[type here] [type here] [type here]

22
[Type here] [Type here] [Type here]

Upload: others

Post on 05-Dec-2021

14 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: [Type here] [Type here] [Type here]

[Type here] [Type here] [Type here]

Page 2: [Type here] [Type here] [Type here]

2

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

Kaligirang Kasaysayan

PILIPINAS. Isang malaparaisong lugar na matatagpuan sa Timog- Silangang

Asya. Lahat ng mga tao sa lugar na ito ay namumuhay ng matiwasay at masagana. Iba-

ibang uri ng pamumuhay ang tumawid sa bawat pamilya. Nabuhay ang lahat sa

pangangaso, pangingisda, pagsasaka at pagmimina. Napakalawak ng kanilang yaman

na kahit iilang pamilya pa ang dadayo sa bawat dako ay kakayaning buhayin ng yaman

ng lugar.

Naging maayos na sana ang pamumuhay ng mga mamamayan nang may mga

lamang-lupa na gustong pagharian ang mundo ng mga tao, nagsimula silang manggulo

at maghasik ng lagim. Mula noon, ang tahimik at matiwasay na lugar ay naging isang

masukal at magulong paraiso.

Sa mundo ng pantasya at imahinasyon ay makikilala mo ang mga lamang-lupa

na gustong pagharian ang santinakpan. Mga maiitim na nilalang na magdudulot ng

katapusan sa masasayang pamumuhay ng mga tao.

Upang mailigtas ang mamamayan at ang mga tao sa panggugulo ng mga

lamang-lupang ito, isa ka sa pinakamapalad na nilalang na inatasan at napiling iligtas

ang mga tao. Sa iyong katalinuhan, kasipagan at kabaitan ay matutulungan mong

matalo ang mga masasamang nilalang sa kanilang pananakop.

Halika na BATA, simulan mo na ang pakikipaglaban, gamitin mo ang iyong

husay at galing sa paggapi at isalba mo ang mundo at ang buong lipi!

Page 3: [Type here] [Type here] [Type here]

3

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

Sa pagsisimula mo ng iyong panibagong laban, idikit mo rito ang iyong napiling

karakter:

Ang GINTO na lang ang kailangan mong makuha upang mailigtas mo

ang mga tao. Makukuha mo ito mula sa mga pagsubok na iyong

pagdadaanan.

Handa ka na ba sa iyong pakikipaglaban, Bata?

Page 4: [Type here] [Type here] [Type here]

4

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

Kumusta ka, Bata! Naalala mo pa ba ako?

Ako ulit ang tutulong sa iyo upang ikaw ay

magtagumpay sa iyong panibagong

pagsubok. Pinabilib mo ako sa ginawa mong

pagtalo kay KAPRE. Ngayon ay may bago

ka na namang kalaban.

Halika na, kilalanin mo na siya!

Page 5: [Type here] [Type here] [Type here]

5

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

Ang SIRENA ay isang babaeng nilalang na kalahating-tao

at kalahating-isda at ang SYOKOY naman ay taong-isda. Kahit

sila ay may pusong tao, kalaban ninyo pa rin sila. Alipin nila ang

mga guro sa mga paaralan. Kung madali lang sa iyo ang

pakikipagdalaban sa dalawang nauna, ibahin mo sila. Sila ang

may hawak ng ginto na siyang magbibigay ng wakas sa pang-

aaalipin ng mundo. Mula sa kanila, mapapakawalan mo ang

isang Diyos, Si GALANG KALULUWA, ang Diyos ng HIYAS

MAKABANSA. Galingan mo bata!

IKALAWANG YUGTO:

Ikatlong Laban: Ang Pakikipaglaban kina SIRENA AT SYOKOY

Page 6: [Type here] [Type here] [Type here]

6

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

Kumusta ka, BATA! Balita ko ay natalo mo si KAPRE dahil sa iyong galing at husay. Ako

naman ang makakalaban mo ngayon. Nagawa mo nang madali ang mga pagsubok dahil sa

pagmamahal mo sa iyong ama at ina. Ngayon ang hamon ko sa iyo ay magiging mahirap sa iyo.

Ang pagsubok na ito ay ang pagligtas ng iyong mga GURO!

Kung magiging mahusay ka sa iyong pagsagot sa hamon na ibibigay ko ay makukuha

mo sa akin ang unang BATO: ang TANSO! Maisasalba mo na ang mga tao at si GALANG

KALULUWA!

Page 7: [Type here] [Type here] [Type here]

7

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

Hawak ko na Bata ang ikatlong pagsubok na iyong

gagawin sa Ikalawang Yugto, huwag kang mag-alala,

tutulungan pa rin kita. Talasan mo pa rin ang iyong

isip dahil ikaw pa rin ang gagawa ng mga ito, ako ay

tanging gabay lamang.

