ulat sa bayan ni deputy speaker erin tañada

16
ULAT SA BAYAN BUOD NG SIYAM NA TAONG PAGLILINGKOD NI DEPUTY SPEAKER LORENZO “ERIN” R. TAÑADA III KINATAWAN NG IKA-APAT NA DISTRITO NG DAKILANG LALAWIGAN NG QUEZON Sa pagtatapos ng aking ikatlong termino bilang inyong Kinatawan ng Ika-Apat na Distrito ng Quezon, iba’t ibang emosyon ang aking nararamdaman habang isinusulat ito. Aaminin ko po na mas higit nangingibabaw ang lungkot sapagkat mahirap iwanan ang Distritong sadyang pinakamamahal ko. Ganun pa man, isang napakalaking karangalan para sa akin na sa tulong ninyo, tatlong terminong tuloy-tuloy ninyo akong pinagkatiwalaan, at noong huling takbo ko nang 2010, wala na pong lumaban sa akin upang maging Kinatawan ninyo sa Kongreso. Dahil sa inyong mainit na suporta, nakamit ko ang pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa Kongreso, ang pagiging Deputy Speaker nitong Ika-Labinlimang Kongreso, kaya’t ang naging saklaw ko ay hindi lamang ang ating Distrito kundi ang ating buong bansa. Susubukin ko pong halawin ang mga mahahalagang yugto ng napakaraming makulay at masayang mga hamong ibinigay sa akin sa loob ng siyam na taong ito. Napakarami ng mga karanasang ating pinagsamahan sa larangan ng lehislatura at mga makabuluhang proyekto sa ating Distrito. Huwag lang po ninyong kalilimutan na sa likod ng mga salaysay, numero, at istadistika ay ang mga halakhak at sayawan sa gitna ng ating mga kwentuhan kapag ako, pati na ang mga miyembro ng pamilya Tañada, ay dumadalaw sa ating mga bara-barangay. Sa pamamagitan ng babasahing ito, hayaan po ninyo mag-ulat ang aking tanggapan ng ATING NAGAWA. Hindi lang po AKIN ang ulat na ito, kundi ATIN. Kasama po ninyo, nais ko ring pasalamatan ang aking Ama, ang dating Senador Wigberto “Ka Bobby” Tañada , ang aking Ina, si Azucena “Nanay Zeny” Tañada at ang aking kapatid, si Atty. Wigberto “Toby” Tañada na siyang masipag kong kaagapay sa Distrito habang ginagampanan ko ang mas malawak kong tungkulin bilang Deputy Speaker. Huling tagubilin na lang po - kahit matatapos na ang aking termino bilang Kinatawan ng ating Distrito, nariyan po ang aking kapatid, si Atty. Wigberto “Toby” R. Tañada, Jr. na buong pusong iniaalay ang kanyang sarili upang ipagpatuloy ang TAPAT at marangal na paglilingkod sa ating Distrito at sa ating bayan. MARAMING SALAMAT PO SA PAGTITIWALA SA PAMILYANG TAÑADA! MGA NILALAMAN Gawaing Lehislatura: Erin Tañada, Modelong Mambabatas ni Jessica Reyes-Cantos ....................................... 2-6 Gawaing Distrito: Tapat at May Prinsipyong Serbisyo 2004-2013 nina Lito Decepida, Liza Cordez, Flor Oliveros, at Joyce Triol ................................ 7-11 Buwis ng Mamamayan, Proyekto para sa Bayan (Photo Gallery) .......... 12-15 Disenyo ng mga Pahina: Jeff Crisostomo Mga Litrato: Larry Roces Guhit sa Pahina 5: Jo-ai Triol TAPAT na naglilingkod sa inyo, facebook.com/erintanada facebook.com/attytobytanada

Upload: jeff-crisostomo

Post on 09-Mar-2016

266 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

Mga tagumpay sa mga larangan ng gawaing lehislatura at gawaing distrito ni Deputy Speaker Lorenzo "Erin" R. Tañada III, Kinatawan ng Ika-Apat na Distrito ng Lalawigan ng Quezon.

TRANSCRIPT

Page 1: Ulat sa Bayan ni Deputy Speaker Erin Tañada

ULAT SA BAYAN BUOD NG SIYAM NA TAONG PAGLILINGKOD NI DEPUTY SPEAKER LORENZO “ERIN” R. TAÑADA III KINATAWAN NG IKA-APAT NA DISTRITO NG DAKILANG LALAWIGAN NG QUEZON

Sa pagtatapos ng aking ikatlong termino bilang inyong Kinatawan ng Ika-Apat na Distrito ng Quezon, iba’t ibang emosyon ang aking nararamdaman habang isinusulat ito. Aaminin ko po na mas higit nangingibabaw ang lungkot sapagkat mahirap iwanan ang Distritong sadyang pinakamamahal ko. Ganun pa man, isang napakalaking karangalan para sa akin na sa tulong ninyo, tatlong terminong tuloy-tuloy ninyo akong pinagkatiwalaan, at noong huling takbo ko nang 2010, wala na pong lumaban sa akin upang maging Kinatawan ninyo sa Kongreso.

