tungkol sa commissioning framework ng ilc
TRANSCRIPT
Information, Linkages and Capacity Building Commissioning Framework Oktubre 2016
2
Ano ang nasa dokumentong ito?
Pag-unawa sa ILC 3
Isang bagong patakaran para sa Australia 5
Tungkol sa Commissioning Framework ng ILC 8
Pamumuhay ng isang ordinaryong buhay 11
ILC Outcomes (Mga Kalalabasan ng ILC) 12
Focus Areas (Mga Larangang Pinagtutuunan ng Pansin) 15
Paano pinipili at pinopondohan ang mga aktibidad? 18
Mga susunod na hakbang 28
Listahan ng salita 30
Kontakin kami 33
3
Pag-unawa sa ILC
Narinig mo na ba ang tungkol sa National Disability
Insurance Scheme (Pamamaraan sa Pambansang
Seguro para sa May Kapansanan)?
May bagong paraan sa pagbibigay suporta sa mga
taong may kapansanan sa Australia.
Karaniwan naming tinatawag ito na NDIS.
Ginagawa ng NDIS ang 2 mahalagang trabaho:
1. Tumutulong ito sa mga tao na nangangailangan ng maraming suporta.
Ang ilang taong may kapansanan ay
nangangailangan ng tulong sa mga pang-araw-
araw na bagay katulad ng pamimili, pagluluto,
paglilinis at pagpunta sa iba't ibang lugar.
Tutulungan ng NDIS ang mga taong ito sa
pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pang-
indibidwal na plano.
Ang planong ito ay nagpapakita kung anong
suporta ang matatanggap nila at kung paano ito
babayaran.
4
2. Nagbibigay ito ng impormasyon at nag-
uugnay sa mga tao sa komunidad.
Ang isang mahalagang bahagi ng NDIS ay ang
pagsiguro na ang mga taong may kapansanan ay:
• nakakonekta at isinasama sa
komunidad
• na-aabot ang kanilang mga hangarin.
Ang bahaging ito ng NDIS ay tinatawag na
Information, Linkages and Capacity Building, o ILC
kung pinaigsi.
Ang dokumentong ito ay lahat tungkol sa ILC.
5
Isang bagong patakaran para sa Australia
Sa nakaraan, ang bawat Estado at Teritoryo
ay may sarisaring paraan sa pagsuporta ng
mga taong may kapansanan.
Ang mga uri ng aktibidad at kung paano sila
binabayaran ay hindi pareho.
Noong 2015, ang lahat ng pamahalaan ng
Australia ay sumang-ayon sa ano ang
magiging ILC sa hinaharap.
Maaari mong basahin ang Patakaran ng ILC
sa www.ndis.gov.au
6
Inilalarawan sa Patakaran ng ILC ang 5 uri ng
mga aktibidad na popondohan ng ILC sa
hinaharap.
Tinatawag ang mga ito na Activity Areas (Mga Larangan ng Aktibidad).
Ang mga ito ay:
1. Impormasyon, pag-uugnayan at mga pagmumungkahi Ito ay tungkol sa mga taong may
kapansanan na magkaroon ng
impormasyon at makakonekta sa
suporta.
2. Pagtatayo ng kapasidad para sa mga kalakarang serbisyo Tungkol ito sa pagkakaroon ng mga
kalakarang serbisyo ng impormasyon at
pagtamo ng mga kakayahan na
kinakailangan nila upang suportahan
ang mga taong may kapansanan.
3. Pagkamulat ng komunidad at pagtatayo ng kapasidad Tungkol ito sa pagkakaroon ng mga
programa at organisasyon sa
komunidad ng impormasyon at mga
kakayahan na kakailanganin nila upang
7
suportahan ang mga taong may
kapansanan.
4. Pagtatayo ng kapasidad ng indibidwal Tungkol ito sa pagkakaroon ng mga
taong may kapansanan ng mga
kakayahan at pagtitiwala sa sarili upang
maging bahagi ng komunidad.
5. Local area coordination Ang Local Area Coordinators ay
tutulong na iugnay ang mga taong may
kapansanan sa mas malawak na
komunidad.
Magbibigay ng pondo ang NDIA para sa
Larangan 5 – Local Area Coordination
(LAC) – nang hiwalay.
Ang dokumentong ito ay magpapaliwanag
kung paano nagbibigay ang ILC ng pondo
para sa mga Larangan 1–4.
8
Kailangang isa-aksiyon ng NDIA ang
Patakaran ng ILC.
Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng
Commissioning Framework.
Tungkol sa Commissioning Framework ng ILC
Gusto naming ibahagi sa iyo ang
Commissioning Framework ng Information,
Linkages and Capacity Building (ILC).
Ipinapaliwanag nito:
• kung paano bahagi ng NDIS ang ILC
9
• ang outcomes (mga kalalabasang) inaasahan para sa ILC – ang mga
hangarin na mayroon ang NDIS para sa
mga taong may kapansanan na gagamit
sa ILC
• kung paano pipiliin at popondohan ang
mga aktibidad
• paano natin malalaman na gumagana
pa nang mabuti ang ILC
• gaano karaming pera ang naroroon
para sa ILC.
10
Pakikipag-usap sa mga taong may kapansanan
Noong Disyembre 2015, nagpalabas kami ng
draft ng Commissioning Framework.
Nagbiyahe kami palibot ng Australia at
nagdaos ng mga harap-harapang sesyon.
Ipinaliwanag namin kung paano gumagana
ang ILC.
At tinanong namin ang mga tao kung ano ang
kanilang naiisip tungkol sa:
• aming draft.
11
• sa proseso ng aplikasyon.
Pinag-isipan namin ang tungkol sa mga
sinasabi ng mga tao noong sinulat namin ang
dokumentong ito.
Kung gusto mo ng karagdagang impormasyon
tungkol sa kung ano ang sinasabi ng mga tao,
maaari mong basahin ang ILC Consultation
Summary Report (Ulat ng Buod ng
Konsultasyon ng ILC) sa www.ndis.gov.au
Pamumuhay ng isang ordinaryong buhay
Gusto rin ng mga taong may kapansanan ang
parehong mga bagay katulad ng lahat ng
ibang tao sa komunidad.
Gusto ng mga taong manirahan sa isang
lugar at makakuha ng trabaho.
12
Gusto rin ng mga tao ang pagkakataong
makapag-aral at magpalipas ng oras kasama
ng mga kaibigan at pamilya.
Gusto lang ng mga taong may kapansanan
ang pagkakataong magkaroon ng ordinaryong
buhay.
Lahat ng NDIS ay upang masigurong ang
mga taong may kapansanan ay magkaroon
ng tsansa sa isang ordinaryong buhay.
Bilang bahagi ng NDIS, ito ay hangarin rin ng
ILC.
ILC Outcomes (Mga Kalalabasan ng ILC)
May 5 pangunahing Kalalabasan para sa
ILC.
Gusto namin na masiguro ng ILC na ang
mga taong may kapansanan ay:
13
1. magkaroon ng impormasyon na
kinakailangan nila upang makagawa
ng mga desisyon at mga pagpipili
2. nauugnay sa tamang suporta sa mga
pangkapansanan, pangkomunidad at
kalakarang suporta
3. may mga kakayahan at pagtitiwala na
maging isang aktibong miyembro ng
komunidad
4. paggamit ng parehong mga
kalakarang serbisyo katulad ng lahat
ng ibang tao
14
5. pagsali sa parehong mga aktibidad
ng komunidad katulad ng lahat ng
ibang tao.
Maraming mga aktibidad sa ILC ang
tutulong sa mga taong may kapansanan
pati na rin sa kanilang mga pamilya at taga-
alaga.
15
Focus Areas (Mga Larangang Pinagtutuunan ng Pansin) Upang makamit ang mga kalalabasang ito, pumili kami ng limang larangan
upang pagtuunan ng pansin sa ILC.
