tula sa mahal na birhen ng la inmaculada concepcion ng dasmarinas
DESCRIPTION
Tula Sa Mahal Na Birhen Ng La Inmaculada Concepcion Ng DasmarinasTRANSCRIPT
TULA SA MAHAL NA BIRHEN NG lA INMACULADA CONCEPCION NG DASMARINAS
Inang Maria, Virgen InmaculadaVirgen Preservada, ikaw ngat dili ibaSalang original ikay di nagmanaBukod na pinagpala sa babaeng lahat na
Ikay kanilugdan ng Diyos Amamng makapangyarihanIpagkaloob sa Iyo tanging biytayay inilaanMaging ina ng Diysoa tumubos sa sangkatauhanInang kalinislinisan, pagkabirhey di nabawasanb
Tinipon sa iyo ang lahat ng graciaSiyang gantimpala ng Diyos na AmaIkay itinalaga, upang maging Ina,Ni Jesus na Diyos, sasakop sa sala
Yaong unang Eva duon sa paraisoSiyang naakait, sa ahas natuksoIkaw nga ang siyang ikalawang pumaritoUpang yuurak, dumurog sa ulo
Ang araw at buwan at mga bituinNasangkap sa iyo l;ahat ng luningningSa iyong dilag, katamisang angkinDi matingkala, di kayang sukatin
Di mapantayan, iyong kagandahanSa sinomat aling inapo ni AdanIyong kalnisay nilalik ng kamayNg Diyos Ama, maalam, makapangyrihan
Buong karangalay sa Iyo ibinigaySangkatauhan sa iyoy nagpupugayMundong kabilugay sumaiyong yapakAt naging tuntungan ng pang marilag
Ikaw na kung tawagiy Rosa MisticaIkaw na bulaklak na tangi ang gandaIkaw na sa mundoy ginawang panghalinaDi maduklay ng babaeng iba
Sa iyo ibinigay, siyang ipinangalanBahay na ginto at kaban ng tipanTorre ni David sa langit ay pintuanTalang maliwanag sa gitna ng karagatan
Ang aing mundoy umiinog umiiralMay takdang panahon, lahat lumilipasSubalit amng graciang sa Virgey nauukolLalong sumasagana. Lalong sumisibol
Oh Virgen Maria, Oh aming InaSa iyong npagsaklolo, kamiy umaasaIyong pagkukupkop aming pag-asaPagmamahal at pagkalinga, Ipagkaloob tuwi-tuwina
Kamiy patnubayan sa landas ng kalangitanIyong liwanag lagi kaming tanglawanSama ng mundo naway amng malabananUpang aming makamit ang langit na bayan
Ang iyong pangalan ay gagawing kuta,Ang tanggulan, aming sandataKamiy mapasailalim ng iyong pagkalingaKaming iynong mga anak, sa iyo tumalima
O mater purissima, La Virgen ImmaculadaIkay ngat dili iba, aming protectoraMahan naming patrona, aming tanging reynaSa Iyo an gaming pag-ibig, mahal naming INA
Ikaw nga oh Ina, Immaculada ConcepcionBayang Dasmarinas iyong inamponMapayamat mapalalim aming debosyonMagpurit manalangin sa Diyos Amang Poon