Dahil sa inyong mainit na suporta, nakamit ko ang pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa Kongreso, ang pagiging Deputy Speaker nitong Ika-Labinlimang Kongreso, kaya’t ang naging saklaw ko ay hindi lamang ang ating Distrito kundi ang ating buong bansa. Susubukin ko pong halawin ang mga mahahalagang yugto ng napakaraming makulay at masayang mga hamong ibinigay sa akin sa loob ng siyam na taong ito. Napakarami ng mga karanasang ating pinagsamahan sa larangan ng lehislatura at mga makabuluhang proyekto sa ating Distrito. Huwag lang po ninyong kalilimutan na sa likod ng mga salaysay, numero, at istadistika ay ang mga halakhak at sayawan sa gitna ng ating mga kwentuhan kapag ako, pati na ang mga miyembro ng pamilya Tañada, ay dumadalaw sa ating mga bara-barangay. Sa pamamagitan ng babasahing ito, hayaan po ninyo mag-ulat ang aking tanggapan ng ATING NAGAWA. Hindi lang po AKIN ang ulat na ito, kundi ATIN. Kasama po ninyo, nais ko ring pasalamatan ang aking Ama, ang dating Senador Wigberto “Ka Bobby” Tañada , ang aking Ina, si Azucena “Nanay Zeny” Tañada at ang aking kapatid, si Atty. Wigberto “Toby” Tañada na siyang masipag kong kaagapay sa Distrito habang ginagampanan ko ang mas malawak kong tungkulin bilang Deputy Speaker. Huling tagubilin na lang po - kahit matatapos na ang aking termino bilang Kinatawan ng ating Distrito, nariyan po ang aking kapatid, si Atty. Wigberto “Toby” R. Tañada, Jr. na buong pusong iniaalay ang kanyang sarili upang ipagpatuloy ang TAPAT at marangal na paglilingkod sa ating Distrito at sa ating bayan.

MARAMING SALAMAT PO SA PAGTITIWALA SA

PAMILYANG TAÑADA!

MGA NILALAMAN Gawaing Lehislatura: Erin Tañada, Modelong Mambabatas ni Jessica Reyes-Cantos ....................................... 2-6

Gawaing Distrito: Tapat at May Prinsipyong Serbisyo 2004-2013 nina Lito Decepida, Liza Cordez, Flor Oliveros, at Joyce Triol ................................ 7-11

Buwis ng Mamamayan, Proyekto para sa Bayan (Photo Gallery) .......... 12-15 Disenyo ng mga Pahina: Jeff Crisostomo Mga Litrato: Larry Roces Guhit sa Pahina 5: Jo-ai Triol

TAPAT na naglilingkod sa inyo,

facebook.com/erintanada facebook.com/attytobytanada

Page 2: Ulat sa Bayan ni Deputy Speaker Erin Tañada

ULAT SA BAYAN NI DEPUTY SPEAKER ERIN TAÑADA 2

Si Agriculture Secretary Procy Alcala na ang nagsabi noong unang termino pa lang nila pareho ni Kong. Erin sa Kongreso, “Sa amin pong apat na Kongresista ng lalawigan ng Quezon, siya ang totoong Congressman… Sa deliberasyon sa floor… Siya pa ang malimit kinokonsulta namin…” Iyan po ang kanyang payahag sa isang video noong hiningan namin siya ng mensahe hinggil kay Kong. Erin. Sa aming palagay ay tama pa rin hanggang ngayon si Ka Procy. Bali-baliktarin at halughugin pa po ninyo ang buong Kongreso, isama niyo na ang Senado, hindi mapapahiya ang Ika-Apat na Distrito ng Quezon kapag itinapat nila ang track record ni Kong. Erin sa mga kasabayan niya sa Lehislatura. Alam kong hindi ipagyayabang ni Kong. Erin ang kanyang mga nagawa at wala sa ugali ng mga Tañada ang pagiging mapagmalaki. Nakakintil palagi sa kanilang isip at gawa ang pagiging mapagpakumbaba at ang regular na pagkonsulta sa kanilang mga pinaglilingkuran. Pero, dahil huling termino na po ito ni Kong. Erin, hayaan naman po ninyo akong magkwento kung bakit hanggang ngayon ay tama pa rin si Ka Procy sa kanyang mga pahayag. Ang gawain po sa Kongreso ay hindi naman nasusukat sa dami ng inihahapag na panukalang batas at resolusyon. Sa totoo lang, napakadaling maghain ng mga panukalang batas na ibinabatay kadalasan sa mga lumang panukalang batas na hindi pa naipapasa. Minsan nga, eksakto pa ang pagkakakopya. Mayroon po akong kilala na sa unang araw pa lamang ng paghahain ng mga panukalang batas, aba’y mahigit 200 ang kanyang kaagad na naihapag. Ang tanong, buo ba ang kanyang puso’t damdaming trabahuhin ang pagpapasa ng mga ito? Buo ba ang kanyang puso’t damdaming maglaan ng oras at pagod at ipaglaban ang kanyang 200 panukalang batas na inihapag?