Ang Focus Areas (Mga Larangang Pagtutuunan ng Pansin) ay isang
mabuting paraan upang masiguro na ang lahat sa Australia ay
tumatanggap ng pantay na suporta.
Pinili namin ang mga larangang ito dahil sa tingin namin magbibigay ito sa
amin ng pinakamabuting tsansa na matugunan ang iba't ibang
pangangailangan ng lahat.
Pagbibigay-serbisyo ng espesyalista o dalubhasa
May mga aktibidad na nakatuon ang pansin sa
paglilinang ng mga kakayahan at pagbibigay ng
impormasyon para sa mga partikular na
kapansanan.
Maaring isang halimbawa ang isang website na
nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang
partikular na uri ng kapansanan.
Pagbibigay-serbisyo na nakatuon sa pangkat
16
Ang mga aktibidad na ito ay para sa mga
pangkat ng tao na pareho ang gawing
pangkultura o nagsasalita ng isang wika maliban
sa Ingles.
Ang isang halimbawa ay maaaring isang
pangkat sa pagsisinulid (pangkat ng
magkakaibigan) para sa mga Aboriginal na
kababaihan na pinapatakbo ng isang lokal na
Aboriginal na organisasyon.
Mga aktibidad sa maraming rehiyon
Ito ay mga aktibidad na maaaring ibigay kahit
saan sa Australia.
Maaaring isang halimbawa ay isang kampanya
sa pagkamulat ng komunidad upang matulungan
ang mga taong may kapansanan na makahanap
ng trabaho.
17
Pagbibigay-serbisyo sa malalayo/bukid o rural na lugar
Mga aktibidad na partikular sa isang lokal na
lugar, ng komunidad at kanyang mga
pangangailangan sa bukid o rural at malalayong
lugar.
Maaaring isang halimbawa ay ang proyektong
nag-uugnay sa isa't isa ng mga kabataan na may
kapansanan na nakatira sa mga bukid o rural na
lugar sa pamamagitan ng internet at social
media.
Pagbibigay-serbisyo ng mga taong may kapansanan, para sa mga taong may kapansanan
Ito ay mga aktibidad at organisasyon na
pinapatakbo ng mga taong may kapansanan.
Ang mga ito ay paminsan-minsang tinatawag na
mga organisasyong pinamumunuan ng mga
tagagamit (user-led organisation).
Maaaring isang halimbawa ay ang serbisyong
pagbibigay ng impormasyon sa telepono para sa
mga taong may kapansanan na pinapatakbo ng
mga kawaning may kapansanan.
18
Paano pinipili at pinopondohan ang mga aktibidad?
Gusto naming gamitin ang pera sa
pinakamabuting paraan hangga't maaari.
Gusto naming magbayad para sa mga
aktibidad na makakagawa ng kaibahan sa
mga tao.
Tinatawag namin itong pagpopondo.
Ang ilang mga aktibidad ay nangangailangan
ng mas maraming pera kaysa iba.
Kailangan naming magpasya kung aling mga
aktibidad ang mas mahalaga at ang mga ito
ang unang pagtutuunan ng pansin.
Ano ang budget?
Ang budget para sa ILC ay dadami sa
pagdaan ng ilang taon.
Sa pagsapit ng 2019/2020, magiging $132
milyon na ito bawat taon.
19
Ang proseso ng pagbibigay ng mga grant
Ang pagpopondo ng ILC ay ibibigay sa mga
organisasyon sa pamamagitan ng mga grant.
Kailangang mag-apply ang mga organisasyon
para sa isang grant upang makapagbigay ng
isang aktibidad.
May mga tuntunin na kailangan nilang sundin
upang mag-apply.
20
Kailangang ipakita sa amin ng mga
organisasyon kung paano nila matatamo ang
mga sumusunod na bagay:
• Umakma sa 4 na Mga Larangan ng
Aktibidad mula sa ILC Policy (Patakaran
ng ILC) – mula sa pahina 7.