Page 8: [Type here] [Type here] [Type here]

8

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

IKALAWANG MARKAHAN

MODYUL 2

PANGHALIP

(150 minuto)

Ikatlong Laban: BATONG GINTO

Page 9: [Type here] [Type here] [Type here]

9

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang makilala ang

uri, panauhan at kailanan ng panghalip nang ikaw ay makapaglalahad

ng mga pangyayari sa paligid batay sa sariling karanasan. Sa partikular,

ikaw ay inaasahang:

1. Natutukoy ang panghalip at uri ng panghalip sa pangungusap;

2. Naiuugnay ang sariling karanasan sa nabasang texto gamit ang

panghalip;

3. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip sa pagtalakay

tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay at pangyayari

sa paligid; at

4. nabibigyang-kahulugan ang naihandang grap mula sa nakalap

na datos.

Lahat ng ito ay makakatulong sa iyo na maging isang mahusay na

tagapanaliksik bilang isa sa mga propesyon na babalakin mo sa

hinarahap.

ANO ANG DAPAT KONG MALAMAN?

Page 10: [Type here] [Type here] [Type here]

10

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

TUNGKULIN NG MAGULANG • Pinapaalala ang pagsagot sa mga gawain at pagsasanay.

• Tinitiyak na maayos at kumpleto ang pagsagawa ng mga gawain at

pagsasanay sa aklat.

• Ginagabayan ang anak sa pagpasa ng mga pasulit at proyekto sa google

Classroom.

• Natutulungan ang anak sa pag-unawa sa mga gawain sa bawat aralin.

• Naihahanda ang mag-aaral sa gagawing aktwal na presentasyon.

TUNGKULIN NG MAGULANG

Page 11: [Type here] [Type here] [Type here]

11

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

ANO ANG ALAM KO?

“Iuri-uri Mo!”

Iangkop ang mga panghalip na nasa loob ng kahon sa wastong uri.

Isulat ang sagot sa notbuk.

Panao

Pamatlig

PananongPanaklaw

1. anuman

2. niya

3. gaano

4. nandiyan

5. kailanman

6. kailan

7. namin

8. nandoon

9. heto

10. nila

11. kita

12. paano

13. anuman

14. saan

15. gaanuman

Page 12: [Type here] [Type here] [Type here]

12

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

ANO-ANO ANG MGA ITO?

“Ang Aking Guro”

Naalala mo pa ba ang iyong mga guro noong ikaw ay nasa Ikaapat na

Baitang? Pumili ng isang guro na pinakagusto mo at ilarawan mo siya. Isulat

ang sagot sa iyong notbuk.

Guro

___________

______________________________

_______________________

_________________________________

________________________

Page 13: [Type here] [Type here] [Type here]

13

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

ANO-ANO ANG MGA ITO?

PANGHALIP

Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o

pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na

pangungusap. Ang salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili"

o "pamalit".

Uri ng Panghalip

Ayon sa mga sanggunian, mayroong apat na uri ang panghalip. Kabilang

sa mga uri ng panghalip ang panghalip na panao, panghalip na pananong,

panghalip na panaklaw, at panghalip na pamatlig.

Page 14: [Type here] [Type here] [Type here]

14

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

ANO-ANO ANG MGA ITO?

Panghalip na Panao

Ang panghalip na panao (mula sa salitang "tao", kaya't

nagpapahiwatig na "para sa tao" o "pangtao") ay nakikilala sa Ingles

bilang personal pronoun. Ito ay panghalili sa ngalan ng tao. Maaari

itong gamitin bilang simuno at tagaganap.

Panghalip na Panao

Isahan Maramihan

Simuno Tagaganap Simuno Tagaganap

ako ko tayo natin

kami namin

ikaw, ka mo kayo ninyo

siya niya sila nila

Page 15: [Type here] [Type here] [Type here]

15

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

ANO-ANO ANG MGA ITO?

Ang panghalip na panaong simuno ay nakikita sa unahan ng ay at

nasa hulihan ng pangungusap kapag walang ay. Ang panghalip na

panaong nagaganap ay laging nasa bahaging panaguri at nakikita

kasunod ng pandiwa.

Halimbawa ng mga panghalip na panao ay ang mga salitang ako

(me), ko, kami (we), kayo, atin , inyo, kita, kata, mo (you), at siya

(he/she).

Page 16: [Type here] [Type here] [Type here]

16

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

ANO-ANO ANG MGA ITO?