Sa loob ng siyam na taon bilang Kinatawan sa Kongreso, piling-pili ang mga inihahaing panukalang batas ni Kong. Erin. Piling-pili subalit sigurado tayong tunay ang kanyang pagnanais na maging ganap na batas ang mga iyon at taglay ang mahahalagang prinsipyo na matagal nang ipinaglalaban ng mga Tañada: • pagsulong sa karapatang pantao • trabaho sa pamamagitan ng:

o pagtataguyod ng masigla at progresibong pangisdaan at agrikultura o pangangalaga sa kalikasan o paghahanda sa panganib ng pabago-bagong klima o “climate

change” o patas na pandaigdigang pangangalakal o paggamit ng coco levy sa pagpapaunlad ng industriya ng niyog

upang makinabang naman ang mga maliliit na magniniyog mula rito.

At panghuli subalit hindi maaaring sabihing pinakahuli sa prioridad niya sapagkat ito ay napakahalaga rin: • ang pagsusulong ng karapatan ng mamamayang malaman ang nangyayari sa

bayan upang epektibo silang makilahok sa usaping kontra-katiwalian at pangkaunlaran.

Jessica Reyes-Cantos, Chief of Staff, Office of Deputy Speaker Erin Tañada

GAWAING LEHISLATURA: ERIN TAÑADA, MODELONG MAMBABATAS

“Si Erin ay nakasama namin dito sa 13th Congress, pero bago iyon ay magkasama kami sa kalsada bilang street parliamentarians. Pagkatagal-tagal at ang haba ng relasyon ng mga Tañada at Aquino … Para sa akin ay blessing na nakasama ko siya sapagkat isa siya sa sa mga haligi ng Liberal Party at ng tamang politika.” – Pangulong Noynoy Aquino

Page 3: Ulat sa Bayan ni Deputy Speaker Erin Tañada

ULAT SA BAYAN NI DEPUTY SPEAKER ERIN TAÑADA 3 Pagsulong sa Karapatang Pantao Isa na siguro sa pinakamatamis na tagumpay sa larangan ng gawaing lehislatura ni Kong. Erin ay ang paglagda ni Pangulong Noynoy Aquino ng RA 10368 o ang tinatawag na “Human Rights Recognition and Reparation Act of 2013” noong ika-25 ng Pebrero ng taong ito, kasabay ng pang-27 taong selebrasyon ng EDSA People Power Revolution. Sa katunayan, ang House Bill No. 54, na si Kong. Erin ang pangunahing may-akda, ang isa sa mga pinagbatayan ng pinal na bersyon nitong batas na ito. Ginabayan at binantayan ni Kong. Erin ang pag-usad ng kanyang panukalang batas na ito hanggang sa ito ay maging ganap na batas. Kinilala ng RA 10368 ang pang-aabusong ginawa ng Estado sa ating mga mamamayan noong panahon ng Diktaduryang Marcos. Panahon noon ng Batas Militar-- maraming hinuling mga aktibista, ikinulong, na-torture, pinatay, ginahasa, at ang iba ay basta na lamang nawalang parang bula. Galing sila sa hanay ng mga estudyante, manggagawa, lider-magsasaka, mga pari, madre, makabayang negosyante, at pati na rin mga mambabatas kagaya ng Lolo ni Kong. Erin, ang yumaong Senador Lorenzo M. Tañada at ang ama ni PNoy, ang binaril sa tarmac noong ika-21 ng Agosto 1983, na si Senador Benigno Aquino, Jr. Sila ang nag-alay ng kanilang buhay upang makamtan natin ang kalayaang ating tinatamasa ngayon. Ang pagkilala ng pamahalaan ngayon sa mga pang-aabusong nangyari noong panahon ng Diktaduryang Marcos ay ipapaabot sa pamamagitan ng pagbibigay-kabayaran sa mga pahirap na dinanas nila at ng kanilang pamilya. Bagama’t hindi na maibabalik ang mga buhay na nawala, ang kaunting kompensasyong matatanggap nila ay isang simbolo na ang pang-aabuso sa karapatang pantao ay walang lugar sa ating sibilisadong lipunan.

Iba pang Batas na Inakda ni Kong. Erin na nagsusulong ng Karapatang Pantao: RA 9346 - Ang pagsasawalang-bisa ng Parusang Kamatayan (Unang Termino) RA 9745 - Pagpaparusa sa mga Nagto-Torture o ang Anti-Torture Act (Pangalawang Termino). Mahalagang probisyon dito ay ang “command responsibility” na kung saan pananagutin hindi lamang ang sundalong direktang gumamit ng torture sa mga bihag, pinapanagot din nito ang nakakataas sa posisyon gaya ng Heneral na siyang namumuno sa sundalong nanakit at nag-torture. RA 9851 - Pagpaparusa sa mga gumawa ng Krimen laban sa International Humanitarian Law (Pangalawang Termino). Naglalagay ito ng akmang kaparusahan sa mga di-makataong asal kapag nasa digmaan ang isang bansa. Halimbawa, ipinagbabawal ang pag-torture, pagdukot, at iba pang hindi katanggap-tanggap na mga gawaing yumuyurak sa karapatang tao ng indibidwal. RA 10350 - Pagpaparusa sa Biglang Pagkawala o Pagdukot ng Tao o ang tinatawag na “Anti-Enforced Disappearance Act” (Ikatlong Termino). Inihihiwalay ng batas na ito ang krimeng kidnapping at pagdukot sapagkat ang pinaparusahan sa ilalim ng batas na ito ay mga elemento ng Estado. Ninanais nitong wakasan ang “impunity” at ang walang habas na paglaho na lamang ng parang bula ng mga ibinibilang na kaaway ng Estado.