• Umakma sa 1 o higit pa sa 5 Larangang
Pinagtutuunan ng Pansin – mula sa
pahina 15.
• Matamo ang 1 o higit pa sa mga 5
Kalalabasan ng ILC – mula sa pahina
13.
21
Ano ang hindi namin popondohan
× Ang anumang hindi akma sa Patakaran
ng ILC.
× Mga organisasyon na gumagawa ng
trabahong ginagawa ng LAC.
× Magpayo tungkol sa patakaran at mga
programa ng pamahalaan.
× Patuloy na pagpopondo upang
mapatakbo ang isang organisasyon.
22
× Mga aktibidad na nabibilang sa isang
plano ng NDIS.
× Mga kalakarang serbisyo katulad ng
transportasyon, pangangalaga ng
kalusugan at pabahay.
× Pang-indibidwal, legal o pansistemang
adbokasiya, kung saan ang mga
organisasyon ay nagsasalita para sa
mga taong may kapansanan.
× Suporta para sa mga taong higit sa 65
taong gulang.
23
Ano ang kailangang gawin ng mga organisasyon
Nagsisimula kami sa pamamagitan ng
pagtatanong sa mga tao upang malaman
namin kung gusto nilang mag-apply para sa
isang grant.
Tinatawag ito na pagpapahayag ng interes.
Hihilingin namin sa mga organisasyon na
sabihin sa amin:
• ang tungkol sa aktibidad at kung bakit
kinakailangan ito
• paano magiging akma ang aktibidad:
- sa 4 na larangan ng Patakaran ng
ILC
- sa 5 Larangang Pinagtutuunan ng
Pansin
- sa 5 kalalabasan ng ILC.
24
Babasahin namin ang pahayag ng mga
interes.
Pagkatapos, magpapasya kami kung aling
mga organisasyon ang susulong sa susunod
na yugto.
Pag-apply para sa isang grant
Hihilingin namin sa mga organisasyon na
pumunta sa susunod na yugto upang
magbigay ng mas detalyadong aplikasyon.
Sa aplikasyong ito, sasabihin nila sa amin
kung paano nila ibibigay ang aktibidad.
At kung gaano karaming pondo ang
kakailanganin nila.
Babasahin namin ang lahat ng mga
aplikasyon at gagawa kami ng desisyon
tungkol sa kung sino ang makakatanggap ng
pondo.
Pagkatapos, gagawa ang CEO ng NDIA ng
huling desisyon tungkol sa kung aling mga
organisasyon ang tatanggap ng grant.
25
Gaano katagal ang mga grant?
Magbibigay ng mga grant bawat taon.
Pero hindi ito nangangahulugan na tatanggap
lang sila ng pondo para sa 1 taon.
Maaari kaming mag-alok ng pondo para sa
mas mahabang panahon para sa mga
aktibidad na mananatili sa medyo mahabang
panahon.
At maaari rin kaming mag-alok ng pondo para
sa mas maikling panahon para sa mga
bagong aktibidad.
Sa paglipas ng panahon, susuriin namin ang
mga bagong aktibidad na ito upang malaman
kung gaano kahusay ang pagkagawa ng mga
ito.
Kung mabuti ang pagpapatakbo ng mga ito,
maaari kaming magbigay ng pondo sa mas
matagal na panahon.
26
Ang bawat Estado at Teritoryo ay mag-
uumpisa sa ILC sa iba't ibang panahon sa
loob ng susunod na iilang taon.
Kailangan naming maghintay hanggang ang
lahat ng mga estado at teritoryo ay
gumagamit na ng ILC bago kami
makakabayad para sa mga aktibidad na nag-
apply sa palibot ng Australia.
Program guidelines (Mga patnubay ng programa)
Magagamit ang ILC Program Guidelines (Mga
Patnubay ng Programa ng ILC) sa pagsapit
ng katapusan ng 2016.
Ang mga patnubay ay magkakaroon ng
dagdag na impormasyon tungkol sa kung
paano mag-apply para sa isang grant.
