
rin sa Tagalog. Noong 1976 ang Alpabeto ay binubuo ng 31 na letra kung
saan nakasama ang mga letrang ch, ll, n, at rr na ng lumaon ay inalis din.
Kaya noong 1987 ay 28 na lamang ang letra ng Alpabeto at ang Pilipino ay
ginawang Filipino. Taong 2001 ay nagpalabas ang Komisyon ng Wikang
Filipino, ang ahensyang tumatalakay sa mga gawaing pangwika;
nagbabalangkas, nag-uugnay at nagpapatupad ng mga programa at proyekto
kaugnay sa wikang Filipino ang “Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino”. Nakapaloob dito ang mga tuntunin tungkol sa 8
letra na idinagdag sa Alfabetong Filipino ayon sa Kautusang Pangkagawaran
Blg.25 2001. Sapagkat sa Alfabetong Filipino ng 1987 ay limitado lamang ang
gamit ng 8 dagdag na letra, kung saan ito ay maaaring gamitin lamang sa a)
Pantanging ngalan ng tao, lugar, gusali, produkto, pangyayari atbp. b) Mga
salitang teknikal na hindi karakarakang maasimila dahil malayo ang
pagbigkas sa Ispeling. c) Mga salitang may unikong katangiang kultural mula
sa ibat-ibang katutubong wika, kaya ang revisyon sa 2001 ay upang
palawakin pa ang gamit ng mga dagdag na letra.
Batay kay Valdez (1994), dahilan sa suportado ng institusyong pang-
edukasyon ang lantarang panghihiram ng teknolohiya at iba pang bagay sa
kaunlaran, hindi maiiwasan ang pagpupuslit ng mga banyagang salita,
6
konsepto at istruktura at konseptong nakapaloob sa ating mga nahiram na
salita at maraming varayti ng Filipino ang nadedebelop.
Sa pag-aaral naman ni Resuma (1994), natuklasan niyang umuunlad
at nagbabago ang alinmang buhay na wika dahil sa impluwensya ng mga
bagong kultura at bagong kaalaman at konseptong nakakaapekto sa wikang
iyon. Nagaganap ang pagbabago sapagkat natural lamang na
madagdaganang limitadong bokabularyo ng tagatanggap ng wika sa mga
terminolohiyang kakailanganin sa pagpapahayag sa mga bagong ideya.
1.2 Batayang Konseptwal
Ang wika ay isang parte ng komunikasyon. Ito kalipunan ng mga
simbolo, tunog, at mga batas, kaugnay nito upang maipahayag ang nais na
sabihin ng ating isipan. Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa
pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at
pagsusulat. Isang likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang likas-pusong
kaparaanang lumikha ng tunog.
Ayon pa rin sa kasaysayan ng wika, ito ay nagbabago. Pinatutunayan
ito ng mga Batas na nabuo kaugnay sa pagbabago ng wika. Kung aalamin
ang kasaysayan ng wika masusubaybayan ang mga yugto ng pagbabagong
7
naganap kaugnay dito. Masasabi na ang wika ay buhay dahil ito ay patuloy
na lalago at uunlad sa paglipas pa ng mga panahon.
Ayon kina Haugen (1972) at Ferguson (1971) na ang paglinang sa
isang wika ay binubuo ng (1) Kodipikasyon o pagpili ng wika at sistema ng
pagsulat na gagamitin , (2) Istandardisasyon, (3) desiminasyon o
pagpapalaganap, at (4) elaborasyon o pagpapayabong nito.
Itinatadhana ng Kautusang Pangkagawaran Blg.81, 1987 ng
Konstitusyon ng 1987 hinggil sa patuloy na nagpapayabong ng Filipino bilang
pambansa at pampamahalaang wika at pag-ayon pa rin sa Patakarang ng
Edukasyon Bilinggwal ng 1987 at pagtugon sa mabilis na pagbabago, pag-
unlad at paglaganap sa wikang pambansa ang Linangan ng Wika sa Pilipinas
(dating Surian ng Wikang Pambansa) sa tulong ng mga
linggwistika/dalubwika, manunulat, propesor/guro at mga samahang
pangwika ay nagsagawa ng reporma sa alpabeto at sa mga tuntunin ng
ortograpiyang ito sa lalong madaling panahon sa lahat ng mga kinauukulan
sa larangan ng dating Kalihim Lourdes R. Quisumbing.