Pagkakaroon ng Trabaho: Maunlad na Agrikultura at Pangisdaan, Pangangalaga sa Kalikasan, Paghahanda sa Pabago-bagong Klima, Patas na Kalakal, Pagbawi sa Coco Levy para sa mga Magniniyog! Madaling sabihin ng kahit sinong pulitiko na nais niyang siguraduhing may trabaho ang bawat Pilipino. Subalit, ano ba ang mga polisiya na kanyang itinutulak upang ito ay matupad? Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga panukalang batas at mga naging batas na inihapag ni Kong. Erin patungkol sa mga nabanggit. RA 9700 - Pinapalawig ang panahon ng pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) hanggang ika-30 ng Hunyo 2014. Ipinasa ito noong Ikalawang Termino ni Kong. Erin. Kapag ang nagbubungkal ang nag-mamay-ari ng lupa, may seguridad siya sa kanyang ari-arian at mas sisiglang paunlarin ang kanyang palayan o taniman.

HB 207, HB 208 at HB 209 - Lahat ito ay may patungkol sa pangisdaan. Higit nililinaw ng HB 207 ang depinisyon ng municipal waters upang mabigyang konsiderasyon ang mga isla. Tinataasan ang parusa sa mga gumagamit ng papanirang paraan ng pangingisda ng HB 208 at pinapalitan naman ang klasipikasyon ng mga gamit sa pangingisda upang mas angkop sa panahon kung alin nga ba ang papanira at hindi mapanira ng HB 209. HB 57 - Nag-aatas sa mga nasa baybaying dagat na bayan at lungsod na maglagay ng Marine Protected Areas (MPA) gaya ng mga fish sanctuary, marine park, at mangrove reserve na kung saan nakalaan ang minimum na 10 ektaryang katubigan o dili kaya ay 15% ng municipal waters para dito. Marami na ang pag-aaral na kapag may MPA, mabilis ang pagdaming muli ng mga yamang dagat.

[Itutuloy sa kasunod na pahina.]

Page 4: Ulat sa Bayan ni Deputy Speaker Erin Tañada

ULAT SA BAYAN NI DEPUTY SPEAKER ERIN TAÑADA 4 Pagkakaroon ng Trabaho: Maunlad na Agrikultura at Pangisdaan, Pangangalaga sa Kalikasan, Paghahanda sa Pabago-bagong Klima, Patas na Kalakal, Pagbawi sa Coco Levy para sa mga Magniniyog! [pagpapatuloy] HB 3533 – Pambansang Polisiya para sa Paggamit ng Lupain o National Land Use Policy. RA 10174 – nilagdaan ito ni PNoy matapos ang malawakang pagbaha sa Kamaynilaan, Laguna, at Bulacan noong ika-16 ng Agosto 2012. Tinawag na People’s Survival Fund, isang bilyong piso (P1,000,000,000.00) ang naka-reserba kada taon upang pondohan ang mga proyekto na nagbibigay-kahandaan sa mga komunidad sa panganib ng pagbabago ng klima o “climate change.” Alam naman nating malaki ang pinsalang idinudulot ng pagbabago ng klima sa mga trabaho at kabuhayan, lalo na sa agrikultura at pangisdaan, kapag hindi dumating sa tamang panahon ang ulan, o kaya ay kung sobrang tindi ng bagyo o tagtuyot. Ilan sa mga proyektong maaring pondohan ay ang pagbibigay ng mga binhi na kayang mabuhay, halimbawa, kapag matagal na nakalubog sa tubig o kaya ay kung tagtuyot. Kasama rin dito ang mga small water impounding projects upang kolektahin ang tubig-ulan, paglalagay ng mga early warning systems upang mabigyang babala ang komunidad sa magiging klima sa mga susunod na panahon. Dapat ay magkaroon ang mga komunidad ng tinatawag na “climate change adaptation plans” na siyang magiging batayan ng pag-aapruba ng kanilang mga panukalang proyekto. HB 1694 - Anti-Smuggling Bill. Alam naman nating ang pagdagsa ng mga smuggled na produkto ay hindi lamang nakakabawas ng kita ng pamahalaan mula sa taripa. Ang mas kalunus-lunos na epekto nito ay ang pagkalugi ng mga lehitimong lokal na negosyo at ang pagkawala ng mga trabaho. Ang panukalang batas na ito ay naglalagay ito ng mas mahigpit na mga patakaran upang malabanan ang smuggling. Kasama dito ang pagkakaroon ng representasyon ng pribadong sektor, lalo’t higit ang mga maaapektohang mga lokal na industriya. Kada termino ay inihahapag ni Kong. Erin ito subali’t may kahirapan kung marami ang tahimik na kumokontra nito sa Kongreso. HB 56 - Pinapanukala nito ang pagtatayo ng Philippine Trade Representative Office (PTRO) upang matiyak na ang interes ng ating mga magsasaka, mangingisda, lokal na negosyante ay hindi naaagrabyado sa mga kasunduang pandaigdigang pangangalakal na pinapasok ng pamahalaan.

