unang digmaan pandaigdig

29
Ikaunang Digmaang Pandaig dig

Upload: janet-david

Post on 02-Jun-2015

35.609 views

Category:

Documents


33 download

TRANSCRIPT

Ikaunang Digmaang

Pandaigdig

Ang Unang Digmaang Pandaigdig o Unang Pandaigdigang Digmaan (Inggles:World War I / "WWI" o First World War) ay isang malawakang digmaang pandaigdig na naganap noong mga taong 1914 hanggang 1918.

Sa mga sumunod na linggo'y nasuong na sa digmaan ang mga nangungunang bansa sa Europa, kasama ng kani-kanilang mga kolonya, at ang tunggalia'y kagyat na lumaganap sa buong mundo.

Sa kabila nito'y ipinagpatuloy ng Sandatahang Pranses ang pakikibaka hanggang sa tuluyang mapipilan at lagdaan ang Tratado ng Frankfurt. Dito nagwakas ang Ikalawang Imperyong Pranses na pinalitan ng Ikatlong Republikang Pranses. Samantala, itinatag naman angImperyong Aleman nang mapag-isa ang dating magkakahiwalay at maliliit na mga estadong Aleman sa ilalim ng pamumuno ng Prusya kung saan itinalagang emperador si Wilhelm II at si Otto von Bismarck bilang kansilyer.

Napasa-kontrol ng bagong tatag na imperyo ang Alsace at Lorraine, mga teritoryong Pranses, ayon sa itinadhana ng kasunduan. Mula noo'y umunlad ng gayon na lamang ang ekonomiya't industriya ng Alemanya hanggang sa makipagpaligsahan ito sa Britanya sa pagpaparami't pagpapalakas ng sandatang pandagat lalo na nang ilunsad nitong huli ang HMS Dreadnought, isang makabagong uri ng barkong pandigma. Ang mga Pranses naman, sa kabilang banda, ay desidido na muling mabawi ang Alsace at Lorraine mula sa mga Aleman.

Noon namang 1912 ay sumiklab ang isang digmaan sa Rehiyong Balkan nang salakayin ng Ligang Balkan na kinabibilangan ng Bulgarya, Gresya, Montenegro at Serbiya ang Imperyong Otomano na dating nakasasakop sa kanila. Sa isinagawang pagsalakay ay napasakamay ng liga ang mga nalalabing kolonya ng Imperyong Otomano sa Europa ngunit kalauna'y namuo ang sigalutan nang di magustuhan ng Bulgarya ang ginawang paghahati-hati ng liga sa mga teritoryo ng Masedonya.

Kaguluhan sa Rehiyong Balkan

Dalawang taon matapos ang Digmaang Prangko-Pruso, isang alyansa sa pagitan ng Alemanya, Austria-Unggarya at Rusya ang itinatag sa pangunguna ng una, na tinaguriang Liga ng Tatlong Emperador, subalit hindi nagtagal nang mamuo ang alitan sa pagitan ng Austria-Unggarya at Rusya ukol sa usapin saRehiyong Balkan. Dahil dito, noong 1879 ay bumuo ng sariling alyansa ang Alemanya't Austria-Unggarya na tinaguriang Dalawahang Alyansa. Pagsapit naman ng 1882 ay sumali ang Italya sa alyansa. Magmula noong taon iyon, ang samahan ng Alemanya, Austria-Unggarya at Italya ay tinawag na Tatluhang Alyansa.

Mga alyansa

Bago pa man nagsimula ang digmaan, mayroon ng mga krusero (isang uri ng barkong pandigma) ang Alemanya na nakakalat sa buong mundo na nagsasagawa ng mga pag-atake sa mga barkong pangalakal ng Alyadong Puwersa. Nang sumiklab ang digmaan, sinimulan ng Maharlikang Hukbong Dagatng Imperyong Briton ang pagtugis sa mga kruserong ito. Sa kabilang banda, isang kruserong Aleman na nagngangalang SMS Emden ang nakapagpalubog ng isang kruserong Ruso, isang distroyer ng mga Pranses at iba pang 15 barkong pangalakal ng Alyadong Puwersa