Ayon sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng
wikang Filipino, ng Komisyon ng Wikang Filipino (2001), ang
pangangailangan ng wikang Filipino na manghiram sa Ingles, Kastila at iba
pang wika para matugunan ang malawakang pagpasok ng mga bagong
8
kultura na aytem at mga bagong konsepto na dala ng modernisasyon at
teknolohiya ay isamg realidad. Idagdag pa ang karaniwang Pilipino ay
nagpapalit wika at malayang nanghihiram ng wika ay ginagamit pasalita man
o pasulat na paraan.
Ang mga inilahad na kautusan at 2001 Revisyon ng Alfabeto ang
nagsilbing gabay sa pag-aaral na ito upang magsuri sa mga tabloyd na
Pilipino Star Ngayon at Abante.
Inaasahan na sa gagawing pagsusuri ay makikita ang kasalukuyang
nangyayari sa pang-unlad ng Filipino sa pasulat na paggamit. Sa pagsusuri
ng mga salitang hiram papangkatin ang mga paraan ng panghihiram ayon sa:
a. pagbaybay ayon sa Ortograpiyang Filipino
b. tuwirang panghihiram
c. tuwirang panghihiram na may panlaping Filipino
d. pabibigay-katumbas o paglikha ng salita
Makikita sa dayagram 1 ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral.
9
10
1.3 Paglalahad ng Layunin
A. Pangkalahatang Layunin
Nilalayon ng pag-aaral na ito na masuri ang mga salitang hiram na
ginagamit sa tabloyd sa Metro Manila.
B. Mga Tiyak na Layunin
1. Makapagtala ng mga salitang hiram na ginagamit sa mga tabloyd na
Filipino tulad ng Pilipino Star Ngayon at Abante.
2. Masuri kung anong paraan ng panghihiram ang ginagamit sa mga
tabloyd na Filipino ayon sa mga sumusunod:
a. pagbaybay ayon sa Ortograpiyang Filipino
b. tuirang panghihiram
c. tuwirang panghihiram na may panlaping Filipino
d. pabibigay-katumbas o paglikha ng salita
1.3 Saklaw at Delimitasyon
11
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pagsusuri sa paraan ng
panghihiram ng mga salitang Filipino sa tabloyd na Pilipino Star Ngayon at
Abante.
Ang hiram na salita ay kinuha mula sa ulo ng balita at pahinang
editorial na binasa mula Abril 13, 2009 hanggang Abril 24, 2009.
1.4 Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa mga mag-aaral
Mabibigyan sila ng mahalagang kaalaman at impormasyon kung paano
ang wika ay buhay at patuloy na umuunlad sa pamamagitan ng panghihiram
at paggamit nito sa tabloyd.
Sa mga guro
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga guro sapagkat masusuri
nila ang mga salitang hiram na ginagamit ngayon sa tabloyd, sa
pamamagitan nito maaaring sa kanilang pagtuturo ay magamit nila sa
kanilang pakikipagtalastasan.
1.5 Katuturan ng mga Katawagang Ginamit
Hiram na salita – tumutukoy sa mga salitang hinihiram sa ibang wika. Ang
tunog at baybay kahulugan ng mga salitang ito’y hinihiram.
12
Komisyon ng Wikang Filipino – lupon na nangangalaga, nangangasiwa,
nagpapalano at namamahala sa pagpapayaman, pagtataguyod at
pampapalaganap ng Wikang Pambansa, ang Filipino ayon sa Batas
Republika Blg. 7104.
Ortograpiya – ay masining na pagsusulat ng mga salita, bahagi ng gramatika
ng isang wikang nauukol sa mga simbolo o sining ng pagbaybay.
Pahayagan – pang-araw-araw na lathalang naglalaman ng mga balita o
pangyayaring naganap sa loob at labas ng bansa.
Pahinang editoryal – bahagi ng pahayagan o tabloyd na naglalaman ng mga
artikulo ng editor o kauri nito batay sa umiiral na mahalagang balita upang
manuligsa, magpaunawa, magturo o magbigay-puri sa kinauukulan.
Panghihiram – panghihiram ng mga salita mula sa ibang wika.
Paglikha ng salita – paraan ng panghihiram ng wika na karaniwang
binabago ang anyo nito upang maiakma sa paggamit o mas makatawag-
pansin sa mga mambabasa.
13
Tablyod – mga pahayagang pangmasa na tintangkilik ng mga nasa
mababang uri ng pamumuhay. Tumutukoy din sa pahyagan na maliit ang
sukat (11.5 x 13.5).
Tuwirang Panghihiram – paraan ng panghihiram na walang pagbabago sa
orihinal na baybay.
Ulo ng balita – karaniwang nakasulat sa iba’t ibang tipo at uri ng titik nang
mabatid o makaagaw sa interes ng mambabasa sa isang iglap ang tampok
na balita sa mga tabloyd.
Wika – isang sistema ng mga simbolong arbitraryo na ginagamit ng isang
lipon ng mga tao upang sa pamamagitan nito ay matupad nila ang kanilang
mga Gawain sa kanilang sosyedad.
14
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Hangaring maipakita ng mananaliksik sa pamamagitan ng ilang mga
kaugnay na literature at pag-aaral ang iba’t ibang kaisipang magpapaunlad at
magpapalawak sa pag-aaral na ito:
2.1 Mga Kaugnay na Literatura
Ayon kay Santiago, ang panghihiram ng salita ay malaki ang
pagkakaiba sa panghihiram ng isang bagay na tulad ng Barong Tagalog,
halimbawa. Kung salita ang ting hihiramin, hindi nating tungkulin pang ito’y
isauli sapagkat ang nasabing salita ay nagagamit din n gating
pinaghihiraman. Isa pa, ang tunog at baybay ng salitang ating hiniram ay
maaari nating baguhin o palitan nang wala tayong pananagutan sa ating
pinanghiraman.
Nagbigay si Weinrich (1968), ng tatlong dahilan kung bakit ang mga
wika ay nanghihiram: 1.) Mga salik tulad ng madalas na paggamit at
15
magkasintunog na salita.2.) Ang mga wika ay palaging nangangailangan ng
mga domeyn. 3.) Ang impluwensyang kultural, ekonomikal, politikal at
teknolohikal.
Misyon ng Komisyon ng Wikang Filipino na magbalangkas, mag-ugnay
at magpatupad ng mga programa at proyekto sa pananaliksik upang higit
pang mapabilis ang pagsulong at pagbulas ng Wikang Filipino bilang midyum
ng pangkalahatang talastasan at gayundin ng mga layuning intelektwal.
Kakambal ng pagpupunyaging ito ang mga gawain na pangangalaga
at pagpapanatili ng iba pang katutubong wika.
Bisyon ng komisyon na magawa ang Filipino na isang modernong
wikang magagamit na mabisang kasangkapan sa kabuuan ng pambansang
pagpapaunlad.
Ang KWF ay nagsimula bilang Surian ng wikang Pambansa, alinsunod
sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ni Pangulong Manuel Quezon
noong Nobyembre 13, 1936. Pangunahing layunin ng Surian na piliin ang
katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay
ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Batay sa nilagdaang Kautusan Tagapagpaganap Blg. 117 ng
dating Pangulong Aquino noong Enero taong 1987, ang SWP ay pinalitan ng
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas.
Nilagdaan ni dating Pangulong Aquino ang Batas Republika Blg. 7104
noong Agosto 14, 1991 na nagsasaad na Komisyon ng Wikang Pilipino ay
16
isang tanggapang nasa ilalaim ng tanggapan ng pangulo ng Pilipinas.
Layunin ng KWF na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng
Filipino at iba pang wika ng Pilipinas. Mabilis na maisasakatuparan ang
layunin ng KWF sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng mga patakaran,
mga plano at mga programa na inuugnay sa iba’t-ibang tanggapang
pampamahalaan at maging pribado man.
2.2 Kaugnay na Pag-aaral
Sinasabi ni Rubin (1998) sa kanyang papel na
“Intelekwalisasyon ng Filipino sa Pananaliksik” na maraming salin ang
lumabas na isinagawa ng ilang mga indibidwal o grupo ng mga indibidwal at
ahensya na naniniwala sa kakayahan at bisa ng Filipino bilang instrumento
ng komunikasyon at edukasyon ng bansa. Isinagawa ng mga edukado ang
pagsasalin sa mga akda sa iba’t ibang larangan batay sa mga tinatanggap na
teorya at iniuugnay sa iba pang disiplina tulad ng Agham Panlipunan at
Humanidades.
Ayon naman kay Asilo(2003) , napatunayan na sa komunikatibong
paraan ng pagsasalin hindi na kailangang hanapin pa ang kahulugan ng mga
salitang matatagpuan sa diksyunaryo kundi kailangang iayon ang diwa ng
wikang pinagmulan sa pinagsalinang wika upang madaling maunawaan ng
target na mambabasa.
17
Batay sa pagsusuri ni Calapatia (2003) na “Pagsusuri ng mga Hiram
na salita na ginagamit sa Pahayagang Tabloyd”, ang mga mamamahag na
sumusulat sa pahayang tabloyd ay may kanya-kanyang istilo sa pagsulat ng
balita at malayang nakapipili ng salitang nais nilang gamitin sa pagsulat at
malayang nakapagbibigay ng mga salitang nais nilang gamitin sa kanilang
pagsulat kahit ito ay hindi maganda sa pandinig sa dahilang ang mga salitang
ito ay panawag-pansin sa mambabasa at ang mga salin sa Filipino ng mga
salitang hiram na ginagamit sa mga tabloyd ay hindi konsistent.
18
KABANATA III
PAMAMARAAN
Ilalahad sa kabanatang ito ang mga paghahanda at pamamaraang
ginamit sa pananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagsusuri ng
mga salitang hiram na ginagamit sa tabloyd na Filipino.
31. Pamamaraan ng Pag-aaral
31.1 Pagbabasa ng mga Tabloyd
Mula Abril 13, 2009 hanggang Abril 24, 2009, binasa at sinuri
ang mga pangunahing balita at editoryal sa mga tabloyd na Pilipino Star
Ngayon at Abante. Pinili ang mga salitang hiram mula sa ulo ng balita at
pahinang editoryal. Sinuri ang mga hiram na salitag ito kung paano ang
paggamit at paraan ng panghihiram. Nakapokus lamang ang pangangalap ng
mga hiram na salita sa ulo ng balita at pahinang editoryal sapagkat ang mga
bahaging ito ang nakaagaw agad ng atensyon at interes ng mambabasa.
3.1.2 Pagtatala ng mga salitang hiram mula sa mga tabloyd
19
Ang mananaliksik at nagtala ng mga hiram na salita mula ulo ng
balita at pahinang editoryal at sinuri kung anong paraan ng panghihiram ang
ginamit sa mga tabloyd na Filipino ayon sa sumusunod:
a. pagbaybay ayon sa Ortograpiyang Filipino
b. tuwirang panghihiram
c. tuwirang panghihiram na may panlaping Filipino
d. pabibigay-katumbas o paglikha ng salita
31.3 Pagsusuri sa ginamit na termino
Matapos mabasa at masuri ng mananaliksik ang mga itinalang
hiram na salita mula sa tabloyd na Filipino ito’y inihanay at sinuri ayon sa
paraan ng panghihiram na ginamit.
3.1.4 Pagkakategorya ng mga salitang ayon sa paraan ng panghihiram
Kinategorya ng mananaliksik ayon sa paraan ng panghihiram
matapos ang paghahanay at pagsusuri sa mga itinalang salitang hiram.
20
KABANATA IV
PAGLALAHAD NG MGA DATOS
Ilalahad sa kabanatang ito ang naging resulta ng pag-aaral.
4.1 Pangangalap ng salitang hiram
Nagsimula ang mananaliksik sa pangangalap ng mga tabloyd mula
Abril 13, 2009 hanggang Abril 24, 2009. Pinagtuunang pansin sa
pangangalap ng mga salitang hiram ang ulo ng balita at pahinang editoryal.
4.2 Pagsusuri sa mga salitang hiram
Ang mga salitang hiram ay sinuri ayon sa pagbaybay ayon sa
Ortograpiyang Filipino, tuwirang panghihiram, tuwirang panghihiram na may
panlaping Filipino at pabibigay-katumbas o paglikha ng salita.
Ang pagsusuri ng mga salitang hiram na nakalap ay mula sa modelo ni
Newmark (1988) na isa sa teknik na pagsasalin ng Naturalisasyon, (1)
panghihiram ayon sa pagbaybay ng Ortograpiyang Filipino, (2) panghihiram
sa Ingles ng walang pagbabago sa ispeling, (3) panghihiram sa salitang
Kastila na sinunod ang ispeling ayon sa Ortograpiyang Filipino. Gayunpaman,
21
ibinukod ng mananaliksik ang panghihiram sa Ingles na walang pagbabago
sa ispeling ngunit may panlaping Filipino nang makita ang isa pang paraan ng
pag-ispeling
Sa pagsusuri ng mga salitang hiram na nakalap, itinala ng
mananaliksik ang bawat salitang hiram ayon sa gamit ng bawat tabloyd.