Unang termino pa lamang ni Kong. Erin ay kaagad nagtalumpati na siya sa Kongreso hinggil sa pagbubuwis sa maglulukad sa pamamagitan ng coco levy noong panahon pa ng rehimeng Marcos. Ang prinsipal na nakinabang mula dito ay si Danding Cojuangco na batid ng lahat ay crony ni Marcos. Lumaki ang pondong naipon mula sa coco levy. Umabot ito ng mahigit P100 bilyon. Ilang kaso ang isinampa ng mga maliliit na magniniyog, sa pangunguna ng dating Senador at Kinatawan ng ika-4 na Distrito ng Quezon, Ka Bobby Tañada kasama si Ka Oca Santos na dati ring mambabatas ng ating Distrito, upang mapakinabangan ng tunay na may-ari ng pondo ang levy. Itong huling termino ni Kong. Erin, inihapag niya ang HB 5070 na ang maikling titulo ay “Coconut Farmers’ Trust Fund.” Ang buod nito ay ang makapaglagay na ng mekanismo upang ang inisyal na P56 bilyong pondo na naipanalo na sa Korte nina Ka Bobby para sa maliliit na magninyog ay magamit na ng industriya at mapakinabangan na ng mga magniniyog. Iginigiit ng panukala na lima sa labindalawang uupo sa Board na gagawa ng polisiya kung paano gagamitin ang pondo ay mula dapat sa hanay ng maliliit na magniniyog. Ilang beses nakiusap ang tanggapan ni Kong. Erin sa Chairman ng Komite ng Agrikultura ng Kongreso na kung saan naka-atas na dinggin ang HB 5070, pati na rin ang iba pang mga panukalang batas hinggil sa coco levy. Dahil ang Committee Chairman na ito ay mula sa Nationalist People’s Coalition (NPC), ang partidong binuo ni Danding Cojuangco, inamag na naman ang coco levy bills. Subalit hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga Tañada na sa dakong huli ay makakamtan pa rin ng ating mga maliliit na magniniyog ang katarungan! Ito na po yata ang isa sa mga hamon na mamanahin ni Atty. Toby Tañada mula kay Ka Tanny, Ka Bobby, at Kong. Erin. Ang alam ko rin, walang ibang kayang ipaglaban ito ng kasing sidhi sa Kongreso kundi ang TUNAY NA TAÑADA lamang mula sa partido at angkang marangal na tapat sa mga magsasaka’t magniniyog!

PATULOY NA PAGLABAN UPANG MAPAKINABANGAN

NG MGA MAGNINIYOG ANG

COCO LEVY

Page 5: Ulat sa Bayan ni Deputy Speaker Erin Tañada

ULAT SA BAYAN NI DEPUTY SPEAKER ERIN TAÑADA 5

Ang Freedom of Information: Sandata ng Mamamayan laban sa Katiwalian Ang House Bill No. 53 na inihain ni Kong. Erin ay matunog na matunog lalo na noong kainitan ng impeachment ni dating Supreme Court Justice Renato Corona. Ipinasama kasi ng Malacañang Study Group ang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) sa listahan ng dapat ay ilabas sa publiko at ipaskil sa website ng mga opisyal ng pamahalaan, lalo na yung mga nakatataas sa pamahalaan. Mayroon itong 119 na mga co-author at mga Kongresistang nagpayahag ng suporta. Kasama rin sa orihinal na bersyon ng HB 53 ang pagtugon sa mga hiling na impormasyon ng ordinaryong mamamayan hinggil sa mga bagay na may patungkol sa pamamahalaan kagaya ng mga kontrata, utang, budget, pork barrel ng mambabatas, atbp. Ang potensyal ng panukalang batas na ito na bawasan ang katiwalian sa pamahalaan, maging katuwang ang ordinaryong mamamayan sa pagsulong ng kaunlaran, at ang pagbibigay sa kanila ng tunay na kapangyarihan ay sadyang napakalaki. Subalit mahirap itong itulak sa Kongreso dahil ang sapilitang pagsasapubliko pa lamang ng SALN ay nagpapataas na kaagad ng balahibo ng ilang nasa lehislatura. Pero sige lang, tuloy ang laban ni Kong. Erin para dito sa loob man o sa labas ng Kongreso.

Page 6: Ulat sa Bayan ni Deputy Speaker Erin Tañada

ULAT SA BAYAN NI DEPUTY SPEAKER ERIN TAÑADA 6

UNANG TERMINO (2004 - 2007)

• RA 9346 - Repeal ng Death Penalty Law • RA 9500 - Charter ng UP • RA 9502 - Batas ng Pagpapamura ng Gamot (Ka-akda) • RA 9513 - Renewable Energy Law • RA 9495 - Pagtatatag ng Quezon del Sur

IKALAWANG TERMINO (2007 - 2010) • RA 9640 - Pagpapababa ng Amusement Tax para sa Lokal

na Industriya ng Pelikula • RA 9700 - Pagpapalawig ng Programang Repormang

Agraryo (CARP) hanggang June 2014 • RA 9745 - Pagpaparusa sa Nagto-torture (Anti-Torture Act) • RA 9851 - Pagpapataw ng Parusa sa mga Krimen laban sa

International Humanitarian Law • RA 9903 - Pagpapatawad sa mga penalties sa hindi kaagad

pagbabayad ng Kontribusyon sa SSS

IKATLONG TERMINO (2010 - 2013)

• RA 10174 -Paghahanda sa mga Komunidad sa Panganib ng Pagbabago ng Klima o “People's Survival Fund”

• RA 10350 - Pagpaparusa sa Biglang Pagkawala o Pagdukot ng Tao o ang tinatawag na “Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act”

• RA 10368 - Human Rights Recognition and Reparation Act of 2013

Pahabol: Malapit nang mapirmahan para maging batas ang HB 6846 na nagtatayo ng dalawa pang sangay ng Regional Trial Court sa Gumaca [An Act Creating Two (2) Additional Branches of the RTC to be stationed in Gumaca...].