Digmaan sa Dagat

SMS Emden

Noon 7 Mayo 1915, isang pampasaherong barko ng Britanya, ang RMS Lusitania, na nagdadala ng 1 959 katao at ilang armas ang lumubog matapos tamaan ng torpido mula sa SM U-20, isang U-boat. 1 198 pasahero ng nasabing barko ang namatay sa nasabing pag-atake. Nagprotesta ang Estados Unidos laban sa pagpapalubog ng RMS Lusitania sapagkat 128 sa mga pasaherong namatay ay mga Amerikano. Nangako naman ang Alemanya na hindi na muling magsasagawa ng anumang pag-atake ang kanyang mga U-boat laban sa mga pampasaherong barko

RMS Lusitania

SM U-20

U-Boat

Noon namang 31 Mayo hanggang 1 Hunyo 1916 nagsagupa ang kapwa naglalakihang barkong pandigma ng Alemanya't Britanya sa Labanan ng Jutlandmalapit sa Dinamarka. Itinuturing ito bilang isa sa mga malalaking sagupaan sa dagat na naganap sa kasaysayan. Ang labanan na pinangunahan nina Bise Almirante Reinhard Scheer ng Plotang Aleman at Almirante Sir John Jellicoe ng Plotang Briton ay nakapagdulot ng malaking pinsala sa panig ng mga Briton bagaman nagawa nilang mapanatili ang dominansya sa Dagat Hilaga hanggang sa katapus-tapusan ng digmaan.

 Almirante Sir John Jellicoe

Bise Almirante Reinhard

Isa sa mga naging epekto ng digmaan ay ang paglawak ng kapangyarihan at responsibilidad ng mga nagwaging bansa partikular na ang Gran Britanya, ang Pransya at Estados Unidos. Kakambal nito ang pagtatatag ng mga panibagong pamahalaan at paghahalal ng iba't ibang opisyal. Binago rin ang pamamalakad sa paniningil ng buwis upang matugunan nito ang lumalaking pangangailangan ng bawat bansa. Dumanas ng paghihirap ang Alemanya't Austria-Unggarya bunga ng pagkatalo nito sa digmaan.

Epekto ng Digmaan sa Ekonomiya

Sa pagtatapos ng digmaan ay apat ng kapangyarihang imperyal ang nalusaw: ang mga Imperyong Aleman, Ruso, Austro-Unggaryo atOtomano. Ganap na nagwakas ang huling dalawang imperyong nabanggit at umusbong naman muli sa labi ng Imperyong Ruso ang Unyong Sobyet, samantalang lumitaw naman sa Silangang Europa ang ilang mga bagong bansa. Nabuo ang Liga ng mga Bansa sa pag-asang mapipipilan nito ang anumang tunggaliang maaaring maganap sa mundo. Ang kinahinatnan ng digmaan, gaya ng mga probisyong itinadhana ng Tratado ng Versailles, ang mga nakalulunos na ibinunga ng Dakilang Kapanglawan, ang nasyonalismo sa Europa, at ang muling paglakas ng Alemanya ang siyang naging dahilan upang muling sumiklab ang isa pang pandaigdigang digmaan pagsapit nang 1939

Pagtatapos ng Ikaunang Digmaang Pandaigdig

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

(WORLD WAR II)

Adolf Hitler, Führer ng Germany Noong mga 1930, sinimulan ng mga

pinunong militar ng Hapon ang pananakop sa mga bahagi ng Tsina at iba pang bansang Asyano. Nasakop ng Hapon ang Manchurianoong 1931. Nang malaman ito ng League of Nations, umalis ang Hapon at lumawak ang imperyo sa labas ng bansa.

Ang Alemanya ay napasakamay ng partidong Nazis noong 1933. Ang kanilang pinuno ay si Adolf Hitler. Sinisi niya ang mga suliranin ng Alemanya sa mga Jews. Sunod-sunod ang mga pakikipag-ugnayan niya sa mga karatig bansa, partikular ang bansang Italya na nasa ilalim ng pamumuno ni Benito Mussolini sa ilalim ng Batas Militar.

Pagsikat ng mga Diktador

Watawat ng Alemanyang Nazi Idinagdag ni Adolf Hitler sa Alemanyang Nazi ang mga bahagi ng 

Awstriya at Sudetenland, isang lugar sa Tseka. Nakipagsunduan rin siya kay Joseph Stalin para magtulungan at di magdeklara ng digmaan sa bawat isa. Madaling sinakop ng Alemanya ang Polonya, sa tulong ng Unyong Sobyet noong Setyembre 1,1939, nagdeklara ng digmaan ang Britanya at Pransya. Ang uri ng digmaang ito ay tinawag na ''blitzkrieg'' o digmaang kidlat dahil sa bilis nito. Ang Dinamarka, Noruwega, Belhika, Olanda, atPransya ay bumagsak sa kamay ng blitzkrieg.