Makikita sa mga talahanayan ang mga salitang hiram na ginamit ng
mamamahayag sa bawat tabloyd. ( appendiks a)
TALAHANAYAN 1
TABLOYD – PILIPINO STAR NGAYON
Hiram na salita Pagbaybay ayon sa
Ortograpiyang Filipino
Tuwirang panghihiram
Tuwirang panghihiram
na may panlaping
Filipino
Pabibigay-katumbas o paglikha ng salita
1. abroad ibang bansa
2. boxing boxing
3. budget budget
4. crisis krisis
5. constitution konstitusyon
6. control kontrol
7. corruption corruption
8. dead dedo
9. driver driver
10. double do-double
11. election eleksyon
12. extend ma-extend
22
13. extra ekstra
14. invest invest
15. investigation imbestigasyon
16. job trabaho
17. latest pinaka-latest
18. leader lider
19. plastic bag plastic bag
20. pollution pollution
21. project project
22. ransom ransom
23. report report
24. salary sweldo
25. school eskwelahan
26. soldier sundalo
27. survey survey
28. teacher guro
29. traffic trapik
30. truck trak
Sa pagsusuri ng ga hiram na salita na ginamit sa tabloyd na Pilipino
Star Ngayon, higit na gamitin ang tuwirang panghihiram na nakakuha ng
37%sa panghihiram at sumununod lamang ang pagbaybay ayon sa
Ortograpiyang Filipino na may 30%.Nakakuha namanng 23% ang pagbibigay
ng katumbas na salita o paglikha na nakakuha at ang hindi gamitin ang
panghihiram na may panlaping Filipino na nakakuha ng 10%.
23
TALAHANAYAN 2
TABLOYD – ABANTE
Hiram na salita Pagbaybay ayon sa
Ortograpiyang Filipino
Tuwirang panghihiram
Tuwirang panghihiram
na may panlaping
Filipino
Pabibigay-katumbas o paglikha ng salita
1. abroad abroad
2. boxing boksing
3. budget budget
4. crisis krisis
5. constitution konstitusyon
6. control kontrol
7. corruption korapsyon
8. dead patay
9. driver tsuper
10. double double
11. election election
12. extend extend
13. extra extra
14. invest mag-invest
15. investigation imbestigasyon
16. job trabaho
17. latest latest
18. leader lider
19. plastic bag plastic bag
20. pollution pollution
24
21. project proyekto
22. ransom ransom
23. report ulat
24. salary sahod
25. school eskwelahan
26. soldier sundalo
27. survey survey
28. teacher titser
29. traffic trapik
30. truck trak
Sa pagsusuri ng ga hiram na salita na ginamit sa tabloyd na Abante ,
higit na gamitin ang tuwirang panghihiram 37% at pagbaybay ayon sa
Ortograpiyang Filipino na nakakuha ng 37%, ikalawa ang pagbibigay ng
katumbas na salita o paglikha na nakakuha ng 23% at ang hindi gamitin ang
panghihiram na may panlaping Filipino na nakakuha ng 3%.
Sa kabuuan ng mga salitang hiram na naitala (30 salita).
Makikita sa talahanayan 3 ang porsyento ng mga salitang hiram na ginamit
sa dalawang tabloyd batay sa pagbaybay ayon sa Ortograpiyang Filipino,
tuwirang panghihiram, tuwirang panghihiram na may panlaping Filipino at
pabibigay-katumbas o paglikha ng salita.
25
TALAHANAYAN 3
KABUUANG PORSYENTO NG HIRAM NA SALITA
Tabloyd Pagbaybay ayon sa
Ortograpiyang Filipino
Tuwirang panghihiram
Tuwirang panghihiram
na may panlaping
Filipino
Pabibigay-katumbas o paglikha ng salita
Pilipino Star
Ngayon
30% 37% 10% 23%
Abante37% 37%
3% 23%
Sa kabuuan makikita natin na mas higit na gamitin ang tuwirang
panghihiram ng mga salita, ikalawa ang pagbaybay ayon sa Ortograpiyang
Filipino, ikatlong gamitin ang pagbibigay katumbas o paglikha ng salita at ang
hindi gamitin ang tuwirang panghihiram na ginagamitan ng panlapi.