MGA BATAS NA AKDA NI

DEPUTY SPEAKER

ERIN

Page 7: Ulat sa Bayan ni Deputy Speaker Erin Tañada

ULAT SA BAYAN NI DEPUTY SPEAKER ERIN TAÑADA 7

Isa sa pinakamahirap para sa isang halal na Kinatawan ng kanyang mga kababayan sa Kongreso ay ang pagharap sa realidad na may mga pagkakataong ang pagdedesisyon kung paano siya boboto ay hindi simple. Naandiyan ang banta ng pagkawala ng suporta ng isang partikular na sektor-- halimbawa, grupo ng mga relihiyoso o dili kaya ay mga malalaking multinational na gustong walang habas na lamang na pagmimina ang mangyari sa ating bansa. Subalit katiting lang ito sa mas malaking banta mula mismo sa nakaupo sa Malacañang na hindi lalabas ang kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel kapag hindi bumoto ayon sa pagnanais ng Pangulo noon. Gayunpaman, makikita ang maprinsipyong paggampan ni Kong. Erin sa kanyang gawain lalo't higit noong una niyang termino, na kung saan dalawang beses siyang bumoto upang i-impeach at maharap sa paglilitis sa Senado si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo para sa mga anomalyang kinasangkutan niya. Masinsin na pagkonsulta at pagpapaliwanag na ginawa ni Kong. Erin sa mga mamamayan ng Ika-Apat na Distrito at itinanong kung ano ang gusto nila, PROYEKTO o PRINSIPYO? Mariin naman silang sumagot na tama ang kanyang naging paninindigang hindi dapat ipagpalit sa kahit anumang halaga ng proyektong maaaring dumating sa Distrito ang matibay na prinsipyo na dapat ay managot ang mga sinasabing lingkod-bayang halal ng mamamayan sa kanilang mga aksyon kahit gaano man kababa o kataas sila sa panunungkulan sa pamahalaan. Iyan po ang prinsipyong Tañada na hindi natin maaaring tawaran sa kahit ano mang panahon. Sa kabila ng mga hamon ay nagsumikap si Kong. Erin na makapagdala ng makabuluhang mga proyekto at serbisyo sa Distrito. Paumanhin sa dami ng istadistika subalit ito na po ang buod ng ulat natin para sa ating Distrito sa loob ng siyam na taong TAPAT na paglilingkod.

Kontribusyon mula kina Lito Decepida (District Political Officer), Liza Cordez (District Secretary), Flor Oliveros (Scholarships Program Head), at Joyce Triol (Head Executive Assistant)

GAWAING DISTRITO

TAPAT AT MAY PRINSIPYONG SERBISYO – 2004-2013

GAWAING

Page 8: Ulat sa Bayan ni Deputy Speaker Erin Tañada

ULAT SA BAYAN NI DEPUTY SPEAKER ERIN TAÑADA 8 Pagbibigay-diin sa Kalusugan at Kawang-gawa Hindi po natin maikakaila, batay sa mga alokasyon ng pondo ni Kong. Erin, na napakahalagang bahagi ng kanyang programa sa Distrito ay ang pangangalaga ng kalusugan ng ating mga mamamayan. At ang partikular na pinagtutuunan pa niya ng pansin ay ang mga kababaihan, mga bata, at mga senior citizen. Hindi lang mga simpleng medical mission ang mga inilunsad niya. Sa pagsusumikap ng kanyang walang pagod na ina, si Nanay Zeny Tañada at sa pakikipagtulungan niya kina Dra. Tullas ng Gumaca District Hospital at Dr. Imperial ng Doña Marta District Hospital, at kasama ang mahuhusay na mga doctor-surgeons at anesthesiologists mula sa UP-PGH/Pahinungod at ibang bansa gaya ng Netherlands, 582 surgical patients ang naoperahan nila para sa kanilang katarata, myoma, thyroid, hernia, at cysts. Hindi na nila kailangan pang lumuwas ng Maynila upang magpa-opera. Bukod pa roon, libre ang kanilang pagpapa-opera. Ang tangi lang nilang ginastos ay konting halaga para sa work-up upang mabigyan ng clearance ng doktor kung pwede nga silang ma-operahan.