Digmaan sa Europa

Watawat ng Alemanyang Nazi

Sumiklab din ang digmaan sa Pilipinas at sa Asya. Dulot ito ng pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii, sinunod ang Malaya (Malaysia at Singapore sa ngayon), mga lalawigan sa Pilipinas at iba pa noong Disyembre 3, 1942.

Digmaan sa Asya

. Inutos ni Franklin D. Roosevelt ang pagdedeklara ng giyera sa bansang Hapon, ngunit nagdeklara din ang Alemanya at Italya ng giyera laban sa Estados Unidos. Idineklara ni Hen. McArthur bilang Open City ang Maynila ngunit hindi ito isinunod ng Hapon at itinuloy pa rin nila ang pag-atake

Franklin D. Roosevelt

Hen. Douglas McArthur

. Dahil sa palala na ang kundisyon ng Pilipinas, ang Pamahalaang Komonwelt niManuel L. Quezon ay inilikas mula Malinta Tunnel sa Corregidor patungo sa Washington D.C., Estados Unidos at iniwan ang pamamahala kay Jose P.Laurel at Jorge Vargas. Humirap ang kondisyon ng bansa, malakas na umatake ang mga Hapones sa pamumuno ni Masaharu Homma, dahil dito humina ang pwersang USAFFE at tuluyang isinuko ang Corregidor at Bataan na pinamumunuan nina Hen. King at Hen. Wainwright.

Masaharu Homma

Ipinahayag ni McArthur na ang Maynila ay isang "open city" noong December 22,1941 upang mailigtas ang maynila sa ganap na pagkasira,pero hindi ito iginalang nang mga hapones binombahan nang mga hapones ang maynila noong December 27, 1941.

Ang Labanan sa Corregidor ay ang kulminasyon ng kampanya ng mga Hapones para sa mga pananakop sa Pilipinas. Ang pagbagsak ng Bataan noong Enero 9, 1942, na tila ng lahat ng magtatag ng paglaban sa tabi ng Dulong Silangan sa Pwersang Hukbong Katihan ng Estados Unidos (United States Army Forces in the Far East) sa mga paglusob ng pwersa ng mga Hapon sa hilagang Pilipinas. Ang pulong bassyon ng Corregidor, kasabay na ito ng lambat-lambat ng tubong daanan at kakilakilabot ng ayos sa pakikipaglaban ng ukol sa pagsasanggalang o pagtatanggol ng mga kasangkapang panglaban, sa hinabahaba ng kasama ang katibayan sa kabila ang pasukan sa Look ng Maynila, ay ang manatili sa Ika 14 ng Hukbong Katihan ng Imperyong Hapon ng dating Tenyente Heneral na siMasaharu Homma.

Ang mga Hapones na mayroon para sa dumampot ng Corregidor; bilang matagal na kung paano ang pulong matira sa kamay ng mga Amerikano at Pilipino, sila ng dignidad ng magiging tatuwa ang gumamit sa Look ng Maynila, ang multahan ng likas ng kanlungan sa dulong silangan. Noong 1945 ang pagkuha ng pagpapalaya ng nadakpin muli na ang pulo sa Corregidor sa pagitan ng pwersang pagpapalaya ng mga Amerikano at Pilipinong sundalo na silang kalabanin muli ng pwersa ng imperyong Hapon.

Sinimulang bombahin ng mga Amerikano ang kuta ng mga Hapones sa Davao noong Agosto 9, 1944 at sinundan naman ito ng paglunsad ng mga sundalong Amerikano sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Pinamunuan ito nina Heneral Douglas McArthur at Pangulong Sergio Osmeña, ang pumalit kay Quezon na namatay sa Saranak Lake, New York noong Agosto 1, 1944. Tinupad ni McArthur ang pangakong pagbabalik sa Pilipinas at hinikayat niya ang mga Pilipino na muling makipaglaban sa mga kaaway.

Paglaya ng Pilipinas

Sa Maynila naman ay umurong ang mga Hapones na pinamumunuan ni Hen. Tomoyuki Yamashita sa pook na ngayon ay kilala sa tawag na Yamashita Lines sa Sierra Madre. Tumigil sila roon hanggang nang sumuko si Yamashita noong Setyembre 3, 1945.

Thanks For

watching!

The End