Ang mga mamahayag na sumusulat sa mga tabloyd ay may kanya-
kanyang istilo o paraan sa panghihiram ng salita sa pagsulat ng balita. Hindi
consistent ang paraan ng panghihiram na ginagamit sa mga tabloyd.
26
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
5.1 Lagom
Batay sa naging pag-aaral, sa panghihiram ng mga salita mas higit na
gamitin ang tuwirang panghihiram ng mga manunulat sa tabloyd at
sumununod dito ang pagbaybay sa Ortograpiyang Filipino.Hindi konsistent sa
panghihiram ng mga salita ang ginagamit ng mga manunulat ng balita sa
tabloyd sapagkat sa kanilang kanya-kanyang istilo o pamamaraan ng
pagsulat. Sa pamamagitan ng mga iba’t ibang istilo natawag ang pansin ng
mga mambabasa o makapukaw ng atensyon.
5.2 Konklusyon
Batay sa resulta ng pag-aaral, nabuo ang mga sumusununod na
konklusyon:
1. Ang mga mamahayag na sumusulat sa pahayagang tabloyd ay may
kanya-kanyang istilo sa pagsulat ng balita at malayang nakakapili ng
mga salitang nais nilang gamitin sa pagsulat.
27
2. Ang mga salin sa Filipino ng mga salitang hiram na ginamit sa mga
tabloyd ay hindi konsistent.
3. Ang tuwirang panghihiram at paglalagay ng panlapi sa mga hiram na
salita ang kalimitang ginagamit ng mga mamahayag sa pagsusulat ng
kanilang balita lalo sa pagkakataong masamang tingnan o hindi
angkop isalin.
4. Ang wikang Ingles at wikang Filipino ay parehong gamitin ng mga
mamahayag sa kanilang mga balitang sinusulat sa tabloyd.
5.3 Rekomendasyon
Batay sa pagsusuri ng kinalabasan ng pag-aaral, inirerekomenda ng
mananliksik ang mga sumusunod:
1. Sa mga guro makakatulong ito sa pagpapalawak ng talasalitaang
Filipino ng mga mag-aaral sa pang-araw-araw na pagtalakay sa klase.
2. Magkaroon pa ng ibang pag-aaral hinggil sa mga salitang hiram na
ginagamit sa mga babasahing pang-araw-araw tulad ng magasin,
komiks at paket buks para sa ikakaunlad ng wikang Filipino.
3. Magsisilbing batayan ang ginawang pagsusuri para sa mga guro ng
Filipino upang maipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga salitang
28
pumapasok na sa Filipino at kung kalian at ang mga paraan ng
panghihiram na kasalukuyang nagaganap sa mga binabasa nilang
tabloyd at kung paano ipinakikita nito na buhay ang wika at patuloy na
umuulad dala ng panghihiram at sariling paglikha ng mga salita.
29
BIBLIOGRAPI
Antonio, Lilia F. et al. 2005. Komunikasyonsa Akademikong Filipino, C & E
Publishing, Inc.
Asilo, Remedios C. Pagsasalin sa Filipino ng mga Panitikang Bayan, Agusan
Del Sur, Tanging Proyekto, PNU Manila 2003.
Calapatia, Marilou B. Pagsusuri ng mga Hiram na Salita na ginagamit sa
Pahayagang Tabloyd, Tanging Proyekto, PNU Manila 2003.
Komisyon sa Wikang Filipino. 2001.2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay
sa Ispeling ng Wikang Filipino.KWF, Maynila .
Ramos, Evelyn R. Pagsusuri ng mga Hiram na Salita na ginagamit sa
Pahayagang Tabloyd, Tanging Proyekto, PNU Manila 2004.
Resuma, Vilma.1994. Mga barayti ng Akademikong Rehistro ng
Filipino. Papel na binasa sa kaso ng UPIS. Isang papel na binasa sa
Pambansang Samahan ng mga Tagamasid sa Filipino.
Rubin, Ligaya, Ramos, Jesus, Sena at Sulis.1998 Mga Piling Babasahin sa
Wika at Panitikan.