SUMMARY OF SURGICAL PATIENTS

Petsa Bilang ng Pasyente

Saan Ginawa Klase ng Operasyon

November 7-11, 2007

21 Doña Marta District Hospital

Myoma, Thyroid, Hernia, Cysts

February 20-24, 2008

76 Gumaca District Hospital

Myoma, Thyroid, Hernia, Cysts

August 20-24, 2009

28 Doña Marta District Hospital

Cataract

September 3-5, 2010

45 Gumaca District Hospital

Cataract

August 10-14, 2011

115 Gumaca District Hospital

Thyroid, Hernia, Cyst

August 16-19, 2011

21 Maria Eleazar District Hospital

Cataract

March 21-24, 2012

157 Gumaca District Hospital

Myoma, Thyroid, Hernia, Cysts

Sept. 27 - Oct. 1, 2012

89 Doña Marta District Hospital

Myoma, Thyroid, Hernia, Cysts

October 13-14, 2012

30 Doña Marta District Hospital

Hernia, Myoma

Total 582

Mahigit P23 milyon ang inilaan ni Kong. Erin sa iba’t ibang ospital sa Kamaynilaan gaya ng Philippine General Hospital, National Kidney and Transplant Institute, Heart Center, at Philippine Children’s Medical Center, kasama na ang mga ospital sa ating Distrito upang mabigyan ng tulong ang mga maysakit nating kababayan. Bukod pa rito ang 11,120 PhilHealth cards na naipamahagi na nagkakahalaga ng P14.35 milyon. Nagpamahagi din siya ng 1,326 na kagamitang pangkuha ng blood pressure at nebulizers sa ating mga barangay health workers. Naglagay din si Kong. Erin ng P19.4 milyon sa Department of Social Welfare and Devlopment (DSWD) upang bigyan ng kagyat na tulong ang mga nangangailangan ng tulong pinansyal para sa pag-aaral, pagpapagamot, transportasyon, mga namatayan, nasunugan at iba pa. Dekalidad na Edukasyong

Karapatan ng Mamamayan Hindi nawawala sa programa ng mga Tañada ang Teacher-Training Program tuwing summer break maliban na lamang kung taon ng eleksyon. Sinasanay sila sa mga bagong pamamaraan ng pagtuturo ng mga konsepto at teorya sa Matematika, Agham, at Ingles. Bukod dito ay may mga diskusyon at workshop pa hingil sa karapatang pantao at nasyonalismo upang mai-angkop ang kanilang pagtuturo sa mahahalagang mga prinsipyong ito na itinutulak ng mga Tañada. Nitong 2012, idinagdag ni Kong. Erin ang training upang mapaghandaan ang K to 12 program ng ating school principals, administrators, at teachers.

Programa Bilang ng Nakinabang Perang Inilaan

Teacher Training sa Philippine Normal University

489 P 8.25 milyon

CHED Scholarships 1,704 P 9.7 0 milyon

TESDA Scholarships 520 P 2.05 milyon

High School Valedictorians and Salutatorian Scholarships

314 P0.35 milyon

School Buildings/Classrooms

132 school buildings/classrooms

P56.50 milyon

Computers Distribution 131 naipamahagi P 6.0 milyon

Kabuuan para sa Edukasyon

P82.85 milyon

Page 9: Ulat sa Bayan ni Deputy Speaker Erin Tañada

ULAT SA BAYAN NI DEPUTY SPEAKER ERIN TAÑADA 9

Pagpapaunlad ng Agrikultura at Pangisdaan Inumpisahan ni Kong. Erin ang kanyang termino sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasanayan sa mga magsasaka sa kaalamang SRI o ang tinatawag na system of rice intensification. Sa katunayan, kagaya ng teacher-training, ito ay programang minana niya kay Ka Bobby noong ito ay naging Kinatawan ng Ika-Apat na Distrito ng Quezon. Ang SRI ay isang pamamaraan ng pagtatanim ng palay na hindi nagiging masyadong pala-asa sa tubig ang palay. Mas kaunti ang binhing kailangang gamitin para rito. Maiging organikong pataba at pestisidyo ang ilalapat sa pananim, kaya makakatipid ang magsasaka sa gastusin sa produksyon. Noong dumating na ang banta ng climate change partikular noong kanyang ikalawang termino, nagsama ng eksperto mula sa PAGASA si Kong. Erin sa kaniyang Farmers’ at Fisherfolks’ Day upang magbigay-kaalaman sa ating mga magsasaka at mangingisda kung paano haharapin ang hamon ng pagbabago ng klima. May mga inilunsad ding trainings para sa vermiculture, pagpapalaki ng kabute, at pagsasaayos ng pangisdaan ang kanyang tanggapan. Kasabay pa rin nito ang regular niyang pamamahagi ng mga pananim, binhi, handtractors, threshers, patrol boats para sa bantay-dagat, sibiran at iba pa.

Sibiran 78

Knapsacks 168

Handtractors 118

Kalabaw 79

Kambing 246

Baka 1

Threshers 24

Jetmatic 172

Power sprayers 6

Shredders 5

Corn shellers 4

Fruit-bearing tree seedlings Napakarami!