Panghalip na Pananong

Ang panghalip na pananong ay pamamalit sa pangngalan sa

paraang patanong. Ito ay maaring isahan o maramihan. (mula sa

salitang "tanong", kaya't may pakahulugang "pantanong") ay nakikilala

sa Ingles bilang interrogative pronoun.

Panghalip na Pananong

Kinakatawan Isahan Maramihan

tao sino sinu-sino

bagay ano anu-ano

bagay na pipiliin alin alin-alin

taong may-ari kanino kani-kanino

nino ninu-nino

bilang ilan ilan-ilan

sukat/dami gaano gaa-gaano

halaga magkano magka-magkano

Page 17: [Type here] [Type here] [Type here]

17

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

ANO-ANO ANG MGA ITO?

Panghalip na Pamatlig

Ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng bagay, at iba pa

na itinuturo o inihihimaton.

Panghalip na Pamatlig

Mga salita Paglalarawan

ito, ganito, dito, heto Hawak niya o malapit sa kanya ang

itinuturo.

iyan, ganyan, diyan,

hayan Malapit sa kanya ang itinuturo.

iyon, ganoon, doon,

hayun Malayo sa kanya ang itinuturo.

Page 18: [Type here] [Type here] [Type here]

18

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

Ang dito, diyan at doon ay ginagamit kung ang nauunang salita ay

nagtatapos sa katinig maliban sa mga malapatinig na w at y.

Halimbawa: "Ligtas diyan ang anak mo."

Nagiging rito, riyan at roon ang dito, diyan at doon kung ang nauunang

salita ay nagtatapos sa patinig at mga malapatinig na w at y.

Halimbawa: "Lumapit ka rito."

Panghalip na Panaklaw

Ang panghalip na panaklaw (mula sa salitang "saklaw", kaya't may

pahiwatig na "pangsaklaw" o "pangsakop") ay tinatawag na indefinite

pronoun (literal na "panghalip na walang katiyakan" o "hindi tiyak") sa

Ingles. Halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga salitang

sumusunod: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, "saanman", at

"ilan".

Page 19: [Type here] [Type here] [Type here]

19

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

ANO-ANO PA ANG MGA ITO?

“Minamahal kong Guro”

Ang iyong guro ay iyong kapamilya rin. Pumili ng limang guro sa

Ikalimang Baitang, bumuo ng isang pangungusap na pasalaysay tungkol sa

kanya, Gumamit ng panghalip na panao at pamatlig. Isulat ang sagot sa

notbuk.

Gaano mo kakilala ang iyong mga guro? Bumuo ng isang tanong sa

bawat isa mula sa lima sa itaas at gumamit ng panghalip na pananong. Isulat

ang sagot sa notbuk.

Page 20: [Type here] [Type here] [Type here]

20

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

ANO-ANO PA ANG MGA ITO?

Upang mas mapatunayan mo na naintindihan mo ang aralin natin

ay buksan mo ang iyong aklat na Pinagyamang Pluma.

1. Gawain 1: Sagutin ang Madali Lang Iyan at Subukin Pa Natin sa pp.

89-90,107-108.

Sa palagay ko ay naunawaan mo na ang aralin natin, maghanda

para sa pagsasagot ng mga gawain at pasulit. Sikaping mapag-aralan ang

mga paksang natalakay para sa gagawing pagsasanay.

- Pasulit Blg. 1

- Pasulit Blg. 2

Page 21: [Type here] [Type here] [Type here]

21

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

“Titser, Titser!”

Bumuo ng 4 kaisipan kung paano nagsasakripisyo ang mga guro sa

paaralan. Gumamit ng panghalip panaklaw. Isulat ang sagot sa notbuk.

Unang Kaisipan Ikalawang Kaisipan Ikatlong Kaisipan Ikaapat na Kaisipan

ANO ANG NATUTUNAN KO?

Page 22: [Type here] [Type here] [Type here]

22

MONSANTO.TIMAY SALAZAR

Ang ating guro ay isang bayani. Ang mga sakripisyo na

ginagampanan niya sa paaralan ay mga gawaing di kayang gawin

ninuman. Maraming oras ang ginugugol niya para sa mga mag-aaral niya

kaysa sa kanyang pamilya kaya siya ay dapat nating parangalan.

Basahin ang isang kwento na pinamagatang “ Ang Alamat ng Isang

Kwago” sa link na ito at alamin kung paano nagkakatulad ang mga guro

sa kwago sa kwento:

http://mgakwentongpambata.blogspot.com/2018/07/alamat-ng-

kuwago.html

Bumuo ng 5 pangungusap na reaksyon mula sa iyong naunawaan.

Ihambing ang iyong paboritong guro sa kwentong nabasa. Isulat ang

iyong sagot sa notbuk.

ANO ANG NATUTUNAN KO?