Santiago, Alfonso “Ikalawang Edisyon Sining ng Pagsasaling-Wika sa
Filipino mula sa Ingles”, Rex Bookstore, Manila.
Santiago, Alfonso at Tiangco, Norma, 2003 “Binagong Edisyon
Makabangong Balarilang Filipino”, Rex Bookstore Manila.
Valdez, Maria Stella.1994.Linguistic na Panghihiram. Papel na binasa sa
Seminar ng Pambansang Samahan ng mga Tagamasid sa Filipino
(PASATAF), Baguio City, Abril 17-20.
Weinreich, U. 1968. Language in Contact. The Hague. Moriton.
30
31
TALAHANAYAN 1
TABLOYD – PILIPINO STAR NGAYON
Hiram na salita Pagbaybay ayon sa
Ortograpiyang Filipino
Tuwirang panghihiram
Tuwirang panghihiram
na may panlaping
Filipino
Pabibigay-katumbas o paglikha ng salita
1. abroad ibang bansa
2. boxing boxing
3. budget budget
4. crisis krisis
5. constitution konstitusyon
6. control kontrol
7. corruption corruption
8. dead dedo
9. driver driver
10. double do-double
11. election eleksyon
12. extend ma-extend
13. extra ekstra
14. invest invest
15. investigation imbestigasyon
16. job trabaho
17. latest pinaka-latest
18. leader lider
19. plastic bag plastic bag
20. pollution pollution
32
21. project project
22. ransom ransom
23. report report
24. salary sweldo
25. school eskwelahan
26. soldier sundalo
27. survey survey
28. teacher guro
29. traffic trapik
30. truck trak
Sa pagsusuri ng ga hiram na salita na ginamit sa tabloyd na Pilipino Star
Ngayon, higit na gamitin ang tuwirang panghihiram na nakakuha ng 37%sa
panghihiram at sumununod lamang ang pagbaybay ayon sa Ortograpiyang
Filipino na may 30%.Nakakuha namanng 23% ang pagbibigay ng katumbas
na salita o paglikha na nakakuha at ang hindi gamitin ang panghihiram na
may panlaping Filipino na nakakuha ng 10%.
33
TALAHANAYAN 2
TABLOYD – ABANTE
Hiram na salita Pagbaybay ayon sa
Ortograpiyang Filipino
Tuwirang panghihiram
Tuwirang panghihiram
na may panlaping
Filipino
Pabibigay-katumbas o paglikha ng salita
1. abroad abroad
2. boxing boksing
3. budget budget
4. crisis krisis
5. constitution konstitusyon
6. control kontrol
7. corruption korapsyon
8. dead patay
9. driver tsuper
10. double double
11. election election
12. extend extend
13. extra extra
14. invest mag-invest
15. investigation imbestigasyon
16. job trabaho
17. latest latest
18. leader lider
19. plastic bag plastic bag
20. pollution pollution
34
21. project proyekto
22. ransom ransom
23. report ulat
24. salary sahod
25. school eskwelahan
26. soldier sundalo
27. survey survey
28. teacher titser
29. traffic trapik
30. truck trak
Sa pagsusuri ng ga hiram na salita na ginamit sa tabloyd na Abante ,
higit na gamitin ang tuwirang panghihiram 37% at pagbaybay ayon sa
Ortograpiyang Filipino na nakakuha ng 37%, ikalawa ang pagbibigay ng
katumbas na salita o paglikha na nakakuha ng 23% at ang hindi gamitin ang
panghihiram na may panlaping Filipino na nakakuha ng 3%.
35
TALAHANAYAN 3
KABUUANG PORSYENTO NG HIRAM NA SALITA
Tabloyd Pagbaybay ayon sa
Ortograpiyang Filipino
Tuwirang panghihiram
Tuwirang panghihiram
na may panlaping
Filipino
Pabibigay-katumbas o paglikha ng salita
Pilipino Star
Ngayon
30% 37% 10% 23%
Abante37% 37%
3% 23%
Sa kabuuan makikita natin na mas higit na gamitin ang tuwirang
panghihiram ng mga salita, ikalawa ang pagbaybay ayon sa Ortograpiyang
Filipino, ikatlong gamitin ang pagbibigay katumbas o paglikha ng salita at ang
hindi gamitin ang tuwirang panghihiram na ginagamitan ng panlapi.
36