Programang Pangkabuhayan at Pangangalaga sa Kalikasan Marami ang naging programang pangkabuhayan para sa mga kababaihan, Muslim, at mga magsasaka at mangingisda na isinagawa ang tanggapan ni Kong. Erin. Laking tuwa nila na hindi lamang training, pag-uwi nila ay may uwi na silang baong gamit upang maumpisahan ang kanilang munting negosyo. Ilan sa mga ipinabaon sa kanila ay gamit sa parlor gaya ng gunting, suklay, at pang-make-up; gamit sa pagkakarpintero gaya ng martilyo at lagari; gamit pagmemekaniko gaya ng screw driver, pliers, atbp. May mga 30 pedicabs ding naipamahagi si Cong. Erin. Kasabay nito ay hinamon sila ni Kong. Erin na patuloy pangalagaan ang kalikasan sa Distrito. Pinamunuan niya ang tree-planting at mangrove rehabilitation project para madagdagan ang mga bakawan sa Guinayangan.

Page 10: Ulat sa Bayan ni Deputy Speaker Erin Tañada

ULAT SA BAYAN NI DEPUTY SPEAKER ERIN TAÑADA 10

Katahimikan at Kaligtasan Naglaan din ng karampatang kagamitan at pondo si Kong. Erin para sa kapayapaan sa mga bayan ng ating Distrito. Bukod sa tanod uniforms, namahagi rin ang tanggapan ni Kong. Erin ng mga flashlights at iba pang gamit para sa katahimikan ng kapaligiran at kaligtasan ng mga mamamayan.

Brgy. Tanod Uniforms 7,343

Multicab 26

Patrol Jeep 2

Imprastrukturang Napakikinabangan Sadya namang hindi mawawala ang programang imprastruktura sa kahit anong distrito ng ating bayan. Inaamin naming malaking bagay ngayong kasama si Kong. Erin sa Administrasyong tumatahak sa Matuwid na Daang kaya bumubuhos ang proyekto nitong kanyang huling termino. Kumbaga, kung naging tagtuyot tayo noong panahon ni Pangulong GMA, kahit papaano naman ay nauulanan na tayo, hindi lang ng ambon ng proyekto ngayong tayo ay kaagapay ni PNoy.

Multipurpose Bldgs P133,345,000.00

Roads 257,455,499.00

Flood Control 42,600,000.00

Bridges 19,660,000.00

Electrification 15,350,172.67

Water/Spring 31,850,305.00

Irrigation/SWIP 39,400,000.00

Hospitals/Clinics 3,250,000.00

Ports 13,500,000.00

Market 450,000.00

Total P556,860,976.67

Isa na marahil sa mga pinakahihintay ng ating mga kababayan lalo na sa

Guinayangan at Calauag ay ang P17.2 milyong proyekto upang isaayos ang “kumunoy” na kalsada sa Calauag na maya’t-maya ay nasisira sapagkat may tubig sa ilalim ng pundasyon nito. Ginawan na ng mala-diversion na kalsada ni Kong. Erin ito upang hindi na maya’t maya ay nasisira ang kalsada at naaalikabukan ang mga residente sa paligid nito.

Page 11: Ulat sa Bayan ni Deputy Speaker Erin Tañada

ULAT SA BAYAN NI DEPUTY SPEAKER ERIN TAÑADA 11

Mga kababayan, sa kabuuan po, sa loob ng siyam na taon ng TAPAT na paglilingkod, P1.754 bilyong proyektong imprastruktura ang nadala ni Deputy Speaker Erin Tañada sa ating Distrito! Nararapat lamang na mapagpatuloy pa ito nang umunlad ang buhay ng mga mamamayan ng ating mga bayan.

INFRASTRUCTURE PROJECTS 2004-2013

Page 12: Ulat sa Bayan ni Deputy Speaker Erin Tañada

ULAT SA BAYAN NI DEPUTY SPEAKER ERIN TAÑADA 12

Spillway, Brgy. Mangalayan Labak, Atimonan

Hanging Bridge, Brgy. Talingting, Upper Calauag BUWIS NG MAMAMAYAN, PROYEKTO PARA SA BAYAN!

Silid-aralan sa Jongo Elementary School, Lopez

Tabason National High School Pavement and Barangay Road, Tagkawayan

Page 13: Ulat sa Bayan ni Deputy Speaker Erin Tañada

ULAT SA BAYAN NI DEPUTY SPEAKER ERIN TAÑADA 13

Irigasyon sa Brgy. Bambam, Gumaca

Simbahan sa Brgy. Villa Nava, Gumaca

Pavement sa Brgy. Tabing Tagat, Gumaca

Coconut Nursery sa Brgy. Tagkawa, Quezon

Preventive maintenance sa Plaridel

Page 14: Ulat sa Bayan ni Deputy Speaker Erin Tañada

ULAT SA BAYAN NI DEPUTY SPEAKER ERIN TAÑADA 14

Mga Proyektong Imprastruktura sa Perez

Page 15: Ulat sa Bayan ni Deputy Speaker Erin Tañada

ULAT SA BAYAN NI DEPUTY SPEAKER ERIN TAÑADA 15

Mga proyekto sa Alabat: multi-purpose pavement, improvement of multi-purpose building, farm-to-market road, day care center, at tulay

Page 16: Ulat sa Bayan ni Deputy Speaker Erin Tañada

ULAT SA BAYAN NI DEPUTY SPEAKER ERIN TAÑADA 16

MGA MAMAMAYAN NG IKA-APAT NA DISTRITO, MARAMING SALAMAT SA PAGKAKATAONG

IBINIGAY NINYO SA AKIN UPANG MAKAPAGLINGKOD! – KONG. ERIN TAÑADA