27
Paano namin sisiguraduhin na gumagana ang ILC?
Hihilingin namin sa mga organisasyon na
magtabi ng isang rekord ng kung ilang tao
ang lumahok sa mga aktibidad at kung sila ay
masaya.
Kakapanayamin namin ang mga tao tungkol
sa kung gaano sila kasaya sa mga aktibidad.
Magkokolekta kami ng iba pang datos mula
sa pamahalaan.
Gusto naming makita kung gaano kalaki ang
kaibahang magagawa ng ILC sa mga buhay
ng mga taong may kapansanan.
28
Mga susunod na hakbang
Ang bawat Estado at Teritoryo ay lilipat sa ILC
sa iba't ibang panahon.
Ilalabas namin ang petsa ng pag-uumpisa
para sa bawat estado sa sandaling
malalaman namin kung kailan ito.
Sisimulan namin ang ILC sa ACT
Unang magsisimula ang ILC sa ACT.
Ito ay magiging paraan upang subukan ang
ILC sa mas maliit na pangkat ng mga tao
bago ito dadalhin sa kabuuan ng buong
bansa.
Magdadaos kami ng mga sesyong pang-
impormasyon sa ACT sa kalaunan ng taong
ito tungkol sa pag-aapply para sa mga grant
ng ILC.
29
Pagkatapos, hihiling kami ng mga aplikasyon
sa Enero 2017.
Magkakaroon ng 6 na linggo ang mga
organisasyon upang magsulat sa kanilang
mga aplikasyon.
Ang mga ito ay dapat buo at detalyadong
mga aplikasyon.
Wala na kaming oras upang humiling ng mga
pahayag ng interes mula sa ACT.
Ang pagpopondo sa ACT ay ibibigay
magmula 1 Hulyo 2017.
Kung interesado ka sa pag-apply para sa
isang grant ng ILC sa ACT, mangyaring
siguraduhin na basahin ang Mga Patnubay
ng Programa ng ILC.
30
Ang mga ito ay makukuha sa kalaunan ng
taon.
Listahan ng salita
Activity Areas (Mga Larangan ng Aktibidad)
Ang mga uri ng aktibidad na popondohan sa
ilalim ng ILC sa hinaharap.
Adbokasiya
Kung saan ang mga organisasyon ay
magsasalita para sa mga taong may
kapansanan.
Pagtatayo ng kapasidad
Pagdagdag sa mga kakayahan ng mga tao
Pahayag ng interes
Kapag ipapaalam sa amin ng mga tao o
organisasyon na gusto nilang mag-apply para
sa isang grant.
31
Pagpopondo
Pagbabayad para sa mga aktibidad na
gagawa ng kaibahan sa mga tao.
Grant
Kapag ang pamahalaan ay magbibigay ng
pera para gawin ng mga organisasyon ang
mga mahahalagang trabaho upang tumulong
sa ibang tao.
ILC Focus Areas (Mga Larangang Pinagtutuunan ng Pansin)
Mga aktibidad na pinagpasyahan naming
pinakamahalaga at kailangang unahing
pagtuunan ng pansin.
ILC Policy (Patakaran ng ILC)
Isang patakaran kung saan sumang-ayon ang
lahat ng mga pamahalaan sa Australia na
magkaroon ng suporta sa lahat ng mga taong
may kapansanan sa Australia
32
Outcomes (Mga Kalalabasan)
Mga hangarin na mayroon ang NDIS para sa
mga taong may kapansanan na gagamit sa
ILC.
33
Kontakin kami
National Disability Insurance Agency (Ahensiya sa
Pambansang Seguro para sa May Kapansanan)
GPO Box 700
Canberra ACT 2601
www.ndis.gov.au
Ang dokumentong ito na Madaling Basahin ay nilikha ng Information
Access Group gamit ang PhotoSymbols, stock photography at mga
pinasadyang litrato.
Hindi maaaring muling gamitin ang mga imahe. Para sa anumang mga
katanungan, mangyaring bisitahin ang
www.informationaccessgroup.com