unang araw para sa unang aralin

14
Unang Araw Magsimula na tayong maglakbay sa Timog-Silangang Asya at sabay nating pag-aralan ang ilan sa kanilang panitikan na may malaking impluwensiya rin sa uri ng panitikan na mayroon tayo ngayon. Aalamin natin kung paano naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling kuwento.

Upload: benchhood

Post on 21-Jun-2015

587 views

Category:

Education


8 download

DESCRIPTION

Unang Araw Para Sa Unang Aralin Grade 9

TRANSCRIPT

Page 1: Unang araw para sa unang aralin

Unang ArawMagsimula na tayong maglakbay sa Timog-Silangang Asya at sabay nating pag-aralan ang ilan sa kanilang panitikan na may malaking impluwensiya rin sa uri ng panitikan na mayroon tayo ngayon.

Aalamin natin kung paano naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling kuwento.

Page 2: Unang araw para sa unang aralin

Layunin:1. Nasusuri ang mga pangyayari, at ang

kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa napakinggang akda.

A. Panitikan: Maikling Kuwentong

Makabanghay

(Ito’y kuwento batay sa text message na ipinadala kay Dr. Romulo N. Peralta. Sa kaniyang muling pagsasalaysay, ang pangalan at ilang mga pangyayari ay pwawang mga kathang-isip lamang.)

Paksa:

“Nang Minsang Naligaw si Adrian”

Page 3: Unang araw para sa unang aralin

Sa sumusunod na gawain, tutuklasin natin kung may alam na kayo sa pagkakaiba ng kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng kuwento.

Panimulang Gawain:

A. Tuklasin

Makikinig kayo ng isang kuwentong babasahin ng guro.

Matapos mapakinggan ay gawin ninyo ang unang gawain.

Page 4: Unang araw para sa unang aralin

“Nang Minsang Naligaw si Adrian”

Gawain 1:

Yugto-yugtong Pagbuo

Ilahad ang kuwentong napakinggan sa pamamagitan ng yugto-yugtong pagbuo.

Page 5: Unang araw para sa unang aralin

Istratehiya:

Epesodic Organizer

Kaugnay na mga pangyayari

Kaugnay na mga pangyayari

Kaugnay na mga pangyayari

SIMULA

GITNA

WAKAS Kaugnay na mga pangyayari

Page 6: Unang araw para sa unang aralin

Sagutin ang mga gabay na tanong:1. Saan ang tagpuan ng kuwento?

2. Sa anong panahon naganap ang kuwento?3. Paano nagsimula ang kuwento?

4. Ano ang naging suliranin/tunggalian ng kuwento?5. Saang bahagi ang kasukdulan?

6. Ipaliwanag. Paano nagtapos ang kuwento?

Page 7: Unang araw para sa unang aralin

GAWAIN 2. Fist of Five

Gawin natin ang Fist of Five. Ipakikita ang bilang ng mga daliri ayon sa katumbas nitong antas ng pagkaunawa o pagkatuto – 5 daliri alam na alam na at kayang ipaliwanag sa iba; 4 daliri nagagawa nang ipaliwanag mag-isa; 3 daliri kailangan pa ng tulong sa pagpapaliwanag; 2 daliri kailangan pang magpraktis, at 1 daliri nagsisimula pa lamang matuto.

Page 8: Unang araw para sa unang aralin

Ang iyong pulso sa:

naipaliliwanag ko ang katuturan ng maikling kuwento napag-iiba-iba ko ang iba’t ibang uri ng kuwento naiisa-isa ko ang mga elemento ng maikling kuwento napagsusunod-sunod ko ang mga pangyayari sa isang kuwento nasusuri ko ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan

Page 9: Unang araw para sa unang aralin

nakabubuo ako ng sariling paghahatol o pagmama- tuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda nabibigyang-kahulugan ko ang mga pahiwatig na ginamit sa maikling kuwento

napaghahambing ko ang mga piling pangyayari sa napanood na dula o telenobela sa kasalukuyang lipunan at sa kuwentong tinalakay, nasusuri ang isang kuwentong makabanghay batay sa mga proseso sa paglikha nito

Page 10: Unang araw para sa unang aralin

naisasalaysay ko nang may pagkakasunod ng mga pangyayari ng isang maikling kuwentong maka- banghay at nagagamit ko nang wasto ang mga kataga o pahayag na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

Page 11: Unang araw para sa unang aralin

Subukin n’yong muli. Basahin ang kasunod na kuwento at ilahad n’yo ito gamit rin ang yugto-yugtong pagbuo.

Basahin at suriin ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa “Ang Ama” mula sa Singapore upang malaman n’yo kung paano ba naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng kuwento.

B. Linangin:

Page 12: Unang araw para sa unang aralin

GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan

Bigyang-kahulugan ang mga sinalungguhitang pahayag ayon sa pahiwatig nito sa pangungusap.

1. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi.

2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito.

Page 13: Unang araw para sa unang aralin

3. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata’y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makinis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.

4. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito’y nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito’y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas.

Page 14: Unang araw para sa unang aralin

5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kaniyang amo, isang matigas na loob pero mabait na tao, na noon di’y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak.

6. Mula sa kaniyang awa, sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata.